kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
Author:Unbroken/Rovi Yuno
Please follow! Comments are highly appreciated.
Nakita ko ang pagtama ng bakal sa balikat ni Victor. Kitang-kita ko kung paano sya nasaktan. Bakas sa kanyang mukha ang sakit dala na rin ng pagngiwi ng kanyang nguso. Natauhan ako. Napahinto ako pansumandali,nagtama ang aming mga mata,nakaramdam ako ng awa. Lumuluha si Victor. Alam kong mahina ako sa t'wing nakakakita ng taong umiiyak at ngayon, nanlalambot na ako to see Victor crying. Para syang batang umiiyak sa sakit,sakit sa palo ng bakal,sakit na dala ng pagiwas ko sa kanya.
Napadausdos ang aking katawan sa pader dala na rin ng emosyonal na pagkalito at panghihina. Di ko mapigilang hindi umiyak. Naiiyak ako dahil sa mga nangyayari sa akin. Nalilito ako dahil kay Kath. Hinahanap ko si Raf. Iniisip ko si Mikey at ngayon ay ginugulo na naman ako ni Victor. Eto yung eksaktong panahon kung saan alam kong madali akong maging emosyonal dahil sa kung anu-anong bagay. Mabigat ang pakiramdam ko. Gusto kong sumigaw at magwala.
I started crying. I unconsciously cupped my eyes and rested my heavy head to my knees. I cried.
Hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari. Tahimik ang paligid. Ramdam ko pa rin ang presensya ni Victor sa loob ng kwarto. Kahit malayo,amoy ko ang kanyang pabango,maging ang init nyang tila bagang nakakapaso.
Lumipas ang ilan pang minuto,naramdaman ko ang paghupa ng aking mga luha. Kahit ganoon pa,ramdam ko pa rin ang bigat ng gabi. Kailangan ko lang itulog to at kinabukasan ay magiging okay na ako. Inalis ko ang aking mga kamay na bumalot sa aking luhaang mga mata. Natanaw ko si Victor na paupong nakasandal sa pader. Kita ko na wala sya sa sarili,mukhang talunan,pariwara at malungkot. Tumayo ako at ibinukas ang pinto ng kwarto,nanatili syang nagmamasid sa aking mga galaw.
“Bukas na ang pinto. Pwede ka ng lumabas ng kwarto ko.”
Nanatili syang nakaupo at nakatitig sa akin, Nakanganga.
“Victor,lumabas ka na. Matutulog na ako. May pasok pa ako mamaya.”
Tumayo sya. Inayos ang nagusot na damit. Tumitig sa akin. Dahan-dahang lumakad. Nang malapit na nya marating ang pinto at nasa tapat ko na sya,he stopped. Nakita ko yung paano tumulo ang kanyang mga luha. Nakaramdam ako ng guilt na di ko mawari. Kung tutuusin, dapat magalit ako sa lahat lahat ng ginawa nya sa akin, pero may mga pagkakataon na ako pa ang nalulungkot kapag umiiyak sya.
“Patawarin mo ako Jared.”
“Just leave me alone Victor.”
“I will. Wag kang magalala.”
Lumapit na sya sa pinto. Pinatay nya ang ilaw.
“Jared,hindi mo na ba talaga gusto lahat ng ginagawa natin noon?”
“Ano pa bang gusto mong marinig?”
Naiirita na naman ako. Mula sa awa,parang gusto na namang sumabog ng galit ko.
“Wala akong gustong marinig. Gusto ko lang na bumalik ka na sa akin.”
May pagmamakaawa sa boses nito.
“Babalik? Bakit? Naging tayo ba?” sagot ko
“Hindi. Pero alam mo naman na noon pa man gusto na kita.”
“Halata nga. Kaya kahit sa murang edad ko na 7 eh inabuso mo ako.”
“Sorry Jared. Sana patawarin mo ako.”
Nangingilid ang luha ko sa galit.
“Alam mo? Iniisip ko kung bakit ako nagkaganito.”
“Alam mo kung anong naisip ko?” pagpapatuloy ko.
Tahimik si Victor na nakikinig sa may pinto habang ako ay malapit sa switch ng ilaw.
