kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
by Jeffy Paloma
Ako nga pala si Jeffy, isang bromance story blogger na nagsisimula pa lamang. Mga ilang lingo pa lamang ang nakalilipas ng ako'y nagsimula sa aking pinaka-unang akda sa aking paboritong blogsite nang pumayag ang may-aring ako'y maglagay ng aking kwento sa kanyang blogsite.
Nakaranas ako ng ilang magagandang papuri at matitinding pambabatikos sa aking nilikha. Ngunit naroon na daw talaga iyon upang kami ay bumuti pa sa aming gawain at malaman kung ang aming gawain ay kaaya-aya pang basahin.
Halos araw-araw bukod sa oras ng aking pagtatrabaho ay nagsusulat ako gamit ang aking computer or telepono upang araw-araw din akong makapagbigay karugtungan sa sa serye ng aking ginagawang kuwento. Kahit sa biyahe at sinisigurado kong naisusulat ko agad kahit sa aking telepono man lang ang pumapasok sa aking na idea para sa kuwento.
Isang araw...
"Jeffy... Idol!!!! Saan na po ang kasunod na part?" ang bumahang mensahe na nagmumula sa pangalang Raffy sa chatbox ng site na pabotiro kong pinupuntahan upang magbasa at maglathala ng aking pinakaunang akda.
Lubos na nakaagaw ito ng pansin sa lahat pati na rin sa akin dahil ako rin mismo ay gumagamit noon.
"Maaari niyo pong padalhan ng e-mail ang author na iyong gustong kausapin. Nakalagay po ang kanilang e-mail address sa kanilang mga akda." ang sabi ng mabuti at magaling na may likha ng aking mga kinagigiliwang istorya na nagtulak din sa aking sumulat.
Nang mapansin ko ang usapang ito ay lubos akong kinabahan dahil sa naawa ako sa aking taga-subaybay na ginawa pa talaga iyon upang ako ay makausap lamang.
"Gumawa na po ako ng sarili kong website para ako po'y inyong makausap. Naglagay na po ako roon ng chatbox. Maaari niyo rin po akong padalhan ng e-mail kung inyong gugustuhin." ang aking sinabi kasunod sa usapan at nagpaumanhin sa aking iniidullong manunulat.
Mula noong araw na iyon ay madalas na kaming nag-uusap sa chatbox habang tinatapos ko ang bahagi ng aking akda tuwing umaga matapos ang aking trabaho bago matulog dahil pang-gabi ako sa aking pinapasukan.
Lagi niya akong pinupuri sa aking nagagawang bahagi ng aking akda at madalas niyang sinasabi na kapag nagbabasa raw siya ng aking kwento ay nawawala ang pagod niya tuwing siya ay nasa opisina.
Hindi ko malaman kung paano at kailan pumasok ang panlalambing niya ngunit masaya akong nakakausap siya araw-araw.
Minsan nang gabing halos matapos ko na ang aking unang akda at wala akong pasok sa opisina ay ninais niya akong makausap sa kanyang problema. Pribado kaming nag-usap tungkol dito sa pagitan lang naming dalawa.
Sa kanyang pamamahagi ng kanyang problema sa akin ay nakilala ko siya kung paano siya magmahal, kung sino siya sa ibang tao, at kung ano ang gusto niyang gawin sa kanyang matinding inis ng mga oras na iyon.
Sinubukan ko siyang biruin na habang nakikinig ako ay maglalasing ako sa Coke Zero dahil may katabi akong isang dalawang litrong bote nito noong mga oras na iyon.
Sa aming kuwentuhan ay supporta at tenga lang ang ibinigay ko sa kanya na para sa akin ay balewala lamang, ang mahalaga ay nailabas niya ang kanyang saloobin. Napakabuti niyang tao at napakaswerte ng kanyang mamahalin.
Isang hopeless romantic na aking hinahanap na makilala balang araw upang mahalin.
Lubhang hindi ko na napigilan. Lumuluha ako sa lungkot ng kanyang pinagdaraanan. Sa isang bahagi ng aking katauhan ay lubos din akong nasasaktan sa panghihinayang para sa kanya. Dahil dito, nahulog ang loob ko sa kanya.
