kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
Chapter IV
(Billy's POV)
"Ughhh.... Laate na ko!!!! Goshh!!!"
Sigaw ko habang Mabilis na tumatakbo papuntang school. 8:40 na! at 8am ang klase ko! Wala. Late na talaga. Takbong kabayo na ko dito oh! Kasalanan kasi to ng Terrence na yan eh! Hindi niya ko pinatulog! ---
huh? Eh pano ba naman kasi, kung ano-ano ang pumapasok sa kokote ko kagabi! hays!
"Hey.. Billy!!! Billy!!"
Sino ba yon? ah si Amber pla. kinakawayan niya ko at tila pinapapunta ako doon, itinaas ko ang kaliwang braso ko at itinuro ko ang wrist watch ko. "Late na ko! mamaya na.!!!" sabay takbo uli. nasa may kubo kasi sila. Later ko na siya kakausapin. kelangan kong bili----
hep! Teka! Napatigil ako sa pagtakbo. Eh classmate ko si Amber eh. Bakit andon siya? Nag Cutting siya? Lumingon ako.
"Tara dito! Maagang nagdismiss si Mam!!"
Sigaw ni Amber sa akin. Dun ko lang napagtanto na nandun din sa kubo si Zarren at ang isa naming classmate na si Tiffany. Lumapit ako.
"Hilahod na ko kakatakbo. Tapos walang klase.." Bungad ko sa kanila habang hinihingal-hingal pa ko.
"Actually merong klase girl, pero 30 minutes lang nagklase si Mam Guinoo kasi may meeting siya. May project siyang binigay at tayo ang magkakagrupo." sabi ni Zarren na hindi man lang ako nilingon at patuloy na nagkikilay.
"Yep Billy, may project mga tayo kay Mam Guinoo, Video Documentary, anything under the sun daw ang topic. Deadline is on the last day of this semester." Singit naman ni Tiffany habang nakatutok sa laptop niya at tila nag gu-google (By the way she is Tiffany Lauzon our class Vice President).
"Uh.. Okay, May naisip na ba kayong topic? Malayo pa naman eh, Tsaka na natin pagusapan."
"Billy, hindi lang to basta-basta movie, gagawa tayo ng documentary about certain topic. Kelangan subaybayan natin ang bawat mangyayari sa napili nating topic. Parang Metamorphosis." Paliwanag ni Amber. Tinignan ko si Tiffany, tumango siya.
"Okay" Pagsuko ko.
"Actually Billy, may naisip na kaming Topic." sagot ni Amber.
"Ano?"
"Our Soccer Team. We decided na ako ang maging Director. Si Tiffany ang mag eedit at si Zarren ang magiging Host"
Hmm. Amber is right, magandang maging topic namin ang Soccer Team ng school. Mula sa mga Practice nla, hanggang sa inaasahang victory nila. Teka ano? papel ko? Ahh Alam ko na!! :>
"Thats Great! Ako Camera Girl ha! Magaling ako kumuha ng mga Angle."
"Kaya nga nakatutok na ko dito sa laptop ko. Nagreresearch na ko about soccer. Maganda kasing may background tayo about soccer, and good thing kagroup natin si Terrence, player siya ng Soccer Team natin eh. I'm sure he's gonna be a great help." Sabi ni Tiffany
Napatigil ako narinig ko. Tiningnan ko si Zarren at Amber. Nag smile sila.
Okay. Gets ko na.
"Well. Well. Well. Speaking of.." may tinuro si Amber sa may likuran, at paglingon ko
tugtug ......
tugtug...............
tugtug........................
Si Terrence.
Naglalakad siya papalapit sa kinaroroonan namin. Hindi ko mapigilan ang malakas na pag kabog ng dibdib ko. Ang cute niya kahit napaka seryoso ng mukha niya. Napatingin siya sa akin pero agad ding umiwas. Inalis ko na din ang tingin ko sakanya at nagkunwaring kinuha ko ang phone ko.
"Balita Terrence?" Tanong ni Amber sa kanya.
