kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
by: Migs
“Shit!”
sakit ng ulo ko paggising nung umagang yun, halos di ko maibukas ang mata ko sa sobrang sakit nito, feeling ko namamaga. “Sino ba naman kasing may sabing umiyak ka magdamag?” sabi nanaman ng utak ko. At naalala ko nanaman ang pinagkakaganito ko, si Ed, at naalala ko nanaman ang nangyari. Pero pinigilan ko ang sarili kong umiyak.
Nakita ko namang nagva-vibrate yung telepono ko at umiilaw nakalimutan ko pa lang alisin yun sa silent mode. Si Cha tumatawag.
“hello” narinig ko ng sarili kong boses, at hindi ko nakilala yun.
“oh, bakit ganyan ang boses mo?” tanong sakin ni Cha.
“I'm not feeling well Cha, can you cover for me sa hospital, talk to the ER supervisor for me?” di ko na inintay ang sagot niya. “thanks!” at binaba ko na ang phone ko. Ayoko pang pagusapan muna kung anong nangyari...
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I look wasted as fuck, para akong tanga. At tinignan ko ang dibdib ko, nagtataka kung bakit wala pang dugo na umaagos palabas ganong ansakit sakit ng dibdib ko, parang may nakatusok na kung ano pero di ko makita. “this is why I hate confrontations!” sabi ko sa sarili ko. Totoo ayokong makikipagkompronta kahit noon nung kay Jon pa. Bakit? Kasi kahit papano ineexpect mo na kung anong pwedeng mangyari, kung anong pwedeng marinig... nasayo na lang yun kung pano mo haharapin ang mga kinakataktan mong yun... In my case, kung anong kinatakutan ko, yun ang nangyari.
Gusto kong iuntog ang sarili ko sa salamin para kahit papano mabawasan o mapantayan yung sakit at di ko na mapansin yung sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko, gusto kong pitikin lahat ng nerve endings ko para masapawan yung nararamdaman ko sa dibdib ko. But just the thought of it, nangingiwi na ako.
Nagvibrate nanaman yung telepono ko nakita ko na si Cha nanaman yung natawag di ko nalang pinansin at humiga ulit ako sa kama ko naka fetal position at napapikit nanaman ako.
Napaluhod ako sa sahig habang nakita kong umandar papalayo ang Fortuner. Saka ulit lumabas ang tila unlimited na luha ko... “ganon lang yun? Sorry lang? Di ko maintindihan, tuwing maghahalikan kami siya ang nagiinitiate, pero bakit ganon? Si Lei pala ang mahal niya, pinaasa niya pa ako, ay ako pala ang may kasalanan, umasa kasi ako...” at nagsimula nang sumakit ang dibdib ko... parang may nakatusok.
At may nagbukas ng kurtina sa kwarto ko. Isang Cha na galit na galit ang sumalubong sakin.
“bakit mo dinededma ang mga calls ko?!” sigaw ni Cha sakin at kinuwa ko ang telepono ko sa side table at tinignan ito. 5missed calls and 15 new messages.
“naka silent mode pala telepono ko” sabi ko, di ko nanaman nakilala ang boses na lumabas sa bibig ko.
“bakit kaninang umaga sinagot mo tawag ko?!” sabi ni Cha na pagalit parin.
At napakunot naman ang noo ko, naiirita ako, sa tuwing nakakatulog lang ako saka nawawala ang sakit sa dibdib ko tapos ngayon gigisingin ako ng bruhang to!
“Cha, pwede bang wag muna ngayon, at pakihinaan ang boses mo, masama talaga ang katawan ko...” at tumaas ang kilay ni gaga sa sinabi kong yun, hinila ko ang kumot at itinalukbong ito sa sarili ko. Hinila naman ito ulit ng evil witch at tinignan ako ng masama.
“TIA lang yan!” sabi ni bruha.
“gago wala akong sakit sa puso” at napalunok ako sa sinabi kong to nang maalala ko na ang ibig sabihin ng TIA ay transient ischemic attack. “wala akong sakit sa puso pero masakit ang puso ko” sabi ko lang sa isip ko...
“di naman Transient Ischemic Attack ang ibig kong sabihin eh, may bago nang ibig sabihin ang TIA” at mangitingiti si bruha.
“wala ako sa mood makipaghulaan ng medical terms sayo ngayon” di ko talaga boses yung nalabas sa bibig ko.