“Iniisip ko na siguro,kung hindi mo ako ginalaw dati,malamang hindi naapektuhan yung pagkalalaki ko. Alam mo yun? Kung hindi mo ako inabuso malamang i'm still living a normal life. Nabubuhay sana ako sa ideal na lifestyle ng isang straight na lalaki. Wala sanang complications, wala sanang mga limits, wala sanang gumugulo sa isip ko ngayon!”
Napabuntong hininga ako. Pinipigil kong ilabas ang lahat ng galit ko. Pinilit kong kumalma.
“Mula ng nagkaisip ako at lagi mo pa din akong ginagalaw,hindi ka ba natakot na pwede akong magsumbong? Hindi mo ba inisip na makakaapekto yun sa akin? Hindi mo ba naisip na pwede akong mahawa sa kabaklaan mo? Well yes! Nahawa na ako sa kabaklaa mo eventually. Lahat ng sufferings ko sa pagiging bakla ko ay isisisi ko sayo! Hinding-hindi kita papatawarin Victor! Hinding-hindi!”
Medyo napataas na ang boses ko. Nagalala sya na baka marinig ng mommy sa kabilang kwarto.
“Hinaan mo ang boses mo Jared at baka marinig ka ng mommy mo!”
Pagsaway nya sa akin. Agad agad syang bumalik sa loob ng kwarto at sinara ang pinto. Ibinukas ko ang ilaw.
“Natatakot ka na marinig ni Mommy? Natatakot nyang mabisto lahat ng kabaklaan mo?”
“Sorry Jared. Please!”
“Yan ang problema sayo! Ngayon natatakot ka na marinig ni Mommy lahat ng kabaklaan mo! On the first place,kung bakla ka talaga wag kang manloko ng tao!”
“Hindi ko niloloko ang mommy mo!”
“Niloloko mo sya!”
“Hindi Jared! Nangaliwa ba ako? Hindi ako nangangaliwa!”
“Hindi ka nga nangaliwa pero nakipagsex ka naman sa anak ng misis mo! Masahol ka pa sa baboy!”
Nakita ko na rin ang galit sa kanyang mga mata.
“Bakit Jared? Pag chinuchupa kita? Di ka ba nasasarapan? Pumayag ka din eh. Eh di sana tumanggi ka from the start. Ayaw mo lang tanggapin sa sarili mo na bakla ka na talagang pinanganak!”
Naluha ako sa galit. Mabilis kong napuntahan ang lugar kung saan man sya naroon at ginawaran sya ng isang lumalagapak na suntok. Napalakas ang suntok ko kay Victor at kita ko ang pagputok ng kanyang bunganga. Di na ako nakapagtimpi. Nagngangalit pa rin hanggang ngayon ang aking kamao.
“Ang kapal ng mukha mo!”
“Ang kapal mo! Alam mo ba yung salitang “inabuso”? Yung ang ginawa mo sakin Victor! Inabuso mo ako! Inabuso mo ako nung bata ako tapos ngayon gaganyan ka? Ang kapal mo lang talaga no? Pinakasalan mo ang mommy ko para pagtakpan ang kabaklaan mo! Pinakasalan mo ang mommy ko para maging biktima mo kami ni Mikey! Ang kapal ng mukha mo! Mamatay ka!”
Para akong dragon na bumubuga ng apoy. Nakakatakot ako maging sa aking sarili. Ngayon lang ako nagalit ng ganito. Ang kapal nya. After nya akong abusuhin sya pa ang may lakas ng loob sabihan ang mga salitang yon? Ang kapal nya!
“Gagawin ko lahat para maging akin ka Jared. Hindi ako papayag na may ibang makikinabang sayo. Itaga mo yan sa bato. Di mo alam kung anong kaya kong gawin.”
There was sharpness in his voice. Nalito ako sa kanyang mga sinabi. I gave him an odd look. Sigh.
Agad-agad na lumabas si Victor sa kwarto. Nilock ko ang pinto. Lalong bumigat ang aking pakiramdam at ako ay muli na namang lumuha. Di ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap sa akin ni Victor matapos ng mga nangyari. Di ko din alam kung paano ko pa sya pakikitunguhan. Di ko na alam, at ako'y nilamon na ng kadiliman.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
“Raf?”
“Jared?”
“Nagkita na tayong muli.”
“Oo nga. At saya-saya ko.”
“Raf saan ka ba nanggaling?”
“May inayos akong misyon dito sa lugar nyo. Anytime ay babalik na ako kung nasaan man ako.”
