kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
Chapter X
(Billy's POV)
HELLO PHILIPPINES
and HELLO WORLD.
Its another Monday Morning Everybody.
And its a begining of another one week of class.
And to tell you guys, TINATAMAD ako. (>.<)
Pero buti na nga lang maganda pa din ako. At dahil jan, ayan na naman ang mga Red Carpet, naglalatagan na naman silang lahat sa kalye dahil dumadaan ako. Chos! HAHAHA
Nababaliw na nama ako. Anyways.
Akala ko nga kasi makakapag pahinga ako sa aking weekend, hindi pala.
Nung sabado, nag bwisitan *este* nag gawa kami ng Docu ni Terrence (actually siya lang ang gumawa, umupo lang ako don) at kahapon naman, bonding with new sets of friends namely, Jerome, Jasper & Terrence. Siyempre, hindi nawala ang mga sisters kong sina Amber at Zarren. And in all fairness naman, masaya ang gala day namin, worth it naman ang pag-alis. Yun nga lang nauna ng umuwi kahapon si Terrence. Aba? biglang nawala at hindi na nagpakita after ko asarin, nagtext na lang kay Jasper na may pupuntahan pa daw siya. Loko-loko talaga yon.
"GOODMORNING guys..."
Bati ko sa mga group of girls na nakatambay malapit sa garden. Sino sila? Well hindi ko sila kilala. Hayaan niyo na, Love Love Love to others na lang.
"Gooooooodmorning Manong Janitor......"
Bati ko naman sa nagtatabas ng damo sa garden.
"GARDENER ako hindi ako Janitor. Goodmorning din"
OMG! hindi daw pala siya janitor. NAKAKALOKA. Demanding sa posisyon.
"I am so sorry, Kuyang Garderner. Work Work Work ka lang jan ha? Keep it up."
"Uy.. Billy. Mukang Good vibes tayo ah."
Si Jasper. Ang pogi niya ngayon infairness. Iba ding pumili nitong si Ambertita.
"Of course. Dont you see the red carpet outside? Its a sign of my everlasting beauty. Jasper."
"Hahaha. Wala akong nakita, baka tinanggal na pagkapasok mo."
I Like this boy talaga, madali siyang maka pick-up ng joke.
"Sige mauna na rin ako sayo Billy, may class pa ko. See you around. Bye."
"Okay Bye.."
Umakyat na rin ako sa building namin.
Maaga akong pumasok ngayon dahil nakalimutan kong gumawa ng assignment.
And yes, balak kong mangopya kung sino man ang maabutan ko sa classroom.
"GOOOOOOODMOR----------"
Teka? Bakit walang tao?
Saglit ako umatras para tignan ang room number.
'IT ROOM 301'
Tama naman, dito ang room namin.
Kinuha ko ang Iphone 6 ko para tawagan si Amber. (A/N: Wag kayong magulo may Iphone6 na sa amin. Advance kami e.)
"Hello?"
"Hello to you Amber, Asan na ba kayo? Bakit wala pa kayo dito sa room?"
"Ano ba yan? Ang aga mo naman! Nagbibihis pa lang ako."
"Ganito nga kasi yon. Mangongopya kasi ako kaya inagahan ko ang pasok. Pero kahit isa, ni-isa walang tao dito sa room."
"M-may assignment?"
"Hindi mo alam?"
"Hinde."
"wala kang silbe Amber. Ikaw lang ang inaasahan ng sambayanan.!! Pero sana naman nag review ka para sa quiz natin ha.."
"MAY QUIZZZ?????!!!"
Ay Boba. Siya na ang walang alam sa mundo.
"NAKAKALOKA KA!!. Bigti na girl ha? Bye"
***
-Canteen-
"HUHUHUHUHU.... sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakuha ng 70% na grade sa isang quiz" Pagmamaktol ni Amber sa amin habang hawak hawak ang 1/4 sheet of yellow paper.
"Aba? Ako nga 65% nakuha ko eh. Pero okay lang."
Pagmamayabang naman ni Zarren, na tila sanay na sanay na naman bumagsak noh?
"Mukhang Okay na okay naman sayo yang ganyang grade no? Zarren?"
sarkastikong sagot ko sakanya.
"Theres a lot of next time to improve naman kaya okay lang."
Iba din talaga ang pananaw ng isang ito. Binalikan ko naman si Amber na hindi pa din nawawala ang simangot sa mukha.
"Alam mo kasi girl, kung hindi ka nag PBB Teens kahapon, for sure kahit 105% makukuha mo."
