cute pinoy,jakol,gwapo,macho jakol,jerk off,jakulan,kantot,orgy,bisexuals gay,m2m video clips,pinoy m2m video clips,hardcore,pinoy scandals, poging nagjakol,jakol sa cam,kwentong malibog,kwentong kalibugan, top and bottom,threesome,macho,tripper,straight tripper,chatting, chatroom,kantutan,fuck,suck,lalake sa lalake,pinoy chupa,tamod,burat titi,blowjob m2m,Xtube,Xtube Scandal,Xtube Pinoy Scandal,Kaplogan,Pinoy Kaplogan
By: Lui
Maaga ang klase ko ngayong araw, 9AM. Nag-alarm ako ng 6AM dahil hindi ko pa tapos ang ginagawa ko. Nagkaroon ng konting problema kagabi si Alicia. Kailangan kong tumulong. Masakit ang mga mata ko nang imulat ko ang mga ito upang hanapin ang alarm clock at phone ko na maingay na ginigising ako. Dahil siguro sa puyat kaya sumasakit ito.
'Ugh. Anong oras na?', ang narinig ko na mistulang nagpatigil sa buong sistema ko.
Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagbaling ko sa pinanggalingan ng boses na narinig ko.
'Whoa! Alicia. Diba.... Bakit... Pano... Diba sa kwarto ni Mama kita pinatulog?', ang hirap kong paghahanap sa tamang tanong.
'Yeah. Kaso hindi ako makatulog ng maayos e. Kaya lumipat ako dito.', ang sabi ni Alicia sa akin na kahit magulo ang buhok ay maganda pa din.
Ano 'yung huli kong sinabi? Bakit biglang may ganon??? Anyways, hindi ko alam pero parang bigla akong nahiya kasi diba kahit tulog ka may mga moments na nagigising ang subconscious mo kapag gumagalaw ka. OH, MY GOD!
'Nadantayan ba kita?', ang nahihiya kong tanong.
Para namang hindi alam ni Alicia kung matatawa o hindi sa sinabi ko.
'Oo. Niyakap mo pa kaya ako. Akala mo siguro unan mo ako.', ang sabi niya.
'Whaaaaaaaat??! My God! Sorry, I am so sorry!', ang sabi ko sa kanya.
Napayuko ako sa sobrang hiya. Nakaupo na ako 'nun sa aking kama habang nakasandal sa headboard. Napansin ko na nakikita ko ang aking pusod. Strange. Dun ko lang na-realize na wala pala akong damit pang-itaas. Tiningnan ko si Alicia at nakitang nakabalot siya ng kumot pero kita ang strap ng kanyang bra. Agad akong tumayo at hinagilap ang bathrobe ko.
'Oh! No, no, no!', ang paulit-ulit kong sinasabi habang hinahanap ang robe ko.
Halata namang confused si Alicia sa ikinikilos ko. Pinipigilan niya ang tawa niya at sumandal sa headboard ng aking kama.
'Hey.', ang sabi niya sa akin.
Naisuot ko na ang aking robe at palapit na sana sa kanya upang magtanong nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto.
'Ry!!!!!!', ang malakas na sigaw ni Gino na unti-unting humina ng makita niya ang itsura namin ni Alicia sa aking kwarto.
'Oh.', ang tanging nasabi ni Gino bago muling isinara ang pinto.
0*0*0*0
Maaga ring nagising si Mona dahil sa pag-aalala sa kaibigan. Kagabi pa nila hinahanap si Alicia. Sinusubukan nila itong tawagan pero hindi sumasagot.
Mona: Liz, sumagot na ba si A sa'yo?
Liz: Hindi pa nga e.
Mona: E si John, ano daw ba kasing nangyari kagabi?
Liz: Hindi ko din ma-contact e.
Mona: Ano ba yan! Kinakabahan na ako. Si Ryan kaya.
Liz: Hindi ko alam ang number ni Ryan.
Mona: Okay, sige. Ako na lang tatawag. Let me know kung nagtext na siya sa'yo ah.
Liz: I will.
Agad namang ibinaba ni Mona ang phone at sinubukan akong tawagan.
0*0*0*0
'Totoo ba 'yung nakita ko? Si Alicia at si Ryan?', ang tumatakbo sa isip ni Gino habang pababa siya ng hagdan galing sa kwarto ni Ryan.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit biglang bumilis ang kabog ng dibdib niya at parang nakaramdam ng inis. Hindi naman niya naging type si Alicia kahit dati pero parang iba talaga ang nararamdaman niya ngayon. Nagtungo siya sa kusina at uminom ng isang malamig na baso ng tubig.
