kwentong malibog,kwentong kalibugan,macho,cute pinoy,pinoy indie film,indie film,gay indie film,m2m love story,kwento ng pagibig ng lalake sa lalake,bisexuals,gay,bear,bromance
Untitled Love Story (Part-1)
By: MrCurlyPasig
Ang kwentong ito ay hango sa totoong buhay at pangyayari tungkol sa dalawang callboy na hindi inaakalang magkakaroon sila ng parte sa bawat isa kahit parehong masalimuot ang mundong ginagalawan. Dalawang taong gipit sa salapi at handang kumapit sa patalim dahil sa kanilang pangangailangan ngunit hindi inaasahan na parehas silang pagtatagpuin ng tadhana.
Halika't ibabahagi ko ang buhay ko ng makilala ko si Yael.
Ako si Coby. Napilitan akong pumasok sa mundong hindi ko iniisip na kailanman ay gagawin ko nung 19 yrs old pa ko. 3rd yr college na ako noon ng nagkaproblema ang aking ama sa pinapasukang trabaho. Ang ama ko at iba pa nyang kasamahan sa trabaho ay iniipit ng kanilang amo sa kasalanang hindi naman nila ginawa. Hindi na masyado ito naipaliwanag sakin ng papa ko kung anumang gulo ang napasukan nya. Sa takot nya na makulong, napilitang magdesisyon umuwi ng aking mga magulang at doon na lang manirahan sa aming probinsya. Iniisip na lang nila na mas mabuti magtago na lamang dahil sa kakulangan ng pera.
Hindi ako sumang-ayon na sumama sa probinsya sa kagustuhan kong makapagtapos ng kolehiyo. Idinahilan ko na magstay sa bahay namin sa Sta. Mesa at ipagpatuloy ang pagaaral sa PUP. Kinatwiran ko na sayang naman kung isusuko ko ang pag aaral at mababa naman ang tuition fee.
Ibinilin ako sa aking tita. Ang tanging pinagkukuhan ng pera ng pamilya namin ay ang pagpapaupa sa 2 kwarto ngunit ito'y hindi sapat para masustentuhan ang aking pagaaral at panggastos ng pamilya ko sa probinsya.
Dito ako nagsimula umisip na kumapit sa patalim. Nagsimula ako sa pagchachat online. Nagawa ko rin mag cyber sex at binabayaran ng mga taga ibang bansa. Ngunit hindi ito naging sapat dahil bihira akong makahanap ng mga customer. Dumating sa punto na nakikipagmeet ako sa customer na mga bakla at nakikipagtalik sa kanila. Sa una akala ko hindi ko kakayanin ang ganitong sitwasyon pero di kalaunan may kakaibang kaadikan ang dinala nito sakin.
Sa ganitong paraan nakilala ko si Dadton, isang separado sa kanyang asawa at may mga anak ngunit may tinatagong kabaklaan. Dito ko rin nakilala si Steve, taga US. He is a gay at may edad na rin ngunit walang asawa.
Si Steve ay umuwi ng Pinas para sa kanyang boyfriend na isang teacher sa pribadong school sa Pampanga at sa kagustuhan na ring makita ako. Ni minsan hindi nakipagcyber sex si Steve sakin at simpleng pakikipagkaibigan lang ang hanap niya. Ngunit nabigo si Steve ng umuwi sya sa Pampanga dahil sa kanyang bf. Sinabihan sya na nalaman ng nanay nya ang tungkol sa kanilang dalawa at sinabihan itong makipaghiwalay sa kanya. Ngunit dinahilan nya na papayag ang kanyang ina na ipagpatuloy ang kanilang relasyon kung lilipat sila sa isang magandang bahay sa isa sa mga village sa bayan. Sa hindi kapanipaniwalang rason ay hindi ito kinagat ni Steve at alam nya na sa simulat sapul palang ay grabe na ang gahaman ng kanyang bf sa pamemera nito sa kanya.
Dahil sa nangyari kay Steve naging close kami sa isa't isa. Nakita ni Steve ang kabutihang loob ko dahil hindi ako humihingi ng kahit ano na galing sa kanya. Sa unang pagkikita namin, ibinigay ni Steve ang pasalubong nitong tsokolate para sakin. Nagkita kami sa isang hotel malapit sa lugar namin. Naawa ako kay Steve sa nangyari sa kanya. Kahit gipit ako hindi ako nanghingi ng kahit ano kay Steve. Kumain lang kami sa isang restaurant at wala nang iba pang ginawa.
Linggo-linggo nagkikita kaming dalawa ngunit walang nangyayari sa pagitan namin. Maliban sa isang araw na nagkayayaan kaming uminom. Inamin ni Steve sa gabing yon na gusto nya ako at pinangakong pag aaralin. Tinanggap ko naman ang alok nya kahit alam ko sa sarili ko na wala akong nararamdaman para kay Steve. Simula noon ay binabyahe ko ang kalayuan mula Pampanga hanggang Sta. Mesa.