“Ha? Ibig sabihin iiwanan mo na naman ako Raf? Isama mo nalang ako!”
Nakita ko ang disappointment sa kanyang mukha. Nakita kong lumuluha si Raf. Hinawakan nya ang kamay ko. Naramdaman ko ang init na dala nito. Orgasmic. Magkahawak lang kami ng kamay sa may parke. Eto lang ang lagi kong hinihiling,makasama sya at mahawakan ang kamay nya. Masaya na ako.
Naging malakas ang hangin,nakita namin ang pagsayaw ng mga puno. Maging ang malalaking mga balete ay sumasayaw rin ng naayon sa galaw ng malanding hangin. Nakakapangilabot ito. Maaliwalas ang araw kanina,pero bakit ang bilis magdilim. Bakit dumidilim ba? Bakit parang nagiiba yung kulay ng langit? Bakit gumagabi na? Bakit may mga nakikita akong mga migratory birds na nagmamadaling tinatakasan ang gabi? Bakit? Ano ang nangyayari?
“Raf. Natatakot ako. Bakit ang bilis? Kanina lang tayo magkasama ng 9am ng umaga tapos ngayon ang dilim na.”
Mas naging drastic ang paggalaw ng itim na mga ulap sa kalangitan. Tila ba papel silang hinahangin sa bilis ng kanilang pagusad. Patuloy ang pagsigaw ng hangin sa aking mga tainga. Nakaramdam ako ng panghihilakbot. Naramdaman ko ang pagtayo ng kaliitliitang buhok sa aking katawan. Pumikit ako at napalunok. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Nagimbal ako sa aking nakita. Ang dating parke ay naging sementeryo in an instant. Kita ko ang mga asong nagtatakbuhan na parang walang bukas. Biglang kong nasilayan ang bilog na buwan. Dilaw ito ay nababalutan ng maninipis na ulap. Iba ito. Naramdaman ko ang pagpatak ng butil butil na pawis sa aking noo. Maging ang galabog ng aking dibdib ay naging irregular. Ramdam ko ang kakaibang kilabot. Hinawakan ko ang gilid kung saan nakaupo si Raf pero..
“Raf?” sabi ko sabay tingin sa kanya.
Nagitla ako ng di ko sya makita. Ako nalang ang nakaupo sa mahabang bench. Saan napadpad si Raf? Bakit nawala sya? Tumingin ako sa kanan at nakita ko ang ibang mga punong nagsasayawan dahil sa lakas ng hangin. Grabe ang hangin,ibang kilabot ang dala nito.
“Raaffff?”
Pumikit ako. Umaasa ng isang himala.
“Raaafff?” sigaw ko
Nakaramdam ako ng dampi ng kamay sa aking balat. Mainit ito at tila nakakapaso. Malamang si Raf na to at bumalik sya para samahan ako. Alam kong ililigtas nya ako at di nya ako papabayaang mamatay sa takot dito sa lugar na to. Alam kong ililigtas nya ako.
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Nagitla ako sa nakita. Mayroong isang batang lalaking nakahawak sa akin. Nagtama ang aming mga mata at nanindig ang balahibo ko sa nakita. Isa lang ang mata ng bata at ang kanyang kanang eyeball ay nakaluwa. Nakangisi ito pero blanko ang kanyang expression. Nanginginig ang aking braso sa takot. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya sakin. Napatingin ako sa kanyang kamay at napapitlag ako nang makita kong mas malaki pa ang kanyang kamay sa kanyang ulo. Parang manas ang kamay ng bata at mahaba ang kanyang itim na kuko.
“Aaaaahhhhhhhh!”
Agad kong pumiglas sa bata at nagmadali akong tumakbo papalayo. Tumakbo ako na parang walang bukas. Takbo Jared. Takbo. Kita ko na ang distansya ko sa batang nakakatakot. Tumayo ito sa upuan at nakita ko nalang na nakaturo ang kanyang kamay sa akin. Kinilabutan ako. Tumakbo pa ako ng mas mabilis. Narinig ko nalang ang pagngalngal ng bata. Mas lalo akong nanghilakbot. Napakalaki ng boses nya para sa isang bata. Umiyak sya ng napakalakas. Umabot ito sa kung saan man ako naroon. Tila ba naka-mikropono sa lakas. Nabibingi ako. Nabibingi ako. Nabibingi ako. Ilang segundo pa ay huminto ito,at muling umihip ang nakakapangilakbot na hangin.
