Powered by Blogger.

Search This Blog

Blog Archive

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

13th

Male to Male Kwento, Kwentong Kalibugan, Kwentong Malibog, Bromance, Gay Story, Short Story, Stories,

Naglalakad si Rolly sa daan lakad sya ng lakad at ng mapansin nya na wala pala syang saplot sa paa at pabalik balik lang sa kinalalagyan nya. Nag iisip kung ano ang nangyayari sa kanya, ng ma-isip nya na baka nanaginip lamang at ng maka-siguro sya na panaginip ang lahat. Nang bigla ay naglitawan ang ibat ibang bagay, ng mapagtanto nya nasa gitna pala sya ng isang lumang simenteryo at sa kinatatayuan nya ay may malaking balete ng biglang nag ingay ang mga paniki at saka nagliparan ang mga ito, natakot at tumakbo si rolly sa kanyang daraanan isang kabaong ang sumalubong sa kanya kaya napatigil sya at biglang bumukas ang kabaong nakita nya na nakahiga sya sa kabaong, ng mamalik mata sya nakahiga na nga sya sa kabaong takot na tako si rolly at nagpupumiglas para makawala. At bigla nalaglag sya sa isang ilog kaya tumayo sya ng mapansin nya ang ilog ay maganda at malinis ang tubig nito at aninag ang kanyang pagkatao, ng titigan nya ito may kung anong unti unting nabubuo sa kanyang likuran na repleksyon sa tubig. Kaya inilapit pa nya ang kanyang paningin sa tubig ng mabuo ang imahe ay laking gulat ni rolly dahil kilala nya ang imahe na yun, pero huli na, bigla sinunggaban sya ng nasa tubig at hinatak sya sa ilalim…….

Bigla syang bumalikwas sa pagkakahiga at tumayo. Pawisan sya at balisa. Panaginip lang ang lahat pero nagulat sya ng makita nya ang kanyang paa na madumi at puro putik at punit pa ang kanyang damit. Kaya agad nyang binuksan ang ilaw. Laking gulat at taka nya kung paanong nagkaroon ng putik ang kanyang paa at napunit ang damit. Nang masilayan nya ang sahig ay may bakas ng paa ito na patungo sa kanyang kama. Napatitig sya sa kanyang kama dahil may kung anong gumagalaw sa ilalim ng kanyang kumot pababa kitang kita sa mga mata ni rolly ang matinding takot, ng biglang may maramdaman sya sa kanyang likuran at ng matanaw nya sa salamin ay bigla syang napalingon sa likuran at nanigas ang buo nyang katawan sa nakita at bigla syang niyakap at binulungan “magkakasama na rin tayo sa wakas, masaya ako sa kabila ng ginawa nyo sa akin dahil makakapiling na kita sa habang panahon sa mundo ko” at paunti unti ay kinakain sila ng dilim, nagsisigaw si rolly ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Tuluyan na ngang kinain sila ng kadiliman.

Nagri-ring ang cell ni Michael kahit antok na antok pa sya ay kanya itong sinagot “hello pare bakit ba ang aga mong napatawag” sa kabilang linya”pare si rolly natagpuang patay ng kanyang mga magulang sa kwarto at ito nga papunta na ako sa kanila, sumunod ka nalang ah” at naputol ang pag uusap nila dahil nalowbat ang kanyang cellphone. Gulat na gulat sya sa nangyari sa kaibigan nya kaya agad syang tumayo at i-shenarge ang cell at saka pumasok sya sa banyo upang maligo, nang naliligo sya hindi maalis sa kanyang isipan kung anong nangyari sa kaibigan nya, nagsasabon sya ng dibdib ng bigla ay may yumakap sa kanya, kaya napatingin sya sa likuran, napabuntong hininga na lamang at itinuloy ang paliligo, patapos na sya at nagbabanlaw na ng may imahe sa kanyang harapan at akmang hahawakan sya kaya napa-atras sya, pero wala naman kundi buhos ng tubig na nagmumula sa shower kalmado pa rin sya at tinapos na ang paliligo at kinuha nya ang tuwalya at nagpunas sya at itinapis sa kanyang bewang at tuluyan ng lumabas sa banyo at tinungo ang cabinet na lalagyan ng damit at nang binuksan nya bumulaga sa kanya si rolly kaya napa-atras sya at nabuwal ,ng tumayo sya ay wala naman, kaya inisip nyang malik mata lang ang lahat.

