Powered by Blogger.

Search This Blog

Blog Archive

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

Minahal ni Bestfriend Book 1 Chapter 17

sex story,kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,


by Minahal ni Bestfriend

 “A…Art…………..?!”, sigaw ng utak ko sa aking sarili.


            Shit! Nananaginip ba ako?!

            Napalabas uli ako ng room. I was still in state of shock. Hindi ako maaring magkamli si Art nga yun. Kinakabahan ako. I don’t know how to react. All of a sudden nawala lahat ang inspirasyon ko para magbagong buhay at ayusin ang sarili. Bumalik lahat ng sakit nanaman. Ano ba to. Paulit ulit nlng ba ako masasaktan? Oo, cge, aaminin ko, andun ang pananabik ko dahil all this time, umaasa ako na sana bumalik si Art. Pero bat ngayon pa? Ngayon pa naunti unti na ko nagiging okay. Bat ba ganto maglaro ang tadhana?

            Pumasok uli ako ng classroom at tingnan ko muli ang lalakeng nakaupo sa tabi ni Jenny. Shit! Si Art nga. Pansin ko na mas maayos ang ichura nya ngayon, mas gumwapo sa paningin ko. Naghahalo ang sakit at pananabik saknya ang nararamdaman ko.

            “Uy, ur back”, tanging nsabi ko sknya.

            Pero di tulad ng inaasahan, tiningnan lang ako ni Art. Wala akong nakitang expresyon sa mukha ng pananabik na nakita nya ko ulit. Pagkaupo ko ay naramdaman ko ang pamumuo ng luha ko. “Hindi ako iiyak”, yan ang paulit ulit kong sinisigaw sa utak ko. At nagtagumpay naman ako. Siguro nga mas strong na ko ngayon dahil kaya ko ng pigilan ang aking emosyon. Pero di ibig sabihin na nagpipigil ako ay di na ko nakakaramdam.

            “Good Morning….?”, bungad sakin ni Jenny ng bumalik sya kinauupuan sa tabi ko. Nakatingin lang ito sakin at naghihintay ng sagot ko.

            “Uy, Jenny!! Good Morning!!”, sinabi ko ng masigla. Pero alam nyang pilit yun.

            Tumango lang si Jenny, nirespeto nya ang gnawa kong yun, alam man nyang pilit yung pagkasigla ko ngunit inintindi nya para sa akin. Alam nya ang totoo kong nararamdaman.

            Nagkakalase kami pero wala halos pumapasok sa isip ko. The harder I try to focus,  mas nwawala ako. Nasa isip ko lang nun is si Art. Nasasabik ako at kinakabahan, nasasaktan, halo halo di ko alam. I was unusually quiet.

            Naramdaman kong biglang hinawakan ni Jenny ang kamay ko. Napatingin ako saknya. Ngunit nung humarap ako saknya. Umiling lang ito. Alam nya siguro kng anong ngyyri. It was just her way of telling me na. “Not now. Focus!”

            Tumango lang ako at nagbigay ng isang pilit na ngiti.

            Pinilit kong hindi muna isipin si Art and I tried to stay normal. Hindi ko alam kung pano gagawin, pero sinubukan ko. Hanggang sa nag lunch break na kami.

            Pagkababa ng canteen ay bumili agad kami ng makakain. Kasama namin si Art sa lamesa. Nagsimula akong kumain. Habang sila Jenny, Ben, at Leah ay kausap si Art. Wala akong imik dahil hindi ko alam pano magreact.

            “Ang tagal mo nawala par ha. Kamusta bakasyon?”, sabi ni Ben kay Art.

            “Okay naman. Nagenjoy nga ako e. Ang dami kong pinuntahan. Ang dami kong nakilala.”, tugon ni Art.

            Tahimik lang ako nakikinig. Pero ang totoo sabik na sabik na kong kausapin sya. Pero di ko yun nakikita kay Art. Ni hindi ko maramdaman ang pagkasabik sakanya na makita ako o kausapin man lan ako. Kaya kahit nanabik ako sakanya, tahimik akong nakinig.