'Si Ryan at si Alicia.', ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya.
0*0*0*0
'Alicia, may... Wala naman sigu... Ugh!', ang hindi ko alam na pagtatanong sa kanya.
'Wala. Don't worry. Nadatnan kitang nakaganyan na. E 'yung mga damit ko naman ay nilabhan mo kagabi kaya ito lang ang suot ko. Magpapadala na lang ako kay Mona.', ang mahinahon na sabi ni Alicia.
Para naman akong nabunutan ng tinik nang malaman ko na wala naman palang nangyari. Kinabahan ako 'dun. Ikinuha ko na siya ng bathrobe at towel at nagpaalam na bababa muna.
'Sige, tatawagan ko na din sina Mona. I'm sure, nag-aalala 'yung mga 'yun.', ang sabi ni Alicia.
'Oo nga. You should call them.', ang sabi ko.
'Ok lang ba kung padaanin ko sila dito? Magpapadala sana ako ng undies.', ang nahihiya niyang sabi.
'Sure, no problem.', ang sabi ko bago bumaba.
0*0*0*0
Dinatnan ko si Gino sa kusina. Nakaupo siya sa isang upuan at nakatulala sa kawalan.
'Gino. Paano ka nakapasok?', ang tanong ko sa kanya.
'Tinext ako ni Tita kagabi. Sabi niya puntahan daw kita dito kasi wala kang kasama. Tinawagan niya ako kanina habang tinuturo niya kung saan niya itinatago ang spare key ng bahay.', ang cold na sagot niya sa akin.
'Hindi mo naman kelangang gawin 'yun e. Pwede namang sa school na lang tayo magkita.', ang sabi ko sa kanya habang kumukuha ako ng tubig sa fridge.
'Oo nga. Kasi may kasama ka naman pala. Sorry ah!', ang inis niyang sabi sa akin bago umalis.
Naguluhan naman ako sa ikinilos niya. Sinundan ko siya sa sala at nakita ko na kinuha niya ang isang malaking gym bag at patungo na sa pinto.
'Uy! Sandali lang. Bakit ka ba nagkakaganyan?', ang tanong ko sa kanya.
'Wala. Sige na. Umakyat ka na. Inaantay ka na ni Alicia dun.', ang sabi niya bago tuluyang umalis.
0*0*0*0
Hindi ko alam kung paano nangyari pero na-survive ko ang araw na iyon. Naipasa ko ang lahat ng kelangan kong ipasa kahit na sa sasakyan nina Mona ko na ito tinapos. Oo, sumakay ako sa sasakyan ni Mona kahit na hindi ko pa din siya feel dahil sa pagpupumilit ni Alicia. Hindi kami nagkibuan ni Mona kaya tinapos ko na lang ang research paper ko.
'Ryan, thanks for last night ha. Grabe, 'yun na siguro ang isa sa mga hindi ko malilimutan na nangyari sa akin. For one moment there, nalimutan ko ang problema ko kay John. Nakakatawa ka kasi. Sobrang salamat!', ang sabi ni Alicia sa akin matapos ang klase namin.
'Wala 'yun. Natakot talaga kasi ako. Basta, kapag kelangan mo ng tulong, itext mo lang ako. Kahit nasaan ka pa, pupuntahan kita.', ang sabi ko.
'Ang cheesy mo! O sige na. Kelangan ko pang mag-explain kay Mona. Nagtatampo kasi. Ikaw daw kasi ang nilapitan ko at hindi siya.', ang paalam niya.
'O sige. Ingat ka ah.', ang sabi ko bago bumeso sa kanya.
Sumama na ako kina Katie at Doris. Magpupunta kami sa isang coffee shop para sabay-sabay na gumawa ng thesis. Agad namang umalis si Patrick at Gino dahil may laro ang mga ito sa village nina Patrick.
'Bakit parang hindi na naman kayo okay ni Gino?', ang tanong ni Katie.
'Ha? Ewan ko dyan. Ang labo.', ang sabi ko.
'Ano na naman nangyari?', ang tanong ni Doris.
'Daig nyo pa 'yung totoong mag-jowa sa LQ nyo.', ang komento ni Katie.
