PAGKAUWI ni Matt sa kanila ay tahimik lang itong dumiretso sa kanilang kwarto. "Pa, hindi ka ba muna kakain?" Pagsalubong ni Joana...
PAGKAUWI ni Matt sa kanila ay tahimik lang itong dumiretso sa kanilang kwarto. "Pa, hindi ka ba muna kakain?" Pagsalubong ni Joana. "I'm not hungry." Sabi nito. "Are you sure?" "Yeah!" Medyo napalakas ang pagkakasagot niya na kinagulat ng mga bata. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi binigyang pansin iyon ni Matt. Pumasok parin siya sa kanilang kwarto. Naghubad ng damit at pumasok sa bathroom. Naligo, tila wala sa sarili. Pagkatapos ay nagbihis at agad na humiga sa kama. Pagkapasok ni Joana sa kwarto ay nakita niyang nakapikit na si Matt. Humingan siya ng malalim. Lumapit siya dito at humalik sa pisngi ng asawa. Hindi ito kumilos pa. Tumabi na siya dito at yumakap. "I love you, Pa." Pabulong niyang sabi sa asawa. KINABUKASAN ay hindi pumasok si Matt sa kaniyang trabaho. Maghapon siyang nasa loob ng kanilang bahay. Hindi na din niya nahatid ang kaniyang mga anak sa paaralan ng mga ito. May pagkainis parin siya sa kaniyang puso. Patay malisya siya ng mga sandaling iyon pero tila nagpapakiramdaman silang mag-asawa. Hindi rin magawang tanungin ni Joana si Matt kung may problema ba ito. Hindi na muna niya ito pinansin. Kinahapunan ay kasamang lalaki si Jasmine sa pag-uwi sa bahay. Naglalaro ito sa edad na 17. Nakita niya mula rito ang binatang bersiyon ni George. Matangkad din ito. Agad niyang sinalubong ang anak. "Sino iyan?" Tanong niya sa anak. "Ay Pa, si Gilbert po---" "Boyfriend mo?" Pagputol ni Matt sa pagsasalita ni Jasmine. "Good afternoon po Sir." Magalang na pagbati ng binatang lalaki. "Umuwi ka na." Matigas na pagkakasabi ni Matt sa lalaki. "...and Jasmine, go to your room." "Pero Pa---" "No more Buts'--- go to your room, right now!" "I just want you to meet h----" "I SAID GO TO YOUR ROOM!" Malakas na pagkakasabi ni Matt. Biglang napaiyak si Jasmine at tumakbo ito sa kwarto niya. Naiwan naman ang binata sa baba. "Ikaw, ano pang ginagawa mo dito? You can now go--- And i don't want to see you near my daughter. Is that clear Mr.?" "She's my girlfriend Sir. And I don't mean no disrespect nor i don't mean to be rude but if it is an order, i can't even follow it. Sir." Tuwid na pagkakasabi ng binata. "Just go before i call the police." "For what reason? For loving your daughter? I am willing to be in jail just to have her. I'm sorry if i said to much." "Why did you say that?" "Because i love your daughter Sir." "At your age... you really don't know what love is. So, don't talk to me like you know the word. Because even I... don't have the idea what could be it. Okay? Go now." Napaatras ang binata at tumingin sa itaas kung saan kasalukuyan pang nakadungaw si Jasmine. Yumuko ang binata at inihakbang ang kaniyang mga paa papalayo. Nakasalubong naman ni Joana, kasama ang kasusundo lang niyang anak na si Jessica, ang binata sa labas. "Good day, Ma'am." Magalang pa din na pagbati ng binata kay Joana. At nagpatuloy sa paglalakad papalayo. Naabutan ni Joana na nakaupo si Matt sa couch sa Sala. Masama parin ang loob nito. "What was that?" Pag-uusisa ni Joana. "Isang batang lalaking hindi pa niya alam ang kaniyang ginagawa." Sagot naman ni Matt. "Mama--- Papa, did shout ate Jasmine." Sabi ni Jermaine na umiiyak. Agad na kinarga ni Joana ang bata. "What have you done Matt?! Kung pagagalitan mo ang anak mo, siguraduhin mong hindi makikita ng maliit na bata. Alam mong tatak iyan sa murang isipan ng bata." "Wow Joana! As i remember ikaw itong walang pakialam sa mga bata sa tuwing nagagalit ka sa akin?" "At paano naman napunta