            “You look good lalo Art ha!!”, sabi ni Leah.


            “Thanks Leah, bolera ka pa rin. Hahaha!”

            “Uy, hindi ah! Iba tlga ang dating mo ngayon!”

            “Hahaha! Cge na nga! Salamat! Syempre, inspired ako e! May pinopormahan na kasi ako!!”, tugon ni Art.

            Pinopormahan? Nagulat ako sa sinabi ni Art. Di ko alam ang sasabihin o pano nanaman magreact. Halos mabilaukan ako sa kinakain ko. Napansin ko din na napatingin sila Jenny, Ben, at Leah sakin. Nahiya ako. Gusto ko magwalk out. Gusto ko sumigaw at magwala. Bakit? Kasi the last time, sabi nya mahal nya ko, then bgla ko iiwan?! Bigla bigla syang mawawala?! Tapos ano, babalik sya ngayon at malalaman ko na may pinopormahan na syang iba?! Anong gusto nyong maramdaman ko?! Para akong pinagsasampal sa narinig kong yun. Masakit. Pero wala akong magawa. Wala akong karapatan masaktan.

            Kahit pa nasa ganung katayuan ay pinilit ko maging dedma. Naisip ko, wala akong karapatan magalit at magselos. I had the chance para maging akin sya. Pero sinayang ko. All these time, I knew na mahalaga xa sakin at mahal nya ko. Pero sinayang ko lahat. Nagulat na lang ako ng bigla akong tanungin ni Art.

            “Oh, Cruz, ikaw? Kamusta?”, tanong nya sakin ng may blankong mukha. Napansin ko din ang sarcasm sa boses nya. Di ko na makayanan talaga. Ano gusto nya maging reaction ko after kong marinig ko ang sinabi nya?

            Cruz?! WTF?! And now he’s calling me by my last name?! Hindi man lang sa una kong pangalan. And the way he talked to me, ramdam ko ang sarcasm. Masakit na masyado para sakin yun. Pero I have to keep my cool kahit pa halos gusto ko ng magwala.

            “Im good. Di na ko magtatanong kung kamusta ka kasi mukha ka namang okay. Its nice to have you back.”, tanging tugon ko sabay tayo at naglakad palayo. Di ko alam bat naging ganun ang reaksyon ko. Nagseselos ako kahit pa wala akong karapatan. Ang sakit. At kahit pa wala akong karapatan para masaktan, ano pang magagawa ko? Masyado na kong nasasaktan.

            Nagtatakbo ako hanggang sa marating ko ang gym. Maraming mga naglalaro. May nagbabasketball. Nagkkwentuhan sa bench at naglalakad lakad. Umupo ako sa isa sa mga bleachers at dun umupo. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Pero di na kinaya ng dibdib ko. Masyado ng masakit. Namuo nanaman ang luha sa mata ko, sinubukan ko pigilan, pero this time, I failed to control it. Masyado ng mabigat ang dinadala ko. Ng maramdamn kong tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko ay nilapat ko ang mukha ko sa lap ko. Upang hindi mahalata ng iba na umiiyak ako. Mga 10 mins ata ako sa ganung posisyon. Maya maya ay kahit papano ay nailabas ko na kahit papano ang sama ng loob kaya nagpunas na ko ng mga luha at  napagdesisyunan ko na bumalik nlng sa classroom kahit matagal pa ang time. Pero nung tumayo na ako ay may nakita akong panyo sa tabi ko. Sigurado ako na wala yun nung umupo ako. Kaya kinuha ko ung panyo. At sa loob ay may nakita akong isang papel.


            Don’t cry. It hurts me even more.


            Yan lang ang nakalagay sa papel. Medyo familiar ang handwriting pero di ko matandaan. Pero kung kanino ba galing yun, hindi ko alam. It could be anyone. Sa dami ba naman ng tao nung time na yun sa gym.  Kinuha ko ang panyo at nagpahid ng luha. Hindi ko alam pero iba ang naramdaman ko ng ipinahid ko ang luha ko sa mga panyong yun. Comforting. Nilagay ko sa wallet ko ang kapirasong papel at hawak hawak ko lang ang panyo.

