cute pinoy,jakol,gwapo,macho jakol,jerk off,jakulan,kantot,orgy,bisexuals gay,m2m video clips,pinoy m2m video clips,hardcore,pinoy scandals, poging nagjakol,jakol sa cam,kwentong malibog,kwentong kalibugan, top and bottom,threesome,macho,tripper,straight tripper,chatting, chatroom,kantutan,fuck,suck,lalake sa lalake,pinoy chupa,tamod,burat titi,blowjob m2m,Xtube,Xtube Scandal,Xtube Pinoy Scandal,Kaplogan,Pinoy Kaplogan
By: Lui
'Liz, pwede makitawag? Naubusan ako ng load e.', ang paghingi ni Alicia ng pabor sa kaibigan.
'Sure.', ang pag-abot ni Liz ng phone sa kanya.
Agad namang kinuha ni Alicia ang phone sa kaibigan at akma nang ida-dial ang number ng tatawagan ng biglang mag-vibrate ang phone na kanyang bahagyang ikinagulat. Dahil dito, napindot niya nang hindi sinasadya ang 'Read' kaya naman na-open niya ang message. Isang maikling message ang kanyang nabasa.
One Message Received: John Aquino
John: Good morning, hun! I love you. Mwah.
Muli niyang binasa ang message at tiningnan ang sender at ang number nito. Hindi siya makapaniwala.
'This can't be. No.', ang sabi ni Alicia sa sarili.
'A? Akala ko tatawag ka?', ang pagpansin sa kanya ni Liz.
'Ha? Uhm. Hindi na. Tinext ko na lang. Wait, burahin ko lang yung sent message ko.', ang pagpipigil ni Alicia na umiyak sa harap ng kaibigan.
Pero sa totoo lang, ang message ni John na ex-boyfriend niya ang binura niya. Ayaw niya munang magka-idea si Liz na alam na niyang niloloko siya ito.
'Girl, CR lang ako. Thanks.', ang paalam ni Alicia kay Liz matapos ibalik ang phone.
Agad naman siyang lumabas sa room at halos patakbong tinungo ang CR. Pinipigilan niya pa din ang mga luha na tumulo sa kanyang mga mata dahil sa pagkakaalam niya ng katotohanan.
'Ooooow!', ang pagdaing ko nang magkabungguan kami ni Alicia.
Marahil ay nakayuko si Alicia nang mga oras na iyon habang ako naman ay may hinahanp sa aking bag kaya't hindi namin nakita parehas ang dinaraanang corridor.
'Sorry!', ang paghingi ng dispensa ni Alicia.
'Alicia! Buti na lang nan.... Hey, ok ka lang?', ang bigla kong tanong nang makitang may mga namumuong luha sa mga mata niya.
'Yeah! I'm okay!', ang pilit niyang pagngiti.
'Weh? Bakit ka naiiyak?', ang tanong ko sa kanya.
'Secret lang natin ah. Exempted na ako sa isang finals next week! Wag ka maingay.', ang alibi niya.
'Okay. So, why cry?', ang tanong ko pa din.
'Duh? Ryan! Major subject 'yun. Perfect score agad iyon. Pag ganitong patapos na ang first sem natin as 4th year students, ang sarap lang ng feeling na may isang subject akong exmepted. Grabe lang din hirap ko dun!', ang pagpapatuloy niya.
Bumenta naman sa akin ang alibi niyang iyon.
'Ah. Sabagay. Uhm. So, CONGRATS!!', ang malakas kong sabi.
Binigyan ko siya nang isang mabilis na hug. Kasabay nito ay ang pagsulpot bigla ni Gino sa corridor. Malamang ay nakita niya kami pero dumiretso na siya sa loob ng room.
'Wag kang maingay ha. Hindi ia-announce ni Ma'am e. Okay?', ang sabi ni Alicia.
'Okay. Promise!', ang pangako ko.
'Wait, CR lang ako.', ang paalam niya.
Nagtungo na siya sa CR. Agad siyang nagkulong sa loob ng isang cubicle at doon tuluyang nag-break down. Impit lang ang kanyang pag-iyak dahil ayaw niyang may makarinig sa kanya. Sobrang sakit ang nararamdaman niya nang malaman na niloloko siya ni Liz at ito ang malamang na dahilan kung bakit nag-break sila ni John.
