Maaga ako nagising kinabukasan. Balak ko kasi mag-release ng grades sa school namin. Baka kasi maincomplete na naman ako sa ibang subjects...
Maaga ako nagising kinabukasan. Balak ko kasi mag-release ng grades sa school namin. Baka kasi maincomplete na naman ako sa ibang subjects ko. Tinext ko girlfriend ko para ayain pero may pupuntahan daw siya at very importnat daw yun. Okey wala na akong sinabi, importante daw eh.
Beep. Beep. Kevin.
"Good morning. Tol may gagawin ka today?"
"Punta ako school, may gagawin ako."
"Sama ako tol! Kawawa naman ako wala akong mapuntahan."
"Gusto mo ba talaga.?"
"Yes yes yes tol. Gayak na ko? Hehe. "
"Wag muna tange! mamaya pa. Alas siyete palang. Mga alas nuebe. Masyado ka naman sabik."
"Haha. Oo nga pala. Sige tol, kotse ko nalang gamitin natin. Mainit kasi eh."
"Nakakahiya naman pre wag na. Pero ikaw, kung ano gusto mo."
"Okey lang yun tol wag kana maarte. Paano nga pala ako pupunta sa bahay nyo, hindi ko alam."
Binigay ko yung instructions sa text papunta sa bahay namin. Madali lang naman hanapin ang bahay namin kasi nasa highway lang naman.
"By the way tuloy na tayo maya sa plaza pre after school, dala kana ng gamit mo pambola. Pinuntahan kasi ako kanina ng mga kaibigan, nag-aaya magbasketball bandang 3PM daw. Sama ka para malakas laban namin. Dala kana rin ng pang pusta mo."
"Sige sige tol. Ka-excite naman. "
"Okey tol text text nalang mamaya. Bye."
Hindi na siya nagreply. Mukang excited nga si loko. Nagtataka parin talaga ako kung bakit naging magaling yun mag-basketball eh parang wala naman siya nakakalaro sa bola. Imposibleng sa psp at computer lang sya natuto maglaro. Teka tanungin ko nalang siguro mamaya.
__________________________________________________
Malapit na mag-lunch breaak nang dumating si loko sa bahay. Umuusok ang ilong ko sa galit dahil ang ayoko sa lahat ay maghintay. Pero nang dumating sa bahay at makaharap ko na, with his smile at paawa effect, na-bura lahat ng inis ko.
Dumaan muna kami sa mall para mag-lunch at magpalipas ng oras. Wala eh late narin kasi. After ng lunch ay naglaro kami sa taas, resident evil ang inatupag ko at sya ay videoke. Habang naglalaro ako ay naririnig ko na pinapalakpakan ang mokong ng mga tao. May boses pala sya, maganda ang timbre ng boses nya.
Naka-sampung token na ako kaya itinigil ko na ang paglalaro. Pinuntahan ko sya sa videoke machine sa gitna at enjoy na enjoy naman ang loko. Sumenyas ako sa kanya at agad naman siya umalis kahit na hindi pa yari ang kinakanta. May ilang tao na animoy hinihingi ang cellphone number nya at agad naman nyang binigay. Tinanong ko sya kung bakit sya nagbibigay ng number ng basta-basta at isang ngiti lang ang sagot nya. Ilang minuto lang ang nakakalipas ng sunod-sunod na nag-ring ang cellphone ko. Nang buksan ko ay may 8 message received at puro number lang ang nag-appear sa sender.
"Hi, Hello handsome, Can I be your friend/textmate" at kung ano-ano pa ang nakalagay. Bakit kaya? Napansin ko na bigla tumawa si Huget. Agad naman sya umamin na imbes na number nya ay number ko pala ang ibinigay ng loko sa mga fans nya. Sheeeeet na Huget ang lakas ng trip! Magagalit sana ako nang biglang umakbay ang loko at nanghingi ng sorry na parang bang bata. Imbes na magalit ay natawa nalang ako sa kagaguhan ni Huget.
1:30 PM pa ang resume ng mga transactions sa school kaya naglakad-lakad pa kami at konting kwentuhan.
Sa Manila pala sya nag-aaral kaya madalang lang sya kung mauwi sa lugar namin. Kaya pala hindi sya gaanong pamilyar sakin nung una ko syang makita sa awarding. Pareho kaming graduating next school year, kung ako ay HRM sya naman ay sa kursong BS Management.