Nang makabihis na ay bumaba sya at nagpa-alam sa mama nya na pupuntahan ang kaibigan, sa sinabi nya hindi agad nakaimik ang mama nito sa narinig, kaya sinabihan syang mag ingat sa pagmamaneho. Nang makarating sya sa bahay nila rolly andoon na ang mga imbalsamador at inaayos na rin ang paglulugaran sa kabaong ni rolly pumasok sya sa bahay at nakita nya ang mga kaibigan nyang iba. Sina Alex, Jeff, Saicy at Randy. Michael”nasaan sina tita at Tito?” Saicy”nasa kwarto, bandang 9am daw ng matagpuan nilang patay na si rolly at mulat ang mga mga mata nito para bang may kinakakakutan.” Agad umakyat si Michael sa itaas at kinausap ang ama ni rolly. Wala naman daw silang narinig na ingay kung anuman sa itaas kagabi. Tumulong na rin sila sa pag aayos sa bahay, unang gabi ng lamay may mga kamag anak na dumating, nandoon pa rin sila para tumulong, mag aalas dos na ng madaling araw ng lumapit si Saicy sa kabaong nakasara ito. Hinipo hipo nya ito, tiningnan ang mga litrato ni rolly na nasa ibabaw, ng mapansin ang solong litrato ng namatay, pumatak ang kanyang luha kase sa grupo nila si rolly lang ang tanging sandalan nya. Habang hawak nya ito ng may marinig sya sa kanyang likuran”mag ingat sila sabihin mo, isusunod sila” at bigla syang napalingon, ng makita nya sa

may pintuan ng bahay si rolly, na nakatayo ito at nag mamaka-awa ng may sumulpot sa likuran nito na babae at niyakap si rolly at hinila sa kadiliman, kitang kita sa mata ni saicy ang takot, kaya napasigaw si saicy “AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH” at na paurong sya sa kabaong nito dahil sa tindi ng takot na bumabalot sa kanya. Napatayo ang mga ibang kaibigan at tinulungan si saicy. Michael”anong nangyayari sayo ah?” Hindi agad nakapagsalita si saicy na nakatingin pa rin sa pinto, may takot sa mga mata. Kaya pinaupo muna sya at ng mahimasmasan ay tinanong ulit, pero itinanggi na may nakita ito at sinabing malik mata lamang ang lahat. Dahil mas iniisip ang sitwasyon ng pamilya ni rolly kaya mas minabuti nyang manahimik na lamang. Nauna ng umuwi na sina Randy at Alex mga bandang 4am sa kahabaan ng kalsada ay pinag uusapan nila ang pagkamatay ni rolly dahil isang misteryo, sa pag uusap nilang iyon ng biglang may humatak sa kani-kanilang leeg na ikinagulat nila at sa salamin kitang kita nila ang imahe ng isang babae na lalong ikinatakot nila at nagsalita ito”kayo ang isusunod ko sa kaibigan nyo” at doon lang ay naglaho na ito, nang marinig nila ang isang malakas na busina kaya agad kinabig ni Alex ang manibela, muntik muntikan na silang sumalpok sa isang container van. Kaya itinigil ni Alex ang sasakyan sa gilid at napabuntong hininga na lamang sila pareho.