Nagbigay siya ng tiwala sa akin at ako rin sa kanya sa mga oras na iyon.
Kinabukasan ay binigyan niya ako ng balita tungkol sa problema niya. Naayos na sila. Masaya naman ako sa kanya ngunit may matinding kirot na panghihinayang ang aking dinadaing at hindi napigilang lumuha habang ako ay nagpapagupit ng buhok ng oras na iyon.
Sa bawat detalye na ibinibigay niya ay isang saksak ng kirot ang nararamdaman ko sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Naguguluhan ako.
Bilang ganti sa tunay na pagkakaibigang inialay ko sa kanya sa kabila ng lahat na hindi pa kami nagkikita ay nangako siyang magiging mabuting magkaibigan kami.
Ilang araw akong nahirapan sumulat. Blanko ang aking isipan at araw-araw na lumuluha sa pait na walang dahilan.
Sa araw-araw na nag-uusap kami ay lubos naman ang aking kaligayahan. Puro biro at pang-aasar ang ginagawa niya sa akin at agad namn niya akong sinusuyo pag ako ay naiinis na. Lubos na panlalambing ang isinusukli niya sa akin sa araw-araw at bawat pagkakataon na ako'y kanyang bubuwisitin.
Ngunit nagaganap lang ang lahat ng ito pag nag-uusap kami sa chatbox kung saan marami ang nakakabasa. Kapag kami na ang nag-uusap ay tungkol lagi sa kanyang nobyo na ang aming topic at kung papano niya ito mahalin. Sa bawat usapan naming ganito ay hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Nasasaktan ako at lubos na nanghihinayang at naiinggit para sa kanyang nobyo.
Upang mapawi ang aking sakit ay nangako siyang papahalagahan niya ang aming pagiging mabuting magkaibigan at magkapatid. Mula noon ay isa ko na siyang kuya at ako naman ang kanyang bunsong kapatid kahit ako ay mas matanda sa kanya ng dalawang taon.
Isang araw ay natigil ang lahat sa aking mundo. Nagdown ang blosite ng halos dalawang araw. Nagpatuloy naman ako sa normal kong buhay ngunit parang may kulang na. Pilit ko na lang tinapos ang aking akda upang makahabol sa aking mga hindi mailathalang bahagi ng aking patapos na kuwento.
Hindi ko na magamit ang aking login at nawala na ang aking account sa hindi malamang kadahilanan.
Nagdesisyon akong gumawa na lang ng bago at naging miyembro ulit ng mga manunulat sa paborito kong website sa aking bagong palayaw. Binuo ko na lang muli ang aking blogsite mula sa bagong account na ito.
Sinubukan ko siyang kausapin sa YM ngunit offline siya. Nag-iwan ako ng mensahe para sa kanya kung ano na ang bagong address kung saan siya dapat pumunta.
Wala akong narinig sa kanya. Hindi na ako muling umasang makakausap pa siya. Wala siya sa Facebook ko, nasa kanya ang number ko pero hindi niya ako pinapadalahan ng text at isa pa may problema ang aking service provider pagdating sa reception.
"Masaya na siya... nakatulong ka na sa isang tao... wala kang dapat alalahanin..." ang araw-araw kong sambit sa pananabik na makausap siya.
Isang araw habang isinusulat ko na ang aking ikalawang akda ay biglang lumitaw muli ang pangalan na ilang lingo kong hindi nakikita. Si Raffy.
Agad nagbalik ang aking at nag-usap muli sa chatbox na nakikita ng lahat ng mga tao na bumibisita sa aking blogsite. Wala na akong magagawa at masaya ako sa aming muling pag-uusap. Sinasagot ko na rin ang kanyang panlalambing at mas madali akong napipika sa mga pang-aasar niya. Lambingan na ang nakikita ng lahat.
Nang matapos akong mag-offline ay kinausap siya ng ilang mga nasa blogsite ko na naroon pa rin. May mga naiingit sa aming matatamis na lambingan at halos ikumpara na sa mga karaker sa aking nilikha. Kuya Raffy na ang tawag ko sa kanya at baby bro naman ang tawag niya sa akin.
