Nabablanko na naman ata ako. Alam ko naman yun kahit na hindi pa niya sabihin pero bakit iba parin ang dating? Tatakas ba uli...
Nabablanko na naman ata ako. Alam ko naman yun kahit na hindi pa niya sabihin pero bakit iba parin ang dating?
Tatakas ba ulit o handa na akong haharapin ang katotohanan?
“Mark bukas na uwi natin.”
“Natatakot ako Kevin. Baka kasi hindi ko matumbasan pagmamahal mo.”
“May gusto ka pa bang daanan bukas bago tayo umuwi?”
“Hindi pa tayo ganon katagal na magkakilala pero parang parte ka na ng buhay ko matagal na.”
“Bukas kukuhanin natin yung ipod mo.”
“Ingatan mo yang bracelet ha?”
“Maaga tayo bukas. Matulog kana para maaga ka magising.”
“Pag nawala yan sasakalin kita.”
“Ano?”
“Yung bracelet.”
Sa wakas nagkaintindihan din kami.
“I love you Mark.”
Tumalikod ako sa kanya. Humarap sa salamin. Hinagod ang buhok, inayos ang patilya, ngumuso, nilabas ang ngipin, ngumiti. Tumatakas na naman ako.
Sumikip ang aking paghinga. Niyakap niya ako, mahigpit, sobrang higpit. Nakikita ko siya mula sa salamin.
Dumampi ang kanyang mga labi sa aking buhok, ramdam ko ang mainit niyang paghinga. Pinagmamasdan ko parin siya habang nakayakap mula sa aking likuran.
Hinawakan ko ang kanyang mga kamay na nakayapos sa aking katawan, buong lakas kong inalis ang kadena ng kanyang pagkakayakap, unti-unti at maingat ko ginawa yun. Hindi na siya lumaban.
Humarap ako sa kanya. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Nanginginig ang kanyang mga labi at pagkaraka'y bumagsak ang isang patak ng luha sa kanyang kaliwang mata.
Umalis siya sa harapan ko at umupo sa isang gilid ng kwarto. Walang imikan, walang usapan. Ilang sandali ang lumipas at tumayo siya diretso sa isang maliit na lugar, binuksan ang ilaw, binuksan ang heater, binuksan ang shower.
Nakikita ko siya mula sa kinatatayuan ko, hindi ako kalayuan. Itinapat nya ang kanyang sarili sa ilalim ng shower, nabasa ang kanyang buong katawan. Hindi ko alam kung ano iniisip nya.
Naglakad ako ng ilang hakbang patungo sa kinaroroonan niya. Kumakabog na naman ang dibdib ko, para yung sasabog.
Lumapit pa ako sa kanya. Niyakap ko siya. Hinubad niya ang basa niyang damit. Hinaplos ko ang kanyang buhok, ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi.
Inabot ko ang sabon, hinaplos sa kanyang likod, sa kanyang dibdib. Pinabula ko ng mabuti pero mabilis lang yun inaagos ng tubig na nagmumula sa shower. Nabasa narin ako kaya minabuti ko narin na hubarin ang aking damit.
Hinawakan niya ako sa pantalon, hinatak niya ako palapit sa kanya. Nagdikit ang aming mga katawan na basang basa. Nakukuryente ako, hindi ako makahinga.
Nalulunod ako sa ilang patak ng tubig. Hinawakan niya ako sa mukha gamit ang kanyang mga palad, hinalikan ako sa nuo, sa pisngi at sa labi.
Lumaban ako, gumanti ako ng halik. Sobrang intense ng kissing scene, kinakabahan ako at natatakot.
“Mark.” bulong niya. Hinalikan niya ulit ako.
Magkayakap kami.
“Mahal na mahal kita.”
Hindi ako sumagot. Hinalikan ko ulit siya, ang tagal. Ang tamis ng kanyang mga labi.
“Mark nilalamig ako.”
______________________________________________________________________________
Beep. Beep.
“Uy Mark check mo email ko.”
“Sige mamaya.”
“Ngayon na.”
