kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
PROLOGUE:
Dear Diday,
In this world, I know it only takes a Man and a Woman to make a love story. Kahit baliktarin mo ang buong mundo, simula pa lang noong unang panahon lalaki at babae lang ang itinadhana para sa isat-isa. Mula kine Eba at Adan, kina Malakas at Maganda, kina Romeo at Juliet, pati sina Jack and Rose hanggang sa Daniel Padilla and Kathryn Bernardo Love Team.
So how about gay people? sa mga kabilang sa "Third Sex". Did we deserve a love story? Is Love possible for someone like us? May serseryoso ba sa amin?
Para sa akin, Yes. Because I've felt that to someone. I Love him, I Trust him, I Care for him and I feel so safe whenever he's near, and he said, he felt the same way. But what happen? My Love. My Hero. My Special Someone. My Friend. Became the reason for the teardrops on my Diary.
***
Introduction
"Mahal na mahal kita, Chichay"
"Mahal na mahal din kita Joaquin"
Tententenenten.
"Ang Programang ito ay Rated PG. Patnubay at Gabay ng Magulang ay kinakailangan."
Tsuk!.
Pinatay ko na ang TV.
Oras na para matulog at kakatapos lang din na gabi-gabi kong inaabangan na Got To Believe (KathNiel). Bilang isang single sa mga ganyan palabas na lang ako nananalig para dapuan naman ako ng kilig kahit papano.
"Maaaaaa!!! First day ko sa College bukas! Prepare some Delicious breakfast bukas para maganda ako! ha?" sigaw ko sa mama ko habang paakyat ako ng hagdanan. "Ambisyosa! Tulog na!" bulalas ni mother habang naghuhugas ng plato.
Pagkapasok ko ng room ko binuksan ko ang ilaw at dumerecho sa study table ko at cumupo. Hinanap ko si Diday (My Diary). Nakaugalian ko ng magsulat sa Diary ko, doon ko isinusulat ang lahat ng happenings ko sa buhay, malungkot man o masaya. Only child kasi ako, yung mom ko busy lagi sa grocery store namin sa palengke kaya gabi na din nakakauwi. Si papa nasa abroad, pahirapan pang makachat kung minsan. Kaya Thank God, Diday is there para damayan ako.
Dear Diday,
First day ko sa College bukas! Superr excited ako. New Friends! New School! New Surroundings! Goodnight.
"TEARDROPS ON MY DIARY"
Chapter I
(billy's POV)
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!!
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!!!!!
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!!!!!!!!!
Minulat ko ang isang mata ko para patayin ang ingay na nagmumula sa cellphone ko. Kanina pa ko naririndi sa tunog nito.
"whoooooaaa!!!!" (O.o)
"5:30 na????!! eh parang kakatulog ko pa lang ah! " Ang hirap talaga gumising ng maaga lalo na kapag galing ka sa mahabang bakasyon. Pero may choice ba aketch? First day ko as College Student ngayon kaya dapat masipag na ko! Bumangon ako ng kama. Naligo at nagbihis ng aking bagong uniform. Saglit akong tumingin sa salamin bago tuluyang bumaba,
"Gosh. Ang ganda ko talaga. Diba? Diday?"
Oo baliw ako, kinakausap ko ang Diary ko. Try niyo din minsan.
Pagkababa ko ng hagdan nakita kong nakahanda na ang breakfast ko sa dining table. "So wala ng takip takip mother? nakabuyangyang lang talaga? pano kung langawin. tsk."
kinakausap ko na naman ang sarili ko, maaga kasing umaalis si mother earth para pumuntang palengke. Kaya hinahanda na niya ang everything bago pa lang siya umalis.
Umupo na ako para kumain ng may napansin akong note sa nakaipit sa plato. "Big Day today baby girl! Goodluck --- Love Mama"
Haay, si mother earth talaga. Sweet :)
---------------------------------------------
Walk. Walk. Walk.
Eto na ako ngayon naglalakad. 6:30 AM na, 7AM ang first class ko. Walking distance lang naman ang bagong school eh. Madami din naman akong mga kasabay na mag lakad kaya hindi boring. Teka muna pala bago ang lahat let me introduce myself, Ako nga pala si Bill Jansen Villanueva, 18. Freshman Student of Cavite Academy. BS Computer Science ang kinuha kong course. Yes, I am Gay. So what? Wala akong ginagawang masama, nagpapakatotoo lang. Ang hirap kaya magtago, para kang puputok! Discreet lang naman ako. Hindi super ladlad. I still have my respect sa sarili ko. Sabi nga nila, respect yourself first, para respetuhin na din na mga tao sa paligid mo.
