"Alak.Yosi.Do...
"Alak.Yosi.Dota.Basketball.Barkada"
*******************
Hinawakan niya ako sa ulo at tinignan ng diretso. Kahit lasing ako, nakaramdam parin ako ng hiya kaya pinunasan ko ang aking mga mata na lumuluha gamit ang aking braso.
“Bata ka pa nuon nung makita kitang umiyak ng ganyan.”
“Sorry po.”
“Hindi anak. Hindi. Napapaisip lang ako. Ang bilis ng panahon. Dati kayang-kaya kita patahanin. Isang laruan lang, titigil kana. Isang candy lang, masaya kana ulit.
Ngayon gusto man kita tulungan pero hindi ko alam kung paano.”
“Nahihiya ako. Kalalaki kong tao, umiiyak ako ng ganito.”
Umiling siya.
“Yah, may tatanungin ulit ako sayo, ha..”
“Ano yun?”
“May mali po ba sakin?”
Kahit nahihilo ako, malinaw kong nakita ang reaksiyon niya sa tanong ko, nagtataka, naguguluhan.
“Wala anak. Walang mali sayo. Bakit mo naman naitanong yan?”
“Nagmamahal po kasi ako ng sobra.”
“Walang masama dun anak. Lahat ng tao nagmamahal. Lahat ng tao dumadating sa point na yan.”
“Hindi yah. Hindi mo naiintindihan.”
“Ano ang hindi ko maintindihan?”
“Mahal ko po silang dalawa. Hindi ko po kaya mawala ang isa man lang sa kanila.”
“Baka naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo anak. Baka nagkakamali ka lang.”
Tinanggal ko ang mga kamay niya na nakahawak sa aking mukha. Nahiga ako sa kama ng padapa para maitago muli ang luha na nanggigilid sa aking mga mata.
Hinayaan na ako ni yaya. Hinaplos niya ang aking buhok at tinapik sa balikat at iniwan na niya ako para makapagpahinga.
Kasabay ng pagpatay ng ilaw sa loob ng kwarto ko, muling bumagsak ang luha ko. Hindi
ko na napigilan pa ang bugso ng damdamin ko. Muli akong umiyak. Para akong batang
umiiyak.
~~+~~
Tanghali na ng magising ako. Masakit ang sikmura ko. Masakit ang ulo ko. Masakit parin ang puso ko. Wala na ang sinasabi nilang pampamanhid na epekto ng alak sa aking katawan kaya mas lalo ko pang nararamdaman ang sakit. Hindi man lang nababawasan yun bagkus mas lalo pa atang nadadagdagan.
Naligo ako. Nagbihis. Bumaba ako para kumain. Nagpahinga lang ako saglit sa bahay at pagkatapos ay lumabas ako para subukang libangin ang sarili ko. Nagpunta ako kung saan-saan. Sa mga kaklase, sa mga kaibigan, sa mga lugar kung saan pwede akong malibang.
Nagbola kasama ng mga katropa kong tambay, dota kalaro ng mga adik sa computer shop malapit sa bahay, nagsindi ng yosi at lumagok ng alak kasama ang ilang mga kapitbahay.
Alak. Alak. Yosi. Alak. Dota. Basketaball. Pustahan. Alak.
~~+~~
Mag-iisang buwan na simula nung magkahiwalay kami ng landas. Araw-araw ko parin siya iniisip. Araw-araw parin ako nalulungkot tuwing naaalala ko ang mga bagay na pinagsamahan namin.
Araw-araw ako bumabalik sa kahapon na kasama siya, bumabalik sa mga ala-alang naiwan niya. Halos araw-araw din akong nagtatago sa spirito ng alak para makalimot, para mabawasan ang lungkot.
Hindi na siya tumupad sa pangako niya na dadalawin niya ako paminsa-minsan sa bahay. Lagi ko siyang inaabangan, pinupuntahan at hinintay para makausap pero lagi lang niya akong iniiwasan.
Simula nun, wala nakong natanggap na tawag or reply man lang mula sa kanya... sa hindi mabilang na text messages na pinadala ko sa kanya.
Maraming nagbago sa akin. Marami akong binago at marami pa sigurong magbabago sa buhay ko pero ang puso ko, hindi ko alam... hindi ko alam kung paano at kailan.