* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * Teka si Kevin nga ba yun? Bakit parang nag-i...
* * * * * * * * * * *
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Teka si Kevin nga ba yun?
Bakit parang nag-iba ang hitsura niya?
Nagpa-semi kalbo si loko pero mas bumagay pa sa kanya. Mas lalong naging malinis ang mukha niya.
Mas lalong napansin ang magandang facial features nya. Sobrang daming tao pero lutang na lutang ang isang Kevin Huget. Isang tingin mo palang talagang makikita mo siya agad.
“Mark ano ba ginagawa mo jan?! Anong petsa na?!” galit na ata si coach. Hindi ako sumagot at napako lang ang tingin ko sa kanya.
Sumenyas ang nakatitig na Kevin sa akin. Parang sinasabi niya na pumasok na ako sa loob ng court at wag siya alalahanin.
Wala akong masabi kaya isang ngiti nalang din ang binalik ko sa kanya. Tumalikod ako at nagsimula na akong dalhin ng aking mga paa sa loob ng court.
Bakas sa aking mukha ang kasiyahan na hindi ko talaga maexplain sa mga oras nayun.
Mainit na ang laban sa simula palang ng laro pero nanatili akong kalmado sa lahat ng pagkakataon. Focused ako sa game dahil alam kong may nagmamasid sa akin. Gusto kong magpakitang gilas sa kanya ngunit mukhang hindi umeepekto ang game plan namin sa kalaban.
Sobrang lakas nila at hindi man lang kami makalapit sa score. Alam ko sila ang nakaharap ng dati kong team sa quarter finals.
“Hayaan mo Kevin igaganti ko kayo” sabi ko sa sarili ko.
Natapos ang first quarter ng hindi man lang kami nakadikit sa kalaban. 19 points vs 6 points ang score sa unang bugso ng game. Sa anim na puntos ng team apat dun sa akin.
"Sheeeet ano ba to' wala akong magawa." Hindi pwedeng walang kahinaan ang team nato. Kanina pa palaisipan sakin kung paano tatalunin ang kalaban.
Sa totoo lang no match talaga ang first five namin kung ikukumpara sa first five nila kaya hindi mailabas ni coach ang kahit isa man lang sa amin.
“Mark ano na!”
Fifteen minutes break before mag-start ang second quarter. Nakaupo kami pabilog habang si coach ay nasa gitna dala-dala ang maliit ng white board para gumawa ng play.
Nagulat ako ng biglang lumapit si Kevin sa bench. Takaw eksena si Kevin kaya pati mga tao sa paligid ay sinusundan sya ng tingin. Para syang celebrity na kahit anong gawin ay pagtitinginan at paguusapan.
Agad naman siya nakilala ng mga kasama ko sa team habang papalapit kaya agad siyang binati pero ang nakakagulat ay patay malisya lang ang loko.
Habang si coach ay abala sa pagsasalita, “Coach pwede bang hiramin si Mark saglit?” tanong ni Kevin. Nagulat ang lahat kahit ako nabigla.
“Ha?”
“Saglit lang, isosoli ko din.” ang lakas ng dating nya.
Halata sa mukha ni coach ang pagtataka. Tinitigan ako ni coach, alam ko nagtatanong siya sakin kahit na hindi nagsasalita. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
“Sige ibalik mo din. Naghahabol kami.” sagot ni coach.
Sabi nga ni TWZ na isa sa mga favorite lines nya, awkward. Naunang lumabas si Kevin sa court at agad naman akong sumunod. Walang kibuan habang naglalakad palayo sa crowd.
Nang medyo malayo na kami sa ingay ng laban naramdaman kong unti unti siyang bumagal sa paglalakad. Hindi ko na hinayaan na makalapit sa kanya at tumigil na agad ako.
Kinakabahan ako sa mangyayari kasi seryoso ang tagpong yun. Marahil ay hindi ako sanay sa mga kinikilos ni Kevin. Humarap sya sakin at tinitigan ako ng seryoso sa mukha.