Boooooogsshh!!!! (O-O)
"Aaaay! May tao pala! Sor---" Hanash kasi ako hanash dito mag-isa, may nabunggo pala ako.
"HOY BADING! TAO KA BA? TUMINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO!!"
Hindi ako nakapagsalita agad ng bumangon mula sa pagkakasubsob ang lalaking nasa harapan ko. Maputi siya. Hindi katangkaran. Pero Maganda ang katawan niya. At ang mga mata niya, it captivates me. Hindi siya Kagwapuhan pero malakas ang dating niya. At teka, parehas kami ng uniform. Schoolmate ko siya.
"Ah. Eh. Sorry Hind----"
"SALOT!" hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita ng sinabihan niya ako ng........
Salot? ano daw? @.@
"Ayy? Pag bading salot agad? Agad-agad kuya?" Tumalikod na siya at lumakad palayo habang hindi man lang pinakinggan yung sinabi ko. "Ano ba yon? Umagang-umaga nakakastress!"
Maya maya may babaeng tumatakbo at biglang..........
Tuuuuggggshhhhh!!!!
"Ay ang Taray!!" Bulalas ko sa babaeng nadapa. Paano ba naman, Dang taas ng heels ni loka. panong di madadapa? "Oh my Gosh! Help me Dear." ako lang naman yata ang tao na nakakita sa kanya. kaya ako siguro ang kausap niya. syempre dahil mabait ako, tutulungan ko siya. "Thank you honey." ay inglesera si ate, kinabog kayo. well mukha naman siyang foreigner. "Your welcome" napansin kong parehas kami ng patch. Another schoolmate! "I think were schoolmates" kasalukuyan niyang pinapagpag ang pants niya, napatingin din siya sa patch ng polo ko. "OH MY GOSH!!! I Think I found a new BFF." huh? ano daw? bff agad? dahil sa patch? bakit ba ang bilis magdesisyon ng mga tao ngayon! "Huh? Sure" pagsangayon ko na lang, dahil nararamdaman ko. sagad sa buto ang kakulitan at kabaliwan ng bruhang to. "I am Zarren Montenegro. Freshmen BS ComSci." oh? parehas pa kami ng course -.- destiny nga naman
Lord. "Bill Jansen Villanueva. Call me Billy. Same course as yours."
Nagulat nalang ako ng bigla siyang nagtatalon at niyugyog ako ng bongga.. "Yehey! i think were meant to be ! BFF starting today huh?" tumango na lang ako. Mental. Kailangan na siyang ibalik sa mental.
---------------------------------------------
-Cavite Academy-
"Gilly!!! Its so beautiful here! " Nandito kami ngayon sa 4th Floor ng IT Building at tanaw namin dito ang kabuuan ng CA (Cavite Academy)
"Billy not Gilly" -,-
"I mean Billy. Hahaha"
Sakalin ko tonsil nito eh. Pero tama siya. Maganda ang Cavite Academy. Puno ng nagtataasang mga Building. May Soccer Field. May Basketball at Badminton Court. May Swimming Pool din at Malaking Garden. Bukod sa mga magagandang facilities, maipagmamalaki din ng CA ang dekalidad na paraan ng pagtuturo sa mga estudyante, dahil sa mga matatalino at magagaling na professors dito.
"I heard, Theres a lot of Handsome guys here." nagblush siya. Talande din itong isang toh ha! Tama naman siya. Yun din ang dahilan kung dito ko gusto mag-aral :DDD
bakit ba? inspiration lang. tampalin ko kayo eh. am sharap kaya!! sharap!
Habang pinagmamasdan namin ang CA.
Napansin kong nagtakbuhan ang mga classmate namin sa loob ng room. "Kuya, nanjan po yata yung Prof natin." kinulbit niya ko, sabay ngiti ni girl, di ko siya kilala pero pagkatapos niyang sabihin yon ay pumasok na din siya. Sa di kalayuan ay nakita kong may paparating na ma-edad na ginang at mukhang siya na nga ang unang prof namin. "Ah..Zarren, I think our Professor is coming." Napatingin siya sa direksyon na itinuro ko. "Are you sure? She looks like Manny Pacquiao's mom! Mother Dionesia! Right?" She looks very confused. Napatawa ako ng lihim sa sinabi ni Zarren at hinila na siya papasok sa room namin. Baliw nga itong babae na to.