“Grabe pare, nakita mo yun sino ba yon at bakit tayo ang isusunod nya?” tanong ni Randy kay Alex, “hindi ko kilala at bakit tayo ang ginugulo nya pare”. Nagkatinginan na lamang ang magkaibigan dahil pareho naman sila na hindi alam ang sagot. Nagdesisyon na lamang sila na magpahinga muna ng kaunti kaya pinalipas muna nila ang kalahating oras sa gilid ng highway. Nang paalis na sila may namataan sila na itim na pusa na biglang tumawid sa harapan ng kotse ni Alex, pero nasagasaan ito ng mga rumaragasang sasakyan, nagkatinginan na lamang sila. Randy”pare sabi nila pag may dumaan sa harapan mo na itim na pusa tiyak na mamalasin ka?” Alex”pare naniniwala rin ako dyan pero namatay naman ang pusa eh.” Kaya tumuloy na sila upang makauwi sa kanilang mga bahay. Si Jeff ang nagbabantay sa kabaong ni rolly, tulog na ang lahat at si Michael naman ay takaw antok na, naniniwala si jeff sa kasabihan na wag iiwan ang bangkay baka nakawin ito at palitan ng toud ng saging, pinagmamasdan nya ang tulog na si saicy sa upuan at idinako naman kay Michael na tuluyan ng natulog. Napangiti na lamang sya ng balikan nya ng tingin si saicy, maganda talaga ito pag tumatagal mo ng tingnan. May mga ilang naglalaro pa ng baraha sa labas na nag ki-create ng ingay. May araw na ng dumating sina alex at randy sa kanilang mga bahay.

Tumawag si Randy kay Michael pero walang sumasagot, kaya si jeff nalang ang tinawagan nya ng sinagot ni Jeff ang phone”hello pare, saan na kayo?” Randy”ito naihatid na ako ni alex dito sa bahay at sya nakarating na rin daw sa bahay nila, pero pare alam mo may nangyari kanina sa amin sa daan, alam mo ba na kapwa may sumakal sa aming leeg at isang imahe ng babae ang biglang lumitaw sa pagitan namin at sinabing kami naman daw ang isusunod, ng maglaho ay isang malakas naman na busina ang narinig namin, muntikan na kaming naidsgrasya, buti naitabi ni alex ang sasakyan sa gilid ng daan kung hindi patay na kami.” Taka si jeff sa kabilang linya samantala tuloy tuloy si Randy sa pagkukuwento, “kaya magpalipas na kami ng oras muna sa gilid ng daan ng paalis kami may pusa naman na dumaan sa harapan namin at pare itim na pusa, buti nasagasahan ito, kaya nakauwi kami ng maayos sa bahay.” Jeff”pare sige na magpahinga kana ah at bumalik kayo bukas ng maaga ah para kami naman ang umuwi”. Randy”oo pare wag kayong mag alala at ingat din kayo dyan ah.” Napa-puzzle si Jeff, itim na pusa pero nakaligtas sila sa disgrasya. Nang lumapit ng isang tiyahin ni Rolly at inalok si jeff ng kape at nagpasalamat din ito sa pagbabantay, ngumiti lang sya at nagpasalamat din sa tiyahin, humigop sya ng kape at nainitan ang kanyang sikmura kaya nabuhay muli ang kanyang kamalayan, masarap talaga ang kape sa umaga. Ginising na rin nya sina Michael at saicy at ipinagpatuloy nila ang pagtulog sa guestroom, samantala si jeff ay gising na gising kaya tumulong sya sa pag pre-prepara ng mga iluluto. Maya maya ay nadako sya sa likod bahay nila rolly, maganda may tanim silang mga gulay, naglakad lakad sya sa taniman ng ampalaya at sitaw nila rolly ng may maramdaman, biglang lumamig ang hangin at kasunod noon ay may natanaw syang tao sa di kalayuan at saka ito tumakbo, sinundan ng tingin ni jeff ang pinagtakbuhan ng tao, ngunit wala naman, kaya nagpatuloy pa rin sya sa paglalakad, ng bigla nagpakita sa kanya si rolly, kaya nagulat sya at napa-atras ito dahil sa takot at pagka bigla. Nang mapansin nito may ahas pala sa di kalayuan at naka pormang tutuklaw ito.Kaya tumakbo sya papalayo nang makalayo Napabulong na lamang sya at pinasalamatan si rolly ,kase kahit wala na ito iniligtas pa rin saya sa tiyak na kapahamakan. Bumalik na sya sa loob ng bahay nila rolly at sinabi na may nakita syang ahas sa taniman kaya agad gumawa ng bitag ang