            Dumaan ang maghapon at nagfocus lang ako sa lessons for the day. Buong maghapon ko ding hawak ang panyo na di ko alam kung kanino galing. Dun ako kumuha ng lakas para kayanin ang maghapon. Hindi ko na rin muling nilingon at tiningnan si Art. Hindi ko yun ginusto. Pero sa baka pag lumingon pa ko ay di ko nanaman mapigilan ang hindi umiyak.

            Pagtapos ng klase ay dmirecho kami ni Jenny papunta sa training. Dinaan ko sa training ang sama ng loob. Mas nagpapawis ako ng sobra. Alam ko napansin yun ulit ni Jenny. Kaya after ng training namin ay sinamahan nya ko hanggang sa bahay para kausapin.

            Pagpasok ng bahay ay direcho kami sa kwarto. Binaba ko lang ang gamit ko at naupo na sa kama ko.  Umupo naman sa tabi ko si Jenny.

            “Ok, you can stop pretending now.”

            Yun pa lang ang sinabi ni Jenny ay umiyak na ko. Hindi ko na rin kinaya. Alam naman siguro ni Jenny na kanina ko pa gusto umiyak. Hinayaan nya lan ako.

            “Ssshhh.. Kaya mo yan..”

            “Jen, ang sakit. Bat ganun? Ok na ko ee. Nakakalimot na ko paunti unti. I was ready to move on with my life. Then this happened. At ngayon, iba na ang laman ng puso nya.”, nagmamaktol kong sinabi kay Jenny.

            “Jer, I guess he moved on with his life for himself na rin. He has been hurt for too long. Minahal ka nya noon pa, pero di mo nakita yun. Hindi ko sya masisisi kung humanap sya ng iba.”

            “Alam ko.  And alam ko din na I don’t have the right to feel this way. Wala akong karapatan magselos.”

            “Look Jer, I guess its also time for you to move on with your life. Kasi mukhang ikaw na lang ang di nakakamove on. Lahat sila, okay na. Si Philip, mukhang ok na, and now, si Art…. May iba na..”

            Masakit ang mga binitawang salita sakin ni Jenny, yun ata ang pinakamasakit nyang nasabi sakin. Pero tulad ng dati, tama pa rin sya. Napagiwanan na ko at ako nlng ata ang di nakakapagmove on. Hindi, ako na lang talaga.

            Nagpunas ako ng luha. I decided from that moment on, life must go on for me naman. Hindi pwde na ganto nalang ang disposisyon ko sa buhay. Kung sila nga naka move on, bat hindi ko rin gawin. Hindi ko alam kung pano, pero gagawin ko……..



            Kinabukasan pagdating sa school, pumasok ako ng classroom ng buong tapang. Oo, masakit pa rin. Napakasakit sa totoo lang. Pero pinairal ko na ang utak ko. Tama na ang puro emosyon. Kaya nga nasa taas ang utak diba. Para yun ang unang gamitin, bago ang puso. Sinet ko na ang utak ko na magmomove on na ko. Hindi madali dahil sat wing dadaan si Art sa harap ko o makita ko sya e hindi ko mapigilan na di tumigil ang puso ko at masaktan. There was not a day that passed by na hindi ko sya pinagmamasdan. Nasa harap ko na sya ngayon, pero parang ang layo layo nya.

            More days passed by, Im still with my friends. Si Art, may bago ng mga sinasamahan, though minsan sumasaby p rin xa sa amin. Si Philip, wala naman akong balita na. Sinubukan ko na rin kasi i-avoid ang topic. We are three people living different lives na.

            Hindi naging madali para sa akin. Dahil nga sa twing nakikita ko si Art ay gusto ko sya yakapin. Gusto ko lambingin at kulitin nya ko tulad ng dati.. Kaso mukhang ibang Art na ang nasa harap ko. Hindi na ang Art na bumabati sakin sa umaga ng “Good Morning!”, hindi na rin ang nangungulit sakin pagkaupo palang, ang makulit, kalog at isip bata, hindi na ang sweet at sobrang effort sa pagsabay sakin sa paguwi. Ibang iba na ang Art na nasa harap ko.

