LUMIPAS pa ang ilang buwan at naging malakas na ng tuluyan si Matt. Ilang buwan nalang rin mula sa araw na iyon ay ang nalalapit na kasal ni George at Melissa. Umabot sa seryosohan ang pagsasama ni George at Matt ng hindi man lang napapansin ni Melissa at ng Pamilya ni Matt. Bago sila umuwi sa kani-kanilang mga trabaho ay walang gabi na hindi sila nagkikita.
"Ma, baka bukas na ako makakauwi. Mag-oover-time ako ngayon dito sa office." Habang kausap ni si Joana sa kabilang linya. Iginapang ni George ang kaniyang mga palad sa hubog na katawan ni Matt. Tinakpan ni Matt ang kaniyang phone. "...later, i'm talking to my wife." pabulong niyang sinabi kay George.
"Okay..." Mahinang pagkakasabi ni George at yumakap siya kay Matt.
"Okay, Ma... I love you too." Pinindot ni Matt ang kaniyang phone at isinantabi ang ito. Humarap siya kay George na kanina pa nakatingin sa kaniya habang kapwa sila nakahubad at magkatabi sa iisang kama.
"I love you." Pabulong na sabi ni George sa kaniya. Nilapit ni Matt ang kaniyang labi kay George.
MINSAN naman ay si George ang gumagawa ng paraan para makapagkita lang sila ni Matt.
"Honey, lalabas lang kami ni Matt. Sandali lang kami." Nakangiting sabi ni George kay Melissa. Humalik ito sa noo ng babae at kaagad na lumabas ng apartment.
Sinundan ni Melissa ng tingin si George palabas mula sa bintana at nakita niyang naghihintay doon si Matt. Nakita niyang nagkamayan at umakap si George kay Matt. Hindi nalang iyon pa pinansin ni Melissa at pumasok na sa loob ng kanilang kwarto.
------
"I miss you, Dude." Pabulong na sabi ni George kay Matt.
"Kanina lang magkasama tayong nag-lunch, namissed mo kaagad ako?"
"Yeah. Why... don't you miss me?"
"I would rather say, I love you than I miss you everytime i see you. So, I love you George."
"I even love you more."
Sa loob ng sasakyan at muling tinikman ni George ang mga labi ni Matt. Tinulak siya ni Matt.
"Ano kaba, nandito pa tayo sa labas ng apartment mo."
"I just can't stop myself. And don't worry, probably, Melissa is now in our room."
"How about the other people that may see us?"
"..........................."
"Bakit ka natahimik?"
"Wala lang, okay... i will just stop kissing you in public."
Inilapit ni Matt ang kaniyang sarili kay George at siya naman ang humalik dito.
SA sobrang pagiging malapit nila sa isa't isa ay tila nakakalimutan na nila ang tunay nilang mga responsibilidad bilang isang lalaki sa mga babaeng parte ng kanilang mga buhay.
"Umuuwi ka ba sa inyo?" Tanong sa kaniya ni Matt habang nasa loob sila ng Hotel.
"Hindi na nga eh. Magtatatlong araw at tatlong gabi na, kapag nasa site naman ako hindi ko matawagan si Melissa dahil sa sobrang madaming ginagawa doon?" Sagot ni George habang nakahiga sa kaniyang dibdib si Matt, magkahawak ang kanilang mga palad.
"Malamang nag-aalala na iyon sa iyo."
"Oo, naisip ko nga iyon. Kahit naman ako nag-aalala na rin sa kaniya."
Kapag kagaling ni George sa trabaho ay nakikipagkita ito kay Matt. Uumagahin silang dalawang magkasama at hindi na niyang nagagawang makauwi pa. Dumideretso na kaagad siya sa Site.
"Kamusta na nga pala ang preparation niyo for the wedding?" Tanong ni Matt.
"Okay naman. Can you be my best man?"
"Seriously?"
"Yeah."
"Hmmm... i don't know, to be honest with you. Hindi ko kaya na makita kayong magkasama ni Melissa, tapos ako pa ang pipiliin mong Best man."
"Selos ba iyan?" Napangiti si George.
"Huh? Hindi uh. Ewan ko."
"Damn it Dude, you're blushing. Hahaha!" Napalakas ang tawa ni George. "But, seriously. I want you to be in the most happiest day of my life."
"Wow, it sounds like you're about to give up on me."
"Huh? Hindi kaya, bakit--- ikaw noong kinasal kayo ni Joana. Hindi ka ba naging masaya?"
"Of course, I am. Pero ngayon, masaya ako kapag kasama kita. Pero, syempre... hindi naman nawawala ng happiness ko everytime i am with my family."
"I am happy to be with you."
"........................." Katahimikan.
"Bakit ganoon... nahahati ang atensiyon natin sa mga taong mahalaga sa buhay natin at para sa ating dalawa. Ayaw kitang mawala sa akin, ayaw ko rin namang ipagpalit ang pamilya ko sa iyo." Sabi ni Matt.
"I understand. Pero, wala naman tayong dapat piliin. Nagkataon na mas nauna silang dumating sa atin bago pa tayo nagkakilala. Ang mahalaga, nagsasama tayong dalawa."
"Pero hanggang kailan natin ito itatago?"
"Gusto mo bang ipaalam natin sa kanila?"