"So kasalanan ko?"
"HINDE. kasalanan ko. Ako yung malandi e."
Pambabara ko sakanya. Natutuwa kasi akong makita ang itsura ni Amber. Daig niya pa ang nahold-up sa sobrang pagka busangot ng mukha niya.
"Hard mo girl, hmmp. Jan nga muna kayo, bibili lang ako ng foods."
"Padala mo sa condo ko ah..."
"Che!"
Samantala, Nakita ko namang paparating si Terrence dito sa kinauupuan namin. Aba? Maaliwalas ang mukha ng mokong ngayon ha? Hindi naka ngiti pero hindi din naman naka busangot, sakto lang.
"Hi Terrence!! Tara kain."
Alok ni Zarren sa bagong dating.
"Thanks. Busog pa ako eh. By the way, nasaan si Amber?"
Ayos din talaga tong isang toh eh no? Akala niya yata upuan ako dito at hindi man lang ako pinapansin.
"Nanjan lang, bumili lang ng food. Tungkol saan ba yon? Pwede mo namang i-share sa amin yang sasabihin mo sa kanya." Chismosa talaga tong Zarren na 'to.
"Ah? Sure. Kasi Birthday ni Asst. Coach Arevalo this coming Friday night. Sabi niya invite ko daw kayo, kasi parang part na din kayo ng Team namin since nag start kayong mag docu sa amin." Wow? Party? Ibig sabihin madaming foods yan. Gusto ko yan. Masaya ^____________^
"Okay sasama kami, wala kaming katanggi-tanggi sa mga ganyan party. diba Billy?"
"Ha? Oo naman. Sasama tayo."
Napansin kong nakatingin si Terrence sa akin, kaya tinignan ko din siya.
Eye to Eye.
Ang fresh talaga ng itsura niya ngayon, bakit kaya? KILIG MUCH (*.*)
"Oh bakit? Mukha na naman ba akong paa? ha? Terrence?"
"I am not saying anything."
Nakangiti siya habang sinasabi ang mga salitang yon. At May kung anong kiliti akong naramdaman dahil don, parang ngayon ko lang siya nakitang naka-smile. Naiihi tuloy ako. Shet.
"Okay." Simpleng sagot ko na lang para matapos na, baka kung humaba pa ang usapan ay sumabog na ang ihi ko dito sa canteen.
"Sige I'll go ahead na. Paki sabi nalang kay Amber."
"Sure Terrence." Si Zarren na ang nag-paalam kay Terrence. Para bang natameme ako at nawalan ng lakas sa ngiting yon mula sa kanya.
Talaga namang napaka landi ko noh?
***
FRIDAY NIGHT
-Asst. Coach Arevalo's Birthday Bash-
Fresh from Cavite Academy, pagkatapos namin manood ng practice ng Soccer Team agad-agad kaming dumerecho dito sa nakapagandang bahay ni Asst. Coach para sa isang munting salo-salo. Nakilala din namin ang napaka gandang asawa ni Asst. Coach na si Tita Mary Jane, wala pa silang anak dahil mag-iisang taon pa lamang ang kanilang kasal.
Hindi naman sobrang dami ang mga bisita, andun si coach Pascual, mga ilang players ng soccer team, mga ilang kapamilya niya at syempre kaming tatlo nila Amber at Zarren. Dito sa kanilang mini garden ang naging set-up ng party. Magkakasama kami nila Zarren, Amber, Jerome, Terrence at Jasper sa isang table.
"Magandang Gabi po sa inyong lahat"
Bati ng Birthday Celebrant sa aming lahat.
"Gusto ko lang magpasalamat sa inyong pagdating sa aking munting kaarawan ngayong gabi. Hindi na ko nag-imbita ng madami, dagdag pakainin pa yung mga yun eh" Nagtawanan ang lahat sa birong iyon ni Asst.Coach.
"Pero, hindi lang ito basta birthday party ko, mayroon din kaming dalawang announcement para ating Soccer Team." Kinawayan niya si Coach Pascual para pumunta sa harapan. Pero tumanggi si Coach. "Naku, mukhang nahihiya si coach ah. Sige ako nalang ang magsasabi." Napatigil ang lahat sa pagkain para makinig sa sasabihin ni Asst. Coach.
"Dahil nalalapit na ang tournament, magkakaroon tayo ng Team Building na gaganapin sa
SUBIC!!!!" Nagulat at Naghiyawan ang lahat sa bagong balitang narinig mula sa nagsasalita sa harapan. Ang alam kasi ng lahat sa Batangas gaganapin ang Team Building.
