sex story,kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
“Philip..”, yan ang huling nasambit ko bago ako tuluyan nilamon ng kadiliman. Hanggang sa aking huling pagkamalay ay ramdam ko ang sakit ng mga nangyari.
Namulat ako sa sahig ng kwarto ko, pagkadilat ko ay ramdam ko ang sakit ng ulo at pamamanhid ang buong katawan. Ramdam ko din ang panghihina at dehydration dala ng sobrang iyak. Kahit pa kakagising lang ay nararamdaman ko pa rin ang sakit ng nangyari. Agad akong tumayo sa kinahihigaan at pumunta ng cr. Nang mapatingin nmn ako sa salamin at nakita ang sariling reflection ay unti unti ko nnmng nararamdaman na namumuo ang mga luha sa mata ko. Naawa ako sa sarili ko. Nang makita ko uli ang mga pasa ko sa mukha, unti unti bumalik ang mga alaala ng nangyari. Uli, I cried my heart out. Hindi ko alam na ganto pala kasakit ang magiging resulta ng ginawa nya sa akin…….
Back to school na. Final quarterly exams week na. Pagkatapos noon ay summer break na. Lahat ay excited, pero ako? Wala. Mas nararamdaman ko pa din ang sakit ng mga nangyari. Sinubukan ko maging normal ang lahat. Lahat ng pain na nararamdaman ko, dinivert ko lahat sa pag aaral ko. Mas nagpursige ako sa pagrereview para sa final exams. Umiwas muna ko sa kahit anong distractions kasi yun ang pinaka huling kailangan ko ngayon.
Hindi naman nakatakas ito sa mata ng aking mga kaibigan. Gusto nilang malaman kung anong saloobin ko. Pero I chose to keep it muna to myself. Lagi kong sinasabi, this is not the right time. After ng school days, ay pwde ko nang iopen up sakanila, pero as of now, sana pagbigyan muna nila ko. Though alam ko, sina Art at Jenny, may ideya na sila sa kinikilos ko. At inintindi at nirespeto na lamang ang desisyon ko.
Tuwing break, ay si Art na lang ang pinapakiusapan ko na bumili ng pagkain sa cafeteria, sinasabayan nya na lang ako kumain sa room. Alam nya cguro na ayaw ko muna lumabas dahil ayaw ko mag krus ang landas namin ni Philip. Twing break naman ay pilit akong pinasisigla ni Art. Trying hard na talaga sya para man lang mapatawa ako. Kitang kita ko ang effort nya, kahit pa alam ko na mahirap din yun para saknya dahil kahit sya mismo, may mga issues pa na di nareresolve, tulad na lang ng pagkamatay ng kaniyang ama recently at ang pagsisi sa sarili sa mga nangyari. Tuwing uwian naman ay maaga ako umaalis ng school kasama si Art. Agad kaming dumidirecho sa pinagtatambayan naming café shop na malapit sa school. Dun na lamang sumusunod ang tropa para dun ko sila makabonding.
Natapos na ang final exams. Last day na. Masaya kaming nag ayos ng gamit na naiwan sa mga locker naming para iuwi. Lahat ay excited dahil bakasyon na sa wakas. Dalawang bwan din ang magiging pahinga namin sa skwelahan. Kaya dun pa lang ay masaya na ang lahat.
As usual, pagkatapos na pagkatapos ng klase ay direcho ang lahat para pumunta sa bahay at magcelebrate ng last day of school. Simpleng inuman lang naman. Alam nyo ang nakakatawa? Lagi na lang may inuman sa bahay, pero I barely drink. Bihirang bihira ako iinom talaga. May mga okasyon pa nga na nagiinuman sila, e di ako nakiki inom. Ayoko naman kasi maging hobby ang pag inom. Pero since last day of school naman, at ang dami kong dinadalang problema, naginum ako that particular day.