Matanda sya sakin ng isang taon, 20 years old na sya. Nalaman ko rin na nag-semenaryo pala si loko pagka-graduate ng High School. Bible school daw yun at talagang boring ang buhay. Puro lalaki sila at bawal ang cellphone. Naka isang taon naman daw sya dun kaya na-late sya ng isang taon sa College. Hindi talaga ako naniniwala sa bagay nayun pero mukang seryoso naman sya nung kinukwento kaya hindi na ako kumontra.
Christmas break at Summer vacation lang daw sya umuuwi sa bahay nila dito dahil may maliit na bahay naman daw sila sa Manila. Mas gusto daw nya dun mag-stay kasi maraming pwedeng gawin at galaan. Madalas hindi nila nakakasama si Mr. And Mrs. Huget dahil busy ang mga ito sa pagpapatakbo sa business nilang mga agency na may mga branches sa Manila at Pampanga.
"Tol baka sa isang araw umuwi na pala ako sa Manila. Nakaka-bore kasi dito." sabi nya.
"Miss mo na girlfriend mo?" tanong ko sa kanya.
"Wala ako girlfriend tol."
"Taeee mo! Sino naman maniniwala sayo?"
"Oo nga tol, mamatay man ako! Ayoko muna ng commitment. Masaya nang wala kang inaalala kundi sarili mo at isa pa baka mas marami pa akong time sa basketball."
"Pero nagka-gf ka naman?"
"Ha ano ba naman tanong yan, syempre naman. Etong mukha nato?" bigla syang tumawa ng malakas. Nagtinginan tuloy ang mga tao sakanya. Ang lakas ng amats ng tisoy nato. "Eh ikaw tol ilang taon na kayo ni Mariel mo? Mariel nga ba pangalan tol?"
"Yes Mariel pre. Magtu-two years narin."
"Happy?"
"Hmmmmmm. Of course I'm Happy."
"Okey yan tol." Napansin ko na nagbago mood nya. Ewan baka mali lang ako. Bigla kasi sya natahimik ng ilang sandali at sya na mismo nag-iba ng topic.
Saglit lang kami sa school. Pinasyal ko sya sa ilang lugar sa campus namin at ipinakita ko rin sa kanya yung gymnasium na pinaglalaruan namin madalas. May mga pictures ako sa bulletin sa gate pagpasok ng gym, pictures yun ng mga laban namin sa inter-School Provincial at Regional level sa basketball. Bidang bida ako sa paningin ni Huget nung mga oras nayun. Mga quarter to 3PM ay umalis na kami sa school at diretso na sa Basketball court sa plaza, covered court yun kaya okey lang na maglaro kahit may araw pa. Naroon na ang mga kaibigan ko nang dumating kami.
Lester: "Pare bakit kasama mo yang si Huget?" pabulong na tanong ng isang kaibigan.
Mark: "Pre yaan muna, okey yan. Kaibigan yan. Magagamit natin yan mamaya."
Nakahalata naman agad si Kevin sa malamig na pagtanggap sa kanya ng mga kaibigan ko kaya nagpresenta nalang sya na hindi na maglaro. May mababakante kasing isang tao kapag sumali pa siya.
Mark: "Hindi pre kasali ka. Ako ang lalabas, ikaw ang maglaro."
Nahiya ata yung isang kasama ko kaya nagboluntaryo nalang na pumalit sa second half. Sa madaling salita nakapaglaro ulit kami ni Kevin ng sabay sa court. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ko sya kasama sa game.
Kevin: "Tol yan ba yung mga kalaban natin?" sabay nguso sa mga tao na papalapit sa amin.
Mark: "Oo pre bakit?"
Kevin: "Eh puro matatanda na yan ah. Parang hindi papahuli ng buhay. Tol hindi basketball ang laban jan, wrestling!" sabay tama ng loko.
Mark: "Gagooo kaya natin yan. Ako bahala sayo sumakay ka lang."
Hindi daw kasi sya sanay sa larong kalye. Oo nga naman, sa porma palang nya mukang hindi nga siya nakikipaglro sa kung sino-sino lang. Biruin mo naka-Kobe shoes na orig pa sya ngayon at todo porma samantalang yung kalaban namin ay puro naka-tsinelas lang.
Scrimmage ang term sa larong tulad nito na ang ibig sabihin ay unofficial game between two teams, or five-on-five play between team members in a practice situation. Sa larong ganito, ikaw mismo ang tatawag ng foul para sa sarili mo at kadalasan ay balyahan talaga ang labanan. Physical na laro talaga ang basketball pero doble ang pagka-physical ng laro kapag unofficial at larong kalye tulad nito.
