Powered by Blogger.

Search This Blog

Blog Archive

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

COACH NG BUHAY KO BOOK 1 Chapter 13

kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,


by Noypi Boyz
   
         
July 5  unang araw namin iyon magkakalase sa OJT excited ang kami, pareho maaga kami dumating ni Arvin sa GMA 7 dahil isang sakay lang ito mula sa bahay mga 20-30 minutes lang ang bayahe. Naikwento narin namin sa barkada na magkasama kami sa bahay ng Kuya Mike ko nakatira, natuwa naman sila, kahit papaano di malayo ang byahe. Alam ko naman na walang alam ang dalawa tungkol sa amin ni Arvin, pero si MJ ay napangiti na parang may ibig ipakahulugan, pero di ko nalang pinansin.
Orientation muna ang first day namin sa magiging duty, dahil magkakaiba kami ng department, may mga kasabay din kaming ibang sikat na School tulad ng UST, Adamson, Ateneo at Lasalle, New Era University, dumaan pa nga daw sila ng exam bago makapasok, kaya nag uo narin ako na mahirap nga ang exam, kahit di naman akmi dumaan sa ganun dahil malaks ang kapit ng Tito ni Morris.
The next day ay hindi kami magkakasama kanya-kanya kami ng Department na assign, pero mababait din naman ang mga kasama ko at hindi naman mayayabang kahit glling sa sikat na university at may mga kotse pa itong dala. Lunch break lang kami magkaksama mag-kakaibigan. At tuwing matapos ang duty namin ay kwentuhan kami sa bawat ginawa namin habang nasa byahe papasok sa School.
Ganun ang daily  routine naming magkakaibigan, at tuwing sabado ay review naman ang aatupagin, kaya talagang focus kami at walang time sa galaan.
Araw ng linggo naisipan kong umuwi sa Fairview at ganun din si Arvin sa Antipolo, tapos na kaming nakapaglaba ng damit at uniform at kanya-kanya na kaming alis. Dumaan pa ako sa Hospital kng saan naka duty si Jenny para sabay na kaming umuwi, na miss ko rin talaga siya, ngunit sa halip na deritso uwi ay dumaan muna kami ng hotel at pinagsaluhan ang init ng pananabik sa isat-isa. Hapon na kami ng makarating sa bahay namin, hindi naman nagtaka sila nanay kung bakit kasama ko si Jenny, sa bahay narin siya naghapunan at hinatid ko nalang sa kanila bandang 8 ng gabi dahil alam kong pagod din siya sa duty.
Nakalimutan kong magdala ng uniform kaya napilitan akong umuwi sa bahay ni Kuya Mike, ayaw sanang pumayag nila Tatay  dahil gabi na,ngunit nagpupumilit ako na maaaga ang duty ko bukas kaya nagpatawag nalang ng taxi para makauwi ako ng ligtas.
“Nak, tawag ka kapag nasa bahay kana ha? “si nanay na may halong pag alala sa boses.
“Opo nay!, pagkadating ko tatawag agad ako sa inyo”

Naging mabilis din ang uwi ko sa bahay, wala nmn ng trapik masyado at sa short cut dumaan si manong dahil na kontrata nman ang taxi niya.
Tinawagan ko si Nanay sa landline at ipinaalam na ligtas akong nakarating para mapanatag naman.
            Nag shower muna ako at para ma preskuhan, hinubad ko muna ang sing-sing, at kwentas at ipinatong sa may salamin sa loon ng CR.
Matapos noon ay naisipan ko nalang plantsahin ang uniform namin ni Arvin, habang nanood ng TV,
            Maaga parin akong nagising kinabukasan dahil sa lamig ng ulan kagabi.
Nag shower muna at cereals lang nag almusal ko, mamaya nalang doon pagdating sa GMA ako mag coffee. Kapag ginutom ako..

Late na dumating si Arvin dahil naipit pala siya sa traffic, at medyo masama ang pakiramdam nito, kaya nagpaalam nalang sa supervisor namin na umuwi ng maaga para makapag pahinga.
            Mabuti nalang at walang quiz at na approved naman ang excuse letter niya sa Prof. namin. Tinatawagan ko ang mobile niya pero di sumasagot kahit sa mga text, kaya nag-alala din ako, gusto sanang sumama ni MJ sa bahay pero di na ako pumayag dahil alam kong pagod narin ang mga ito.