sa akin ang usapan dito?! Sa pagkakatanda ko, once lang iyon nangyari at anong sinasabi mong sa 'tuwing nagagalit ako sa iyo?' at di ba you did comfort the kids noong mga time na iyon, pero ikaw anong ginagawa mo ngayon?" Biglang lumakas ang iyak ni Jermaine. "We better talk this later!" Dagdag ni Joana. Inakyat ni Joana ang dalawang bata sa kwarto nito. Napansin niyang nakasilip si Jasmine mula sa kwarto nito. "What happened Jasmine?" Tanong ni Joana sa dalagitang anak. "Nothing Ma." "There must be something. Sino iyong batang lalaki sa labas kanina?" Tanong ni Joana. Pero hindi na nagsalita pa si Jasmine, "...is he your boyfriend?" Tumango lang si Jasmine. "Gusto ko lang naman pong ipakilala siya kay Papa at sa iyo, pero bigla pong nagalit sa akin si Papa." Napaiyak si Jasmine. "Okay, i'll talk to Papa about that." Sinarado ng mga bata ang kanilang mga kwarto. At muling bumaba si Joana sa sala. "Kailan ka pa natutong manigaw sa anak mo Matt?" Pagkompronta ni Joana. Nakatayo ngayon siyaa sa harapan ni Matt. "Ano ang gusto mong gawin ko? hayaan ko lang si Jasmine sa gusto niyang mangyari... For Christ sake Joana, bata pa si Jasmine para sa mga ganiyang bagay-bagay." Tumayo si Matt at bahagyang lumayo ng ilang metro mula sa kinatatayuan ni Joana. "Bata? Baka nakakalimutan mong mga bata pa tayo noong nagsama tayong dalawa." "What exactly do you want to say? na okay lang sa iyo na gayahin ng anak mo ang ginawa natin noon?" Hindi nakapagsalita kaagad si Joana. "Oh bakit hindi ka makapagsalita ngayon? Iyang ang hirap sa iyo. You're starting to tolerate our daughter. Iniiwas ko lang siya sa posibleng kahantungan ng pinapasukan niya." "Hindi ko sinasabing okay lang sa akin na magaya si Jasmine sa atin noon, pero kung ano man ang nagyari sa atin noon, bakit? meron ba tayong pinagsisisihan ngayon? O ikaw? Meron ba Matt? Masyado bang napaaga ang pagdedesisyon nating magsama noon? May pinanghihinayangan ka ba?" Lumapit siya sa babae at dinuro niya ang kaniyang asawa. "Stop reversing psych me Joana! You know i have nothing to regret sa pagsasama nating dalawa. Ang inaalala ko ngayon dito ay anak nating babae. Ni' hindi nga natin kilala ang lalaking iyon eh." "Kaya nga siya ipapakilala ng anak natin diba? Para makilala natin siya. O baka naman, natatakot ka baka kagaya ang lalaking iyon kay George--- o sa iyo---" "Stop it Joana!" "Natatakot ka na baka kagaya ninyo ni George ang lalaking dala ni Jasmine dito kanina?" Biglang nakatikim ng isang malakas na sampal si Joana kay Matt. Pero agad namang natauhan si Matt sa ginawa niyang pagsampal kay Joana. "I'm sorry Ma. I didn't mean it. Nadala lang ako ng emosyon ko." Akma siya lalapit upang hawakan si Joana. "Don't touch me. Bago ko makalimutang ama ka ng mga anak ko!" Matigas na pagakakasabi Joana. Tumindig ito ng tuwid at umakyat sa itaas. "Ma-- I'm sorry---" Hinabol ni Matt si Joana sa itaas. At hinawakan nito ang braso ng babae. "I said don't touch me Matt. Nandidiri ako sa iyo! nandidiri ako sa ginagawa ninyo ni George. I thought napaka-desinte mong tao. I was so wrong! Magsama kayong dalawa ng lalaki mo!" Inilayo niya ang kamay niya sa pagkakahawak ni Matt, "...siguro nga tama ka na dapat kilalanin muna ang isang tao bago natin sabihing mahal natin sila, o bago nating sabihing siya nga...i tried to understand you noong nalaman ko ang ginagawa ninyo, pero ano itong ginagawa mo ngayon... Matt, you'd changed. Hindi ganyang ang kinilala kong Matthew. Hindi na ikaw ang asawa ko!" Napatulo ang luha ni Joana. Agad niya iyong pinunasan. Kinatok ni Joana ang kwarto ng mga bata. "Jasmine, packed your things, aalis tayo." "Saan