Powered by Blogger.

Search This Blog

Blog Archive

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

Against All Odds Chapter 19

kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,


by: Migs

Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong maramdaman, ang tangi kong alam ay may baril na nakatutok sa akin, babae man ang may hawak nito ay walang bahid ng pagaalinlangan ang pagtutok niya ng baril, ni hindi manlang manginig ang kamay niya. Steady ito, alam mong handang pumatay.



“Isa lang ang pakay ko sayo, Aaron.” mahinahong sabi nito.



“Sandra, please.” bulong ko, napatawa ito.



“Hindi, hindi pa kita papatayin. Titignan ko muna kung madadala ka sa pakikipagareglo.” sabi nito at tumawa ulit. Dahandahang nagsitayuan ang aking mga balahibo, parang ahas na bumalot sa aking pagkatao ang pangingilabot.



“Unang una, iwanan mo si Jase.” sabi nito di pa nakuntento sa pagtutok lang ng baril sa aking ulo, idinikit niya pa ito sa pagitan ng aking mga mata sa may nosebridge.



Naramdaman ko ang malamig na bakal na sumayad sa aking balat. Napapikit ako. Isang luha ang masuyong pumatak.



“Kung hindi ka naman papayag, bibigyan pa kita ng isang buwan para layuan siya. Ayokong makitang nalulungkot si Jase, magpaalam ka ng maayos sa kaniya at kapag di mo ito nagawa. Magpaalam ka na sa mundo.” sabi nito sabay tumawa ulit.



“S-sandra, p-please.” pagmamakaawa ko dito, di ko na nagawa pang imulat ang aking mga mata. Idiniin niya pa lalo ang bibig ng baril sa aking mukha.



“Ano?! Di mo kaya?! Ngayon pa lang tatatpusin na kita!” sigaw nito, wala sa isip akong umiling. Tumawa ulit ito.



“Good boy, ngayon gusto kong idilat mo ang mga mata mo at titigan ang gustong pumatay sayo.” sabi nito sakin, dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata, panay panay ng tumulo ang aking mga luha.



“Di isang pokpok na lalaki ang aagaw kay Jase sa akin, hindi isang maduming bakla na nagpapagamit sa kapwa niya bakla, hindi isang doktor na nagmamalinis kung umasta. Sakin lang si Jase at wala ka ng magagawa doon, kasi sa oras na may gawin ka laban sakin...” itinapat nito ang baril sa aking bibig at pilit ibinuka gamit noon ang aking mga labi.



“... sa oras na may gawin ka sakin, itong baril ko ang chu-chupahin mo at ang bala nito ang lulunukin mo na parang tamod!” sigaw nito sabay tawa ulit.



Di na ako makagalaw.



“Sige, Aaron, nice seeing you again.” pa-sweet na sabi nito sabay alis ng pagkakatutok ng baril sa aking bibig saka tumalikod. Tila naman napako ako sa aking kinauupuan.



“Ay oo nga pala, bago ko makalimutan, kapag nagsumbong ka sa mga pulis pareho ko kayo ni Jase papakainin ng bala.” sabi nito sabay tutok ulit ng baril sakin at kinalabit nito ang gatilyo ng baril, napapikit ulit ako alam na mawawalan na ako ng malay miyamiya at maaaring katapusan na yun ng buhay ko, pero imbis na malakas na putok ng baril ang narinig ko ay ang nakakaloko at malakas na halkhak ni Sandra ang namutawi sa aking tenga.




“Sa susunod may bala ng magpapasabog ng bunbunan mo.” sabi nito saka naglakad na palayo.



Nanginig ako, naninikip ang aking daluyan ng hangin, nagsisimula ng mamuo ang butil butil na pawis sa aking noo sa kabila ng panlalamig. Di ako makapaniwalang maaring natapos na ang buhay ko may ilang segundo lang ang nakaraan.



0000ooo0000



Nararamdaman kong paulit ulit na nagva-vibrate ang aking cellphone sa bulsa, malamang may ilang minuto narin akong hinahanap sa buong ospital, marahil si Enso ay natawag dahil nagaalala narin ito. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng yabag sa aking likuran.



“Aaron?” tanong ng pamilyar na boses ni Enso sa aking likuran, humarap ako dito at kitang kita ang gulat sa mukha nito ng humarap ako sa kaniya.



“Anong nangyari?” tanong nito, umupo narin ito sa aking tabi at niyakap.



“Bakit ka nanginginig? Bakit ka nanlalamig? Aaron, natatakot ako. Sabihin mo sakin ang totoo? Anong nangyayari?” nagsisimula naring magpanic si Enso, di ko na napigilan at napahagulgol na ako.



0000ooo0000



“Tatawagan ko si Jase, since ayaw mong sabihin samin kung anong ikinagaganyan mo.” pambabanta ni Enso sakin.



“Tungkol nga kila inay at itay kaya ako nagkakaganito.” sagot ko dito. Napabuntong hininga na lang ito.