“Ano ka ba Migs! Wala kang sakit! TIA lang yan!” nagpintig ang tenga ko sa sinabi niyang yun at bumangon.
“Puta naman Cha! Gusto ko lang muna magpahinga! Masama ba yun?!” at nagulat siya sa bigla kong pagsigaw.
“kung ano man yan Migs, di yan madadala ng pagtulog maghapon...” at hinawakan niya ang balikat ko.
“tangna dami daming lalaki ang nagkakandarapa dyan sa Malate para sayo... remember pumipila pa sila, just to dance with you?! Di ko naman maiwasang mapangiti sa sinabi niyang yun.
“treat kita Malate, wag mo lang sanayin sarili mo sa pagmumukmok...” sabi ulit ni Cha...
“oh naghanda na ako ng pagkain sa baba, kumain ka muna tas by 9pm punta na tayong Malate...” sabi niya sakin.
“at Tuesday night?!” balik ko sa kaniya.
“ay oo nga pala... MOA nalang...” sumangayon naman ako dito.
“siya bilis kumain ka na dun! Tas maligo, nap lang ako ng bongga dito sa kama mo...” palabas na sana ako nang may biglang pumasok sa isip ko...
“ano nga pala bagong ibig sabihin ng TIA?” at napatawa siya bago sumagot
“Tang Ina Arte!” at napatawa naman ako sa sinabing yun ni Cha.
kilalang kilala na talaga ako ni Cha, kahit sabihin mong wala pa akong kinekwento sa kaniya tungkol sa mga nangyari, nararamdaman niyang may mali. Mabilis lumipas ang panahon. Dalawang buwan na agad. I decided to change as in lahat appearance attitude at syempre sawa na ako sa pagiging emo, tinanggap ko na ang buhay single, maraming nagpaparamdam pero natuto na akong magisip muna bago makipagcommit, nagiintay ng tamang panahon. Madalas ko paring makasalubong si Ed lalo na't di naman kalakihan ang mundo para saming dalawa pero deadma lang, nahihiya ako at sabay naiinis din sa kaniya putaragis sinong di maiinis? Ok na ako ngayon, masasabi ko, medyo wala na yung sakit ng tumutusok sa dibdib ko.
Di na nagtanong si Cha kung anong meron samin ng kuya niya at di na kami nagapansinan, marahil alam na niya. Isang beses pumunta ang Mama nila Cha sa Manila. Tinatawagan ako ng tinatawagan at pinapapunta sa bahay nila Cha pero di ako sumisipot, ayoko kasing makita si Ed. Malamang kung san nandun si Ed nandun si Lei, syempre babalik nanaman yung sakit, ayoko nang mangyari yun. Pero sadyang makulit ang Mama ni Cha. Isang araw habang naglilinis ng apartment, biglang may kumatok sa pinto, Mama pala nila Cha.
“Tita! I'm so sorry, naglilinis po kasi ako, naku pasensya na po sa itsura ng bahay” pero sa totoo lang nalinis ko na yung bahay, ang talagang ipinagpapasensya ko ay ang itsura ko.
“Hijo, you look different pero bagay sayo” sabay ngiti sakin at beso beso.
“nako tita sorry, madumi po ako eh...”
“ano ka ba hijo. ok lang, andito lang naman ako para personal kang imbitahan sa birthday ko, dito ko siya icecelebrate for the first time sa Manila... sabi kasi ni Cha na sobrang busy ka daw, at nakikita ko naman hijo, pero I wouldn't want you to miss this... please hijo do come?” sabay ngiti, ngiti na hindi ko naman mahindian.
“Ok, Tita I'll come po...” at sa sinabi kong yung nakita ko ang sobrang kagalakan ni Tita at nagbeso beso pa ulit, kahit ilang beses ko pa pang sabihin na marumi ako...
Di naman ako mapakali, nakabili na ako ng reagalo, nakapamili na rin ako ng magandang damit, pero parang laging may kulang. “taena I can't figure it out!” sabi ko habang nasa harap ng salamin. Sumuko narin ako, di ko na hinanap kung anong kulang na yon, lumabas ako at pumasok ulit ng bahay hanggang mag alas siyete na ng gabi, nakailang pabalik balik pa ako sa loob ng bahay... “buset na araw to” hinga ko sa sarili ko. Di ko lang siguro maamin sa sarili ko na I'm trying to look my best kasi alam ko na andun si Ed at kahit papano gusto ko na maramdaman niya na ok na ako. Na di ko na siya kailangan.
