kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
Chapter XI
(Billy's POV)
"Haaaay!! Ang sarap humiga...."
Bulalas ko ng mailapat ko ang katawan ko sa napakalambot na kama.
Halos tatlong oras ba naman ang byahe bago kami makarating sa napaka-gandang private resort ng pamilya ni Coach Pascual dito sa Subic.
Yes! You heard it right guys! We are here.
Pero pahirapan bago ako payagan ni Mother Earth para makasama sa 3 days and 2 nights na Team Building ng Soccer Team. Halos lumuhod ako pababa at paakyat ng hagdanan namin para lang makasama dito. Pero in the end pumayag din siya. Makakatanggi ba siya sa ganda ko?
Pero Mabalik nga tayo dito sa Subic, Masarap nga ang pagkakahiga ko dito pero wala naman akong kasama dito sa kuwarto. Pano ba naman kasi? sabi ni Coach kanina, hiwalay ang room ng girls sa boys. Para daw safe! Aba? Ano bang akala niya sa akin? Rapists? Nakakaloka si Coach. Pinoproblema ko pa tuloy ngayon kung sino ang makaka-share ko sa kwartong ito. Baka mamaya isang manyak na player ang pumasok dito at samantalahin pa an virginity ko! OMG! Afraid... (~.~)
'Brzzzzzt'
1 Message Received from Amber:
Girl! Kita-kits sa Cottage malapit sa Shower Area after an hour. Bring your Video Cam! See yah.
Hala si Amber? Kakadating lang namin parang gusto na agad mag shooting? BOOMATAT!
(After One Hour)
"Nakausap ko si Coach kanina, sabi niya iseset-up lang daw nila yung gagawing soccer field sa buhanginan and exactly 4pm mag sstart ang unang practice game nila dito sa resort. Kaya baago ang lahat, Billy, Kunan mo muna ang kapaligiran! Ang white sand, ang dagat, ang mga rock formation, ang lahat lahat! Magandang opening yan sa 2nd part ng ating docu. Kami ni Zarren, mag-interview kami ng ilang players."
"At ano ang gagawin niyo habang abala ako? magsswimming? maglalamyerda?"
Pang-aasar na tanong ko kay Amber at Zarren na reading-ready na at naka bathing suit pa!
"Billy? Beach ito. Anong gusto mo? mag gown kami? Syempre, dapat ibagay naman namin ang OOTD sa lugar."
"She is right Billy, Look at yourself. Naka t-shirt? Jogging pants? OMG Girl, where is your Fashion sense? Para kang matutulog." So, pinagtutulungan na naman ako ng dalawang bruhildang ito.
"I'm so comfortable with this OOTD! And take note, iinstagram ko ito later! Babu!"
Nakakaloka ang dalawang yon ha! Ano daw? Matutulog?
---
"Nice shots"
Galing ang boses mula sa likuran ko kaya agad-agad akong lumingon para malaman kung sino ang istorbong 'to.
"Ikaw pala Jerome, Nice ba? Thanks."
Para namang multo itong isang 'to. Bigla-bigla na lang sumusulpot.
"Pang Professional ang mga shots mo ah, nakakatuwa kang panoorin mula sa malayo. Feel na feel mo ang pagkuha ng video eh."
"Haha. No choice noh! Pero honestly, ineenjoy ko ang responsibility ko ang sa grupo namin."
"Ahhh.."
Awkward....
Pero May kung ano sa isang ito ha, parang natatae na may sasabihin na ewan.
"May sasabihin ka ba?"
"Ahh. Meron."
"Liligawan ko si Zarren."
Medyo nahihiya pa siya na nagpaalam sa akin/ Mukha ba kong nanay ni Zarren? ABA MATINDE ITO.
"Ano?! Hindi pa ba ligawan yung ginagawa niyo? Anong tawag don? Landian? PBB TEENS"
"Hahaha. Ikaw Talaga. Gusto ko lang naman magpaalam sayo dahil close na close kayo ni Yumsky." Bilib din talaga ako sa taong ito ha, mukhang patay na patay ito kay Zarren. Kitang kita ko sa mga mata niya ang salitang sincerity.
"Payag naman ako, Actually noong una akala ko playboy ka." Natawa siya ng mahina sa pagtatapat ko pero hindi ko nakita sa mukha niya ang pagka dismaya sa narinig. "Pero na realize ko, mabait ka naman, medyo funny, mayaman at higit sa lahat may Van ka kaya anytime pwedeng gumala ang barkada."