Mas lalo pa akong kinabahan sa ginawa niya. Nagsimulang manlamig ang buo kong katawan. Feeling ko ay nasa mundo kami na dalawa lang ang tao. Wala akong marinig kundi ang pagkabog ng dibdib ko.
“Mark galingan mo.”
Matagal bago ako nagsalita dahil hindi ko alam ang tamang isasagot sa kanya.
“Salamat Kevin.”
“May kasalanan ka sakin.” seryoso ang mukha nya.
“Sorry.”
“Ilibre mo ako sa Jollibee mamaya. May mahalaga akong sasabihin ako sayo.”
Napakunot nuo ako. Nakita ko na mabilis na nagbago ang facial expression niya from seryoso to smiling face. Sa dami na ng taong nakasalamuha ko, bukod tangi si Kevin lang ang may smile na katulad nun.
Basta hindi ko maipaliwanag kung ano meron sa smile niya. Bigla akong tumawa ng malakas.
“Tokneneng Kevin hindi ka parin nagbabago.” Lumapit si Kevin sa akin at niyakap ako ng mahigpit, yung yakap walang malisya ha, yung yakap na halos balikat lang ang nagtatama. Ginulo nya buhok ko at biglang tumawa. Akala ko talaga kanina sasapakin niya ako.
“But seriously, nagtatampo talaga ako sayo pero kalimutan mo muna yun, saka ka na magpaliwanag sakin. Ang mahalaga ngayon ay manalo kayo sa game.”
“Salamat.” maikli kong tugon.
Narinig ko ang isang pito na sinundan ng isang mahabang buzzer hudyat na magsisimula na ang game.
“Kevin balik na ako sa court.”
“Tandaan mo, wag ka lumaban sa laro na gusto nila, ikaw ang magdikta ng laro na gusto mo.” ngumiti sya.
Dali-dali na akong tumakbo papuntang court. Hindi ko na siya nagawang hintayin at madali naman ako nakabalik bago pa man opisyal na magsimula ang laban. Iniisip ko ang huling mga kataga na binitawan nya kanina. Malalim ang linyang yun pero parang nakukuha ko naman.
“Hindi ko dapat ibigay ang laro na gusto ng kalaban dahil duon sila malakas. Dapat sila ang sumunod sa laro na gusto namin. Kung saan kami malakas, yun ang gagamitin namin.”
Sa simula ay palitan lang ang labanan. Nagsasagutan lang ang dalawang team sa score. Akala ko madali lang gawin ang sinabi ni Kevin pero mahirap pala. Hanggang sa unti-unti ko nang napapansin na kami na ang nagdidikta ng laban. Sunod-sunod akong naka puntos mula sa signature move ko na jump shot. Nakuha namin agawain ang kalamangan sa kalaban sa pamamagitan ng mabilis na laban.
Nag suggest kasi ako kay coach na subukan gamitin ang lahat ng pinakamabibilis na mga player ng team. Malakas sa opensa ang kalaban pero walang silbi yun kung madali naman sila maiiwan sa bilis ng laro. Eto pala ang sinasabi ni Kevin! Ang galing nya.
Pag pasok ng fourth quarter ay lumaki na ang kalamangan namin. Napansin ko na medyo dumudumi na ang laro ng kalaban dahil narin siguro sa desperation. Ang dami nilang hard fouls kaya nagpasya na akong lumabas.
Gusto ko puntahan si Kevin pero hindi ko naman na alam kung nasaan na syia. Nawala kasi siya sa paningin ko ilang minuto na ang nakakaraan.
“Siguro pagkatapos ng game, siya na mismo ang lalapit sa akin.” Sa laro muna ako ngayon, mamaya na si Kevin.
________________________________________________________________________________
“Kevin may victory party daw sa bahay nila coach. Sabi ko isasama kita. Okey daw.”
“Gusto ko tayong dalawa lang.”
“Ha....... baka magtampo sila sakin. Ganito sabay tayo pumunta dun, mag-stay tayo ng kahit isang oras lang tapos magpaalam na tayo.”
“Okey.”
Wala siyang dalang sasakyan kaya sabay ko na sya sa motor ko. Nagpahuli kami sa grupo at wag daw magmadali. “Sige pagbigyan.”