            Nag taxi na ako pauwi dahil sa pag-alala ko baka anu na nagyari sa kanya, sobra ang pag-alala ko baka anu na nagyari sa kaibigan ko.
Pagdating sa bahay agad kong tinungo ang kwarto, nakita ko siya sa isang sulok naka upo,
“Tol, kmusta kana? Bakit di mo sinasagot tawag at text ko? alam mo ba nag-aalala ako sayo”? pero hindi siya sumagot, di ko rin maaninag ang mukha niya dahil naka pataya ang ilaw.
“May problema ba ha? Tol? May masakit ba sayo? Gusto mo dalhin kita sa Hospital?”
Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
“Anu ba, kausapin mo ako? “ medyo napataasna ang boses ko dahil na we-wirduhan na ako sa kanya, baka kasi ginu good-time nanaman ako ni mokong.
Biglang siyang tumayo, papalapit sa akin sabay abot sa akin ng kwentas at sing-sing.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sandaling iyon. Di ako nakapag salita, parang may kung nung bumara sa lalamunan ko.
Nakita ko ang mata ni Arvin, namumugto sa pag-iyak. Sobrang lungkot ng mga mata niya. At nagsalita narin saw akas.
“Kailan pa ito Mac?”
“To-tol.. sorry let me explain, please makinig ka muna”
“Wala ng dapat pakingggan pa, sapat na ang nakita ko, ang sakit sakit Mac, alam mo ba yun? “pasigaw niyang sabi sa akin,
Hinayaan ko nalang siyang magsalita, para kahit papaano ay mabawasan sakit na naramdaman niya.
“Please let me explain tol, kung bakit di ko agad sinabi sayo, ginawa ko ito dahil mahal kita bilang kaibigan, at kapatid, ayoko masira ang pag-aaral mo, balak ko naman sabihin sayo sa araw ng graduation natin.” Naiiyak narin ako sa sandaling iyon.
“At utang na loob ko pa pala sayo ngayon ito? Di mo ba alam mac, na para mo narin akong sinaksak?, sobrang sakit, alam mo kung gaano kita kamahal, bakit ba laging nalang akong nasasaktan, lahat ng mahal ko sa buhay nawawala sa akin,” humahagul-gol na siya sa pag-iyak,
“So-sorry tol, di ko sinasadya, naguguluhan ako, sa mga nangyayari, sana patawarin mo ako,” gusto ko siyang yakapin pero umiwas siya at pumunta sa kwarto at nagligpit ng mga gamit niya. Hindi ko na siya pinigilan pa dahil alam kong  mas makakabuti iyon,
9 PM umalis si Arvin sa bahay, di parin ako makapniwala sa mga nangyari, tinawagan ko si nanay para may makausap ako, at pinayuhan ako na dadalawin bukas at ng mapag-usapan ang mga nangyari.
            Dahil narin siguro sa tindi ng pagod, ay nakatulog ako kahit walang hapunan,tumawag ako sa ninang ni Arvin at sinabi ang nangyari, pinaliwanag ko lahat, nasa kwarto daw ito at di lumabas buhat ng dumating. Naka patay ang mobile niya.
Hindi siya pumasok kinabukasan, kaya iniisip nalang ng mga kumag na may sakit parin si Arvin, nahalata naman ni MJ ang mugto kong mata at eye bag, kaya naikwento ko narin lahat ng nangyari sa kanya.
MJ: wag kang mag-alala Mac maayos din ang lahat, palamigin lang muna natin ang sitasyon,
Mac: sana nga tol, kasi ayoko masira ang pag-aaral niya dahil lang doon,
MJ: Basta we hope nalang for the best, try ko din siyang kausapin, para mag kayos na kayo ha?
Mac: salamat pareng MJ.
             Noong panaglawang araw ay hindi siya pumasok sa OJT pero nagkita kami sa School, bahagya naman akong natuwa kahit papaano di niya pinabayaan ang pag-aaral niya, ayos lang na hindi niya ako kibuin, napag alalaman ko kay MJ na lumipat pala siya sa PLDT na mag OJT, medyo nalungkot ako sa aking nalaman, pero ito siguro ang kabayaran sa mga ginawa ko sa kanya.