"Van?? Dun ka talaga natuwa? Hahaha."
"Oo. Pero bukod sa Van, Jerome? take care of my friend ha. Syempre bilang kaibigan niya I want the best for Zarren. Alam mo naman ang panahon ngayon, Uso ang agawan at paramihan ng Jowa. At higit sa lahat Trending na Trending din ang iwanan ng walang dahilan."
"Iwanan ng walang dahilan? Wow! Big word yan. Pero Huwag kang mag-alala, I wont do that." Itinaas nya ang kanyang kanang kamay bilang tanda ng sinseridad.
"Sana nga ha! Naku kapag lang nalaman-laman ko na iniwan mo si Zarren, ay nako talaga, aagawin kita sa kanya." Lumapit ako sakanya ng sobrang lapit at tinignan ko siya sa mata. Trying to seduce him. HAHAHAHA ^______________________^
"A-agawin? B-bakit? S-seryoso ka ba?" Hindi ko mapigilan ang matawa sa naging reaksiyon ng Jerome na 'to, Nanlaki at mga mata niya at nautal-utal pa sa pagsasalita.
"Hahaha. Never mind Jerome! Tara na, Lunch na oh.."
"O-okay. S-sige..."
***
Bago mag-lunch, naisipan ko munang bumalik sa room ko para makapagpalit ng damit. Paano ba naman kasi, Tama bang laitin ng dalawang bruhang yon ang itsura ng damit ko? Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto, napansin ko kaagad ang isang malaking bag sa kabilang kama. Narinig ko din ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa C.R. Isa lang ang ibig sabihin nito, dumating na ang magiging room mate ko sa loob ng tatlong araw. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko na baka rape-in ako ng soccer player na ito. Alam niyo naman itong alindog ko mahirap tanggihan. ^_______^
Kinuha ko na ang pants at polo shirt na susuotin ko. Umupo muna ako sa gilid ng aking kama dahil hinihintay ko matapos si room mate maligo.
(After 10 Minutes..)
Bumukas ng pinto ng CR at iniluwa nito ang hubad na katawan ni Terrence...?
si Terrence nga nakahubad.
Shaaaraaaap (O.o)
Actually, Nakatapis naman siya ng towel. Hindi naman totally nude. (Kayo talaga ha, na-excite naman kayo. Romance ito! Hindi ito PORN. Nakakaloka)
Napansin kong nagulat siya ng makita ako pero hindi naman siya kumibo, nagpatuloy lang siya sa paglalakad papunta sa kama niya kung saan naroon ang bag niya. Habang naghahanap siya ng damit na susuotin niya, napansin kong napaka-kinis ng upper body niya. Wala naman siyang "ABS" Pero maganda ang hubog ng chest niya. SHET! Ang sarap tignan.
"Balak mo ba akong panoorin magbihis? Lumabas ka muna kaya."
Mahinahong Utos niya na akin. Doon ko lang din napansin na nakatitig pala ako sakanya. Medyo naramdaman kong nag init ang dalawang pisngi ko dahil sa hiya.
"Ahh. Oo, Mag c-CR din naman ako kaya malaya kang magbihis dyan. And Excuse me! Bakit naman kita papanoorin magbihis? Edi para kong nanood ng Piglet Show niyan."
"Piglet?"
"Wala!!" Sabay pasok ko sa CR. Mukang Okay naman ang palusot ko noh? Ayos ba mga mga ka-Wattpaders? :D
***
Takbo doon, takbo dito. Sipa doon. Sipa dito. Yan ang trabaho ng Soccer player.
Ako naman, kailangan kong kunan ang mga nangyayare sa practice game ng soccer team na ito bilang parte pa din ng project namin.Well, Hindi naman ako nahihirapan, kadalasan naman nasa isang lugar lang ako para kunan ang mga pangyayare.
Nang makaramdam ako ng pagkangalay, saglit akong pumunta sa kinaroroonan nila Amber at Zarren.
"I think, okay na 'tong mga nakunan ko."
"Okay na yan! Mas exciting ang mga mangyayare bukas."
Medyo naexcite ako sa sinabing yon ni Amber. Game? Anong game kaya?
"Actually hindi sinabi ni Sir Pascual kung ano, basta its all about team work."
