Powered by Blogger.

Search This Blog

Blog Archive

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

ALANGANIN LAST PART

kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,


by: Joemar Ancheta

            Mabigat ang mga paa kong lisanin ang Pilipinas ngunit kailangan kong gawin upang magsimulang hanapin ang tunay kong dapat na tahaking landas. Napagod ako sa mga laro ng puso at kailangan kong harapin ang pagtratrabaho para sa aking mga kapatid, magulang at kay Jomel na siyang nagbalik sa akin sa dapat kong harapin. Hindi ko makalimutan ang histura niya noon sa labas ng bus habang hinihintay ang pag-alis ko papunta ng Manila. Hindi mapatid ang palitan namin ng text gamit niya ang celphone na iniwan ko sa kaniya. Hindi ko mapigilang umiyak noon ngunit kailangan kong harapin ang bagong yugto ng aking buhay. Kailangan kong magsakripisyo para sa aking mga kapatid at magulang.
            Nang mga unang buwan ko pa lamang sa Saudi ay walang patid ang mga text sa akin ni Jom. Text niya ang gumigising sa akin sa umaga at text din niya ang huli kong mababasa sa gabi. Naramdaman ko ang kaniyang pagmamahal sa mga text kung kaya ay sinagot ko ang pangmatrikula niya dahil hindi na siya papag-aralin pa ng kaniyang mga magulang. Hanggang ang halos ulan na pagdating ng text ay naging ambon na lamang hanggang naging tuyot..
Nalaman ko kina Kit at Dave na may kasa-kasama siyang babae sa tuwing nakikita siya sa Mall. Lahat ng iyon ay pinagsinungalingan niya. Kahit kapapadala ko pa lamang ng pera niya ay halos hindi na niya ako matexan man lang. Tiniis ko ng isang taon ang lahat dahil sa paniniwalang magbabago din siya at iyon ay huling braha ko na sa pag-ibig. Binigo niya ako, wala akong nakita sa grades niya nang pinapag-aral ko siya. Sinanla niya ang celphone na iniwan ko dahil sa mga pagkakautang niya hanggang tuluyan ng nawala ang komunikasyon naming dalawa. Masakit man pero kailangan kong tanggapin na ang pagmamahalan minsan na pinaglayo ng tadhana ay kailangang palayain lalo pa’t hindi na ipinaglalaban pa ng naiwan ang kaniyang nararamdaman. Sinubukan ko siyang intindihin sa mga pagkukulang niya ngunit sadyang palayo na siya ng palayo at ang tanging paraan para maibsan ang sakit at pangungulila ay ang tuluyan na siyang palayain sa aking puso at isipan. Subalit hindi ganoon kadali ang lahat. Kailangan ko ng karamay sa mga panahong iyon para makalimot. Nakipaglaro ako. Pakikipagtalik sa kahit sinu-sino lang ngunit hindi ko na pinayagan pang magmahal ang puso ko. Pinagbigyan ko ang hilig ng katawan ngunit tuluyan ko ng pinigilan ang hilig ng puso. Naglaro ako sa apoy. Nagpaapi sa tawag ng laman. Nilunod ko ang sarili ko sa iba’t ibang putahe para makalimot sa sakit. Hanggang sa ako’y nagsawa, napagod at tuluyang tumigil.