Nakalayo na ako sa bata at nakaramdam ako ng kaginhawaan kahit papaano. Binagsak ko ang aking mga hita sa kalsada. Nakalayo na ako sa lugar kung saan kami nakaupo ni Raf pero di ko pa rin alam kung nasaan ako. Habang namamahinga ako ay tinantya ko ang paligid. Mapuno pa rin at malakas ang hangin. Tinignan ko ang daanan but it seemed to be so endless. Hindi ko na alam kung paano ako makakaalis dito. Pinikit ko ang aking pagod na mata at pinilit kong pakalmahin ang aking kanina pa kumakabog na puso.
Huminga ako ng malalim. Naramdaman ko na naman ang pamilyar na bugso ng hangin.
“Jaareed”
Nawala ako sa konsentrasyon ng marinig yon.
“Jaaaaarreeeedddddd”
Mas mahaba na ang pagbigkas nya sa aking pangalan ngayon. Lumingon ako sa aking paligid pero wala akong nakitang kahit sino. Nagsimula na namang tumayo ang aking mga balahibo.
“Jjaaaaarrreeeeeddddd”
Nanginginig at parang malat ang boses nito.
May tumatawag sa akin, Pero sino?Kakaiba ang boses nya. Hindi si Mikey yan. Hindi din si Victor. Hindi din si Raf. Hindi ito tama. Hindi ito normal. Out of this world.
“Sino ka?” sigaw ko habang nangangapa ng batong ipupukol sa kung sino mang lalapit
“Jjaaaaaaareeeeeddddddd...”
Mas naging raspy ang kanyang boses. Di ko sya kilala. Iginala ko ang aking mga mata sa kakahuyan at nakita ko ang pulang mga mata ng mga tao doon. Unti-unti silang naglabas sa dilim. Di ko makita ng husto pero alam kong pula at nanlilisik ang kanilang mga mata. Nakaupo akong umatras. Di ko alam kung anong mangyayari kapag nakalapit sila sa akin pero ang alam ko ay dapat akong tumakbo. I grabbed my ass up at mabilis na tumayo.
“Jaareeedddd.”
“Jaaaaaaaareeeeeddddddd.”
Nangilakbot ako sa nakita. Sabay-sabay na nilang binibigkas ang pangalan ko habang unti-unting silang lumalabas mula sa kakahuyan. Kilala nila ako? Pero paano? Bakit nila alam ang pangalan ko? Bakit nila ako kilala? Sino ba talaga ako? Ano ba ako? Bakit ako?
“Jaaaaaaaaaaarreeeedddddddd....”
“Sumama ka na sa amin.... Jaareeeedddd..”
Bakit nila ako sinasama? Bakit? Sino sila?
Tumakbo akong nakapikit at tinatakpan ang tainga. Pakiramdam ko sa twing tatawagin nila ako ay sasabog ang utak ko. Mabilis akong tumakbo. Wala akong pakialam kung bumunggo ako o madapa. Ang alam ko lang ay dapat akong makaalis dito. Dapat kong matakasan ang mga nilalang na to. Patuloy pa rin sila sa pagtawag sa akin. Nagiging mas malakas ang kanilang mga daing. Di ko to gusto.
“Aaahhhhhhhhh!”
“AaaaahhhhhhH!”
Patuloy ang aking pagsigaw para mairelease lahat ng takot at panghihinang nararamdaman ko.
Minulat ko ang aking mata at may nakita akong liwanag sa dulo ng daan. Binilisan ko ang pagtakbo. Para na akong kabayo. Nasaan na ang liwanag? Nasaan na ang liwanag?
“Raafffff! Antayin mo ako! Raaffff! Isama mo ako sa liwanag!”
“Raaaaaaaaaafffffff!”
Nakikita ko na ang liwanag! Nakikita ko na. Malapit na ako Raf! Antayin mo ako! Raaafff!
Mabilis akong tumakbo at agad kong narating ang liwanag. Tumapon ako sa liwanag. Wala akong makita,agad nalang akong nakaramdam ng isang mahigpit at mainit na yakap. Kasabay nito ang pagdampi ng isang mainit na halik sa aking labi.
ITUTULOY....
https://www.facebook.com/notes/untold-forbidden-stories-kwentong-sasalamin-sa-iyong-pagnanasa/terrified-5/248853731824749
BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/