"Saving Private Huget" Minor subjects nalang ang bubunuin ko para makagraduate. Mas marami na akong time para maglakwatsa este m...
"Saving Private Huget"
Minor subjects nalang ang bubunuin ko para makagraduate. Mas marami na akong time
para maglakwatsa este mag-aral. Ang bilis ng mga araw, parang kelan lang nung
pumasok ako sa kolehiyo, ngayon gagraduate narin ako. Sana...
“Mark punta ka sa bahay mamaya. Dinner..”
“Bakit?”
“Birthday ko kaya.”
“Ah... Happy birthday.”
“Hihintayin kita ha.”
“Teka.”
“Nung birthday mo, pumunta ako sa inyo tapos ngayon---”
“Eh kasi---”
“Nako Mark, ayan ka na naman. Hmmp.”
“Sige. Pupunta ako.”
Bigla niya akong niyakap kahit maraming tao sa loob ng klase. Nagulat ako sa ginawa
niya. Gaya ng dati, nakakabigla parin ang mga kilos niya.
“Asahan ko yan Mark, ha. Isama mo narin si Kevin.”
“Hindi. May pupuntahan yun.”
“Ah... Ganon ba. Sayang naman. Akala pa naman ng mga friends ko pupunta siya kasama
mo.”
“Mauna nako Mags. Kita-kits nalang mamaya.”
“Saan ka pupunta niyan?”
“Lunch.”
“Tara?”
“Ha.”
“Sabay na tayo.”
“Sige.”
Nagtext nalang ako kay Kevin na hindi na ako makakasama sa kanya para kumain.
Sa labas ng school kami nag lunch. Marami na kasing tao sa food court ng school.
Dumiretso na siya sa bahay nila pagkatapos. Ako naman ay bumalik parin ako sa school,
yun nga lang hindi para pumasok kundi para tumambay. Late na kasi ako ng thirty
minutes sa nag-iisa kong subject sa hapon.
Napasarap kasi ang kwentuhan namin ni Maggie habang nagla-lunch kaya hindi ko na napansin ang oras. Hinintay ko nalang na makalabas si Kevin para sabay na kaming umuwi.
“Kevin... next time nalang siguro tayo manuod ng Saving Private Ryan mo. Marami pa
naman pagkakataon.”
“Bakit?”
“May pupuntahan kasi ako mamaya. Baka late nako makauwi.”
“Bumili pa naman ako ng dvd kanina. Naka-set up narin yung projector sa kwarto ko.”
“Ganon ba. Gusto mo mamaya? Agahan ko nalang na umuwi.”
“Ikaw. Nasasayo yun.”
“Text nalang ako sayo ha.”
“Agahan mo. Magluluto kasi ako ng adobo.”
“Hindi na. Wag ka na mag-abala pa.”
“Bahala ka. Teka saan nga pala punta mo?”
“Birthday.”
“Nino?”
“Maggie.”
“Ah...”
“Sige. Text nalang ako.”
* * *
“Mark, sigurado ka ba? Kaya mo mag-drive? Nakainom ka.”
“Kaya.”
“Gusto mo dito ka na matulog?”
“May importante akong pupuntahan.”
“Ipahatid na kaya kita?”
“Wag na. Kaya ko 'to.”
“Salamat ha?”
Humalik siya sa pisngi. Ngumiti nalang ako.
Lumabas na ako ng bahay nila. Baka kasi mas lalo pa ako mapainom sa loob kapag hindi
pa ako umalis. Umupo ako sa isalng gilid, nahihilo, nasusuka.
Naparami ata ang naiinom ko. Pasado alas diyes narin ng gabi. Gustuhin ko man umuwi, hindi ko talaga kaya mag-drive ng motor. Umiikot na kasi ang aking paningin sa hilo dala ng tama ng alkohol.
Kevin, text ko sa kanya.
Saan ka na?
Dito kila Maggie.
Gabi na.
Sunduin moko. Nahihilo na kasi ako. Natatakot akong mag-drive pauwi.
Oh sige. Jan ka lang. Papunta nako.
Ang bilis. Ilang minuto lang, dumating na si Kevin.
Pagbaba pa lang kotse, nasipat ko na agad ang seryoso niyang mukha. Nakaramdam ako ng konting takot hindi ko nga lang alam kung bakit.
Walang sabi-sabi, lumapit siya sa kinaroroonan ko, kinuha ang aking kamay, inilagay
niya yun sa kanyang balikat at buong lakas niya akong inalalayang tumayo para isakay sa kotse.
Bago pa man makasakay si Kevin, nakita niyang palabas ng gate si Maggie kaya
nilapitan niya ito. Nakita ko silang nag-uusap. Gustuhin ko mang bumaba, hindi ko
magawa dahil sa hilo.
Ilang sandali pa ay sumakay narin si Kevin, tahimik, wala kaming kibuan.
* * *
Sa bahay nila.
“Kevin, sorry ha.”
“Wag ka na magsalita Mark. Matulog kana.”
“Galit ka ba?”
