"Lopez versus Huget" Tumayo ako para kumuha ng mas makapal na kumot para idagdag sa manipis na nakabalot sa hubad...
"Lopez versus Huget"
Tumayo ako para kumuha ng mas makapal na kumot para idagdag sa manipis na nakabalot sa hubad niyang katawan. Malamig na ang paligid at mas malapig pa pala kapag madaling araw kung kailan nagsisimulang kumapal ang hamog sa labas.
Inayos ko ang kumot niya at dinagdagan pa ng isa. Sinubukan kong muling bumalik sa pagtulog pero wala... hindi ko magawa kaya tumayo muli ako at lumapit sa bintana ng aking kwarto.
Sumilip ako. Nakatawag pansin kasi ang mga ilaw na tumatama sa salamin... mga ilaw na nagmumula sa labas... mga ilaw ng mga christmas lights ng ibang bahay.
Naglalaro sa isip ko paulit-ulit ang mga kantang malulungkot kapag pasko, Malabo ang salamin ng bintana dahil sa hamog pero makikita mo parin ang labas.
Marami akong naiisip at naalala. Ilang saglit lang pala ay tama na para makabalik ako sa estado ko kanina... tulog. Nagsimula na akong antukin.
Bumalik na ako sa kama, tinabihan ulit siya. Maingat ko siya hinalikan at niyakap para hindi magising.
* * *
Mababaw naman na ang tulog ko, kanina pa. Nahihirapan lang talaga ako bumangon lalo pa't malamig ang panahon. Ilang araw nalang pala pasko na... pasko nanaman.
“Hon, gising kana. Aalis nako maya-maya.”
Binitawan ko ang yakap kong unan at nagsimula ng bumangon, nag-inat, naghikab... ang hirap talaga bumangon.
Hindi ko alam ang itsura ko ng humarap ako sa kanya. Hinalikan naman niya ako at niyakap ng mahigpit.
“Tamad ka parin pala Lopez. Sabi mo ikaw ang gigising sakin. Sabi mo ikaw ang magluluto.”
“Sorry. Napuyat kasi ako kagabi.”
“Lulusot ka na naman. Yan ang namiss ko sayo, sobra.”
Hinigpitan pa niya ang yakap sa akin habang ako naman ay kinukuskos ang mga mata at pupungas-pungas pa.
“Anong oras kaba aalis, ha?”
“Ngayon na, sana.”
“Ha? Ka-aga.”
“Paalam ko kasi kila papa maaga akong uuwi eh.”
“Ihahatid pa ba kita?”
“Hindi. Hindi na. Baka kung ano sabihin nila sa atin pag nakita tayo magkasama ng ganito kaaga.”
“Ah.”
“Kain kana. Nakahanda na sa baba.”
“Sige. Mauna kana. Sunod nalang ako.”
Pumunta muna ako sa banyo at nag-ayos ng sarili. Mag-isa lang ako kaya sinamahan ako ni Mariel sa bahay. Umuwi kasi si yaya sa Probinsiya nila. After Christmas na yun darating.
Ako naman, mas pinili kong manatili sa bahay kahit mag-isa kaysa umuwi kila lola sa Manila kasama ng mga pinsan ko para dun mag Christmas break.
“Tara, sabayan mo na ako kumain?” aya ko.
“Hindi na hon. Next time nalang, ha.”
Tumango ako, ngumiti sa kanya.
“Kelan ba natin pupuntahan si Kevin? Kelan ba tayo magkikita-kita? Tatlong araw nako dito sa Pilipinas pero hindi ko pa kayo nakikitang magkasama.
May problema ba?”
Napailing nalang ako sa kanya. Isusunod ko sana ang sagot ko sa mga tanong niya pero hindi na niya yun nahintay pa. Nagmamadali talaga siya.
“O siya sige hon. Text nalang mamaya. Kumain ka mabuti ha. Love you. Bye.”
Lumabas na siya ng bahay. Ako naman ay umupo na, sa hapag kainan.
“Love you too.” sambit ko, pabulong kahit wala na siya, kahit ako nalang ang nakarinig non. Pagkatapos ay nagsimula na akong kumain mag-isa.
Naputol ang pagkain ko dahil sa isang tawag. Tawag mula kay Cris.
Oy brader, musta? bungad niya.
Good. Very good.
Ikaw, kumusta?
Okey din brader.
Si kuya mo?
Ganon sana. Eto kasama girlfriend niya.
Girlfriend?
Sus brader hindi mo ba alam? Yung ex niya na taga Manila? nagtatakang tanong niya.
Hindi.
Ouch. I smell something. Hahaha.
Gago. Anong something?
Kapag tinatanong kita sa kanya, hindi niya sinasagot ng diretso. Kaya pala. LQ.