            Hindi narin siya sumasama sa amin, kahit sa library, napansin naman yun ng dalawa pero pinili ko nalang na manahimik din, sinabi ko lang na may tampuhang kaunti. At hindi naman sila nag-usisa pa.
Natapos na ang OJT at ang In-house review, naging maayos parin naman ang takbo ng pag-aaral namin, nag e-excel parin si Arvin sa klase na ikinatuwa ko naman ng palihim, although minsan nagtatagpo ang aming paningin naroon parin ang lungkot sa mata niya. May babae din siyang pinopormahan at hinahatid pauwi, aaminin  ko parang nasasaktan ako kapag nakikita ko silang dalawa na magkasama, Architecture ang kurso ng babae at bagay na bagay talaga sila,.  Bihira narin kaming nagkita ni Jenny dahil narin sa schedule niya.
            Semestral break, noon kuhaan ng class card at enrollment narin, nakita ko si Arvin na kamasa nila MJ kaya ako nalang ang umiwas sa kanila, matapos akong mag enroll ay agad na umuwi. Dinalaw ko nalang si jenny sa Hospital na pinag duty-han nito.
Napansin niya rin ang mga lungkot sa mata ko, noong pauwi na kami, kaya naikwento ko na sa kanya ang pangyayari, malibana lang sa tungkol sa aming lihim na pag-ibig ni Arvin.
“Hayaan mo Hon. Kakausapin ko si Arvin these days para maipaliwanag sa kanya, ayoko na magkagalit kayong mag bestfriends, pag nakikita kitang mlungkot, malungkot din ako, paliwanag nito. Ramdam ko ang sinsiridad sa boses niya kaya niyakap ko nalang ito ng mahigpit at nagpasalamat sa pag-unawa sa akin.”
“Ang swerte ko talaga sayo Jen.” Yun lang ang katagang binitiwan ko.

            5th year second semester, mas naging busy pa ang schedule namin dahil sa gagawin thesis, sa documentation palang madugo na ang labanan, at kailanagan may prototype  kaming  gagawin based doon sa thesis at ang nakaka kaba ay ang defense ng Thesis.
Tulad ng inaasahan humiwalay si Arvin sa grupo namin, hindi parin niya ako pinapansin, kahit minsan kinakusap ko siya pero bigla nalang itong umaalis, masakit yun para sa akin, pero tinanggap ko nalang bilang kaparusahan sa kasalanan ko sa kanya.
            Hindi ko narin napansin ang babaeng lagi niyang kasama, madalas nalang siyang mag-isa, pati hitsura napabayaan na ni mokong. Ang haba nan g buhok nito na laging naka sombrero, at madalas narin siyang lumiliban sa klase, nag-alala na ako sa kanya, kaya kinausap ko ulit ang Ninang niya na payuhan na wag  naman pabayaan ang pag-aaral niya. Lalong lumala pa ito noong nabalitaan ko na sumali pala ito sa fraternity, biglang bumagsak ang katawan niya, at minsan nakasalubong ko may pasa siya sa mukha, alam ko dahil sa rambol sa fraternity daw iyon, kwento sa akin ni MJ.
            Kahit ako ay medyo napabayaan din ang pag-aaral, may mga gabi na hindi ako nakakatulog sa kakaisip, dahil ako ang may kasalanana ng lahat, mabuti nalang at nariyan parin sila nanay at tatay sumusuporta sa akin at si Jenny lagi akong dinadamayan, pero parang gusto ko narin mag give-up, na wag ng ituloy ang kasal namin, siguro naman maiintindihan niya ako, sana lang, kaya buo na ang desisyon ko na kausapin si Jenny sa susunod na linggo.
            Pagsundo ko sa kanya ay niyaya ko siyang kumain sa isang restaurant, para doon ko ipagtapat sa kanaya ang pag back-out ko sa kasal namin habang maaga pa, alam kong hindi madali ang gagawin ko, wala akong makitang mali kay Jenny, ang tanging alam ko lang ay minahal niya akong tapat, napansin kong medyo namumutala siya at parang nag-iba ang hitsura,  dala marahil ng laging puyat sa duty niya..
            Matapos makahanap ng pwesto ay agad na nag-order,. “Bakit nga pala tayo nandito? “usisa ni Jenny.
