Powered by Blogger.

Search This Blog

Blog Archive

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

Everything I Have (Chapter 5)

kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,


by: Joemar Ancheta



            Naging mabilis ang mga pangyayari ngunit hindi ko napaghandaang gapiin ang pagkabigla. Para akong nalusaw na kandila. Sa pagkabigla ay hindi ko nagawang tumakbo o magtago. Nanatili ako doong nakaluhod at yumuko. Mabilis na umeskapo si kuya Berto. Naiwan akong parang walang magawa kundi hintayin ang paghahatol. Naramdaman ko na lamang ang isang malakas na suntok na pinakawalan ni tatang sa aking bibig na dahilan din para tuluyan akong matumba. Hindi ako umiyak. Hindi ko ramdam ang sakit kahit nalalasahan ko ang dugong galling sa aking mga labi. Hinablot ni tatang ang sando kong itim at hinila niya ako pauwi sa bahay.

            “Hindi ka talaga magbabago, tang ina mong bakla ka. Makikita mo ngayon kung paano ko puputulin ang pagiging binabae mo tarantado ka!”

            Samyo ko ang amoy alak niyang hininga. Alam kong malakas pa siya at hindi pa ginugupo ng kalasingan kaya alam kong alam niya ang kaniyang ginagawa at sinasabi. Nakainom ngunit hindi lango.

            Hindi ko nagawang sagutin siya. Ano naman kasi ang sasabihin ko? Paano ko ipagtatanggol uli ang sarili kong hindi na nadala sa mga sunud-sunod na kahihiyang ginawa ko. Kaya noon, walang kahit anong pagtutol o kahit takot sa maaring gawin ni tatang sa akin. Dapat lang akong pahirapan, kailangan kong lasapin ang bunga ng kabuktutang aking ginawa. Hindi ko nagawang lumuha. May mga nakasalubong kaming mga tao habang hila-hila ako ni tatang ngunit nanatili akong nakayuko. Wala akong mukhang iharap sa kanila kahit alam kong hindi nila alam kung ano ang sadyang nangyari. Kinahihiya ko noon ang pagiging alanganin ko, kinahihiya ko ang mga ginawa ko dahil lamang sa panandaliang ligayang hatid ng laman. Anong nangyayari sa akin? Nasaan ang aking talino? Bakit hindi ko nagawang gamitin ito para labanan ang mga tuksong dala ng aking pagiging alanganin? Bakit pagdating sa tukso ng lalaki ay nagiging napakahina ko?


            Pagkarating namin sa aming kubo ay malakas akong tinulak ni tatang. Napasubsob ako sa sulok. Hindi pa man ako nakakatayo nang bigla niya akong tinadyakan sa sikmura. Nanlilisik ang mga mata ni tatang noon. Sinasabayan ng paulit-ulit niyang pagmumura at pagkutya sa aking pagkasino.

“Bakla! Binabae! Salot! Malas! “

Lahat ng masasakit na tawag sa katulad ko nasabi na niya. Ngunit sa pagkakataong iyon tanggap ko ang lahat. Hinayaan ko siyang pahirapan ang aking katawan na walang pagtanggi o kahit man lang luha. Iniisip ko noon, kulang pa, kulang pa ang mga papanakit na iyon para tuluyang mabura ang mali kong nakahiligan. Sana sa pananakit ni tatang na iyon ay tuluyan na ring mabago ang takbo ng aking isip lalo na ng aking nararamdaman. Kinamuhian ko noon ang aking pangkalahatan.

            “Magsalita ka ngayon! Ano! Tang-ina mong bakla ka! Hindi ka magdadahilan? Akala ko ba matalino ka!”

            “Sige lang po tang, saktan niyo lang ako ng saktan! Kung gusto niyo akong patayin, gawin niyo lang, hindi ko kayo sisihin dahil sawang-sawa na din akong mabuhay!” garalgal kong tinuran iyon ngunit buo… matatag… sigurado.