Habang nasa kotse, di nanaman ako mapakali, hanggang sa marating ko na ang venue, siguro lima o sampung minuto pa ako nagtagal sa kotse ng biglang may kumatok sa bintana ko. Nagulat ako.
“My God, Cha papatayin mo ba ako sa nerbyos?!” tanong ko sa kaniya.
“excuse me! Kanerbyos nerbyos ba ang itsura ko?” tanong ng bruha na medyo may pasarkstiko.
“magpapacarbon monoxide poisoning ka ba?” sabi sakin ni Cha.
“Oo sana, para pag binurol ako peaceful ako tignan” sabay tawa.
“Arekup!” at binatukan nanaman ako ni Cha.
“pano ka magiging peaceful tignan sa kabaong? edi ba sabi mo pagkamatay mo ipapacremate ka na namin! Pano namin maaappreciate ang pagiging peaceful mo kung abo ka na?! Bobo!” paminsan minsan naman may point si Cha sabay sabing.
“gwapo mo ngayon boyfie!”
Dahil sa tawanan namin ni Cha, nawala naman ang pagkanerbyos ko. Madami akong nakitang friends at kakilala at nakita ko si Tita.
“Hi Tita...” pero tumalikod din ako bago ko pa masabi ang Happy birthday, kasi umusog ang lalaking katabi ni Tita at nakita ko ang kaharap ni Tita... si Lei at Ed... pero too late napansin na ni tita ang pagdating ko. Aktong palakad na ako palayo ng tawagin niya ako.
“oh, Miguel hijo! So nice of you to come” sabi ni Tita. bago ako humarap, nagbuntong hininga at pumikit saglit.
“Hi Tita! Happy Birthday!” at nagbeso beso kami at inabot ko sa kaniya ang regalo ko.
“Hijo, you shouldn't have... I'm sure Cha is here somewhere...” palinga lingang sinabi ni Tita.
“ahem” nagulat kami pareho ni Tita sa pagclear ng lalamunan ni Ed.
“need strepsils anak?” sabi ni Tita, at umiling lang si Ed bilang sagot.
“excuse me Tita, I have to look for Cha...” pagdedeadma ko sa ginawa ni Ed.
“before that hijo, I'm sure you haven't met Lei...” at napatingin ako kay Rubi... ay kay Lei pala.
“oh we've met Tita” casual kong sagot. Ayoko kasing isipin ni ed na may epekto parin siya sakin.
“Hi Lei!” sabi ko at ngiti lang ang sinagot niya sakin.
Saka naman may sumingit na isa pang lalaki asa edad fifty na siguro siya. “Margarita happy birthday!” sabi nito, I can't just leave... kabastusan naman yun kung tatalikod nalang ako bigla.
“aha! Emilio darling! Thanks for coming!” sabi ni Tita.
“of course Margarita, I woudn't miss your birthday for the world” at tumawa siya at tinignan kaming nakapaligid kay Tita.
“you have quite a company here Margarita” sabi ng lalaki.
“oh yeah, how rude of me. This my Son Eduardo and his fiance Leila and this is Caridad's boyfriend Miguel” sabay turo sakin.
Sabay kaming nasamid ni Ed sa sarili naming mga laway, tama ba ang narinig ko? Fiance ni Lei si Ed?
“boyfriend ni Cha?” bulong naman ni Ed at napatingin ako sa kaniya, may panlalait sa kanyang mga mata, ngiting nakakaloko.
“Dad! What time are we going home?!” entra ng isang lalaking nakapagpanganga sakin... gwapo kung gwapo ang putik, artistahin ang dating.
“Ahem” pagclear nanaman ni Ed sa lalamunan niya at naisara ko nalang ang bibig ko.
“Ramon, I would like you to meet your Tita Margarita, his Son Eduardo, Eduardos fiance Leila and Miguel, Caridads boyfrie...” di pa natatapos ang pagpapakilala ni Tito Emilio sa anak niya at sakin inabot na agad ni Ramon ang kamay ko na ikinagulat ko naman.
“Hi Miguel, I'm Ramon, Ram for short” nagulat man ako sa pagabot niya ng kamay na yun, di ko yun masyado pinahalata.
“Migs nalang” sabay ngiti ko kay Ram.
“pacute” bulong nanaman ni Ed pero sinundan niya ng ubo kaya di masyadong halata.