“Alam kong takot ka sa mga magulang mo, pero hindi aabot sa panginginig at panlalamig ang takot na nararamdaman mo sa kanila.” pilit parin nito, di na ako sumagot.



“Tutulungan kita, Aaron.” alok nito pero umiling ako.



“Baka madamay ka pa. Sapat ng si kuya Sam na lang ang namatay, di ko kakayanin kung pareho pa kayong mawawala.” sabi ko dito, natahimik naman si Enso, nangingilid ang luha nito.




0000ooo0000



Malapit na ang palugit na binigay sakin ni Sandra, mukhang umaayon naman lahat sa plano niya ang nangyayari. Muli kasing nanlamig sakin si Jase matapos ng pagtatalo namin noon nang hindi ko ito sipingan. Parang bumalik kami sa dati naming relasyon, ang mag manager, ako bilang business niya. Di ko parin masabi dito ang balak na pakikipaghiwalay, tulad ng utos sakin ni Sandra.



Sa tuwing titignan ko ito na nakakunot ang noo ay para bang nasasaktan ako, sa tuwing babalewalain nito ang aking mga alok ay para bang ikamamatay ko. Sa tuwing ipagluluto ko ito sa umaga ay parang lagi itong nawawalan ng gana na agad niya namang tatanggihan ang aking alok.



Untiunti, kahit wala akong sabihin, kahit wala akong gawin ay para bang umaayon lahat sa kagustuhan ni Sandra ang nangyayari. Nararamdaman kong unti utni nang nakikipaghiwalay sakin si Jase.



Lumipas pa ang ilang araw at ni hindi na kami mapagsasama ni Jase sa iisang kwarto, ni hindi na siya nauwi ng maaga at tuwing uuwi naman ay sa sofa na ulit ito nahiga, may hawak na isang beer sa kamay habang nanonood ng TV hanggang sa makatulog.



Isang gabi paggulong gulong ako sa aming kama, di makatulog, di na ako naasa na sa tabi ko matutulog si Jase, pero di ko parin alam kung pano sasabihin sa kaniya na makikipaghiwalay na ako. Bumangon ako at sumilip sandali sa pinto, nakita kong nakabukas ang TV, nanonood ng basketball si Jase, alam kong nagiinom ulit ito tulad ng mga nakaraang gabi.



Di ko napigilan ang aking sarili, lumapit ako dito, ni hindi ito nagangat ng tingin ng makalapit ako sa kaniya, nakakunot parin ang noo nito, tila ba nagco-concentrate sa pinapanood na laro. Umupo ako sa tabi nito, di parin ako nito pinapansin, inabot ko ang kaliwang kamay nito at iniakbay sakin. Tinignan ako nito, nakakunot parin ang kaniyang noo.



“Sorry, Jase.” bulong ko sabay tulo ng luha mula sa aking mga mata. Di na ito sumagot, hinigpitan nito ang pagkakaakbay sakin at isiniksik ako sa kaniyang katawan. Hinawakan ng kanang kamay nito ang aking baba at iniangat ang aking mukha, nagtapat ang aming mga mukha. Inilalapit na niya ang kaniyang labi sa aking labi.



Muling bumalik sakin ang pambababoy sakin ni Nate, iniwas ko ang labi ko mula sa lumalapit ng mga labi ni Jase, kita ko ang gulat at galit sa kaniyang mga mata. Tatayo na sana ito ng hilahin ko ang kamay niya, pero hinawi na niya ito. Saka tuloytuloy na lumabas ng bahay.



0000ooo0000



“So what's wrong with me, Enso?” tanong ko dito nang magpacheck up ako dito, napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na madalas akong magkasakit.



Untiunting nabura ang ngiti saking mukha ng mapansing seryoso si Enso, nagsisimula ng mangilid ang mga luha nito at nangangatal narin ito.



“Enso, mamamatay na ba ako?” tanong ko dito, di na maipaliwanag ang kaba na aking nararamdaman.



Tumayo ito at tumapat saking kinauupuan, pilit ako nitong itinayo at niyakap ng mahigpit. Nanginginig na ito at nanlalamig nadin, nagsisimula narin itong humikbi.



“I'm sorry, Aaron. I'm really really sorry.” at humigpit ang yakap nito.



Marahan kong inilayo ito sa kaniyang mahigpit na pagkakayakap sakin. Di na maipinta ang mukha nito, nawala na ang pagiging propesyonal nito at pagiging kalmado na lagi kong hinahangaan sa kaniya.



“C'mon, it can't be that serious, I'm only having fevers, palpable lymphnodes and a sore throat, ok and maybe some muscle pain. It can't be that serious, right?” kinakabahan kong sabi kay Enso. Umiling ito.



“I wish its just fever and sore throats, Aaron.” sabi nito sabay abot ng isang maliit na papel sakin, nanginginig kamay kong kinuwa ito.



Nang mabasa ang nakalagay dito ay halos mawalan ako ng malay at ang sunod kong naibulalas ay...