            Pagkatapos noon ay isa uling malakas na suntok ang pinakawalan ni tatang. Nang biglang nakita ko na lamang si nanang na nasa pagitan na namin ni tatang.

            “Anong ginagawa mo sa anak ko? Anong karapatan mong saktan siya ng ganyan!” pasigaw iyon ngunit ramdam ko kung gaano nasasaktan ang isang inang makita ang anak na duguan ang mukha.

            “Bakit hindi mo tanungin sa binabae mong anak kung ano ang ginagawa nila ni Berto sa silong ng tulay!”

            Nilingon ako ni nanang ngunit yumuko ako. Tanda ng pag-amin, ng pagsuko at ng pagsisisi. Pati siya ay hinihila ko sa kahihiyan.

            “At dahil doon sasaktan mo siya ng ganyan…anong gusto mong mangyari? Papatayin mo siya? Anong karapatan mong pahirapan ang anak ko ng ganyan samantalang hindi ka naman naging tunay na ama sa kaniya?”

            “Nang, tama na po. Kasalanan ko naman po lahat.” Hinawakan ko si nanang. Ayaw kong sa kaniya maibubunton ni tatang ang galit niya sa akin.

            “At kinakampihan mo siya gano’n?”

            “Anak ko siya, kung may problema ka sa anak ko, sabihin mo sa akin at ako ang didisiplina. Maliban na lang kung naging tunay kang ama sa kaniya. Sana hayaan kitang gawin ang lahat ng gusto mo.”

            “Siya at ng ama niya ang sumira sa buhay natin. Sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ng binabaeng iyan ay hindi ko maalis sa isip ko ang gagong ama niyan. Hindi ganito ang buhay natin ngayon kung hindi sa baklang ‘yan kaya bago ko mapatay, palayasin mo siya.”

            “Wala siyang kasalanan sa mga nangyari. Huwag mo siyang sisihin kung bakit nagkakaleche ang buhay natin. Kung may dapat sisihin sa mga nangyari ay ako at ang sarili mo. Huwag mong ibunton sa anak ko ang kahirapan ng buhay natin.”

            “Umalis ka diyan, hindi pa kami tapos magtuos ng binabae mong anak!” Nakita kong lalong tumindi ang galit ni tatang. Siguro dahil nakita niyang sa pagkakamali kong iyon ay may isang taong dumidipensa sa akin. Pakiramdam niya ay pinagtutulungan siya.

            Kinuha ni tatang ang kawayang ginagamit namin sa pagbukas ng bintana sa aming kubo. Nakaramdam ako ng kakaibang takot sa maaring gawin niya sa akin. Hindi ako nagpatinag. Wala akong balak kumaripas ng takbo tulad nang ginagawa ko noong bata pa ako.

            “Umalis ka na anak. Bilisan mo.”

            Nakita kong gustong agawin ni nanang ang hawak ni tatang na pamalo ngunit mas malakas si tatang sa kanya.

“Umalis ka na muna, anak, susunod ako.”

Paulit-ulit na sinisigaw ni nanang na kailangan ko ng umalis. May kasamang pagsusumamo ang kaniyang boses kahit alam kong hirap na hirap na siyang pigilan si tatang. Nakailang hakbang palang ako para sundin ang kagustuhan ni nanang nang narinig ko ang parang malakas na pagbagsak sa gawa sa kawayan naming sahig. Nakita ko si nanang na duguan ang bibig na nakasalampak. Hindi ko na tinuloy ang paghakbang. Mabilis kong binalikan si nanang ngunit isang malakas na palo ang tumama sa aking tagiliran. Ngunit hindi ko na alintana ang sakit niyon. Kung aalis ako, hindi ko puwedeng iwan si nanang. Siya na lamang ang natitira kong kakampi. Siya na lang ang alam kong nagmamahal sa akin. Hanggang sa mabilis si nanang na nahawakan ang dulo ng kawayan. Hindi niya ito binibitiwan. Kahit halos maiwasiwas siya ni tatang. At nang ayaw talagang bitiwan ni nanang ang pamalo ay kitang kita ko kung paano sipain ni tatang si nanang at noon, sa nakita kong lantarang pananakit niya sa ina ko ay hindi ko na napigilan ang silakbo ng galit na matagal ko ng kinimkim. Tanggap kong saktan niya ako ng saktan ngunit hindi ang taong nagbigay ng buhay sa akin, hindi ang ina kong siyang natitirang nagmamahal sa akin.