Nasa gitna kami ng inuman, pansamantala kong nakalimutan ang problema. Lahat kami ay nagkakatuwaan. Isa, dalawa, tatlo, lima, sampu, ang dami, di ko na nabilang. Ang dami ko ng nainom. Nararamdaman ko na ang konting pagkahilo. Pero di pa ko lasing. Ewan ko, pero di pa ko tinatamaan ng pagkalasing. Sige, inom pa. Inom. Lagok. Ayan, nararamdaman ko na. Sumasapi na.. pero hindi ang ispirito ng alak.. Ang tama na nagdadala sakin ng matinding kalungkutan. Nararamdaman ko ngayon ng mas matindi ang sakit. Shit, di ako pwede umiyak sa harap nila. Kaya pinasya ko muna magtungo sa aking kwarto. Lingid sa aking kaalaman, sinundan pala ako ni Jenny.
“Bes, baka gsto mo na magshare”
“You know what happened, Jenny..”
“Oo, alam ko. Pero what I don’t know is what you feel.”
“Alam mo Jenny, honestly, di ko na rin alam ang nararamdaman ko ngayon. O ang dapat maramdaman. Masyadong magulo. Sa umpisa ng pagkakaibigan namin, hindi ko alam na magiging ganto ang aming sitwasyon. Never in my dreams ko inakala ang lahat ng ito. Oo, aaminin ko sayo, may mga napansin akong mga kilos at emosyon na namamagitan samin, pero pilit kong di pinansin. Magulo din kasi yun para sakin. Tapos, nung gabing kinausap at pinrangka mo ko, unti unti ng nagiging malinaw sakin lahat. Higit pa sa pagkakaibigan ang mga nangyari.”
“Finally! Di ko naman kasi alam sayo bat parang ikaw nalang ang hindi nakakapansin ee. Marami na samin ang nakakapansin sa ibang attention na binibigay sayo ni Philip. Pero is it worth para maglasing ka ng ganyan?”
“I dunno Jenny.. Alam mo ba yung pakiramdam na you wanted to fix and patch things up, yet mas nagulo pa ang lahat? Hindi ko na alam san ako lulugar. I tried to be the friend that they wanted me to be.”
“Hhmmm. I feel you Jerry. Well, kung feeling mo, you’ve done enough.. I mean the changes and everything.. Bat di mo subukan na maging ikaw naman. I mean ipakita mo nlng kung sino ka. The real you. Hindi na yung kailangan mo maging iba para sakanila.”
“Siguro nga Jenny. Dahil sa nangyari, I don’t even know myself anymore.. Nakakapagod..”
“I know.. Sana maging okay na ang lahat.”
“Okay lang ako Jenny. I need just need time to heal myself. Yun lang”
“Ocge, pero wag mo kakalimutan na andito kami para sayo.”
“I know Jenny. Im thankful to have met you.. Youre a wonderful person.”
Nang bakasyon na yun ay wala akong inatupag kundi gumimik. Minsan kasama ang tropa, minsan si Art lang, pero madalas ako lang mag isa. Umiiwas ako sa lahat. Ayoko na maging sobrang close pa kahit kanino. Kahit pa kay Art. Ayoko na ulit makaramdam ng ganito. Kaya dapat wala ng mga special attachments to friends. Let them all be just plain friends.
Napadalas ang pag inom ko. Natuto ako manigarilyo dahil sa mga kung sino sinong nakahalubilo ko. Halos gabi gabi umuuwi akong lasing. O kaya naman ay nagkukulong ako sa kwarto. Oo, nagpapakita pa rin ako sa mga kaibigan ko, pero hindi na tulad ng dati. Nakakatanggap man ako ng txt mula sa kanila ay dinededma ko lang ito. Gusto ko mapag isa.
Sa lahat ng kagaguhan na nangyayari sakin, hindi ako iniwan ni Art. Kahit pa sinasadya kong maging cold sakanya minsan, hindi sya umalis sa tabi ko. Kahit pa alam nyang nagsisinungaling ako saknya sa twing nagpapasama sya sakin lumabas. Ang dami kong rason na binibigay. Pero di nya ko iniwan.