May isang kumausap sa kanya na halos mapaisip na siyang lubayan muna ako upang ako ay bigyan ng space.
Nang mga oras na iyon ay may lakad ako. Sa aking kinauupuang pampublikong sasakyan ay kinutuban kong kailangan kong balikan ang aming pag-uusap. Tinignan ko ulit ito mula sa aking telepono.
"Maybe he needs space... guest please take care of Jeffy... he is very good man..." ang naiwang mensahe ni Raffy.
Nang aking mabasa ang kanyang mensahe ay agad akong halos sasabog sa aking nabasa. Hindi ko makita ang mga lumang mensahe dahil hindi ako pwedeng magscroll sa aking telepono.
"Space? Why the hell would I need space? There's no need for that there was no us! We're just plain friends. I never even saw you." ang aking nasabi sa sakit na aking nararamdaman. Kung gaano kasaya ang usapan namin kanina ngayon naman ay pinalitan na ng matinding sakit.
"If that's what you want then fine... go!! I just want to let you know that I don't want to let go of you as a friend but you can leave anytime you want to." ang dagdag ko pa.
Lubos na hindi ko matiis sa aking sarili. Bumalik nanaman ang sakit na nararamdaman ko. Humihingi siya sa akin ng patawad dahil sa ako'y nagalit.
"I thought what we talked about the night that I had a problem was something important to you because it was for me and you are my one and only baby bro." ang sagot niyang gumising sa akin upang makunsensiya sa aking pagkakamali.
Hindi na maganda ang daloy ng aming usapan.
Inamo niya ako at gusto kong agad na sumagot ngunit hirap ako sa aking telepono at nagmamadali siya dahil may laro sila sa mga oras na iyon.
Upang makabawi sa akin ay inaalay niya daw ang kanyang laro sa basketball mamaya.
Sa aking daan pauwi naman nang matapos ko ang aking nilakad para sa araw na iyon ay inirecord ko ang aking awiting nais awitin para sa kanya. Hindi ako masyadong marunong umawit at may problema ang videoke na aking nagamit. Balewala na iyon para sa akin, ang mahalaga lang ay marining niya ang aking aawitin.
Sa tulong ng ilang mambabasa ay nagkaayos kami ni kuya Raffy, isa na si Paul Jake. May pagkukulang din ako at humingi na rin ako sa kanya ng patawad. Binalak kong padalhan siya ng e-mail upang makapag-usap ng maayos ngunit dinaan ko na lang ito sa pagbuo ng isang maikling kuwento para sa aking blogsite alay para sa kanya kasama ang recording ng aking inawit alay sa kanya.
Isang buong magdamag kong inilagay ang espesyal na kuwentong ito para sa kanya ngunit nalaman ko na lang matapos ang ilang araw na hindi pa pala niya ito nababasa or naririnig man lang ang aking mga kinanta nang sabihin niya.
Malungkot masyado ang mensahe. Hindi ko kayang paligayahin pa. Isa pa, para saan ba ang lahat?
Nang sumapit ang gabi ay muli kaming nag-usap ni kuya na kaming dalawa lang. Hindi pala niya naialay sa akin ang pinangako niyang laro niya sa basketball dahil namulikat siya. Noon ko lang din nalaman na mula praktis hanggang sa hindi niya pagtapos ng laro ay kasama niya ang kanyang nobyo na umalalay sa kanya sa kanyang pag-uwi. Umiiyak akong binabasa ang kanyang mga sinasabi na parang gusto kong bawiin ang lahat ng aking nasabi. Hindi ko na pinaalam sa kanya ang aking lagay.
Naging maayos naman kami at balik sa dati matapos ang sumunod na araw ngunit dumaan ang ilang araw at naging madalang na ang ututang dila namin. Hindi ako umaasa isa pa ay abala siya sa trabaho niya tulad ng sabi niya. Ipinagtatanggol pa niya ako sa mga nambabastos sa akin sa sarili kong website.
Isang araw ay nagparamdam ang isang tao sa aking nakaraan noong ako ay nasa college pa sa isa sa mga bahagi ng aking nailathalang akda na mahilig din palang magbasa ng tulad ng aking ginagawa. Si Luther.