“Mamaya na. Kakulit mo.”
“Ngayon na kasi.”
Hindi na ako nagreply.
“Uy Mark.”
“Grrrrrr. Ano ba kasi yun?”
“Basta tignan mo na. Hehehe. Ano ba kasi ginagawa mo?”
“Nanunuod ako ng replay ng laban ng Cavaliers at Portland.”
“Nako wag mo ng panuorin yan, alam ko na kung sino nanalo. ”
“Wag mo sabihin. Yariin ko muna.”
“Sige hindi ko sasabihin na ang nanalo ay Portland, 89-94 ”
“Putek ka! ”
“Sorry. Hehehe. Hindi ko sinasadya. ”
“Oh sige na. Wag kana makulit. Check ko na email mo.”
Hindi na siya nagreply.
Buset na Kevin nawala tuloy gana ko manuod ng game. Pagkahintay-hintay ko pa naman yun.
Nakabukas naman yung computer kaya inopen ko na agad yung account ko. Ang daming messages, karamihan puro galing kay Mariel.
Wala naman bago sa mga mensahe niya kaya hindi ko na nireplayan. Binuksan ko yung email ni Huget. May subject na Virus kaya tinext ko ulit siya bago ko buksan.
“Hoy Kevin anong virus?”
“Hehe. Joke lang yun. Buksan mo na.”
“Baka puro kalokohan na naman yan.”
“Kapag hindi na ako nakapag-reply malamang tulog na ako. Good night .”
Ang aga pa ah. Alas otso palang. Ano problema nun?
Binuksan ko yung email from kevinthepogihuget@yahoo.com. May link yung email niya kaya binuksan ko naman.
Bumukas sa another tab ang isang site. Photobucket account ni Kevin. Ang daming pictures at karamihan ay kuha namin sa Baguio. MK ang name ng folder, binuksan ko
Yung pictures ni manong guard sa The Mansion, yung mga pictures namin sa Botanical Garden, sa Mines View, Sa Grotto at sa bahay na tinuluyan namin.
Bwiset may mga pictures pa ako habang tulog, nakatalikod, nakadungaw sa labas at kung ano-ano pa. Putakte bigla ko naman namiss ang Baguio.
Hindi lang pictures ang naroon, may video din. Talagang ginawan pa niya ng music video ang pictures namin sa Baguio!
At ang song na ginamit nya? Love will keep us alive ng The Eagles. Kabaduy pero natouch ako. Bigla ko tuloy namiss si loko.
Hindi pa dun natatapos ang lahat. May ilang folder pa na may mga pictures. Yung isang folder puro pictures ng batang Kevin Huget ang laman. Sobrang cute pala niya nung maliit.
Yung isa naman ay random pictures, sa dati nyang school, sa mga basketball games, with his family, with friends, etc. Ang ganda ng rehistro niya sa mga pictures. Ang lakas ng dating.
Yung last folder ay Mark ang name. Pangalan ko yun ah. Binuksan ko. Tumambad sa akin ang napakaraming pictures. Puro stolen shots halos lahat. Hindi masyadong maganda yung quality ng pictures kaya palagay ko kuha yun ng cellphone niya.
May captions yung iba. Nuon pa pala kinukuhanan na niya ako ng mga litrato. Yung iba pangit pa ang pagkakakuha kasi may mga nakapikit, naghihikab, kumakain at pati sa Jollibee may pictures kami.
May mga ilang pictures din ako nung naglalaro ako ng basketball. Putek kadami!
Paulit-ulit ko yun tinignan. Para akong tanga na ngumingiti mag-isa. Hindi ata maubos ang aking tuwa.
Kinuha ko yung isang picture namin na kuha sa Mines View Park. Magkaakbay kami na wacky shot.
Yun yung sinabihan kami ng foreigner na katabi namin nuon ng “You look cute together.” Ang cute nga naman kasi. Ginawa ko yun desktop background ng computer ko.
Hindi ko na pinatay ang computer at tinitigan nalang ang desktop background buong magdamag.........