            Nang lumapit si tatang kay nanang para muli itong saktan ay mabilis kong dinepensa ang katawan ko para hindi na niya muling masaktan pa ang ina ko. Ang suntok na sana dadapo sa mukha ni nanang ay sa dibdib ko tumama. Nang itinaas niya ang pamalo ay mabilis kong hinawakan ang kaniyang mga kamay at pinilit ko iyong maagaw sa kanya. Natumba kaming dalawa. Naagaw ko ang pamalo sa kanya at itinapon sa malayo.

            “Lumalaban ka na tang-ina mo ha! Lumalaban ka na!”

            “Hindi po ngunit utang na loob huwag si nanang. Ako na lang!”

            “Sige tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo ngayon!”

            Mabilis niyang hinablot ang itak na nakaipit lamang malapit sa aming hagdanang kawayan. Nang una di ako nakaramdam ng takot dahil siguro naniniwala akong hindi kaya ni tatang na pumatay ng tao. Kahit kabado ako ay naniniwala akong tinatakot lang niya kami ni nanang. Nakita ko sa mukha ni nanang ang takot. Bigla siyang tumayo sa gitna namin at pilit niya akong tinago sa kanyang likod.

            “Umalis ka diyan kung ayaw mong pati ikaw ay tatamaan sa akin.” Pasigaw iyon. Walang mababanaag na kahinaan. Hindi lang siya nananakot. Oo nga’t may pagbabala ngunit ramdam kong kaya niya akong saktan at tagain.

            Ngunit ayaw umalis ni nanang sa harapan ko.

            “Nang alis na tayo dito.” Paanas kong sinabi kay nanang. Hinila ko si nanang at umatras kami. Pababa sa hagdan. At nang malapit na kami sa pintuan ay saka ko naramdaman ang malakas na sipa na siyang tuluyang dahilan ng pagkakabitaw ko kay nanang.

            “Umalis kang mag-isa mo bakla ka! Huwag na huwag kang papakita sa amin kahit kailan!”

            Kitang-kita ko kung paano niyapos ni tatang si nanang sa leeg nito.

            “Sasama ako sa anak ko. Hinding-hindi ko siya hahayaang aalis na hindi niya ako kasama.” Nakita ko ang pagtulo ng luha ni nanang. Alam kong sa sandaling iyon ay hirap na hirap na siya sa mga pasakit na kaniyang pinagdadaanan. Gustong gusto ko siyang ilayo sa mga pasakit na iyon ngunit paano?

            “Hindi ka aalis!”

            “Aalis ako! Kasama ng anak ko!”

            Lalong dumiin ang pagkakayapos ni tatang sa leeg ni nanang at nakita kong halos bigtiin na niya ito. Siniko ni nanang si tatang. Namumula na ito dahil sa hindi makahinga ngunit lalong diniinan ni tatang ang pagbigti sa kanya.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon pa. Lumapit ako at pilit kong tinanggal ang bisig ni tatang na nakapulupot sa leeg ni nanang ngunit isang malakas na sipa ang kaniyang pinakawalan. Bumangon ako. Kinagat ko ang bisig ni tatang at kahit ano pang gagawin niya sa akin ay hindi ko tinanggal ang pagkagat ko doon. Sa tuwing sinisipa ako o kaya ay dinadagukan ay lalo kong dinidiin ang ngipin ko sa kanyang mga braso. Lumuwag ang pagkakapulupot niya sa leeg ni nanang at ilang sandali pa ay tuluyan ng nakawala at hinila ko palayo kay tatang. Nakita kong tinaas ni tatang ang kamay na may hawak na itak. Umatras ako at nawalan ako ng panimbang. Napaupo ako. Dumausdos ako  paatras. Kailangan kong lumayo dahil nakikita ko sa mga nanlilisik na mga mata ni tatang na kaya niya akong patayin Nang itaga na niya sa akin ang itak ay mabilis na pinalo ni nanang ang balikat niya. Ngunit tumama parin ang itak sa bisig ko. Dumaloy ang dugo.