“Buhay mo yan. Gawin mo ang gusto mong gawin. Bahala ka. Kung masyado ka nang
nasasakal... kumawala ka na.”
Nahimasmasan ako sa mga sinabi niya. Nabigla man pero tanggap ko yun.
Tumayo ako. Kahit medyo nahihilo pa, buong tapang akong humarap sa kanya.
Tinignan ko siya, diretso ang tingin sa akin, mukhang galit parin.
“Sinasabi mo ba na lumayo na ko sayo?”
“Oo.” mabilis niyang sagot. Seryoso ang kanyang mga mata.
“Ano dahilan mo?”
“Marami.”
“Katulad ng?”
Lumapit siya sa akin. Hinablot niya ang sando ko, halos mapunit yun sa pagkakahawak
niya.
“Lagi ka nalang bang magmamaang-maangan Mark? Hindi naman ako tanga. Hindi ako
bulag, hindi ako bingi at lalong hindi ako pipi para hindi magsalita.”
Kinuha ko ang kamay niya na nakahawak sa damit ko, inalis ko yun gamit ang buong
kong lakas. Napunit yun, nahati pababa.
“Ang siga mo naman.” mahina kong sambit. Sa totoo lang natatakot ako sa kanya.
“Mark alam mo ba na lahat ng hindi ko kayang gawin dati, nagawa ko para sayo. Kinain
ko ang pride ko, binaba ko sarili ko, muka nakong aso na sumusunod, para na akong
timang na naghahabol sayo, namamalimos ng atensyon mo. Ano pa ba?”
Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Imbes na magsalita, napayuko nalang ako, tumalikod, humakbang, naglakad papalayo... sa kanya.
“Ano Mark tatakas ka na naman? Naduduwag ka na naman ba?”
Natigilan ako. “Eh kasi...” nalang ang nasabi ko.
“Anong kasi? Wag mo sabihing lasing ka.”
“Eh kasi... eh kasi natatakot ako.”
Akala ko dati kapag nakainom ka, malakas ang loob mo, matapang ka pero kabaligtaran
ata ang nangyari sa akin.
“Ano na naman yan Mark?”
“Natatakot kasi ako sayo. Baka sapakin mo na naman ako.”
“Nakakatawa ka naman Mark. Ang laki-laki mo tapos natatakot kang masuntok.”
“Eh ikaw kaya sapakin sa mukha.”
“O sige sapakin mo rin ako para matahimik ka na.”
“Eh alam mo naman na hindi ko kayang gawin yun... sayo.”
“Ang arte mo.”
“Ikaw nga jan eh. Kadrama mo. Ano palagay mo ikaw si John Lloyd Cruz na umaakting
sa MMK?”
“John Lloyd? Kabaduy mo naman Mark. Siguro idol mu yun noh? Tapos may nalalaman
ka pang MMK.”
“Hindi ah.”
Tinuro niya ako. Seryoso parin ang kanyang mukha.
“Ikaw Mark. Hindi ko pa nakakalimutan yung mga kasalanan mo. Wag mo ibahin yung
usapan.”
“Sorry.”
Ngumiti ako. Ginaya ko ang style niya kapag nagagalit ako sakanya, dinadaan sa ngiti.
"Hindi bagay sayo magalit. Sorry na ulit." dagdag ko.
“Sige na matulog kana.”
"Hindi ka na galit?"
"Sige sige."
"Sabi ko nga ba hindi mo ko kayang tiisin eh. Hahaha."
"Sige na matulog kana jan."
“Tara?”
“Ayoko tumabi sayo.”
“Bakit?”
“Ang baho mo.”
Inamoy ko ang sarili ko. Parang hindi naman.
“Loko ka. Hindi naman ah.”
“Akala mo lang yun. Maligo ka muna bago kita tabihan.”
“Buset.”
Naligo naman akong mabuti, nagsabon, nagpabango. Mabilis naman nawala ang amats
ko kaya itinuloy namin ang planong manuod ng pelikula na request niya. Sayang naman
kasi yung nirent niyang projector at binili niyang dvd kundi namin yun itutuloy.
Parehas kaming mahilig sa mga action movies lalo na kapag war ang tema. Napanuod na namin parehas ang Saving Private Ryan nuon pero napagkukwentuhan narin lang namin
madalas, panuodin nalang ulit namin.
Nakapatay ang mga ilaw sa loob ng room, mahinang liwanag mula sa screen lang ang
nagsisilbing ilaw sa loob. May mga snacks, may drinks... para talaga kaming nasa loob
ng movie house. Ang pagkakaiba lang, dalawa lang kami na laman.
Magkatabi kami, nakasalampak sa sahig, nakasandal sa baba ng kama, magkahawak ang
kaway habang tahimik na nanunuod ng pelikula.
Napapahigpit ang aming kapit sa isa'tisa tuwing tataas ang tensyon ng mga eksena.
Sa kabuuan, mukang na-enjoy naman namin parehas ang palabas, sa pangalawang pagkakataon.