kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
Chapter IX
(Terrence's POV)
"Wow! Ang ganda ng pagkaka-edit niyo ah! I can't wait sa mga susunod pa nating mga makukunan! Thumbs up Terrence and Billy!"
Psh! Syempre! Bukod sa Football, talent ko din ang pag eedit ng mga videos! at ano daw? "Terrence and Billy?" Psh! ako lang may gawa niyan. Pero wala na kong balak ipagmalaki kay Amber ang bagay na yan. Ang importante mukhang uuwi na sila at matatahimik na rin ang bahay na ito sa wakas.
"Ahh Terrence. Uuwi na kami ha. Thank you."
Paalam ni Amber sa akin. Samantalang yung isang bakulaw nauna na sa labas at hindi man lang nagpa thank you sa pagpapatuloy ko sakanya dito at pagpapakain ko sa kanya! Mukhang noong nagsabog ang Diyos ng kakapalan ng mukha ay nakaka-nganga ang isang 'to at kinain niya lahat! Tss. Buset.
"Ahh bukas nga pala gala tayo!"
"Ha? Pag iisipan ko."
"Wag mo ng pag isipan. Bonding lang. Mag-enjoy ka naman kahit papano."
"Nakakatama----"
"Wag mo ng subukang mag dahilan. See you bukas! Tetext kita ha? Bye!"
At hindi niya talaga ako pinatapos magsalita?
Ano daw? Gala? Sino kasama? Si bading? Halos buong araw ko na siya kasama ngayon tapos makakasama ko na naman bukas? Haaaaysssst.
Nagpunta ako sa kusina para mag dinner. Umaga pa lang bago umalis si mama ay inihanda na niya ang pagkain ko sa buong araw. Kahit na nagpapa busy siya sa buhay, hindi niya pa rin nakakalimutan ang responsibilidad niya bilang isang ina. Pero Habang nakain ako may napansin akong kakaiba, parang ang tahaimik. Nakakabingi ang katahimikan. Kasalanan 'to ni bading eh! Dang ingay niya kasi buong maghapon, nanibago tuloy ako. AT Hanggang sa panonood ko ng TV ramdam ko ang katahimikan. Parang nabuburyo ako. Nakakainis. Nakita ko ang bato sa naka display sa tabi ng sofa. Kinuha ko ito.
"Rock Music."
Totoo kaya? Kaya dahan-dahan kong itinapat sa tenga ko ang bato.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
(-_-)
Ang Tanga mo Terrence....
Masyado kang nagpapapekto sa bading na yon. Haaaaaysst.
'tuuttuuututututututt'
"1 Message Received from 0936*******"
Rock Music is good for the heart ^___________________________^
Goodnight. See you BUKAS!! HARHARHAR!!!
TAP DELETE!!!!!
HAYUUUUUUUP!!! pano niya nalaman ang number ko?
talagang hanggang text nabubuset siya.
***
-ATC-
(Billy's POV)
"Hi BFF!! I missed you so much!! Long time no talk!"
si Zarren. She is back... Ang prinsesa ng aming grupo. Nagkasakit kasi si loka simula pa noong thursday ng gabi kaya matagal din siyang nawala.
"Welcome back to you girl. Hinatid ka lang ng Jerome mo nagkasakit kana, Ano bang ginawa niyo?"
"What? Anong ginawa ba girl?? we just walk! talk! and thats it!"
"Whatever girl. Ano super okay ka na ba?"
"I am super duper okay girl. You know what? Since thursday evening hanggang kanina katext ko si Jerome! Super kilig lang"
"Iba ka talaga eh noh? mabilis ka pa sa kidlat! Binabalaan lang kita ha! Yang itsura ng Jerome yan ha, gwapo, macho, mayaman! Aba'y habulin ng babae yang ganyan! naku wala ako tiwala sa jerom-----!" TEKA? Napatigil ako sa pagsasalita ko. Mula sa kinauupuan namin natanaw ko ang isang pamilyar na binata. Tama ba ang nakikita ko? SI Jerome tong padating ah. K-kasama din siya dito?
"Hi Yummy." Bati ni Jerome kay Amber
"Hi there Yumsky" sagot naman ni Zarren. Ano daw? Yummy? Yumsky? Shet ang Jejemon ng mga Toh!
