kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa akin. Ang araw ay nakangiti habang isinasalubong nito sa akin ang isang mapagpalang liwanag.
Isang taon na pala ang lumipas. Isang taon na puno nang malulungkot at masasayang mga sandali sa buhay namin ni Rome. Masaya ako sa takbo nang relasyon namin. Mahinang sambit ng isip ko.
“Good morning sunshine!” Bati ko sa kanya.
Sumagot naman ito kasabay ang pagkampay ng hangin sa aking pisngi. Iwinawagayway naman ng mga puno ang kanilang mga sanga na wari mo’y magiliw na nagsasayaw. Ito naman ay sinabayan pa nang awitan ng mga ibong kumakampay sa paligid.
Napakagandang pagmasdan ang mga gawi nila. Nahahawa ako sa kaligayang dulot nila. Napapangiti ako nang sobra.
“Ace, anak. Ang tagal mo naman diyan. Kanina pa naghihintay sila Rome sa simbahan.” Boses ni mama sa likod ng pintuan.
Lumapit ako rito para buksan ang pinto. Gulat na gulat ito nang makitang hindi pa ako naghahanda.
“My God Ace! Hindi ka pa nakakaligo?” Sinipat na rin niya ang susuotin ko ngunit nadismaya siya dahil wala pa akong naihahanda. “Kahit kailan ka talaga. Hala maligo ka na. Ako na mag-asikaso nang susuotin mo. Mga bata nga naman.”
Hindi ko na narinig pa ang ibang sinasabi ni mama kasi dumiretso na ako sa banyo dala-dala ang tuwalya ko. Naghubad na ako at tumapat sa dutsa. Malamig sa pakiramdam ang hated ng tubig na nagmumula rito, lalong nakakabuhay. Muli pa ay narinig ko ang paalala ni mama.
“Dalian mo riyan anak. Nakakahiya na sa kanila.”
Hindi ako nagmadali dahil gusto ko mukha akong presentable sa harapan ng taong mahal ko. ayokong ma-disappoint siya sa makikita niya. Gusto ko na mas lalo niya pa akong mahalin. Napangiti ako sa isiping iyon.
Matapos kong magbabad pa nang ilang saglit ay nagpatuyo na ako at lumabas na nang banyo. Nakalatag na sa aking higaan ang susuotin ko. Sinipat ko ang mga iyon. Black slacks, white shirt, underwear, medyas, panyo at barong. Sa ibaba naman ay ang sapatos kong ubod ng kintab. Binabad kaya ito sa kiwi? Sabi ko sa sarili. Napangiti ako.
Dali-dali na akong nagbihis. Naglagay ng wax sa buhok, nag-spray ng paborito kong pabango at tuluyan ng bumaba para harapin ang isang panibagong umaga.
“Ang gwapo naman ng only daughter ko.” Bati sa akin ni papa.
“Daddy ikaw talaga.” Sabi ko naman ng may ngiti.
“I’m happy and so proud of you son. Hindi ko man natupad yung gusto ko para sa’yo pero hindi ibig sabihin nun eh hindi kita susuportahan sa desisyon mo.” Wika pa niya at binigyan ako nang isang mahigpit na yakap..
“Daddy ang drama mo. Mas ma-drama ka pa sa akin ah. Epekto ba yan ng panunuod mo nang mga teleserye sa gabi?” Pang-aasar ko sa kanya.
“Anong magagawa ko eh yun ang gusto nang mommy mo panuorin. Wala akong choice.”
“Eh di bumilii ka nang sarili mong tv at magpakabit ng sarili mong cable.” Entrada ni mama na nakangiti.
Lumapit ito sa amin.
“Ace, matanda na kami nang daddy mo. Gusto naming makita kang Masaya sa piling ng taong lubos na nagmamahal sa’yo. Kaya nga lang hindi mo maiaalis sa amin na humiling na bigyan mo kami nang apo.”
Medyo lumungkot ang aura ni mama sa sinabi niya.
“Mapapag-usapan naman po nang maigi ang tungkol sa pagkakaroon ng anak mom eh. Pwede kami mag-adopt pero mas gusto ko na dugo ko mismo ang tatawagin niyong apo.”
“Gusto ko babae.” Sambit ni mama na ngayon ay lumiwanag na ang mukha.
