Powered by Blogger.

Search This Blog

Blog Archive

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

MOST VALUABLE PLAYER Part 17

* * * * * * * * * * * * * * * Bwiset si Maggie pala! Parang wala akong mukha na maiharap sa kanya. Bakit ba kasi nags...


* * * * *

* * * *

* * *

* *

*


Bwiset si Maggie pala!


Parang wala akong mukha na maiharap sa kanya. Bakit ba kasi nagsinungaling pa ako sa kanya. Bahala na ilulusot ko nalang to.



“Oy Mags nandito ka pala.” ngek tinanong ko pa talaga.



“Oy Mark nandito karin pala.” Lumipat siya ng isang upuan kaya ngayon ay magkatabi na kami. Nakaharap kami kay Kevin. Tinapik niya ako sa likod ng mahina.



“Mags this is Kevin nga pala. Kaibigan ko.” tutal inulit lang niya ang sinabi ko, eto mag-usap kayo ni Kevin. Sumenyas ako kay Kevin patago. Tinitigan ko siya. “Saluhin mo ko.”



Kinuha niya ang kamay ni Maggie at nakipag-shake hands. “Hi I'm Kevin.” ang lakas ng loob ng loko.



Mukhang kinilig naman si Maggie at wala tuloy nasabi.



Bago pa mapunta ang lahat sa kung saan-saan, pumagitna na ako agad.

“Mags pauwi na talaga kami. Dumaan lang kami dito para hindi nako magdinner mamaya. Totoo yun, may importante talaga akong gagawin.” mahaba kong explanation. Masyado bang defensive?



“Ooooops Mark hindi mo na kailan magpaliwanag. Ano ka ba that's okey. No need to explain.” nakangiti niyang tugon. Ang ganda talaga niya. Nakaka.... tooot...



Napansin ko na si Kevin ay nagmamasid lang sa usapan namin ni Maggie. Ilang sandali pa ay nakasama narin si Kevin sa usapan. Napasarap ang kwentuhan namin. Halos inabot pa ng fifteen minutes ang kwentuhan. Mukhang interested din si Maggie kay Kevin pansin ko.


“Mags, mauna na kami.”


“Okey Mark. Bye. See you tomorrow.”


“Bye.”


“And Kevin.”


Hindi na sumagot si kevin. Ngumiti nalang siya para magpaalam.


While driving... “Mark.”


“Bakit?”


“Gusto mo yung Maggie?”


“Oo.”


“Ah...”


“Joke lang...” sabi ko pero ang totoo ay oo.


“Ang ganda nya. Impossible na hindi ka mainlove.”


“Maganda nga siya pero ang gwapo mo naman.” tinignan ko siya habang nagda-drive, nakangiti.



Tinigil niya ang kotse at itinabi sa gilid ng highway. Babawiin ko sana yung sinabi ko, sasabihin ko sana na 'joke lang' pero nakita ko ang reaction niya.


Masaya siya. Nakikita ko yun sa mga mata niya. Tahimik lang siya habang tinitignan ako. Seryoso sya. Ilang minuto din nanatili sa ganong posisyon hanggang sa bigla syang ngumiti, ang kanyang super-duper killer smile.



“Walang bawian.” pinitik nya ang aking ilong. Mahina lang naman.



Imbes na bawiin ko ang sinabi ko, ginantihan ko nalang siya ng isang ngiti. Hindi ko alam kung ano ang meaning non sa kanya at hindi ko rin alam ang magiging resulta ng mga ginagawa ko pero wala akong pakialam.

Basta nakikita ko na masaya siya, masaya narin ako. Maya-maya pa ay umandar narin kami. Napakatahimik ng byahe namin. Mabagal lang ang takbo pero kabado ako. Ilang sandali pa ay nakarating narin kami sa bahay. Maaga pa, nasa alas syete palang siguro nang makauwi ako. Ibang-iba talaga sa oras ng uwi ko.



“Tara sa loob.” aya ko sa kanya.


“Sige hindi na. May gagawin pa ako eh.”


“Sigurado ka?”


“Yup.”


“Okey sige ba-bye.”


“Uy saglit.”


“Bakit?”


“Yung usapan natin ah? Ala-una. Susunduin kita.”


“Seryoso ba yun?” tanong ko haang nakakunot nuo. Nakahawak ako sa sa pintuan na nakabukas.


“Yup. Basta ala-una lumabas kana. Tiyak nandito nako sa gate niyo nun.”


“Okey bye.” lumabas na ako ng kotse at sinarado na ang pinto, medyo napalakas ata. Bumusina naman siya ng mahina habang papasok ako sa gate. Sumenyas naman ako bilang tugon.


Sheeeet naninibago ata ako. Ang aga pa kasi para sa uwi ko. Naabutan ko si yaya na nakaupo sa sala, nanunuod ng local news. Pilit nyia ako pinakakain at pilit naman ako sa pagtanggi. Gulo noh? Hehe.


“Yah pag nagising ka sa busina ng kotse mamayang umaga, mga bandang ala-una, wag mo nalang pansinin.”


“Bakit Mark? Sino yun?”


“Basta yah. Matulog ka lang ng mahimbing.”


Nagtataka siguro si yaya sa mga sinasabi ko. Ang gulo naman kasi sa totoo lang. Bakit naman may bubusina sa harap ng bahay ng ganong oras. Haaaaaay.....


Nanuod lang ako ng replay ng laban ng Dallas Mavericks at New York Knicks sa NBA tv at nakatulog naman agad ako pagkatapos.


Ssssssssssssssssssssssssssz....