Si Art..
Prom night na. Excited talaga ako. Pero masama ang katawan ko. Malamig ang aking mga pawis. Pero baka dahil lamang sa excited ako. Naligo na rin ako at agad nag ayos para sa prom night. Kailangan maging gwapo ang ichura ko ng mapansin ako.. Sana nga.. mapansin nya ko……
Pagdating ko sa hotel ay wala pa ang pinakahihintay ko. Nakita ko lamang sila Ben, Leah at Jenny na magkakasama. Agad ko silang nilapitan. Kapansin pansin na mas lalong gumanda sila Jenny at Leah. Pero ang tagal naman ng hinihintay ko talaga. Naiinip ako. Di ko tuloy maiwasan ang paglingon lingon. Hinahanap ko yung isang tao na rason bat ako nagpagwapo ng todo. Nagulat na lang ako ng biglang nagsalita si Jenny.
“Darating din yun. Eto naman. Di mapakali”, may pagka sarkastiko nyang sinabi.
“Sino? Wala naman akong hinihintay.”
“Susme, another one in denial. O sya, wala na kung wala. Oo nlng ha. Art, alam ko na noh.”, bigla kong hinila si Jenny.
“Anong alam mo na?!”
“Sus Art! Magkakilala tayo bata pa lang tayo noh! Sa akin ka pa ba makakaligtas? Kilala kita. Alam kong hinihintay mo si Jerry.”
Nabigla ako. Bakit alam ni Jenny?! Shit!
“Don’t worry Art. You can trust me, remember?! Pero hinay hinay lang. Youre too obvious! Hahaha.”
Medyo napahiya ako sa sinabi ni Jenny. Buti na lang at walang nakarinig samin. Buti kaming dalawa lang.
“Wag ka maingay kahit kanino Jenny ha..”
“Ofcourse! Ano ko, shungaelya?! Wag ka lang masyado obvious noh!”
“Ha.. Ah, eh.. Ganun ba ko ka obvious?”
Nagulat na lang ako ng may narinig akong boses sa aking likuran.
“Oo kaya. Relax ka lang. Sige ka, mabubuko ka.”, shit! Boses yun ni Ben ah!
“Alam na namin Art. We have been talking about you guys. Hello! Ang tagal na nating magkakakilala noh. Alam na natin ang pasikut sikot ng bituka ng bawat isa.”, sabi ni Jenny.
“Pre, kaibigan tayo diba? Sana man lang sinabi mo sa amin ng natulungan ka namin. Tanggap naman namin e.”, nakangiting sabi ni Ben.
“Okay, I have 1 good news and 1 bad news for you. First, good news!! Alam na namin ang sikreto mo at wala ka na dapat ikabahala! Yehey!! BUT!! The bad news is… You have competition.”, sabi ni Jenny.
By competition, I know Jenny meant Philip. Simula pa lang ay alam kong magiging kumpetisyon ko na sya. Naamoy ko na noon pa na iba ang pagtingin nya kay Jerry. Kaya nga ba malayo ang loob ko sakanya umpisa pa lang eh. Pero I wont lose to someone like him. NEVER!
Nasa ganun akong pagiisip ng biglang dumating na ang pinakahihintay ko. Si Jerry! Taena! Mas gwapo sya ngaun ah! Kahit kalian talaga ay napakagaling pumorma at magdala ng sarili ni Jerry. Kaya naman ang dami ding nagkakagusto sakanya. Pero pinilit ko maging kalmado. Ayaw ko ipahalata sakanya ang aking nararamdaman.
Una nyang binati sila Jenny. Pero totoo naman talaga, ang ganda nga talaga nila Jenny ngaun. Nagulat nalang ako ng biglang tumingin sakin si Jerry at nakangiti.
“Wow Art. Poging pogi ka ha. Nice.”, sabay bitiw ng isang matamis na ngiti.