"We are dead kapag ginawa natin iyon."
"Haha!"
"George---- do really love me?"
"Yeah. There's no doubt about it."
"Handa mo bang huwag ipagpatuloy ang pakikipagkasal kay Melissa?"
"What?"
"I'm sorry i shouldn't asked it."
"Siguro kong mas maaga kitang nakilala. Melissa is a part of my whole." Tumahimik si George, "bakit ikaw... kaya mo bang ipagpalit ang pamilya mo para sa akin?"
"Gaya nga ng sinabi ko, iyon ang bagay na hinding-hindi ko magagawa. Kung ayaw mo na sa akin, siguro.. Oo. Malulungkot ako ng husto, pero... hindi iyon dahilan para habang buhay kong dalhin ang pasakit na iyon. Meron pa akong isa pang dahilan para maging masaya... ang Pamilya ko."
"See... ako din, alam ko na may Melissa akong mayayakap sa oras na piliin mong tapusin na natin ito. Kaya nga kahit na mahal kita, hindi nawala sa damdamin ko ang pagmamahal ko kay Melissa. Nagkataon lang na gusto kong mas makasama ka ngayon dahil sa ngayon lang tayo nagkatagpo. Kasintahan ko na si Melissa mula pa noong Highschool kami. Kaya malabong mawala kung ano man ang nararamdaman ko sa kaniya. Tinanggap niya ako ng buo at walang pag-aalinlangan. Kaya sobrang saya ko noong pumayag siyang magpakasal sa akin." Mahabang paliwanag ni George.
"I will love you as long as you love me. And i will still love you even if you say no more to me." Sabi ni Matt.
Niyakap ni George ng sobrang higpit si Matt. Ipinikit nila ang kanilang mga mata.
----------
NAKA-ILANG ulit tawagan ni Melissa ang numero ni George ngunit hindi nito sinasagot ang tawag nito sa kaniya. Nagsimula na siyang mag-alala, dahil ilang araw na mula noong pumasok ito sa trabaho ay hindi parin ito bumabalik sa kanilang apartment. Hindi man lang ito tumatawag sa kaniya. Sinubukan niyang tumawag sa office nito ngunit nagkakataon na pagnatawag siya ay wala daw doon ang kaniyang kasintahang si George.
"Baby, nasaan ka na ba?" Pag-aalala niya sa kaniyang kasintahang lalaki. Isa nalang ang alam niyang kaniyang gagawin, ang puntahan ito sa pinagtatrabahuan nito.
Agad siyang nag-ayos ng kaniyang sarili upang puntahan si George sa Site na pinagtatrabahuan nito.
Sumakay siya ng Cab.
"Maam saan po tayo?" Tanong sa kaniya ng car driver.
"Sa Fourth Avenue City po." Sagot niya sa driver.
Agad itong umandar at maingat na tinahak ang daan patungo sa sinabi niyang lugar.
Nakatingin siya sa kaniyang phone ngunit wala talaga siyang narerecieved na mensahe o tawag man lang dito. Kung ano-ano na ang pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi rin mawala sa isipan niya na baka nagloloko na si George at may iba na itong kinakasama. At sa tuwing ganito ang kaniyang iniisip ay bigla nalang siyang napapaluha. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin kapag nalaman niyang may iba na si George at bigla nalang na mababalewala ang kanilang nalalapit na kasal. Ngayon lang si George nag-ganoon. Dati-rati ay 3-5 beses itong tumatawag sa kaniya araw-araw. At tumatawag ito kapag malalate ito ng uwi o kung hindi ito makakauwi.
Ibinaba siya ng Cab Driver sa tapat ng Contructional Site. Lumapit siya sa Guardiya na nagbabantay sa Gate.
"Kuya, nandiyan po ba si Mr. George Diaz?" Magalang na tanong ni sa guradiya.
"Hindi ko lang alam. Iba kasi ang nagbabantay dito, kaka-duty ko lang. Kaano-ano po ba kayo ni Sir Diaz?"
"Fiancee niya po."
"Ganoon ba?" Binukasan ng Guardiya ang log book. "...kakaalis lang po pala ni Sir Diaz. 45 minutes ago. Ewan ko lang po kong babalik siya, kalimitan kasi kapag lumalabas siya kinabukasan na ang balik niya." Sabi pa ng Guardiya.
"Nandito po ba siya 3 days ago?" Tanong pa ni Melissa.
"Oo, lagi naman siyang nandito."
Tila nakaramdam ng kakaiba si Melissa. Inisip niya na baka nga may kalaguyong iba ang kaniyang mapapangasawa.
"May mga dumadalawa po ba sa kaniya dito?" Usisa niya pa.
"Meron dating pumunta dito, pero matagal na iyon. Isang lalaki."
Bigla siyang nagka-ideya kung sino iyon. Kaya nagkaroon din siya ng ideya kung ano ang gagawin niya at kung sino ang kaniyang kakausapin.
"Sige po salamat, pakisabi nalang po kay George na dinaanan ko siya dito kapag bumalik siya mamaya. Salamat po."
"Sige po Maam, makakarating sa kaniya."