“God no. Please, no.” sabi ko habang nakaluhod sa sahig ng doctors quarters.



0000ooo0000



“Jase, I need to talk to you. Please.” text ko kay Jase magiisang oras na ang nakalipas.



Nakaupo ako sa tahimik at malinis na chapel ng ospital, wala paring tigil ang luha ko sa pagtulo. Nanlulumo parin ako sa aking nalaman.



“Jase, please.” text ko ulit dito pero wala parin reply matapos ang ilang oras. Sinusubukan ko rin siyang tawagan pero ring lang ng ring ang kaniyang telepono.



Sunod kong tinext ang kapatid nitong si Nathan.



“Nate, I need to talk to you.” text ko dito.



“Where are you? What are we going to talk about?” reply ni Nate.



“Dito sa hospital, sa may chapel. Dito ko na sasabihin sayo. And please, if you see Jase, sana isama mo na siya or kung maari ay pakitawagan or pakitext din siya.” reply ko dito at ang sagot lang nito ay...



“OK.”



Muli akong humarap sa altar at lumuhod. Di ko mapigilang magtanong sa Diyos, wala paring tigil ang aking mga luha sa pagdaloy, nagsisimula nanaman akong manginig at manlamig.



“Bakit ako? Wala na ba talaga akong karapatang lumigaya?” tanong ko sa imahe ni Hesukristo na nakapako. Ipinikit kong mabuti ang aking mga mata at nagsimula ulit magdasal. Pinagdadasal ko na sana panaginip lang ang lahat, umaasa na magigising ako sa bangungot na iyon.



Ilang oras pa ang nakalipas at namumugto na ang aking mga mata sa kakaiyak, narinig ko na may papalapit sakin, agad ko itong hinarap. Si Nate, halatang nagaalala sa aking itsura. Naglakad ito palapit sa aking at niyakap ako ng mahigpit, agad ko namang ibinaon ang aking mukha sa dibdib nito at doon umiyak.



“What's wrong, Kiddo?” tanong nito, halata ang pagaalala sa aking pagiyak.



“Shhh, andito na ako, you can tell me anything.” sabi nito sakin habang inaalalayan ako paupo sa isa sa mga mahahabang upuan na nakahilera doon. Di parin ako humihiwalay sa pagkakayakap dito.



“Sabihin mo sakin, baka makatulong ako.” alok ni Nate, pero di ako makapagsalita.



“Si Jason ba? Sinaktan ka ba niya?” kalmado pero rinig ko ang galit sa boses nito. Umiling lang ako.



“Eh ano nga, Kiddo? Pano kita matutulungan niyan?” tanong ulit ni Nate sakin.



“Nate, I'm sick.” bulong ko dito, nagsimula nanaman akong manginig at manlamig.



Natigilan si Nate, tila ba tinitimbang ang kaniyang sasabihin.




“How bad is it?” tanong nito sakin, kalmado pero ramdam kong tinatago lang rin nito ang tensyon sa kaniyang sarili, di na ako nakasagot pa at muli na lang humagulgol.




“Aaron, c'mon sabihin mo sakin.” paanyaya ulit sakin ni Nate na sabihin sa kaniya ang totoo.



Di ko alam kung pano sasabihin kay Nate, alam kong pandidirian ulit ako nito, tulad noong natuklasan niyang nagbu-booking ako, kahit gusto ko mang itago kay Nate at Jase ang sakit ko ay di makakayanan ng konsensya ko ito. Pandirihan na nila ako hanggat gusto nila pero sasabihin ko parin sa kanila ang totoo. Nakatitig sakin si Nate, iniintay ang aking pagsasalita. Huminga ako ng malalim.



“I'm HIV positive, Nate.” bulong ko.



Natigilan si Nate.




Itutuloy...



blogsite: http://miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
http://www.facebook.com/notes/untold-forbidden-stories-kwentong-sasalamin-sa-iyong-pagnanasa/against-all-odds-19/358604287516359
Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: Against All Odds Chapter 19
Against All Odds Chapter 19
kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiWEiPJICXyBqaVNJ-XCstKh5tLXdDYxf5BXh-1Iqv-MY-4S-GZWW9snqiARfjCXyp1lXExblYOQLGrDkId6sosNJnkumIJEj3MKlVeJOhuUKJ3pv6EUY7E3tWjVYvdoPF81MYNdzzfbw4/s400/lemuel+pelayo.jpg5.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiWEiPJICXyBqaVNJ-XCstKh5tLXdDYxf5BXh-1Iqv-MY-4S-GZWW9snqiARfjCXyp1lXExblYOQLGrDkId6sosNJnkumIJEj3MKlVeJOhuUKJ3pv6EUY7E3tWjVYvdoPF81MYNdzzfbw4/s72-c/lemuel+pelayo.jpg5.jpg
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/06/against-all-odds-chapter-19.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/06/against-all-odds-chapter-19.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content