            Noon ko nakilala ang mga tropa kong matatandang mga bakla. Naiintindihan namin ang hinaing ng bawat isa. Nang una, akala nila ay isa ako sa mga gagamit sa kanila. Marami sa kanila ang nagkagusto sa akin. Nang una, inisip ko din na pagkaperahan sila pero alam kong darating ang karma kaya sila ang naging pamilya ko ngayong malayo ako sa aking pamilya.
Si Romy (47 taong gulang) na may naiwang asawa at dalawang anak sa Pilipinas. Nahuli siya ng misis niyang nakikipagtalik sa bayaw niya kaya pinalayas. Isinumpa ng asawa na hindi na niya muli pang makikita ang mga anak. Dahil sa hiya sa kamag-anak at partido ng asawa, nangibang-bansa siya. Nagsisisi kung bakit nagawa niya iyon ngunit imbes na inayos ang buhay ay lalo lamang nagkagulo nang nakipagrelasyon sa mga lalaking pinerahan siya’t hindi na muli pang nagpakita. Sa tuwing naaalala niya ang mga anak ay umiiyak siya. Alam niyang dalaga na ang mga ito ngayon dahil labinlimang taon na siya sa Saudi. Nagbakasyon siya nang limang taon pa lamang siya sa Saudi ngunit dahil sa mga masasakit na sinabi ng asawa at ang hindi pagpayag na makita niya ang mga anak, tuluyan na niya munang isinantabi ang hangaring makita at makasama ang mga ito Sinusulatan niya ang mga anak. Umaasang napatawad na siya. Nakatanggap siya ng sulat mula sa kaniyang panganay na nagsasaad na siya ay hindi na tanggap pa ng pamilya dahil sa kahihiyang ginawa. Mabuti daw na dito na lamang siya sa Saudi mamalagi at huwag na niyang guluhin pa ang masaya nilang pamilya. Wala daw silang amang bakla at hindi daw siya maipagmamamalaki. Alam niyang wala na siyang kakampi pa dahil mismong mga kapatid niya ay hindi siya iniimikan nang nagbakasyon siya. Sa kabila lahat ng iyon, patuloy parin siyang nag-iipon para sa mga anak at kapatid. Kung kailan niya ibibigay iyon sa kanila, hindi niya alam basta ang sinisigurado niya ay kailangan niyang makapag-ipon ng sapat na ihandog sa kaniyang pamilya.
Si Raymond (46 taong gulang) na inuubos ang natitirang panahon sa pagtratrabaho. Nagkaroon siya ng lalaking karelasyon ng pitong taon. Lahat ng ipon sa mahigit sampung taon ay ipinagkatiwala niya sa joint account nilang dalawa dahil sa pangarap na magnenegosyo at magkaroon ng sariling bahay pag- uwi sa Pilipinas. Nang nagbakasyon ang lalaki ay nilimas lahat ang perang nasa joint account nila. Umuwi siya sa Pilipinas para hanapin ang lalaking nanloko sa kaniya ngunit hindi na niya ito nakita pa. Nabalitaan na lamang niyang nag-asawa ng iba at kung saan siya nakatira, iyon ang hindi niya alam. Tinipid niya ang sarili at halos hindi niya napadalhan ang mga magulang at kapatid dahil sa pangarap na iyon ngunit ang lahat ng pinagpaguran niya ng higit sampung taon ay naglaho kasama ng lalaking minahal at nanloko sa kaniya. Subalit alam niyang may naiiwan pang panahon para makabawi siya sa pamilya niya. Lahat ng puwedeng pagkakakitahan at lahat ng puwedeng tipirin ay tinitipid niya para may maipadala siyang sapat sa pamilya at may maipon para sa kaniyang pagtanda.

