Powered by Blogger.

Search This Blog

Blog Archive

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

MOST VALUABLE PLAYER Part 15

Again... in behalf of the author Sympatiko a.k.a. Masahistang Palaban. Thanks so much for all the comment(",) **********...


Again... in behalf of the author Sympatiko a.k.a. Masahistang Palaban. Thanks so much for all the comment(",)



********************************************************************************



Oo nga naman mabaho na nga pala ako. Hahaha. Natawa naman ako dun. Ang tagal kong naligo. Siguro mga kalahating oras. Ang tagal kasi tanggalin ng clay sa buhok ko. Kailangan ko pa mag-shampoo ng ilang ulit.


“Ang tagal mo naman.”


“Eh ano ngayon.”


“Kasungit mo naman.”


“Matulog kana.”


“Ngayon nga lang ulit tayo nagkasama tapos patutulugin mo ako agad.”


“Ano naman gagawin natin? Gabi na.”


“Magkwentuhan tayo magdamag.”


“Adik ka ba?. Antok na antok nako.”


“Kunwari ka pa eh. Kanina lang hanep ka makayakap sakin.”


Hindi ako sumagot.


Lumapit sya.

“Eto oh yakapin mo ulit ako kahit gaano katagal mo gusto.” Nakaupo ako at siya naman ay nakaharap sa akin. Binukas niya ang mga kamay na para bang nag-aanyaya para yakapin siya.

Nakangiti si loko na may bahid pa-cute. “Totoo ba ang lahat ng ito?” sa loob-loob ko.


“Umupo ka dito. Tabi tayo.” sabi ko.


Agad naman siyang umupo sa tabi ko. Sobrang close namin sa isat-isa. Nabigla nalang ako ng biglang may humalik sa kaliwa kong pisngi.

Ang bilis nang pangyayari. Nagnakaw pala siya ng isang smack. Tinitigan ko siya at siya naman ay nakangiti lang habang nakikipag eye to eye contact.


“Para saan naman yun?”


“Para sayo.”


“May girlfriend ako.”


Hindi siya kumibo. Naging seryoso bigla ang mukha nya pero nakatitig parin sakin.


“May Mariel na ako.” dagdag ko.


“Edi aagawin kita sa kanya.”


“Paano kung mas piliin ko sya?”


Hindi ulit sya sumagot.


Masyado ko na ata sinasaktan ang damdamin ni Kevin. Mabuti siguro na wag muna namin yun pagusapan sa ngayon.


“Wag muna natin yan pagusapan. Tara labas tayo?” tanong ko sa kanya.


“Lalabas tayo? Nakapang-romansa ako.” sagot niya. Oo nga naman, naka boxer shorts lang pala si loko.


“Okey nga yan guwapo ka naman.”


Sumimangot siya sa akin na parang bata. “Sige ka pag na-rape ako konsensya mo.”


“Oo sige sige magpalit kana ng suot mo. Ikaw na mamili ng gusto mong isuot. Gusto mo mag americana ka pa.”


Lumapit sya sakin at biglang pinitik ang aking ilong.

“Hmmmmm ang cute mo!” Hindi naman kalakasan pero nakakainis. Agad na siya dumiretso sa cabinet ko para mamili ng isusuot.


“Ano masasabi mo? Guwapo na ba?” tanong niya habang nakaharap sa akin.


“Pwede na. Pwede nang pag-tiyagaan.” tumawa ako. Sa totoo lang kahit anong isuot niya bagay sa kanya.


“Ikaw Mark kanina ka pa.” ngumiti siya na parang demonyo na ewan. Basta ang lakas ng dating sa akin.


“Teka palit lang din ako ng shorts.”


“Saan tayo pupunta?” tanong niya.


“Akala ko ba ililibre kita sa Jollibee?”


“Ah oo nga pala. May kasalanan ka nga pala sakin. Tapos saan pa tayo pupunta after?”


“Ikaw kung saan mo gusto?” sagot ko habang nagpapalit ng shorts.


“Basketball tayo? One on one. Hanap tayo ng court na paglalaruan”


Tumingin ako sa relo ko. “Alas dose na. Gabi na.”


“Natatakot ka ba? Kasama mo naman ako.”


“Sheeeeeet kailan kaba mauubusan ng kayabangan?”


Ngumiti lang ulit sya.


“Okey sige. Ikaw magdala ng bola na gagamitin natin.”


“Yes boss!” maikling sagot niya.


Grabeng pagod to'. Naglaro na nga ako kanina sa finals tapos magbabasketball ulit. Hanep sa trip. Hindi kaya ako mamatay neto?


________________________________________________________________________________



Take-out lang ulit kami ng favorite order namin na B3, large coke, large fries, four orders. Napagkasunduan namin na after nalang ng basketball kakainin yung take out.