Ako naman ay walang ideya sa totoong nangyayari sa kanya. Pumasok na rin ako ng classroom matapos magpaalam ni Alicia na magpupunta lang sa CR.
'O, dito ka na pala!', ang bati ko kay Gino.
Isang tango lang ang sagot niya sa akin. Nagbabasa siya ng lecture notes para sa klaseng iyon.
'G, may sakit ka ba?', ang tanong ko.
Inilagay ko ang kamay ko sa kanyang noo tapos sa leeg upang tingnan kung may lagnat siya.
'Bakit? Ano ba?', ang iritable niyang tanong marahil dahil alam niyang inaasar ko siya.
'Nagbabasa ka talaga ng notes? Wait, nagno-notes ka na pala???', ang pang-aasar ko bago hablutin ang hawak na papel.
Agad naman akong natigilan nang makita ko ang hawak. Pamilyar ang sulat-kamay na nakikita ko. Pati na rin ang mga personal notes na nandoon para sa lesson na iyon.
'E akin 'to e! Paano mo 'to nakuha?!', ang tanong ko sa kanya.
Pinagpapapalo ko siya ng photocopy ng notes ko. Oo, nakakaasar na pinakialaman niya ang gamit ko pero.... si Gino naman 'yun e.
'Ow! Aray! Wait!!', ang mga nasasabi lang niya habang halos bugbugin ko na siya sa palo.
Paano mo 'to nakuha?', ang tanong ko sa kanya.
'Kinuha ko sa bag mo yung notes mo kahapon. tapos pina-photocopy ko lang naman.', ang sabi niya.
Piit niyang inaagaw sa akin ang mga papel na iyon pero nauunahan ko ang pag-ilag. Ayaw niyang tumigil at hinabol niya pa ako nang patakbo akong lumipat ng upuan.
'Akin na 'yan!', ang sigaw niya sa akin.
Ikinulong niya ako sa kanyang malalaking braso para hindi na ako makailag. Niyakap ko ang nagugusot ng papel at pilit pa rin niya itong kinukuha.
'Pag ako bumagsak, ikaw may kasalanan!', ang medyo naiinis na niyang tono.
'Aba! Ako pa.', ang tumatawa kong pang-aasar.
'Akin na kasi!', ang sabi niya at hinigpitan niya pa ang pagkulong sa akin at pinilit na kuhanin ang papel na halos nasa dibdib ko na.
Nasa ganoon kaming posisyon nang biglang pumasok si Patrick sa room. Nakita kong kami agad ang nakita nya at agad na nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Natigilan kami parehas at nawala ang atensyon ko sa hawak.
'YES!', ang sigaw ni Gino nang sa wakas ay nakuha niya ang papel.
'Next time kasi mag-notes ka at magpaalam ka naman.', ang sabi ko.
'He! Di tayo bati.', ang sabi ni Gino na hindi ko alam kung seryoso o hindi.
0*0*0*0
Patulog na ako nang gabing iyon pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Napapaisip ako sa mga nangyari ng araw na iyon.
'Talaga bang exempted si Alicia? Tama kaya si Gino at simulan ko nang ligawan siya? Kasi ganon din naman e. Masaya ako kapag kasama ko siya. At sa tingin ko naman, ganon din siya. Pero may nararamdaman na ba ako sa kanya? Tapos yung kay Gino naman, ano yung ibig niyang sabihin na hindi kami bati? Seryoso ba 'yun? Kasi parang may laman e. Masaya pa din naman kay Gino pero bakit parang nag-iiba na talaga kapag nandyan si Pat?', ang mga tumatakbo sa utak ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit ko paulit-ulit na ikino-compare si Gino kay Alicia. Saan ba ako mas masaya? Sino ba ang mas gusto ko?
'Hindi naman yata tama na magkagusto ako kay Gino kasi parehas naman kaming lalaki kaso bakit ganito ako sa kanya? Ganito rin ba siya sa akin? Ang gulo! Feeling ko dapat kay Alicia na lang ako. Kasi yun 'yung tama. Babae siya, lalaki ako. Gusto ko na din magka-girlfriend. Tingin ko naman matutuwa si Gino 'nun.', ang patuloy kong pakikipag-usap sa sarili.