            Naging napakahirap sakin ang mag adjust sa mga bagong set up sa buhay ko.. Hindi ko inaasahang magiging ganto pala kahirap ang pagmove on. Pero I had to do it. Anjan din naman ang mga kaibigan ko to help me move on. Sila ang tumulong sakin para kayanin ko ang araw araw. At sa twing nanghihina ako at naiiyak, lage ko lang kinukuha ang panyong iniwan sa tabi ko. Hindi ko ba alam, pero mahalaga ang panyong yun sakin.. Isa to sa nagpapatahan sakin sakin sa twing tumutulo ang mga luha ko..





Isang araw habang lunch break naming ay kakwentuhan ko sila Jenny ng biglang may nagtxt.

            “Hey, kamusta?”, pagtingin ko ay number lan.

            “Im ok po. Cno to?”

            “Its me Gab.”

            “Uy coach! Ikaw pala! Musta?”

            “Gab nlng. Wag n coach.”

            “Di kasi sanay. Pero kk. Musta gab?”

            “Im ok din. Naglunch k n?”

            “Yeah, just did. Ikaw?”

            At dun, nagumpisa kaming magusap na talaga ni coach Gab. Almost all the time na kami magkatxt. Kahit pa sa training ay naguusap na rin kami unlike before. Sakanya ko na din binaling lahat ng pagkasabik sa dalawang bestfriend kong nawla. Though halos nakwento ko na saknya lahat ng nangyari, e wala parin akong alam saknya. Pero he really is a good listener. Kasi somehow na cocomfort nya ko. Sya ang naging medium ko para makapag move on agad.


       

           Nagdaan ang mga araw at kahit pa hirap ay unti unti na muli akong nakabangon, pero I’m not saying that I’m over it totally. Hindi madali yun. Pero unti unti ko ng natanggap na ang storya namin nila Art at Philip ay tapos na.. Nakakalungkot dahil hindi rin ito ang inaabangan kong pagtatapos ng aming kwento. Pero mukhang dito na ata matatapos ang kabanata ng buhay naming tatlo.. :(


            After 2 months, magbbday na ko. Kaya niyaya ko ang mga friends ko sa bahay. A week before, naginvite na ko ng mga kaklase, kasamahan sa pep, at mga friends ko na taga ibang school. Jenny helped me with everything. Sa food, inumin at nag organize xa ng maliit na event for my bday. Pero secret daw un kaya wala akong info about it.

            At dumating na nga ang araw ng aking kaarawan. Since hindi ito children’s party. Late na ito nagumpisa. Maagang dumating si Jenny sa bahay to make final touches. Pero nagpaalam din ito na umuwi sa bahay para makaligo at makapagpalit ng damit. Hindi naman bonggang party nun, casual lang.

            Dumating ang mga friends ko from school at around 6pm. Isa isa silang bumati sakin ng happy birthday at ang iba pa ay may dalang regalo. Ng makita kong 7:30 na at wala pa si Jenny ay nagalala ako. Kaya tinawagan ko ito.

            “Hello Jen, san ka na?”

            “Ay, Jer, hmmm.. may dinaanan lang ako. Pero I’m almost there.”

            “Ah, ok. Cge, take care.”

            Pagkababa ko naman ng phone ay nagulat ako ng pagtalikod ko ay nagulat ko si coach Gab. May dalang regalo at binigay ito sakin.

            “Happy birthday..”

            “Uy, Mingming. Salamat.”, tugon ko sknya. Mingming na ang tawag ko kay coach. Kasi nga diba mukha syang pusa. PERO Ahem! Hindi pa po kami. Pero yes, nanliligaw sya sakin sa ngayon. Pero alam din nya na di pa ako handa makipagrelasyon. Ayaw ko din nmn maging rebound lang sya o panakip butas sa lahat ng pagkalungkot at sakit na naramdaman ko. Hindi ako pakipot, he’s nice and all. Pero di pa panahon. Pero masaya ako sa kung ano mang meron kami ngayon.