"Pumayag si Coach." sagot niya. Napaka firm pala ng boses niya.
"Yes!!!" Nag apir sina Amber at Tifanny. Si Zarren naman Napatayo.
"OMG! Kelangan mag start na tayo magshooting! I heard pogi ang mga player ng Soccer Team natin! I'm sooooo eggzzzzooiiited!!" Baliw talaga tong Zarren na to. Psh..
naramdaman kong umupo si Terrence sa tabi ni Tiffany at pinanood ang ginagawa nito.
"Ah. Terrence. This is Billy, siya yung isa nating ka member. He's gonna ba the camera man/woman" natawa ako ng lihim sa sinabi ni Amber. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko para tignan si Terrence, nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin.
Tugtug..Tugtug..Tugtug...
Oo. Nakatingin talaga siya sa akin. Matagal. Seryoso. Isang tingin na walang laman. Isang tingin na blangko. Isang tingin na lalong nagpalakas ng kabog ng dibdib ko.
"Ehem" Tumikhim si Amber. Bilang pagpigil sa katihimikan.
Nagsmile na lang ako. Nag nod lang siya at umiwas na siya ng tingin. Medyo na-offend ako, ewan ko ba. Ineexpect ko bang ngitian din niya ko? Ahhh... baka naaalala niya pa yung nangyari sa amin sa CR. Galit kaya siya? Di ba niya alam na Peace begins with a smile? ningitian ko siya! hmp. ang slow niya! Tssss.
***
(Amber's POV)
"Guys. Hanggang dito na lang muna ang Practice natin at may ipapakilala ako sa inyo."
kinawayan kami ni Sir Pascual at pinapunta kaming apat sa harap ng mga players.
"Sila ang mga Freshmen Computer Science students natin. May project kasi silang gagawin, at napili nila ang Soccer Team natin para maging subject ng kanilang Documentary. Ahh, Ms. Geronimo? Introduce your group."
"Hello Players. I am Amber Geronimo. Team Leader and the same time The Director of our Documentary. This is Zarren, our Host, That girl is Tiffany, our Editor and Billy, our Videographer. By the way, Your teammate Terrence is also part of our group." Tinuro ko si Terrence na nasa harapan lang.
Pero hindi naalis ang tingin ko sa lalaking katabi ni Terrence. Wearing #05 shirt. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko siya. Kilalang kilala. Si Jasper. Jasper Cruz. My Ex-Boyfriend. Kasali pala siya sa team na to. Well, hindi na rin ako magugulat, star player din siya ng soccer noong highschool kami. teammates sila ni Terrence noon, pero hindi na nya inabutan ang gulo ni Terrence kasi naka graduate na siya. Ahead kasi siya sa amin ng 1 year.
"Hi Ms. Amber"
iniirapan ko lang siya. Oo, si Jasper yon. nagpapacute at pakindat kindat pa sa akin. Akala yata niya natutuwa pa ko sa kanya.
"Starting tomorrow, makakasama natin sila sa mga practice games natin." dagdag pa ni sir.
"YES SIR!!!" malakas na sagot ng buong team.
"See you tomorrow. Pull out na"
nag paalam na si sir sa amin dahil may klase pa siya at nag alisan na din ang mga players maliban kina Terrence at Jasper. Sa tingin ko, si Jasper ang dahilan kung bakit kasali si Terrence sa team na to, kilala ko siya, malakas ang convincing power ng mokong na to. Napansin kong nakatingin siya sa akin. Pero irap lang ang isinasagot ko.
"it's been a while. mahal na mahal mo talaga ako noh?. sinundan mo pa ako dito sa CA"
"Hoy! Jasper! try mo kayang lumaklak ng kape para kilabutan ka naman!" ang kapal ng isang toh ha!
"Yan naman talaga honey ang namimiss ko sayo. Palaban!" lumapit siya. palapit na siya ng palapit sa akin at
.
.
.
.
.
hinalikan niya ako sa pisngi.
"I missed you... " bulong na niya sa akin. Para akong tuod sa kinataayuan ko. hindi ako makagalaw sa ginawa at sinabi niya....