LABDAB! LABDAB! Ang bilis ng pintig ng puso ko. Ang saya. Di lang masaya, sobrang saya! SHIT! SUCCESS! NAPANSIN AKO! Syempre masaya ako! Napansin nya ako! Yun naman talaga ang plano ko simula’t sapul. Gumanti lamang ako ng ngiti at sinabing, “You look good too pare.”
Sabay sabay kaming pumasok sa loob para magparegister na. Pagtapos ay tinungo na naming ang hall kung saan gaganapin an gamin J.S prom. Pagpasok naming ay namangha kami dahil lahat ay talagang naghanda para sa okasyong ito. Kahit pa ang mga parang baduy manumit sa school ay biglang nagtransform at naging pagkaganda ganda.
Magsisimula na ang program at medyo sumama lalo ang pakiramdam ko. Mabigat ang mga mata ko at malamig ang mga pawis ko. “Baka sa aircon lang to.”, sabi ko sa aking sarili. Nagpaalam sakin si Jerry na mag ccr daw muna sya. Sasamahan ko sana ngunit nakita kong sumenyas sakin si Jenny. Wag nga pala dapat obvious kaya hinayaan ko na lang sya umalis mag isa. At isa pa ay medyo nahihilo rin ako.
Ilang minute bago mag umpisa ang program ay bumalik na si Jerry. Ngunit parang nag iba ang aura nito. Hindi ko alam kung ano, pero kapansin pansin na parang mainit ang ulo nito at parang may naka away. Paglingon ko sa pinto, ay nakita ko si Philip na kakapasok lang din ng hall.” Di kaya nagkasalubong sila on the way sa cr? Or baka sa loob ng cr?”, yun ang aking naging suspecha.
Nagsimula na ang programa at nagsalita na an gaming principal. Sinabi na kami daw ay kakain muna bago magkaron ng sayawan at kung ano ano pang seremonyas. Biglang naglabas ng camera si Jenny at sabing picture picture daw muna bago kumain total mahaba pa ang pila. Napansin ko din na tinawag nya si Philip. Kahit alam kong labag sa loob ni Philip yun, wala naman itong nagawa dahil si Jenny ang nagyaya sa kanya. Tumabi talaga ako kay Jerry at napansin kong napatingin si Philip sa aming direksyon. Pagtapos ay nagkainan na nga lahat. Hindi ako masyado makakain ng maayos dahil nga medyo masama ang aking pakiramdam. Medyo nabuhayan lang ako ng magpatugtog ng disco ang dj. Lahat kami ay nagiindakan. Hala! Cge! Sayaw! Ganto pala kasaya ang prom! Pero natigil ang indakan ng biglang nagpatugtog ng love songs. Agad kong hinanap si Jerry. Nakita ko sya na bumalik sa kinauupuan namin. Wala nga rin pala syang partner. At ako ay wala din. Kaya nagdecide ako na bumalik na lang sa aming kinauupuan.
Nang makabalik ako ay agad akong umupo sa tabi nya. Medyo naiilang ako. Lalo na pagtitig sya at ngingiti. Hindi ko alam, pero sa mga ngiting yun, alam kong lalong nahuhulog ang loob ko sakanya. Hindi ko man ito masabi ng direchahan, pero lage ako gumaganti ng ngiti sakanya. Sya naman kasi ang rason ng bawat pag ngiti ko.
“Ok ka lang? Mukhang matamlay ka ha.”, tanong sakin ni Jerry.
“Ah, hindi, medyo napagod lang ako sa pagsasayaw. Ang likot kasi ng lahat!”
“Enjoy tong prom na to. Lalo na at andyan ka.”, nakangiting sabi nya sakin.
Halos mamatay na ko sa kilig sa narinig ko sakanya. Pero im still trying to keep my cool. Hindi ko pwede ipahalata na kinikilig ako. Di pa panahon para malaman ni Jerry.
“Ang sarap nila tingnan noh?”, sambit ko kay Jerry.