---------------------------------------------
Mabilis natapos ang First Day ko sa CA. Nakalimutan kong College na ko at kalimitan 2 subject lang kami sa isang araw. Puro Introduce yourself in front ang ginawa at pinagpasa lang kami ng index card. Si Zarren naman puro lingon sa likod at gilid, naghahahanp ng gwapo.
"Millet! Patrick is so Cute kanina. I Like him!!" Ano? ano daw? omelet? sinong omelet?
"Zarren, its Billy! as in B-I-L-L-Y." pag i-spell ko sa kanya.
"Whatever. Hahaha. Lets go SMB?"
Smb? anong smb na naman? pinagsasabi nito? "And SMB Stands for? "
"SM Bacoor! hahaha!"
ahh okay. eh ano namang nakakatawa don?
"Starbucks?"
pagyayaya niya at sumangayon na lang ako. Gusto ko rin makabonding itong bagong friend ko.
habang naglalakad kami sa Lobby ng IT Building nakita ko si Mayon Volcano (Yung tumawag na SALOT sa akin kanina. Masungit kasi siya kaya he deserved that name! Hmf!). Napansin kong mag-isa lang siya at parang Loner. Well, sa sama na ugali niya walang magtatangka na kaibiganin siya! So same field pala ang course namin, either IT, Computer Engineering or worst baka ComSci din.
"He's cute right? You like him?" Napansin ata ni Zarren na nakatingin ako kay Mayon. Cute? well medyo. Like? yuck! Over my Dead sexy body! "Of course not Zarren. Look at him he looks like a volcano. Lets go!" iniwan kong nakanganga si Zarren sa sinabi ko. Ewan ko ba
naiinis ako sa Mayon na yon!
---------------------------------------------
-Starbucks-
"Mocha Frap for me Zarren. Here." Inabot ko na lang ang pera kay Zarren. Sabi naman niya siya na lang ang pipila kasi ang gwapo daw nung sana counter kaya siya na daw. Ako naman, sinilip ko naman si kuyang counter. Gwapo nga. Ako na kaya pumila? Chos! Haha. :D Naghanap na ko ng bakanteng upuan sa amin ni Zarren.
Madami kaming napagkwentuhan ni Zarren habang nasa Starbucks kami. nagshare kami ng mga basic informations para naman kahit papano kilala namin ang isat-isa. Her Mom pala is American and his Dad is Filipino. Pero nasa Cebu ang parents niya for business reason kaya kuya niya daw ang kasama siya sa bahay ngayon. At ang nakakainis pa ha! Marunong magtagalog si loka! Pinahirapan pa ko kanina? Tusukin ko ng ballpen to eh! Pero eto ha, sa halos mahigit isang oras na inilagi namin sa SB, nakakatuwa siyang kausap, makulit, baliw pero masayang kasama.
"Billy! Thank you ha! I thought wala akong magiging friend sa CA because of my kaartihan" Naka pout siya habang sinasabi yon. Kasi madalas daw siya i-bully nung Highschool siya. "Loka! Sarap mo kaya kasama. Super Comfortable ako with you" nagulat ako sa ginawa niya. Niyakap niya ko ng mahigpit. "Yehey. I'm so glad na ikaw yung nakakita sakin kanina.!!!!!" Napabitaw lang siya sa pagkayap ng May tumigil na itim na Honda City sa tabi namin "Oh ayan na ata yung sundo mo. Go na." You heard it right, may kotse sila, gusto niya lang daw i-try mag walk kanina para exercise tumataba na daw siya. "Bye Billy. See you bukas" Nag wink siya bago pumasok sa Kotse. Ngumiti naman ako bilang pagsagot. Actually sabi niya kanina sumabay na daw ako. Pero i ignored that, nakakahiya eh.
---------------------------------------------
Abangan Ang Kasunod:
written by: chabbyworld143
for pdf/txt copy add me on facebook
www.facebook.com/chabii2010
follow me on Twitter & Instagram: @chabbyworld143