Powered by Blogger.

Search This Blog

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

MOST VALUABLE PLAYER Chapter 39

"Jersey number 19 Lopez este Huget!" “Umiiyak ka ba? “Hindi ah.” “Sus umiiyak ka eh.” “Hindi nga. Kulit mo.” “Tatanggi ka pa. Eh...


"Jersey number 19 Lopez este Huget!"






“Umiiyak ka ba?


“Hindi ah.”


“Sus umiiyak ka eh.”


“Hindi nga. Kulit mo.”


“Tatanggi ka pa. Eh basang-basa na ng luha mo ang likod ko.”


“Napuwing lang ako.”


“Ngek.”



Kumawala na ako sa pagkakayakap sa kanya. Agad kong pinunasan ang luha na sinasabi
niya. Siya naman ay hindi mapakali kakangisi. Ang sarap lang tadjakan.


Hindi na kami lumabas para mag Jollibee. Hindi ko narin siya pinauwi sa bahay nila dahil malalim na ang gabi.



“Kevin ano oras uwian mo bukas?


“Five.”


“Ah.”


“Bakit?”


“Puntahan kita sa klase mo ng alas tres.”


“Bakit nga?”


“Wag kana maraming tanong. Basta ihanda mo nalang sarili mo.”


“Para ka naman bugaw niyan. Hahaha.”


“Basta dadaanan kita bago mag-alas tres.”


“May pasok pa nga ako nun kakulit.”


“Lakasan mo nalang loob mo. Hahaha.”


“Bahala ka na nga bata ka. Kakulit mo.”


“Gisingin mo nga pala ako bukas.”


“Ako?”


“Yep. Gisingin moko ng alas otso.”


“Bakit ako? Wala ka bang alarm clock?”


“Eh baka kasi hindi ako magising ng simpleng alarm lang.”


“Kaya ako ang magsasakripisyo para sayo? Ganon?”


“Sige na. Diba may kasunduan tayo kanina sa spin the bottle. Imbes na buong linggo kita uutusan, isang beses nalang. Bukas lang.”


“O sige. Nakakahiya naman sayo.”


“Salamat.”


Tinitigan niya ako. Nginitian ko naman siya. Ilang sandali pa ay ngumiti narin siya.


“Diba ten yung klase mo? Parehas tayo.” tanong niya.


“May mahalaga lang akong gagawin sa school.”


“Sus.”


“Ano sabi mo?”


“Ang bait mo kako.”




~~+~~



Maaga naman ako nagising este ginising ni Kevin. Nag-alarm pa daw siya para sa akin.
Pag bangon ko, nakahanda na lahat ng gagamitin ko. Ni-ready narin niya lahat para
papasok nalang daw ako. Swerte ko naman.



Sabay na kaming umalis. Siya ay diretso uwi sa bahay at ako naman ay sa school para sa importanteng bagay. Excited na ako para mamaya. Hindi na ako makapaghintay. Hay.



Hindi na sana ako papasok sa first subject, buti nalang naayos ko agad yung mga dapat
kong ayusin. Lumipad lang ang isip ko kung saan-saan. Natapos ang dalawang oras na
klase ng hindi ko namamalayan.


Pag dating ng lunch break, umuwi ako ng bahay. Ginayak ang ilang mga gagamitin para mamaya. Hindi ko narin nakuhang mag-lunch. Nalate pa ako ng thirty minutes sa unang subject ko sa hapon.


Katulad kanina, ganon din naman, wala din akong natutunan. Siguro excited
lang ako. Late na kami pinalabas ng klase. Malapit na daw kasi ang examination week kaya naghahabol kami ng ilang mga naiwang topics. Kainis.


Bakit ngayon pa. Ako ang kaunaunahang lumabas ng classroom at dali-daling pumunta sa building nila Kevin. Sakto naman ang dating ko... saktong nasa gitna ng klase si loko.



Kumatok ako sa pinto. Napalakas ang bukas. Natigilan ang buong klase. Mukang
nagambala ko ata ang mga daga sa kanilang lungga. Dumiretso lang ako sa loob ng
kwarto. Patay malisya sa kanila.