Isang basketball player namin sa school na aking tipo na akala ko noo'y boyfriend ng isa naming schoolmate sa Psychology student na ngayon ay sikat na modelo at artista na.
Ilang araw din kaming nag-uusap sa kawalan ni Kuya Raffy. Lubos na natutuwa akong binabalikan ang mga kaganapan sa amin nakaraan.
Ang panonood niya pala sa akin habang ako'y nakaistambay sa tapat ng kubong kaniyang tinatambayan. Ang mga sulat at bulaklak na inilalagay niya sa aking locker. Ang mga panonood niya sa akin habang ako'y abala sa mga ginagawa namin sa eskwela habang kasama ko ang aking mga kamag-aral. Ang aking abalang mga panahon nang ako'y sumali sa administrative staff ng student council ng buong unibersidad. Ang aking pagpuntang mag-isa sa kapilya at ilang minutong pag-iyak sa harap ng altar na hindi niya alam ang dahilan. Halos sumamarin siyang maging dorm mate ko pala sa mismong harap ng school ng ako'y doon magstay upang hindi mapagod sa biyahe. Ang katakawan ko sa pritong itlog sa Spaghetti House sa tapat ng Gate 1 ng aming unibersidad. Lahat halos kahit ang paglalakad ko, ang aking pagkain minsan na mag-isa sa mga kainan ligid ng aming campus.
"Jeffy, alam mo bang balak ko sanang kausapin ka at magpakilala na sa iyo noon bago tayo magtapos? Kaya lang bigla kang nawala sa school matapos ang school year ng ating ikatlong taon sa kolehiyo. Gusto na kitang ligawan ngunit binabalot ako ng hiya. Ilang taon akong umaasa upang umabot tayo sa ating kalagayan ngayon. Nag-uusap at nasasabi na sa iyo na gusto kita." ang linya niyang tumatak sa aking isipang nagbukas ng puwang sa aking puso para sa kanya.
Sa araw na magdedate na kami ni Luther ay natanggap ko na bunsong kapatid lang at mabuting kaibigan ang turing sa akin ni kuya Rom. Sa aking saya noong umaga ng araw na takdang makipagkita ako kay Luther ay ipinadala ko sa email ni kuya Rom ang aking mga numero.
Iyon ay aking ginawa sa kadahilanang gusto kong malaman niya na mahalaga siya sa akin bilang tunay na kaibigan at kuya at hindi limitado sa YM at Chatbox ang usapan naming dalawa. Na ako'y nagbubukas ng pinto sa aking buhay para sa kanya upang madali niya akong malalapitan kung ako'y kailanganin niya kung siya ay magkakaproblema o kailangan lang ng makakausap... o maaasar na laging gawain niya.
May lakad din kasi ako ng mga oras na ibigay ko sa kanya ang aking mga numero. Nang makaalis na ako ng bahay ay dalawang beses niya akong tinawagan sa aking telepono mula sa isang landline.
Napakaganda pala ng boses ni kuya Raffy ko.
"Jeffy? Baby bro!! Si kuya Raffy to." ang bati niya sa akin mula sa kabilang linya.
Natuwa akong makausap niya at muling maaasar na niya kailan man niya gustuhin.
"Sino ba yang Luther na iyan? Sabihin mo sa kanya wag siyang gagago-gago kundi babangasan ko talaga siya. Umayos siya." ang sinabi niya sa akin na nagpatulo ng aking mga luha nang hindi ko napapansin. Nahahati ang aking damdamin.
"Si Luther kuya schoolmate ko dati po manlilgaw sa akin." ang parang bata kong sabi sa kanya na natatawa dahil kuyang kuya ko talaga siya sa kanyang pananalita.
"Nasaan ka na ngayon?" ang tanong niya.
"Kuya nasa jeep na kaya lang nandito ngayon sa gas station kasi nagkakarga pa ng gasulina." ang sagot ko naman sa kanyang ibig ipaalam ang aking kalagayan.
Natapos agad ang aming pag-uusap at ako'y nakaramdam lang ng lubos na ligaya.
