Mag-uumaga na pero dilat na dilat parin ang aking isipan, naguguluhan sa hindi maipaliwanag na ewan. Nagkukunwari ang aking mga mata na na...
Mag-uumaga na pero dilat na dilat parin ang aking isipan, naguguluhan sa hindi maipaliwanag na ewan.
Nagkukunwari ang aking mga mata na nakapikit, natutulog pero buhay na buhay parin ang diwa kakaisip sa kanya.
Panay ang aking biling sa kaliwa, sa kanan, sa kaliwa, sa kanan, hindi ako mapakali.
Umibig na ako ng maraming beses pero bakit ngayon ko lang ito naramdaman.
************************************************************************************
Maghapon ko siya iniwasan. Hindi ako sumabay sa kanya sa pagpasok. Nagdahilan ako para hindi ko siya makasama sa lunch break at madalas wala akong reply sa mga text niya.
“Kevin mauna ka na umuwi. May gagawin pa kasi ako mamaya.”
“Hintayin na kita.”
“Wag na.”
Hindi na siya nag-reply.
Tumambay lang ako sa harap ng building namin pagkatapos ng huling klase. Nakipag-kwentuhan sa ilang mga kaibigan.
Pagpatak ng alas singko ng hapon ay nagpaalam na ako sa grupo para abangan ang paglabas ni Maggie sa klase niya.
Dumaan muna ako sa banyo, naghilamos, humarap sa salamin “Mark kaya mo yan” tapos ay huminga ng malalim, palagay ko ayos na ako.
Maraming kasama si Maggie nang lumabas ng classroom kaya nagdalawang isip akong lapitan siya. Hinayaan ko muna syang maglakad kasama nila.
Buti nalang habang papalayo ay unit-unting nalalagas ang ilan sa mga kasama niya. Ako naman ay naglalakad din kasunod nila, maingat para hindi niya mahalata.
Huminto sila ng ilang saglit na parang may pinag-uusapan hanggang sa maiwan nalang si Maggie mag-isa kaya agad ko na siyang nilapitan.
“Maggie pwede ba tayong mag-usap?”
Tinalikuran niya ako at ambang hahakbang papalayo kaya hinawakan ko ang kanyang kamay.
“Maggie sorry na.”
Wala naman akong naramdaman na resistance mula sa kanya kaya hindi ko sya binitawan. May ilan sa paligid na nagtinginan sa amin pero hindi ko yun pinansin, siya deadma lang din.
“Maggie ahhhh...” “Sana mapatawad moko...”
Napansin ko na papalapit yung dalawa niyang kaibigan sa amin, yung dalawa na kasama niya kanina. Binitawan ko siya. Dumistansya ako ng ilang hakbang sa kanya.
Tinitigan ako ng isa nyang kaibigan habang ang isa naman ay nakangiti.
“Hi Mark.” bati ng isa, yung nakangiti.
“Hello.” gumanti ako ng ngiti. “Pwede ko ba hiramin saglit si Maggie? May sasabihin lang ako.”
“Tanungin mo siya kung gusto niya. Wag ka samin magpaalam.” sagot ng isa. May pagka-mataray ang dating ng kanyang tingin kaya mas lalo akong nahiya.
Tinignan nila si Maggie at tumango naman yun sa kanila kaya agad silang nagpaalam sa amin.
“Maggie sa lobby lang kami ha. Text ka lang.” paalam ng isa. Ilang sandali pa ay tumalikod na ang mga ito palayo sa amin.
“Upo tayo.” anyaya ko sa kanya.
Tumango lang ulit sya kaya pinangunahan ko na ang paglalakad papunta sa di-kalayuang parke sa school, malapit sa building nila Kevin.
Nahalata niya siguro na nahihirapan akong magsalita kaya siya na ang unang nagsimula.
“Naduwag ka ata Mr. Lopez.” tumaas ang kanyang kanang kilay kaya mas lalo akong kinabahan.
“Maggie sorry.” nabubulol pa ako habang nagsasalita.
“Puro sorry nalang ba ang sasabihin mo?” seryoso parin ang kanyang tono.