Dahil sila naman ang bestfriends ko ay kinwento ko sa kanila ang buong pangyayari simula kagabi hanggang kaninang umaga. Matapos kong magkwento ay halos hindi makapag-react ang dalawa.
Nang makarating kami sa coffee shop ay iyon pa din ang nasa isip nila.
'Pero wala talagang nangyari?', ang biglang tanong ni Doris.
'Ang kulit! Wala nga! Ano ba yan.', ang naiinis ko nang sagot.
'Pero, Ryan, may something ka ba kay Alicia?', ang tanong ni Katie habang sine-set up namina ang aming mga laptops.
'Anong something?', ang tanong ko.
'Like crush? Or feelings?', ang sabi ni Katie.
'Kate, she's in a vulnerable state right now. Ayokong mag-take advantage.', ang sagot ko.
'Aha! So meron nga?!', ang tumatawang sabi ni Doris.
'Ewan. Siguro! Ah, basta! Magulo.', ang sabi ko.
Seryoso, magulo talaga. Kasi habang pinag-uusapan namin si Alicia, si Gino ang pumapasok sa isip ko. Ang weird talaga. Kinikilig naman ako 'pag inaasar ako kay Alicia pero ganon din ang nararamdaman ko 'pag inaasar nila ako kay Gino.
'Tama na nga! Marami pa tayong kelangang tapusin o.', ang sabi ko sa kanila.
'Nako, ang kaibigan ko mukhang in love na.', ang pagkiliti sa akin ni Katie.
'STOP IT! Seriously.', ang nakasimangot kong sabi sa kanya.
0*0*0*0
'Okay ka lang ba?', ang tanong ni Patrick kay Gino.
'Yeah. Bakit?', ang tanong ni Gino.
'Kanina ka pa tahimik e.', ang sabi ni Patrick.
'Pagod lang siguro dahil sa laro kanina.', ang pagsisinungaling ni Gino.
'Tara, tulog na tayo.', ang yaya ni Patrick.
Pinatay na niya ang ilaw ng kwarto at humiga na. Ganon din ang ang ginawa ni Gino at tumalikod kay Patrick. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya naaapektuhan sa nakita niya kanina sa amin ni Alicia.
'Akala ko ba bestfriends kami, bakit di niya nabanggit sa akin na may namamagitan na pala sa kanila ni Alicia?', ang sabi ni Gino sa isip niya.
Ilang sandali pa ay naririnig na niya ang mahinang paghilik ni Patrick. Hindi siya dalawin ng antok at kahit na madilim ang paligid ay buhay na buhay pa din ang diwa niya. Gusto niya akong itext pero nagdadalawang isip siya. Naisip niya na mas maganda na siguro kung bukas na lang namin iyon pag-usapan ng personal.
Himbing na himbing na sa pagtulog si Patrick. Natawa na lang si Gino nang maramdaman niya na isinisiksik ni Patrick ang sarili sa kanya. Hindi na niya ito pinansin at sinubukan ng matulog. Mga ilang minuto pa lang siguro iyon at nahihinulugan na siya ng biglang naramdaman niya ang panginginig ng katabi. Umuungol din ito at parang nagsasabi ng kung anu-ano na hindi niya maintidihan.
'Pat. PAT!', ang paggising niya sa kaibigan.
Ngunit hindi natinag si Patrick sa panginginig. Nagsimula nang kabahan si Gino at ginawa ang lahat para magising ang kaibigan. Hindi niya tinigilan ang pagtawag at ang pagtapik dito hanggang sa tuluyan na itong nagising na animo'y hingal na hingal.
'Huuuuuuuuuuuh!', ang paghabol ni Patrick sa paghinga.
'Pat!! Anong nangyari sa'yo? Binangungot ka yata.', ang alalang-alala na sabi ni Gino.
'Gino.', ang naiiyak na sabi ni Patrick.
Hindi alam ni Gino pero parang naging instinct na niya na yakapin ang kaibigan ng mahigpit para ma-comfort ito. Yumakap naman pabalik si Patrick at hindi na napigilan ang paghagulgol.
'Ikukuha lang kita ng tubig. Mabilis na mabilis lang.', ang sabi ni Gino matapos buksan ang lampshade.
Patakbong binaba ni Gino ang kusina at wala pang dalawang minuto ay nasa tabi na ulit ito ni Patrick at pinapainom na niya ito ng tubig.
'Okay ka na?', ang tanong ni Gino.