Naappreciate ko ang lahat ng ginawa ni Steve para sakin. Ganun rin naman ang hanga ni Steve dahil hindi ako humihingi ng sobra maliban sa pangtustos ng pagaaral ko. Nangako ako sa sarili na handa akong hindi iwan si Steve kahit tapos na akong mag-aral at hanggang sa kagustuhan niya. Nag-iisa na lamang si Steve sa buhay. Nasabi ko ito sa sarili ko dahil sya ang taong tumulong sakin at nagpakita ng kabutihang loob noong ako ay nasa lugmok na sitwasyon.
UNTITLED LOVE STORY (Part 2)
By: MrCurlyPasig
Hindi ko parin matakasan ang dala ng kaadikan ng nakaraan. Yung tipong hinahanap hanap ng aking
katawan. Parang hindi na pera ang nagiging dahilan ko sa pagbabalik bilang callboy. Hindi ko maipaliwanag ang dahilan kapag napapaligaya ko ang mga customer. Nagiguilty rin ako kay Steve ngunit nahihirapan akong takasan ang nakasanayan ko.
katawan. Parang hindi na pera ang nagiging dahilan ko sa pagbabalik bilang callboy. Hindi ko maipaliwanag ang dahilan kapag napapaligaya ko ang mga customer. Nagiguilty rin ako kay Steve ngunit nahihirapan akong takasan ang nakasanayan ko.
Isang araw nakatanggap ako ng text galing kay Dadton:
"Coby, sama ka sa Subic sa sabado. Celebrate natin bday ko sa isang resort dun."
"Happy Bday dad! cge ba sama ako"
"Cge sunduin kita sa Cubao txt na lang kita sa sabado ng mga 5pm."
Dumating ang Sabado at nagkita kami ni Dad. Pagsakay ko sa car nya ay may nakita akong cute na guy sa back seat. Moreno at medyo maganda ang katawan at halatang mahilig mag gym. May bigote sya na nakakapagkumpleto sa pagkagwapo nya at lalaking lalaki siyang tingnan. Meron syang nunal sa mata kaya naman nagiging kahawig nya si Piolo Pascual na may halong Sam Milby.
"Coby boy si Yael nga pla, friend ko tulad mo. Kasama natin sya sa resort. Tayong tatlo lang naman. Yael siya naman si Coby." pagpapakilala ni Dadton saming dalawa.
"Hi" simpleng ‘hi’ lang ang nasambit ko para sa kanya at nakakakilig naman na ngiti ang sagot nya sakin habang nakikipag-kamay.
Mula sa harapan na salamin, hindi ko maiwasang laging tumingin at sulyapan ang mata nya. Nagulat ako at hindi alam ang gagawin ng nahuli nya ko mula sa salamin na nakatitig sa kanya at simpleng ngiti na naman ang sinukli nya sakin. Kinuha ko ang cellphone ko at kunyari nagtetext kahit super buking na ako.
Habang nasa kahabaan kami ng byahe ay biglang hindi ko inaasahan na sumakit ang tyan ko. Inatake ako ng hyper acidity. Nagsabi ako kay Dad na tumigil sa botika na malapit para bumili ng gamot. Pagka bili ko sa botika ay ininom ko na agad ito doon ngunit ramdam ko parin ang hapdi sa tyan ko. Hawak hawak ko tyan ko nang bumalik ako sa sasakyan ngunit bigla akong nagulat ng lumabas si Yael at hinawakan ang kamay ko.
"Tol, lika dun ka na tumabi sa likod ko para makapagusap tayo at hindi mo masyado isipin ang sakit ng tyan mo."
"Ok." simpleng salita na naman ang nasabi ko para sa kanya.
Feeling ko ang tagal ng byahe namin at nararamdaman ko na ang antok. Napansin ni Yael na unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko.
"Huy Coby inaantok ka na, umidlip ka kaya muna"
"Oo nga e, pasensya ka na, maaga kasi ako nagising kaninang madaling araw tapos hindi ako nakatulog ng maayos."
"Masakit pa ba tyan mo"
"Oo mejo ramdam ko pa."
"Halika higa ka rito." alok ni Yael sabay patukoy sa hita nya.
"Sige ba.. hindi ko yan tatanggihan," sabay tawa kami ng malakas.
"Hoy kayong dalawa dyan, baka magkatuluyan kayo, pano naman ako," sabat ni Dad at sumabay sa pagtatawanan namin.
Sa pagkakahiga ko sa hita nya iba ang nararamdaman kong init. Hindi siya libog pero ito ay naging dahilan para hindi ako antukin at mapawi ang sakit ng tyan ko.
Mula sa pagkakahiga, nakikita ko ang katangusan ng ilong niya. Amoy ko rin ang pabango niya, parang nakakaadik, lalaking lalaki ang dating.
"Ilang taon ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"22 na ko." sambit niya.
Marami kaming napagkwentuhan. Pakilala niya sakin ay straight daw siya. Ginalang ko naman ang sinabi nya kahit alam ko na magaling ako umamoy kung straight ang isang tao o hindi.
