Powered by Blogger.

Search This Blog

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

MOST VALUABLE PLAYER Chapter 31

Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang pagbuhos ng aking kalungkutan. Sunod-sunod na busina ng sasakyan sa labas ang nakatawag pansin sa ...



Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang pagbuhos ng aking kalungkutan.



Sunod-sunod na busina ng sasakyan sa labas ang nakatawag pansin sa amin ni yaya. Parehas kaming napatayo mula sa pagkakaupo, tumingin sa isa't-isa.




“Mark silipin mo nga yun kung sino.” utos niya.




“Yah naman ikaw na. Birthday ko po ngayon.”




“Nako ikaw talagang bata ka.”




Agad naman naglakad si yaya papuntang pintuan para tignan kung sino yung nasa labas. Ako naman ay bumalik ulit sa pagkain.




“Mark may bisita ka.” natigilan ako sa pagsubo.




Kinabahan talaga ako ng marinig ko ang boses nayun ni yaya.




“Sino naman yun?” sabi ko sa isi-isip ko.




Nanlaki ang aking mga mata. Nakita kong papasok si Maggie kasama ni yaya. Naka fitted jeans at pink shirt, simple pero sobrang sexy.



Nakangiti siya habang nakatingin sa akin, naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. May dala syang balloons, iba't-ibang kulay.




Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari. Nagsimula na akong mag-isip ng kung ano-ano sa utak ko.




“Happy Birthday Mark.” mahinhin niyang sambit pagkatapos ay inabot niya ang kanyang dala-dala.




Hindi ko man lang nakuhang tumayo at parang napipi bigla. Kinuha ko naman ang kayang binibigay. Nilapitan nya ako at tinapik sa balikat.




“Mark. Uy.”




“Napadalaw ka.” nabubulol na naman ako sa kaba.




“Birthday mo diba.”




“Ah.”




Kinuha niya ang silya sa tabi ko at umupo, nakaharap sa akin.




Nakahalata naman agad si yaya kaya saglit niyang pinutol ang aming usapan upang magpaalam. Iniwan niya kaming dalawa para makapag-usap ng masinsinan.




“May pasok ka ngayon diba?” tanong ko.




“Pumasok ako kaninang umaga. Wala ka kaya umabsent ako para puntahan ka dito.”




“Salamat.”




“May regalo pa ako sayo.”




“Ano?”




“Baby.” sabay ngiti.




Muntik na akong mabulunan kahit wala naman akong kinakain.




“Ha?” gulat na gulat kong sambit.




“Ayaw mo ba?” nakangiti naman siya.




Napalunok nalang ako sa sobrang kaba.




“Mark ang cute mo.” pinisil niya ang aking pisngi, napapikit naman ako.




“Maggie.”




“Joke lang yun.”




“Ha?”




“Matagal ko ng alam Mark pero mas pinili ko na hindi agad sabihin sayo.”




“Bakit?”




Dinusog niya ang kanyang upuan at mas lumapit pa sa akin.




“Gusto ko kasi na ikaw mismo gagawa ng moves para alamin yun. Pero hindi ganon ang nangyari, hindi mo man lang ako dinamayan, sinamahan or kahit itext man lang.


Alam kong maahirap para sayo yun pero sana inisip mo na mahirap din yun para sa akin. Ikaw ang lalaki pero hindi mo pinangatawan yun Mark.”




“Sorry.” napayuko ako. Sapul na sapul ako sa sinabi niya.




“Haaaay Mark. Kung hindi ka lang kita ano eh kanina pa kita sinapak.”




“Anong ano?”




“Basta.”




Napangiti ako, ngiti hanggang langit. Bigla akong naging masaya, sobrang saya.




“Oy Mark twenty years old kana, hindi kana teenager ha. Ang laki mong damulag.”




Isang taon lang ang tanda sakin ni Maggie pero pakiramdam ko milya-milya ang agwat namin kung mag-isip. Siguro tama siya, dapat ko nang talikuran ang pagiging buhay bata, batang isip. Hehehe.




Saglit lang siya namalagi sa bahay. Kumain lang ng konti at nagpaalam na agad. Isang friendly kiss naman ang sukli ko sa kanya.





**********************************************************************************




Buong gabi lang ako nakaupo sa harap ng bahay, nakataas ang mga paa sa barendilaya. May pabugso-bugsong ulan parin pero hindi na ganon kalakas kumapara kanina. Pinagmamasdan ko ang bawat sasakyan na nagdaraan.




“Mark anak hindi ka pa ba papasok?”




“Yah mamaya napo. Nagpapahangin lang ako ng konti.” nakaharap parin ako sa labas, sa daan, sa mga nagdaraang mga sasakyan at si yaya naman ay nasa aking likuran, galing sa loob ng bahay.




“Napansin ko kasi na kanina ka pa jan nakaupo, kanina ka pa tingin ng tingin sa relos mo. May hinihintay ka pa ba?”




“Wala po.”




“Ah. Sige na anak, mauna na ako matulog. Happy Birthday ulit.”




Kumaway lang ako sa kanya, hindi ko na nakuhang lingunin pa siya.




Nanatili lang ako sa ganong posisyon ng ilan pang oras.




Alas onse na ng gabi nang magpasya akong pumasok sa loob para magpahinga.





