Male to Male Kwento, Kwentong Kalibugan, Kwentong Malibog, Bromance, Gay Story, Short Story, Stories,
Sumakay ng bus si Katy,sa may gitna ng bus sya banda umupo kung saan isang lalake ang kanyang nakatabi, habang umaandar ang bus ay lumapit ang kunduktor at tinanong kung saan sya baba, sabi ni katy sa pasay station. Tulog ang katabi nyang lalake ng mag ring ang kanyang cellphone, katy”hello, bakit?”. Brenda”nasaan kaba hinhanap ka ng iyong mama, andito sya ngayon sa bahay namin?”. Katy”bf, please wag mong sabihin kung na saan ako, at mas makakabuti na rin na hindi mo rin alam kung saan ako pupunta, umalis ako ng bahay namin para ipakita ko sa aking ama na kaya kung buhayin ang aking mga kapatid at ina, babalik akong taas noo Brenda, sige na, sa pupuntahan ko ay sa walang nakakakilala sa akin at wala rin akong alam sa lugar na yun, pero kakayanin ko lahat para sa mga kapatid ko at sa mama ko, paalam bf hanggang sa pagkikita nating muli”. Sabay patay ng cellphone, ng mapansin nya ang katabing lalake na nakatingin lang sa kanya, ngumiti ito sa kanya pero hindi pinansin ni katy. Lalake”sigurado kaba sa pakikipagsapalaran mo sa manila, dalawa lang ang pwedeng mangyari sayo doon ang mapabuti ka o ang masaglak ka sa imperno ng kasalanan?”. Hindi pa rin umiimik si katy, Lalake”im sorry sa mga sinabi hindi na kita pakikialaman”. Tumagilid ang lalake at muling natulog, pagkapikit ng mga mata nito sa isipan ni katy, hindi nito lubusang maisip na nagawang saktan ng kanyang ama at kinampihan pa ang kabit nito, laman din ng isipan nya ang dalawang kapatid at ang ina na umuwi galing Canada para maisalba ang kanilang pamilya, pero sa kabit pa rin nya ito sumama at inabanduna silang tunay na pamilya nito, gumuhit sa kanyang isipan ang maamong mukha ng kanyang ina na syang namana nito, napaluha na lamang sya. Lalake”miss ito ang panyo, gamitin muna hindi ko naman ito ginagamit”. Napatingin si katy sa katabi at kinuha ang panyo, tuloy pa rin ang takbo ng bus hanggang sa makatulog si katy, ang katabing lalake ay pinagmamasdan sya nito, sumagi sa isipan nito kung gaano kabigat ang pinapasang problema kung bakit humantong sya, na kailangan iwanan ang kanyang ina at kapatid, sino ba ang babaeng ito na nagtataglay ng isang inosente at magandang mukha, ng bumaling sa kanya ang babae ay nakaramdam sya ng pagmamalaki sa sarili dahil buong mukha nito ang nasisilayan na, ng bumagsak sa kanyang balikat ang pisngi ng babae ay hindi nito alam ang gagawin, pinabayaan na lamang nya ang babae sa ganooong posisyon, ng sumigaw ang kundoktor “Kamatsili kamatsili ang mga baba!”. Naalimpungatan si katy at doon lang napagtanto na nakadantay na sya sa balikat ng lalake. Katy”sorry, kung napadantay ako sayo, saan na raw ba tayo?”. Lalake”sa Kamatsili palang malayo pa ang Pasay, kaya upo ka muna”. Yakap ni katy ang bag at nakita ng lalake ang pag aalinlangan sa kanyang mga mata. Nang dumating sila ng Pasay ay sinabihan sya ng lalake na Pasay na., hindi makatayo si Katy dahil naunahan sya ng takot, huminga muna ito ng malalim at nilabanan ang sarili, pero ayaw pa rin tumayo o kumilos ang sarili ng tawagin sya ng kundoktor, agad kumilos si katy at nakita nalang ang sarili sa labas ng bus, bumulaga sa kanyang mga mata ang dami ng tao, sasakyan at puro ingay ang kanyang naririnig, ibang iba sa lugar nila na tahimik at sariwa ang hangin, ipinikit nito ang kanyang mga mata at hinugot sa kayang kaloob looban ang natitirang lakas. Nang biglang may humablot sa kanyang bag. Napasigaw si katy Magnanakaw Magnanakaw !! paulit ulit na sigaw ni katy saka nito hinabol ang lalake pero naglaho ito ng tuluyan sa kanyang paningin, wala kahit isa man lang ang tumulong sa kanya, nakatingin at saka aalis ang bawat tao sa kanyang harapan, paano na ako ito ang tanong sa kanyang sarili, dahil nasa bag ang lahat nyang gamit, tanging cell at ang sukli kanina sa bus ang natitira sa kanya. Umupo sya sa isang upuan at tinakpan ang mukha saka ito umiyak, gulong gulo si katy hindi nito lubos akalain na masyadong marahas ang mga tao sa manila. Makaraan ang ilang oras sa pagkakaupo at pag iyak agad itong tumayo at sinabi sa sarili kailangang lumaban sya para sa sarili, kapatid at ina. Naglakad si katy at naghanap ng makakainan sa isang
convenient store bumibili si Rey (ang lalakeng katabi ni Katy sa bus), nakita nya si katy kaya agad itong lumabas sinundan ang naglalakad na si katy. Sa isang karinderia tumigil ang umorder si katy ng makakain sa isang mesa kung saan nakatalikod si katy umupo si Rey. Habang kumakain si Katy ay nagtanong sya sa Ale kung may alam itong pwedeng matutuluyan at pwede kung saan sya magtrabaho. Pumasok saglit ang Ale at paglabas ay sinabihan si Katy na hintayin ang kaibigan dahil mabibigyan sya nito ng matutuluyan at trabaho. Ilang saglit lang isang bading na mapustura ang dumating at kinausap ng Ale, nilapitan nito at kinausap. Bading”hi! Sinabi sa akin ng kumare ko naghahanap ka raw ng tirahan at trabaho matutulungan kita dyan, maganda ka at makinis , ilang taon kana ba iha?, taga saan ka?...” sunod sunod na tanong ng bading. Katy”salamat po, napakabait nyo naman sa akin, kase kanina lang po nahablot ang aking bag. Tapos ngayon nakatagpo po ako ng mababait na tao na tulad nyo handang tumulong”. Bading”okey lang yun ganyan talaga kami dito handang tumulong at isa pa malaki ang kikitain mo sa ibibigay ko sayong trabaho, anong name mo?”. Katy”katy ang pangalan ako, kayo po anong pangalan nyo?”. Bading”tawagin mo nalang akong Ganda, diba maganda naman akong talaga?”. Katy”opo, maganda po kayo, tamang tama po ang offer nyong trabaho sa akin kase kailangan ko talaga ang malaking halaga sa mga panahong ito”. Ganda”pagtutulungan natin yan sa akin ang manubela at ikaw ang aarangkada”. Katy”ano po yun?”. Ganda”malalaman mo rin nyan kung anong ibig kung sabihin halika na at ng makapagpahinga ka sa kwarto mo, mamayang gabi mag sisismula kana sa trabaho mo?”. Katy” maraming salamat ate Ganda”. Tatayo na sila ng tumayo si Rey at agad lumapit kay Katy at hinawakan ang braso ni Katy. Rey”halika na umuwi na tayo sa bahay, pag usapan natin ang problema hindi yung ganyan na naglalayas ka!”. Na syang ikinabigla naman ni Katy. Katy”bitiwan mo ako hindi kita kilala!”. Pasigaw ni Katy. Matigas si Rey at mahigpit ang pagkakahawak sa braso ni Katy kaya kahit nagpupumiglas ay hindi ito makawala. Ganda”hoy mama hindi ka raw nya kilala kaya wag mo ng akong unahan sa kanya, isa kang impostor?”. Rey”bakla ka tumahimik ka dyan baka basagin ko ang iyong mukha”. Lalake”pare, bakla lang ba ang kaya mong bugbugin, bakit hindi nalang kami?”. Apat na kalalakihan ang tumayo at pumorma. Rey”hindi ko kayo lalabanan, kaya ibalato nyo nalang sa akin ito!”. Lalake”hayan naman ang hindi pu-pwede sa ganda nyang yan, dapat pati kami muna ang makinabang”. Sumugod ang isa at inundayan ng suntok si Rey na syang pagka ilag nito nakabitiw sya sa pagkakahawak kay Katy. Nagpalitan sila ng suntok, maraming tama si Rey sa apat nitong kalaban ng nakahawak sya ng isang mahabang tubo ay agad nitong inundayan ang mga kalaban di nagtagal ay isa isang bumagsak ang mga ito, itinutok ni Rey ang tubo sa bading at agad umalis ito sa harapan nya. Katy”bakit ka ba nakikialam sa akin ah!”. Rey”inilalayo lang kita sa kapahamakan, miss, hindi mo kilala ang likaw ng bituka ng karamihan dito sa manila, maganda, makinis at sexy ka, alam mo ba kung saan ka ilalagay ng baklang yun sa casa o sa club o hindi man sa dalawang nabanggit na yun malamang ibubugaw ka nya sa parokyano o sa mg negosyanteng na mahihilig sa laman!”. Hindi nakakibo si Katy, tuloy pa rin si Rey sa pagsasalita “ayan malaya kana pumunta ka sa gusto mong puntahan ang tigas ng iyong ulo, dahil sa susunod wala ng magmamalasakit sayo!”. Umalis si Rey sa harapan ni Katy hindi pa nakakalayo ito ng muling magsalita. Rey”kung magtitiwala ka sa akin sige sumama ka at kung hindi naman bahala ka sa sarili mo, ewan ko ba kung bakit pa kita prenotektahan sa mga damuhong yun”. Agad lumapit si Katy kay Rey at sabay silang lumakad ng may makitang taxi si Rey ay agad nitong pinara, pinag buksan nito ng pinto si Katy sa likuran at sya naman ay lumugar sa harapan, sinabi ni Rey sa taxi driver na dalhin sila sa Tayuman, agad umandar ang taxi at habang nasa daan sila ay kapwa walang imik ang dalawa. Nang makarating sila sa DOH ay sinabihan ni Rey ang taxi na ikanan ang sa Malabon st., pagtapat sa isang hindi kalakihang gusali ay pumara si Rey. Bumaba sila pareho at umakyat sila sa 5th floor ng bldg., sa kabilang kwarto ay kumatok si Rey. Pinagbuksan sya ng isang babae. Rey”Nita may mga benta ka pa bang mga damit dyan?”. Nita”para kanino sayo?”.