po tayo pupunta?" "Aalis na tayo dito---" Nakatingin lang si Matt sa mga babae at gumuguhit na sa kaniyang mukha ang pagkalungkot. "Ma-- don't do this please.. I'm sorry---" pagmamakaawa ni Matt. Napatingin si Jasmine sa Papa niya. "Ma-- i understand naman po si Papa. We don't need to leave Papa dahil lang sa pagsigaw niya sa akin." "Jasmine, just packed your things okay!" Sinuod na kitatok ni Joana ang kwarto ng dalawang bata. pagbukas niya ng pinto ay nagiiyakan ang mga ito. "Baby Jess, baby Jermaine... Come here. Aalis tayo." Agad na naglapitan ang dalawang bata sa kanilang Mama. Agad silang bumaba ng hagdan. Nakatingin lang si Matt kay Jasmine noong papalabas ito. Bitbit ang bag nito. "Ate-- don't leave Papa. Please tell your Mama." Pagmamakaawa nito kay Jasmine. "Ma-- I will stay here to Papa." Pagmamatigas ni Jasmine. "No! Walang maiiwan sa bahay na ito kung hindi iyang lalaking iyan! Bumaba ka na dito." Yumakap ng mahigpit si Jasmine sa Papa niya. "Jasmine! Bumaba ka na." Sigaw ni Joana. "Papa, no matter what happened i will always love you." Naiiyak na sabi ni Jasmine. "I love you too ate." Hindi na mapigilan ni Matt ang kaniyang luha. Tumakbo pababa si Jasmine. Hindi na nito nilingon ang kaniyang ama. Mabilis namang lumabas ang mag-iina habang walang nagawa si Matt kung hindi pagmasdang papalayo ang kaniyang mag-iina. Napa-upo siya sa corridor at isinubsob ang kaniyang mukha sa kaniyang palad. Hindi na alam pa ni Matt ang kaniyang gagawin ngayon wala na sa kaniya ang mga babaeng pinakamas pinakapapahalagahan niya. Alam niyang naging pabaya siya sa kaniyang mga kinikilos, inisip din niya kung naging iresponsable din ba siya bilang isang ama ng kaniyang pamilya? Nagkulang ba siya ng pagmamahal sa mga ito? O sadyang nahati talaga sa dalawa ang kaniyang atensiyon. Ni' minsan, hindi pumasok sa kaniyang isipan na mangyayari ang ganitong uri ng sitwasyon. Galit na galit siya ngayon sa kaniyang sarili. At sa pagkakataong ito, hindi niya naisip si George. Ang tanging naglalaro sa kaniyang isipan ay ang kaniyang Pamilya. -------- SA KABILANG DAKO.... Kasalukuyang tulala si George habang nakatapat siya sa harapan ng kaniyang computer. Iniisa-isa niya ng mga litrato nila ni Melissa na magkasama. Kahit na nakailang ulit na siyang nagpabalik-balik sa litratong kanina pa niya pinagmamasdan ay tila hindi siyang nagsasawang pagmasdan iyon. Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman niya sa pagtingin sa mga litratong bakas ang kasiyahan nilang dalawang magkasama. Sa mga sandaling iyon ay patuloy na iniisip ni George kung nasaan na ba ang kaniyang kasintahan. Ilang gabi na siyang sabik na sabik na makatabi ito, mayakap, makausap, mahalikan. Sinubukan niyang magpatulong sa kaibigan niyang nagtatrabaho sa Directory Liner ngunit walang naitulong iyon dahil napuntahan na niya ang lahat ng naka-address doon. -------- Nilibang ni Matt ang kaniyang sarili sa limang bote ng alak ng nag-iisa sa sala. Tila hindi niya nalalasahan ang alak na kaniyang iniinom, halos maubos niya ang kalahati sa isang lagukan. Nagmumuni-muni siya--- iniisip niya ang mgabagay na nagawa niya, mga bagay na dapat ay hindi niya ginawa. ------- Walang dahilan si George para bumalik sa kaniyang apartment niya. Ayaw niyang muling malungkot sa oras na pumasok siya sa loob ng kaniyang bahay na wala naman si Melissa. Kaya mas minabuti niyang hindi nalang muna umuwi sa kanilang apartment. ------- Sa mga sandaling ito ay naaalala ni Matt ang mga masasayang sandali ng buhay niya na kasama ang kaniyang pamilya. ------ Hindi mawala sa isipan ni George ang unang beses na makita niya si Melissa noon. Ang