Sa simula palang ng game mainit na agad ang laban. Sa halaga kasing P500 na pusta ng game ay talagang balyahan, masyadong physical. Lagi ko nalang iniipit si Huget sa gilid or labas ng perimeter para hindi ma-braso sa loob ng court. Todo ingat ko sa kanya para hindi masaktan. Para tuloy akong may alagang bata. Magaling talaga ang loko, puro jump shot points ang ginawa nya. Kahit hindi sya pumapasok sa loob ay nakakapuntos parin sya. Hindi makalamang ang kalaban kaya mas lalong naging physical ang laban.
"Pre wag ka pumapasok sa loob, baka makana ka dun." paalala ko sakanya habang nagdadala ng bola.
Ipinasa nya sakin ang bola, konting driblle at cross-over at nang maka-kita ng pagkakataon ay agad akong nag-drive. Malayo palang ay nag-take off na ako para ilay-up ang bola. Naka-release na ako ng bola ng may biglang sumulpot sa harap ko at sumabay. Sheeeeet sahod! Balahura talaga maglaro ang mga paksheeet! At ayun tumama nga sa katawan ko yung kalaban at nawalan na ako ng balance sa ere. Bumagsak ako sa floor ng padapa.
Mabuti nalang at hindi pangit ang pagbagsak ko. Naigagalaw ko naman lahat ng parte ng katawan ko. Imbes na tulungan ako bumangon ng sumahod sakin ay lumayo pa ito. Tinignan ko yung ibang kaibigan ko na halos walang reaction sa nangyari. Teka nasan si Kevin? Nang pagtayo ko ay nakita ko nalang na susugod na si Kevin sa kalaban.
"Gagooooo ba! Eh kung nabalian si Mark don?!" pahiyaw nyang sambit habang naka-amba sya ng suntok sa mama. Hindi ko talaga ini-expect yung tagpong yun. Nahagip nya ng suntok yung lalaki sa bandang kanang balikat. Nasa edad trenta na ang mama at mukang nagta-trabaho sa vulcanizing ang itsura. Sa madaling salita nakakatakot ang hilatsa ng mukha. Agad ko naman naawat ang dalawa nang tiyempong gaganti yung sinugod nya. Buti nalang at kilala ako dun kaya ako na mismo humingi ng despensa at inilabas ko na agad si Huget sa laro.
"Tol ano problema mo? Ikaw na nga ang sinahod eh wala ka parin pake." first time ko na makitang nagalit si Huget. Wala akong masabi sa kanya. Hindi ko alam ang magiging reaction ko. Bigla ulit sya nagsalita. "Akala ko pa naman astig ka tol! Akala ko pa naman siga at matapang ka. Wala ka pala! Tinatawanan ka na nga ng mga yun wala pa sayo. Hindi pwede sakin yun tol."
Sheeet to' ah. Ano kaya pinuputok ng butse nato. Hindi naman sya ang muntik na maaksidente. Calm down Mark, calm down. Ang daming tao sa paligid at talagang dito pa to' umeksena.
"Pre hayaan muna yun. Masyado ka naman nag-aalala sakin." biro ko. Wala na akong maisip na linya para pakalmahin si Huget. Ang weird talaga, bakit ganon nalang yung malasakit sakin ng tao. OA man para sa iba ang ginawa nya, na-appreciate ko naman yun.
Sa wakas humupa narin yung galit ni Huget. Nilapitan nya yung taong binira nya at nakipag-kamay. Ayaw tanggapin ng mama yung sorry ni Huget kaya nag-decide na ako na iuwi na sya. Baka kasi makuyog sya don. Hindi na namin tinapos ang laban at nakiusap nalang din ako sa mga kaibigan ko na mauuna na kami.
"Kevin pre thanks." sabi ko sa kanya habang nagda-drive ng kotse. Tinapik ko sya sa balikat at ngumiti.
"Anong thanks? Ang dami mo nang utang sakin, isa pa hindi ko nakakalimutan yung pustahan natin. Isang linggo yun. Sige ilibre mo nalang ako."
"Saan mo gusto?"
"Sa Max's" sambit nya sabay ngiti.
"Takte wala akong pera pang Max's, pang Jollibee lang pera ko. Wala pa akong allowance." seryoso kong tugon.
"Ka-cheap mo naman. Sige kahit saan nalang kung saan ka masaya."
Naguguluhan na ako sa mga bagay-bagay na nangyayari pero walang naman akong nakikitang problema. Basta ganon yun. Ewan.
____________________________________________________
Beeep beeep. Mariel
"Hon dumating na visa ko! Usap tayo mamaya pag uwi ko." text nya.
BY SYMPATICKO