Kinuha ko sa bag yung letter. Inabot ko nalang agad yun para hindi na masyadong
magtanong si titser. Muka kasing terror, mabalasik ang mukha, hanep kung makatingin at nakakatakot.



Binasa naman niya agad ang liham na inabot ko. Pagkatapos basahin ay binigyan ako ni
teacher ng matinding tingin. Napalunok tuloy ako sa kaba. Hindi ko alam ang gagawin.



“Mr. Huget. Good luck sa game. You're now excused.


"Thank you Ma'am." sabi ko.


Marunong naman palang ngumiti si titser. Nanlalaki ang mga mata ni Kevin. Wala siyang ideya kung ano ang sinasabi namin. Lumapit na agad ako sa kanya.


“Tara.”


Sumama naman siya agad sakin palabas ng classroom habang ang kanyang mga
classmates ay nakatingin lang sa amin.


“Anong game ba yung sinasabi nun?” tanong niya.


“Diba gusto mo lumaro sa varsity team?”


"Oo bakit?"


"Maglalaro ka na ngayon."


“Di nga?”


Tumango ako. Sobrang ngiti naman si loko. Ang saya niya pero sigurado akong mas
masaya ako para sa kanya.


“Pano wala akong gamit panglaro?”


“Makakalimutan ko ba naman yun. Eto oh.”


Inabot ko yung dala kong bag. Binuksan naman niya agad.


“Bakit kulang?”


"Panong kulang ba?"


"Tig-iisang pares lang 'to."


“Hindi ako maglalaro. Ikaw ang pinalit ko sa slot ko. Maaga akong pumasok kanina para
kausapin yung mga kasama ko, sila coach para maipasok ka. Pinapirmahan ko narin yung
excuse letter mo kanina.”


“Hala. Bakit naman hindi ka lalaro?”


“Kumpleto na kasi yung team. Katorse na kayo. Wala ng ibang slot. Basta gilasan mo ha. Sabi ko sa kanila, the best ka.”


“Mark, para sayo yun.”


"Hindi. Para sayo 'to. Huwag mo ko tanggihan kasi magtatampo ako sayo."


"Salamat Mark."


“Oh siya tara na. Wag kana magdrama. Nagwawarm-up na siguro sila.” Inakbayan ko siya.



* * *



Kalahati na ng sitting capacity ng gym ang occupied nang pumasok kami. Karamihan
puro taga ibang school ang nanunuod. May mangilan-ngilan nursing students ng St. Jude
ang naroon. Malamang maya-maya lang dadagsa na ang mga tao.


Invitational game yun ng school namin sa kalabang school, yung school na lagi namin nakakatapat sa basketball. Isinama ko siya sa bench ng team, sa buong grupo. Hindi naman na ako nahirapan na ipakilala siya dahil nakikita naman na siya nila sa school.



“Magbihis ka na.”


“Sigurado ka bang okey lang sayo?”


“Okey lang ako.”


“Salamat ulit Mark.”


Kinuha ko yung bag na dala niya. Binuksan ko. “Oh ayan, jersey ko ang isusuot mo.

Dala-dala mo ang apelido ko kaya galingan mo.”
Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: MOST VALUABLE PLAYER Chapter 39
MOST VALUABLE PLAYER Chapter 39
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEihgL1eSvkWpdW3zUpSg22PA2tX6fCvUEhXGaryTWqKi1nugcIye68cuDZomSTSNLx3KcUpm4IqxuYkI6lNRYXPj_Lwqgn9NRZG6FQDm_oqHG_uFYyzcQ41P-lqEENxja-heN3g7Qv7N7Y/s1600/mvp10.JPG
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEihgL1eSvkWpdW3zUpSg22PA2tX6fCvUEhXGaryTWqKi1nugcIye68cuDZomSTSNLx3KcUpm4IqxuYkI6lNRYXPj_Lwqgn9NRZG6FQDm_oqHG_uFYyzcQ41P-lqEENxja-heN3g7Qv7N7Y/s72-c/mvp10.JPG
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/01/most-valuable-player-chapter-39.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/01/most-valuable-player-chapter-39.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content