Marami kaming napuntahan na basketball court pero walang lights o kaya naman nakasara na. Almost isang oras narin kami naghanap ng court ng sa wakas nakakita kami ng pwede paglaruan.

Town plaza yun kaya open kahit gabi. Wala nang tao sa paligid pero lahat ng lights nakabukas.


“Kevin...”


“Ano?”


“Pano kung hindi pumayag parents mo na dito ka mag-aral?” alam ko naitanong ko na ito kanina.


Matagal siya bago makasagot. “Hindi ko alam...” yan din ang sagot nya kanina. Hindi niya alam.


Wala na akong masabi. Naubusan na ata ako ng sasabihin sa kanya. Honestly, nalungkot ako sa sagot niya. Maging siya pala hindi alam ang mangyayari sa gagawin nya.


“Sus halata ka na naman... Halata na super concern ka sakin... Kaya sayo ako eh...

Wag ka mag-alala kahit anong maging desisyon nila, desisyon ko padin ang masusunod.

Tara sige na maglaro na tayo. Patunayan mo na MVP ka.” Nauna siyang maghubad ng suot pangtaas kaya gumaya narin ako. Half court lang kami, one on one. Napasarap ata kami ng laro. Hindi na namin namalayan ang oras.


“Mark?” tanong niya habang parehas kami na nakahiga sa floor ng basketball court, magkatabi at nakatingin sa taas, sa langit. Sobrang hingal na hingal kami at pawis na pawis.


“Oh?”


“May sasabihin ako sayo.” paputol-putol ang kanyang pagsasalit dahil narin sa sobrang pagod.


“Wag muna ituloy yan kung nonesense lang.”


“Hindi.”


“Anu yun?”


“I just want to be with you... Everyday... Every night... Every hour... Every minute of my life... “


“Ka-corny mo naman. San mo naman yan napulot?”


“Nabasa ko lang kanina sa facebook.”


Hinintay ko na tatawa o ngingiti man lang siya pero wala, seryoso ang mukha niya.


__________________________________________________________________________



Alas kwatro na ng umaga ng dumating kami sa bahay. Halatang pagod parehas pero masaya naman.

Umakyat na agad kami sa taas. Nagpahinga lang kami ng saglit at naligo ulit. Nauna siyang naligo kaya nung matapos ako nakahiga na siya.


“Grabe naman matulog to', konti nalang masasakop na buong kama ko.” Tinulak ko siya sa isang side para makahiga ako.


Sobrang antok na antok na ako kaya pagkahiga, agad akong nakatulog. Ssssssssssssssssz.


_______________________________________________________________________________




“Sheeeet ang sakit sa ulo. Anong oras na ba at parang kulang padin ako sa tulog?” unti-inti kong binukas ang aking mata. Nasisilaw kasi ako sa liwanag ng araw.



“Tanghali na.” malumanay na tinig ng taong nakaupo sa harap ko. Sheeeet si Kevin pala! Ano problema neto at pinanunuod ako habang natutulog. Smiling face na namn sya.



“Ano ginagawa mo?” tanong ko habang pupungas-pungas.



“Wala. Ang cute mo kahit tulog.”



Hindi ko sya pinansin. Pinikit ko ulit ang mata ko at niyakap ang unan na nasa tabi ko. Itutuloy ko nalang ang pagtulog ko tutal wala naman ako gagawin ngayong araw.



“Hindi ako nakatulog sayo Mark. Niyakap mo ako magdamag.”


Nagpapapansin lang yan kaya magpapatay malisya nalang ako. Kunwarin nakatulog na ulit ako.


“Mark.”



Ayokong sumagot.


“Mark.”



Kakulit!



“Mark....”



“Ano?”



“Ano ba ako sayo?”



Hindi ko talaga alam ang sagot. Sa totoo lang. Hindi ulit ako sumagot.




“Kasi ikaw... sobrang special sakin... nakaka addict...”



Naman Kevin! Nananaginip na naman ba ako?!




Ayoko na yata magising. 



by:SYMPATICKO
Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: MOST VALUABLE PLAYER Part 15
MOST VALUABLE PLAYER Part 15
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjOmqHddfpV2VE4Xxc4-Ldtt6KKx_y-fzc2BphQV_8lyuNnRYtxw4FisQVrPptpQ3_uY02QCvHRcLVcjR1_REYR5j1f1OmRapoGZDt6ml-cp0YgiN-q_f8aZA3-Ry62vgo9gguaxemCxvc/s320/mvp10.JPG
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjOmqHddfpV2VE4Xxc4-Ldtt6KKx_y-fzc2BphQV_8lyuNnRYtxw4FisQVrPptpQ3_uY02QCvHRcLVcjR1_REYR5j1f1OmRapoGZDt6ml-cp0YgiN-q_f8aZA3-Ry62vgo9gguaxemCxvc/s72-c/mvp10.JPG
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2013/12/most-valuable-player-part-15.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2013/12/most-valuable-player-part-15.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content