Hahaha.
Gago.
Ang magbesfriend. Ikaw naman brader, hindi pako tapos eh.
Loko.
Ka-cute niyo. Sarap niyong pag-untugin. Hahaha. Nga pala brader, nandito ko sa Pampanga ngayon. Bakasyon na namin. Tara?
Tara saan?
Punta ka dito samin. Gala tayo... tayo nila kuya. Oops oo nga pala. LQ kayo. Hahaha.
Isa pa tatamaan kana.
Sorry. Okaya basketball nalang tayo mamaya. Ano?
May lakad ako eh. Next time nalang.
Sige na. Sige na. Ako bahala. Hindi ko sasabihin sa kanya na kasama ka.
Wala naman problema kung sabihin mo eh.
Basta. Oh ano tara? Sige na.
Sige.
Ayos!
Ilan ba kaya mong daling players mamaya? Half court o whole court?
Lima kami dito. May kasama kaming tatlong pinsan. Whole court para masaya.
Okey. Magdadala ako ng mga tao ko. Alas tres. Covered court tayo.
Aprub!
Masaya ako na makakalaro ko sila... siya mamaya. Ginanahan ata ako. Ang sarap kasi ng naging kain ko. Naubos ko lahat ng niluto ni Mariel. Excited ata ang tawag dito.
Ewan ko.
Mabilis naman dumaan ang mga oras. Bago mag-alas tres, nakumpleto ko na ang team na isasama ko sa laro. Kami ang unang dumating sa basketball court. Hindi naman nagtagal at dumating narin ang team nila Huget.
Malayo palang ay nakita ko na si Kevin na nakangiting nakikipagusap sa kasama habang naglalakad palapit sa amin. Lumapit agad sa akin si Cris.
Mukang nabigla si Kevin ng mapansin niya ako. Ako na ang unang lumapit sa kanya dahil alam kong iiwas na naman siya.
Tinapik ko siya sa balikat.
“Musta?” tanong ko.
“Okey lang.”
“Ah.”
“Bakit nandito ka?”
“Hindi mo ba ako muna tatanungin ng kumusta, ha?” sagot ko.
“Halata rin namang okey ka.”
Napangiti ako sa sagot niya. Gusto ko matawa pero pinipigil ko.
“Labas tayo... tayo nila Mariel. Namiss ka na daw niya.”
“Busy ako. Ikumusta mo nalang ako sa kanya.”
“Hindi mo man lang sinabi sakin.”
“Na alin?”
“Girlfriend mo.”
“Ipapakilala ko sayo one time.”
“Mamaya?”
“Panong mamaya?”
“Date tayo. Double date. Isama mo girlfriend mo, isasama ko si Mariel.”
“May pupuntahan kami.”
“Tatanggihan mo ba si Mariel?”
“Next time nalang.”
“Tatanggihan mo ba ako?”
“Osiya sige. Sige na.”
“Good. Ngayon ipakita mo sakin gilas mo sa court. Hindi ako magiging mabait sayo, Huget”
“Hindi bagay sayo Mark.”
“Sabi mo lang yun.”
Basketball kalye ang dala-dalang ng mga kasama ko habang ang grupo nila Huget ay larong mayaman ang takbo.
Kami ni Kevin ang nagbantayan mula simula hanggang huli. Ginamit ko ang lahat ng basketball skills ko na natutunan ko ng labing-apat na taon pati pandaraya na isinama ko matalo ko lang siya sa laban.
Kinasabwat ko si Cris para madiskaril ang laro ng kuya niya. Ginawa ko lahat ng mga bagay na ayaw ni Kevin na makita sa court. Sinagad ko ang pacenxa niya at sinubukang itaas ang tensyon ng laro.
Madali kasi uminit ang ulo niya sa mga maduduming maglaro. Ininis ko talaga siya buong laban.
“Masaya kana?” tanong niya.
Nginitian ko siya.
“Na?” sagot ko.
“Puro tama ako sayo. Siko. Ulo. Paa. Tuhod. Lahat ata ginamit mo sa laro. Masaya kana na saktan ako?”
“Ikaw naman. Nilalambing lang naman kita. Namiss kasi kita.”
“Hanep Mark. Hanep ka!”
“Para naman hindi moko kalimutan... para naman mahirapan ka na kalimutan ako. Ikaw nga itong madaling makalimot. Ayan sigurado akong mahihirapan kana na kalimutana ako.”
Ang daming salitang 'limot' dun ah. Nangingiti lang ako sa kanya habang siya seryoso lang na nakatingin sakin.
“Sige na. Mauna na kami. Wag mo kalimutan, yung usapan. Mamaya, six, sharp.” dagdag ko sabay sibat. Hindi ko na hinintay ang sagot niya baka kasi tumanggi pa.