Tumalikod na siya at naglakad papalayo sa Gate ng site. Muli ay nag-abang siya ng kaniyang masasakyan pabalik sa kanila. Positibo namang walang masamang nangyari kay George, pero ang hindi maalis sa kaniyang isipan ay kung bakit hindi ito umuuwi o tumatawag man lang. Bigla niya ring naalala ang about sa cellphone nito noon na sinabi ni George na low battery iyon pero hindi naman talaga. Sinimulan niyang pagtagpi-tagpiin ang mga pangyayari.
Pumasok sa isipan niya na may kinalaman si Matt sa ginagawa ng kaniyang kasintahan. Inisip niyang si Matt ang dumalaw noon na sinasabi ng guradiya. Naisip din niyang laging lumalabas ang dalawa tuwing gabi, at bigla niya ring naalala na si George ang kasama nito noong araw na naaksidente ito. Pero hindi niya makuha ang dahilan kung bakit kailangan kasama si Matt sa mga ginagawa ni George. Kilala niya si Matt bilang isang mabait na tao at alam niyang pipigilan niya si George kung meron man itong ginagawang masama na kasama siya. Alam niya iyon dahil pamilyadong tao si Matt. Sapat na iyon para mapagsabihan si George na tigilan ang kaniyang ginagawa kung meron man.
Biglang namuo ang mga luha sa gilid ng kaniyang mata. Agad niya iyong pinunasan. Kinakabahan siya dahil kung kelan naman malapit na ang kanilang kasal ay tsaka naman nagkakaganoon si George. Inisip niya din na natatakot si George na ipagpatuloy nila ang kasal. Isa pa sa naalala niya ay ang cake na hindi nagustuhan ni George para sa kanilang kasal.
Hindi na niya alam pa kung ano ang iisipin. Namimiss na niya ng husto si George. Gusto na niya itong makita, makausap, mayakap at mahalikan. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin kung bigla nalang itong mawawala sa kaniya.
Noong nakabalik si Melissa sa kanilang apartment ay wala paring bakas na nakauwi na si George. Kung paano niya iniwanan ang loob ng apartment ay ganoon pa rin niya iyong nadatnan. Dumiretso siya sa loob ng kwarto at humiga. Niyakap niya ang unan na laging ginagamit ni George.
"baby... nasaan ka na ba?" Hindi na niya mapigilan ang patuloy na pagtulo ng kaniyang mga luha.
Nakatulog siya.
KINABUKASAN nagising si Melissa sa mga yapak ni George. Agad siyang bumangon sa kaniyang pagkakahiga upang kompirmahin kung si George ang taong lumilikha ng mga yapak na iyon. Agad niyang binuksan ang pinto ng kanilang kwarto at nakita niya si George na galing sa loob ng bathroom. Pinupunasan nito ang kaniyang buhok. Nakatapis lang ito.
Napantingin sa kay Melissa si George na may pilit na ngiti sa labi. Agad namang tumakbo papalapit si Melissa kay George. At niyakap niya ang medyo basa pang katawan ng lalaki.
"Baby, saan ka ba pumunta. Miss na miss nakita, akala ko kung ano na nag nangyari sa iyo, hindi ka man lang tumatawag sa akin." Malungkot ang boses ni Melissa noong sinabi niya iyon. Mahigpit nag pagkakayakap niya kay George. Namasa ang kaniyang mga mata na tila luluha na siya sa sobrang saya na makitang muli ang kaniyang kasintahan.
Alalay naman ang pagkaakap ni George sa babae.
"Pasensiya na Honey, sobrang busy lang talaga sa site." Mahina niyang tugon. Hinawakan niya sa mukha si Melissa, pinunasan niya ang matang luluha na. Hinalikan niya sa noo si Melissa. Bumitaw sa pagkakayakap si George sa kaniya.
"Gusto mo bang paghandaan kita ng makakain?" Pinunasan ni Melissa ang kaniyag mata muli. Nakangiti siya ngunit bakas sa kaniya ang papamaga ng kaniyang mga mata na tila hindi man lang iyon nabigyang pansin ni George.
"Hindi na honey, nagmamadali ako. Naligo lang talaga ako at binisita ka. Pagkapasok ko natutulog kapa kaya hindi na kita ginising pa." Nakangiting sabi ni George. "Huwag ka ng malungkot, busy lang talaga ako. Pasensya na kung hindi ako nakakatawag sa iyo." pumasok si George sa kwarto upang magbihis.
Naiwang nakatayo si Melissa habang nakahawak siya sa counter ng table. Pinagmasdan lang niya si George, nakaramdam siya nang paninibago sa kinikilos ng kaniyang kasintahan. Tila naramdaman niya na hindi man lang nasabik si George na muli siyang makita. Hindi na ito kagaya noon.
Sobrang sandali lang talaga ni George, nagpaalam na din kaagad ito noong pagkatapos niyang magbihis.
Humalik siya sa labi ni Melissa upang magpaalam. Pinagmasdan ni Melissa si George na papalayo at nakita pa niyang kinuha ni George ang kaniyang phone sa kanyang bulsa at may sinagot na tawag. Napabuntong hininga si Melissa.