“Namiss ko to'” bulong nya habang nakaangkas.
“Ano?!” kunwari hindi ko narinig.
“Namiss kita.”
“Ah namiss mo to?” what?!
“Ewan ko sayo!”
“Ewan mo?”
“Eto sayo.” nagulat ako ng bigla syang yumakap sakin. Hindi nya kasi yun ginagawa dati kapag nakaangkas siya. Naramdaman kong unti-unti humihigpit ang pagyakap niya.
“Bakit kabilis ng kabog ng dibdib mo?” tanong nya.
“Ha?!” ayan nagkunwari na naman akong hindi siya narinig. “Kevin nakikiliti ako, sige ka baka maaksidente tayo.”
“Eh bakit muna kumakabog ang dibdib mo?”
“Ha?”
“Nahulog ang tambutcho ng motor mo.” mahina niyang sabi.
“Saan?!” agad akong nag-menor para maitabi sa gilid ng daan yun motor na sakay namin.
“Huli ka! Kunwari ka pang hindi nakakarinig.” joke lang pala yun. Kinabahan ako dun ah.
Naramdaman kong unti-unti na niyang nire-release ang kanyang mga kamay mula sa pagkakayakap. Pinili ko nalang na hindi magsalita. Patay malisya nalang ako sa nangyari.
Kung kanina may kabagalan ang takbo namin, ngayon lumilipad na sa bilis. Wala naman siya reaction kaya tuloy lang.
___________________________________________________________________________
Tahimik lang siya habang kasama ang buong team. Sa una may konting kainan at hindi nagtagal ay nagsilabasan na ang mga bote ng alak. Sa tantiya ko wan-tu-sawa ang magiging labanan sa dami ng pulutan.
Halata na out of place si Kevin kaya pati ako hindi mapalagay. Lagi ko sya tinitignan.
“Bakit nga ba kasi kasama sya sa celebration nato samantalang hindi naman sya kabilang sa team. Oo nga pala ako nga pala ang nag-aya sa kanya dito.”
“Mark painumin mo naman yung kaibigan mo. Pupunta punta dito hindi naman pala iinom.”
“Oo nga. Baka hinahanap na ng nanay niya yan.” sagot naman ng isa.
Alam kong katuwaan lang yun sa kanila at wala naman talagang intensyong masama pero ang inaalala ko ay baka hindi makapagtimpi si Kevin. Mukhang may amats na ang karamihan maliban samin ni Kevin na sakto lang. Sana!
Mali pala ako si Kevin halatang halata na nakainom dahil namumula na ang mukha at mapungay na ang kanyang mga mata.
Beep beep.
“Mark kapag hindi ako nakapagtimpi sasapakin ko tong katabi ko. Kanina pa nanggagago.” text ni Kevin. Magkatapat lang kami niyan ng upuan.
“Wag. Easy lang. Tara na?”
“May importante ako sasabihin sayo diba?”
“Okey sige paalam na tayo.”
Ako ang unang tumayo para magpaalam. Mabilis ang reaction nila at wala ni-isa sa grupo ang pumayag.
“KJ ka naman pare. Ano hinahanap kana ng lola mo?” si Cris yun na katabi ni Kevin.
Tapos bigla syang tumawa kaya nakitawa narin ang buong grupo. Wala sakin problema yun kasi sanay na ako at isa pa ako madalas ang pinakamalakas mang-alaska sa grupo kaya okey lang.
Biglang tumayo si Kevin hawak-hawak ang damit ni Cris. Ang lakas niya kasi nagawa niyang isama sa pagtayo ang lasing nang si Cris.
Nakaamba si Kevin ng suntok kaya agad akong pumagitna. Buti nalang at naroon si Erik na isa sa mga kabarkada ko kaya naawat naman namin agad. Hindi ko naman magawang magalit kay Kevin dahil alam ko na ginawa niya yun para sa akin.
“Sige ako na bahala dito, iuwi mo na si Kevin.” sabi ni Erik.
“Mga pre pasensya na.”
Agad ko naman nahila palabas si Kevin para ilayo. Buti nalang at nakinig naman siya sakin at madali kong naisakay sa motor.