katiwala bago mag tanghalian ay may bitbit itong dalawang ahas na patay at mga itlog. Nagulat si jeff kase hindi nya inaasahan na may pugad pala ng ahas sa pinuntahan nya. Kumain sila ng tanghalian at nagdesisyon syang matulog na rin, sinabihan sila ng magulang ni rolly na magpahinga at nagpapasalamat na ito sa kanila. Sinabi na mahal na mahal nila ang kaibigan. Kaya natulog silang magkatabi ni Michael at saicy naman ng sa kwarto na isa katabi ang mga babaeng kamag anak ni rolly.

Sa maynila busy si Alex sa trabaho nya at kailangan nyang mag overtime, inabot na sya ng gabi at tanging sya na lamang at janitor ang naiwan. Maraming trabaho talaga si Alex kaya kahit ang pagtawag ni Randy ay hindi na nya nasagot. Nakaraming tawag na si Randy wala pa rin, hindi pa rin sinasagot ni alex. Kaya pinuntahan nalang nya ito sa opisina, samantala si alex bising busy sa nira-rush nyang mga report ng malaglag ang ballpen nya at gumulong sa ilalim ng kanya mesa at pilit na ina-abot ng kamay ng ma-abot ito ay akmang aalisin na ang kamay ng may biglang humawak dito at hinahatak syang papasok sa ilalim ng mesa kaya nanlaban sya, lubhang malakas ang pwersa. Kaya napasigaw na lamang si Alex AAAAAAHHHHHHHHHHHHH nadinig ito ng janitor at pinuntahan sya, nang biglang binitawan sya ng kung ano sa ilalim ng mesa. Kaya agad syang napatayo at takot na takot na lumabas sa kwarto nya, at nagkabungguan sila ng janitor. Janitor”sir ano pong mangyari sa inyo?” tanong nito, Alex”may tao sa ilalim ng mesa ko?” pasagot nito, kaya sinamahan sya ng janitor na tingnan ang ilalim pero wala naman, ng papalabas na sila ay napansin ni alex ang anino na sumasabay sa kanila anino na iba ang deriksyon kesa sa anino nila kaya napatras sila sa pagkabigla. Biglang lumaki ang anino at tumapat sa kanila ng susunggaban na sila ay agad umiwas si alex kaya ang pobreng janitor ang nasilo ng anino at binalot ito ng dilim. Kitang kita ni alex kung paano nilamon ng anino ang janitor kaya tumakbo syang papalabas ng building at sa pintuan ay nagkasalubong sila ni Randy.

Natakot na takot din… Randy”pare anong nangyari sayo ako kase pinagpakitaan ako ng isang babae isusunod daw tayo?” Alex”pare umalis nalang tayo dito” Agad silang sumakay sa kotse ni Randy at binarurot papalayo sa builidnig nila Alex. Nakita nila pareho sa side mirror habang papalayo sila sa gusali ang isang babae na nakaputi at kumakaway sa kanila. Nang Makalayo na sila saka lang sila nakahinga ng maluwag ng may mamataan silang 7-11 kaya nag desisyon sila na tumigil muna roon at kumain. Umurder sila at umupo, habang hinihintay ang pagkain ay kapwa sila tahimik. Nang may pumasok na isang nag anak at umorder din umupo malapit sa kanila, nang magsalita ang bata “mami tingnan mo yun oh, may babaing naka puti kumakaway sa akin kanina pa”, napatingin ang ina at “wala naman ah, ikaw bata ka magtigil ka nga,kung ano ano ang nakikita mo” bata”mami kumakayaw talaga sa akin, ayon oh”, pagpupumilit ng bata. Kaya napatingin din sila sa direction na itinuturo ng bata at nanlaki ang mata nila pareho dahil nakikita rin nila ito. Bata”nakikita nyo rin po ba sya tanong nito” alex”wala kaming nakikita bata, ayan na ang order nyo kumain ka nalang”. Sagot sa bata. Nag apologize ang ina ng bata, At nagkunwari sila na walang nakita. Nang ilang minuto tiningnan uli nila, wala na ito. Bata”nawala na po sya kase nagalit sa inyo ata kase sabi hindi nyo sya nakikita.” Patuloy pa rin sila sa pagkain at di nainintindi ang bata.