            Si Elmer (51 taong gulang) na tulad ko, hindi nadadala sa mga masasakit na karanasan sa mga lalaki. Lantaran na ang pamemera sa kaniya ngunit wala siyang pakialam basta mahal niya ang lalaki. Nagbigay ng Wedding Ring sa malapit nang ikasal na diyowa, nagreregalo ng mamahaling mga appliances sa kung sinong natikman lang ng ilang gabi. Matagal na ang tatlong buwang sa mga nakarelasyon na halos lahat ay nakatanggap ng mga biyaya mula sa matanda na naming lola (Lola ang tawag namin sa kaniya dahil siya ang pinakamatanda sa tropa). Kahit ganoon ang lola namin ay hindi niya kinaligtaang mapadalhan ang mga kapatid at hindi siya nagkulang sa pagsuporta sa mga nagsisipag-aral na mga pamangkin.
Si Dino (48 taong gulang) ang siyang hinangaan ko. Nabigo at naloko sa pag-ibig sa lalaki ngunit natutong bumangon at lumaban muli sa buhay. Sinaksak siya ng lalaking minahal, ninakaw lahat ang mga mamahalin niyang kasangkapan, alahas at pera. Pumunta sa Saudi at pinaaral lahat ang mga kapatid at pamangkin. Nakabili ng magarang bahay para sa mga magulang. May sapat na ipon sa bangko at ari-arian. Napaghandaan na niya ang pagpasok sa katandaan. Ang lahat ng pagmamahal ay ibinuhos na lamang niya sa pamilya at mga kaibigan.
Sa aming tropa, sina Jake (37 taong gulang) at Bhong (35 taong gulang) ang kinainggitan namin. Sampung taon ng magpartner ang dalawa. May sariling bahay na sila sa Pilipinas at mga naipundar na ari-arian. Sila ang nagpapatunay na may pagmamahalan at relasyon na totoo at tumatagal sa mga katulad namin. Nakitaan ko sila ng respeto, katapatan, wagas na pagmamahalan at pagtitiwala. Sa bawat kilos at pananalita nila ay hindi maitatago kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Hindi sila nagkukulang sa pagsuporta sa kani-kanilang mga pamilya. May bahagdan ang mapunta sa pamilya at ang maiwan para sa ipon at kabuhayan nila. Nagkakasundo sila kahit anong bagay.
Sa ngayon, ako si Joe, (27 taong gulang) HIV positive. Tatlong buwan ko nang nalaman ang resulta ng test na iyon. Ilang gabing iniyakan ko at inilihim sa aking mga kaibigan at pamilya ang tungkol dito. Nalaman ng kompanya namin at natakot ako na baka ako ay pauwiin subalit dahil sa magandang record ko sa pagtratrabaho at dahil na rin sa nakikita nilang dedikasyon ko sa aking ginagawa, pinapahintulutan akong magtrabaho sa kompanya hanggang hindi pa ako tuluyang magkaroon ng AIDS. Sa madaling salita, pwede muna akong magtrabaho hanggang kaya ko pa.
Sa mga panahong nasa hospital ako para sa aking cocktail theraphy, doon ko napagnilayan ang aking pinagdaanan. Ilan kaya ang katulad ko ang nasa mundo ngayon na imbes na tulungan ng mga kamag-anak ang alanganin na akayin sa tamang landas o kaya ay suportahan ng sinumang kapamilya ay lalo pang idididin o gagamitin sa makamundo nilang pagnanasa?
Kung noon ay hindi ko naintindihan ang tatang ko sa kalupitan sa amin at ang paglalasing tuwing hapon, ngayon ay tanggap ko na. Sa katulad niyang hindi marunong bumasa at sumulat, ang itaguyod kaming magkakapatid sa aming pag-aaral at patapusin ay isang malaking utang na loob sa kaniya. Siya na hindi nakapag-aral na may determinasyong mabigyan kami ng magandang kinabukasan ay katotohanang hindi ko mapagtalikuran.
