kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
Chapter VIII
(Terrence's POV)
Tapos ko na ang pag-eedit ng aming documentary. At salamat sa Diyos matapos siya mabusog ay nanahimik na siya sa isang tabi at nanood na lang ng TV. Pagkain lang pala ang magpapatahimik sa bakulaw na 'to. Pero hindi pa din ako umaalis dito sa tapat ng computer, mas okay ng andito ako kesa makita si bakulaw. Tss. Napaka tagal naman kasi ni Amber. Nagtext siya sa akin kani-kanina, ang sabi niya hintayin daw namin siya para mapanood niya ang kinalabasan ng unang bahagi ng aming Documentary.
"Psssst.. Tagal naman niyan. Sabi ko naman sayo 'diba tutulungan na kita diyan."
"Actually, Tapos na. Kaya wag ka ng maingay diyan."
"Okay. Eh bakit ayaw mo pa umalis diyan? Masama ang nakababad sa tapat ng computer 'diba? Yung Radioactive."
"RADIATION! BOBO!"
"Oo nga. Walang pinagkaiba yon. Iisa lang ibig sabihin non! At wag mo nga akong tawaging Bobo! Masyado ka." Binato niya ako ng unan.
"Bakit ka nambabato? Baka nakakalimutan mo? Pamamahay ko toh!"
"At baka nakakalimutan mo? Bisita ako! At bilang ISANG TAO! matuto kang makisama!"
Tamasiya. Kahit kelan talaga hindi nauubusan ng isasagot ang isang toh.
Medyo nangalay na din ako tumunganga sa harap ng PC ko, tapos na naman ang aming docu kaya tapos na ang problema ko. Dumerecho ako sa kusina para uminom ng Tubig. Mula dito, nakikita ko ang ginagawa ng isang yon, tutok na tutok siya sa panonood ng TV. Ano ba ang pinapanood nito? Ah Drama! PSH! Baduy...
"Haaayssss.. Asan na ba si Amber..."
"HOY!!! Anong binubulong bulong mo diyan?"
PAKSHET talaga tong bading na toh! Muntik ko ng malunok tong baso na iniinom ko.
"Bakit ka ba nanggugulat?"
"Nauuhaw ako."
"Mukha ba kong Ref?"
"Hinde! Pero kasing lamig ng tubig yang pagkatao mo."
BOOM! Barado ako dun ah!
"Tabi nga jan. Kukuha ako ng tubig."
ASTIGIN talaga to! Feel at home pa. Hindi na nahiya. Bilib din talaga ako sa kapal ng mukha ng taong to.
Habang nagsasalin siya ng tubig sa baso niya, may napansin ako na dapat hindi ko naman pinapansin. Maganda pala ang hubog ng katawan ng isang ito. Malaman ang mga braso at binti niya, nag g-gym kaya siya? At ang laki ng pwet niya.
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Mula ulo hanggang paa pa ha! Ganda ko noh?"
"Patawa ka eh no? Pwede ba? Nalilito lang ako kung ano ang mukha at kung ano ang paa sayo. Identical eh."
"So M-mukha akong PAA????!"
"Ikaw may sabi niyan."
Sabay talaikod ko at derecho sa sofa. Ano ka ba naman Terrence???!!! Bakit mo ba kasi tinitignan ang pwet ng isang yon? Eh kasi Attracted ako sa mag taong malalaki ang pwet. Parang ang sexy kasi ng daating nila sa akin. Ewan ko ba! Mapa-lalaki o Babae napapalingon ako sa ganon. PSH! kainis! Para tuloy akong manyak!
"PAA??? So paa ang tingin mo mukha ko? Ha?!!"
Haaaay. Heto na naman siya. Ang lakas lakas ng boses.
"Pwede ba? Wag kang maingay. Takpan mo yang bibig mo."
"At bakit ko tatakpan?"
"Takpan mo lang. May sasabihin ako."
ginawa naman niya ang iniutos ko. Tinakpan niya ang bibig niya.
"Alam mo Billy? Ganyang kabango ang mundo ko kapag tahimik ka. KEEP IT UP"
Agad agad niyang tinaggal ang kamay niya sa bibig niya at muli akong binato ng unan.
"HARD MO!!"
At naupo siya sa isang tabi at hindi na nagsalita.
Silence
Silence
Silence
Haaaayssst! Ang tahimik naman.
Eh? Ang gulo ko din eh noh? Napikon kaya siya sa mga biro ko? Hindi talaga siya nagsasalita eh. Lilingunin ko ba? Baka naman isipin niya tinitignan ko siya?