Natawa kami pareho ni papa.
“O siya tara na. Anong oras na. Kanina pa nila tayo hinihintay.” Pagputol ni papa sa usapan.
Tumulak na nga kami papunta sa simbahan. Habang nasa daan ay nagbabaybay din ang isip ko sa kung ano ang pwedeng mangyari sa amin ni Rome pag nagsasama na kami sa isang bubong. Masaya ako sa suporta nang buong angkan sa desisyon ko lalo na sa ginawa nilang pagtanggap kay Rome.
“Anak, andito na tayo. Ready ka na ba?” Sabi ni mama na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Tumango ako rito. Bumaba na kami nang sasakyan at tama nga na kami na lang ang hinihintay bago umpisahan ang seremonya.
“Ang tagal mo naman. Siguro ikaw na naman ang dahilan ng pagkakahuli niyo.” Pambungad ni ate Claire sa akin.
“Ganun talaga ate.”
“Hay naku, kanina pa naghihintay yung mapapangasawa mo.” Pambubuska pa niya.
“Shut up!” Sabi ko rito na nagpatawa sa kaniya at sa mga nakarinig.
“Okay guys, let us start the entourage. The music will play in a minute so please cooperate…” Tuloy-tuloy na sabi nang organizer ng kasalang iyon.
Kita ko sa lahat ang mga ngiti nila. Nagagalak ang buong angkan sa gagawing pag-iisang dibdib. Nakakatuwa ang suportang ibinibigay nila. Napangiti ako.
Maya-maya pa ay nag-umpisa nang tumugtog ang musika na umaalingawngaw sa bawat sulok ng simbahan. Isa-isa na ring naglalakad ang mga tauhang gaganap sa kasalang iyon. Bakas ang kasiyahan sa mga mukha nang mga taong sumasaksi sa celebration na iyon lalo na ang aking mga magulang.
Unti-unti ko nang ginagalaw ang mga paa ko papunta sa taong naghihintay sa akin sa harapan. Ubod tamis itong nakangiti sa akin. Halos pumutok na ang ligayang nararamdaman ko sa aking dibdib. Kita ko naman ang pagsuporta nang mga kamag-anak ko dahil present sila sa okasyong iyon.
Natutuwa rin ako sa naging takbo nang buhay ni Red. Hindi ko akalain na ang isang matipuno at makisig na si Red ay iibig sa akin. Kung tutuusin, nakakapanghinayang lalo na sa part ng mga babae at nakakapanlumo sa mga kabadingan pero wala tayong magagawa dahil sa tumibok ang puso niya sa akin. Ngunit dati pa iyon dahil sa ngayon may iba nang nagmamay-ari sa kanya at maligaya ako dahil hindi ito malayo sa akin.
Sobrang sweet ng dalawa na bumabakas sa aura nila. Panay ang lambingan nila. Nang makita nilang nakatunghay ako sa kanila ay ngumiti ang mga ito sa akin at kumaway pa. Gumanti ako nang ngiti.
Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad hanggang sa tuluyan ko nang makatabi ang taong isinisigaw ng puso ko. Ginagap nito ang kamay ko at hinalikan. Hindi ko inalis ang pagkakahawak niyang iyon sa akin bagkus ay mas hinigpitan ko pa.
Inumpisahan na nang pari ang seremonya. Matama kaming nakikinig sa mga salitang namumutawi sa mga labi niya. Sunud-sunod na ang mga pangyayari hanggang sa marinig na namin ang matagal na naming hinihintay.
“I do.”
Naniniwala ako sa sinabi nang mga magulang ko sa akin. Hindi lahat ng bagay ay dapat madaliin. Kailangan munang masiguro na dadaan ito sa isang proseso para mas maging matibay ang pundasyon. Kung minadali ko ang lahat sa amin ni Rome maaaring noon pa lang ay hindi na kami nagtagal. Buti na lang at nakinig ako.
We will all fall in love for the right reasons, to the right person. When that time comes, that love will be worth the long wait, the tears and the pain. Right then we will forget we ever cried.