Gusto ko sanang magpadala sa excitement ko, pero oo nga pala, ako ng camera girl kaya hindi ako makakasali sa game nila. Medyo may pagka-alipin pala ang role ko dito noh? Akala ko ako ng bida? Author? What is the meaning of this?
(A/N: Billy? Hayaan mo na kasi! Maganda ka naman! Choosy ka pa? BOOMAssuming!)
"Zarren? Ano ka ba? Kasali ka ba dito? Ano ba't tutok na tutok ka jan sa Laptop mo?"
"Billy Girl? Nag-uupload ako mga pics namin ni Zarren sa FB! Look oh, were so pretty?"
"Upload?? FB??? So wala ako? Kayo kayo na lang?"
"Tampo ka naman agad. Eto ka oh! Ta-tag kita don't worry!"
Tinignan ko ang litrato ko sa Laptop ni Zarren. Pero halos ihampas ko sakanya ang laptop niya sa nakita ko.
"Ako ba pinagloloko mo? Eh nakatalikod ako jan eh! Tapos Against the sunlight pa! Ano ba naman yan?"
"Kayong dalawa, tama na asaran niyo diyan. Tara Kain muna."
Awat sa amin ni Amber. Teka ano daw? Fooods? Wala kong tanggi diyan!
***
(Terrence's POV)
Halos pasado ala-sais na din ng gabi ng matapos ang aming practice game sa beach kanina. Agad -agad akong bamalik dito sa room para mag shower at magpahinga na din ng maaga, dahil bukas daw ng umaga may team work activity kami. Masakit sa katawan ang mag soccer pero ineenjoy ko talaga. Ito ang nagsisilbing stress reliever ko kapag ako ay malungkot.
Habang nagbabasa ako ng news feed ko sa facebook, nadaanan ko ang Page ng aking dating eskwelahan, ang St. Peter's University. Hindi ko alam kung bakit pero parang may tumulak sa akin na i-click yon. Ilang segundo lamang ay lumabas na sa screen ng laptop ko ang page ng dati kong paaralan.
'SPORTS: St. Peter's University vs Cavite Academy Friendly Soccer Battle Soon'
2,569 Likes | 356 Comments | Share
Yan ang unang bumungad sa akin na status ng SPU ( St. Peter's University )
Ayoko man pero Nilakasan ko ang loob ko na basahin ang mga comments. At Nagulat ako sa mga nabasa ko na hindi ko inaasahan.
Jefferson Magdalo:
Pards! Balita ko bagong schoool yan ni Bading ah! AHAHAHAHA!! at Goal Keeper pa!
Kenneth Lara:
Ayos yan! Edi Ihanda na ang dating chant! HINDI AKO BAKLA. TATAY NIYA'Y BAKLA! HINDI AKO SHOKLA, TE-TERRENCE SHOKLA.
Alexander Capili:
Wag kayong ganyan mga Pards! HAHAHA. Baka sabunutan tayo ni Papa Terrence.
Jefferson Magdalo:
Kahit magsama pa sila ng Tatay niyang bakla, tingin mo may laban pards? BOOMBAKLA!
BOOMSALOT! BOOMPESTE!
Alexander Capili:
HAHA. Alam na yan pards!!!!! Baka namimiss na din yan ni Papa Terrence.
Kenneth Lara:
Wala pa di talagang kadala-dala yang si Terrence. Hindi na nahiya no pards? Tignan lang natin kung hindi mapahiya yan sa araw na yon.
Gusto ko pa sanang magpatuloy sa pagbabasa sa mga comment na ito, pero biglang pumasok si Billy. Tila nagulat siya ng makita ako.
"Terrence? Bakit ka umiiyak?"
Umiiyak? Ni Hindi ko napansing tumulo na pala ang luha ko sa pagbababasa ng kanilang usapan. Pero Saan ba ko nasasaktan? Sa pang-aasar ba nila sa Papa ko at sa akin? o dahil nasasaktan ako sa turing nila sa akin? Agad kong pinunasan ang luha sa kaliwang pisngi ko. At Isinara na ang laptop ko.
"Wag mo kong pakialaman."
Gusto ko munang mapag-isa kaya naisipan kong lumabas muna.
"Okay ka lang ba talaga Terrence? Baka kaiilangan mo ng kausap."
Saglit akong napatigil sa sinabi ni Billy. Kausap? Kailanagn ko nga ba ng kausap?
***
(Billy's POV)
"Okay ka lang ba talaga Terrence? Baka kailangan mo ng kausap."