Rey”hindi, para sa kanya”. Sabay turo kay Katy. Nita”anong nangyari sayo bakit putok ang iyong kaliwang kilay at may sugat ang ibabang panga mo?”. Tanong nito. Rey”wala ito, dalhin mo nalang ang iyong mga paninda at papiliin si Katy”. Nita”sige kakatok nalang ako sa kwarto mo”. Pumasok sila sa unit ni Rey at di katagalan ay may kumatok si nita. Pinapasok ni Rey. Rey”sige kayong dalawa na ang mag usap dyan pag ano ang magustuhan nya, babayaran ko”. pumasok sa banyo si Rey upang maligo. Pagkatapos nyang maligo ay nakapamili na si Katy. Nita”Rey lahat 450 pesos, discounted na yan”. dumukot si Rey sa kanyang wallet at iniabot ang halaga at umalis na si nita. Rey”gamitin mo ang isang kwarto walang gumagamit kaaalis lang kase ng umuupa, ikaw na ang gumamit, ito ang t-shirt, short at jogging pants. Pansamantala muna yan ang iyong gamitin bukas pupunta tayo ng mallupang makapamili ka ng gamit mo”. Pumasok si Rey sa kanyang kwarto at ganoon din si Katy. Pagkalabas ni Katy ay nakit nya si Rey na nililinis ang kanyang sugat, lumapit si Katy kay Rey. Rey”pagpasensyahan mo muna yan ah kung medyo malaki”. Katy”salamat sayo, akina ako ng magpapahid sa sugat mo ng betadine, pasensya ka na sa akin”. Rey”okey lang yun ang mahalaga hindi ka napahamak at mapariwara, meron ka bang mga kamag anak dito?”. Habang pinapahiran ni katy ang sugat ni Rey.Katy”meron pero ayaw ko doon dahil side ng ama ko, ayaw kung malaman nila kung nasaan ako”. Rey”bakit naman?”. Hindi umimik si Katy. Rey”naintindihan ko, hindi kita pipilitin dumito ka muna hanggang sa makahanap ka ng trabaho, pagpasensyahan muna ang aking lugar kung makalat”. Katy”salamat sa pagpapatuloy sa akin dito”. Rey”teka lang ah!”. bumaba ng bldg si Rey at pagka akyat nito ay may pagkain ng bitbit. Katy”ihahanda ko lang ang mesa”. Rey”sige”. Sabay silang kumain at kapwa walang imikan. Kinabukasan ay lumabas sila ng bldg pagkatapos ng pananghalian, sa ibaba nakatingin sa kanila ang mga nakatira doon. Rey’kayo ah ang mga tingin na yan malisyoso at makahulugan, sya nga pala sya si Katy, at sila naman ang mga mababait kung kapit-kwarto, kung wala ako at meron kang kailangan magsabi ka lang sa kanila”. Ngumiti si Katy sa kanila at gumanti rin ng ngiti at pagbati ang mga kapit-kwarto ni Rey. Saka sila umalis gamit ang sasakyan ni Rey. Sa SM Manila sila pumunta at tumuloy sa Department Store habang namimili sila ay isang ka-opisina ni Rey ang kanilang nakita. Deo”Rey kumusta ang iyong bakasyon sa Baguio?,bakit may bandage ang iyong kaliwang kilay”. Rey”wala ito pare na dulas ako sa banyo at ito ang kinalabasan”. Deo”mag iingat ka nga ah”.Sa pag uusap nilang yun ay lumapit si Katy. Katy”Rey, nakapamili na ako, ito na lahat hindi ba nakakahiya sayo?” Rey”okey lang lang Katy, sya nga pala ang ka-trabaho ko si Deo, Deo si Katy kaibigan ko”. Deo”hi, nice to meet you ang ganda mo naman”. Katy”nice to meet you too”. Rey”paano pare maiwan muna kita ah at babayaran na namin ang mga napili ni Katy”. Deo”sige pare ingat at dahan dahan lang ah!”. sabay ngiti ng makahulugan. Matapos silang mamili ay nakaramdam ng gutom si Rey kaya niyaya nya si Katy na kumain at tumuloy sila isang sikat na foodchain. Pagkatapos noon ay niyaya nyang mag videoke sa loob ng kwarto ay kumanta si Rey ng “For the First Time” at iba pang love songs kumanta rin si Katy kapwa sila nag enjoy at gabi ng umuwi sila, kapwa pagod ang dalawa at agad nakatulog kinabukasan ay nagising si Katy pagkalabas nya ay handa na ang agahan nito, nag iwan ng sulat si Rey na may pupuntahan lang saglit at babalik din ito agad, kaya ang ginawa ni Katy ay naglinis ng buong bahay ni Rey. Nang dumating ito ay nakita nyang malinis, maayos at organisado ang kanyang unit, tinawag nya ng ilang beses si Katy ngunit walang sumasagot ng puntahan nya sa kwarto nito wala rin ng puntahan ang banyo nakita nito na nililinis ang sahig ng banyo. Rey”tama na yan masyado ng malinis ang lahat, pwede ka na ngang magsalamin”. Katy”saglit nalang ito Rey pahinga ka muna sa kwarto at mamaya magluluto na ako”. Rey”wag na kase nag take out ako at inilapag ko na sa mesa, sige tapusin muna yan at kakain na tayo hindi pa rin ako kumain, magbibihis lang ako ah”. Umalis si Rey at napangiti si Katy. Ilang araw pa ang dumaan at si Katy ang taong bahay si Rey ay pumapasok na sa trabaho nya. Isang araw isinama sya ni Rey sa isang kumpanya at ipinakilala sa isang manager, initerview sya nito at sinabi sa kanya
kung okey lang ba sya sa clerical, umuo si Katy at masayang Masaya itong lumabas ng office. Rey”anong balita?”. Katy”tanggap ako, pero sabi sa akin ni Boss Francis dapat daw kitang kausapin?”. Rey”sa bahay na natin pag usapan yan ah!”. Katy”tungkol saan ba yun?”. Hindi kumibo si Rey, umalis na sila ng office habang nasa daan sila si Rey”gusto mo bang mag aral Katy?, sayang naman ang panahon isa pa mas maganda kung may natapos ka kase mas makaka-abante ka ano bang gusto mong kurso?”. Katy”magta-trabaho muna ako para sa pamilya ko, ang totoo rey sobrang hiyang hiya na ako sayo mula noong unang nagkakilala tayo at dalawang buwan na ang nakakaraan eh ikaw na ang tumulong sa akin, sobra sobra na ang naitulong mo sa akin Rey, at mula ng umalis ako ng probinsya sa bus doon ko hinubad ang aking pangarap na makapag tapos pa ng pag aaral, kaligayahan ko na ang mapag tapos ng pag aaral ang dalawa kung kapatid hindi ko na pinangarap pang makapag college pa ako”. Rey” kaya nga tinatanong kita kung gusto mong mag aral kase ako ang bahala sayo, gastos ko ang lahat sa tuition fee hanggang sa maliit na bagay?, napag usapan namin ni Francis na bigyan ka ng trabaho pero sabi ko sa kanya gusto kitang pag aralin, makinig ka muna sa akin ah, ganito magtatrabaho ka ng 6hours at 6 days sa company nya as clerical, pero gusto ko mag arala ka rin after your work, ang sweldo mo ipadala mo lahat sa pamilya mo para sa kanila ang sweldo mo at ako ng bahala sayo hanggang sa makapag tapos ka at may pakpak ka ng lumipad, wag mong isipin na utang na loob mo sa akin ito, kagustuhan ko ito, wala akong hinihintay na kapalit Katy, kaligayahan ko ang makatulong sa ibang tao, ang totoo nyan may pinag aaral akong apat na bata pa nasa elementary ang dalawa at high school naman ang natira pa, ano payag ka ba sa mungkahi ko Katy”. Hindi kumikibo si Katy at parang natuklaw ng ahas ito, ng tanungin sya ni Rey ay syang pagpatak ng kanyang luha at umiyak ito na parang bata, kaya itinabi ni Rey ang kotse at inilalayan si Katy ng mahimas-masan ay saka sila umuwi. Sa bahay hindi pa rin kumikibo si Katy, pinabayaan lang sya ni Rey habang nasa harap ng computer si Rey ay pumasok si Katy at “pwede ba kitang maka usap Rey?, tungkol sa sinabi sa akin kanina”. Rey”sige makikinig ako, kung ano ang iyong desisyon aking irirespeto”. Katy”gusto kung mag aral, tulad ng sinabi mo ganoon ang set up natin, para matulungan ko naman ang aking pamilya, pero may hihilingin pa sana ako sayo?, kung pwede?”. Rey”ano yun basta ba kaya ko?”. Katy” kung pwede sana, gusto kung makapag abroad ulit ang aking ina para may option naman sya at hindi sya tumanda sa wala, kase ang totoo nyan walang wala kami sa ngayon, at pwede bang umutang sayo para maipadala ko sa kanila?”. Rey”sige mamaya pagkatapos ko nito magpadala tayo ng pera sa mga kapatid mo at sa inay mo”. Gustong maluha ulit ni Katy pero kanya itong pinigil. Katy”salamat Rey napakabuti mo sa akin”. Rey”walang anuman”. Pagkaraan ng isang oras ay lumabas sila ni Rey at nagpadala ng pera sa probinsya, saka nito tinawagan ang ina. Nang narinig ang boses ng ina at sinabing may ipinadala sya natuwa ang ina dahil sa narinig at nalamang maayos sya pero hindi maalis sa ina nito ang mag alala kahit sabihin nyang maayos sya kaya ng hindi na nito mapigilan ang sarili ay kanya ng pinutol ang usapan nila ng ina. Sa bahay nagluto agad si Katy pagkaluto ay inayos naman nya ang mesa saka tinawag si Rey, habang kumakain sila ay pinuri ni Rey ang nilutong ulam. Rey” ang sarap mo naman magluto at paborito ko pa ang iyong inihain, tiyak tataba ako nito, ang sarap ng menudo mo pwede bang magluto ka ng ganito sa Sabado at iuuwi ko sa Batangas pasalubong ko sa aking parents?”. Katy”sige ba magluluto ako para sa kanila at ikumusta mo ako sa kanila ah!”. Rey” pag maayos na sa probinsya dadalhin kita doon para makilala mo sila”. Katy”sige sabi mo eh!”. Marami ngang nakain si Rey kaya pagkatapos noon ay dumeritso sya ng banyo pag labas nito ay nakita nyang inaayos ni Katy ang sofa kaya kanya itong tinulungan. Rey”tama na yan magpahinga ka naman, sya nga pala ilalagay natin mamaya ang computer sa kwarto ng may magamit ka pag nag aaral kana, bukas asikasuhin mo na ang mga kailangan sa pag i-enroll kase anong buwan na ngayon Mayo, saan mo ba gustong pumasok at anong kurso ang iyong kukunin?”. Hindi agad naka imik si Katy, “gusto ko sana kumuha ng Accountancy, sa FEU ko gustong mag enroll?”.