Eh kasi nakakabahala naman. Baka mamaya makinig na naman siya sa rock music. SHETNESS YON! isa yon sa mga nakakasukang joke na narinig ko.
TING...
Alam ko na, ilalalag ko nlang tong Phone ko para makita ko kung ano ang ginagawa niya.
1
2
3
LAGLAG.
^_____^ Ang talino ko talaga.
Agad agad kong pinulot ang phone ko at nakita ko na siya-------
TEKAAAA? N-nasaan siya? Bakit nawala siya? Umuwi na kaya? Eh bakit hindi ko man lang namalayan? Dali-dali akong pumunta sa Main Door, nakita kong nandon ang sapatos niya. Ibig sabihin nandito pa siya. Ah baka sa nag CR.
Pero sarado ang ilaw sa CR,wala din dito. Isa lang ang ibig nito nasa taas siya. At Ano namang gagawin niya sa taas? Ang bading na yon talaga!
(Billy's POV)
Habang abala siya sa panonood ng TV Naisipan kong umakyat sa second floor ng bahay nila kahit walang paalam, paki niya ba? HAHAHA. Dumerecho agad ako sa balkonahe, gustong gusto ko kasi ang mga bahay na may balcony, masarap lang tumambay. 5:00 PM na din naman kaya hindi na masyadong mainit. Mula dito sa taas tanaw ko ang kagandahan ng subdivision. Punumpuno ng mga puno at mga halaman. Napakalinis din ng paligid, parang hindi ka nasa Pilipinas.
"Sinong may sabi sayo na pumunta ka dito?"
"Oh? Ikaw pala. Eh diba sabi mo mabaho ako? Edi nilayuan kita.''
"Kahit na. Dapat nagpaalam ka."
"Bakit namiis mo ba ako agad?"
"ASA OY! Natakot lang ako baka magnakaw ka dito sa bahay namin."
"Whatever! Tara na sa baba. Malapit na daw si Amber. "
Iniwan ko na siya at nauna na ko bumaba. Nagtext kasi si Amber na malapit na siya. Buti naman at padating na siya. Madami akong kwento.
(After 10 minutes)
"Wow! Ang ganda ng pagkaka-edit niyo ah! I can't wait sa mga susunod pa nating mga makukunan! Thumbs up Terrence and Billy!" Tinignan ko agad si Terrence, ine-expect kong sasabihin niya na siya lang ang ang edit. Pero dedma siya, Nanonood lang siya ng TV.
"Ahh Amber, Siya lang ang nag edit niyan. Wala akong ginawa." Bulong ko kay Amber.
"Ha? Bakit? Nag away na naman kayo?"
"Mamaya ko na kukwento. Tara na uwi na tayo, gabi na din kasi eh."
Nagpaalam na kami kay Terrence at umalis na din. Habang naglalakad palabas ng subdivision ay kinuwento ko kay amber ang mga kaganapan sa kanina sa habang magkasama kami ni Terrence.
"Talaga nag sorry siya sayo?"
Gulat na pagkasabi ni Amber matapos kong sabihin na humingi ng sorry si Terrence sa akin.
"Oo. Kaso pasigaw naman! Halatang hindi sincere diba?"
"Hayaan mo na. Ang importante naman nag sorry siya. Knowing Terrence ha?"
"Well. Tama ka. Sa tigas ng ulo non, atleast nakuha niya pang mag sorry."
"So ano pang nangyare? Yun lang ba? Nag sorryhan lang kayo? MMK lang ang peg?"
"As usual, asaran, taasan ng boses, laitan."
Biglang tumigil sa paglalakad si Amber at hinarap ako. Nanlalaki ang mga mata niya.
"TALAGA? Inasar ka niya?"
"Yeah. Anong bago don? Bakit gulat na gulat ka?"
"Alam mo kasi, once na inasar ka ng isang tao, ibig sabihin non, komportable siya sayo. Nabasa ko yan. Good job! Mukhang nakukuha mo na ang loob niya."
"Pang aasar na may halong panglalait? Yun ba ang komportable?"
"Basta! wag kang nega! Oh siya sasakay na ko. By the way, bukas gala tayo? Group date? join ka?"
"Sure. Text mo ko. Bye. See you bukas."
Abangan Ang Kasunod:
written by: chabbyworld143
for pdf/txt copy add me on facebook
www.facebook.com/chabii2010
follow me on Twitter & Instagram: @chabbyworld143