"Hi Billy, By the way I'm Jerome. Jerome Garcia. 4th year BS Accountancy. And #25 sa soccer team natin. Nice to meet you again. Nagmamadali kasi si Yumsky last time kaya hindi ako nakapag pakilala ng maayos." Wala din naman akong masabing masama sa isang ito. Mukhang magalang at napaka disente ng dating. Pero may presensya kasi sya ng isang playboy. Naaamoy kasi ng matangos kong ilong ang tinatagong balak ng isang ito.
"I'm Billy Villanueva." matipid na sagot ko. Obvious ba na ayaw ko sa kanya? Sinulyapan ko si Amber, Nilalakihan niya ako ng mata. Aba? Anong gusto niya? Makipag friend ako sa isang toh? Hay nako ha!
"Ahh Jerome? Do you have plans of courting my friend?" Isang derechong tanong ko kay Jerome na ikinagulat nila ni Zarren. Naramdaman ko ang mahinang sipa ni Zarren sa akin mula sa ibaba. Pero gusto kong itanong talaga ito.
"Ah.. Eh.. Sorry Yummy ha? Mapagbiro lang talaga tong si Billy."
"No its Okay Yumsky. Actually I Adore his straightforwardness. And Billy yes, i have plans of courting Zarren. I don't know but its crazy how much one person can affect you. Your friend Zarren affects me a lot since the first time I saw her." And he's looking at me in a very serious way.
"Really? So take care of her. Dont hurt her feelings."
"It won't happen. I promise."
"Yes, as of now walang pang nangyayari, but just because something isn't happening right now, doesn't mean it never will."
"And if ever that 'something' happens Zarren & I will be brave enough for that."
Matalino ang isang ito. And in some point I started to like him.
Natigil ang usapan namin sa pagdating ng JasBer.
'HHWW' ang peg ng dalawa habang naglalakad.
Habang naglalakad ang dalawa papunta sa kinauupuan naming tatlo, may isang bagay akong napansin, si Zarren may kasamang Jerome. Si Amber may Jasper. At ako wala? Ano toh? Malaking EPAL ako dito?
"Hi Guys. Sorry were late." masiglang bati sa amin ni Amber na parang blooming yata ngayong araw.
"Alam niyo naman mabagal talaga kumilos ang mga girls." Pang-aasar naman ni Jasper sa kanya.
"Ikaw talaga babe kainish ka..." Malanding tinapik ni Amber si Jasper sa braso.
Hala si Amber? sarap sabunutan. TALANDE.
Bago pa makaupo ang Jasber, tumayo ako para higitin si Amber sa malayo. Makakatikim sa akin ang isang 'to.
"O-oh? Bakit? Parang galit ka yata? No time for hatred today. FUN FUN lang"
"Hindi mo naman sinabi sa akin na General Eye Balll pala ng mga PBB Teens ito? So Ikaw at si Zarren may lalake ako wala? Ano ako dito? Malaking EPAL? Alalay? Alipin?"
"Chill. Billy. Chill. May ka-date k din naman" Tumuro sa bandang likuran ko.
"Sino?"
"Ayun oh...." Tumuro siya gamit ang nguso niya. Nakita ko ang isang Guard na paparating.
"Ako ba Pinaglololoko mo? Security Guard yon eh."
"Gaga! Ayun oh! yung naka polo..." Lumingon uli ako sa direksyong yon. Nakita ko ang isang lalaking naka Maroon na polo na tinernuhan ng maong at puting Converse. Hindi ko pa mamukaan ang lalaking parating pero mula sa kalayuan pansin kong napaka gwapo ng isang ito at maganda ang pangangatawan. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit ang isang lalaking napaka pamilyar sa akin. Halos matulala ako sa napagandang ayos ni Terrence. Oo siya nga. Lalo pang lumakas ang kabog nito nang nasa harapan ko na siya.
"Nganga? Billy? Pogi noh?"
Bulong ni Amber sa akin.
OO Amber!! Shet!!! nanininigas ang kamay ko sa sobrang gwapo niya.
Pero kelangan kong wag magpahalata. BEHAVE BILLY. BEHAVE. INHALE. EXHALE.
"N-Nandito ka din?"
Paktay. Bakit ka ba nabubulol? Umayos ka nga!
"Bulag ka ba? Nakikita mo ko diba?"
Ang bango niya. Sarap singhutin nito ng buong buo.