Rey”good decision, kase alam mo ba sa FEU ako nag graduate ng Civil Engineering at nagagamit ko ngayon, quality at mataas ang standard ng FEU”. Kinahapunan ay pinagtulungan nilang ilipat ang computer sa kwarto ni Katy. At kinabukasan naman ng pumasok si Rey ay nag ayos na rin ng sarili si Katy at pumunta ng FEU para mag enroll. Kinagabihan ay sinabi ni Katy na nag entrance exam sya at pumasa ito kaya dumiretso na sya at nag enroll, ginamit nito ang ibinigay na pera ni Rey, binayaraan na rin nya lahat ng kanyang kailangan, nakita ni Katy ang pag aliwalas ng mukha nito at Masaya para sa kanya. Nagpaalam si Rey sa kanya na baba lang ito, pag baba ni Rey ay inusisa sya ng kanyang kumpare na si Randy tungkol sa stado nilang dalawa ni Katy, ayaw maniwala ng mga nakakarinig dahil sa iisang unit lang sila nakatira kaya ngiti nalang si Rey. Bumaba rin si Katy at nakita nito na nakikipag inuman si Rey, kaya nilapitan nito at sinabihan Katy”wag kang pakakalasing ah Rey may pasok ka pa bukas, bibili lang ako sa grocery ng ilang bagay kase ubos na ang iba sa kusina”. Kinantiyawan si Rey dahil sa denial nito. Rey”teka ito ang pera”. Katy”may budget pa para sa mga kailangan sa kusina, alis na ako”. Rey”ingat, gusto mong samahan kita?”. Katy”hindi na kaya ko na ito dyan ka nalang”. At umalis nga si Katy sumama sa kanya si Pina ang serbidora nila Randy. Pagbalik nila ay tatlong supot ang kanilang bitbit ang isa ay na kay Pina kaya agad sinalubong ni rey ang dalawa at kinuha ang bitbit. Katy”yung na kay Pina nalang kase nakakahiya naman”. Kaya ang bitbit ni Pina ang kunuha nito at isa pang bitbit ni Katy. Rey”pare aakyat na kami ah”. paalam nito sa mga kainuman. Napangiti nalang sila pareho sa kantiyaw ng mga iniwang kainuman ni Rey. Pagka-akyat ay agad nagpainit ng tubig si Katy at ginawan ng kape si Rey para bumaba ang nainom, ng aabutin nito ang kape ay isang matamis ng ngiti ang isinukli ni rey kaya ngumiti rin ang huli. Habang inaayos ang mga pinamili ay nakatingin sa kanya si rey kaligayahan na nya ang makita si Katy kaya natawa nalang ito sa sarili na narinig ni Katy kayanilingon ito at itnanong na syang ikinabigla nito. Katy”bakit ka tumatawang mag isa dyan?”. Rey”ah! natatawa ako sa sarili ko, wag mo akong pansinin ah!” Katy”alam mo cute kang tumawa”. Rey’pasok nalang ako sa kwarto kase binibolog muna ako ngayon!”. Tumayo si Rey at tinungo ang kwarto, samantala si Katy ay napangiti nalang alam nyang medyo naiilang pa sa kanya si Rey. Araw ng Sabado ginising ni Katy si Rey dahil sabi nito kailangang nasa Batangas ito bago mananghalian. Rey”bakit ba katok ka ng katok kulang nalang gibain mo ang pintuan?”. Katy”sir, Sabado po ngayon at anong oras na alas otso y medya na sabi mo sa akin noong isang araw lang kailangang nasa Batangas kana bago mananghalian?”. Rey”AH! tanghali na nga ako, salamat sa pag gising ah, agad kinuha ni rey ang tuwalya at tinungo ang banyo pagkapaligo ay agad nagbihis sa loob ng bente minutos ay handa na ito. Rey”aalis na ako ah!”. Katy”teka lang bitbitin muna ito”. Saka inabot ang lutong Menudo. Rey”kala ko nakalimutan muna ang sinabi ko sayo?”. Katy”ikaw lang ang makakalimutin, ako hindi”. Nang maabot ni Rey ang paper bag ay inayos ni Katy ang suot na damit ni Rey. Katy”masyado ka kaseng nagmamadali hindi tuloy maayos ang pagkakasuot mo ng damit”. Nasamyo ni Katy ang mabangong leeg ni Rey. At ang isa ay gusotng gusto naman ang ginagawa sa kanya ng una. Katy”ayan maayos na, mag iingat ka sa pagmamaneho, kailan ang iyong balik?”. Rey”bukas din ng hapon nandito na ako, anong gusto mong pasalubong?”. Katy”dumating ka lang ng maayos dito Masaya na ako Rey”. Napahawak nalang sa tenga si Rey sa narinig sabay, Rey”okey sabi mo ikaw ang bahala kung ayaw mo ng pasalubong, alis na ako, mamasyal ka rin kung gusto mo magpasama ka kay pina o kay Dina, para hindi ka naman maburo dito habang wala ako”. Katy”ako ng bahala sa sarili basta nag iingat ka ah!”. Rey”mag iingat ako para sayo”. Ngiti ang namutawi kay Katy. Pagkaalis ni Rey ay naka ngiti pa rin si Katy nakatatak pa rin sa kanyang isipan ang simpatikong mukha nito, may kung anong kiliti ang kumikili sa kanyang dibdib, samantala si Rey naman ay habang nagda-drive ng nakangiti rin sa kanyang isipan ay naglalaro ang maganda at inosenteng mukha ni Katy. Masaya at pakanta kanta pang dumating sa bahay ng kanyang magulang naikinagulat ng magulang at kapatid. Mama”anak mukhang Masaya ka ata ngayon ah!, pwede bang
malaman?”. Hindi sumagot si Rey sa tanong ng ina at hinalikan ito sa pisngi sabay sabing “sa susunod nalang mama pag sure na”. Mama”sige anak hihintayin ko ang araw na yun ah!”. Rey”ito nga pala may pasalubong ako Menudo, alam kung paborito ng pamilya natin”. Kuya”kaylan ka naman natutong magluto ah Rey!”. Rey”hindi ako ang nagluto nyan isang special na tao ang nagluto nyan, masarap yan”. Papa”kaya pala tumaba ka ngayon anak kase may special na tao ngayon sa buhay mo, pwede bang malaman ang pangalan nya?”. Rey”saka na papa!”. Ate”kaylan na ba yung huli na nagkaroon ng special na tao sa buhay mo?”. Kuya”matagal na yun, mga dalawang taon na ang huli, sya naba ang babaeng ihaharap mo sa altar?” Rey”naku wag nyo akong pagtulungan kase hindi pa kami, yan lang ang masasabi ko kaya please lang wag kayong makulit”. Mama”wag na nating kulitin baka maudlot pa, ang bunso natin papa 32years old na, kaya hintayin natin, pero sigurado ako itong special na taong ito ang para sa ating bunso?”. Saka sila nagtawanan, pagkatapos noon ay tinawag sila ng katulong na handa na ang mesa para sa tanghalian. Sa harap ng mesa habang kumakain sila at nag uusap ay nag ring ang cell ni Rey. Nang makita na si Katy ang tumatawag ay agad tumayo ito, pero pinigilan sya ng kapatid na babae, Ate”masama ang tumayo sa harap ng hapag kainan, sagutin mo nalang at wag ka ng lumayo”, sabay kindat sa iba. Sinagot ni Rey ang tawag. Katy” saan ka na ngayon nag aalala lang ako kaya tinawagan na kita?”. Rey”sorry nakalimutan kung tawagan ka kase napasarap ang aming kwentuhan, andito na ako sa bahay at sabi nila masarap ang iyong Menudo” ,sumabad ang kuya”next time dalaw ka naman dito at damihan mo ang menudo mo ubos na kase”. Nagtatawa si katy sa narinig. Rey”ayan narinig mo ah, sabi ko sayo paborito ng pamilya ang menudo kase pareho kayo ng timpla ni mama tiyak magugustuhan ka nya”. Katy”sige kumain na kayo at ikumusta mo nalang ako sa kanila at ihalik mo ako sa iyong mahal na ina”. Doon ay pinutol na ni Katy ang kanilang usapan, si Rey naman ay tumayo at humalik sa Mama sabay sabi”ihalik ko raw sya sayo at inyo kumusta raw kayo”. Bumalik sa upuan si Rey at itinuloy ang pagkain at kwentuhan nila.Si Katy naman ay biglang namiss ang kanyang Ina at kapatid, binalikan ang masasayang nakaraan nila, nakaramdam sya ng pangungulila sa sarili, kaya humugot sya sa kanyang dibdib ng lakas ng loob dahil sandali lang syang mawawalay sa kanyang pamilya, hanggang sa makatulog ito. Nang magising sya ay maggagabi na pala. Binuksan nito ang t.v dahil wala naman syang ipagluluto dahil nasa Batangas pa si Rey, sa panunuod nya ng t.v.kanyang nakita ang Unlce na nakaposas at base sa balita ay dahil sa drug trafficking. Nahuli sa akto ang kanyang Uncle na nagbibenta ng droga, gumapang ang kilabot sa kanyang katawan at nakaramdam ito ng awa sa Uncle dahil mabait ito sa kanilang lahat na pamangkin hindi lubos maisip ni Katy na involve sa droga ito. Halos madaling araw na ay hindi pa rin sya dalawain ng antok ang nahuling Uncle ang laman ng isipan. “hoy gising!” sabi ni Rey. Nagmulat ng mata si Katy at nakaagisingan nito si Rey. Rey”bakit dito ka natulog?”. Katy”kase nanuod ako ng tv eh nakita ko ang Uncle ko nahuli sya sa pagbibenta ng droga hindi naman ako makatulog kaya nanuod ako ng types hanggang sa hindi ko na mamalayan ang oras”. Rey”sige na pumasok kana sa kwarto mo at ako ng bahala dito”. Katy”anong oras naba?”. Rey”alas dos ng hapon na”. Katy”okey na ako, ikaw ang magpahinga, magmumog lang ako at maglalabas ako ng manok para maalis ang yelo syang hapunan natin”. Rey”wag ka ng magluto Katy nagluto ang Mama ng Kare-kare kapalit sa niluto mong masarap na menudo”. Katy”Rey, pwede bang magrequest?”. Rey”ano yun!”. Nang biglang yumakap sa kanya si Katy mahigpit silyado ang kamay nito sa katawan ni Rey. Katy”yakapin mo naman ako, kase nalulungkot ako pakiramdam ko mag isa lang ako!”. Kaya niyakap ni Rey si Katy dama nito ang malambot nitong katawan. Rey”hindi ka nag-iisa Katy andito ako karamay mo simula pa noon at hanggang sa gusto mo, hindi ako mawawala sa tabi mo”. Naramdaman ni Rey na lumuluha na si Katy dahil sa pagkabasa ng kanyang suot na damit ipit ang pag iyak nito. kaya hinaplos haplos ni Rey ang likod nito saka iniupo at pumunta syang kusina kumaha ng tubig. Katy”thank you, pasensya kana naging emosyunal lang ako dahil sa mga nangyayari”.