"You heard it right boys! MagSusubic tayo. Pero pinapaalala ko lamang sa inyong lahat na hindi outing ang punta natin doon. Well, pwede naman kayo mag swimming at mag chill doon pero sana wag nating kalimutan na ang pagpapatatag ng ating samahan ang sinadya natin doon."
"YES Asst. Coach!" Sigaw ng mga players.
"3 days and 2 nights ang stay natin sa Subic. Brace yourself guys dahil next Friday na ang alis natin." Muling nagulat ang lahat sa pinaagang Team Building. Ang alam din kasi ng lahat na sa Last week of July pa ang Team Building.
"Again, You heard it right, inagahan namin ang ating Team Building dahil sa aking susunod na announcement. Pagkatapos ng ating Team Building, magpapahinga lamag tayo ng ilang araw at sasabak tayo sa ating unang practice game." sumeryoso ang mukha ng lahat sa ikalawang announcement ni Asst. Coach. "Makakalaban natin ang St. Peter's University. Nakatanggap kami ng liham mula sa kanila noong isang araw. Humihingi sila ng isang Practice Game bilang paghahanda sa nalalapit na Tournament."
Muling nag cheer ang mga players, pahiwatig na kakayanin nila ang hamon ng nasabing paaralan.
Samantala sa table naman na kinabibilangan namin, napansin ko ang magkakaibang emosyon, nag-panic si Amber, Excited si Jasper at natulala si Terrence.
"Guys, exciting toh! St. Peter's University! Don kami nag graduate ng high School nila Amber at Terrence! masaya toh!" Ngunit hindi ko naramdaman ang excitement sa mukha ni Amber, lalo na sa mukha ni Terrence. Kapansin-pansin din ang madalas na eye contact ng dalawa. Kung hindi ako nagkakamali, player si Terrence sa soccer team noong high school siya. Maaari kayang kilala na ni Terrence ang mga makakalaban nila?
***
(Amber's POV)
Habang nagkakasayahan ang iba doon sa may garden, sinenyasan ko si Terrence na mag-usap kami. Tinext ko siya na magkita kami sa Van ni Jerome. Napansin ko kasi ang pamutmutla at pagkatulala niya ng marinig niya ang paaralang binanggit ni Asst. Coach kanina, alam kong mahirap para sakanya na makaharap muli ang mga co-players niya mula sa iniwan naming paaralan. Kung hindi ako nagkakamali ang mga ka team mates niya sa St. Peters University ang nagpakalat ng kontrobersyal litrato ng Daddy niya. At ang pasimuno nito ay ang Team Captain ngayon na si Jefferson Magdalo. Ang dating bestfriend niya.
"Anong balak mo Terrence
"Natatakot ako Amber."
Hindi man niya sabihin, ramdam na ramdam ko ang takot ni Terrence, hanggang ngayon kitang kita ko pa din ang pamumutla ng mukha niya. Hindi ko siya masisi talagang napaka-sakit ng napagdaanan niya ng mga panahon na iyon. Mismong mga ka team mates niya ang nag-umpisa ng pambubully sakanya at masakit pa dito, ni-request din ng mga ito na ipatanggal siya bilang miyembro ng aming soccer team.
"Nandito kami, Ako, si Jasper at kaming mga kaibigan mo para suportahan ka. Sa ngayon, alam naman nating hindi pa alam ni Jasper ng katotohanan tungkol sa pagkatanggal mo soccer team natin noon, pero ako na ang bahala."
"S-salamat.... Amber."
"Huwag kang mag-alala, kung noon na mag-isa ka nakaya mo. Mas kakayanin mo ngayon dahil hindi ka mag-iisa."
***
-Montenegro's Residence-
(Billy's POV)
"May mga bagay talaga sa mundo na kahit makita mo lang masaya kana."
"Billy Girl? Ano na namang pinagsasasabi mo diyan? Gawin mo nalang yang assignment natin dba?" Eh kasi naman guys, nakakalaglag ng T-Back tong kuya ni Zarren (A/N: Si kuya Darwin remember? yung gwapong brother ni Zarren na naghatid sa amin pauwi sa Chapter 2). Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila Zarren para sa assignment namin. Nagpag-desissyunan naming tatlong Maria na gumawa ng assignment ngayong sabado.
"Amber? Bulag ka ba? Walang pakiramdam? O natotomboy kana? Hindi mo ba nakikita ang kagwapuhang taglay ng taong yan?" Tinuro ko si Kuya Darwin na kasalukuyang naglalaro sa tablet niya. "Aakalain mo pa bang may nabubuhay pang ganyang tao sa mundo? maputi, makinis, mayaman, disente, mabait, magalang at higit sa lahat ubod ng gwapo."