Ever since I was a child, I never felt na pinabayaan ako nila mama at papa. They were there kahit na nagbago ako. I also remembered how mama begs me to change. Kitang kita ko ang pain na lumarawan sa maamo nitong mukha but I refused to dahil hindi ganun kahirap i-let go ang nangyaring kahihiyan sa akin. Hindi sila bumitaw at umasa na minsan isang araw magbabago ako at babalik sa dati. That was the moment when Rome came. He loved me unconditionally in which I doubted at first.
Naghirap si Rome para makuha ang loob ko and when he finally succeeded nagtuloy-tuloy na. Funny thing here is hirap pa rin akong magpakita nang totoong saloobin ko. I decided to try him using the test of time. After four years, ganun pa rin siya, hindi nagbago. That’s the moment that I realized what kind of love he has on me. Sa totoo lang, natuwa ako nang sobra dahil bibihira ang nakakapaghintay ng ganun katagal, considering pa na lalaki siya.
Honestly, nahihiya na ako sa kanya kasi sa tinagal-tagal ba naman ng panahong pinaghintay ko siya hindi ko pa rin naipaparamdam sa kanya ang pagmamahal ko nang buo. Pinagsisihan ko iyon ngunit sa tingin ko ay tama lang na nangyari iyon. Dahil sa mga pangyayari sa pagitan namin, mas naputanayan kong hindi ko na kayang mabuhay ng wala si Rome sa tabi ko.
Rome saw me at my weakest and have me lifted through my strongest. Hindi niya ako sinuko kahit na noon sobrang babaw ng tingin nya sa akin. But beyond that, kahit anong pilit kong tanggi, still Rome will be Rome, the Rome who caught my heart, the Rome that whenever we are together made me feel that I was loved, the Rome who held my hand when I almost loose my grip.
Look at me now, I feel so blessed and contented having the man I truly love (not I even have to change my religion), the man who once got away but decided to come back and the man who loves me more than I love myself. He came unexpectedly at the wrong place at the wrong time. But he never stopped loving me until THE RIGHT TIME.
Maaga akong nagising ngayon agad akong bumababa at pumasok sa banyo. Napaka sarap ng pakiramdam ko isang taon na ang nakakalipas pero kami parin ni Ace. Kung hindi ako nag pursige na makuha sya malamang naagaw na sya sa akin ng mga taong lihim na may pagtingin sa kanya. ‘Buti nalang may pagkatanga ang asawa ko’. Napangiti ako sa kapilyohang pumasok sa isip ko.
“Rome anak bilisan mo baka ma late ka sa kasal nakakahiya sa mga byenan mo.” Pasigaw na sabi ni Daddy mula sa kusina.
“Malapit na ako matapos Deh!” sagot ko naman dito. Agad kong tinapos ang aking paliligo para makapag bihis. Si Daddy ang nag hanap ng masusuot ko para sa kasal. Slacks, Puting T-shirt para sa panloob at syempre di mawawala ang barong sa mga ganung okasyon.
“Ano ba yan bakit gusot na ang dami mo?” Si Mommy sabay lapit nito sa akin at tinulungan akong ayusin ang sarili ko.
“Hay naku mommy umandar na naman pagka-stage mother mo.” Sabi ko dito.
“Anak kelan nyo kami bibigyan ng apo ni Ace?” biglang tanong nito habang inaayos ang barong ko. Napangiti ako dahil halos sa araw-araw na lang ata na ginawa nang dyos ito ang lagi nyang sinasabi sa akin.
“Mommy, diba nasabi ko na sayo na napag usapan na namin yan ni Ace gusto nya na mula mismo sa dugo namin ang magiging anak namin. Wait mo lang kami ng konte mommy kakasimula ko palang sa trabaho ko nag aadjust pa ako.” sagot ko dito sabay halik sa pisngi nya.
“Promise nyo yan ah. Lagi na kasi ako kinukulit nitong Daddy mo.” Sabay punta nito sa cabinet ko para kunin ang pabangong binigay sa akin ni Daddy. Nakangiti lang si Daddy sa amin habang pinapanood kami.
“Ito gamitin mo para mas lalong ma inlove sayo ang asawa mo.” Ngiti lang at halik ang sinagot ko dito sabay bigay nang yakap.
“mommy salamat sa lahat ng suporta. Napakaswerte ko dahil kayo ang mga naging magulang ko.”
“You deserve to be happy anak. Oh sya tama na ang drama malalate na tayo.”