“Iuuwi na kita!”
“Hindi ako pwedeng umuwi.”
“Bakit?”
“Hindi nila alam na nandito ako.”
“Ha. Ano ibig mo sabihin?”
“Basta sa bahay niyo muna ako.”
“Sige sumakay kana. Kumapit ka ng mabuti baka mahulog ka.”
Hindi na siya sumagot dahil iniisip nya siguro na galit ako. Naramdaman ko nalang na biglang bumigat ang aking likod.
Halos lahat ng bigat ng katawan niya ay nakasandal na sa akin at maya-maya pa ay naramdaman kong unti-unti bumagsak ang kanyang mukha sa aking kanang balikat. Knock out!
“Hoy wag ka matulog.”
“Nahihilo lang ako pero hindi ako tulog.”
“Kaya mo?
“Oo”
Ang tagal ng biyahe namin dahil sa bagal ng takbo. Mga 30 minutes din yun pero kung normal na biyahe ko siguro nasa 1O minutes lang. Malalim na ang gabi ng dumating kami sa bahay. Wala naman bago sa oras ng uwi ko dahil most of the time late na talaga ako kung dumating sa bahay.
__________________________________________________________________________
“Bakit mo ginawa yun?” mahinang tanong ko sa kanya. Nakaupo ako sa harap ng computer, nagne-net.
“Yung ano?” sagot niya. Nakaupo sya sa dulo ng kama, medyo malayo sa kinauupuan ko. Katatapos lang niya maligo.
Hindi ako sumagot dahil alam ko naman na alam niya ang tinutukoy ko.
“Sorry Mark... ginawa ko yun dahil ayoko na may gumagago sayo. Lagi kitang binabantayan kasi ayoko na masasaktan ka... … … … Ayoko na nawawala ka sa paningin ko... ... Hindi ko alam kung ano iniisip mo... Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa ko... … … Basta masaya ako kapag kasama kita... … … Hindi ko alam kung ano ang tawag dito... … … Sabihin mo kung ano dapat kong gawin kasi ako hindi ko alam... … … “
Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at naglakad papunta sa kanya. Nakatingin lang siya sakin. Hindi ko mabasa ang gusto niyang sabihin. Umupo lang ako sa tabi niya at hindi kumikibo.
Sa oras na ito mas pinili ko ulit na manahimik. Sa ibang direksyon ako nakatingin at siya naman ay sa akin. Matagal kaming nanatili sa ganong position, walang imikan, walang kibuan.
“Galit ka ba?” mahina nyang tanong.
Hindi ulit ako sumagot.
“May nagbago ba sa pagtingin mo sakin?”
Hindi ulit ako sumagot.
“Umuwi ako dito para sayo. Magta-transfer ako sa school mo.”
“Wag.” mabilis kong sagot.
“Bakit?”
“Graduating kana. Pag nagtranfer ka maraming subject mo ang baka hindi macredit sa school namin. Baka magkaproblema ka.” sagot ko. Hindi parin ako tumitingin sa kanya.
“Nakapagdesisyon na ako.”
“Alam ba ng parents mo?”
“Hindi pa. Kakausapin ko sila.”
“Paano kung hindi sila pumayag?”
“Hindi ko alam.”
Sa pagkakataong ito nagkalakas na ako ng loob para humarap sa kanya. Tinitigan ko siya habang siya ay ganon din sa akin. Ang lapit ng distansya ng aming mga mukha kaya nararamdaman ko ang bigat ng kanyang paghinga.
“Bakit mo ba ito ginagawa? Baka hindi ko masuklian.”
“Ewan. Okey lang.”
Hindi ko na napigil ang sarili ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nabigla siya sa ginawa ko. Hindi ko rin yun inaasahan na gagawin lalo pa't sa isang lalaki. Natatakot ako sa kung ano pwedeng mangyari.
“Mark.”
“Ano?”
“Mark.”
“Ano?!”
“Maligo ka muna. Ang baho muna. Mamaya mo na ituloy ang pagyakap sakin. At bigla syang tumawa ng malakas.
Patay don!

by:SYMPATICKO