Rey”normal lang yan, at mga nangyayari ay dapat mangyari pero wag mong kalimutan may bukas pa sa mga nangyayari ngayon pagsubok yan ng Diyos sa iyo at sa ating lahat, kase lalo tayong natuto at itama ang mali isa pa para mas makilala natin ang ating sarili, walang taong perpekto dito sa mundo, lahat nagkakamali, kahit ako malay mo magalit ka sa akin isang araw dahil magkamali ako sayo o may nagawa ako ng labag sa iyong prinsipyo, ang gawin mo harapin ang lahat ng ito at ramdamin, kase lahat ng problema ay matatapos at masu-solusyunan din ito sa tamang panahon sa panahon ding iyon ay may natutunan tayo”. Hindi umiimik si Katy sa sinabi ni Rey. Rey”cheer up, ang narinig ko noon sa bus fighter ka at hindi ka sumusuko sa laban, pwedeng isipin mo ngayon ay nagpapahinga ka lang para maka pag isip kung paanong atake ang iyong gagawin?, ngiti naman dyan!”. Katy”kahit fighter may kahinaan pa rin naman, pero kaya ko ito, sya nga pala thank you ah, bukas pupunta ako sa University para kunin ang schedule ko, pagkatapos ng trabaho ko”. Rey’pagbutihin mo lang ang iyong pag aaral ah, ang trabaho naman kung hindi mo kaya, pwede kang tumigil para focus ka, kung sakali lang naman”. Katy”salamat ulit sayo Rey”. Kinabukasan ay inihatid ni Rey si Katy sa trabaho, maganda at welcome sya sa unang araw ng kanyang mga katrabaho, pagdating ng 2:30 ay agad syang nagpaalam sa kanyang among si Francis. Francis”ibigay mo sa akin ang iyong schedule sa University para ma-arrange ng HR ang iyong schedule dito sa trabaho, ingat ka ah!, ikumusta mo nalang ako kay Rey”. Katy”thank you, sige pagkakuha ko ng schedule ko ibibigay ko sayo bukas din if ever, alis na po ako”. Nang makuha nya ang schedule sa University ay dumaan muna sya sa Quiapo at nagsimba, humingi ng tulong na gabayan sya, humingi rin sya ng tawad sa pansamantalang pag iwan sa ina at kapatid at higit sa lahat sa kinakaharap nyang problema ay wagas ang kanyang pasasalamat sa Puong Maykapal. Pagkauwi ay agad syang nagluto tamang tama ng matapos ay syang pagdating ni Rey. Agad kinuha ni Katy ang tsinelas at iniabot ito kay Rey na naka upo sa sofa. Rey”wag mo akong pagsilbihan kase makakasanayan ko yan”. Katy”ok lang yun kung ikaw”. Sabay ngiti at talikod, napangiti na rin si Rey. Pagkakain ay agad humarap si Rey sa laptop at binuksan ang plano para sa itinatayo nilang Building sa Ayala Ave. isang oras ng tumagal ay kumatok si Katy at pumasok pero tutok pa rin si Rey sa pinag aaralang plano. Katy”mag kape ka muna, mukhang busy tayo?’. Rey”oo kase nagkaka problema sa site, kaya ito pinag aaralan ko, thank you sa kape”, sabay higop sa kape at itinuloy ang sasabihin “sarap naman ng iyong kape, sya nga pala pag nakumpleto muna ang iyong subject at na-ayos ang iyong schedule bigyan mo ng copy si Francis para ma-iayos ang schedule mo sa trabaho”. Katy”ito ang aking schedule, bago si Sir Francis, ikaw muna ang makaalam”. Rey”patingin nga”. Tiningnan ni Rey ang subject at schedule ni Katy habang ang isa ay inaayos ang kama ni Rey. Rey”sigurado kang kaya ng katawan mo itong schedule ng klase mo sa schedule ng trabaho mo, baka mag suffer ang studies mo nyan?”. Katy”kayang kaya ko yan, maganda nga ang napili kung schedule kase limang araw lang ang aking klase, para may oras ako dito sa bahay na maglinis at may oras sayo para alagaan ka, ayaw mo ba noon?”. Napatingin si Rey kay Katy at “sigurado ka ba sa mga pinagsasabi mo?”. Katy”oo, bakit duda kaba?, sige labas na ako baka nakaka-istorbo na ako sayo, sayo na ang kopya na yan at may dalawa pa ako kay Boss Francis naman ang isa ibibigay ko sa kanya bukas”. Rey”thank you dito at sa masarap mong kape”. Pagkalabas ni Katy ay napahinto sya sa harap ng pintuan ni Rey may kung anong ligaya syang nararamdaman, napangiti nalang ito sa sarili, samantala si Rey ay tiningnan ang litrato ni Katy na syang wallpaper sa kanyang laptop. Kinabikasan ay handa na ang lahat pero hindi pa rin gumigising si Rey, kahit anong katok ang gawin ni Katy ay hindi sya nito pinagbubuksan, kaya nagdesisyon itong pasukin na, walang tao sa loob ng kwarto at paglabas nito ay tumunog ang kanyang cell isang mensahe mula kay rey. Kaya nagpasya na syang mag ayos at pumasok na rin sa trabaho. After work ay agad syang umuwi pero halos hating gabi nay hindi pa rin dumarating si Rey. Nais man nitong tawagan ay kontra ang kanyang isipan baka makasagabal lang ito. Kinabukasan ay ganoon pa rin walang Rey na dumating. Araw nang
biyernes bale pang ikaapat na araw na ni Rey na hindi umuuwi, pagdating ni Katy napansin nito na may tao sa loob, pag bukas nito ng pinto ay nakita nya ang isang babae na naka upo sa sofa. Katy’good afternoon”. Babae”same to you”. Katy” Im Katy?’. Sabay abot ang kanang kamay sa babae. Babae”nice to meet you, Vanessa ka-trabaho ni Rey, hinihintay ko lang sya kukuha lang ng gamit at babalik kami sa site pagkakuha ko ng gamit ko sa bahay”. Katy”ganoon ba, Engineer ka rin tulad ni Rey?”. Vanessa”oo, magkatrabaho kami ni Rey since 1998 pa, ikaw ba ang bago nyang fiancé?, kase after our break up last 2004, wala na akong nabalitaan pa sa kanya, wala rin syang kinukwento na meron na pala syang bagong fiancé?”. Katy”mali ka dyan wala kamaing relasyon, magkaibigan lang, isa pa mabait lang talaga si Rey?’. Vanessa”hindi ako naniniwala na magkaibigan lang kayo ni Rey, sya ang tipo ng lalake na hindi marunong ipakita ang nararamdaman, bagkus ay kanya itong idinadaan sa ibang bagay”. Doon na putol ang kanilang usapan ng sumabat si Rey. Rey”Vanessa, ibinibenta muna naman ako kay Katy, ikaw talaga, alis na tayo para hindi gabihin sa daan at hindi mag hintay ang mga Amo., sya nga pala Katy mawawala ako ng ilang pang linggo ang dami lang trabaho, sya nga pala ito ang budget sa bahay ang pamabayad at allowance mo diba sa lunes na ang simula ng iyong klase?”. Katy”matatagalan ka pa bago umuwi, sige ako ng bahala muna sa bahay, salamat dito sa allowance, Vanessa mag ingat kayo palagi ni Rey”. Vanessa”ok, I’ll take care of him para sayo”. Napatango na lamang si Katy at umalis na ang dalawa. Sa daan Rey”ikaw ah, Vanessa anong mga pinagsasabi kay Katy?”. Venessa”wala ah, bata si Katy, iba na pala ang iyong tipo ngayon ah Rey?, magandaat sexy, mukhang matalino pa”. Rey”matalino nga sya, ikaw kase hiniwalayan mo ako sana kasal na tayo ngayon?”. Vanessa”ayan na naman tayo rey?’. Rey”kase hanggang ngayon mahal pa rin kase kita”. Vanessa”tama na, may Katy kana sa buhay mo at ako naman ay maligaya kay Sam., isa pa noong tayo pa madalas tayong mag away, hindi tayo nagkakasundo sa maraming bagay., pero aminin ko sayo hindi ko alam kanina ng makita ko si Katy nakaramdam ako ng selos, ewan ko ba siguro may natitira pa ring pagmamahal sa puso ko para sayo siguro”. Napatingin si Rey kaya Vanessa. Vanessa”wag mo akong tingnan ng ganyan masaya kami ni Sam”. Hindi na kumibo pa si Rey. Sa bahay ay hindi mapakali si Katy hindi nito maintindihan ang nararamdaman, parang nagseselos na hindi kaya bumaba sya at nakitang kumakanta si Dina asawa ni Randy, kaya lumapit sya dito. Diana”bakit hindi maipinta ang iyong mukha dyan?”. Katy”ewan ko ba kase ng makita ko sa loob ng bahay si Vanessa naiinis at napipika ako, lalo ng malaman kung may nakaraan sila, tapos magkatrabaho pa sila, eh hindi naman kami ni Rey?”. Dina”ano hindi ka fiancé ni rey?’. Katy”oo, bakit?”. Dina”talaga lang ah! kase sa iisang unit lang kayo magkasama tapos wala kayong relasyon, ano kaya yun!”. Katy”kung hindi mo maintindihan, ganoon talaga yun, bigyan mo nalang ako ng isang red horse para pag umikot ang aking mundo makatulog agad ako, ayaw ko itong nararamdaman ko, total wala naman akong pasok bukas”. Lasing umakyat si Katy inalalayan ni Dina. Kinabukasan pagmulat ng kanyang mata ay nakaramdam ito ng pagsakit ng ulo, sa lapag na sa salas sya inabutan ng tulog. Tumayo sya at tinungo ang banyo agad binuksan ang shower at tumama ang katamtamang tubig sa buo nitong katawan. Paglabas nitong nakatapis ay dama pa rin ang sakit sa ulo dala ng ininom nya kagabi kaya nagtimla sya ng kape at doon ay naibsan nakaunti ang nararamdaman. Nanuod lang sya ng tv habang kumain, ng makaramdam sya ng antok ay doon na rin sya natulog, nagising sya dahil may kumakatok sa pintuan. Dina” okey ka lang ba Katy?”. Katy”ikaw pala Dina, okey lang ako wala na akong hung over, pasok ka”. Pumasok si Diana at iniabot ang bitbit “ito nga pala ulam at kanin para may makain ka”. Katy”salamat ah, medyo gutom nga ako, nagutom sa pagtulog”. Nagkwentuhan sila ni Dina at may mga nadiskobre pa sya kay Rey at sa mga tenant sa Building nila gabi ng magpaalam si Dina, napapaisip si Katy dahil kahit text wala man lang text si Rey. Hindi nito maintindihan bakit may selos syang nararamdaman kay Vanessa, kahit alam nyang hiwalay na sila at Masaya ito sa kasalukuyang boyfriend. Kinabukasan ay pumasok na si Katy sa office sa
kanyang table habang busy sya sa paper work ay tinawagan sya ng receptionist nilang si Karen, kaya agad itong tumungo isang pirasong pulang rosas ang iniabot sa kanya at may mensahe ito, kay Rey galing ang rosas, matamis na ngiti ang namutawi sa kanyang labi, kaya tinukso tukso sya ni Karen, pagkabalik ng kanyang upuan ay matamis pa rin ang ngiti nito ng biglang bumulaga si Kier ang makulit pero gwapong officemate ni Katy. Kier”uy! Nasa ibang mundo ka na naman, parang ngayon ka lang nakatanggap ng rosasa ah kung makangiti ka dyan?”. Agad umasim ang mukha ni Katy dahil na udlot ang kanyang moment. Katy”anong kailangan mo ba ah?”