-----
"Oo, papunta na ako diyan, dumaan muna ako sa bahay para makita ko naman si Melissa." Pumasok si George sa loob ng kaniyang sasakyan, inipit niya ng kaniyang balikat ang kaniyang phone upang hindi ito mahulog. Sinumulan niyang buhayain ang makina ng kaniyang sasakyan. Binuksan niya ang bintana ng kaniyang sasakyan at tumigin kay Melissa na nakatayo at nakasandal sa gilid ng pintuan. Itinaas ng babae ng bahagya ang kaniyang kamay upang mag-paalam, may ngiti ito sa labi. Nabasa ni George ang bukang bibig ni Melissa noong sinabi nito ang mga salitang: 'I love you, baby.'
"I love you too." Bukang bibig ni George.
-----
Gumuhit sa labi ni Melissa ang mga ngiti, pinasok nalang niya sa kaniyang isipan na marahil ay busy lang talaga si George. Ang mahalaga kaniya ngayon ay nakita niya ang kaniyang mapapangasawa. Nawala na ang kaniyang pangambang may nangyaring masama dito.
Nadinig niyang bumisina si George bago ito tuluyang umalis.
-----
Pagkatapos bumusina ni George at sinarado na niya ang bintana ng kaniyang sasakyan at minaneho na ito papalayo sa apartment.
-----
Pumasok na si Melissa sa loob ng kanilang bahay.
-----
"Oo, in 15 minutes nandiyan na ako, i miss you too dude." Sabi ni George sa kaniyang kausap.
KAGAYA ng dati ay parati na muling umuuwi si George sa kanilang apartment. Nakakatabi na muli siya ni Melissa tuwing gabi. Pansamantalang nawala ang mga iniisip ni Melissa tungkol sa mga kinikilos ni George noong mga nagdaang araw.
Pero hindi na nawala kay George ang mas maaga nitong pag-alis at sobrang late na pag-uwi nito. At sa tuwing nasa apartment ito ay napansin ni Melissa na laging hawak ni George ang phone nito na tila may hinihintay laging tawag.
Sa tuwing kumakain sila sa labas ay napapansin ni Melissa na parating pagtetect ni George. At napapansin din niya ang mga ngiti sa labi ni George sa tuwing may katext ito.
"Sino ba iyang katext mo baby, nakain pa tayo text ka ng text. Nasasagabal niyang katext mo ang pagkain mo." Sabi ni Melissa.
"Ah--- dati kong kaibigan, nangangamusta lang. Nagkita kasi kami kahapon sa ---- sa---- " Tila nagiisip si George ng sasabihing lugar. "...sa Mall. Nagkapalitan kami ng number, nagtatanong kung kelan daw ako pwede ulit makita... tamang inuman lang daw kami." Tuloy na tuloy na sabi ni George.
"Ah ganun ba? Pero siguro dapat mamaya na kayo magtext kasi nakain pa tayo."
Ibinaba ni George ang phone niya sa table.
"I'm sorry Honey." Sabi ni George. Kada sandali ay napapatingin parin siya sa kaniyang phone.
HINDI na nawala sa kamay ni George ang kaniyang phone sa kaniyang mga kamay.
Minsan at naliligo si George ay napansin ni Melissa na nakalagay lang sa table ang phone ng lalaki. Nakita niyang umilaw ito at nakita niyang may tumatawag sa kay George. Nakasilent iyon, at tanging nagvivibrate lang.
Nilapitan ni Melissa iyon. Tiniganan niya ang nasa screen ng phone, binasa niya kung sino ang tumatawag...
"MATTHEW ALVAREZ INCOMING CALL..."
Akma niyang dadamputin ang phone upang sagutin ang phone call total ay kilala naman niya si Matt ngunit nabigla siya ng biglang dinampot ni George ang phone na nasa table.
"I'll answer it Honey." Nakangiting sabi ni George. Napakunot noo si Melissa. Lumayo pa si George at lumabas pa ito sa balcony bago sagutin ang tawag.
Napailing si Melissa, tumungo sa kusina upang asikasuhin ang almusal ni George. Pinagmamasdan niyang nakikipag-usap si George kay Matt. Ngumingiti sa kaniya si George sa tuwing nakikita siya ng lalaki na nakatingin sa kaniya habang kausap nito si Matt.
----
"Sige na dude, tawagan nalang kita mamaya. Kakain muna kami ni Melissa ng breakfast." Sabi ni George.
"I love you George." Sabi ni Matt mula sa kabilang linya.
Sinilip ni George si Melissa kung nakatingin sa kaniya ito. Tumalikod siya, "I love you too, dude." Mahina niyang sagot sa lalaking kaniyang kausap.
----
Habang nakain sila ay nakadama na si Melissa ng pagdududa sa mga kinikilos ni George. Nadama na niyang meron itong inililihim sa kaniya at alam niyang may kinalaman si Matt sa mga ginagawa ni ng kaniyang kasintahan. Ayaw niyang komprontahin si George o tanungin man lang ito dahil alam niyang magdedeny lang sa kaniya ito. Pero ibang iba na talaga ang nararamdaman ni Melissa.
Kilala niya si George mula noon pa. At ngayon lang ito nagkaganito sa kaniya.