unang ngiti nito na nagbigay dahilan sa kaniya upang maglakas loob na lapitan ang babae at kausapin ito. ------ Naalala ni Matt ang unang beses na madinig niya ang salitang 'Papa' mula kay Jasmine. Unang bese na makita niyang naglalakad si Jessica. Unang beses na tumayo si Jermaine. At unang beses na makita ni Matt si Joana sa waiting shed na naghihintay ng masasakyan ngunit wala itong masakyan. Kinausap niya iyon, nagkapalagayang loob silang dalawa. ----- Niligawan ni George si Melissa noon at sobrang saya niya noong sinagot siya ng babae. Sinabi niya sa kaniyang sarili na si Melissa na ang babaeng ihaharap niya sa altar at makakasama habangbuhay. Ang babaeng kasabay na bubunuoin ang kaniyang mga pangarap. ----- Noong naging kasintahan ni Matt si Joana at sobra ang kaniyang kaligayahan. At sa murang edad noon ay agad na nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Magkasabay nilang hinarap ang kanilang mga naging problema na hindi naglaon ay natanggap naman iyon ng kanilang mga magulang at ipinakasal sila. ---- Noong makagraduate si George at Melissa ay patuloy ang kanilang pagmamahalan. Hanggang sa alukin nga niya itong magpakasal at um-oo ito sa kaniyang proposal. ---- Pero may isang pangyayari na bumago sa kanilang dalawa.... noong magtagpo ang kanilang landas sa isang hindi inaasahang aksidente noong mabunggo ni George si Matt. Sa pagkakataong ito ay kapwa naputol ang kanilang mga iniisip. Ayaw na nilang ipagpatuloy pa ang simula ng nagpagulo sa kani-kanilang magagandan buhay. KINABUKASAN ay hindi magawang makatayo ni Matt sa couch na kaniyang kinahihigaan. At wala rin siyang balak na bumangon. Sariwa pa ang kaganapan noong umalis ang kaniyang mag-iina. ---- Maaga naman nagising din si George. Kailangan niyang kumilos ng maaga dahil maraming deliver na darating sa site na kinakailangan niyang icheck. ---- Nakatanggap si Matt ng tawag mula sa office nito. Ipinaalala sa kaniya ni Danica ang kaniyang mga schedule sa araw na iyon. Kaya kahit hindi kaya ng kaniyang katawan ay kinailangan niyang tumayo upang ipagpatuloy ang rota ng kaniyang buhay. Pipilitin niyang tumayo, iniisip niyang kung pababayaan niya ang kaniyangtrabaho, ano nalang ang mangyayari sa kaniya kung sakaling bumalik ang pamilya niya sa kaniya. Ito parin ang kaniyang iniisip, magtatrabaho siya para sa mga babaeng nagbigay kulay ng buhay niya. ---- Tinawagan si George ng kaniyang boss na siya ang dumalo sa meeting. Kaya agad siyang nag-ayos ng sarili. ---- Pilit naman tumungo si Matt sa bathroom upang basain ang kaniyang katawan. Pagkatapos at tumungo siya sa kwarto upang magbihis. Tila naalala niya ang tinig ng kaniyang pamilya, dahil sa ganitong oras ng kinaumagahan ay gising na ang lahat at may kani-kaniya ng kilos at ginagawa. Lumabas siya ng kanilang bahay at kinuha niya ang kaniyang sasakyan upang magtungo sa pupuntahan niyang meeting. ----- Nasa kalsada naman na si George ng mga sandaling iyon. ---- Nakalabas ng gate si Matt at tinahak ang daan. ---- Noong kapwa narating ng dalawa ng crossing at kapwa sila napahinto dahil sa stop light. Nasa kabilang linya si George pasalabong sa kinapupuwestuhan ng sasakyan ni Matt. Agad naman nilang napansin ang kani-kanilang mga sasakyan. Noong mag-go ang signal ay sabay na pinihit ng dalawa ang gas at pinaandar ang kanilang sasakyan. Sa gitna ng kalsada ay nagtagpo ang kanilang mga sasakyan. Nagdikit ang kanilang sasakyan pero nagawa nilang hindi pansinin ang bawat isa. At tinungo ang kani-kanilang destinasyon. Sa loob ng conference room. Umupo sa harapan si Matt ---- Tumabi naman si George sa lalaking kasama niya sa trabaho. "Ang aga mo ata