"Dear Kevin, Salamat" Maaga akong gumising para maagang makagayak. Sinundo ko si Kevin sa bahay nila. Nabigla si loko dahil firs...
"Dear Kevin, Salamat"
Maaga akong gumising para maagang makagayak. Sinundo ko si Kevin sa bahay nila.
Nabigla si loko dahil first time ko yun gawin sa kanya. Kung dati-rati siya lagi ang
sumusundo sa akin sa bahay, ngayon pagkakataon ko naman para bumawi sa kanya.
“Mark, bakit parang ang saya mo. Todo smile ka kanina pa.”
“Bakit mo naman nasabi? Siguro lagi mokong tinitignan noh? Tssk.”
“Bumalik ka na sa pagiging magulo mo kaya balik ingay na din ang mga alipores mo.
Back to normal na ang klase.”
“Hindi naman siguro.”
“Pero mas cute ka kapag kanyan ka, laging nakangiti, nakatawa, magulo, makulit. Yan si Mark na...”
"Na?"
"Nevermind."
“Hehe. Osiya sige Maggie, mauna nako sayo.”
“Wait Mark, sabay na tayo mag lunch.”
“Nako sorry, hindi pwede eh.”
“Bakit naman?”
“May kasama na kasi ako.”
“Ganon ba? Sino naman?”
“Si Kevin.”
“Ah... Sama naman ako sa inyo.”
“Nako sorry ulit Maggie. Hindi talaga pwede, may mahalaga pa kasi kaming pupuntahan.
Sige maiwan na kita. Kita-kits nalang mamaya sa next subject.” Sabay sibat.
Lumabas kami ng school, dinalaw namin si pareng Jollibee para dun maglunch. Kinulit
ulit namin ang mga empleyado ni Jollibee.
Pagbalik namin sa school, tuloy na siya sa klase niya habang ako naman ay diretso sa
library para magpalipas ng oras habang hinihintay ang next class. Sinusubukan ko din
kasi na gumawa ng sulat para kay Huget.
Minsan lang naman ako maging baduy kaya susulitin ko na. Kagabi ko pa yun binubuo sa isip ko pero nahihirapan akong makumpleto. Ilang papel din ang nalukot, napunit at maraming tinta rin ang nagamit ko.
Sa wakas nagawa ko rin. Sana magustuhan niya.
* * *
Kevin may email ako sayo. Check mo nalang kapag may time ka. Text ko sa kanya.
Okey.
After thirty minutes nagreply siya.
Thank you Mark.
Hehe. Nagustuhan mo ba?
Syempre.
Hehe.
Mark, I love you.
Binitawan ko ang cellphone ko. Humilata, humiga, huminga ng malalim, nag-isip.
Bumalik ako sa kahapon, nung una ko siyang nakita, nakilala. Naglakbay ang diwa ko,
lahat ng araw na siya ang kasama ko.
Dinaanan ko ang lahat ng mga nangyari sa buhay ko kasama siya, masaya, malungkot, kulitan, kadramahan at kung ano-ano. Napatagal ata ang magmumuni-muni ko...
Binalikan ko ang ginawa kong sulat kanina para sa kanya.
Salamat ha?
Salamat sa lahat.
Salamat sa pagpapahiram mo ng sapatos sa akin nuon.
Salamat sa libre.
Salamaat sa mga pangungulit mo.
Salamat sa Baguio.
Salamat sa siomai at adobo.
Salamat sa paggising, pagsundo at paghatid sa bahay namin lagi-lagi.
Salamat sa kayabangan mo. Hehe.
Salamat sa pagsapak mo. Hahaha.
Salamat sa kwentuhang madalas nonsense naman.
Salamat sa ngiting mukang demonyo,nakakagago.
Salamat sayo.
Salamat.
Hahaha. Kabaduy noh? lol
Basta salamat. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya kapag kasama kita.
Mark
Kinuha ko ulit ang cellphone ko.
Mahal din kita... Kevin. Reply ko.