Matapos nilang kumain ay nagpaalam na si George kay Melissa. Humalik lang ito sa noo at umalis na kaagad. Biglang namuo ang luha sa mata ni Melissa. Nakadama na siya nang unti-unting panlalamig nag pakikitungo sa kaniya ni George. Natatakot siyang baka hindi na matuloy pa ang kanilang kasal. Naiisip din niyang ayaw na ding ipagpatuloy pa ni George ang pagpapakasal sa kaniya. Hindi na niya napigilan ang sarili sa kaniyang mag iniisip, mga bagay na patuloy na bumabagabag sa kaniyang isipan.
Gumawa ng paaran si Melissa upang makausap si Matt. Tumungo siya sa kwarto nila at hinanap niya ang filebook ni George dahil sigurado naman siyang may numero doon si Matt. Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya ang numero doon ni Matthew.
Kinuha niya ang kaniyang phone at dinialled ni Melissa ang numero ni Matt.
----
Agad naman sinagot ni Matt ang tawag. Hindi na niya napansin na numero lang ang nakarehistro sa kaniyang phone.
"Oh, napatawag ka kaagad? Akala ko ba may gagawin kana? Namiss mo na kaagad ako?" Nakangiting sabi ni Matt habang nakaupo siya sa kaniyang chair na nakatapat sa kaniyang desk.
----
"Hello Matt, si Melissa ito."
----
Biglang napa-upo ng tuwid si Matt noong narinig niyang boses iyon ng babae.
"Ikaw pala Melissa, pasensiya na.. akala ko si--- si--- Joana. Napatawag ka?"
---
"Pwede kabang makausap ngayon?"
---
"S--sure, wala naman ako masyadong ginagawa ngayon eh."
---
"In person sana. Pwede ka?"
---
"Ah-- eh-- okay-- sige. Mukhang importante ang sasabihin mo. Okay, sa Anestia Restaurant nalang tayo magkita."
--
"Sige. Salamat. I'll be right there."
--
"Okay. See you there." Pinatay ni Matt ang phone. Muli ay napasandal siya sa kaniyang upuan.
----
Mabilis namang nagbihis si Melissa. At tumungo sa kanilang pagkikitaan ni Matt.
ILANG SANDALI PA ay nagkita na sila ni Matt sa nasabing Restaurant. Mas nauna si Matt doon.
Noong nakita ni Matt si Melissa ay napansin niyang bakas sa mukha nito ang tila may malalim na iniisip. Tumayo si Matt upang salubungin ang babae. Inalalayan niya ito sa pag-upo.
"Salamat." Nakangiting sabi ni Melissa. Umupo na din si Matt sa pwesto niya.
"You look sick Melissa. Okay ka lang ba?" Ito kagad ang unang itinanong ni Matt sa babaeng kaniyang kaharap.
Biglang tumulo ang luha ni Melissa.
"What happened Melissa?" Agad na tumayo si Matt upang akapin si Melissa.
"I just can't hide this feeling anymore... Si George."
"What happened to George?" Agad na tanong ni Matt. Lumuhod siya sa harap ni Melissa. Wala silang pakialam kung nagtinginan man mga taong nandoon. Hindi narin mapigilan pa ni Melissa ang kaniyang nararamdaman.
"Ibang iba na siya, hindi na siya ang dating George na nakilala ko." Patuloy ang pagluha ni Melissa. Niyakap siyang muli ni Matt.
Matagal din ang yakap na iyon. Makalipas nag ilang saglit at bumalik na si Matt sa kaniyang kinauupuan.
"Sige, i'll start to listen." Mahinahong sabi ni Matt.
"Napapansin ko kasi na lagi kayong nagkakausap ni George. Naisip ko na may alam ka sa mga ginagawa niya kaya ikaw ang tinawagan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko Matt. Natatakot ako na mawala sa akin si George. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin." Pahikbi-hikbi si Melissa noong sinabi niya iyon.
Hindi pa alam ni Matt ang kaniyang sasabihin. Hindi niya alam na napapabayaan na pala ni George ang kasintahan niyang si Melissa. Tila, naguilty siya noong nakita niyang umiiyak sa harapan niya si Melissa. Dahil alam niyang may kinalaman talaga siya sa mga ginagawa ni George.
"Okay, sige... sasabihan ko siya. Total, lagi ko siyang kasama. Pero, maniwala ka sa akin. Wala siyang ibang babae... ikaw lang." Napayuko si Matt ng bahagya.
"Salamat. Miss na miss ko na si George. Pakiramdam ko nawawalan na siya ng gana sa akin."
"Huwag mong isipin iyan. Baka nagkataon lang din na busy siya sa kaniyang trabaho, pero gaya ng sinabi ko sa iyo. Ako ang kakausap sa kaniya. Para sa iyo. Magiging okay din kayong dalawa. Okay?" Mahinahong sabi ni Matt.
Muling tumulo ang luha ni Melissa. Kaya tumayong muli si Matt upang yakapin ang babaeng nasa harap niya. Tila nararamdaman niya kung ano man ang nararamdaman ngayon ni Melissa. Ngayon at nabatid niyang hindi nagiging patas si George sa pakikitungo niya sa kasintahan nito. Hindi niya iyon napapansin kapag silang dalawa ang magkasama, pero nagyong kayakap niya ang babaeng papakasalan ng lalaking sinasabihan niyang mahal niya at para bang naawa siya sa babae at nahiya sa kaniyang sarili dahil sa mga ginagawa nila ni George.
