Powered by Blogger.

Search This Blog

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

MOST VALUABLE PLAYER Part 25

Rewind... Baguio City... “Mark.” bulong niya. Hinalikan niya ulit ako. Magkayakap kami. “Mahal na mahal kita Mark.” ...



Rewind...



Baguio City...


“Mark.” bulong niya. Hinalikan niya ulit ako.


Magkayakap kami.



“Mahal na mahal kita Mark.”



Hindi ako sumagot. Hinalikan ko ulit sya, ang tagal. Ang tamis ng kanyang mga labi.




---ang nawawalang eksena---




Hinila ko ang kanyang sinturon at dumulas agad ang kanyang pantalon pababa. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at itinalikod, niyakap ulit ng sobrang higpit.


Hinayaan kong gumala ang kanyang mga kamay sa buo kong katawan. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, narating ko ang langit at palagay ko lumagpas pa ako dun.


“Mark nilalamig ako.”


Niyakap ko ulit siya ng mahigpit.



“I love you Kevin.” bulong ko.



Ito ang unang pagkakataon na nasabi ko yun sa isang lalaki nang totoo, walang halong biro.



Nauna akong lumabas ng banyo, basang-basa akong pumasok sa kwarto. Mabilis kong hinanda ang towel para ibigay sa kanya.



Magkatabi kami sa kama buong gabi.



Buong gabi din akong hindi pinatulog ng aking isipan. “Tama ba ang aming ginawa?”,


“Bakit ganon?”, “Bakit nararamdaman ko ang mga bagay nato?”, “Sino ako?”


“Sino ba talaga ako?” , “Bakit?” mga katanungan na hindi ko mahanapan ng kasagutan.




_________________________________________________________________________________



Araw-araw kong hinanap ang sarili ko sa iba. Pinilit kong balansehin ang buhay ko sa pamamagitan ng mas pakikihalobilo sa ibang tao.


Humanap ako ng ibang tao na lagi kong makakasama, makakausap maliban kay Kevin.


Nahanap ko naman yun sa katauhan ni Maggie. Naging close kami pero bakit ganon, mas masaya parin akong kasama si Kevin. Hinanap ko si Mariel kay Maggie pero bakit kay Kevin ko yun natagpuan?





**************************************************************************


Rewind...




Ilang saglit pa ay umupo kami sa isang tabi, hindi kalayuan sa poste ng ilaw. Nung una medyo naiilang pa kaming magsalita pero siya na ang bumasag ng katahimikan ng panimulang


“Sige ilabas mo yan, makikinig ako.” Nabubulol pa ako sa kaba nung simula pero nagawa ko naman ikwento ang lahat ng nangyari. Niyakap niya ako, tinapik sa balikat.



“Hindi parin sapat yan Mark para gawin mo yun pero pinapatawad na kita.”



“Salamat Maggie. Sorry ulit.”




---ang nawawalang eksena---



“Mark gabi na. Paalam ko kasi sa bahay, pupunta ako sa classmate ko, kapag ginabi na ako ng uwi, dun nalang ako sa bahay nila matutulog.”



“So paano ka ngayon?”



“Pwede ba sa bahay niyo nalang ako makitulog?”



“Ha?”



“Okey lang sayo?”



Hindi ko alam ang isasagot ko. Naisip ko bigla si yaya, baka kung ano isipin non sa akin kapag nag-uwi ako sa bahay ng babae.



“Mags wala ka bang kaibigan na puwede mong tuluyan?”



“Wala akong kilalang malapit dito.”



“Ah ganon ba? Gusto mo ihatid nalang kita sa inyo?”



“Mark gabi na saka sabi ko sa classmate ko ako makikitulog.”



“Mags okey lang sayo, hotel na lang kasi baka...” nahihiya ako.



“Okey lang Mark.”



Dala niya ang kanyang sasakyan at dala ko naman ang aking motor. Ako ang nauna sa daan at nakasunod naman siya.


Nakakita naman ako agad ng isang hindi kalakihan pero maayos na matutuluyan, tutal ilang oras lang naman kami dun magi-stay kaya pwede na. Tinanong ko naman muna siya kung okey lang sa kanya ang place, sumang-ayon naman agad siya.



Sa buong gabi nayun, hindi parin naibsan ang aking kalungkutan. Iniisip ko parin si Mariel pero unti-unti ko nang natatanggap ang lahat.


Mapanukso ang gabi kasama si Maggie. Ginawa ko ang lahat upang maging tapat pero hindi ko napigilan ang aking sarili.



Maraming nangyari sa apat na sulok ng kwartong yun, sa loob ng magdamag kasama si Maggie. Sobrang init ng mga tagpo, ang init, nakakapaso.



Pero bakit ganon hindi ako ganon kasaya?


Ang sakit ng puson ko. Nanghihina pa ako pero pinilit kong bumangon... …


Masarap parin ang tulog ni Maggie. Magkatabi kami sa higaan. Tinitigan ko siya ng matagal, naalala ko si Mariel, si Kevin.

Nagi-guilty ako sa mga nangyari. Naging marupok ako, nahihiya ako sa sarili ko. Pinagpalit ko lang sila ng ganun-ganon lang.


Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Naligo ako ng naligo, ilang beses kong sinabon ang buo kong katawan. Nandidiri ako sa mga ginawa ko.


Nagbihis na agad ako at umalis. Iniwan ko si Maggie sa motel ng walang paalam.




______________________________________________________________________________




Present...




Naka-upo lang ako sa loob ng balwarte ni Jollibee, dala-dala ang tinake-out ko, hinihintay ang reply ni Kevin. Lumipas ang ilang minuto pero wala parin siyang sagot kaya minabuti ko na siyang tawagan.


“The network you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later.”



Nag-stay parin ako sa loob, nakaupo mag-isa. Naghintay parin, nagbabaka sakali na mag-reply parin sya.


Beep. Beep.



Excited ako na tignan kung sino ang nagtext. Hindi si Kevin kundi si yaya.


”Bakit kaya?” tanong ko sa sarili ko. Madalang lang kasi magtext si yaya at pag nagtext yun talaga buong-buo ang mga words, CAPITAL letters lahat. Narito ang actual text messages from yaya.



“Mark sn k? Uwi ka d2 haws now. Important.”



“Why yah?”



“Basta uwi kna. Wait kita. Ge bye.”



Ano kaya problema nun? Naghintay pa ako ng ilang saglit at nang halos isang oras na akong naka-upo at parang tangang naghihintay sa wala, nagdecide na akong umuwi. Ibibigay ko nalang kay yaya yung tinake-out ko.



Hindi agad ako makapasok sa bahay dahil sinusubukan kong pakiramdaman ang paligid. Mukhang normal naman, parang dati lang kaya pumasok na ako. Nakita ko si yaya sa kitchen, inaayos ang lamesa. Mukhang okey naman, nakangiti pa nga eh.



“Yah bakit po?”



“Oh Mark kanina ka pa namin hinihintay.”



“Namin?” pagtataka kong tanong. Nakita ko ang ayos ng lamesa, pang tatlong tao ang nakahanda sa hapag kainan.



“Basta” maikli niyang sagot.



“Yah dalawa lang tayo dito sa bahay. Bakit tatlo yung plato mo?”



“Ay oo nga pala. Yaan mo na yan jan. ililigpit ko nalang mamaya pagkatapos natin kumain.”



“Yah eto pala oh Jollibee para sayo.”



“Salamat anak. Bakit ang dami ata nato?” tuwang-tuwa siya.



Hindi ko na sinagot ang tanong niya. “Yah panik lang po ako sa taas saglit.”



“Wag na Mark, umupo ka na jan. kakain na tayo.”



Nakakahiya naman sa kanya, naghanda siya ng dinner para samin tapos dededmahin ko lang. Kahit hindi pa ako nagugutom, umupo na agad ako.

Nagsandok na ng kanin si yaya, may juice at softdrinks pa at ang aming ulam, ADOBO.



“Yah lumulutang sa mantika adobo mo.” puna ko.



“Diba favorite mo yan?”



“Ha. Hindi ah. Si Kevin ang may favorite niyan.”



Biglang ngumiti si yaya kaya mas lalo pa akong nagtaka. Umupo narin siya sa harap, handa na kaming kumain.



Nagulat ako ng biglang may magtakip ng aking mga mata. Nanggaling yun sa likuran ko kaya hindi ko agad napansin. Ang laki ng kamay, nagawa nun na takpan ang halos buo kong mukha. Gawin bang bola ang ulo ko.



“Sino ba to?” naiirita kong tanong.



“Hulaan mo.” ang laki ng boses niya.



Bwiset gawin pa akong manghuhula. Pinilit kong alisin ang kanyang kamay pero ang lakas niya. Wa epek ang ginawa ko.



“Ayokong makipagbiruan.”



“Wala ka naman pala eh. Ang bilis mo sumuko.” nagbago ang boses niya, ngayon ay pamilyar na.





Bumitaw siya. “Putek parang nadurog ang aking mukha.” sabi ko.





“OA mo Mark.” umupo siya sa tabi ko. Para sa kanya pala ang plato na hinanda ni yaya. Kinuskos ko ang aking mga mata at ibinaling ang tingin sa kanya.










Takte si Kevin pala!









At naka school uniform pa ang loko...
Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: MOST VALUABLE PLAYER Part 25
MOST VALUABLE PLAYER Part 25
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiqgUPQnVZ0d7zfMZCngE_G3pk7QVuLCyCO724Ae_Yf5h6dXn-9E7fj6RpgLNl_xxBHUhy2r2c_FP3dXGWn_A4ZrTlhgK-zTPmHMpAkSONH2q8ul7WbXj7OjyCuPn1p1qSqHYuGS4h9rhU/s320/mvp10.JPG
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiqgUPQnVZ0d7zfMZCngE_G3pk7QVuLCyCO724Ae_Yf5h6dXn-9E7fj6RpgLNl_xxBHUhy2r2c_FP3dXGWn_A4ZrTlhgK-zTPmHMpAkSONH2q8ul7WbXj7OjyCuPn1p1qSqHYuGS4h9rhU/s72-c/mvp10.JPG
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/01/most-valuable-player-part-25.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/01/most-valuable-player-part-25.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content