Parang eksena lang sa isang teleserye sa tv ang tagpong yun. Hindi ko alam ang magiging reaction sa mga bagay-bagay. “Pare itu...
Parang eksena lang sa
isang teleserye sa tv ang tagpong yun. Hindi ko alam ang magiging reaction sa
mga bagay-bagay.
“Pare itulog mo na yan. Bukas mag-uusap tayo.”
“Eh kung ayoko?”
“Wag ka ngang parang bata! Matulog kana at bukas mag-usap tayo!”
Call ended.
Actually hindi naman ako talaga galit. Ayoko lang pahabain ang usapan namin na sa tingin ko wala naman kabuluhan. Teka nasabi ko nga ba yun kay Kevin? Baka kung ano isipin nya. Tiyak ko magtatampo yun.
______________________________________________________________________________
Priiiiiiiiit. Sub!
“Oh Mark ano ba nangyayari sayo? Ang dami nating turnovers.”
“Sorry coach medyo masama lang pakiramdam ko.”
“Sige pahinga ka muna jan. Hindi na muna kita ipapasok pero pag dating ng fourth quarter at lamang padin sila, no choice gagamitin kita.”
“Okey coach.”
Third quarter na pero wala padin siya. Para naman akong timang neto, titingin-tingin sa paligid, naghihintay sa wala. Hindi man lang ata ako panunuodin ni Kevin.
“Pare okey ka lang? Parang wala ka sa sarili. Hindi ako sanay na ganyan ka sa loob ng court.”
“Pareng Sam okey lang ako. Don't worry.”
“Sabi mo yan ha.”
_________________________________________________________________________________
“Sige pare sa isang araw nalang. Daanan ka nalang namin dito.”
“Okey sige ingat kayo.”
Panalo kami sa unang laban namin. Pangalawa ako kay Jake sa ay pinakamaraming points sa team. Naka 20 points sya at naka 18 na puntos naman ako, karamihan duon ay galing sa last quarter.
Anim na team ang maglalaban-laban sa bracket B kaya maaga pa para maging kampante. Lahat magagaling, lahat may ibubuga, lahat determinado na masungkit ang kampeonato.
Wala na naman ako kasama sa bahay. Si lola pala two weeks nang nag-alsa balutan. Hindi daw siya sanay sa buhay probinsya kaya minarapat na niyang bumalik sa bahay ng tito ko sa Manila kung saan naman talaga siya nakatira.
Gaya ng inasahan ko, pinagalitan ako ng parents ko. Kahit sa phone lang ang usapan namin, ramdam na ramdam ko ang paninisi nila sa akin. Akala kasi nila ako ang dahilan ng pag-alis ng lola sa bahay.
Buti nalang anjan si yaya, siya ang nagpaliwanag sa kanila. Bwiset na buhay to! Sige iwan niyo akong lahat!
Kelan kaya ulit tatawag si Mariel? Kumusta kaya siya don? Okey lang kaya siya? Mag-iisang linggo na kasi nung huling tawag niya. Baka busy lang yun sa work.
Ang dami kong nareceive na text today. Fifty text ata yun at halos lahat hindi ko nireplayan. Maghapong hindi nagparamdam si Kevin Huget. Naninibago tuloy ako sa takbo ng araw nato.
Inubos ko nalang ang oras ko sa Garena. NagDota ako to the max. Putchaaa puro bopols naman ang mga kalaro ko. Nakakainip. Bumaba ako para kumain bandang alas diyes na ng gabi. Dating gawi ako, solo flight ulit sa hapag kainan. Nanuod ako ng tv ng ilang saglit pang paantok. Ilang sandali pa ay nakatulog na pala ako.
Sssssssssszzz.
___________________________________________________________________________________
Ilang araw nang walang tawag o text man lang si Kevin. Hindi ko narin siya nakikita sa court dahil magkaiba ang mga schedule ng game namin.
“Pare next week na flight ko. Hindi ko na tatapusin ang liga. Baka next year na ulit tayo magkikita-kita nyan.” malungkot na sabi ni Sam. Oo nga pala two weeks lang ang spring break nila.
“Pare ako naman balik nako sa Cebu by monday.. Enrollan na kasi.” sabat naman ni Jake.
“Same here pare. Affiliation na namin next week sa Mental. Kailangan ko narin pare bumalik ng Manila.” entra naman ni Greg.
“Ikaw Erik aalis ka narin?! Iiwan nyo ko? Iiwan nyo ang team? Eh sana pala hindi na tayo sumali sa tournament kung ganyan lang.” tumaas ang boses ko dahil feeling ko iiwan ako ng lahat. Wala naman ako magagawa dahil pag-aaral nila yun pero ang ikinagagalit ko lang ay ang hindi nila pag-abiso sakin sa mga plano nila.
Ilang minuto na walang kibuan. Nakakabinging katahimikan ang namayahi sa dating maguguglong magkakaibigan.
“Mga pare I understand.” ngumiti ako. “Nalulungkot lang ako kaya ko nasabi ang mga yun. Alam niyo naman diba kung bakit. Next time sana habaan niyo naman ang pag-stay dito. Naman!”
“Wala ng dramahan pare baka maiyak pa tayo niyan eh.” pabirong tugon ni Jake.
Muli namin binalikan ang mga masasayang sandali nung high school. Kahit na paulit-ulit namin yun pinagkukwentuhan tuwing magkakasama ay hindi parin kami nagsasawang muli yung pagusapan.
Ang bilis ng araw. Mag-aapat na taon na pala pero parang kailan lang. Gaano katagal kaya ulit ako maghihintay bago mabuo ang barkada. Sa nalalabing mga araw na buo ang grupo, sinulit namin ang pagkakataong magkakasama. Saglit kong nakalimutan ang kalungkutan kasama na ang matalik kong kaibigan na si Kevin.
__________________________________________________________________________________
Nagising ako sa lamig ng paligid. Naka on ang aircon ko pero hindi naman ganun kalamig dati. Sumilip ako sa bintana at nalaman kong umuulan pala. Malakas ang buhos ng ulan, halos hindi ko makita ang mga nagdadaanang mga sasakyan. Six weeks na palang wala si Mariel.
Naninibago ako dahil wala na akong sinusundo pag gabi. One week narin na wala ang barkada. Two weeks nang walang communication kay Kevin.
Bigla bigla tuloy akong nagdrama mag-isa. Kasabay ng pagpatak ng ulan ang pagbagsak ng luha ng aking kalungkutan.
Beep beep.
“Mark tol, paalam na.
Uwi na ako ng Manila.
Salamat sayo.
Ingat ka palagi ha............ Kevin"