“Ah, eh ka-kasi hon, may importante akong saabihin sayo”
“ ganun ba? Hmmm ako din sana may sasabihin din sayong importante,”
Nagulat ako sa sinabi niya, pero hindi ko nalang pinansin dahil dumating na ang order naming pagkain, habang nasa kalagitnaan ng aming pagkain, muli niyang binuksan ang usapan.
“Hon. Anu nga pala yung sasabihin mo sa akin, alam ko mahalaga yan at dito mo pa ako dinala?”
Halos walang boses na lumabas sa bibig ko, di ko alam kong paano sisimulan ang pag amin sa kanya.
“Ha? Ah, diba may sasabihin ka rin saakin kanina? Sige ikaw muna mauna, ladys first. Palusot ko habang abot-abot ang kaba sa dib-dib.
Hinawakan niya ang kamay ko sabay sabi” magiging daddy kana Mac, Im 1 month pregnant, last week ko lang na confirm, alam na nila mommy at daddy kaya tuwang-tuwa sila.”
Napaubo ako sa aking narinig, parang nag e-echo sa tainga ko ang mga salita ni Jenny,” hindi ko nalaman ang reaction ko sa oras na iyon, magkahalo. Kaya naman tumayo ako at nikayap siya sabay halik, uo masaya ako dahil magiging tatay na ako, aang kabilang bahagi ng  isip ko ay malungkot para sa kaibigan ko.
“oh, ayan nasabi ko na ha? Dapat surprise yun eh after 2 months pag halata na tiyan ko, kaso narito na eh,” wika ni Jenny.
“Ikaw naman, anu ba yung sasabihin mo?”
Biglang naglaho ang lahat ng mga salitang nais kong sabihin sa kanya, kaya nag-alibi nalang ako.
“Ah kc si bestfriend Arvin, galit parin sa akin, yun di ako kinikibo, nag-alala lang ako hon, kasi di na siya pumapasok sa School.”
“Ah ganun ba? Kawawa naman si Arvin, hayaan mo hon. Gagawa ako ng paraan para magkaayos na kayo ha? Pag may time ako, kakausapin ko siya..last time hindi ko nagawa yun pero nagyon sure na tututlungan na kita, kasi naawa narin ako sayo.
“Wag na muna siguro hon. Pabayaan nalang muna natin siya, baka sa kasal natin okay narin yan si Mokong, tampurorot lang talaga yun.”
“Oh sige, pero parang apektado karin eh, kaya sige na pumayag kana na kausapin siya okay?”
“Okay sige ikaw bahala.”
            Natuwa din sila Nanay at tatay noong malamang buntis si Jenny, naawa ako sa kanya dahil naglilihi siya pero wala ako sa tabi niya umaalalay dahil busy kaming pareho sa pag-aaral, wala na siyang duty sa gabi dahil naki-usap ang mommy niya sa C.I nila at ipinaalam ang tunay na kalagayan nito, at naunawaan naman ng huli.
            Lumipas ang mga buwan habang papalapit na ang finals at defense sa thesis namin, lalong lumala ang pagliban ni Arvin sa klase, pati sarili napapabayaan na talaga, malayong-malayo na sa dating Arvin na kilala ko.
Pero pumapasa parin naman si mokong sa mga exams at quizzes kahit laging wala, likas nga kasing matalino ito., minsan tumitig siya sa aking ng napakasakit, parang sinusumbat niya sa akin na dahil sa iyo Mac kaya ako nagkakaganito, umiwas lang ako sa mga titig na iyon, pero sa  kalooban ko, ay hirap na hirap narin ako.
            Dumating ang defense at salamat naman at nailusot naming magkakagrupo, para kaming dumaan sa butas ng karayom at inulan ng tanong mula sa panel of judges mula sa ibat-ibang Universities. Pero may mga hindi rin pinalad at di talaga nakalusot.
            Tapos na ang finals week at kampante kami na lulusot kami at makaksama sa graduation next month.
Nagyaya ang mga classmates ko na mag celebrate daw kami  sa  Padis, nakai join nman ako para hindi KJ sa kanila, halos lahat kami ay naroon mag kakaklase  parang si Arvin lang ang wala at maaga itong umalis kanina at nagmamadali pa.
            Hindi ko narin naman inaasahan na sasama siya sa grupo dahil alam niyang kasama ako.
Kahit nagkakasayahan ang mga classmates ko, pero naiisip ko din si Arvin, sana kasama namin siya ngayon, sana masaya din siya ngayon..