Nang matapos sila ay agad na sila umalis at napagdesisyunan na puntahan na lamang sina jeff at iba pa sa burol ni rolly. Matiwasay naman silang nakarating sa burol, at tinanong sila ni Jeff na bakit napaaga ang pag balik nila, supposed to be bukas pa, sabi ni Alex”pwede ba tayong mag-usap, yung tayo tayo lang”.. Kaya nagpaalam sila sa ama ni rolly at tumungo nga sila sa guestroom at doon ay naunang mag kwento si alex, sinabi nga nya ang nangyari sa kanya sa opisina nila, nakakaramdam ng takot si saicy sa kwento nito. Nang si Randy na ang magkwento” alam nyo nasa videoroom ako mga 9pm na at neri-review ko ang edited video ng kasal ng client namin ng bigla sa altar ay may lumitaw na babaeng naka-puti kala ko noong una kasama sa mga abay,pero unti unti itong lumalaki at papalapit sa akin at bigla na lamang akong sinakal sa leeg at pilit akong hinahatak papasok sa video. Kaya nanlaban ako grabe ng makawala ako sa kanya at lumabas ng room,kala ko tapos na hindi pa pala, tumungo ako sa banyo, sa pag hihilamos ko nang hawiin ko ang salamin ay bigla sa likod ko nakatayo sya at nakita kung nakayakp sa akin at sinabing”sa makalawa susunod na kayo ni alex”. At naglaho ito sa aking likuran. Tako na takot ako sa sinabi nya kaya kinuha ko ang susi at sa daan ay tinatawagan ko itong si alex kaso di nya sinasagot, yun pala may nangyayari na rin sa kanya.At pagkarating ko sa building nila sinabi nyang umalis na

tayo dito, at nang papa-alis na kami, may nakita pa kami sa side mirror na babaeng naka puti at kumakaway sa amin. Saicy”ako may napanaginipan ako isang babae, sa panaginip ko isang babae ang halinhinang ginagahasa ng tatlong lalake at ang isa ay ang taga kuha ng video habang pinag-sasahan ng tatlo lahat sila ay naka talikod, nakakaaawa ang babae ng natapos silang magparaos sa babae ay kanilang iniwan ito sa talahiban na punit punit ang damit at tila wala ng buhay dahil duguan ang ulo nito, tumayo sya at nagsalita sa langit “isinusumpa ko nagbabalik ako at ipalalasap ko sa inyo ang kababuyang ginawa nyo sa akin, buhay ng bawat isa ang kapalit, naglakad ang babae sa kalsada at bigla nalang itong nasagasahan ng trak.” Buti na lamang at ginising ako ng mga katabi kung natutulog.