Madami pa silang napag-usapan ni Melissa. Kagaya ng dating paglalambing ni George kay Melissa. Nasabi din ni Melissa na nagtatrabaho siya noon pero pinatigil siya ni George dahil mas gusto nitong laging nakikita si Melissa sa tuwing uuwi si George mula sa trabaho nito.
Pagkalipas pa ng ilang sandali....
"Ihatid na kita sa inyo?" Alok ni Matt.
"Hindi na, okay na ako. Maraming salamat ulit Matt."
"Wala iyon, asahan mong kakausapin ko si George para sa iyo."
Inantay muna ni Matt na makasakay ng Cab si Melissa bago siya pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan.
Noong nasa loob ng sasakyan si Matt. Hindi mabura sa isipan niya ang mga sinabi sa kaniya kanina ni Melissa. Sa mga pakikitungo sa kaniya ni George. Dahil doon ay kinakailangan na talaga din niyang makausap si George.
Kinuha niya ang kaniyang phone at tinawagan niya si George. Mabilis namang nasagot iyon ni George.
-----
"Hello dude, busy pa ako. Tawagan nalang kita mamaya." Sabi ni George habang busy siya sa pagsukat sukat ng mga detalye ng blueprint na nasa harapan niya.
----
"Sandali lang ito, i want to talk to you later after work. Okay?" Sabi naman ni Matt.
---
"Okay. Sige. Bye na muna." Binabas ni George nag tawag.
---
Bumuntong hininga si Matt. Piandar na niya ang makina ng kaniyang sasakyan at bumalik na sa kanilang building.
KINAGABIHAN.
Nagkita na muli si Matt at George. Napag-usapan nalang nilang sa Park nalang sila magkita.
Muli ay nauna si Matt kay George na nakarating doon.
Lumingon muna sa paligid si George bago niya sinalubong ng yakap at halik sa labi ni Matt.
"D'ya want us to get a room?" Tanong ni George.
"No--- okay na dito. May sasabihin lang naman ako." Seryosong sabi ni Matt.
"You sounds so serious, ano ba iyon?" Tanong kaagad ni George. Umupo sila sa bench.
"Kamusta na kayo ni Melissa?" Tanong ni Matt.
"Okay naman kami. Bakit nagseselos ka pa din ba sa kaniya?"
"Hindi kayo okay George. At hindi ako nagseselos na sa kaniya."
"Huh? Anong sinasabi mong hindi kami okay? We are fine."
"No. That's what you thought. Nawawalan ka na ng oras kay Melissa."
"What do mean by that?"
"Nagkita kaming dalawa kanina George."
Biglang napatigil si George.
"...................." Sandaling natahimik ang dalawa.
"Ano napag-usapan ninyo ni Melissa?"
"She's missing you George! Oo. Masaya ako na nakakasama kita, pero noong nakita kong umiyak sa harapan ko si Melissa nakaramdam ako ng pagkaguilty! You're not being fair on her. Nakakalimutan mong may fiancee ka. Akala ko ba mahal na mahal mo siya, pero bakit parang binabalewala mo siya ngayon?"
"Dahil mahal kita!"
"Bullshit George! Haven't you heard yourself when you said it!"
"Anong gusto mong gawin ko?"
"Bakit mo sa akin itinatanong iyan? At sa pananalita mo parang ayaw mo na talaga pa kay Melissa."
Biglang natahimik si George. Biglang pumasok sa isipan niya ang itsura ni Melissa. Nakadama siya ng pagkaguilty. Nadama niyang para ngang nagkakaroon na siya ng pagkukulang sa babaeng gusto niyang pakasalan.
"Ipinangako ko kay Melissa na kakausapin kita George. Gusto kong ayusin mo muna ang pakikitungo mo kay Melissa dahil kung ipagpapatuloy mong maging unfair sa kaniya at sa akin mo lang ibubuhos ang atensiyon mo. Ako na mismo ang tatapos nito."
"Nakakalito ka Dude. Sabi mo, nagseselos ka kay Melissa pero bakit mo ginagawa ito ngayon."
"Dahil hindi na ito tama! May nasasaktan na tayo ng hindi natin namamalayan dahil sarili lang natin ang iniisip natin. George, may asawa ako, at mga babae ang anak ko. Kaya noong nakausap ko si Melissa parang nagising ako sa katotohanan na... i should only be your second option. Ayokong ilagay mo ako sa puso mo ng buo. Sapat na sa akin ang kapiranggot, pero iyong kay Melissa. Ibigay mo sa kaniya kung ano ang tunay na nararapat. Okay?"
"Hindi kita maintindihan Dude. Mahal ko si Melissa. Mahal din kita. Nagkakataon lang na mas sa iyo ako sa iyo sumasama ngayon but it doesn't mean i don't like Melissa's company."
"Pero iyon ang nararamdaman ngayon ni Melissa! George ano ka ba?! Gumising ka nga. Huwag mong hayaang sayangin ang relasyong meron kayo ni Melissa, dahil harapin na natin ang katotohanan. Itong sa atin??? Hindi ito magiging panghabang buhay dahil may kani-kaniya tayong minamahal. At baka pag dumating tayo sa puntong hihiwalayan na natin ang isa't isa. Baka wala ka ng Melissang babalikan. At iyon din ang kinatatakot ko, ang dumating ako sa puntong wala na akong babalikang pamilya kong seseryosohin ko ang pakikipagsama ko sa iyo!"