“Oo nga ee.. nakakainggit”,
“Bat hindi ka kasi pumili? Ang dami naman pwede.”
“Magsalita ka naman. E ikaw nga wala din.”, yan ang tangin naitugon ako. (Pero sa totoo lang, ang gusto ko sana sabihin sayo Jerry, Ikaw tlga ang gusto ko isayaw. Pero im scared on how you will react. L)
“Meron ha.. Hindi ko lang nasabi.”, pahabol kong binulong. Hindi ko alam kung narinig nya. Pero masama ba mangarap? Ayan kami at magkatabi. Hindi man kami magkasayaw dalawa ay heto kami at magkasama. Sa bawat kumpas ng tugtog ay sumasayaw naman ang damdamin ko para kay Jerry. I hope one day masabi ko to sayo Jerry.. I hope…..
Nasa state of kilig factory ako ng biglang umeksena si Jenny.
“Peram naman si Jerry”, sarkastikong ngiti at sabi nito.
“Sure.”, sabi ko nalang.
Badtrip naman to si Jenny oh! Ang ganda tumayming! Kilig na ee! Pero sino nga ba ko para solohin si Jerry? Hinayaan ko na lang sya at sinundan sila ng tingin.
Sa pagsasayaw nilang dalawa sa mga love songs ay napansin kong sa iba nakatingin si Jerry. “Kanino ba sya nakatingin?”, tanong ko sa aking sarili. Nang makita ko kung sino ba ang tinitingnan nya ay halos madurog ako sa aking kinauupuan. Di ko alam pero para kong biglang tinarak sa dibdib. Nakakaramdam ako ng selos. “Shit, si Philip” hindi ko maiwasan na hindi magselos. Bat sya nakatingin kay Philip. Ang buong akala ko ay napansin nya na ko ng tuluyan. Pero di nya si Philip pa rin ang nakikita nya. Pilit kong nakipag kompitensya sa mga gngawa sakanya ni Philip, pero di nya pa rin makita ito. Lalong sumama ang pakiramdam ko. Nawalan na ko ng gana buong gabi.
Pagtapos ng prom ay di natuloy ang plano na magmamalate kami ng tropa, dahil ang iba sakanila ay wala daw budget. Dun nalang daw sa bahay nila Jerry. Pabor naman ako ditto dahil mas makakapagpahinga ako doon. Nilalagnat na kasi yata ako. Medyo mainit na ako. Gusto ko na sana umuwi, pero gusto ko pang makasama si Jerry.
Pagdating kaila Jerry ay agad nag inuman. Sinubukan ko uminom dahil baka mawala ang aking lagnat. Nakaupo ako sa sofa ng makita kong tinawag ni Jenny si Jerry at niyaya sa labas. Medyo kinabahan ako dahil baka ibuko ako ni Jenny, pero di naman cguro. Kilala ko si Jenny.
Pagbalik nila sa loob ay biglang nagulat ako ng lumapit sakin si Jerry. Shit! Baka nga sinabi ni Jenny ang nararamdaman ko. Lagot!!!
Nagulat nalang ako ng biglang hinawakan ni Jerry ang noo ko. Damn! Nabuko nyang nilalagnat ako! Sunod ko nang naalala ay bigla nya akong tinayo at sinabit nya ang aking braso sa balikat nya habang ang isang kamay nya ay nakahawak sa aking bewang. Mas tumindi ata ang lagnat ko dahil sa init na nararamdan sa pagkakahawak nya sa akin. Naramdaman ko nalang na tinatahak namin ang hagdan papunta sa kwarto nya. Nang mahiga nya ako sa kaniyang kamay ay may sumunod na may dala ng bimpo at plangganang may tubig. Sinimulan akong punasan ni Jerry. Nakita ko rin si Jenny na may dalang tubig at gamut na agad nyang pinainom sakin.
