"May Xmas (part 2)" ****************************************************************************** Nagu...
"May Xmas (part 2)"
******************************************************************************
Naguguluhan ako... bakit naguguluhan nanaman ako? Isang daang libong beses ko ng pinag-isipan ang dapat kong gawin, pero bakit ganon, bigo parin ako na kalimutan siya. Hayyy.
Tumayo ako. Nagsinop-sinop. Nilinis ang kwarto kong nawalan ng bihis, na nahubaran ng nagdaang gabi. Bugtong hininga. Napa-isip nanaman ako. Tang-na. Siya nanaman ang naalala ko.
Kung napag-aaralan lang sana ang pinaka mabilis na paraan upang kalimutan ang tulad niya, kahit saang eskwelahan pa mage-enrol ako, kahit marami pang seatwork at homework papasukan ko, maturuan lang ang bobo kong puso.
Binitiwan ko na kung ano man ang ginagawa ko nuong mga oras na 'yun. Naligo ako at nagbihis. Nagpabango ako ng sampung beses. Nagtooth brush, nag mouth wash at nag-ahit ng balbas. Kahit para na akong tanga, makaalis lang ako pansamantala sa mundo kung saan ko siya naaalala.
* * *
Dumaan ako kay manong barbero hindi para kumuha ng kwento kundi para magpatabas ng buhok... para magpa semi-kalbo.
“Manong gwapo na po ba 'ko?” tanong ko, nakaharap ako sa malapad na salamin habang siya ay abala sa pag-alis sa aking patilya.
“Syempre naman.” napapangiti pa si manong.
“Aakyat po kasi ako ng ligaw manong. Papasa na kaya ako? Ano, sa tingin mo?”
“Pasadong pasado ka bata. Kung ako ang liligawan mo, u-oo agad ako sayo.”
Ganon sana. Lakas ni manong.
“Manong basketbolista karin ba?”
“Hindi. Bakit?”
“Basketbolita po kasi ako pero hindi ako ganyan kalakas mambola.”
“Hindi bola yun bata.”
“Sige. Naniniwala nako sa inyo. May isang tanong pa ako manong.”
“Ang dami-dami mo naman tanong bata.”
"Last nato."
"Shoot."
Hahaha. Shoot amp!
“Manong, kunwari close tayong dalawa. Kunwari lang naman. Tapos bibigyan kita ng regalo, anong regalo ang gusto mo? Nakuha mo ba manong? Basta parang tipong ganon.”
“Nako. Hmm. Pwedeng bagay na gusto ko makuha, makita o kaya pabotrito ko. Dapat ikaw ang umisip nun. Hindi naman mahalaga kung ano, ang importante nakaalala ka.”
“Wow.”
Napakunot nuo tuloy ako. Pagkatapos sa barber shop ni mamong, tuloy ako sa flower shop ni manang Ising sa kanto. Bumili ako ng paboritong bulaklak ni Mariel, pulang rosas. Tatlong piraso.
Pagkatapos ay sumaglit ako sa mall para bumili ng isa pang regalo. Pasado alas kwarto na ng hapon ng dumating ako sa bahay nila Mariel. Agad ko binigay ang binili kong bulaklak sa kanya.
“Pacenxa kana hon, ha. Medyo malungkot yung mga bulaklak. Hindi ko kasi nasamahan ng chocolates. Ayoko kasi tumaba ka.” palusot ko.
Sa totoo lang kinulang talaga ako ng pera para makabili pa ng tsokolate para sa kanya. May ibang pagkakataon pa naman.
“Ikaw talaga. Oh teka bakit nagbago itsura mo?”
“Wala lang. Maiba lang. Nagustuhan mo ba?”
“Oo naman. At bakit may bag kapang dala?”
“Trip trip lang.”
“Kaloko mo.”
“Hehe. Merry Christmas.”
“Hindi mo man lang ako nireplyan. Hmmp. Ilang beses kita tinext kanina.”
“Nandito naman nako eh.”
Lumapit ako, tumabi ako sa kanya. Kinuha ko ang kanyang kamay. Hinawakan ko yun ng mahigpit at idinaan ang tampo niya sa ngiti. Gumanti siya ng ngiti kaya alam kong tapos na ang drama niya.
Nagulat ako ng biglang lumapit ang tatay niya. Hindi ko napansin. Nakaligtaan ko na nasa likod lang pala namin.
“Mark.” suway ng tatay niya. Ang laki ng boses kaya mas nakakatakot.
“Po.” sagot ko.
Nakatingin lang ako kay Mariel. Bigla akong natakot gaya ng naramdaman ko tatlong taon na ang nakararaan ng una akong tumuntong sa bahay nila, bilang isang manliligaw ng anak niya.
“Halika.”
Tumayo naman agad ako pero hindi ko iniwan ng tingin si Mariel.
Inakbayan ako ng tatay niya na dalawang beses na mas malaki ang katawan kaysa sa akin.
“Tara shot tayo.” aya niya.
Patay don! Akala ko kung ano na.
“Tay naman. Hindi masyado umiinom si Mark.” sabi ni Mariel.
Hindi masyado amp. Parang sinabi din niyang lasenggero ako.
“Isang tagay lang anak. Saka para naman mas makilala ko pa 'tong boyfriend mo.”
Tumango ako kay Mariel. “Okey lang.” sabi ko sa kanya pero walang lumabas na boses sa bibig ko. Inalog ako sa pagkakaakbay ng tatay niya.
“Oh ano Mark?”
“Sige po. Tara.”
Kumaway nalang ako kay Mariel. Dinala ako ng tatay niya sa likod ng bahay nila. Duon pala nagaganap ang inuman ng magkakaharap sa ngalan ng alak. Nanduon ang iba niyang mga pinsan, mga tito at kung sino-sino. Patay ako nato kako. Patay na naman ako.