Ang pananakit sa akin ng aking nanang nang ako’y nagnakaw ay nararapat lamang dahil walang nanang ang magkagusto na ang anak ay magiging isang magnanakaw paglaki. Sa kahit anupaman, hindi sapat na dahilan ang kahirapan at ang pagtulong sa mga nangangailangan ang pagnanakaw. Naiiintindihan ko na ang nanang ko nang pinipilit niya akong pumunta sa bukid para maramdaman ko ang hirap na kanilang pinagdadaanan mabuhay lang kami. Dahil sa ipinatikim niyang kahirapang iyon, lalo kong pinag-igihan ang pag-aaral para hindi ako matulad sa kanila. Ang halos alipinin ako sa bahay noon sa pag-aalaga sa aking kapatid ay katotohanang kaakibat ng pagdarahop. Kahirapan ang dahilan kung bakit sa murang edad ko ay halos alila ako sa loob ng sarili naming tahanan.
Ang ginawa kong panliligaw sa babae para patunayan na ako’y isang tunay na lalaki ay hindi rin tama. Ang paggamit sa iba upang mapagtakpan ang pagkatao ay nangangahulugan ng pagkaduwag. Tao ang ginagamit at tulad natin, sila ay may damdamin ding masaktan. Ang katotohanan lalo na sa pagkatao ay hindi kailanman maitatago. Kung nakayang itago ngayon, bukas makalawa mangangamoy din ang tunay na ikaw. Pinapatagal lamang ng pagbabalatkayo ang proseso ng pagiging totoo, ikinukulong lang tayo sa sana ay malayang pakikisalamuha sa kapwa at magdadala lang ito ng hindi magandang pakikitungo sa mga taong nagamit.
Hindi sana nasira ang propesyon ko bilang tinitingalang instructor kung sumunod lamang ako sa patakaran na bawal makipagrelasyon sa istudiyante. Kung hindi ko hinayaang talunin ng aking emosyon ang aking utak, sana ay hindi ko inaway ang nobya ni Mark na siyang naging dahilan ng pagkabuwag ng kastilyong iningatan ko. Tayo ang may hawak sa ating emosyon. Likas sa atin ang magalit at magselos pero nasa kung paano natin ito kontrolin dahil tayo parin ang magiging responsable sa kung paano natin isiniwalat ang emosyong nararamdaman. Masakit mang tanggapin ngunit kung sino pa minsan ang biktima ng selos at galit ay sila pa lalo ang napapasama dahil sa maling pagsambulat sa nararamdaman.
Ang paggamit ko sa kapwa ko alanganin para lamang magkapera at ibigay sa karelasyon ko ay may malaking karma sa akin. Mas malaki ang sipa sa akin ng karmang iyon. Masakit mang alaala sa akin ang nangyari sa amin ni Bryan ngunit isa din iyon sa may malaking kontribusyon sa aking pagkatao. Marami akong naranasan sa piling niya na hindi ko kaagad nakakitahan ng kahalagahan.Hindi dapat gumamit ng ibang tao para sa pansariling interes. Laging nakamatyag sa atin ang mata ng karma at bigla itong aatake sa panahong tagilid ka na sa sitwasyon.
Ang paghihiganti sa ngalan ng pag-ibig ay hindi kailanman magtatagumpay. Ang ginawa ng ibang tao sa iyo ay hindi nararapat iparamdam sa iba. Ang motibo ng nanakit sa iyo sa nakaraan ay hindi katulad ng motibo ng bagong dating. Ang masakit na nangyari sa akin ay ako na naghihiganti ang nagiging biktima parin sa huli. Si Kit ay ang lalaking nagpaunawa sa akin sa katotohanang ito. Manalig lamang na ang maling ginawa ng iba ay hayaang pagkakataon ang maningil sa kaniya. Lahat ng ginawa ay may kaakibat na kabayaran.
Marami sa mundo ang katulad ni Jomel. Lahat ng pagkukunwari, pagsisinungaling at pandradrama ay kayang gawin para lamang makapanloko at makagamit ng iba. Sa mga katulad nila nina Mark at Bryan na gumamit sa akin at pinaikot ako dahil alam nilang mahal ko sila, nagpapasalamat ako dahil tinuruan nila akong mag-ingat. Lagi nilang ipinaaalala sa akin na kaya ng sinuman ang magbalatkayo, ang magsabing mahal ka kahit hindi, ang halikan ka at yakapin, ang pakikipagniig at ang lumuha dahil sa kinang ng salapi. Hindi ako galit sa kanila dahil alam kong biktima din lang sila ng kahirapan. Pagpapatawad ang kailangan kong iwan sa kanila.