            Hindi tumigil si nanang sa kapapalo kay tatang sa katawan nito at nang harapin ni tatang si nanang at naagaw nito ang pamalo mula sa kanya ay alam kong si nanang ang sasaktan niya. Mapatay na muna niya ako bago niya masaktan si nanang. Wala akong pakialam sa dumudugo ko ng bisig. Mali na kung maling patulan ang tinuturing kong ama mula nang ako’y nagkamalay ngunit hindi siya naging tunay na ama sa akin. Naipon sa dibdib ko ang masidhing galit. Inin-in ng isip ko ang matinding pagkamuhi sa kaniya at ngayon ay pisikal na kaming sinasaktan ng ina ko ay wala ng naiwan pang katiting na respeto. Tuluyang nilamon ng matinding emosyon ko ang mga pinag-aralan ko. Wala na din ako noon sa katinuan. Hindi ako makapapayag na wala akong magagawa para ipagtanggol ang ina ko sa kahit anumang kapahamakan kaya bago niya mapalo o kaya mataga si nanang ay pinakawalan ko ang isang malakas na sipa. Dahil sa lakas niyon ay napaupo siya. Nabitiwan niya ang itak at alam kong kung hahayaan kong muli niya itong makuha ay hindi na kami pakakawalan ng nanang kong buhay. Mabilis si nanang na pulutin ang itak ngunit nakuha ni tatang ang pamalo.

            “Wala kang utang na loob! Papatayin kita, tang ina mo!”

            Bago siya makabangon ng tuluyan at maipalo sa akin ang kawayang hawak ay isang malakas na sipa uli ang pinakawalan ko.

            Bumulwak ang dugo sa dibdib ni tatang. Nabitiwan ni nanang ang hawak niyang itak at nagulat din ako sa aking nasaksihan. Parang bigla akong bumalik sa aking katinuan. Nanginig ang buo kong katawan at parang dumilim ang aking pangingin. Ilang sandali pa’y basa na ng dugo ang damit at shorts ni tatang. Tumama ang likod niya sa nakausling bareta at tumagos hanggang sa kaniyang dibdib. Tinaas ni tatang ang kamay niya habang nakatingin kay nanang. Humihingi kay nanang ng tulong ngunit nanatiling nakatayo si nanang at di parin bumabalik sa katinuan dahil sa pagkagulat. Napaluhod ako. Hindi ko alam ang aking gagawin. Sising-sisi ako sa aking nagawa.

ABANGAN..
Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: Everything I Have (Chapter 5)
Everything I Have (Chapter 5)
kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgAH6HMb-HaD8nju8InGQPkKro-DdkSraJtEK9PvIIG4ee8em3IQE7gVedqbGTPT-jw3scOcXf7Y9QoUKNdB4rTAndSJCaYYfp6xfbVPtInZQTONPLpaTaSX6d-DWlQHK7R4cloGl49y8g/s400/554570_293066064134142_1499664212_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgAH6HMb-HaD8nju8InGQPkKro-DdkSraJtEK9PvIIG4ee8em3IQE7gVedqbGTPT-jw3scOcXf7Y9QoUKNdB4rTAndSJCaYYfp6xfbVPtInZQTONPLpaTaSX6d-DWlQHK7R4cloGl49y8g/s72-c/554570_293066064134142_1499664212_n.jpg
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/06/everything-i-have-chapter-5.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/06/everything-i-have-chapter-5.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content