Sobrang touched talaga ako sa ginagawa sakin ni Jerry. Ang pag aalala nya, ang pagbuhat nya sakin, at ang pagaalaga nya sakin ngayong may sakit ako. Lalo tuloy nahuhulog ang loob ko sakanya. Pinaalis ko na ito at sinabing bumalik na sya sa mga nagiinuman at okay na ko dahil nakahiga na naman ako.
“Hindi pwede Art. Nangako ako kay Tito Lance at tska sa sarili ko na di kita papabayaan.”, nakangiti nyang sinabi sakin.
Kinilig ako ng sinabi sakin ni Jerry na di nya ko papabayaan dahil sa pinanganko nya daw ito sa aking ama at sa kaniyang sarili. Naramdaman ko ang tunay na pagmamalasakit galing sakanya. Hindi ko rin makalimutan ang mga tingin nyang yun, ang mga ngiting yun. Shit, Jerry, lalo ako nahuhulog sayo…..
Napagdesisyunan ko na rin magpahinga at matulog na. Alam ko rin kasi na di aalis si Jerry sa tabi ko hanggat gising ako. Ayoko naman ispoil ang gabi nya sa pagaalaga sakin. Hanggang sa nakatuluyan na kong nakatulog.
Kinaumagahan ay nagising ako na katabi si Jerry. Medyo bumuti na rin ang pakiramdam ko kahit papano. May lagnat pa rin, pero kaya ko ng tumayo. Nang bumangon ako ay napansin ko ang ilang pasa at gasgas sa katawan ni Jerry. Laking pagtataka ko dahil sa nakita ko. Gustuhin ko man sya gisingin at tanungin ay halatang pagod ito. Kaya minabuti na lang na wag muna sya tanungin.
Tumayo ako at naghilamos. Pagkatapos ay lumabas ng kwarto. Gusto ko malaman kung sino ang naiwan sa bahay nila Jerry. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko na sina Jenny, Ben at Leah na lang ang tao. Nakauwi na ang iba. Naabutan ko sila sa sala at nagaayos pauwi. Agad kong pinuntahan si Jenny para itanong kung may nalalaman sya. At doon, isiniwalat nya na sakin ang lahat ng nangyari. Sobrang naschock ako at naguilty dahil sa akin pala nagsimula ang lahat ng gulo. Alam kong iisipin yun ni Jenny kaya pinangunahan nya na ko. Naramdaman ko ang luha na umaagos sa aking mga mata..
“Don’t blame yourself sa nangyari, Its not ur fault and I Know Jerry doesn’t blame you too. Ngayon na ang chance mo para ma win si Jerry. Ikaw na ang bahala sakanya.”, sabay punas sa aking mga luha.
“Jenny, how can I not blame myself? Nakita ko na ang daming pasa, gasgas, at sugat kay Jerry.”
“Art, kung ano man ang nangyari, hindi mo kasalanan yun. Wag mo isipin yun.”
At doon, nagpaalam na nga sila para umuwi. Tahimik akong nahiga at nagiiyak sa sofa. Binuksan ko rin ang tv para di marinig ni Jerry na umiiyak ako incase na bumaba ako. Ngunit hinaan ko lang ang tv para marinig ko kung bumaba na si Jerry.
Nang mahimasmasan ay napansin kong tanghali na pala at malamang, pag gising ni Jerry ay gutom na ito. Sinubukan kong tumayo at pumunta sa kusina para maghanap ng maluluto ng naalala ko, di nga pla ako marunong magluto. Badtrip! Kaya napagpasyahan ko nalang magpadeliver ng fastfood. Pagtapos tumawag ay bumalik na ko sa kinahihigaan at nanood ng tv. Sakto, narinig kong bumababa na si Jerry.
Nang makababa sya ay umusog ako para makaupo sya. Pero nung umupo sya, ay agad akong humiga sa kandungan nya. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko sya icomfort dahil sa mga nangyari. Tatayo sana ito para magluto ngunit nagpabigat ako at sinabing nagpadeliver na lang.