"Ah eh Oo nga noh? Ahehehe"
Psh. Pogi nga today. Pero hindi pa din nawawala ang inis niya sa akin. Haixt.
"Compleete na ba tayo Guys? lets go na! Lets watch movie na! "
Pagyaya ni Zarren sa amin.
---
-ATC PARKING LOT-
Nagkakainan kami ngayon dito sa Parking Lot ng ATC sa loob ng VAN ni Jerome. Punum-Puno kasi ang mga restaurant sa loob. Wala kaming mapwestuhan.
Pero bukod sa Gutom Inaantok pa din ako.
Halos sa Dalawang oras ng movie na yon wala akong naintindihan. Sayang lang 180 ko eh, kasi naman nakatulog ako! 2am na kasi ako nakatulog last night kasi nag videoke kami ni mother earth. Bonding kasi namin yon ni mama kapag weekend. Nawala kasi isip ko na may gala pala kami today.
"Neng okay ka na ba? Muntik ka na maiwan dun sa movie house ha! Tama bang gawing motel ang sinehan?" Tanong ni Zarren sa akin habang nasubo ng pizza. Hay. Baliw talaga to. Ano daw? Motel? What a place.
"Ang pogi ng katabi mo kanina tapos tinulugan mo lang? Hahaha." Oo nga pala. Katabi ko nga pala si Terrence kanina. Pero wala na kong maalala kung ano pa nangyare. Tinignan ko si Terrence, nasa bandang unahan kasi siya naka pwesto. Dun sa Passenger seat. Mukhang relax naman siya, siguro naging okay naman ang tulog ko habang katabi siya.
"Alam mo Zarren, Kahit pa si Coco Martin ang katabi ko kanina kapag inaantok ako, matutulog ako."
"Ganda mo jan. Its you already." Nag apir kami. Parehas talaga kaming takas sa mental ng isang to. Hahaha.
"Girls at the back, wag maingay eat lang ng eat jan."
Pagsaway sa amin ni Amber. Hmp. KJ nito. Palibhasa pa virgin kasi nanjan si Jasper.
Sungalngalin ko tonsil nito eh.
"Amber, ako lang ang girl. Bading tong si Billy noh. HAHAHA"
at nagtawanan ang lahat sa loob ng van maliban syempre kay Terrence.
"Bastusan tayo dito Zarren?"
"HAHAHA. JOKE lang Girl." sabay akbay sa akin. Kung sikuhin ko kaya tong babae na to?
"Dont worry Billy! Maganda ka naman." biro ni Jerome sa akin. Aba? Close ba kami? Pero tinawag niya kong maganda kaya GO! Friends na kami.
"Thank very much Jerome. Hindi lang ikaw ang nagsabi niyan, pati nga kapitbahay namin."
"Baka naman binabayaran mo yang mga kapit bahay mo Billy?"
"Hoy Jasper! Kusang Loob yon. Actually sa sobrang ganda ko kapag nagkakasalubong kami ng mga neighbors ko sa kalye naglalatag sila ng red carpet." Nagtawanan sila sa biro kong yon, I love making people laugh. Dito nabubuo ang isang magandang samahan.
"HAHAHA! BOOOM. Ikaw na talaga!" Ayos din tong Jasper na to ah. Nasasakyan niya ang kabaliwan ko.
"WAIT WAIT!! Ikaw Yumsky? May laban ka ba sa red carpet ni Billy?" Singit naman ni Jerome.
"Sorry Billy ha, wala ka sa akin. Sa sobrang ganda ko bumubukas ang kalangitan at nakikipag beso si Mama Mary sa akin." Hahaha loka loka talaga tong Zarren na to pati si Mother Mary dinadamay pa.
"BOOOOMPANESS!! HAHAHA. Ikaw babe? Say mo sa Mama Mary ni Zarren?"
Ngayon naman hinamon ni Jasper si Amber ng payabangan.
"Billy? Red Carpet? kay Zarren, Mama Mary? Sorry girls di ko kayo kalevel. Tignan niyo siya." Tinuro niya si Jasper. "I have him, kaya kahit anong mangyare ako ang pinaka maganda sa lahat. Behlat. Hahaha."
"Awwwww. Ang sweet ng babe ko. Pa kiss nga."
And they kissed. Shocks Rated SPG.