ngayon?" Sabi nito. "We are professional, i should be here before speaker arrived." Sabi ni George. Napangiti ang lalaking kaniyang katabi. ---- Nagsimula na ang meeting. Masugid namang nakikinig si Matt sa nagsasalita, ganoon din ang ginagawa ni George. Parehas silang nagtatake down notes sa mga sinasabi ng nagsasalita. Noong matapos ang meeting ay nahuli si Matt sa loob ng conference room. Ganoon din si George. Umupo muna sila ng matagal sa loob bago tuluyang tumayo at lumabas. Tinungo nila ang elevator at napangiti silang dalawa noong naalala nila ang button ng elevator. Sa magkaibang lugar ay sabay na pinindot ni Matt at George ang button ng elevator. Habang nasa loob ay kapwa nila pinagmamasdan ang pagpapalit-palit ng mga numero ng nasa itaas ng pinto ng elevator. Pagbukas ng pinto at naglakad na ng dalawa patungo sa labas upang kunin ang kani-kanilang mga sasakyan. Pagkasakasay sa sasakyan ay naalala nilang dalawa ang bawat isa. --- Kinuha ni George ang kaniyang phone at hindi na niya mapigilang hindi tawagan si Matt. --- Akmang tatawagan ni Matt si George ngunit nauna na itong tumawag sa kaniya. Agad niya iyong sinagot. --- "Are you free today? Pwede ba tayong magkita?" Tanong ni George kay Matt. "Yeah. Alfapio's Restaurant." Sagot naman ni Matt mula sa kabilang linya. "Okay. See you there." Sabi ni George. Sa pagkakataong ito, magkikita sila hindi dahil miss na miss na nila ang isa't isa kung hindi para makapag-usap silang dalawa kagaya noong unang beses nilang magkasabay na kumain sa restaurant na iyon. MAKALIPAS ANG ILANG ORAS AY NAGKITA NA ANG DALAWA... Nasa loob na sila ng restaurant. Naiserved na din sa kanila ang kaniyang kakainin. "Kamusta ka na?" Pagbasag ni Matt sa katahimikan. "Hindi parin ako okay. Ikaw?" "Parehas lang tayo." May pagkalungkot sa boses nito. "Bakit? what happened?" Tanong ni George. "Iniwan na ako ng mag-iina ko." "Huh? Pero tinigilan na kita, i mean, hindi na ako nakikipagkita sa iyo. Bakit iniwan ka pa din ni Joana at isinama pa niya ang mga anak ninyo?" "Oo. Napagbuhatan ko kasi ng kamay si Joana. I was out-of-my-mind ng mga sandaling iyon. Pero pinigilan ko sila, pero naging matigas si Joana. Hindi siya nagpapigil. Simula pa kagabi, sila na ang iniisip ko. Wala na akong ibang matakbuhan. I was actually about to call you para may makausap ako, but you called me first." "I will talk to Joana." "Thanks, i don't know if it could help." "There's no harm in trying. Ako ang may kasalanan nito Dude, Hindi ikaw, hindi dapat ikaw ang nagsusuffer. You don't deserve it." "Salamat. Kahapon lang sila nawala pero sobrang miss na miss ko na ang mga bata, at ang asawa ko. Ganoon pala talaga, mas matitimbang mo angkahalahagan ng mga taong mahal mo kapag lumayo na sila sa iyo. I want them back George." patuloy na sabi ni Matt. "I will help you." sabi ni George. "Paano ikaw? Iyong problema mo kay Melissa. Hindi pa rin siya dumarating?" "Hindi parin, wala parin akong balita pero... hindi ako nawawalan ng pag-asang babalik siya sa akin. At pagnangyari iyon, aayusin ko na ang buhay ko." "Ganoon din ang gagawin ko." "........................." "George...." "Yes?" "Do you still love me?" "........................" "........................" "I don't know Dude. Ayaw ko na munang isipin iyan ngayon." "Yeah. You're right. Thank you at nagpakita kang muli sa akin." "No problem dude. Sino pa ba ang dapat na magtutulungan? Kung hindi tayong dalawa parin. We promised each other na magtutulungan tayo diba?" "Yeah." Kapwa sila napabuntong hininga. ".........................." Mahabang katahimikan. |
By: Iam Kenth
Hi Pogi 2012
Genre: Drama, Bromance, Sex