Agad naming tinahak ang daan papunta sa simbahan. Kita ko ang magandang sikat ng araw na parang sumasabay sa kasiyahan na mang yayari ngayon. A perfect day for a perfect wedding pabolong kong sabi.
Dumating kami sa simbahan na may excitement na nararamdaman. Agad lumapit si Ate Claire sa akin.
“Late nanaman ang asawa mo.” Bungad nitong sabi.
“Di kana na sanay doon ate.” Sagot ko dito na nakangiti.
“Nandyan na rin si Red kasama si Dorwin.”
“Sige po ate puntahan ko muna.”
Si Red ang taong kahit alam kong may relasyon na sila nang pinsan ni Ace kita ko parin sa mga mata nito ang lungkot kahit sa mga ngiti nya halata ko pa rin na hindi pa sya ganap na nakakapag move on. Dinig ko lahat ng pinag usapan nila ni Ace nung gabi ng birthday ni mommy. Doon ko napagtanto na tama ang hinala ko na may pagtingin talaga sya kay ace noon paman. Kaya ko inaya si Ace na magpunta ng Cebu at kaya ko rin hindi sila sinama. Pero kahit na ganun hindi ko magawang magalit sa kanya dahil alam kong inalagaan nya si Ace sa mga panahon na wala ako.
Alam kong selfish ang dating pero kita ko noon paman na may kakaiba nang pagtingin si Red sa kanya. Iyon din ang rason ko kung bakit nung muli kaming magkita ay minadali ko ang lahat. Naging mababaw ang tingin ko kay Ace noon hindi dahil kung ano sya, kung hindi dahil natatakot ako na mawala sya sa akin.
Mga ilang minuto pa ang nakalipas at dumating na ang aking pinakamamahal. Ang gwapo nito sa suot na barong bagay na bagay sa kanya. Agad syang sinalubong ni Ate Claire at sinita sa pagiging late.
Rinig kong nag salita ang organizer at sinimulan nang luminya ang mga abay at naglakad. Habang papalapit sa akin si Ace doon ko narealize how lucky I am to have him as my other half. Hindi importante ang tinatawag nilang normal relasyonship para sa akin. Ang importante ay masaya ka dahil kapiling mo ang taong mahal mo at minamahal ka kaya nga tayo nagmamahal diba para sumaya. Nangmakalapit ito sa akin, Agad kong gi-nap ang kamay nito at hinalikan na sinuklian naman nya nang mahigpit na hawak at ngiti.
“It’s NOT destiny that determines love. It is a CHOICE." Out so-called destiny is a lie. Relationships last long not because they're destined to last long. Relationships last long because two brave people made a choice - to keep it, to fight for it and to work for it.”
Yon ang mga salitang tumatak sa akin na sinabi ng pari. Napangiti ako tama ang sinabi ni father. Kung hindi ko pinanindigan ang nararamdaman ko kay ace, kung natakot akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko hindi ko mararamdaman saya na nararamdaman ko ngayon.
When the call for decision making arrives, it has to become a choice whether the decision made was right or wrong. Minsan mali ang nagiging desisyon natin pero kailangan tayong manindigan. Every wrong decisions made must be corrected. Even if it’s Favorable or the other way around on my part Im obliged to do it because that’s my way to satisfy and make him happy ganun ko sya kamahal. At the end of the day i can be contended, fulfilled, and c.omplete without any trace of regrets. And when you reach that point that’s the time that you can say it’s worth the risk and sacrifice. Ganun ang nararamdaman ko kay Ace I can feel the contentment sa relasyon namin ito na siguro ang tinawag nilang THE RIGHT TIME.
“Daniel Carlos De La Torre, do you take Elizabeth Natividad for your lawful wedded wife will you love, honour, comfort, and cherish her from this day forward, forsaking all others, keeping only unto her for as long as you both shall live?” Narinig kong pagpapatuloy nang pari.
“I do” Ang pareho naming hinihintay na sagot ni Ace. Napatingin ako kay Ace kita ko sa mukha nito ang sobrang kasiyahan para sa kuya Dan nya. Darating din ang araw na pareho naming sasambitin ang salating iyon sa isa’t isa.
“Sa susunod tayo naman ang ikakasal.” Bulong ko sa kanya na ginantihan nya nang matamis na ngiti.
END.