            Nasa ganun akong katayuan ng matanaw ko mula sa pinto na pumasok si Art kasama si Ben at Leah at isang babaeng di ko kilala. Gusto ko maging manhid, dahil alam ko sa mga oras na yun, ng mismong tumama ang mga mata ko kay Art, napatunayan ko sa sarili ko na di pa ko nakakapagmove on sakanya. Dahil sat wing tinitingnan ko pa rin sya ay umaasa akong magkaayos na kami at marinig ko na sakanya na ako pa rin ang mahal nya. Agad ko naman silang nilapitan.

            “Pre, maligayang kaarawan!”, bati ni Ben.

            “Ayos pre ah, tagalog talaga?”, natatawa kong sabi.

            Binesuhan naman ako ni Leah sabay abot ng isang maliit na box.

            “Happy bday Jer! Galing samin dalawa yan. Pagpasensyahan mo na ha.”, nakangiti nyang sabi sakin.

            “Wow.Nagabala pa kayo. Pero salamat ha.”

            Nung matapos akong batiin nila Ben at Leah ay umaasa ako na babatiin na ko ni Art. Pero ni hindi sya kumibo. Tiningnan ko sya. Ngunit nakatingin ito sa ibang direksyon. Malungkot at masakit. Una, sa apelido nya na ko kung tawagin at ngayon, tapos ni hindi nya na ko pinapansin at halatang iniiwasan nya ko. Tapos ngayon naman kahit man lang pagbati ng happy birthday, di nya na magawa sakin ngayon. Napakasakit. Pero wala na rin ako magawa.Tatalikod na sana ako ng biglang nagsalita nanaman si Leah.

            “Ay bes, si Cherry, girlfriend ni Art.”, nagaalinlangang sabi ni Leah sakin.

            “Happy birthday sayo.”, simpleng bati ng dalaga.

            “ANO DAW?! GIRLFRIEND?! Tama ba ang naririnig ko?! Hindi ko alam pero parang may bumagsak na bomba sakin at agad na sumabog. Masikip sa dibdib ko ang narinig. Pero kailangan ko ng tanggapin. Ito na ang buhay ni Art ngayon. I need to be happy for him and move on with my life. Kaya kahit masakit, nakipagkamay ako sa dalaga.

            “Thank you.”, sabay bitiw ng isang payak na ngiti. Tumalikod na ko dahil nararamdaman ko na mamumuo ang mga luha ko at possible ang pagagos nito kung magtatagal pa ko doon. Kaya naisipan ko nlng pumasok at idivert ang pagkalungkot.

            Habang nasa party ay di ko maiwasan hindi sulyap sulyapin si Art. Pero sat wing makikita ko ito ay nakangiti ito at mukhang masayang masaya na sa buhay nya. At ngayon na may girlfriend na sya. Hindi ko na kaya pang sirain ang mga ngiting yun. Kahit pa umaaasa ako at gusto ko na ako ang piliin nya. Wala akong karapatan. All I can do is be happy for him even if it means na masaktan ako.

            Maya maya ay umakyat ako sa kwarto at nagspray ng pabango. Hindi ko alam na sumunod pala si Leah.

            “Bes, I didn’t know isasama nya yan dito. Actually, first time lang din namin sya nameet. I’m so sorry Jer.”, nahihiyang sabi sakin ni Leah.

            “It’s ok Leah. I don’t blame for you anything. Pinakita lang sakin ng pagkakataon na dapat na talaga akong mag move on. My fight for him is over. And we all know that now.”

            “I’m really sorry Jer. Kung alam ko lang.. Di ko n asana pinilit pa sumama dito si Art.”

            “It’s okay Leah. Don’t put too much thought about it. I’m happy you guys came.”, payak na sagot ko.

            Hindi ko din naman talaga masisisi sila Ben at Leah. Siguro gusto pa din nila makatulong na magkaayos kami pero iba ang nangyari. Hindi ako galit sakanila.