"OA mo girl. Dami mong hanash! Landi mo!"
"Malande? Agad-agad Amber? Masama bang humanga?"
"May I remind you, magkaiba ang paghanga at pagnanasa."
"P-Pag-nanasa? Ano?!! Paano lumalabas sa kaibuturan ng damdamin mo yang mga ganyang salita?"
"Girl? Pwede ba. Kalma! ayan na si Zarren." Nakita ko ngang parating na si Zarren dala-dala ang meryenda. Medyo nagliwanag ang paningin ko ng makakita ako ng foods.
"Hey Guys. Whats happening? Rinig ko ang bangayan niyo ha."
"Nako Zarren girl! Etong kaibigan natin ha! In love na in love sa kuya mo."
"OMG Billy Girl! Di mo ba alam na sa panahon ngayon pag na-inlove ka, sahig na lang ang sasambot sayo! Grow up.." Aba? Akala mo naman kung sinong pastorang makapangaral ang dalawang 'to ha?
"Ganon?? Kayong dalawang kontrabida! Eat!" isinaksak ko sa bunganga nila ang tig-isang monay para manahimik sila. "Just EAT."
"Whats going on here girls?" OMG! Si kuya Darwin! Ano daw? G-girls? Mga Bababe? Ako? Babae? Babae ang tingin niya sakin? BOOOOOOOMBIYAK!!!!
"Masaya Kuya Darwin. Masaya kami dito. Oo." Tinignan ko ang dalawa hindi pa din sila magkandaugaga sa paglunok ng isang bloke ng monay na sinaksak ko sa bunganga nila.
"Seems like those two pretty girls having a hard sa pagkain ha? Are they really okay?"
"Naku, ganyan talaga sila kumain. Walang nguya nguya. Lunok agad. 'Diba girls?"
"Sure huh? Sige I'll go uptairs muna, see you around." Sure kuya Darwin, see you sa CR.
"HOY! Makalandi ka lang sa kuya ko pinabayaan mo na kami dito?" Haaaay... Eto na naman sila, baso naman kaya ang ipalunok ko samga to?
"But in fairness sa monay, may cheese at may raisins! Bongga." May topak din talaga ang Amber na to. Masaya pa ang gaga?
"Pero teka nga muna ha! Ano ba yung nangyare kagabi? Isa-isa kayong nawala after ng announcement ni Asst. Coach." Kanina ko pa gusto itanong ang isang 'toh' kagabi pa kasi ako naguguluhan sa mga ikinikilos ni Amber at Terrence. Pero biglang natahimik si Amber matapos niyang mariig ang sinabi ko.
"Oo nga Amber Girl, kami lang ang natira ni Billy kagabi dun sa table natin, nag-alisan kasi kayo."
"Dahil ba sa Soccer Team na St. Peter? Yung school na pinaggalingan niyo?"
"Oo Billy. Actually nag-usap kami sa parking lot kagabi ni Terrence, natatakot siya."
"OA niya ha! Tigilan niya yang drama niya noh!" Nagtatapang-tapangan lang ako, pero Sa totoo lang nakaramdam ako ng kurot sa puso ko ng sabihin ni Amber na natatakot si Terrence. Parang biglang pumasok na isip ko na gusto ko siyang tulungan. Pero Paano?
"Kaw talaga Billy, basta nandito lang tayo para kay Terrence ha. Lalo na sa practice game na gaganapin. Magiging mahirap yon para sa kanya."
"Pero Girls! Bago yang Practice game na yan, Mag Susubic muna tayo diba?" HAy, eksena na naman tong Zarren an toh. Pero oo nga pala noh next Friday na ang alis namin para sa sa Subic!!!!!
"Paalala ko sa inyo ha! 70% ng oras natin doon ay dahil Magshu-shoot tayo ng docu natin, at ang natitirang 30% ay para maglamyerda."
"Amber Girl? Pwedeng 60-40?" Pakiusap ni Zarren.
"No! 70-30 talaga..."
"65-35!" Huling tawad ko. Sana naman pumayag si Loka, first time ko mag subic ha.
"Ang dami niyong hanash! Basta magReady kayo! this coming friday na yon!"
Abangan Ang Kasunod:
written by: chabbyworld143
for pdf/txt copy add me on facebook
www.facebook.com/chabii2010
follow me on Twitter & Instagram: @chabbyworld143