. Kier”kailangan ko yung opinorward sayo ni Karen ipinahahanap ni Boss, pwedeng ibigay mo sa akin para maituloy mo na ang iyong panaginip, nakakhiya naman kase!”, agad hinanap ni Katy ang kailangan ng isa at ibinigay ito, buong akala ni Katy ay umalis na si Kier buhat sa kanyang likod ay may sumundot sa kanyang tagiliran na syang ikinabigla at sigaw nito. Napatayo angi bang katrabaho at napatinign sa kanyang direksyon samantalang tumatawang umalis si Kier. Natapos ang kanyang oras sa trabaho agad syang tumungo kay Karen at kinuha ang bag upang pumasok sa klase. Karen”alam ko ang nangyari kanina sa inyo ni Kier, ganoon lang talaga yun makulit pero cute ang kakulitan, gwapo pa”. Katy”yung unggoy nayun gwapo?, naku Karen magising ka nga sa katotohanan na lubhang masama ang ugali ng lalaking yun”. Ngumuso si Karen pero hindi makuha ni Katy ang ibig sabihin nito. Nang may magsalita sa likod nito “ah! masama pala ang aking ugali, okey lang kase ikaw naman ang may sabi at isa pa, to inform you katy, ako naman ang pinaka gwapong unggoy na nakita mo at dito sa balat ng lupa”. Hindi kumibo si Katy at tuluyang lumabas ng opisina, na iniwang humahagalpak sa tawa si Kier. Maging maganda lang ang mood nito ng makarating ng University, dahil kaba ang kanyang nadama, unang araw ng klase ibang pagsubok para sa kanya. Sa mga sumunod na araw ay inaasar pa rin sya ni kier, sa kalase naman nito ay nakakasunod naman sya sa kanilang lesson at lecture. Isang araw buhat sa klase nito pag uwi nito ay nakita nyang dumating na si Rey, nakaramdam si Katy ng kagalakan kaya hindi nito namalayan at yumakap sya kay Rey. Niyakap din sya nito ng mahigpit, naramdaman ni Katy na na-miss din sya ni Rey at doon ito natauhan si Katy kaya agad kumalas. Katy”pasensya kana sa bigla kung pagkakayakap sayo, matagal ka kasing nawala”. Rey”okey lang yun Katy na-miss din kita Masaya akong makita kang naka uniform”. Katy”salamat, pahinga ka muna at ako ay magbibihis at mag luluto ako ng paborito mong menudo”. Rey” wow! Tiyak mabubuosg ako nito hehehe sige pahinga lang ako sa kwarto, sya nga pala, ito pasalubong ko sayo”. Sabay abot sa kanya ang isang paper bag, pumasok na sila sa kanilangk kwarto, sa kwarto ni Rey nakita nito na malinis at maayos, tanda pa nya ng umalis sya ng gabing iyon kasama si Vanessa ay magulo, nakita rin nito ang kanyang tuwalya at bihisan, napngiti si Rey dahil tumutupad si Katy sa kanyang pangako, nakatulog agad si Rey kaya nagising ito sa paggising sa kanya ni katy. Katy”kakain na tayo nakap ag luto na ako”. Rey”sige susunod na ako”. Sa mesa nakita niRey ang kanyang paboritong ulam at sinamahan pa ni Katy ng pakbet, masarap ang kain ni Rey parang isang taon na hindi nakatikim ng luto ni Katy. Pagkatapos kumain ay tumayo muna sa sya sa beranda tinatanaw ang kalangitan. Mabilis lumipas ang panahon, si Rey ay na promote bilang Asst. Project Engineer at si katy naman ay nasa 4th year college na hindi na rin sila magka-away ni Kier kundi isa na ito sa mga malalapit na kaibigan sandalan pag may tampuhan sila ni Rey. At ina ni Katy ay tatlong taon ng nasa Singapore, nagta-trabaho bilang isang Supervisor ng clothing line, halos mabayara na rin nila ang kanilang pagkakautang na gawa ng kanyang ama, nanatiling magkarelasyon pa rin ang ama at ang kabit nito. Umuwi ang kanilang ina para sa bakasyon, at naitaon itong sem break ni Katy kaya nagdesisyong magpakita na ito sa kanyang ina at mga kapatid, niyakap sya ng husto ngina at sinabi ng mga kapatid sobrang na-miss sya ng mga ito, kahit tatlong taon ito na hindi nagpakita, gulat ang ina nito na ang kaibigang si Rey ang tumulong para maka pag abroad ulit. Sa bahay nila ay Masaya silang mag iina. Nang tumawag sa kanya si Rey at sinabing nasa malapit lang sya at hindi mahanap ang kanilang bahay kaya agad
lumabas si Katy, sa pag uusap nila sa telepono namataan nito ang sasakyan ni Rey kaya binigyan nito ng instraksyon, nakita rin sa wakas si Katy nakatayo sa gilid ng daan. Naka ngiting bumaba si Rey, katy”halika baba ka kase si Mama nasa loob kasama ang dalawa kung kapatid kakain palang kami ng tanghalian”. Rey”sige kase gutom na rin ako talaga”. Sabay silang pumasok ng bahay at Katy”mama si Rey, sya po yung sinasabi kung kaibigan kung palihim na tumulong inyo para nakapag abroad, Rey ang mama ko”. Rey”nice to meet you po”. Mama”:thank you ah, atleast ngayon nakilala na rin kita, salamat ulit, upo ka at pagsaluhan natin ang luto ni Katy”. Ipinakilala rin sya sa dalawang kapatid pa ni katy ang bunso ay nagtanong kung sya ba ang boyfriend ng ate kaya namutla si katy sa narinig, pagkakain ay nagkwentuhan sila, naitanong ng ina kung anong stado ng kanilang relasyon, kahit totoo ang sinabi nilang magkaibigan lang sila ay hindi pa rin maalis sa isipan nila kung naniniwala ba naman ang ina ni katy. Mama”anak Rey, dito kana matulog gamitin mo ang kwarto ng bunso ko kase magkakatabi kaming natutulog alalm kung pagod ka sa pagmamaneho sa pagbiyahe mo dito sa amin”. Rey”salamat po sa pagpapatuloy sa akin sa inyong bahay”. Mama”salamat nga pala sa malaking respeto mo sa aking panganay, naikwento nya sa akin ang buong pangyayari, kung paano kayo nagkakilala, kung paano mong tinulungan ako na makapag abroad, pag balik ko ng Singapore may ipakikiusap sana ako sayo kung may oras kayo dalawin nyo naman itong mga kapatid nya para may gumabay pa rin, at isa pa malaki ang tiwala ko sayo ikaw ng bahala sa aking si katy, kung kayo ang magkakatuluyan kaligayahan ko, alam ko at dama kung Masaya ang aking anak sa iyong piling, kaso nanghihinayang lang ako kase parang wala na syang interes mag aral puro nalang trabaho at halos lahat ipinadadala parin dito para makabayad at matapos na ang aming malaking pagkakautang, alam mo noong umalis sya dito akala ko masisiraan na ako ng ulo kase iniwan kami ng ama nila pati ay umalis sa kadahilanang nagawa na syang saktan ng ama nila sa pagtatanggol sa mga kapatid at sa akin dahil noon mahina ako. Pero ng araw din yun sinagot ng Diyos ang aking dasal malaman ko lang nasa mabuti syang kalagayan alam ko may rason ang kanyang pag layo dahil pansamantala lamang yun, doon ako nag simulang maging matapang Rey”. Rey”ipag umainhin po nyo nasaan po ang kanilang ama?”. Mama”noong dumating ako dito limang araw na ang nakakaraan, nakita namin sya sa bayan kasama ang babae nito, masakit hanggang ngayon at nakakahiya, sinasabihan nga ako ng mga kapatid ko na hiwalayan ko ng tuluyan pero sabi naman ng mga anak ko wag na raw dagdagan pa ang kahihiyan ng aming pamilya, tama na ang ama nila ng gumagawa nito, ito ang aming pamilya Rey magulo pero alam ko isang araw maayos din ito hindi man ngayon pero darating ang araw na yun”. Rey”tama po kayo dyan hindi po natututlog ang ating lumikha, at ang lahat ng ito ay pagsubok, kaya ibinigay ito sa inyo dahil alam nyang kaya nyong lagpasan ito at matatag ang inyong pananalig sa kanya, may tanong lang po ako pwede ba?”. Mama”ano yun, sige magtanong ka iho?”. Rey”paano po isang araw bumalik at kumatok sa inyong bahay ang inyong asawa, ano po ang inyong gagawin?”. Mama”sa ngayon hindi ko pa alam, pero nanatiling sya pa rin ang aking asawa at ama ng aming anak, siguro pag nakita kung nagbago na sya at nagsisi bibigyan ko pa sya ng pagkakataon dahil ayaw ko ring maging sira ang aking pamilya”. Sa pag uusap nilang dalawa ay dumating si Katy, katy”mukhang seryoso ang inyong pinag uusapan ng mama ko ah, ipinag dala ko lang kayo ng juice”. Mama”anak umupo ka mag usap tayo?’. Katy”opo mama, ano yun?”. Mama”anak sana naman pag naka bayad na tayo ng utang mag aral ka para hindi ka naman kawawa pag nagka pamilya ka, iba pa rin ang may natapos kahit papaano hindi ka pwedeng tapak-tapakan o lait-laitin kung sinuman”. Napabuntong hininga si Katy bago ito sumagot “sige mama, pagnaka pagtapos ang dalawa kung kapatid ng college mag aaral ako, pero sa ngayon matulungan tayong pag aralin sila, okey po ba yun?”. Mama”aasahan kung tutuparin mo ang iyong sinabi, kahit igapang kita makapag tapos ka rin,kaliyagahan at kayamanan ko na ang makapagtapos kayong tatlo, ang edukasyon ang isa sa yaman na pamana ng ina sa mga anak nya na hindi pwedeng nakawin ninoman”. Sa tuloy tuloy na kanilang pag uusap may nag door bell tinanaw ng kapatid ang gate at nakita ang ama. Marvin”mama si papa nasa gate po?”. Lumabas ang ina nila kasama si Katy”bakit ka naparito, doon ka sa kabit mo dapat umuwi, tahimik na kami dito ng mga kapatid ko!”. Papa”gusto ko lang makita ang inyong ina, kararating din lang namin buhat ng spain”. Katy’wala kaming pakialam, umalis kana dito hindi ka kawalan para sa amin”. Mama”Katy wag ganyan, kahit paano ama mo pa rin sya magbigay galang ka pa rin sa kanya”. Katy”kinakampihan nyo pa sya, sya itong ng iwan sumama sa kabit nya, noon pinipilit na ang itawag namin sa babae nya ay Auntie?, bakit noong sinaktan ba nya ako naisip ba nya na anak nya ako!, ang kabit nya ang sumugod at sinmapal si Marvin, ipinagtanggol ko lang naman ang kapatid ko ah!”. Dama ni Rey ang sobrang galit ni Katy sa ama. Mama”sige na rusty umalis kana, alang ala sa mga anak natin hindi ito ang tamang panahon para mag usap tayo”. Rusty” Rose ang panganay mong anak pagsabihan mo yan na gumalang ah!”. sumabad si Katy”aba!, ikaw pa ang may ganang pag sabihan ako ng gumalang sayo!, bakit iginalang mo ba ang mama ng saktan mo sya at piliin mo ang iyong kabit! Ng saktan mo ako! Ikaw dapat ang matuto nyan!”. Rusty”matuto kang gumalang dahil wala ka pang nararating kaya wag kang magmalaki sa akin!”. Katy”wala pa nga akong nararating, pero kinakaya kung ibigay ang pangangailangan ng mga kapatid ko na dapat ikaw ang gumagawa, pero saan ka sa kabit mo!” Mama”Katy!, pumasok na tayo sa loob, halika kana”. Iniwan nila ang ama nilang nakatayo sa gate di nag laon ay umalis din ito. Sa loob ng bahay, Mama”anak hindi dapat ganoon ang pakikitungo mo kase ama pa rin sya?”. Katy”kung ama ko sya bakit nagawa nya akong hiyain sa maraming tao, ilibak na kami ang mga anak nya tanungin mo ang dalawa kung kapatid may mga isip na sila mama”. Sumingit si Jessie”opo mama ikinahiya kami ni papa, tinalikuran kami ang legal at tunay nyang mga anak, ikinahiya at hiniya kami sa publiko, masakit mama ang ginawa ni papa, kaya ganyan nalang si ate, kase sinuntok sya ni papa ng nalaman nyang nag away sila ng kabit nya at nalaglag ito sa 2nd floor ng building sa school ni Marvin, ang totoo mama ipinag tanggol lang ni ate si marvin nakita ni ate na sinampal ang bunso nyo ni Merly, bilang ate ipagtatanggol nya ito, mama sabihin mo masama na ba si ate dahil sa walang respeto ito sa papa, kahit ako may galit sa inyo kase masyado kayong mabait pa rin sa papa, kailan matuto si papa kung mabait ka parin sa kanya, malalaki na po kami at alam na namin ang mali at tama, in two years ga-graduate na ako at sa ikatlaong taon si Marvin, mama lumaban ka naman para sa karapatan mo!”. Hindi nakaimik ang ina sa narinig sa kay Jessie, Si katy”jessie tama na yan”. Si Marvin”ate dapat lang malaman ni mama kung paano tayo kinawawa ni papa sa loob ng apat na taon, habang sya ay nagpapakahirap sa London at ang ating ama ay nagapapaksarap sila ng kabit nya kasama ang mga anak nito, na samantalang tayo ay naghihirap at kailangang makiusap pa, para bigyan tayo ng pera ng papa”. Niyakap na lamang sila ng kanilang ina at napaiyak ito, doon nya nalaman kung gaano kahirap ang pinag daanan ng mga ito sa sarili nilang ama at kung bakit ganoon nalang ang pagkamuhi ni Katy at kahit respeto ay wala na, humingi rin ng tawad ang kanilang ina ng mga panahong pinilit syang umuwi na ito ay mas nakinig sya sa kanyang asawa. Kinabukasan ay isang umaga ang bumungad sa kanila, Masaya silang naglinis ng bahay tumulong na rin si Rey at ipinakilala nila ito sa mga kamag anak, samantala si Marvin ay halos hinhabol ang hininga na dumating at agad lumapit ito sa ate saka may ibinulong na syang naqgpa-iba sa kanyang mukha, kaya sinabihan nito na samahan sya atumalis ng bahay tumungo sa bahay ng Lola at lolo. Nang mapansin ng kanilang ina na wala ang dalawa sinabi ni Rey na tumungo ito sa bahay ng kanilang lola. Sa loob ng bahay ng lola, pumasok agad si Katy kasama si Marvin, nakita nila ang lola na nagtitimpla ng juice. Marvin”lola para sa akin ba yan ah!. Lola”apo hindi ipigtitimpla nalang kita, katy bakit andito kayo?”. Sasagot sana si katy ng marinig ang pamilyar na boses “Nay! Ano ba ang tagal naman ng ipinatitimpla kung juice, bilisan mo naman dyan at kumuha ka ng bangkito dahil masakit ang paa ko, ang init sa labas kase, bilisan mo naman”boses ni Merly. Agad kinuha ni Katy ang baso ng juice at ng sawayin sya ng lola ay kanya itong pinandilatan at mabilis ang kilos pinuntahan ang kinaroroonan ni Merly.