         
            Mga bandang alas ocho ay dumating si Jenny. Ngunit hindi ito nagiisa. Nakasilip ako nun sa bintana ng aking kwarto ng makita kong bumaba si Jenny galing sa taxi at kasabay ang kasama nito. Nang makita ko si Jenny na bumaba na ay agad akong bumaba at pinuntahan ko na sya agad sa labas.

            Pagka kita kay Jenny ay nagulat ako sa kasama nya. Medyo tulala ako pero hindi ko pinahalata ang gulat. Pero ang totoo, takang taka ako. “Totoo ba tong nakikita ko?”, tanong sa sarili.

Jenny just gave me a recentful look. At halata ang pilit na pilit nyang ngiti.

            “Happy birthday bes!!”, sabay beso at abot sakin ng kanyang regalo.

            “Uy, ang tagal mo dumating ha. Pero thanks sa gift. Kaw tlga, nag abala ka pa. Ikaw na nga tumulong sakin dito sa bahay, nagdala ka pa ng gift.”, tanging tugon ko sakanya. Dinedma ko rin ang kasama nya. Bday ko ngayon, I don’t want to spoil my night.

            Alam ni Jenny na medyo irritable ako sa kasama nya kaya sinabihan ko nlng xa pumasok. Sabay talikod at naglakad pabalik sa mga bisita ko. Ngnit nung maglalakad na sana ako ay pinigilan ako ni Jenny.

            “Bes, may kasama nga pla ko. I hope you don’t mind.”, casual na sabi nya.

            “Uy, Jerry!! Happy bday!! Salamat pala sa pag invite!! Pasensya na kasama ko to ha. Actually, grounded ako ngayon ee! Papayagan lang ako lumabas kung kasama sya. Hehehe”, bati ni James.

            “Uy, Salamat dito ha. Uy, sya nga pala, taas ng grade ko sa gawa mo! Salamat uli doon! Cge, pasok ka na. Thanks ha!”, sabay tuloy tuloy na pumasok na nga si James.

            “Bes, may kasama nga pa pla ko. I hope you don’t mind.”, casual na sabi nya ulit.

            Tiningnan ko ang kasama nya. I gave him a blank look. Sabay tingin kay Jenny at ngumiti.

            “Jenny, bestfriend kita. Don’t worry. Ok lang kung sino man kasama mo.”

            Sabay tingin sa kasama nya.

            “and I don’t mind having another GUEST in the house.”, pagdidiin ko sa salitang GUEST habang nakatingin sa kasama ni Jenny.

            Sabay tingin uli kay Jenny at ngiti.

            “O sya bes, pasok nlng kau dun, kain na kayo. Maya sigurado inuman na.”

            “Happy bday sayo.”, sabay singit nung lalaking kasama ni Jenny at nag abot ng regalo.

            “Thanks.”, simpleng sagot ko. Pero halata ang pagiging cold ko. Nakita kong sumenyas ung kasamang lalaki ni Jenny sakanya. Kaya nagsalita nnmn si Jenny.

            “Bes, buksan mo na ang regalo namin sayo. Dali!”, nakangiting sabi ni Jenny.

            “Ha?! Hindi ba pwede mamaya na? Excited?!”, pabiro kong sabi kay Jerry.

            “Eeeeeeeehh!! Syempre, gusto ko, gift ko ang una mong bubuksan mo. Ako kaya ang pinaka effort dito noh! Kaya ok lang maging demanding noh!”, pagpupumilit nya.

            Una kong binuksan ang regalo sakin ni Jenny.

            It was a cd. Na may nakalagay na “Jerry’s favorite songs of all time”. Hindi ko maiwasan na di maging emosyonal lalo na galing yun kay Jenny. May dedication pa sa likod at listahan ng mga kantang  nakarecord dun. Sa dedication ay mababasa ang mga salitang. “Para maalala mo kami everytime you play this cd. :)”

            “Bes, ano ba to. Pinaiiyak mo naman ako ee. Salamat dito ha.”