***********************************************************************************




“Kaya pa?”




Napatigil ako sa pagod. Sobra ang hingal, parang gripo na pumapatak ang pawis ko. Tinignan ko siya, ganon din naman ang kanyang itsura, Halatang pagod na pagod din pero smiling face parin si loko.




“Oo naman.” hinahabol ko parin ang hininga ko.




Nilabas ko ang bola at ipinasa sa kanya, binalik niya sa akin at nagsimula ulit ang laban.



Ilang oras na kaming naglalaro ng basketball, one on one, halfcourt. Kung saan- saan kami nagpunta para lang humanap ng basketball court na hindi inulan.



After 2 hours na hanapan, nakakita din kami, yun nga lang sa Bulacan, may kalayuan sa aming bayan.




Fifteen minutes before twelve, bago matapos ang aking kaarawan, dumating si Kevin sa bahay.



Todo porma si loko na parang aakyat ng ligaw. Naka long sleeve pa sya pero casual style. May dalang cake, black forest at ang walang kamatayang Jollibee, four orders ng B3.




“Oh Mark walang iyakan ha. Talo ka na naman.”




Ang ngiting yun, ang killer smile ni Kevin Huget, ang lakas ng dating. Namiss ko talaga siya, sobra.




“Pinagbigyan lang kita.”




“Sus. Hanep ka nga mandaya eh. Tssssk.”




“Loko. Daya ka jan. yun ang tinatawag na matalinong paglalaro.”




“Ah kaya pala... kaya pala natalo ka... natalo ka ng tatlong beses. Tsssk.”




Sa tatlong set na game, ni-isa wala akong naipanalo sa kanya. Badtrip!




Inabot na kami ng umaga sa paglalaro ng basketball. Wala naman pasok kaya okey lang.





**********************************************************************************





Ang tagal ko siyang pinagmamasdan. Kahit na araw-araw, minu-minuto, kahit bawat sandali, hindi ako magsasawang titigan ang maamo at maganda niyang mukha.




Nakaupo lang ako sa kama, katabi niya. Kahit na sobrang pagod, hindi ko parin magawang matulog, gusto ko sya titigan ng buong maghapon.



Nararamdaman ko ang kanyang hininga dahil sa lapit namin sa isa't-isa, mabigat, mabilis pero ang tamis parin ng itsura niya.




“Salamat Kevin sa lahat. Hindi ko man nasasabi sayo to madalas o kahit ni-minsan hindi, ngayon sigurado na ako sa sarili ko, sigurado na ako sa nararamdaman ko, mahal kita, mahal na mahal kita.”




Tulog man siya pero alam kong naririnig yun ng puso niya.





**********************************************************************************





Alas kwatro na ng hapon ng gisingin ko si Kevin. Ayaw pa niya bumangon. Hinatak-hatak ko pa siya para lamang magising.




“Ano ba yan Kevin. Grabe ka naman matulog.”




Nakaupo na siya sa kama pero hindi parin bumubukas ang kanyang mga mata. Naaalimpungatan yata.




“Maligo ka na para makakain na tayo.”




Ilang beses niya kinuskos ang kanyang mga mata bago dumilat, hihikab-hikab.




“Matulog pa tayo Mark.” hinawakan niya ang aking kamay.




“Mahiya ka naman Kevin. Alas kwatro na ng hapon.”




Ayun nakita ko na ang kanyang ngiti, nagpapacute na si loko.




Hinila ko na siya sa banyo para maligo.




“Hoy Kevin bumaba kana after mo maligo. Kakain na tayo. Hinanda ko narin yung mga bihisan mo jan.”




Bumaba na ako para ihanda ang mesa.




After thirty minutes bumaba narin siya, Gulo-gulo ang buhok, nakanguso, naniningkit ang mga mata pero ang gwapo.




“Mark kapag yan hindi masarap sige ka.”




“Loko ka. Hindi ako nakatulog para lang ipagluto ka.”




“Awwwww. Sorry sorry. Ano ba kasi niluto mo at kailangan mo pang hindi matulog?”






“Adobo.”






Agad siya lumapit sa akin. Nagulat nalang ako ng biglang yumakap si loko.







































“Uy loko ka nakatingin sa atin si yaya.” bulong ko sa kanya.
Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: MOST VALUABLE PLAYER Chapter 31
MOST VALUABLE PLAYER Chapter 31
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEijWowBAOz2CfV0c5LKi8w8I-TE-f1tQ80fsFF_zayTAnK1xCB5Cf1VAotOr-BET_CT03ubJVV-duHWoXBO8Vs9MnZCnOMpsi9M6HWcrAhlXTsMlmfsrLup4-lcN5hDBfaWosYWHNzmKOo/s1600/mvp10.JPG
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEijWowBAOz2CfV0c5LKi8w8I-TE-f1tQ80fsFF_zayTAnK1xCB5Cf1VAotOr-BET_CT03ubJVV-duHWoXBO8Vs9MnZCnOMpsi9M6HWcrAhlXTsMlmfsrLup4-lcN5hDBfaWosYWHNzmKOo/s72-c/mvp10.JPG
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/01/most-valuable-player-chapter-31.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/01/most-valuable-player-chapter-31.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content