I missed you too Jasper. I love you. Pero bakit mo ko iniwan? bakit mo ko sinaktan? Gusto kong sabihin yan sa kanya pero ayaw gumalaw ng bibig ko. Biglang nanlabo ang paningin ko. tumutulo na pala ang mga luha ko.
"Dont cry. Please... Amber?" hawak ako ngayon ni Jasper sa mga balikat ko. Napakaseryoso ng mukha niya. Pero hindi ko pa din magawang makapagsalita.
"Everybody deserve a second chance right? I want you back Amber. I need you."
"Yes!!! Everybody deserves second chances. but not for the same mistake!! Nagawa mo kong saktan at iwan noon Jasper!!! If I give a another chance, parang binigyan na din kita ng lisensyang ulitin ang mga nagawa mo noon."
tinulak ko siya at tumakbo na ko. hindi ko na kaya. Patuloy lang ang magdaloy ng mga luha ko. Nasasaktan ako. Sobra.
"Amberr!!....."
Nakalabas na ko ng campus ng May tumawag sa akin pero hindi ako lumingon. Ayoko muna ng kausap. Gusto kong mapag-isa. Mabuti at may nakita akong taxi, sumakay na ko pauwi.
***
(Billy's POV)
"Amberr!!....."
"Hala! Sumakay na siya ng taxi!!" hingal na sabi ni Zarren. Hinabol kasi namin si Amber pagkatapos ng tumakbo sa madramang moment nila kanina nung Jasper na yon kanina.
"I think she needs space right now" Napatingin ako sa relo ko, 6PM na pala. "Ah Zarren, Tiffany, uuwi na ba kayo? May babalikan pa kasi ako kubo, nandun yung bag ko naiwan ko."
"Oo girl. My sundo is there na eh. Ikaw Tiffany?" sabi ni Zarren
"Yes. Gabi na din eh, Bukas nlang ah! Bye Billy, Zarren" paalam ni Tiffany.
"See you bukas bye. "
Pagkaalis nila, naglakad na ko pabalik sa kubo.
Medyo madilim na pero madami pa ding tao sa campus kasi may mga evening class. Pagkadating ko sa kubo kinuha ko na agad ang bag ko. Nakakatakot ng mag stay dito noh. Madilim.
Brrrrrrrzzzzzztt.....
1 Message Received from Mother Earth
San kna? Gabi na.
Tap Reply
Otw na. Babu.
Tap Send.
Pshh. Ang mga nanay talaga, 6:20 pa lang kung makapagtext parang madaling araw na.
Naglalakad na ko palayo sa kubo, nang nakita ko si Terrence, Papunta siya sa Shower Room ng Soccer Team.
Tamang tama, kanina ko pa siya gusto kausapin. Gusto kong ayusin kung ano mang gap ang nangyari sa amin before, as groupmates dapat in good terms kami. Umupo ako sa bench malapit sa shower room para hintayin siya, ayoko namang pasukin siya sa loob noh! baka isipin niya sinisilipan ko na naman siya.
6:40 PM
10 minutes na siya don ah. Bakit di pa lumalabas? Hmmm. Baka matagal siyang maligo.
6:55 PM
Aba? ang tagal niya ah! Mukha na kong tanga dito. may mga lumapit na nga sakin dto eh, akala nila multo ako.
7:10 PM
SOBRA NA!!!! Lagpas 30 minutes na!!! Papasok na ko!!!
Unti-unti akong dumungaw sa nakabukas na pintuan ng Shower Room. Pag silip ko, bukas ang ilaw pero wala akong naririnig sa loob. Parang walang tao. Eh?? kitang kita kong pumasok siya don kanina, imposible naman yata to..
"HOY!!! Naninilip ka ba?"
Napatalon ako sa boses na narinig ko. Pero hindi ito galing sa loob.. M-may tao sa likod ko???
***
Abangan Ang Kasunod:
written by: chabbyworld143
for pdf/txt copy add me on facebook
www.facebook.com/chabii2010
follow me on Twitter & Instagram: @chabbyworld143