Bago pa man din kami kumain ay nginitian ako ni Jerry. Ngunit di ako makangiti. Naguguilty kasi ako. Kaya nalungkot nanaman ako. Doon, sinabi ko na sakanya na alam ko na ang lahat ng nangyari. Nilabas ko ang saloobin ko sa nangyari at sinabing naguiguilty ako. Pero tulad ng sabi ni Jenny, ay di ako sinisisi nito. Dun ko na rin balak isakatuparan ang sinabi ni Jenny. I will try to win him over.
Hinipo ko ang mga pasa, gasgas at sugat ni Jerry. Partly, alam ko na ako ang dahilan ng mga yun. If Philip didn’t see us sa ganung kalagayan, none of these would’ve happened. Awang awa ako sa ichura ni Jerry. Hindi kaya tanggapin ng kalooban ko ang nakita. Unti unti, naramdaman ko ang galit. Ang galit para kay Philip.
Pagtapos naming kumain ay tahimik lang si Jerry. Hanggang sa hinatid nya ko at nakasakay kami sa taxi at nakababa ako sa tapat namin ay tahimik lang sya. Gusto ko man syang kausapin ay di ko din alam ang sasabihin. Alam ko din na hindi ito ang panahon. Masakit sa aking kalooban, pero kailangan ko respetuhin ang decision nya. Kung gusto nya muna tumahimik, rerespetuhin ko yun.
Nang makarating sa tapat ng bahay namin ay hindi ko na sya pinababa ng taxi at pinauwi ko na sya para makapagpahinga. Hindi pa panahon para magusap kami kaya hinayaan ko muna sya. Bago pa man din bumaba ay hinalikan ko si Jerry sa kanyang pisngi.
“Jerry, Im so sorry for everything. Huwag ka magalala, hindi ako mawawala sayo. Hindi din kita pababayaan.”
Tumungo lang at nginitian ako ng bahagya ni Jerry. For now, okay na muna ako dun.. Ito rin lang naman ang magagawa ko sa ngayon….
Bago tuluyan pumasok ng bahay ay tinanaw ko ang taxi na sinasakyan ni Jerry papalayo sa aming bahay at sinigaw ko sa utak ang mga salitang..
“Jerry.. wag kang magalala. Huling pagkakataon na ito na sasaktan ka nya.. Hindi na ko makakapayag na masaktan ka pa nya uli…. Hayaan mong ako ang magalaga sayo. Hihigitan ko sya.. Pangako…………”
Pagpasok na pagpasok ko ay binitbit ko ang prinsipyong kahit anong mangyari ay ipaglalaban ko na ang nararamdaman ko para kay Jerry. Mas lalaksan ko na ang loob ko. Hindi na ko papaya na masaktan pa sya muli. Hindi na rin ako papatalo ngayon pang nakumpirma kong kakumpetensya ko nga si Philip sa puso ni Jerry.
Nang makatuloy na ko sa bahay ay naabutan ko si Kuya George na gamit ang laptop nya sa may sofa. Nginitian ko lamang ito.
“Bro, kamusta prom kagabi?”
“Ok naman kuya. Di ko lang masyado naenjoy kasi nilagnat ako pagtapos. Buti nalang at sa bahay na lang nila Jerry ginanap ung after party. Wala din kasing budget yung iba pang malate. Pagdating dun, nakatulog na rin ako.”
“Ah.. Kaya pala wala ka..”
Nagulat ako sa sinabi ni Kuya, ano ang ibig sabihin nya?
“Wala saan?”
“Ah, wala.. Diba may lagnat ka kamo? Magpahinga ka na dun. Papaakyat ako kay yaya ng gamut para sayo.”
Nagtataka pa rin ako sa sinagot ni kuya, pero dali dali akong umakyat sa kwarto ko dahil medyo nahihilo pa rin ako.