"Duwag ka Dude!" Pasigaw na pagkakasabi ni George.
"Hindi ako duwag. Nagpapakapraktikal lang ako!" Pasigaw ding pagkakasabi ni Matt.
Biglang tumayo si George at tumalikod.
"Saan ka pupunta?!"
"Sa babaeng mahal ko!" Nilingon niya si Matt sandali at pinagpatuloy ang paglalakad papalayo kay Matt.
"URGH! Bullshit!" Inis na pagkakasabi ni Matt. Naiinis siya pero inisip niyang dapat lang talagang bumalik si George kay Melissa. Nasasaktan siya pero ayaw naman niyang ipaglaban ang kaniyang nararamdaman dahil mas inuunawa niya ang nararamdaman ni Melissa. Ikalawa lang siya sa buhay ni George, at hindi siya ang nauna dito. May Pamilya siya at ikalawa lang din si George sa buhay niya.
-------
Mabilis na pinatakbo ni George ang kaniyang sasakyan pauwi sa kaniya. Naiinis siya sa mga sinabi ni Matt.
"FUCK! FUCK! FUCK!" Paulit-ulit niyang sinasabi sa tuwing naalala niya ang tagpo nila ni Matt kanina lang.
------
Umuwi narin si Matt sa kanila.
------
Kinalma ni George ang kaniyang sarili bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kanilang apartment. Kailangan hindi mapansin ni Melissa ang inis na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
"Baby, kamusta ang trabaho?" Mahinang tanong ni Melissa noong nakita niyang pumasok si George sa kanilang kwarto. Nakahiga na siya.
"Okay lang. Nakakapagod. Maliligo lang ako, then... matutulog na, I'm so tired."
"Okay baby..." Tumalikod si Melissa at nakadama padin ng pagkalamig mula sa kaniyang kasintahan. Tumulo ang kaniyang luha.
Pumasok si George sa bathroom at naligo. Pagkatapos ay tumabi na siya kay Melissa. Pero hindi naramdaman ni Melissa na niyakap siya ni George. Noong humarap siya sa lalaki at nakita niyang nakatalikod iyon sa kaniya. Tumalikod nalang siyang muli at hindi na niya napigilan ang sariling umiyak. Pero hindi niya pinapadinig kay George ang kaniyang mga hikbi.
LUMIPAS pa ang ilang araw. Hindi nagparamdam si Matt kay George kaya kinainis lalo iyon ni George. Mas naging balesa siya at tila hindi na niya pinag-iisipan pa ang kaniyang mga ginagawa sa kaniyang trabaho. Laging mainit ang ulo niya, parati na niyang sinisigawan ang mga trabahador sa tuwing may nagagawa ang mag itong mali o hindi niya nagustuhan. Napapansin na din iyon ng kanilang Boss.
Sa tuwing nauwi ito ay napansin naman ni Melissa na wala ng natawag pa kay George. Naging tahimik na din ito. Hindi na ito mas naging busy pero nawala naman ang dating paglalabing sa kaniya ng lalaki na sadyang kinalulungkot niya.
Pero gayunpaman, lagi niya paring pinaghahandaan si George ng mga pangunahing pangangailang nito.
"Baby, malapit na pala ang kasal natin." Kasalukuyan silang kumakain ng kanilang almusal. Hindi man lang kumikibo si George. Patuloy ito sa pagkain.
"Baby, i said... malapit na ang kasal natin. Wala ka bang sasabihin?" Pagulit ni Melissa.
"Huh? Ah-- Eh.. Mabuti kung ganoon." At sumubo siyang muli ng pagkain.
"Iyon lang ang sasabihin mo?"
"Bakit? Ano ba gusto mong sabihin ko!" Medyo malakas ang pagkakasabi ni George.
Hindi na pigilan ni Melissa ang biglaang pagtulo ng kaniyang luha.
"Akala ko mas maeexcite ka pa kesa sa akin, pero parang baliwala na sa iyo ang magagaganap na kasal natin. Ano bang nangyayari sa iyo?! Hindi mo na ako pinapansin, parang balewala na ako sa iyo. Sabihin mo naman sa akin kung anong problema mo para hindi ako nag-iisip ng kung ano-ano sa tuwing pinapadama mo sa akin na wala na akong kwenta dito! Sabihin mo lang George kung gusto mo pang ipagpatuloy natin ang kasal. Dahil napapagod na ako kakaisip, nasasaktan na ako sa mga ginagawa mo." Patuloy na pagkakasabi ni Melissa.
Agad na tumayo si George sa pagkakaupo. At mabilis na niyakap si Melissa. "Honey-- I'm sorry-- I'm sorry." paulit ulit niyang hinalikan sa noo si Melissa.
"Sobrang dami ko lang talagang iniisip sa trabaho."
Inilayo ni Melissa sa pagkakayakap si George.
"Oo. sa sobrang dami mong iniisip sa trabaho, mismo ako na papasakalan mo ay hindi mo na naiisip."
"Huwag ka namang sumabay sa problema ko Melissa." Sumandal siya sa counter ng sink.