"Ang eksenang ito ay rated SPG, maaaring may eksenang landian at lampungan ng JasBer na nakakasama sa kalusugan ng bawat manonood."
***
(Terrence's POV)
"Ang eksenang ito ay rated SPG, maaaring may eksenang landian at lampungan ng JasBer na nakakasama sa kalusugan ng bawat manonood."
(-_____-) Haaay ang korni korni ng mga toh. Kanina pa sila payabangan ng payabangan sa walang katuturan na bagay. Anong sabi ni Bading? Red Carpet? PSh! Baka akala ng mga kapit bahay niya ililibing siya kaya nilatagan sya ng red carpet. Isa pa si Zarren, pati ang nananahimik na si Mama Mary sinasali sa usapan. Kakaiba talaga ang mga toh.
"Pre ang kulit nila no? Nakakatuwa." Sabi ni Jerome sa akin na katabi ko lang. Psh. Babaw ng kaligayahan ng mga toh. Mabuti pa umuwi na lang kami.
"Guys bago tayo umuwi babalik lang kami ni Jasper sa loob. May nakalimutan kasi akong bilhin."
"Sis Amber sama ako ha. May bbilhin din ako."
"Sure Zarren, Kaw Billy? Sama ka?"
Please sumama ka para tumahimik naman dito sa Van.
"No. I am perfectly fine here. Go ahead".
SUMAMA KANA! Manggugulo ka lang dito na naman.
"Ako din dito na lang ako. samahan ko sina Billy at Terrence."
"Okay Jerome Una na kami, Babe? Sis? Tara na.."
Pagkaalis ng tatlo sa van naramdaman ko ang katahimikan, hindi nagsasalita si Jerome dahil busy siya sa pakikinig ng Music, samantalang nakakapanibago naman ang katahimikan ng isang nasa likod. Para hindi ako ma boring naisipan ko na lang mag music din. Sinalpak ko ang headset sa magkabilang tenga ko.
Makalipas ang ilang minutong pakikinig ng music, idinilat ko ang mata ko. Dahil nararamdaman kong may tao sa bandang likuran ko. Napansin kong wala na si Jerome sa drivers seat. Ngayon, Hindi ko na kailangan pang mag isip. Kilala ko na kung sino ang istorbong 'to.
"Kahit kelan talaga istorbo ka." sinabi ko iyon sakanya ng hindi lumilingon.
"Tinitignan ko lang naman kung anong ginagawa mo noh!" Nararamdaman ko ang may tono ng pang0-aasar ang boses niya.
"Ano bang pakialam mo?"
"Nakita ko sa music player mo, Now Playing ang Telephone ni Beyonce at Lady Gaga. Bakit ka nakikinig ng ganung music? Bakla ka din noh Terrence??" Umakyat ang dugo ko sa ulo sa narinig ko. Gusto kong sakalin ang isang 'to. Pero ayoko na patulan, magkakahabaan lang kami.
"Oh? Bakit tahimik ka yata? Hay Hay Hay Terrence, sinasabi ko na nga ba. Naamoy ko na eh. Noon pa. Kalahi kita. Buma-Beyonce at Lume-Lady gaga ka pa ha! Ang Bongga mo jan." Yes guys, I may look quiet. but inside my mind I've killed this bullshit 20 times , in 5 minutes, in 20 different ways.
"Totoo nga ang kasabihan, Ang mundo ay isang malaking ulam na ADOBO, Maraming Paminta! Wag ka ng mag-panggap Terrence! Dahil isa ka sa kanila! c HAHAHAHAHA."
"Billy? There are so many things I would love to say, but I am going to be the mature one and keep my mouth shut." Tuluyan na akong bumaba ng Van at naglakad lakad muna sa paligid ng mall, habang nag-eecho sa aking ang mga huling sinabi niya'
'Ang mundo ay isang malaking ulam na ADOBO, Maraming Paminta! Wag ka ng mag-panggap Terrence! Dahil isa ka sa kanila! ikembot mo na yan '
PakShet, natawa ako don. HAHAHA
Habang naglalakad , para akong baliw na ngumingiti mag-isa.
Ano daw? Ikembot? Hahaha. Baliw.
Abangan Ang Kasunod:
written by: chabbyworld143
for pdf/txt copy add me on facebook
www.facebook.com/chabii2010
follow me on Twitter & Instagram: @chabbyworld143