Walang imik ang lahat, Michael”sino kaya ang babaeng yun bakit sya nagpapakita sa inyo, bakit sa amin ni jeff hindi man lang nagpaparamdam, ano nga pala ang nakita mo kagabi saicy?” Sagot ni saicy”habang hinihipo ko ang kabaong ni rolly ay may narinig ako na boses, ganito”sabihin mo sa kanila, isusunod na sila”, yun at nakaramdam ako ng malamig na hangin sa batok ko at ng lumingon ako, nakita ko si rolly nakatayo sa pintuan punit ang damit at humihingi ng tulong ng bigla may sumulpot na babae sa likuran nya, matalim ang tingin at galit na galit ang mukha,saka nya niyakap si rolly at kinain sila ng dilim kaya napasigaw ako.( flash back)” Jeff”may ipagtatapat ako sa inyo ang totoo tatlong linggo na ang nakararaan, nagsabi sa akin si rolly ,na halos gabi gabi syang nanaginip ng pare-pareho, naglalakad daw sa sa kawalan at wala itong saplot sa paa, tapos lilitaw nalang na nasa gitna sya ng simenteryo at may puno ng balete sa kanyang likuran, bigla na lamang mag iingay ang mga paniki at lilipad ito sa kalawakan, kaya si rolly tatakbo sya dahil sa takot, sa dulo nito ay makakasalubong sya na kabaong at bubukas ito ngunit walang laman, at magigising nalang daw sya na pawisan at punit ang damit, na para bang totoo ang paniginip at nanunuot ang takot hanggang buto, yun ang pagkakasabi nya sa akin. Itinago ko ito sa inyo kase yun ang paki usap nya.. Pasensya na kayo sa akin.” Alex”naintindihan namin yun jeff.” Magsasalita sana si alex ng biglang sumigaw si saicy AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH at napakapit kay Alex. At nagulat silang lahat dahil may kung anong imahe ang unti unting lumalabas sa dingding. At napaurong silang lahat sa isang sulok at ang imahe ay nagka-anyo, si rolly “mag iingat kayo, dahil kayo ang isusunod nya, dahil sa !!!” yun lang ang nasabi dahil mabilis lumitaw ang isang babae na galit na galit at napatingin sa kanila at”kayo ang sususnod” bigkas nito at hinila si rolly sa kung saan. Kaya napasigaw silang lahat sa takot AAAAAAHHHHHHHHHHHHHH at lumabas sila ng kwarto, nagkatinginan na lamang sila at pinilit na maging relax. Agad naman umakyat ang ama ni rolly at tinanong sila”anong nangyari bakit kayo napasigaw?” tanong nito.. Ngunit itinanggi nila ito at gumawa na lamang ng ibang kwento at sinarili ang nasaksihan at ang na-engkwentro. Bumaba sila at nag istima ng mga bisita pagkaraan ng ilang oras ay naka pag adjust din sila ngunit napag usapan nila na wag magkakahiwa hiwalay. Dumaan ang tatlong araw pa at wala na silang naramdaman, maliban lang ang minsan napanaginipan ng sabay nina jeff at saicy ang isang babae na halinhinang ginagahasa ng tatlong kalalakihan at ang isa ang taga video, pag katapos ay iiwan ito sa talahiban at maglalakad ang babae at susumpa sa langit na maghihiganti ito sa mga umalipusta at nang yurak sa kanyang pagkatao at saka titingin ito ng matalim at doon nagising sina jeff at saicy. Libing na ni rolly, naka puti silang lahat ayaw nilang madama ang lungkot nasa simenteryo na sila at last sight na, gusto sana nila ang wag umiyak apero nadala pa rin sila kase huling paalam na nila kay rolly bago ipasok ang kabaong ni rolly sa puntod. Nang maipasok na at tapalan ng simento ang butas ng puntod unti unti ng nag alisan ang mga tao na nakilibing, ng kaunti na ang tao pawang sila at ang mga meyembro ng pamilya ni rolly ay biglang dumilim ang kalangitan at bumuhos ang ulan pati ang kalangitan ay nakikiramay sa kanilang dalamhati. Umalis na rin sila dahil natapalan na ang puntod. Hindi muna sila umuwi sa kanilang mga bahay- bahay, dumiretso sila sa pamilya ni rolly. Upang tumulong sa pag aayos ng gamit at paglilinis ng kapaligiran. Dumating ang ika siyam na araw ng kamatayan ni rolly nagkaroon ng pa-misa sa simbahan at padasal sa bahay ramdam pa rin ang kalungkutan sa paligid. Matapos yun ay kanya kanya na sila ng uwi. Nang Nasa bandang camatsili na sila randy at alex ay nag ring ang cell ni alex ang nobya nya at nagpapasundo ito sa sm Fairview. Sumang ayon naman si Randy, kaya tinawagan nila ang iba na pupuntahan muna nila ang gf ni alex at umuoo naman sila at pinag ingat. Nang madaan sila sa lugar na bakante ay may biglang sumalubong sa kanila at nabunggo nila ito, kaya inihinto ang sasakyan at lumabas sila ngunit walang tao sa harap at kahit sa ilalim ng sasakyan. Kaya sumakay sila ulit at ng pa-aandarin na ang sasakyan ngunit ayaw mag start. Napatingin si randy sa salamin nakita nya ang isang babaeng punit punit at duguan ang damit at nanlilisik ang mga mata, kaya napatingin silang dalawa at napasigaw AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH. At nagsalita ito”oras na