0*0*0*0
Sobrang lungkot ni Alicia nang gabing iyon dahil sa nalaman niya. Nakahiga na siya at pinipilit na makatulog ngunit hindi rin siya dinadalaw ng antok.
Alicia: Ryan?
...
...
Ryan: O?
...
...
Alicia: Wala naman. Kamusta?
...
...
Ryan: Eto hindi makatulog.
...
...
Alicia: Ako din e.
...
...
Ryan: Bakit naman?
...
...
Alicia: Marami lang iniisip.
...
...
Ryan: Don't worry, ok lang ako.
...
...
Alicia: Haha! You're funny!
...
...
Ryan: Hindi naman. So, bakit ka naman maraming iniisip?
...
...
Alicia: Mahirap iexplain e. Naalala ko lang si John.
...
...
Ryan: Miss mo?
...
...
Alicia: Ewan. Siguro. Parang.
...
...
Ryan: Ano ka ba, sinaktan ka na nung tao. Huwag ka na sa kanya.
...
...
Alicia: E kanino na lang ako?
...
...
Ryan: Sa akin? Hahaha! Joke lang.
...
...
Alicia: Hahaha! Grabe yun ah. Sige na, good night na. Late na din.
...
...
Ryan: Good night.
Hindi naman maikakaila ng dalawa na medyo gumaan ang pakiramdam nila bago tuluyang makatulog.
0*0*0*0
Last week na ng first sem. Ibig sabihin nun, finals week! Hindi na kami magkanda-ugaga lahat sa pag-aaral. Matapos ang mga exam sa unang araw ay nagpunta na lang ako sa isang coffee shop kung saan payapa para makapag-aral. Mga 30 minutes na rin akong nagre-review noon nang makaramdam ako nang pagkaihi dahil na rin siguro sa aking iniinom at sa lamig ng lugar.. Agad akong tumayo at nagtungo sa CR ngunit pagkarating ko doon ay occupied ito. Pinili ko na lang na maghintay. Ilang segundo lang ang lumipas nang narinig kong nag-click ang lock ng door, senyales na palabas na ang tao sa loob.
'Pat!', ang gulat kong pagtawag sa taong lumabas sa CR.
'Ryan! Ginagawa mo dito?', ang gulat niyang tanong.
'Nag-aaral para sa exam tom. Ikaw?', ang sagot ko.
'Same.', maikli niyang sagot.
'Share na lang tayo table. Tagal na nating di nakakapagkwentuhan din.', ang sabi ko.
'Sige.', ang sagot niya.
Habang nasa loob ako ng CR, hindi ko maikubli sa sarili ang feeling ng nakausap ko si Patrick. Ang awkward. Sobra. Ewan ko pero parang may tension sa aming dalawa. Marahil dahil kay Gino? Pero parang nanghihinayang ako bigla sa pagkakaibigan namin.
Mabilis lang akong nag-CR at agad na ding bumalik sa aking table. Hinintay ako ni Patrick na makabalik bago lumipat sa parehong table sa akin.
'Kamusta exam kanina?', ang tanong ko sa kanya.
'Ok naman. Nasagutan ko naman lahat. Ikaw?', ang sabi niya.
'Ganon din. Though, yung essay part medyo maikli lang yung sa akin.', ang dagdag ko.
'Sa akin din. Hindi naman niya babasahin 'yun!', ang sabi niya.
Natapos na doon ang pag-uusap namin at nagsimula nang magreview. Ramdam na ramdam sa amin ang pagpipigil na i-bring up si Gino na topic. Hindi ko alam pero parang ayokong pag-usapan 'yun.
Nakalagay sa mesa ko ang aking phone. Nag-vibrate ito dahil may nagtext sa akin.
One Message Received: Gino Villaflor
Gino: Saan ka?
...
...
Ryan: Dito lang coffee shop.
...
...
Gino: Aral ka?
...
...
Ryan: Oo. Dito din si Pat.
Kasabay ng pagtetext ko kay Gino ay napansin kong nagtetext din si Patrick.
Gino: Saan ka?
...
...
Patrick: Coffee shop,
...
...
Gino: Aral ka?
...
...
Patrick: Yep. Kasama ko si Ryan.
'Pupunta raw si Gino.', ang sabay na sabay naming sabi dalawa.
Nagtawanan kami bigla dahil dito.
itutuloy...