“Ikaw ba yung Mark?” tanong ng isa, tito ang pakilala.
“Opo.”
“Itagay mo.” inabot niya yung maliit na baso na may lamang likido na hindi ko mawari kung ano.
Kinuha ko naman agad yun. Mabilis kong ininom. Pu-ta. Gumuguhit sa lalamunan. Ang tapang. Lasang Matador. Sinipat ko agad yung bote nun. Tama nga!
Ang isang toma naging pito... hindi pala... sampu... parang labing lima. Basta hindi ko na mabilang kung ilang beses tumapat sa akin ang pag-ikot ng baso. Hanep na Pasko ko.
* * *
“Hon, wag kana umuwi. Dito ka nalang matulog.”
“Hindi hon, uuwi ako. Nakapagpahinga naman ako kahit papano.”
“Gabi na. Delikado kapag nag maneho kapa. Lasing kana.”
“Kaya ko. Don't worry baby.”
“Tignan mo, kung ano-ano na sinasabi mo.”
Pinisil ko ang kanyang pisngi. “Ikaw naman.”
“Bahala kana nga.”
“Bye hon. Isang kiss naman jan. Tssk.”
“Kulit mo. Dito kana nga matulog.”
“Next time baby.” Ngumiti ako. Hindi ko nga lang alam kung ano itsura ko. “I-kiss mo nako. Please. Bago ako umalis.”
Kiniss niya ako sa pisngi. Umalis nako. Motor ang gamit ko. Sa tingin ko kaya ko naman magmaneho kahit medyo nahihilo. Nagdahan-dahan nalang ako.
* * *
Oy Cris, sabihin mo sa kuya mo lumabas siya. Andito ako sa labas niyo.
Text ko sa kanya. Nakapatay kasi cellphone ng kuya niya.
Tulog na siya brader. Wait. Ako nalang lalabas.
Hindi. Hindi pa yan tulog. Sabihin mo hindi ako aalis dito kapag hindi niya ako nilabas. Hindi na siya nagreply. Matagal akong naghintay.
Nakaupo ako sa harap ng gate nila. Nahihilo narin kasi ako. Inaantok pa. Biglang bumukas ang gate.
"Bakit nandito ka?"
Nilingon ko siya.
"Ang tagal mo. Kanina pa ako dito."
"Umuwi kana. Gabi kana."
"Ayaw mo ba ako makita, ha?"
"Lasing kaba? Lasing ka na naman."
"Bakit mo ba binabago usapan, ha?"
"Jan ka lang. Iwan mo na dito yung motor mo. Ihahatid na kita."
"Ayoko. Sagutin mo muna tanong ko."
Iba talaga ang nagagawa ng alak sakin. Hindi niya ako pinansin. Kinuha niya yung motor ko na nakaparada sa gilid. Pinigilan ko siya pero mas malakas siya sa akin nuon kaya wala akong nagawa.
Ipinasok niya yun sa bakuran nila. Pumasok siya saglit sa loob ng bahay, may kinuha. Pagkatapos ay inilabas niya yung kotse. Nakapambahay pa siya.
"Sakay."
"Ayoko."
"Sakay sabi eh. Sasagasaan kita jan."
"Sige. Subukan mo."
Bumaba ulit siya. Napakamot ng ulo. Nilapitan ulit ako.
"Kulit mo. Sige na." tinitigan niya ako ng seryoso.
Sumakay na ako. Mabilis niyang inarangkada ang sasakyan papaliko.
"Ikaw ata lasing eh. Hindi naman jan yung daan papunta samin."
"Diba ayaw mo umuwi?"
"Nagbago na isip ko. Umuwi na tayo."
Nagpreno siya. Nag full stop kami sa gitna ng daan. Tinignan ko siya. Lasing ako pero natatakot ako sa kanya.
"Sorry Kevin." sabi ko. Kinuha ko yung bag ko. Kinuha ko yung nasa loob at iniabot sa kanya.
"Oh. Para sayo. Binili ko kanina pero wala talaga akong plano ibigay yan sayo, ngayon, sa ibang araw sana, basta kung kailan pwede o kahit hindi na. Basta."
"Oh bakit nandito ka ngayon?"
"Napasubo lang. Lumakas ng konti loob ko na puntahan ka. Nakakahiya naman, wala akong regalo sa kaibigan ko."
May bumusina sa likod ng sasakyan, malakas. Busina yun ng kasunod. Itinabi ni Kevin ang sasakyan sa gilid ng daan.
Inabot ko ulit yung binibigay ko sa kanya. Tinitigan lang niya. Hindi niya kinukuha. Binuksan ko na sa harap niya. Nakabalot kasi yun ng bond paper.
"Ano yan?" nagtatakang tanong niya.
"Jersey."
"Aanin ko yan?"
"Jersey ni Kobe yan. Paborito mo yan diba?"
Kinuha niya. Natawa.
“Nakikita mo ba sarili mo? Tignan mo nga muna kaya sa salamin.”
“Ha.”
"Wala. Nag-abala kapa kako."
"Eh naalala ko lang bigla. Oh sige na ihatid mo nako. Promise matutulog nako." Pinaandar na niya ang sasakyan pero hindi niya ibinalik sa daan pauwi sa bahay namin. Matulin ang andar. Rumaragasa sa tulin.
"Oy Kevin... ano ba ginagawa mo? Iuwi mo nako."
"Wag muna. May pupuntahan tayo."
"Takte. Ibalik mo na. Nahihilo nako."
"Sumakay ka lang jan. Ako bahala."
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa... Baguio."
Pusa!