Around 9 PM nag riring ang cellphone ko, si Nanay tumatawag kaya lumabas muna ako ng bar para walang ingay.
Mac: Nay napatawag po kayo?
Nanay: Anak may Emergengy, si Jenny nasa Hospital.
Parang namanhid lahat ng katawan ko sa narinig ko kay nanay, matapos kong malaman ang hospital na pinag dalhan sa kanya ay nag paalam ako sa grupo, sinamahan naman ako ni MJ dahil kung mapaano daw ako.
Mabuti nalang at may sasakyang dala ang isa naming kaklase at nag presenta na ihatid na ako, halos paliparin narin nito ang kotse makarating lang sa Hospital.
Agad akong sumugod may emergency room, nadatnan ko roon ang mommy at daddy ni Jenny, si Nanay at Tatay, bakas sa mukha nito ang matinding pag-alala. Ngunit laking gulat ko ng Makita si Arvin sa isang sulok, puno ng dugo ang damit na suot, pero wala ang atensyon ko para magtanong sa kanya kung bakit siya naroon, pinilit kong pumasok sa ER pero hindi ako pinayagan ng Doctor. Nakakaawa ang kalagayan ni Jenny ang daming instrumento ang     nakasak-sak sa katawan niya, ang mommy ni Jenny at si nanay at walang patid ang pahid ng luha, Si MJ naman ay pinabalik ko nalang kasama ng klasmate namin na naghatid sa akin sa hospital,
Lumbas ang Doctor at kailanagan mailipat si Jenny sa OR para maalis ang fetus sa tiyan niya, doon na bumigay ang mga mata ko, at tuluyan akong nalugmok sa sahig, nawala na ang baby namin ni Jenny, pero ang mahalaga sa ngayon ay makaligtas siya.
            Tinungo ko ang Chapel ng Hospital at hiniling sa Kanya na iligtas si Jenny sa bingit ng kamatayan, ayokong mawala siya sa akin, di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa  loob ng Chapel, nagising ako sa tapik ni Tatay at sinabing nasa recovery room na si Jenny, biglang nagliwanag ang  mukha ko sa narinig, ngunit napalitan din agad ng lungkot ng maka-usap ko ang Doctor,
“As of now, Mr. hindi pa stable ang lagay ng pasyente, kapag nalagpasan niya nag 5 hours na darating ay malaki ang chance niya, pero kung hindi, ikinalulungkot ko, pero ginawa na po naming ang lahat ng makakaya,”
“Pwede kop o ba siyang makita Doc.?”
“Uo pwede pero kailanagan mo mag suot ng lab gown dahil maselan ang kalagayan ng payente.
“Kakalabas lang din ng mommy at daddy ni Jenny mula sa recovery room, tulog parin daw ito, walang patid naman ang luha sa mata ng mommy ni Jenny, ramdam ko ang sakit na dinaranas nila para sa anka nila,
“Mom,Dad mas makabubuti po na magpahinga muna kayo baka magkasakit kayo niyan, hindi ko rin nakumbinsi ang dalawa, pati si Nanay at Tatay ay nanatili  din sa Hospital, uuwi lang daw sila kapag nalaman nilang stable na ang lagay ni Jenny.
            Naikwento sa akin ng Mommy ni Jenny ang tunay na nangyari, kung bakit siya naaksidente, kung bakit naroon si Arvin sa Hospital, “ 5 PM kanina Hijo nagpaaalam sa akin si Jenny may pupuntahan daw na kaibigan, ayoko nga sanang pumayag dahil sa kalagayan niya pero nagpupumilit ito, kaya pianyagan ko narin. Ang panimula ng Mommy ni Jenny.
Ang hindi ko alam ay si Arvin pala ang kaibigan na  binabanggit niya, nais kasi ni Jenny na kausapin itong si Arvin dahil nagkasaman daw kayo ng loob ng kaibigan mo at gusto niyang magkabati kayo, kaya nag set siya ng date para kausapin si Arvin, noong pauwi na sila at patawid sa kabilang kalsada kung saan naroon ang kotse ay may biglang rumagasang truck na out of control, dahil nawalan ng preno, dapat si Arvin ang  masasagasaan ngunit tinulak siya ni Jenny palayo at siya ang nasapol ng truck, “ iyon anak ang paliwanag ni Arvin sa amin kanina.”