para sa inyo, hindi nyo ba ako natatandaan ah” at naglaho ito pag kasabi. Gusto nilang lumabas kaso hindi nila mabuksan ang pinto. Nang may humatak sa kanilang upuan at napa-upo nalang sila sa upuan na hindi halos makagalaw. Buhat sa dilim may papalapit na nilalang sa kanila papalit ng papalit. At nanlaki ang kanilang mga mata sa nakita isang babae na hindi sumasayad ang paa sa lupa. At galit na galit ito habang papalapit sa kanila. At nagsalita ulit”ano nakikilala nyo na ba ako ah, limang taon na rin ang nakakaraan… Ano naaalala nyo na?” Kita ang sobrang takot sa kanilang mga mata. Dahil sa halos hindi sila makagalaw unti unting gumapang sa likod nila ang kadiliman at tuluyan na nga silang nilamon ng kadiliman. …. Nasa bahay na sina Michael, saicy at jeff. Tinatawagan nila sina randy at alex nagri-ring ang phone ngunit walang sumasagot. Pagkaraan ng ilang oras biglang Nag ring ang phone ni Michael. Sa kabilang linya gamit ang phone ni Randy”Pulis ito, magtatanong lang ka ano ano nyo ang mga lalakeng natagpuan naming patay dito sa malapit sa sm Fairview?” yun lang ang nasabi ng pulis at agad na pinuntahan nila ang lugar, pagkarating nila doon nasa loob pa ng sasakyan ang mga kaibigan nila, na mulat ang mga mata at bakas ang matinding takot at punit punit ang kanilang mga damit, pero wala naman nawawala sa mga gamit nila at nakaupo pa rin sila ng maayos. Takang taka sila pati ang mga pulis, dinala na ang mga bangkay sa isang porensect expert para imbestigahan. Gulong gulo na sila bakit nangyayari sa kanila ang ganito. Habang naliligo si Michael may kakaiba syang naramdaman na nag iinit ang kanyang katawan ngunit nagulat sya dahil tanging sya ang nasa shower room. Tiningnan nya ang likuran wala, kaya nagpasya syang tapusin na ang paliligo, humarap sya sa salamin, pero biglang lumitaw ang isang bababe na ikinagulat nya ngunit hindi sya makagalaw.. Ang babae”ano Michael naaalala muna ba ako?” Nang makapiglas si Michael agad syang tumakbo papalabas ng banyo dahil sa takot. Nagbihis sya at bumaba dahil hinihintay sya nina saicy at jeff at hindi nagpahalata. Nag aya ng aalis si Michael ng biglang may malalakas na yabag ang narinig nila na nag mumula sa itaas at mapatingin sila sa itaas napansin nila ang pagkalat ng dilim kaya tumakbo sila patungo sa pinto pero lumitaw doon ang babae na mukhang demonyo na duguan ang ulo at punit punit ang damit at sa kumpas ng kamay nya ay tumilapon silang lahat, bagsak, pagkatayo nila ay nasa harapan na nila ito kaya muli ay sa kumpas ng kamay nya ay tumilapon sila na magkakahiwalay ng diretsyon. Si saicy”Our father who are…….” Agad na ginapos ng itim anino ang kanyang paa kaya hindi nya ito naipagpatuloy at tumilapon sya sa dingding at ginapos sya ng dilim pati ang bibig nya at ang babae ay tinungo si Michael na akmang tatakbo sana ngunit bumagsak sa harapan nya ang malaking aparador kaya natigilan sya at tumilapon sya dahil sa kumpas ng babaeng demonyo at nadikit sya sa dingding at ginapos at lumitaw sa likuran nya ang bababe na may magandang anyo. Takot na takot si Michael dahil kilala nya ito… Michael”patawarin mo ako please im sorry, patawarin muna kaming lahat nagmamakaawa ako sayo” im sorry Eloisa.”