“are you really sure you don't want strepsils for that horrible cough Hijo?” tanong naman ni Tita na parang walang napansing kakaiba sa mga kinikilos namin...
“Ramon, hijo, if you want you can go ahead, magpapasundo na lang ako sa driver...” sabi ni Tito.
“no Dad, I think I'm going to stay for a while” sinasabi niya ito habang nakatingin sakin. Di ko naman maiwasang mamula at mahiya sa ginawa niyang yun.
“well, whatever you want” sabay aya kay Tita na kumuwa ng drinks, parang wala ring napansin ang dalawang matanda sa mga kakaibang nangyayari. Inaya ako ni Ram na mamasyal sa labas, kasi maganda daw dun pag gabi.
“so are you and Cha an item?” tanong sakin ni Ram, di ko naman agad nagets ang tono niya.
maganda nga sa labas ng venue, sa may garden may mga christmas lights sa mga naglalakihang puno, may mga ilaw sa pathways.
“hey, tahimik ka ba talaga?... yosi?” alok niya sakin.
“no thanks, di naman ako tahimik, madaldal nga ako eh, I'm just trying to...” at di na niya ako pinatapos. Hinalikan niya ako sa labi nilapat lang naman niya walang tongue action pero still, napapikit naman ako sa halik na yun, nakakakilig, genuine.
“I have to go find Cha” at humiwalay siya ng halik sakin. Nagulat ako kasi bigla siyang umupo sa damuhan.
“I don't want you to go yet, marami pa tayong dapat pagusapan” at hinila niya ako paupo.
Medyo marami kaming pinagusapan... tungkol samin, sakin, sa kaniya... di rin siya nagsinungaling sakin.
“sasabihin ko na sayo pa lang, may girlfriend ako, pero if things will work out between us, hihiwalayan ko siya... but for now masaya naman tayo sa ganito diba?” at napa tango lang ako bilang sagot at least naging honest siya sakin and sinabi niya na kung dapat ba akong umasa, atleast ngayon alam ko kung asan yung lugar ko.
“di mo parin sinasagot ang tanong ko...” at nagdikit ang kilay ko sa pagtataka.
“are you and Cha an Item?”
At biglang may kumaluskos sa likod namin nagulat ako ng makita ko si Cha at gulat na gulat siya sa nakita niyang magkahawak na kamay namin ni Ram.
“no were not an item Ram” at ngiting ngiti si loka loka. “it was just for a show” at di naman magakamayaw ang ngiti ng dalawa.
“nga pala, its time to eat... and Moms about to blow... the cake” at tumawa si cruela devil enganyong enganyo sa joke niyang yun.
“fag hag!” sigaw ko sa likod niya... at napatigil naman si Cha sa kakatawa.
“bakit faghag Migs?” tanong naman ni Ram sakin.
“yun kasi ang tawag nila sa mga babaeng super bestfriend ng bakla... in my case Cha is my faghag... common sa kanila ang ugaling bakla din...” at nginitian ko siya.
“ang cute mo magsmile alam mo ba yun??” at hahalikan niya sana ulit ako... pero sumulpot nanaman si aswang.
“Sobrang cheesy pare!” sigaw ni Cha.
“tse! Fag hag!” sigaw ko at sabay sabay kaming napatawa.
Di ko naman inaasahan na table table a pala sa may bandang likod ng venue at ang masama ka table pa namin nila Tito Emilio sila Lei and Ed, mukhang nagaway ata ang dalawa at hindi nagkikibuan, parang pinagsakluban ng langit ang lupa ang mga mata. Di naman magkamayaw sa kakatingin si Ram sakin.
“hijo do you want to switch places? Parang kanina mo pa gustong kausapin tong si Miguel eh” at namula kami pareho. Lumipat si Ram sa tabi ko at nginitian ko ulit siya.
Tumayo naman si Ed at nag excuse... dumating naman si Cha at tumabi sa kanan ko bulong ng bulong ng kung ano ano at pasimple kaming nagtatawanan, di naman nagtagal at nakaramdam ako ng pamimigat ng pantog.
Pumasok ako ng CR at humarap sa urinal, naghugas ako ng kamay at nagpapogi sa salamin, narinig kong bumukas ang pinto at ni lock ito napatingin naman ako at nagulat ako ng biglang may yumakap sakin mula sa likod tinignan ko kung sino yun sa may salamin nagtitigan kami lumakas ang kabog ng dibdib ko.
ITUTULOY...