Katy”ito ang juice mo!”. Sabay saboy sa mukha ng nakupong si merly kay napatayo ito sa pagkakabigla at saka sinundan ni Katy ng isang malutong na sampal na ikinabingi ng huli, agad syang inawat ng lola “kulang pa yan sayo!”pasigaw ni Katy kaya naka agaw ng atensyon sa mga tito at tita nito na nasa labas ng bahay at nagsipasukan sila. Akmang dadambahin sya ni merly ng maawat ito kaya “BITAWAN NYO AKO KALA NG BATANG YAN HINDI KO PAPATULAN!”. Nang makawala ang katy mula sa lola ay dalawang sampal pa ang lumapat sa mukha ng kabit “tang na mo, kinawawa mo na nga kami, pati pa ang lola ko aalipinin mo!” sa ganoong eksena dumating ang kanilang lolo at ama ni katy. Lolo”anong kaguluhan ito!”. Merly”yang apo mo pagsabihan mo dahil hindi marunong gumalang! Bitiwan nyo ako!”. Rusty”bitiwan nyo sya, bakit ano ba ang ginawa sayo ni katy!” Katy”gusto mong malaman, sinabuyan ko sya ng juice at sinampal ng tatlong beses! bakit”. Agad lumapit ang ama sa kanya at hinawakan ng mahigpit sa braso “wag na wag mo ng mauulit yun na bastusin sya!”. Katy”ako pa ngayon ang bastos ikaw at sya, ina mo mismo ang inaalila nya! Anong klase anak ka”. Aawatin sana sila ng itinulak si katy at tumama ito sa cabinet na nakita ng kanyang ina, kaya agad itong lumapit at isang malakas na sampal ang pinakawalan sa mukha ng asawa na ikinabigla ng lahat. Mama”wag na wag mong sasaktan ang mga anak ko, totoo pala ang lahat ng mga sinasabi nila sa akin, pwes ilabas nyo ang babae nya dito sa bahay at kayo jerry, nick kayo hawakan nyo si Rusty at itali yan sa harap nyong lahat magkakasubukan na kami ng babaeng ito. Sinunod nila ang sinabi ng ina ni katy. Kahit nagpupumiglas ang Rusty wala itong nagawa at naitali nila at inilabas ni merly. Rose”ngayon lumaban ka sa akin ayan ang asawa ko at mga anak namin, sa harap ng pamilya ko at pamilya ng asawa ko, saksi rin ang iyong dalawang anak.!”. naglaban sila at wala kahit isang umayat, maging ang lola at lolo nila, saunutan, sampalan, kalmot hanggang sa dumating sap unto na nasuntok ang ina ni katy sa sikmura at nakapulot ng kahoy ang kaaway at inihampas ito sa kanya at bumagsak sa lupa, isang hampas pa sana pero nasalag ng ina ni katy at isang tadyak ang ibinigay, isang tubo ang nahawakan at agad pinakalan sa mukah ni merly, isang sulidong hampas at tumalsik ang huli ng bumagsak ito sa lupa ay wala ng malay tao, kita sa lupa ang tatlong ngiping nalagas at may hiwa ang kaliwang pisngi nito kung saan tumama ang tubo. Rose”bitawan nyo na sila at alisan nyo ng gapos si rusty, tapos na ang lahat Rusty, pero ito ang tandaan mo, pinalaki natin ang ating mga anak na malaki ang respeto sa mga lolo at lola, maging sa mga tiyo at tiya kaya hindi mo maiaalis sa kanila ang magalit, walang maling nagawa si katy, tama lang na ipagtanggol nito ang lola nya dahil sila kahit minsan hindi nila ito binastos pero ang babae mo bastos nga talaga, tara mga anak umuwi na tayo”. Umalis ang mag iina kasama si Rey na inaalalayan ni Katy dahil malakas ang pagkakahampas nito sa cabinet. Naiwang si Rusty na tulala at hindi alam ang gagawin, nakatingin lang ito sa mga iina nyang papalayo at nag alisan ang kanyang pamilya, pati ang ibang usyoserot usyosera, silang apat ang naiwan. Sa bahay ay ginamot nila ang sugat ng ina. Nakaitingin lang si katy sa ina., Mama”bakit anak?”. Yumakap si katy sa ina at saka umiyak ito ang ina “anong problema ba anak bakit ka umiiyak?”. Katy”kase po mama, nagising na rin kayo na tama kami”. Ina”oo, tama kayo kaya hindi ako nahihiyang humingi rin ng paumanahin sa inyo”. Jessie”okey lang yun mama, ang mahalaga nakita ng papa na matapang kana ngayon at hindi kana nya basta basta mapapaikot pa”. Ina”hindi na mga anak!”. Marvin”mama, papaano kung dumating ang papa at humingi sayo ng tawad, patatawarin mo ba sya?”. Si katy ang sumagot”depende marvin,kung nagbago ngang tuluyang ang papa at ligawan nya ulit si mama tatanggapin pa rin natin sya, mahirap kase ang isang pamilya na wasak, sikreto natin yan ah!, si Rey lang nakaka alam”. Lumipas ang isang linggo pa at araw ay naging tahimik ang kapaligiran, hindi rin nila nakita ang kanilang ama, nagpaalam na sina Rey at Katy. Nagbigay ng pera si Rey sa ina ng pasikreto para mabayaran na ang huling utang at makapag pundar ito ng para sa kanila naman, sinabi ng ina na utang iyon, kaya tumango na lamang ito. Sa manila ay kinausap sya ni rey. Rey”katy mag resign ka muna sa trabaho mo?”. Katy”ah! bakit”. Rey”para
makapg focus ka sa pag aaral mo tandaan mo may thesis ka pa na sinisimulan, mahirap yan, buti sana kung ang thesis mo ay related sa iyong trabaho”. Katy”paano ang aking mga kapatid eh nag aaral pa sila”. Rey”ako na ang bahala sa kanila, sayang din naman tingnan mo scholar ka sayang kung hindi mo ma retain”. Katy”sobra sobra na ang iyong naitutulong sa amin Rey”. Rey”wala yun, isa pa pala, tapusin mo muna ang iyong pag aaral bago ka magpaligaw kay Kier, isang sem nalang naman graduate kana, so pwede ng pomorma sayo ang lalakeng yon, kase goal ko rin ang makapag tapos ka, pag gradute mo Malaya ka ng gawin lanhat ng gusto mo, hindi na ako maghihigpit sayo”. Katy”ganoon ba, si kier hindi naman nanliligaw sa akin yun eh, close friend lang, sige tatanggapin ko ang iyong sinabi na tigil muna ako sa trabaho para maka pag focus sa thesis ko, atleast ngayon alam ko na goal mo ang mapag tapos ako Salamat ah Rey napakabuti mong tao talaga, alam mo hindi ka mahirap mahalin”. Rey”walang anuman yun sige pahinga kana at bukas asikasuhin mo ah!”. kase papasok kana sa isang araw sa klase mo”. Umuo si katy sa sinabi ni Rey, yun nga ang ginawa nya kinabukasan nag resign sa trabaho at naintindihan naman ng kanyang amo. Nagsimula na ang klase nya at tutok sa thesis, nasa midterm exam na at kailangan matapos na ang thesis nito, nag offer ng tulong si Kier na tulungan, hindi naman nagdamot si Katy. Araw ng biyernes masayang pauwi si Rey dahil alam nitong maaga ang uwi ni Katy kaya bumili pa ito ng stuff toy para ibigay kay Katy, pagpasok nya ng bahay ay agad nitong nakita ang dalawang ka-kalse at nagbigay galang sa kanya. Tinanong nya kung saan si katy, sinabi ng mga ito nasa kwarto, kaya kanya itong pinuntahan, nakita nitong nakaupo pero nakita rin nitong nasa likod ni Katy si Kier. Kier”magandang hapon Rey tinutulungan ko si katy sa thesis nya kase thesis ko ito noong college ako, ayaw nyang kopyahin ngbuo ang thesis ko kaya nilalapatan nya ng sarili nyang idea”. Rey”gandang hapon din sa iyo, sige labas muna ako tulungan mo langa si Katy malapit na ang deadline nya, maiwan ko muna kayo”. Katy”pasensya kana hindi na kita nasabihan na pupunta sila dito, kailangan ko na kase ng tulong”. Ngumiti lang si Rey at tumango saka ito lumabas ng kwarto, tinungo ang kwarto nya, sa isang sulok inilagay nito ang pasalubong at pumasok na ng kwarto. Samanatala si katy ay hindi alam ang gagawin, dahil dama nito ang selos ni rey kay Kier. Kier’bilisan na natin ito para matapos at maka pag usap kayo ni Rey. Katy”okey lang yun sa kanya”. Kier”sa tingin ko hindi okey, katy lalake ako, alam ko”. Nang matapos sila ay umuwi na ang kakalse at si Kier. Kumatok si Katy sa pinto ni rey, hindi sya pinag buksan nito, ng buksan nya ang pinto ay bukas kaya pumasok sya, pero tulog na tulog na an grey, kaya hindi na nya itinuloy ang pag gising, pinatay nito ang ilaw ni rey at lumabas na sya ng kwarto, nag mulat ng mata si rey bakas ang selos. Ilang araw pa ang dumaan, halos hindi na sila magp ang abot at maka pag usap, kapwa sila naging busy, araw ng huwebes, araw ng thesis depend. Naka masid si Rey habang busy si katy ng matapos ang thesis depend at nalaman nyang pasado sya ay nasaya saya ni Katy, lumapit si Rey kay Katy pero ng malalapitan nito ay nakita nyang kausap ito si Kier at narinig nito ang pag inbita kay katy na icelebrate ang pagkapasa nya sa thesis at umuo naman si Katy kay kier,nakaramdam ng panlulumo si Rey, kaya humakbang ito papalayo,samanatala isang ka-klase ni Katy ang nagbulong sa kanya na nakita nito si Rey at lalapitan dapat sya nito pero hindi na tumuloy dahil nakita silang magkausap at magkasama ni kier. Dahil naka oo na si katy kay Kier ay tumuloy pa rin sila sa celebration. Samantala si Rey ay tumuloy sa unit ni Vanessa. Vanessa”bakit naligaw ka ata sa akin?”. Rey”dito muna ko ah, kase Masaya si Katy dahil pasado ang thesis nito”. Vanessa”bakit para kang nalugi o natalo sa sugal?, ah alam ko na andoon si kier no at naunahan ka, sabi ko naman sayo magtapat kana kay katy, alam kung mahal ka din ni Katy sigurado ako, babae rin ako tulad nya kaya alam ko”. rey”ayaan muna natin sya na magpakasaya, isa pa nasabi ko naman na pag tapos na sya, Malaya na itong gawin ang lahat, marami rin akong ipinagkait sa kanya habang nag aaral, isa pa binawalan ko syang mag boyfriend muna, paano kung mali ka sa akala mo Vanessa, paano kung kuya lang ang turing sa akin ni Katy?”. Vanessa”ewan ko sayo, ikaw lang naman ang nagpapahirap sa iyong sarili, 35 kana at si Katy naman ay