Napatigil siya sa sinabi kong yon. Pero hindi siya nagsalita, at Nagpatuloy uli sa paglalakad.
Hindi ko alam kung saan pupunta ang tipaklong na 'to pero lakad lang siya ng lakad. Hindi naman niya sinabing, 'Oo, kailangan ko ng kausap' Pero eto ako mukhang snatcher nakasunod sa kanya. Hindi ko alam pero may parang kung anong tumutulak sa akin para sumunod sa kanya. Napaka bagal ng paglalakad niya tila bang may napaka bigat na kalungkutan siyang dinadala.
Tumigil siya sa paglalakad at Umupo sa isang parte ng bungahinan. Nasa dalampasigan na pala kami. Napaka-tahimik ng lugar, Dinig na dinig ko ang hampas ng mga alon at ang mga huni ng kuliglig. Napaganda din ng kalangitan, nagkalat ang mga bituin at nagsisilbi namang ilaw ang liwanag ng bilog na buwan.
Hindi pa din ako naupo, nandito ako sa bandang likuran niya. Natatakot akong umupo malapit sa kanya dahil baka magalit siya. Maraming minuto ang lumipas at tanging ingay mula sa dalampasigan ang namutawi sa amin. Nakaupo siya at malayo ang tingin samantalang ako, walang ibang ginawa kundi titigan siya.
"Kausap."
Sa gitna ng katahimikan, bigla siyang nagsalita na naging dahilan ng mabilis na pagkabog ng puso ko. Teka? Kausap? Ano daw? Sana naman kinumkumpleto niya ang sentence 'diba para maintindihan ko.
"Ha?"
"Sa tingin ko kailangan ko ng kausap. Umupo ka ."
Kahit medyo nababahala ako sa biglang pagkabog ng dibdib ko umupo ako malapit sakanya. Tinignan ko siya, napaka seryoso ng mukha niya. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung saan at paano magsisimula. Hindi ko maitago sa sarili ko na kinakabahan ako. At hindi ko maintinihan kung bakit. Para akong isang estudyante ihing-ihi dahil ako na ang susunod sa magsasalita sa harap ng buong klase.
"Have you ever felt empty inside? So empty.... you can't feel anything."
Sa pangatlong beses na pagsasalita niya, nakaramdam ako ng matinding lungkot sa boses niya. At sa ilang segundo lamang napalitan ng awa ang kaba na naramdaman ko kanina lamang.
"Alam mo kalokohan yang walang kang nararamdaman. Umiiyak ka kanina, isa lang ang ibig sabihin non, nasasaktan ka." Pakshet! umariba na naman ang pagka prangka ko. Mula sa derechong tingin ko sa dalampasigan, pasimpleng nilingon ko siya para makita ang reaksyon niya sa sinabi ko. Baka naman kasi ma-offend sya. Ngunit katulad kanina, blangko ang itsura.
"I am Tired..." Kahit maingay ang alon na nagmumula sa dalampasigan, dinig na dinig kong nanginig ang boses niya. at hindi ko na kailangan maging isang Psychologist para malaman ang nangyayare. Alam kong Pinipigilan niyang umiyak.
"I'm tired of being sad. I'm tired of pretending I am Okay. I'm tired of remembering my past. I'm tired of feeling worthless. I'm tired of not being able to just let go my past. I'm tired of dreaming of a life I will never have. And I'm tired of being..............tired."
"Terrence I know in this kind of situation all you need is an ear to listen. Makikinig ako sayo. Ilabas mo lang yan." Sinabi ko iyon ng hindi lumilingon sa kanya. Ayoko siya makitang malungkot.
"Myself. Ako kasi ang problema. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang sakit ng nakaraan ko. At 'yon ang masakit. I want to let go but I just cant. Everybody from my past are keep on digging it. Everybody from my past are keep on reminding me that I was a loser."Sa sunod-sunod na confession niya Parang alam ko na ang pinanggagalingan ng hinanakit ni Terrence. Ang kanyang former soccer team sa SPU, na muli nilang makakaharap ngayong buwan. At dahil dito kailangan kong maging maingat sa mga salitang bibiwan ko dahil napaka sensitibo ng issue na ito para kay Terrence.
"Ganyan naman eh, napaka daling ipikit ang mga mata mo sa mga bagay na ayaw mo makita. Pero napaka hirap isara ang puso mo sa mga bagay na ayaw mo maramdaman. at yon ang masakit."