…..Eloisa”bakit Michael noong mga panahon na halinghinang hinahalay nyo ako nina alex, randy at ikaw, naawa ba kayo sa akin hindi!, nagmamakawa rin ako noon sa inyo pinakinggan nyo ba ako ah?” galit na samibt nito. “Michael minahal kita ng higit sa buhay ko, ibinigay sayo lahat pati at sarili ko, pero ano, minahal mo ba ako ah!, nagawa mo pa akong ipangpusta sa mga kaibigan mong hayok sa laman at pinangunahan mo pa ang paghahalay sa akin at kinunan nyo pa ako ng video sa camera ni rolly, nang makaraos kayo anong ginawa nyo sa akin, pinukol nyo pa ako ng bato, sa pag aakalang patay na ako, hindi! bumangon ako at sumumpa sa kadiliman na maghihiganti ako. Kaya inuna ko na si rolly at isinunod ang dalawa at ngayon ay ikaw naman”. Nang bigla ay parang napaso si eliosa, AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHKKKKKKKKKK AAAAAAAAAAAHHHHHHHKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK winiwikisan sya Ng agua ben dita ni jeff habang nag darasal kaya nag laho ito at bumagsak sina Michael at saicy. Nakalabas sila ng bahay at sumakay sa sasakyan at binarurot ni Michael para lumayo sa kanilang bahay sa daan may babaeng sumalubong pero binangga pa rin ni Michael tuloy tuloy sa mabilis na patakbo nang biglang may sumalpok sa gilid ng driver side nabangga sila ng container van na mabilis din ang takbo kaya tumalsik at tumaob taob ang kanilang sasakyan at mabilis na tumakas ang nasa container van. Unang lumabas si jeff at tinulungan sina saicy at Michael, nang makita ni Michael si Eloisa na papalapit sa kanila tumakbo ito sa may highway dahil sa sobrang takot. Sina saicy at jeff “MICHAEL WAG DYAN!” pasigaw nila, ngunit huli na ang lahat, sinalpok na sya ng isa pang humaragasang sasakyan. Hindi nakagalaw ang dalawa sa nasaksihang nangyari kay Michael. Eloisa”nakapaghiganti na rin ako sa kanila”. Napatingin sila dito na unti unting nagliwanag ang mukha nya at kinain ng dilim si Eloisa. Pinuntahan si Michael ng nakasagasa sa kanya. Basag ang ulo at kalat ang dugo at luray luray ang damit.

The End!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: 13th
13th
Male to Male Kwento, Kwentong Kalibugan, Kwentong Malibog, Bromance, Gay Story, Short Story, Stories,
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiNCg4Kr7e5621rRuJjEnnromWxPHxvUyoe-bGTanQf_j63GPUDSg-AK9GwSUo7Ftm7T0g9gjxWZn5_tH8DEWJCfUrrWSyIwUYdNok7a0gt0Ddj4HiNvjPSRIGMHC928RkQ0flEFydmPqg/s320/1368851_168778339989586_23588711_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiNCg4Kr7e5621rRuJjEnnromWxPHxvUyoe-bGTanQf_j63GPUDSg-AK9GwSUo7Ftm7T0g9gjxWZn5_tH8DEWJCfUrrWSyIwUYdNok7a0gt0Ddj4HiNvjPSRIGMHC928RkQ0flEFydmPqg/s72-c/1368851_168778339989586_23588711_n.jpg
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2013/10/13th.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2013/10/13th.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content