21 na”. Rey”nagseselos ako kay Kier sa totoo lang, pero kung syaang mahal ni katy ,wala akong magagawa kundi ang magparaya sa kanilang dalawa”. Vanessa”hindi ka mahirap mahalin Rey, mabait ka at organisado?”. Rey”bakit, hiniwalayan mo ako?” Vanessa”iba ang kaso natin sa inyong dalawa, best friend naman tayo ngayon after our break up dib a mas maganda ang ating relasyon”. Dumating ang asawa ni Vanessa, si Sam. Vanessa”kumusta angtrabaho?”. Sam”nakakapagod pero isang halik mo lang pawi na ang lahat, kumusta ang baby naming, lapit na tayong maglaro, kadarating lang ni Daddy, rey kumusta na kayo ni Katy?”. Si Vanessa ang sumagot”ayon ibang lalake ang kasama to celebrate, kase ang bagal kay nagpunta dito para magmukmok na parang bata”. Sam”ito pare ang baso, inom tayo”. Habang umiinom sila, si Sam”pare ito payo lang ah, kung mahal mo sya ipagtapat mo kung tatanggapin nya jackpot ka, kung hindi naman ang mahalaga sinubukan mo, lahat naman dito sa mundo ay sugal kaya dapat sumugal ka, paano kung mali ang nasa isipan mo?, masarap ang may minamahal at may nagmamahal sayo, tayo hindi na pabata kaya kailangan natin ng isang makaksama sa buhay kahit mawala na ang sex, ang romansa ng pag ibig nyo ang syang magbubuklod sayo, kahit ang ayaw mong ugali nya ay mamahalin mo kase sya lang ang tanikala ng iyong puso”. Rey”sige lalakasan ko ang aking loob at magtatapt ako kay Katy bahala na, salamat sa payo mo, uuwi na ako masyado ng gumagabi samalat sa oras”. Sam”ingat ka pare”. Umuwi si Rey pero wala pa si katy kaya humiga nalang ito sa kama hanggang sa makatulog, kinabukasan papasok na si Rey ng magbukas ang pinto si katy. Rey”kararating mo lang?” tanong nito, Katy”oo, kase nagkasiyahan kami ng mga ka-klase ko nakitulog na ako sa bahay nila”. Rey”sige pahinga ka na total wala ka naman pasok diba, sya nga pala congrats, nanuod kase ako ng thesis depend mo magaling ang magkaka-deliver mo umalis din agad ako, alis na ako ah”. Katy”salamat, ingat ka ah, mamaya ipagluluto kita”. Rey”wag na, matulog ka t pag uwi ko lalabas tayo total Sabado bukas tayo naman ang mag celebrate, yun kung wala kang lakad kase alam mo kahapon ang simula na Malaya kana katy, magagaw muna ang lahat ng iyong gusto may pakpak kana para lumipad kahit gaano ito katayog”. Saka humakbang si Rey papalabas ng pinto, malaling ang iniisip ni katy hindi nito maintindihan si Rey. Kinahapunan dumating si Rey sa unit nila at handa na si katy. Katy”hihintayin kita rey manunuod lang ako ng tv”. Umuo si rey may saya itong nadarama, sa pagpasok nito sa kwarto narinig nya ang pag ring ng cell ni katy, nakiramdam ito at hindi man klaro ito sa pandinig ni Rey, narinig nyang sumagot ng I love you too si katy kay Kier, hindi maramdaman ni Rey ang sarili namanhid ang buo nyang pagkatao, napaupo ito sa kama at pumatak ang luha sa kanyang mga mata, tumigil ang lahat pati ang pag tibok ng kanyang puso ay tumigil, ng kumatok si katy doon lang ito natauhan, nagpasabi ng nagbibihis pa ito. Pagkaraan maiayos ang sarili ay lumabas ito at nagkunwaring maayos sya, lumabas sila pareho at kaakibat ng kanyang pagkukunwari na Masaya ito ay ang durog nitong puso. Pagkauwi ay agad syang nagpaalam kay Katy at sinabing napagod ito, nagising si katy ng madaling araw at lumabs ito ng kwarto ng maabutan nito si Rey sa may kusina. Rey”bakit gising ka pa?’. Katy”nauhaw lang ako, iinom lang ako”. Sabay lagok ng tubig, at sinundan ang sinabi “ikaw bakit gising ka pa sabi mo kanina pagod ka?”. Rey”nakatulog ako kanina pero nagising ako at hindi ko na mabawi ang antok ko kaya lumabas ako”. Katy”ganoon ba, teka may dumi sa iyong balikat, saan kaba nagsuot?”. Kaya ibinaba nito ang baso at saka pinunas ng palad nito ang may duming balikat ni Rey, sa pagpupunas ni katy ay naramdaman nito ang kamay ni rey na hinawakan pisngi at isinuot ang kamay sa mahaba nitong buhok, kaya napatingin si katy kay rey, muli hinawakan ang kanyang pisngi hindi naman ito ipinagkait ni katy kay rey, humalik sa ulo ni katy ang huli, ipinikit nito ang mga mata, pagkatapos halikan ay napatingin sya kay Rey. Kapwa sila nakatingin sa isat isa walang imik ng inilapit ni rey ang kanyang labi sa labi ni Katy ay hindi ito kumilos ipinikit ang kanyang mga mata ng lumapat ang labi ng isa sa labi nya ay kusang bumukas ito, ang isa ang mga labi nila at naglaban, iisang damdamin ang kapwa nila nadarama hanggang uminit ito ng uminit at natagpuan nila ang sarili ng hubot hubad na, kita ni rey ang kasexi-
han ni katy dahil na rin sa liwanag na nagmumula sa ref ng matapos ang romansa ay pumaibabaw si Rey kay katy at nagbigay daan naman ang dalaga, tumingin si rey sa mukha ni Katy at ngiti ang namutawi sa kanya, pumasok si Rey kay katy, masakit at makirot ang naramdaman ni katy pero tiniis nito,samantala ng maramdaman ni reyang makipot at intack na si Katy kaya dinaha-dahan nito at inalalayan ang dalaga hanggang sa tuluyang mapunit ang tela at makasok si rey kay katy, nagsanib sila at nag isa, kapwa sila nakatulog at umaga na ng magising at nakayakap si katy kay rey. Agad kinuha ni rey ang damit ni Katy at ibinigay ito sa kanya, imbes na kunin ang damit halik ang iginanti nito at isang romansa ang kanilang pinagsaluhan. Kapwa sila nagbihis at naunang pumasok ng banyo si Katy ng paglabas nito nakita nya si rey na pinupunasan ang dugo sa sahig. Napangiti ito at saka pumasok sa kwarto na nakangiti, pagharap nito ng salamin ay aliwalas ang mukha at hindi maipaliwanag ang kaligayahan, ng mag ring ang kanyang cell, ng tingnan nito ay si Kier, kaya agad nitong sinagot. Doon ay nawala ang kalasingan nya sa pinagsaluhan nila ni rey, may tampo at galit ang boses ni Kier, ng matapos ang kanilang pag uusap nakita nito ang maraming miscol at text ng nobyo. Paglabas nito ng kwarto ay wala na si Rey, kaya tinawagan nito pero hindi nsinasagot ni re yang telepono, kaya nagdesisyon syang lumabas at tagpuin ang nobyong si Kier sa isang resto sila nagkita at nagkaroon ng pagtatalo, pero hindi nagtagal ay naayos din nila ito, pero binabagabag si Katy ng kanyang dibdib dahil sa namagitan sa kanila ni Rey, ang hindi alam ng dalawa sa di kalayuan nakatingin sa kanila si Rey, nakita nito ang pag alis ng dalawa sa resto at paghatid ni Kier kay Katy, agad umuwi si rey at pag dating nito sa bahay ay wala pa si katy, kaya nagpasya na aalis muli para hanapin ito, pero ng buksan nito ang pinto bumungad sa kanya ang dalawa na naghahalikan, kapwa sila natulala lalo na si katy. Pumasok si Katy sa unit nila at naiwan ang dalawa, dirediretso ito sa kanyang kwarto. Sa labas Kier”Rey ako ang boyfriend ni katy, gusto ko lang ipaalam sayo bago ako umalis”. Sumagot si Rey”na kay katy ang pagpapasya, dahil sya ang maybuhay Kier, isa pa may usapan kami, kahit tanungin mo sya hindi ako nakialam sa personal na buhay nya”. Kier”bakit ibinawal mong mag boyfriend sya, ngayon sasabihin mong hindi mo pinakialaman ang pribado nyang buhay?”. Rey”natural kase pinag aaral ko sya, isa pa ako ang kumupkop sa kanya simula ng tumapak sya dito sa manila, ako na ang naging guardian nya, kahit sa kaliit-liitang bagay hanggang sa pinakamalaking bagay wala syang pagkakautang sa akin, ang nais ko lang ang makapag tapos sya ng pag aaral kaya kinuntrol ko ang ibang bagay na maaring makasira ng pag aaral nya, ayan sya ngayon magtatapos na at Malaya na sya, magagawa na nya ang lahat ng naisin nya, yung point ko, kung makapag salita ka akala mo kung sino kana boyfriend ka palang nya at kailangan ka lang dumating sa buhay nya!, kaya wag na wag mo akong ku-kwestiyunin dahil wala kang karapatan?”