"Bakit naman nasama ang puso?"
"Dahil nasa sa puso mo ang lahat, kasama na ang hinanakit. Kapag Hindi mo pinapakawalan hanggang ngayon ang nakaraan patuloy kang nasasaktan. Hindi ka maka-move on."
"sa tingin mo ganon lang kadali makalimot? If that issue wounded your heart and became a marked in your whole life, it takes a lot of time before it totally fade.. They ruined my life.." Doon muling lumungkot ang boses niya.
"And time heals all wounds. Sa tingin ko This is the right time to heal those wounds. Trust me."
Sa pagkakataong ito, napansin kong tumingin si Terrence sa akin. Yes! I catched his attention. "At anong sabi mo kanina? Sabi mo pagod ka na? Kung pagod ka magpahinga ka." Pagpapatuloy ko.
"I did. But I failed. Failure rule my life. I am a Loser All my life."
"Oh come'on Terrence! Wag ka ngang magpaka-OA jan. May itatanong ako sayo. Sagutin mo ha!" Humarap ako sakanya at tinignan siya sa mata. Gustong mabago ang ambience kaya naispan kong gawin ito.
"You keep your foods in refrigerator?"
Tinaasan niya ako ng kilay sa tanong ko na ito. Pero sumagot naman siya.
"Yeah."
"You keep your clothes in a closet?"
"Yeah."
"You have a bed to sleep in?"
"Obvious ba?"
"And a roof over your head?"
"Of course! Ano bang tanong yan?"
"Then isa ka sa mga masusuwerteng tao sa mundo! Because 75% of earth's population doesn't have a ref, bed, closet and a roof over their head. Swerte ka tapos nagpapaka lugmok ka jan. Bongga mo." Napansin ko kaagaad ang pag bago sa mood ni Terrence matapos ang question & answer dahil hindi na naka kunot ang noo niya.
"Where are you coming from? Anong pinaghuhugutan mo sa mga tanong mong yan?"
Umiwas siya ng tingin at ibinalik niya nag tingin sa dagat. Nagbago na din ang tono ng boses niya. Medyo natatawa na siya.
"Terrence. Mapaghamon ang mundo. Sa buhay hindi pwedeng naka tanga ka lang sa isang tabi at iisipin mong ikaw ang pinaka malas na tao. Sometimes you have to make a move, you have to chase the things that will make you Happy!"
"And you're trying to tell me na I have to undergo some changes in my life. Huh?"
"Uhmmm. Try mo lang. You may lose something good when you choose to change. But you may gain something better. Kahit na alam mong talo ka ngayon dapat try mo pa din tumayo, lumaban, malay mo magbago ang ihip ng hangin sa Pilipinas at ikaw ang magwagi sa bandang huli."
"Nakakatakot mag try. Wala tayong assurance sa kung ano ang pu-pwedeng mangyare."
"Tsk. tsk! Wag kang matakot mag-try. Masarap sa pakiramdam yung masabi mo sa sarili mo na, nanalo ka man o natalo "At least I've tried". sabi ko nga sayo diba? Baka magbago ang ihip ng hangin."
"You are so pessimistic. Parang wala kang problema. Lagi kang Go. Lagi kang may sagot. Lagi kang may explanasyon. Tao ka ba? What are you?"
"Because I chose to be happy. Syempre may problema ako. Pero I just accept the fact that PROBLEMS are part of my story."
Ngayon, hindi na siya muling nagsalita. Maraming minuto muli ang lumipas at napansin kong gumaan na ang aura ni Terrence, kaya naisipan kong bumalik na sa room at iwan siya mag-isa para muling makapag-isip. Pero bago ako tuluyang umalis, binigyan ko siya ng isang epektibong paraan para makaiwas sa sakit. Natutunan ko ito sa Papa ko.
HEP! By the way. bago ako umalis, ishe-share ko sayo ang Billy's Tips Para Hindi Masaktan." muli siyang Lumingon sa akin. Nakakatuwa na ngayon pinapakinggan na niya ako. "Tip #1: Dont get too attached with your past, Learn to let go ha? Sige Goodnight."
sabay pa-cute at kindat ko sakanya.
Abangan Ang Kasunod:
written by: chabbyworld143
for pdf/txt copy add me on facebook
www.facebook.com/chabii2010
follow me on Twitter & Instagram: @chabbyworld143