Sa mall na aking pinuntahan ay agad akong kumain muna ng sundae na naglalako sa isang stante lang sa kalye ng mall.
Sa kasarapan ng aking pagnamnam sa ice cream ay tumawag si kuya Rom. Para mangulit.
"Baby bro!! Hello baby bro?" ang bati niya.
"Hello kuya! Bakit ka po napatawag?" ang masigla kong bati sa kanya.
"Gusto ko lang mang-asar. Umalis ka na agad kanina online e." ang sabi niyang nabitin pala sa aming kulitan bago ako umalis.
"Kuya naman eh! Nakain ako ng sundae ngayon eh." ang parang bata kong nireklamo sa kanya dahil naudlot ang balak kong sumubo ng sundae.
"Chubby ka... Baby bro... Chubby ka... " ang sabi niya.
"Ano?!!!!! Hindi ako chubby!!!!" ang sagot kong pasigaw ng malakas dahil napikon ako sa sinabi niya.
Nagtinginan ang mga taong nakapaligid sa akin. Sa hiya, ay tumungo akong naglakad papuntang labas ng mall habang patuloy ang aming pag-uusap.
"Sabi ko chubby phone mo... choppy..." ang excuse niya.
"Ang linaw kaya ng pagkakarinig ko. Hindi ako chubby!" ang pikon ko pa ring sagot sa kanya na may halong lambing.
"Gusto lang kitang asarin... Bye baby bro!!" ang paalam niya sa akin.
Nang matapos ang aking usapan ay napansin kong magkaboses sila ng aking textmate dati na kinalimutan ko na ngunit hindi ko na masyadong pinansin iyon dahil masyado akong masaya ng mga oras na iyon.
Sa araw ding iyon ay gusto kong kumuha na ng hedgehog ngunit hindi ako nagtagumpay dahil pinigilan ako ng aking ina sa kadahilanang masyado nang marami ang mga alaga namin sa bahay. Ngunit hindi ito ang nagpalungkot sa akin.
Nang makarating ako sa bahay ay agad kong tinungo ang aking computer upang kausapin si kuya Rom.
Masaya ang muling ututang dila namin kasama ang iba ko pang tagasubaybay. Sa mga oras rin na iyon ay inip kong hinihintay ang pagdating ni Luther upang ako ay sunduin para kami ay magdate.
Hindi nagtagal ay dumating na rin si Luther. Nag-ayos ako ng aking sarili at pumunta na kami sa isang restaurant upang kumain muna ng hapunan. Simple at masayang friendly date ang aming pinagsaluhan ngunit hindi kasing tamis ng usapan namin ni kuya Raffy ang aming mga usapan.
Matapos kumain ay agad kaming tumungo sa sinehan at nanoog ng pelikula. Tulad ng nasimulan, friendly date lang. Para kaming magkaibigan at masaya na akong kasama si Luther. Sinisimulan ko na siyang kilalanin kung mamahalin ko ba siyang lubusan.
Napos ang aming araw at ako'y hinatid na niya pauwi.
Sa bahay...
Hindi ko na nakuwento kay kuya Raffy ang aking date kasama si Luther. Wala sila online marahil pagod o abala sa kanyang araw-araw marahil na rin suguro sa kanyang nobyo. Wala akong karapatan at isa lang naman akong kaibigan.
Mula noon ay hindi na kami nagkakausap tulad ng dati. Pawang nawala na ang lahat.
Kami naman ni Luther ay ang parang naiwan sa aking tutulong sa akin na makalimutan ang sugat na ginawa sa aking sarili.
Sa ngayon ay walang kasagutan ang lahat maliban lang sa ako'y magpapatuloy pa rin sa pagsusulat dahil alam ko... ang kuya kong bully ng bayan... ang kuya na natatanging bully ng buhay ko na laging nagpaapiyak at nang-aasar sa akin ay patuloy at tahimik na magbabasa pa rin ng aking mga likhain. Kahit hindi niya maipadarama sa akin ang taong minahal kong higit pa bilang kuya.
Handa niya akong ipagtanggol kanino man... handa rin akong kausapin siya kung kailan man ay kanyang kailangan.
(WAKAS?)