            “Wala yun, ala kasi ako maisip na mabigay sayo. Kaya yan, something to remind us of our friendship.”, nakangiting sabi nito.

            Mejo napaluha ako kaya kinuha ko nanaman ang panyong lageng nagpapatahan sakin.

            “My Gawd Jerry!! Nilalabhan mo ba yang panyong yan! Lage mo na lang gamit yan ha!”

            “Gagi, syempre naman noh! Kadiri naman kung di ko lalabhan!”

            “Susme Jerry! Magpalit ka na nga ng panyo! Overused na yan oh!”

            “Maganda naman ung panyo ha..”, sabat ng kasama nya. Pero dinedma ko. Paimpress. Hmp! Sabay tago ng panyo sa bulsa ko.

            Bubuksan ko sana ang regalo ng kasama nya. Pero tinago ko lang muna sa bulsa ko ito. At akmang aalis na sana ako.

            “Hindi mo ba bubuksan ang regalo ko?”, singit ng kasama ni Jenny.

            “Mamaya na lang siguro.”

            “Please… for me? For old times sake?”

            “Para san pa….. Philip? Lahat ng masasayang alaala na meron ako sayo, natabunan na ng lahat ng sakit na ginawa mo. Please, araw ko ngayon.”

            Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Philip. Agad na ko tumalikod at bumalik sa loob ng bahay at dali dali tumungo sa kwarto ko. Nagpunta muna ko ng cr at hinipo ang regalo na bigay sakin ni Philip. Habang tinitingnan ko ito ay namuo ang luha sa mga mata ko. Naalala ko ang lahat samin ni Philip. Oo, aamin ako, somehow, masaya ako at pumunta sya. Pero may kirot sa puso ko na di ko alam kung ano. Alam ko.. Oo.. Alam ko.. at inaamin ko.. Minahal ko sya tulad ng kay Art.. or baka nga mas sobra pa.. Alam ko, dahil di ko pagsisiksikan ang sarili ko sakanya kahit pa nung mga panahong pinagtatabuyan nya na ko. Pero ano pang saysay? Wla na ang lahat.. wala na………..


            Naglakas loob akong muling lumabas ng kwarto at harapin ang mga bisita ko. I cant spoil it just because of Philip. Araw ko to.

            Hindi ko na gusto ang mga nangyayari sa bahay. Ako, si Philip at Art, all in the same place pero may gap saming tatlo. Birthday ko pa. Hays. I hope this night would reall turn out as a happy birthday celebration.

            Nagsimula na ang inuman at medyo lumalim na ang gabi. Nasa may veranda ako at nagmomoment mag isa ng lumapit sakin si Jenny.

            “Birthday na birthday mo, nagsesenti ka jan.”

            “Uy, di naman.”

            “Ah.. eh.. Jer, pasensya na sinama ko si Philip ha.”

            “I trust you Jenny.. What ever your intention is, naiintindihan ko..”

            Hindi nagsalita si Jenny, tinawag na rin kasi sya ni Erwin dahil nagkakatuwaan na sa inuman. Sinabihan ko na lang si Jenny na mauna na pumasok at magpapalipas muna ko ng oras sandali.

            Habang nagiisip isip ako, nagsindi ako ng yosi. Padagdag emosyon sa moment kung baga. Isa isa kong sinariwa ang lahat ng mga masayang ala ala sa nagdaan. Habang nagsesenti mode naman ako ay may umepal.

            “Oh, the warrior is still smoking?”, sabi ng boses.

            “Oh, James, ano gngwa mo dito? Nagkakasarapan na ng inuman dun oh.”

            “I know. Dami kasi nagyoyosi sa loob kaya pahangin sana ako dito. Kaso nagyoyosi ka din pala dito.”, pabiro nyang sinabi.

            “Ayyy, sorry naman. Di ko naman kasi alam na lalabas ka.”, hiyang hiya ko sinabi sabay patay ng yosi.

            “Hahahaha! Happy bday pla ulit ha.”

            “Thanks. Buti nakarating ka”

            “Oo naman noh! I wouldn’t miss out on your birthday at sa mga luto mo noh! So kamusta ka naman na?”