“Hindi ko sinasadya na iwanan ka nung mga oras na...” hindi pa ako natatapos nang bigla syang magsalita.
“Paano kung magbunga ang ating mga ginawa?” nakatitig parin siya sa akin. Seryoso ang kanyang mukha.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya.
“Pananagutan mo ba ako?”
Yumuko ako, pilit kong tinago ang aking mukha dahil gusto ko nang kumawala sa usapang yun. Hindi ko kayang pag-usapan ang mga ganong bagay, sa ngayon.
“Ano Mark naduduwag ka na naman?” hinawakan niya ako sa mukha at itinaas yun, tinitigan niya ako ng diretso sa mata, seryoso parin.
“Sumagot ka.” dagdag niya.
Nakita ko mula sa kinauupuan namin ang sasakyan ni Kevin. Nakaharap kasi ako sa direksyon niya habang si Maggie naman ay nakatalikod, nakaharap sa akin.
Nakaparada sa harap ng isang building, naharap din sa amin mula sa kabilang side. May kalayuan yun pero sigurado akong sa kanya yung sasakyan.
Tinted yung salamin nun pero alam kong nasa loob si Kevin. Wala naman kasi yun kanina. Maaari din na nakikita niya kami mula sa kinalalagyan niya, baka, siguro.
Binitawan ni Maggie ang pagkakahawak sa aking mukha kaya naputol ang tingin ko sa kotse ni Kevin. Tinitigan ko si Maggie mata sa mata. Kahit kabado ay buong tapang akong nagsalita.
“Bakit mo naman nasasabi ang mga bagay na yan?”
“May mga bagay kasi ako na nararamdan lately. Hindi ko maipaliwanag.”
“Naging maingat naman ako.”
“Alam ko ang sarili ko Mark.”
Hindi na ako ulit nakapagsalita pa. Kung kanina ay kaba ang aking nararamdaman, ngayon takot na, sobrang takot na hindi ko maipaliwanag. Nagsimulang manginig ang aking binti, natatakot ako.
Tumayo siya at tumalikod. Naglakad ng papalayo sa akin habang ako ay nanatiling nakaupo.
Malilit lang kanyang paghakbang kaya matagal ko siyang pinagmamasdan habang papalayo hanggang sa mawala sa aking paningin.
Tumingin muli ako sa direksyon kung saan ko nakita ang kotse ni Kevin pero wala na yun, ibang sasakyan na ang nakaparada sa lugar kung saan ko siya nakita.
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad-lakad. Pilit kong binubura sa aking isipan ang mga sinabi ni Maggie kanina.
Dumating ako sa bahay, para parin akong lutang. Sinalubong ako ni yaya pero hindi ko man lang pinansin. Ilang ulit din niya ako pinuntuhan sa kwarto para ayaing kumain pero mas pinili ko munang makapag-isa.
Init na init ako kahit na hindi naman maalinsangan. Marahil ay dahil sa hindi ako mapakali, kakaisip. Naghubad ako at humiga. Para akong nasa isang maliit na kahon na nakakulong, hindi magawang makawala.
Tumayo muli ako at dumiretso sa banyo. Ibinukas ko ng todo ang shower at tumapat sa ilalim. Binasa ko ang buo kong katawan. Umupo ako sa sahig, nasa ilalim parin ng shower, patuloy na pumapatak ang tubig, malamig, sobrang lamig. Umiyak ako, umiyak ako ng umiyak.
***********************************************************************************
Beep. Beep.
“Mark.”
“Nasa klase ako.”
“Musta?”
“Ang kulit mo nasa klase nga ako.”
After ng last subject ko, I texted him.
“Saan ka?”
“Dito sa tapat ng building namin.”
“Punta ako jan.”
“Sige.”
Nakita ko siya nakaupo sa gilid, tabi ng isang malaking puno kasama ang ilang mga kaibigan niya, mukha naman masaya dahil nagtatawanan ang mga ito kaya hindi ko na sila nilapitan pa. Umuwi na akong mag-isa kahit na maaga pa. Hindi na ako sumabay kay Kevin.
“Saan kana?”
“Umuwi na.”
“Ha? Hinihintay kita kanina pa.”
“Masama kasi pakiramdam ko.”
