"Cris" Bumalik ulit ako sa higaan. Gusto ko pa sana matulog pero naputol yun dahil sa isang malakas na katok. Tumayo agad ako pa...
"Cris"
Bumalik ulit ako sa higaan. Gusto ko pa sana matulog pero naputol yun dahil sa isang
malakas na katok. Tumayo agad ako para buksan ang pinto. Si Cris pala.
"Breakfast na." sabi niya.
"Gisingin ko lang si Kevin. Sunod na kami agad."
Isang matipid na ngiti lang ang sagot niya. Umalis din agad siya para bumaba.
Pagkatapos ng breakfast, nagsimula na kaming gumayak para sa aming kanya-kanyang
lakad. Sila tita, diretso sa work. Sila kuya Alex sa Laguna naman ang byahe para umuwi.
Si Cris may lakad daw, hindi nga lang namin alam kung saan. Kami naman ni Kevin,
gagala sa Metro maghapon. Ilang hindi ko pa napupuntahang lugar sa Manila ang aming pinuntahan.
Para akong turista na namamasyal sa sariling bayan. Buti nalang may kasama akong tour guide, si Kevin.
Sa MOA na kami nagkita-kita nila tita, dun na kami kumain at pagkatapos ay tuloy na
kami sa CCP para sa isang pagtatanghal. First time kong manunuod ng musical, hindi ko
man hilig ang ganung palabas, excited parin ako. Wala lang. Maiba lang.
* * *
Ginising ako ng isang kalabit, mula yun kay Huget.
“Naman. Mark, wag ka matulog.”
Tumingin ako sa paligid. Gumala ang aking paningin 360 degrees.
Dumiretso ako ng upo, tumingin sa entablado. “Bravo... Bravo...” pumalakpak ako ng
malakas, sunod-sunod. Biglang nagtingan sa akin ang mga tao sa paligid, nabigla, mukang nagtataka lahat.
Inakbayan ako ni Kevin. Pasimple niya akong sinipa ng mahina sa paa. Nakalog ata ang
utak ko. Nagising ata ang diwa ko. Takte naalimpungatan lang pala ako! Tumingin sa akin si Kevin, natatawa, hindi alam ang gagawin sa pagpipigil.
Umupo ako ng tuwid. Kinuskos ko ang mga mata. Inayos ko ang aking kwelyo. Pu-ta
nakakahiya.
“Mark, pilitin mo. Wag ka mag-alala malapit natong matapos.” bulong ni Huget sa akin.
Hindi parin mawala ang ngiti sa kanyang mukha. Sabi ko na nga ba eh. Gagawa at gagawa ako ng eksena. Anak ng tinapa!
* * *
Malalim na ang gabi ng matapaos ang palabas. Sa wakas.
“Nagustuhan mo ba Mark?”
“Yes tita. Sobrang ganda po. Wala akong masabi.”
Patago akong kinalabit ni Kevin. Minulagatan ng mata. “Loko ka Mark. Pano mo naman
nasabi na nagustuhan mo eh ilang beses kang nakatulog.” bulong niya sa akin.
Hindi ko nalang siya pinansin. Umiling siya. “Iba ka talaga Mark. Wala akong masabi sayo.” bulong ulit niya sabay ngisi ni loko.
Sila tita, nakatingin lang sa amin. Nagtataka marahil.
* * *
“Mark, samahan mo nalang si Cris sa bahay ha?”
Tumango ako. “Oo sige.”
“Baka bukas na ako makabalik. Baka kasi umagahin na kami sa daan.”
“No prob. Ingat nalang kayo sa byahe.”
Nasira kasi yung sasakyan nila tita kaya iniwan nalang nila yun sa isang shop para
ipagawa. Ihahatid sila ni Kevin sa Pampanga. Kinakailangan daw kasi nilang sumagsag
para umuwi dahil may hinahabol ang mga ito na mga ilang mahahalagang bagay sa
probinsya kinabukasan.
Hindi na kami nagpahatid kay Kevin. Sumakay nalang kami ng taxi para tuloy-tuloy na
sila sa kanilang mahabang byahe. Dumaan muna kami ni Cris sa isang coffee shop
malapit sa bahay.
Hindi parin siya masyadong makwento. Kung ano ang dinaldal at kulit
ni Kevin siya namang tahimik ng kanyang nakababatang kapatid. Ako lagi ang
bumabangka sa usapan.
Nakarami narin ako ng kung ano-anong kwento, naubos na ang kape at tsokolate, wala parin silbi.
“Ikaw naman magkwento. Inaantok nako. Hindi ka naman sana pipi kasi nagsasalita ka
kahit papano.
Ano problema mo?”
Natakot ata sa sinabi ko.
“Joke lang yun brad.” dagdag ko.
Natawa naman siya. Napilitang magsalita ng kahit ano nalang.”
“Sabi ni brader, magaling ka daw sa basketball.”
“Sakto lang. Tara bola tayo minsan?”
“Baka kawawain mo lang ako sa loob ng court.”
“Engot lang ako. Hindi ako kasing galing ng kuya mo.”
“MVP Mark Lopez III.”
“Hahaha. Most Vovo Player yun.”
“Parehas pala kayong uto ng kuya ko. Kaya pala hindi kayo mapaghiwalay.”
“Gago. Hindi ah. Nahawa lang ako sa kuya mo.”
“Ganon sana.”
“Hindi pala kayo magkamuka ni Kevin.”
“Mas gwapo ako sa kanya?”
“Hindi. Mas gwapo kuya mo.”
“Ka-sweet mo naman. Nakuha mo pang magsinungaling para sa kanya.” sabi niya sabay
tawa.
“Loko.”
“Ang cute niyo nga tignan eh. Para kayong magsyota.”
Napangiti nalang ako. Gago rin pala 'to sa loob-loob ko. Iniliko ko nalang sa ibang daan ang usapan.
“Nasan na kaya sila ngayon?” tanong ko para maiba lang.
“Oh namiss mo na agad. Kakahiwalay niyo palang kanina ah.”
“Patay don.”
“Hahaha. Sorry.”
“Uto karin pala. Akala ko Emo ka.”
“Emo? Hindi na uso yun.”
“Marami ka daw chicks sa school sabi ng kuya mo.”
“Torpedo nga ako eh.”
“Jamming amp.”
“Brader.”
“Oh. Bakit?”
“Pansin ko, laging masaya si Kevin.”
“Dagdagan mo naman ng kuya... kuya Kevin naman.”
“Oo. Hindi kasi siya ganon dati... si kuya Kevin.”
“Hindi kita naiintindihan.”
“Basta wag mo iwan ang kuya ko.”
“Ano ba sinasabi mo?”
“Basta.”
“Brader, lakarin nalang natin pauwi sa bahay.”
“Maganda yun para pag dating sa bahay, knock out agad.”
“Oo nga.”
“Kumusta girlfriend mo?”
“Wala eh.”
“Wala?”
“Kabe-break lang.'
“Ah. I see.”
“Ikaw?”
“Sino sa kanila?”
“Hahaha.”