"Boys bangon na jan, andito na tayo. Inom muna tayo dito sa bar bago dumeretso sa resort," sabi samin ni Dad.
Ang kanina’y papawalang sakit ng tyan ko ay tuluyan ng naglaho dahil sa sabik ko sa alak. Ang inuman na iyon ang naging isa sa mga dahilan kung pano naging makamundo ang gabi namin ni Yael.
UNTITLED LOVE STORY (Part 3)
By: MrCurlyPasig
Madilim ang bar ngunit katamtaman ang ilaw para makita mo ang mukha ng bawat tao na nasa loob. Hindi ako nagkamali at lahat ng mga tao sa bar ay mga lalaki. Halo-halo, may mga bata at may ibang nasa early 30's and 40's but they are still hot tulad ng inorder namin na sizzling sisig.
Grabe, ang hina ko talaga pag beer ang iniinom. Sanay kasi ako sa hard drink. Nakaka 4 na bote palang ako ng redhorse pero lakas na ng amats ko. Kitang-kita na sa mukha ko na namumula ako. Sabi ng mga friends ko lalo akong gumagwapo kung nakainom na. Hindi nga sila nagkakamali dahil may lumapit sakin na isang lalaki in his early 30s. Hunky at moreno pero mejo bastos makipag-usap.
Nagpunta si Yael sa CR nun at may tiningnan naman si Dad sa kotse nya kaya magisa ako sa table at walang kasama. Tumabi yung guy sakin at nagpakilalang siya si Luke. Ramp model daw sya kuno pero mukha naman talaga dahil sa tikas nya. Nilalapit nya yung bibig nya sa tenga ko at bumubulong. He said that i am hot. Medyo naiilang ako sa kanya dahil iba iba na ang lumalabas na mga salita sa bibig nya. He started saying he got a big dick and asked kung gaano kalaki yung akin. Hindi ko sya sinasagot at halatang naiilang na ko sa kakulitan nya. Kung lasing na ko mas lasing pa yata ang lalaking to.
Sa di kalayuan nakita yun ni Yael at pinagmamasdan nya ako. Inisip nya na ineentertain ko yung guy nung una pero napansin nya rin na halos naiilang na rin ako at nakukulitan. Lumapit si Yael at hinawakan nya ang kamay ko sa may table.
"Are you ok hon, ginugulo ka ba nito?" sabi ni yael na may angas na dating habang hinawakan nya ang kamay ko na nasa table para mapakita sa guy na totoo na kaming dalawa.
"Pre, wag mong taluhin tong boyfriend ko. Ano bang problema mo?" baling ni Yael sa matikas na tinig.
"Sorry, tol hindi ko alam na may boyfriend na pala sya." sabat ni Luke na parang natiklop at nahimasmasan. "Sige aalis na ko," dagdag pa nito.
Tinabihan ako ni Yael at hawak nya parin ang kamay ko. Tuloy ang pag-inom namin ng beer.
"Baka naman mawili ka sa pagkakahawak sakin nyan," banat ko sa kaniya.
"Ano ka ba? Naninigurado lang baka kasi bumalik yung gagong yun. Bakit ayaw mo ba?" sabay pakita ng pilyong ngiti pero binitawan nya na rin ang kamay ko.
"Guys halina kayo. We need to go to the resort," alok ni Dad.
"Sige mejo lasing na tong si Coby e. Tignan mo pulang pula na,” kantyaw naman ni Yael.
"Lika na nga. Adik ka talaga, hindi kasi ako tulad mong TUMADOR,” banat ko, at tawanan kaming tatlo.
Dun pa rin kami umupong dalawa ni Yael sa backseat. Nakayuko ako sa upuan na nasa harapan dahil mejo nahihilo na rin ako.
"Wag kang yumuko, mas lalo kang malalasing. Sandal ka na lang sa balikat ko kung nahihilo ka na talaga," bulong ni Yael sakin.
"Tomador ka talaga, ang dami mong alam," sambit ko habang nakasandal patagilid ang ulo sa balikat nya.
Nakaidlip ako sa balikat ni Yael at medyo natanggal na rin ang amats ko.
"Dad pabukas naman ng window, malamig naman sa labas e. saka gusto ko magyosi," sabi ni Yael.
"Oo nga dad gusto ko rin magyosi para magising-gising naman ako," dugtong ko.
"Sige boys, malakas kayo sakin eh," sagot ni Dadton
Habang nagyoyosi nararamdaman ko ang lamig ng hangin. Na-aamoy ko rin ang simoy ng dagat kaya alam ko na malapit na kami sa resort.
"Dad malapit na ba tau?" tanong ko kay Dadton
"Oo, mga 10 mins na lang nasa resort na tayo.”
After 10 minutes, nakarating na nga kami sa resort. Ang laki nito. Merong dagat at meron ding swimming pool.
"Guys pakibitbit nyo na yung mga gamit, exercise nyo na rin yan para sa laban natin mamaya," sabay tawa ni Danton.
"Yes, Boss," sabay naming sabi ni Yael at nagtawanan ng malakas habang bitbit ang mga gamit namin papuntang cottage.