Balik iskwela na, final exams. Pagtapos nito ay bakasyon na. Kaya naman nagisip ako ng maaring puntahan para mabawasan ang stress na nararamdaman ni Jerry. Ngunit pagpasok pa lang ay naramdaman ko ang pagbabago sa ugali ni Jerry. Naging mailap to sa lahat, hindi tulad dati na akala mo kakandidato tuwing break dahil sa dami ng kaibigan. Di na rin sya bumababa sa cafeteria para kumain. Sa halip ay pinakikiusapan na lang ako para ibili sya ng pagkain. Pabor naman din sakin dahil masosolo ko sya kahit man lang sa pagkain. Napagkasunduan na rin nmin nila Jenny na wag muna tanungin si Jerry sa mga nagyari dahil sa hiling na rin nito. Pagtapos na lang daw ng exams. Ayaw daw nya daw muna magi sip ng kng ano ano at gusto nya muna na mag concentrate sa exams. Kaya inintindi na lamang sya dito.
Natapos na ang final exams at nagpasya ang lahat ng tropa na magtungo uli sa bahay nila Jerry para mag party. Sumama kaming lahat. Ako, sumama ako para di talaga magi nom, kung di para makasama at mabantayan si Jerry. Alam kong kailangan niya ng labis na pagiintindi sa ngayon. At yun din ang balak kong ibigay sakanya.
Inuman na. Lahat ay nagsasaya dahil sa wakas, pahinga muna kami sa skwela. Wala munang mga project o exams. Masaya din ako dahil nakikita ko si Jerry na nakikihalubilo sa mga kaibigan namin. Pakiramdam ko ay bumabalik na muli ito sa dati. Ngunit parang mali ata ako. Dahil naging sunod sunod ang paginom nya. Medyo naninibago ako dahil kadalasan ay chill lang ito sa inuman. Ngayon ay parang uhaw na uhaw sya sa alak. Minsan pa’y nang aagaw ng tagay ng iba. Shit! Sinasadya nya pala. Nang di na ko mapakali ay pinuntahan ko agad si Jenny.
“Jenny.. si Jer..”
“I know, kanina ko pa yan napapansin. At napipikon na rin ako. Pero di ko sya pwede sabayan ng init ng ulo. Kailangan nya ngayon ng labis na pagiintindi. Di ko ba naman kasi malaman sa inu, ang dami dami dami nung eksena sa buhay. Nakakaloka! Well, ako ng bahala sakanya for now.”
Bumalik na lamang ako sa pag iinom. Nang medyo napaparami na ang inom, napansin ko na umakyat si Jerry patungo sa kaniyang kwarto. Nakita ko rin na sumunod si Jenny. Medyo gumaan ang loob ko. Alam kong maguusap sila, alam ko rin naman makikinig si Jerry sa kung ano mang sasabihin ni Jenny.
Natapos ang inuman at nagsiuwian na kaming lahat. Gusto ko sanang kausapin muna si Jerry bago ako umuwi, pero pinigilan ako ni Jenny.. Mas makakabuti daw munang iwan muna naming sya magisa. Kami na lang daw muna ang mag uusap at ikkwento nya lang daw sakin sa daan ang pinag usapan nila. Nalungkot naman ako, dahil akala ko ay pagkatapos nila mag usap ni Jenny ay magbabalik na uli ang dating sya. Ngunit mukhang mahihirapan kami.
Nakalipas ang mga araw pa, ngunit walang pagbabago kay Jerry. Mas naging malala pa ata ito sa ngayon. Hindi na naming sya makausap ng maayos. Bihira na rin sya pumunta sa bahay. Kung pupunta man sya ay magpapasama sya para gumimik at magi nom. Labag man sa loob ko ang kaniyang ginagawa ay hinayaan ko na lang muna sya. Pinagbigyan ko ang lahat ng gusto nya. Minsan pa ay pag nagpapasama ako sa kanya pag gusto ko lumabas o kaya sa summer training ko ay nagbibigay sya ng kung ano anong rason, minsan pay nagsisinungaling sya. Alam kong alam nyang nagsisinungaling sya, pero pilit ko iniintindi.. Kahit ang totoo.. Ang sakit. Ang sakit sakit na.. :(