Isang tango lang ang naisagot ni Patrick kahit na halata pa din ang takot sa mga mata nito. Umayos na ng higa si Gino sa tabi ni Patrick.
'Gino, nakakatakot 'yung lugar na napuntahan ko. Parang sobrang init niya tapos takbo ako ng takbo. Meron akong hinahabol e. Tapos napunta ako sa dito. Dumiretso ako sa room ko tapos pagbukas ko, nagsisisigaw ako. Hindi ko alam kung bakit. Nararamdaman ko ang katawan ko na nanginginig. Gising ang diwa ko pero hindi ko magising ang katawan ko.', ang naiiyak na sabi ni Patrick.
'Shhhh. Mag-pray na lang muna tayo bago matulog.', ang sabi ni Gino.
'Natatakot na akong matulog.', ang lalong paghagulgol niya.
Ibang Patrick ang nakikita ni Gino ngayon. Hindi niya lubos maisip na makikita niya ang kaibigan na ganito katakot. Mas matangkad siya kung tutuusin kay Gino pero mas matipuno ang pangangatawan ni Gino. Pero ngayon, para siyang batang takot na takot.
'Wag ka matakot. Kasama mo ako.', ang sabi ni Gino.
Kinuha ni Gino ang kamay ni Patrick at nagsimulang magdasal ng malakas.
'Lord, sana po ay bantayan niyo kami ni Patrick ngayon sa aming pagtulog. Nawa'y huwag na niyang mabalikan ang lugar na kanyang napuntahan bago magising. Kami po ay nananalangin sa inyo sa ngalan ng iyong anak na si Hesus. Amen.', ang dasal ni Gino.
'Amen.', ang bulong na sabi ni Patrick.
Ini-stretch ni Gino ang kanang kamay niya at ikinulong si Patrick sa kanyang kanang braso. Lumapit naman si Patrick at ihinilig ang ulo malapit sa may leeg ni Gino.
'Pikit ka na. Babantayan kita.', ang sabi ni Gino.
0*0*0*0
Ang unang ginagawa ko pagkagising ko sa umaga ay i-check ang aking phone. Babasahin ko ang mga texts na aking na-receive habang ako ay tulog. Isa sa mga rason kung bakit nakagawian ko ito dahil sa dalas naming pag-uusap ni Gino sa text. Madalas ay may text na siya sa akin bago pa man din ako gumising. Pero, ngayong araw na ito? Wala. Nakailang text na ako sa kanya kagabi pero hindi siya nagre-reply.
'Haay.', ang pagbati ko ng isang magandang umaga sa sarili.
Bumangon na ako para mag-ayos papasok sa school. Sa school na lang siguro ako magbe-breakfast. Hindi maganda ang gising ko ngayon. Parang ang tamlay ko.
One Message Received: Alicia Borromeo
Alicia: Rise and shine, sleepyhead.
...
...
Ryan: Hey, good morning.
...
...
Alicia: See you in a bit.
...
...
Ryan: Yes! You too.
Kahit papaano naman ay nakakagaan sa loob ang atensyon na binibigay sa aking ni Alicia simula ng naging mabuting magkaibigan kami. Nakakatuwang isipin na kung sino pa ang kinaaasarang ko dati ay siya na ngayong isa sa mga nagpapangiti sa akin.
0*0*0*0
Nagising si Patrick dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa kwarto niya. Ang hapdi ng kanyang mga mata at hindi siya agad makakilos. Parang pinakiramdaman niya muna ang paligid dahil parang kakaiba. Parang hindi siya sa unan nakahiga. Tanging ang mga mata lang niya ang kanyang pinagalaw upang i-familiarize ang sarili sa hitsura ng pagkakahiga niya ngayon. Nakahiga siya sa dibdib ng tulog na tulog na si Gino. Nakayakap siya dito at ang kanilang mga kamay ang magkahawak. Ang isang kamay ni Gino ay nasa bandang bewang niya. Maingat siyang bumangon ngunit dahil nga magkadikit ang kanilang mga katawan ay agad na nagising si Gino sa konting galaw lang niya.
'Good morning. Nakatulog ka ba ulit ng mahimbing?', ang malambing na tanong ni Gino sa kanya.
Ulit? Saka niya naalala ang masamang panaginip na nakapagpaiyak sa kanya. Ngayon din niya na-realize kung bakit ganon ang posisyon nilang dalawa.
'Yeah. Gino, sorry.', ang nahihiyang sabi ni Patrick.