            “I’m ok……. I guess….”

            “Hmmm.. It shows.”, medyo sarkastiko nyang sinabi.

            “Ano ka ba.. Ok lang talaga ako..”

 “Hmmmm.. Ill just leave you with a thought Jerry. Not all battles are fought hard. Not all needs blood to be shed. Sometimes, all it takes is to bend your knees and tell yourself “Enough”. I mean, mahirap kasi yun… ang kalabanin ang sarili. It will be an endless struggle unless you overcome it yourself. Pero once nasabi mo sa sarili mo na tama na, it would be the greatest fight you’ve ever fought. Kasi na overcome mo na ang sarili mo.”

            Napangiti ako sa sinabi ni James. Nakakatuwa dahil sa kabila ng kanyang mga ngiti ay isang napaka intelihenteng tao nya. Nakakabilib.

            “Thanks. And I guess tama ka.”, nakangiti kong sinabi sakanya.

            “Oh, pasok na tayo sa loob!”

            Bumalik na kami sa loob at nag inuman. Wala akong sinayang na sandali, total, dapat ay nageenjoy naman talaga dapat ako.

            Nasa kalagitnaan kami ng pagiinuman ng biglang tumayo si Jenny at nagsalita.

            “Ok guys, its time!”, nakangiti nyang sinabi sa lahat. Lahat naman ay agad na nagsiupo ng maayos at ang mga nasa labas ay pumasok na muna at naupo na rin.

            “Bes. Naaalala mo to?”, tanong ni Jenny habang hawak ang isang cd sa kamay nya.

            “Oh, diba yan ung regalo mo sakin?”, pagtataka ko sa kinikilos ng lahat.

            “Hmmm. Actually, copy lang to ng regalo ko sayo. Diba sabi ko sayo may surprise ako sayo?”, excited na sinabi ni Jenny. Sabay saksak nya sa cd sa dvd player at binuksan ang tv.

            Pagkagulat at halos maiyak ako sa nagplay sa cd. Isa itong video pala ito na kanyang ginawa para sakin. Mga pictures at messages ng mga kaibigan sakin ito. Mga background music nga nito ay ang mga paborito kong kanta. Habang pinapanood ko naman ito ay di maiwasan ang pagagos ng mga luha ko. Oo, nakakatouch kasi. Pero ang tunay na nakapagpaiyak sakin ay ang mga litrato kung saan kasama ko sila Philip at Art. Mga panahong amin ang mundo. Mga panahong nagdadamayan kami sa isat isa. Mga panahon na pinapahalagahan namin ang isat isa. Bawat magandang alaala na meron kami noon ay nakapaloob dito. Ngunit yun ang pinakamasakit dito. Dahil hanggang larawan at alaala na lamang ang mga ito. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi sakin ni James kani kanina lang.. Tagos na tagos ang mga ito hanggang sa kaibuturan ko. I have come to the peak of my battle. Hanggang sa sabay na pagtapos ng video ay sinabi ko rin sa sarili na.

            “Tapos na……..”

            (Itutuloy...)
Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: Minahal ni Bestfriend Book 1 Chapter 17
Minahal ni Bestfriend Book 1 Chapter 17
sex story,kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgxDZTiIqPWMf7koKxriGXHbqGvelbMdXWIwjs_x5Ex39XCSx4tA522rTZYmxdN33pnY4Df5h109nQOh4icjeucAZeaoRwLo9R3McE-ObDdz-KD-QZlezjh5LAg9V8EjGr4-mVxeZyCH-A/s400/2965_01.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgxDZTiIqPWMf7koKxriGXHbqGvelbMdXWIwjs_x5Ex39XCSx4tA522rTZYmxdN33pnY4Df5h109nQOh4icjeucAZeaoRwLo9R3McE-ObDdz-KD-QZlezjh5LAg9V8EjGr4-mVxeZyCH-A/s72-c/2965_01.jpg
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/07/minahal-ni-bestfriend-book-1-chapter-17.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/07/minahal-ni-bestfriend-book-1-chapter-17.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content