“Edi sana sinabi mo para hinatid na kita.”
“Salamat nalang.”
Nagkulong ako sa kwarto buong gabi. Sinamahan naman ako ng ipod ko kaya hindi ko namalayan ang oras. Lumipas ang magdamag ng mabilis.
Kinabukasan ay dinaanan ulit ako ni Kevin. Kahit na alas diyes pa ang pasok niya ay maaga siyang pumunta ng bahay para ako ay ihatid. Alas otso kasi ang pasok ko. Tahimik lang kami mula sa bahay hanggang sa pagsakay sa kotse.
“Okey ka lang?” tanong niya habang nagda-drive. Pansin ko na kanina pa siya nagnanakaw ng tingin, nag-aalala sa akin, baka, siguro.
“Yes.”
“Parang hindi naman.”
“Sorry ha.”
“Para saan?”
“Basta.”
“Yung sa Manila bay ba ang dahilan?”
“Ha?”
“Napansin ko kasi, after ng Manila Bay bigla kang lumayo.”
“Hindi.”
“Nahihirapan ka ba?”
“Saan?”
“Sa atin.”
“Oo. Lumayo muna tayo sa isa't-isa. Siguro.”
“Ganon ba.” lumingon siya sa akin at ngumiti. Kakaiba ang yun kumpara sa ngiting Kevin Huget.
“Humanap ka ng iba, ng babae na magpapasaya sayo, ng higit sa akin.”
Hindi na sya sumagot o tumingin man lang.
Maaga pa para sa unang subject ko at lalong mas maaga pa sa kanya. Ang aga kasi niyang pumunta ng bahay. Siya na ang gumising sa akin para gumayak.
“Jollibee tayo? Libre ko.” aya ko sa kanya.
“Hindi na. Baka ma-late ka pa.”
“Maaga pa.”
“Gumawa ka ng mga assignment mo ha.”
Tumango ako.
“Wag puro absent at cutting classes.”
Tumango nalang ulit ako.
“Salamat sayo Mark.” tinignan niya ako ulit. Nag-iba ang kanyang mga mata. Alam kong malalim ang kahulugan ng kanyang kakaibang tingin sa akin.
“Tara Jollibee tayo.” aya ko ulit sa kanya.
Ngumiti siya, kakaibangg ngiti na hindi gaya ng dati.
Breakfast meal ang inorder namin. Kung dati tig-dalawang order kami, nagyon tig-isa nalang, hindi pa namin maubos-ubos.
“Mamimiss ko to.” mahina niyang sambit habang kumakain.
Hindi na ako kumibo. Matagal bago naubos ang pagkain. Male-late lang siguro ako ng ten minutes sa klase pero okey lang naman yun. Hindi rin naman siguro mag-uumpisa si Ma'am ng on time.
“Salamat.” sabi ko sa kanya habang sinusuot ko ang aking bag. Nakaparada na kami sa parking lot ng school.
“Ingat ka Mark.”
“Saan ka pupunta niyan? Maaga pa para sa pasok mo.”
“Basta. Bahala na. Sige na bumaba kana baka mahuli ka pa..” ngumiti ulit siya.
Habang pababa ako ng sasakyan niya, napansin ko ang kanyang kanang braso. Nakasuot ang bracelet na bigay ko. Napansin niya yun kaya nginitian niya ako.
Hindi ko napigilan ang aking sarili, hinalikan ko siya sa pisngi, sa labi, matagal.
Pumatak ang aking luha at yun ang naging hudyat upang itigil na ang kung ano man ang meron sa amin. Lumayo ako. Nakita ko siya na nakapikit parin.
Bumaba na ako at sinarado ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko ng nagawang magpaalam. Bumusina siya ng mahina habang ako ay naglalakad na papalayo sa kanya.
Itinaas ko nalang ang kanang kamay ko at hindi na muling lumingon pa.
Ngayon mag-isa na ulit akong maglalakad sa buhay na aking tinatahak.
Sana makayanan ko ang lahat.
Hindi ko alam ang buhay na naghihintay sa akin pero haharapin ko yun ng buong tapang kahit na maging anu pa ang kahahantungan.....