______________________________________________________________________________




Bwiset parang kaingay...


Binabangungot kaya ako.


Alam ko gising na ang diwa ko pero ayaw bumangon ng katawan ko. After fifteen minutes sa wakas nagawa ko din bumangon.


Oo nga pala may usapan kami ni Kevin. Teka anong oras na ba? Sheeeeet! Alas tres na pala. Sheeeeet talaga.


Ang daming missed calls at text ang natanggap ko, lahat galing kay Kevin. Napabalengkuwas ako sa kama para bumaba. Lumabas ata lahat ng adrenaline ko dahil ilang segundo lang ay nagawa ko nang makababa.

Agad kong binuksan ang ilaw sa harap ng bahay. Sheeeet umuwi na ata si Kevin. Nagulat talaga ako ng may makita akong kotse na nakaparada sa gilid. Nakita ko si Kevin nakaupo sa isang sulok malapit sa gate. Nilapitan ko siya.



“Sorry hindi ako nagising.”


“Ang tagal mo naman.” tama ba ang narinig ko? Hindi siya galit. Nakangiti pa siya.


“Alas tres na ah. Bakit hindi ka pa umuwi?”


“Sabi ko naman sayo hihintayin kita diba? 12:30 pa nga lang nandito nako eh.”


“Owsss.”


“Oo nga. Ayoko kasi na ma-late ako sa usapan natin.”


Nahihiya naman ako. Pupungas pungas pa ako. Hindi ko alam kung puro muta ba ako or what.


“Gayak kana.”


“Ha? Bakit?”


“May pupuntahan tayo.”


Sige sige. Bahala na. “Sige. Gusto mo ba pumasok muna?”


“Wag na. Hintayin nalang kita dito.”


Pumasok na agad ako sa loob. Diretso agad sa banyo. Hindi na ako naligo. Naghilamos nalang ako at nag toothbrush. Shorts lang ako panglakad at shirt na kulay yellow, naka tsinelas.

Gulo-gulo pa ang buhok ko kaya nag cup nalang ako. Kinuha ko cellphone ko at hindi na ako nagdala ng wallet. Wala naman siguro kaming bibilhin. Nakita ko yung ipod ko na nakasabit sa handle ng cabinet ko kaya dinala ko narin. Gagamitin ko yun in case na mangulit si Kevin, para hindi ko siya marinig.


Wala pang 10 minutes lumabas na ako.


“Ang cute mo naman.” pambungad niya. Sabi ko na nga ba eh mangungulit to.


“Ready?” tanong nya. Nakangiti.


Tumango lang ako. Nauna pa akong sumakay kaysa sa driver.


“Saan ba tayo pupunta?”


“Basta sumakay ka lang. Ako bahala sayo.”


Pinaandar niya na ang sasakyan. Unti-unting bumilis ang takbo namin hanggang sa napansin ko na palabas na kami ng Pampanga. Thirty minutes na kami bumabiyahe kaya nagtaka na ako.


“Hoy saan ba tayo pupunta?” medyo galit na ako.


Hindi siya sumagot kaya inulit ko ang tanong ko.


“Saan tayo pupunta.” may kataasan na ang aking tono kaya unti-unti syang nag menor.


“Sa Baguio.” mahina niyang tugon.


“Ha?” ang lakas na ng boses ko.


“Oo sa Baguio. Hindi ka na makakatanggi kasi malayo na tayo.”


Oh my... Baguio? Kalayo!


“Wala akong bihisan.” sabi ko.


“Don't worry dinalhan na kita. May damit, shorts, jeans, brief, toothbrush, lahat. Kumpleto na.”


Hindi ko alam ang magiging reaction. Gusto ko magalit kasi hindi man lang niya sinabi pero mas nananaig ang kasayahan sa loob ko. Hindi ko alam ang plano niya pero... pero... basta...



“Pano yung pasok natin?”


“Irregular pa naman yun. Sabi mo nga kanina diba?” sagot nya.


Oo nga naman. Ako pala ang nagsabi non.


“Wala akong pera. Hindi ko dala wallet ko.” buti nga nadala ko pa cellphone ko. Takte.


“Diba sabi ko nga ako bahala sayo.” sagot nya.


“Kelan tayo uuwi?”


“Sa isang araw.”


“Hindi pwede. You mean 3 days tayo dun?”


“Yup.” lumingon siya sakin at ngumiti.


Oh men!


“Bakit hindi mo sinabi sakin to?”


“Kasi hindi ka papayag. Ibukas mo yung lights sa likod ng sasakyan. Tignan mo anjan lahat ng gamit natin.”


Binukas ko ang ilaw at totoo nga. May dalawang malaking travel bag duon. May tag pa parehas na Mark at Kevin.

Halatang hindi handa! Hindi talaga handa si loko. Binuksan ko yung bag ko, may mga brief na naka-box pa, halatang bagong bili, may toothbrush, mga damit, shorts at jeans na sa tingin ko karamihan ay sa kanya. Napangiti tuloy ako.


“Oh may kulang ba.? Dumaan kasi ako ng supermarket kanina after kitang ihatid sa bahay niyo. Bumili na ako ng ilang gagamitin natin.” napapangiti pa si loko habang nagsasalita.



“May magagawa pa ba ako.” sagot ko.


“Wag ka mag-alala Mark ako bahala sayo. Siguradong mag-eenjoy ka.”



Bahala na. 



by SYMPHATICKO
Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: MOST VALUABLE PLAYER Part 17
MOST VALUABLE PLAYER Part 17
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2013/12/most-valuable-player-part-17.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2013/12/most-valuable-player-part-17.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content