Sa ngayon, hindi na ako nasasaktan pang tawaging bakla dahil iyon naman talaga ang totoo. Masakit lang naman tanggapin ang katotohanan kung pilit itong tinatakasan. Sa katulad namin nina Romy, Raymond, Elmer, Jake, Bhong, Elmer at Dino ay may magkakaibang mga pinagdaanang kuwentong pag-ibig ngunit iisa ang aming kahinaan at iisa ang nagpagapi sa amin sa pag-unlad - lalaki. Iisa ang dahilan ng patuloy na pakikipaglaban sa buhay. Iisa din ang dahilan ngayon ng aming pagpupursigeng umahon at ipagpatuloy ang masalimuot na pamumuhay, ang patuloy na ihandog ang buhay at pagmamahal sa pamilya.
Sa nalalabi pang panahon ng aking buhay, determinado akong ihandog iyon sa aking pamilya. Hindi ko alam kung ilang taon pa ang itatagal ko sa mundo o kung ilang taon pa na may lakas ako bago ako igupo ng tuluyan ang sakit kong AIDS pero lahat ng panahon, maiksi pa man o mahaba, lahat ay iaalay ko sa aking pamilya. Mauuna man akong mamatay sa aking mga magulang ay naihabol ko ring ipatikim sa kanila ang buhay na hindi nila natamasa. Wala akong balak sabihin sa kanila ang tunay kong karamdaman sa ngayon dahil ayaw kong mabahiran ng pagkalungkot at pag-aalala ang handog ko sa kanilang karangyaan sa buhay.
Sa lahat ng lalaking minahal ko, nagpapasalamat ako dahil ipinaramdam nila sa akin ang pagdating at paglisan, ang tumawa at umiyak at ang magmahal at masaktan. May paraan ang Diyos kung paano niya gisingin ang isang tao sa mali nitong nakahiligan. Binigyan niya ako ng ilang pagsubok at aral sa buhay ngunit hindi ko iyon napansin. Hindi ako natuto sa mga ibinigay niyang pasakit. Ang pagkakaroon ko ng walang lunas na sakit ang inihandog sa akin upang lalo kong maintindihan ang tunay na misyon ko sa buhay. Alam kong darating ang araw na igugupo ako ng sakit at tuluyang ibabalik ang hiram kong buhay ngunit buo ang loob kong tanggapin iyon lalo pa’t alam kong nariyan ang pamilya kong handang magmahal sa akin sa panahong hindi ko na kaya pang magtrabaho. Ang mga lalaking pinagkagastusan ko noon ng libu- libo at minahal ko ng husto ay parang bulang naglaho ngunit alam kong sa kahit kaunting paraan ay nakatulong ako sa kanila at naging bahagi ng kanilang nakaraan.
Ito ang kuwento ko. Ang kuwento ng ilan sa amin. Ito ang buhay ng katulad naming alanganin. Bakla man kami o kaya ay salot man kami kung ituring ng lipunan, may misyon din kami sa mundo na hindi lahat ng straight ay kayang gampanan.

wakas.

FOLLOW HIM ON :
Facebook of the Author:
https://www.facebook.com/joemar.ancheta

Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: ALANGANIN LAST PART
ALANGANIN LAST PART
kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjZKss43RNNd4vFM0W1aeKnV_AXwlHel9S8Cv72bskKt8kzaTcEn8NQNeWsBXyLkAzDcJO1qTa7ES3DhH5dj7gLo0YuCzt7biNcYj1LqxueMKCQmW3FEARhHwAgxus3eHQgA14-pujvIVI/s400/386605_521339311230468_758738540_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjZKss43RNNd4vFM0W1aeKnV_AXwlHel9S8Cv72bskKt8kzaTcEn8NQNeWsBXyLkAzDcJO1qTa7ES3DhH5dj7gLo0YuCzt7biNcYj1LqxueMKCQmW3FEARhHwAgxus3eHQgA14-pujvIVI/s72-c/386605_521339311230468_758738540_n.jpg
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/alanganin-last-part.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/alanganin-last-part.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content