"Melissa? You called me Melissa? Bakit may iba ka na ba?" Mas lalong tumulo ang luha ng babae.
"I'm sorry Honey. Please naman, understand me." Lalapit sana si George kay Melissa pero iniwas ng babae ang sarili.
"I tried to understand you, George. If you don't love me, just say it... i am willing to accept it and walk away right now." Matigas ang pagkakasabi ni Melissa.
"Damn it!" Hinampas ni George ang lagayan ng mga plates na kinagulat ni Melissa. Tumayo si Melissa at tumakbo at pumasok sa loob ng kanilang kwarto. Sinarado niya iyon ng malakas. Agad naman siyang sinundan ni George.
"Honey, open this door. I wannna talk to you. I'm sorry. I love you, honey. I am just not in myself right now. Forgive me honey. Open this door. Talk to me. Please." Patuloy na kinakatok ni George ang pinto.
"Kausapin mo ako kapag---- kapag--- hindi ka na busy." Sabi ni Melissa mula sa loob ng kwarto. "Just go, gusto ko munang mapag-isa George." Dinid na dinig ni George ang mga hikbi ni Melissa na nagmumula sa loob.
"I'm sorry honey. I really am." Tumigil siya sa pagsasalita, "...i'll talk to you later when i come back. Okay? I miss you honey. And I am sorry again. I love you." Dagdag pa niya.
Nakayukong lumabas si George sa kanilang apartment at sumakay ng kaniyang sasakyan. Matagal muna bago niya pinaandar ang kaniyang sasakyan. Isinandal niya ang kaniyang sarili sa kaniyang upuan. At pansamantalang pumikit.
"What i have done..." Pabulong na sabi ni George sa kaniyang sarili.
LUMIPAS ang araw at paguwi niya ay hindi parin siya pinapansin ni Melissa. Sa tuwing yayakapin niya ito ay inilalayo ni Melissa ang kaniyang sarili. Ayaw parin siyang kausapin nito.
"Honey... maghihintay ako sa sandaling kausapin mo na ako. Miss na miss na kita." Pabulong niyang sabi.
--------
HABANG nakain naman ng Dinner si Matt kasama ang kaniyang pamilya.
"Kamusta ang work Pa?" Tanong ni Joana.
"Okay naman. Nakakapagod, daming meetings na dapat puntahan. But... kinakaya ko naman, para sa inyo." Nakangiting sabi ni Matt. Tinignan niya ang mga bata.
"Papa. Are you still seeing kuya George?" Tanong ni Jermaine. Napatingin si Joana kay Jermaine.
"Ah... sometimes, but... since Papa was so busy, i haven't got a chance to meet him." Sagot naman ni Matt. Nakikinig lang si Joana.
"Papa. Do you miss him?" Tanong ulit ni Jermaine. Napatigil sa pagkain si Matt sa tanong ni Jermaine. Napatingin siya kay Joana na tila napatingin din sa kaniya noong narinig iyong tanong na iyon mula kay Jermaine.
"Of course i miss your kuya George. I also miss ate Melissa." Nakangiting sagot ni Matt.
"Can we meet them?" Tanong ulit ng bata.
"Of course, if have some times. We will visit them." Sagot naman ni Joana.
Pagkatapos nilang kumain at tumungo na sa kwarto ang mag-asawa. Hindi naiwasang itanong ni Joana ang mga tanong ni Jermaine kay Matt.
"What was that about?" Tanong ni Joana.
"What about?" Pabalik na tanong ni Matt.
"Iyong mga tanong ng bata sa iyo."
"Ah iyon ba. Siguro namimiss lang ni Jermaine ang company nila George at Melissa."
"Were you seeing George?" tanong ni Joana.
"Huh? ---- yeah, noon, pero hindi na ngayon masyado. Medyo naging busy na ako, nalabas kami minsan... noon." Sabi ni Matt.
"Iyon ba nag dahilan kaya minsan... noon, ay late kana umuwi?"
"Oo. Ma, are you being suspecious?"
"May dapat ba akong pagsuspetsahan?"
"Wala naman, you just sounded like suspecting me. Like i was doing something bad, together with---- with George."
"Just forget pa. Tara tulog na tayo?"
"Hmmm.. but i am missing something Ma." Mapilyong ngiti nito sa asawa.
"Okay... come here to me Pa." Nakangiting sabi ni Joana.
Agad naman pumatong sa kaniya si Matt. At sinimulang kilitiin ang buong katawan ni Joana na nahantong sa malalalim na titigan at maiinit na halikan. Sobrang namiss ni Matt ang mga labi ng asawa. At katawan ng kaniyang asawa, ang pagromansa sa kaniyang asawa.
Pinagsaluhan nilang dalawa ang gabing iyon. Tila sabik na sabik silang dalawa para sa isa't isa. Hanggang sa marating nila ang init at sarap ng kaniyang pagmamahalan bilang mag-asawa.
Pagod nilang pinaghiwalay ang kaniyang mga katawan. Niyakap ni Joana si Matt at natulog ito sa dibdib ng lalaki. Ipinikit na rin ni Matt ang kaniyang mga mata.
"I love you Pa..."
"I love too, Ma. I will always have the same feelings for you--- Just like the first time i met you." Humalik si Matt sa noo, sa ilong sa labi ni Joana.