. Hindi na kumibo si Kier isang suntok ang pinakawalan tumama ito sa pisngi ni Rey at nagpalitan sila ng suntok at nagsukatan ng pagkalalake, ang mga kapit unit ni Rey ang umawat at lumabas si katy nakitang duguan si Kier at basag ang mukha. Katy”tama na yan, Rey tama na! boyfriend ko Kier at mahal ko sya!”. Sa narinig na yun ni Rey, pumiglas sya ng maka-alpas sya ay agad nitong pinulot ang bag at bumaba ng bldg., na iwan sina kier at Katy. Ilang araw ang dumaan hindi umuwi si Rey sa unit nila, at natapos ang final exam ni Katy ay walang rey na umuwi. Hindi na mapakali si Katy sa matagal na pagkawala ni Rey at pakiramdam nito ay kulang ang lahat, dama rin ni kier ito, habang nasa isang party sila kinausap sya ni Kier. Kier”Katy ang totoo mahal na mahal kita, handa kung gawin ang lahat para sayo kahit masakit kailangan kung gawin dahil ang tanging gusto ko lamang ang iyong kaligayahan, alam ko rin maligaya ka sa akin, pero higit kang liligaya kay Rey, Malaya kana Katy, hanapin mo ang iyong tunay na kaligayahan, wag mo akong isipin, sabi ko nga kahit masakit kaya ko maging maligaya ka lang, hiling ko lang sayo, isang huling halik kung pwede”. Lumapat ang labi ni Katy sa labi ni Kier na kasabay noon ay ang pagpatak ng kanyang luha, sa paghihiwalay ng kanilang labi. Kier”sige na umalis kana at wag kang lilingon dahil pag ako ay nilingon mo hindi na kita pakakawalan”. Humakbang ang
kanyang mga paa pero hindi pa ito nakakalayo tumigil ito, saka bumungtong hininga at lumingon sabay sabing “maraming salamat” umiiyak ngunit nakangiti si Katy hanggang sa maglaho ito sa paningin ni Kier. Agad umuwi ng bahay si Katy at nagbihis ng mamataan nito ang stuff toy sa sulok ng tingnan nito nakita nya ang date yun ang araw na nakita silang magkasama ni kier. Niyakap nito ang stuff toy at napaluha, desididong hanapin si rey, naalaala nya si Vanesa kaya nitong tinawagan at ibinigay naman ang nais nito, bumiyahe si katy ng madaling araw papuntang Batangas, hinanap ang Munisipyo ng San Jose at ng matapat sya sa isang gate ng bahay ay nakaramdam ng kaba at ligaya sa dibdib si katy isang babae ang lumapit sa kanya. Ale”ineng anong kailangan mo?’. Katy”magandang umaga po, ako po si katy, dito po ba nakatira si Rey?”. Ale”ah, oo, ako ang kanyang ina, halika pasok ka iha at ng makapag agahan ka muna”. Pumasok si Katy at ipinag handa sya ng agahan at sabay sabay silang nag agahan nakilala ni katy ang pamilya ni Rey. Itay ni Rey”kilala ka namin iha, madalas kang ibida ng bunso namin, kung ilarawan ka nya sa amin isang anghel, totoo pala yun”. Katy”ako po ang girlfriend ng inyong bunso, ako po ang kanyang pinag aral, kinupkop, at ang higit sa lahat minahal, sa akin po ay sobrang mahal na mahal ko rin ang inyong anak, hinahanap ko po sya ngayon upang ako na ang magtapat ng aking pag ibig, dahil ang usapan namin makapag tapos lang ako Malaya na akong gawin ang lahat, kaya andito po ako dahil malaya na ako, hinihingi ko ang inyong permisyo kung pwede ko po bang maging boyfriend ang inyong bunsong anak?”. Mama”anak welcome to our family akala namin hindi na kami mabibigyan ng bunso namin ng mga apo”. Katy”kaso po hindi pa po nya alam na mahal ko rin po sya, saan po ba si Rey?”. Mama”nagpaalam kanina na babalik na raw sya ng manila dahil adjusted na sya. Nagkasalisi kayo anak, pero alam mo maganda na rin yun na nagpunta ka dito para makilala ka na rin naming ng personal, agng ganda ganda mong talaga, ang buong akala ko sinaktan muna ng tuluyan ang anak ko, Masaya ako dumito ka muna at akong bahala na pabalikin ang binata namin para sayo”. Masayang nagkwentuhan ang pamilya ni Rey at si Katy. Magtatakipsimlim ng may mag door bell. Mama”tiyak si Rey na yan!, iha pasok ka sa aming kwarto para ma surprise si Rey”. Sumunod naman si Katy kasama ng ina ni Rey. Papa “ikaw talaga Mama alam mo kung paano takutin ang mga anak mo”. Pagbaba ng ama ay agad itong nakita si rey. Rey”Papa anong nangyari kay Mama?, nasaan sya po sya?”. Papa”anak relax ka lang okey na ang iyong mama ayun nagpapahinga sa kwarto, akyatin mo, ikaw talaga masyadong natataranta pa gang mama muna ang usapan”. Agad umakyat si Rey, at pag bukas ng pinto sa kwarto ng kanyang mga magulang si Katy ang kanyang nakita, naka damit ito ng puti. Hindi agad nakakibo si Rey, dahil nakita nito na suot ni Katy ang damit ng ina yung ang damit noong sinagot nito ang kanyang papa. Katy”bakit natahimik ka rey, may mali ba sa akin?”. Rey”paano kang napunta sito at bakit suot mo pa ang damit ng mama ko?”. Katy”hindi ba bagay, tamang tama lang naman sa akin ah, sexy pala ng mama mo ng kabataan nya”. Rey”anong ginagawa mo dito?”. Katy”para ligawan ka at ipagtapat sayo ang laman ng puso ko na mahal kita noon pa”. Rey”ano?, hindi kita marinig, pakiulit nga?”. Katy” bingi ka naman, sabi ko mahal kita noon pa!”. Rey”ah.. paano si Kier?”. Katy”hindi importante sa akin ang ibang tao, IKAW ang pinaka-importante sa buhay ko, IKAW ang hininga ko, puso ko, kaligayahan ko, buhay ko, sistema ko at higit sa lahat IKAW ang lahat sa akin”. Hindi kumibo si Rey at lumapit ito sa kanya. Rey”sigurado ka ba dyan?, kase ayaw ko ng masaktan pa”. Katy”sure! Sya nga pala sa Biyernes ang graduation ko, kala ko hindi mo ako sasamahan”. Rey”bakit umuo naba ako sayo?”. Katy”wag muna akong pahirapan pa please”. Humawak sa bewang si Rey at “mahal mo ba akong talaga?”. Katy”oo! Noon pa noong nasinok ako sa harapan mo kung natatandaan mo pa yun sa SM Manila, yun ang sign, hindi noong nakuha mo ako!, nauna kitang minahal, bago ko ipinagkaloob sayo ang aking sarili”. Rey”sige na nga aakyat ka ng kasama ako sa stage sa biyernes, bakit hindi ang mama mo?”. Katy”maiintindihan nya yun at surpresa ko sa kanila ang aking pagtatapos help me to arrange all things ah gusto ko sa biyernes nila malaman ang aking regalo”. Rey”ikaw pa matatanggihan ba
kita”. At saka sila naghalikan, nakangiti ang kanyang ina nalumabas ng kwarto dahil sa nakitang liwanag na bumalot sa dalawa at isinara ang pinto. Araw ng biyernes ang kapatid nyang dalawa ang sumundo sa ina at agad silang dumiretso ng PICC. Mama”:anong ginagawa natin dito, graduation ito?”. Jessie”makinig nalang po kayo?”. Nang tawagin ang pangalan ni Katy sa ika walong ranking bilang isa sa mga deans lister, agad napahawak ang ina sa kanyang dibdib sa surpresa at kaligayahang nadarama, nakita nito ang pag akyat sa stage ni Katy na kasama si Rey. Nang matapos umakyat ay agad nilapitan nina Rey at katy ang ina na nakatayo sa likod. Agad yumakap ang ina napaluha sa kaligyahan. Katy”Mama, aakyat pa ako ulit para sa diploma, gusto ko tayong dalawa ang tumanggap ng aking diploma”. Mama”anak hindi ako bihis si Rey nalang”. Rey”kayo po dapat kaligayahan ng inyong anak ang makasama ka sa pag tanggap nya ng diploma, napag usapan na naming po yan”. At umakyat muli si Katy kasama ang Ina, proud si Katy dahil sa kasamang ina”. Pagkatapos ng graduation ay agad ipinakilala nila katy at rey sa pamilya nito at dumiretso sila sa isang restaurant para mag-celabrate, masayang nag kwentuhan at nagtawanan. Tatlong araw namalagi sa manila ang pamilya ni Katy at sabay sabay silang umuwi ng probinsya. Sa kanilang bahay ay nanunuod sila ng video clip ng graduation ni katy ng dumating ang kanilang ama. Papa nila katy”pwede ko bang maka usap ang inyong ina?”. Katy”pasok ka, jessie tawagin mo si Mama, sabihin mo andito si Papa”. Papa”congratulation sayo katy”. Katy”salamat po sa pag bati, ayan na pala si Mama”. Sa salas nag usap ang kanilang ina at ama. Pagkatapos mag usap ay umalis na ito, na tumagal din ng halos tatlong oras. Pagkaraan ng tatlong linggo, umalis ulit ang kanilang ina para magtrabaho. Agad nakapasok sa trabaho si Katy at naging maganda ang relasyon nila ni Rey, isang araw tumawag sa kanya ang ina at ipinaalam ang ginagawang panliligaw ng kanilang ama sa kanya. Sinabi nito na sya na ang bahalang magdesisyon, basta sila ng mga kapatid nya, ayaw nila ng isang wasak na pamilya. Dalwang taon ang nagdaan isang license Accountant na si katy at si Rey ay isang Project Engineer na, nagkabalikan na rin ang kanyang amat ina. Nasa bakasyon ang ina ng dumalaw ang pamilya ni Rey. Sa harapan ng pamilya ni Katy inihayag ni Rey ang pamamanghikan ng kanilang pamilya sa pag hingi ng basbas at kamay ni Katy. Masaya nilang tinanggap ito. At sa simple at makahulugang kasalan ito na uwi……………………………
Wakas………………….
Written by: Bryan