Message # 1... Hey Mr. Bad boy wer na u? 'u' hehe Message # 2... (Nothing to Display) Message #3... Bakit ayaw mo sagutin tawag k...
Message # 1... Hey Mr. Bad boy wer na u? 'u' hehe
Message # 2... (Nothing to Display)
Message #3... Bakit ayaw mo sagutin tawag ko?
Message #4... Anong petsa na???
Bla... bla.. bla...
Message #12... Cge gudbye!!!
Hindi naman halata na galit sya. Teka. Oo nga pala, nakalimutan ko sheeet! Tinawagan ko agad si Mariel. Mga 3 times pero naka-off. Hayaan ko na muna siguro, mamaya nalang ako mag-explain. Construct ko muna ng mabuti ang palusot ko. Isa pa nasa duty na yun, 3-11 shift kasi sya buong month.
Naghubad na ako ng pantaas para ipunas sa pawis ko sa katawan ko. Yuckkk!.Hehe. Ibinukas ko ng todo ang fan at tinapat ang likod ko. Nang medyo naibsan ang init na nararamdaman ko, naghubad nako ng shorts at tuloy-tuloy na sa banyo para maligo. May door nga pala sa closet ko papuntang CR. Nag-toothbrush narin ako at nag-ahit ng balbas. Antagal kong naligo, mga 30 minutes ata tapos nagbihis na ako agad at hinanap ang Ipod ko. Sakto nakita ko naman agad yun sa tabi ng laptop ko at agad ko sinuot ang headset. Naka-off yun kaya walang sounds. Ilang sandali pa ay bumaba na ako para kumain.
Habang pababa ako ng hagdan, napansin ko si ate Rosie, kasambay namin, na nanunuod ng tv. Nakita nya ako na pababa ng hagdan at agad naman bumati.
“Hello Mak, gwapo ah!” pagbati nya habang nakangiti.
“Haaaah? Tanong ko sa kanya. Tinanggal ko ang headset sa kaliwa kong tenga.
“Wala. Wala anak. Sabi ko tanghali ka na nagising.
Nakooo naman yaya nagsinungaling ka pa eh rinig na rinig ko na gwapo ako, sabi ko sa isip-isip ko. Hehe. Ganyan talaga ako madalas, lagi akong nakasuot ng headset kahit wala naman sounds.
Mark hindi na kita ginising ha. Mukang ang sarap ng tulog mo eh. Kain ka muna.”
“Yaya nasaan si Lola?” Tanong ko.
“Ah hindi ba nya nasabi? Kahapon pa sya wala, birthday daw ng pinsan mong si Lisa. Umuwi ng Manila
Next week na daw sya babalik”
Hanep ah! Mukang wala nang pakialam ang mahal kong lola sakin, hindi man lang nakuhang magpaalam.
“Eh sila Mama at Papa tumawag na po ba?”
“Oo hijo kausap ng lola mo kahapon bago sya umalis”
“Ahhh ganon ba” maikli ko namang tugon ko.
Agad kong pinuntahan ang mesa para kumain, pagbukas ko ng takip isang nag-aanyaya este nakakasukang ****bet! Oh my gulay! Letse gutom na gutom ako tapos eto lang?
“Yah wala na bang ibang ulam? Todo na to? You know naman diba na I hate G-o-l-e-y?” ayan napa taglish tuloy ako.
“Nutritious yan, kumain ka nyan ikaw nga itong nagbobola” paliwanag nya.
Shhhhet ikaw naman kasi Mark choosy ayan tuloy nag-health teaching na si yaya.
“I'll try to eat ****bet next time yah, I have to go. May appointment pa ako” sabi ko habang naka-tawa.
Ngumiti siya at ngumiti din ako, ngiting aso. Hehe. Umakyat ulit ako saglit sa kwarto para kunin ang wallet ko.
Medyo nag-aapura ako. “Oh sya yaya go na me”
“Anong oras ka uuwi anak?” tanong nya.
“Pwedeng hindi na, pwedeng oo, depende.” biro ko sabay smile ng todo.
“Naku masama yan!' binatukan nya ako ng mahina.
“Ano yun?' medyo napag-isip ako.
“Wag ka magsalita ng ganon anak, masama yun kahit na biro lang”
“Ah okey. Kayo naman yah naniniwala pa kayo sa mga ganyan, 21 century na tayo ngayon. Sige po go na talaga me. Bye.”
“Oh sige ingats!” mala-John Lloyd nyang sagot. Kasagwa. Hehe.
Sheeeet oo nga pala wala akong motor! Iniwan ko nga pala kila Mr.Cheng kagabi. Nag-jeep nalang ako papunta sa bahay nila Mr. Cheng, medyo malapit lang naman yun sa bahay namin. Madali naman ako nakarating sa bahay. Wala ang pamilya Cheng doon nung dumating ako pero pinayagan naman ako pumasok at kuhanin ang motor ko ng katiwala sa bahay. Kilala na kasi ako don kaya walang naging problema.
Hindi pa nga pala ako kumakain. Sa Fast food nalang siguro saka take-out narin para kay Mariel pang peace offering. Idadaan ko nalang sa Hospital bago ako umuwi para gumayak.. Nasa 5 PM na nuon kaya medyo nagmamadali na ako. 7 PM kasi ang awarding, na-excite tuloy ako.
Wala naman masyado sasakyan sa daan kaya medyo mabilis ang takbo ko hanggang sa unti-unti akong nag-menor dahil sa dump truck na nasa unahan ko. Punong-puno ng buhangin ang truck at tumatagas ang tubig mula sa kargada nito kaya naging madulas ang daan. Maya-maya naramdaman kong nag-wiggle ang unahang gulong ng motor at hindi ko na namalayang wala na pala akong control sa manubela. Kinabig ko ang control pakanan para if in case na bumagsak ako, sa shoulder ako sasadsad, mas delikado kasi kung sa mismong daan ako matutumba dahil may mga sasakyan na kasalubong at kasunod.
Ang bilis ng pangyayari, tuluyan na pala akong nawalan ng control. Sumemplang ang motor ko. Namalayan ko nalang na nasa gilid na pala ako ng daan nakahiga hindi kalayuan sa pinagbuwalan ng motor. Hindi ako makagalaw at hindi ko rin maitaas ang kamay ko.
Hindi ako makatayo. Nagumpisa na akong kabahan at matakot.Eto na kaya ang katapusan ng basketball career ko?
BY SYMPATICKO