'It's okay. Though natakot talaga ako kagabi nung hindi ka magising.', ang sabi ni Gino.
'Thank you. Buti na lang nandito ka.', ang nakayukong sabi ni Gino.
'Ok lang 'yun.', ang sabi ni Gino bago humikab.
'Hanggang anong oras ka gising?', ang tanong ni Patrick.
'Hanggang 3.30AM yata. Binabantayan kita e.', ang sabi niya.
'You didn't have to. Nag-pray na naman tayo. Sobrang salamat!', ang sabi ni Patrick.
'Wala 'yun. Una ka na maligo. Idlip muna ako.', ang sabi ni Gino.
'Sige. Uhm. Gino, sana walang makaalam ng nangyari sa akin kagabi.', pakiusap ni Patrick.
'Hm-mmm.', ang sabi ni Gino na nakapikit na.
0*0*0*0
Napaaga yata ang pasok ko ng isang oras. Nakatapos na akong kumain. Bumili na lang muna ako ng kape sa may 7-11 at pumasok na sa building. Umupo ako sa may bench sa lobby. Wala pang masyadong mga tao dahil sa haloss lahat ay nasa klase na. Wala pa sigurong labinlimang minuto kong pag-upo doon ay dumating na sina Patrick at Gino. Agad ko silang nilapitan at kinausap si Gino.
'Can we talk?', ang tanong ko kay Gino.
Nakatingin lang si Patrick sa amin na mistulang walang alam sa nangyayari.
'Why?', ang cold na tanong ni Gino sa akin.
'Wag ka namang ganyan. Mag-usap na tayo. Kagabi pa kita tinetext, hindi mo ako nire-replyan.', ang sabi ko.
'Punta lang ako library ha. Iwan ko muna kayo.', ang paalam ni Patrick.
Umupo kami ulit sa may bench. Tahimik lang si Gino. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin.
'Ano? Tutunganga lang tayo dito?', ang inis na tanong sa akin ni Gino.
'Ano bang ikinagagalit mo?', ang tanong ko sa kanya.
Wala siyang sagot.
'Dahil ba sa nakita mo kami ni Alicia? Gino, wala namang nangyari sa amin.', ang pagsasabi ko ng totoo.
'Wala akong pakialam kung may nangyari sa inyo o wala. Akala ko ba mag-bestfriends tayo? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na may something na sa inyo?', ang galit niyang sabi sa akin.
'What? Gino! Walang something sa amin.', ang sabi ko.
'Wow! Ako pa ang niloko mo! E kitang-kita ko kahapon na magkasama kayo sa kwarto. Ano, nagtitigan lang kayo?', ang sabi ni Gino.
'Hindi. Natulog lang kami!', ang pagdidiin ko.
'C'mon!', ang inis niyang sabi.
'Bakit ba ayaw mong maniwala?!', ang naiinis kong tanong sa kanya.
'Kasi hindi ka nagsasabi ng totoo! Huling-huli ka na, dine-deny mo pa!', ang sigaw niya sa akin.
'E ang kitid naman pala ng utak mo e! Ganon ba kababa ang tingin mo kay Alicia? Hindi ka marunong makinig! Pinapamukha mo sa akin na mag-bestfriends tayo pero ikaw 'tong ayaw maniwala sa sinasabi ko! Anong klase kang kaibigan?!', ang galit kong sabi sa kanya.
Nadatnan kami ni Alicia sa ganong eksena. Halos narinig niya ang huling mga sinabi ko kay Gino.
'Guys, is everything ok?', ang tanong niya sa amin.
'Mukha bang okay ang lahat?! Ha?', ang galit na baling sa kanya ni Gino.
'Ano bang ikinagagalit mo talaga?? Ha??!', ang sigaw ko.
Napatingin na sa amin ang guard.
'Ryan, Gino. Chill lang kayo.', ang pag-awat ni Alicia.
'Magsama kayong dalawa!!', ang sigaw ni Gino bago siya lumabas ng building.
Napaupo naman ako sa bench dahil sa biglang panghihina. Agad naman akong tinabihan ni Alicia.
'Anong nangyari? Bakit galit na galit si Gino?', ang tanong ni Alicia.
'Dahil sa nakita niya nung nasa kwarto tayo. Ayaw niyang maniwala na walang nangyari sa atin.', ang sabi ko sa kanya.
Hindi naman nakapagsalita si Alicia at halatang nagulat sa rason ni Gino.
itutuloy...