Parang nag-init naman ang tainga ko sa narinig, kaya agad kong hinanap si Arvin, gusto kong sapakin siya, galit nag alit ako sa kanya. Nakita ko naman siyang nakaupo nalapit sa kinaroroonan nila Tatay, di niya ako napansin na lumapit kaya laging gulat niya ng bigla ko siyang sapakin sa mukha.
“Gago ka, dapat ikaw nalang ang nasagasaan, dahil kasalanan mo lahat ng ito, pinatay mo ang anak ko,”
Hindi siya maka imik habang sapo ang labi na duguan, agad naman umawat sila Tatay at Addy ni Jenny,
“Kung may mangyaring masama kay Jenny, isinusumpa ko, tapos narin pagkakaibigan natin, kaya lumayo kana sa paningin ko bago may magawa pa akong masama sayo”
Halos umalingaw-ngaw ang boses ko sa lobby ng Hospital,.
Bakit ba nangyari ang lahat ng ito, Diyos ko, dalawang linggo nalang kasala na namin ni Jenny, sana bangungot lang ang lahat ng ito, at sapag gising ko ay kabaliktaran lahat ng nangyayaring ito.
            Pumasok ako sa silid ni Jenny para kumustahin ang kalagayan nito, dalawang oras na ang nakalipas buhat ng nailipat siya sa recovery pero di parin siya nagkakamalay. Labis ang pag-alala ko, baka hindi niya malagpasan ang 5 oras na tanging ng Doctor.
Hinawakan ko siya sa kamay ng mahigpit, awing-awa ako sa kalagayan niya ang daming apparatus na nakasaksak a katawan niya. Ng biglang naramdaman ko ang pag galaw  ng mga kamay niya.
Lalabas na sana ako ng silid upang tawagin ang doctor, ngunit humigpit ang kapit niya sa kamay ko, unti-unti siyang nagmulat ng mga mata niya, laking tuwa ko naman sa aking nakita, naging panatag na ang loob ko kahit paano,
“ho-hon”, mahinang bigkas niya.
“shhh, wag ka muna magsalita ha? Makakasama yan sayo, magpahinga ka muna, tatawagin ko lang sila mommy para Makita ka, okay?”
Pero di parin siya tumigil at pinipilit na magsalita, kaya pinabayaan ko nalang
“hooonnn… kumusta ang baby natin?”
“di ako makakibo sa oras na iyon, at ang pananahimik ko ay alam na niya ang kasagutan, kaya naman napaluha siya, niykap ko naman at inalo para tumigil na.
“ayos lang yun hon.. basta ang mahalaga nagyon magpagaling ka ha? Gagawa nalang ulit tayo isang dosena pa, pilit kung biro sa kanaya.”
Hinawakan niya ulit ang kamay ko ng mahigpit.
“hon, mangako ka sa akin, pleaseeee? Alam ko di na ako magtatagal pa.
“Jenny di magandang biro yan, itigil mo yan”
“Maccc, walang kasalanana si Arvin, aksidente ang lahat ng nangyari, “
Parang hinahabol na niya ang paghinga kaya pil;it ko siyang pinapatigil sa pagsasalita”
Tama nah on, saka mo na ikwento paglabas mo ditto sa Hospital ha?
“basta mangako ka muna sa akin.
Nakukulitan narin ako kaya sinunod ko ang pinapagawa niya.
“okay, okay sige nangangako na ako, tutuparin ko kung anu man yang gusto mo basta magpagaling kalang ha?”
“hoonnnn…. Pagnawala na ako, sana hanapin mo si Arvin, mahal na mahal ka ni Arvin…. Habol na nag paghinga..
“opo! Sige na hahanapin ko siya” please stop it Jenny  im freaking. Please lumaban ka, kailangan kita, mahal kita. Ngunit sa halip na sumagot isang ngiti lang ang ginanti niya sa akin, at unti-unting lumuwag ang kapit niya sa mga kamay ko, hinahabol na niya ang kanyang paghinga kaya tinawag ko na ang nurse at doctor, pati mommy niya ay napasugod narin sa loob.
            Naawa ako sa kalagayan niya, habang sinasalba siya ng doctor, para akong nauupos sa tuwing binigyan siya ng shock para na revive ang heartbeat niya, alam ko kung gaano kasakit iyon,  ngunit lumalaban siya, at sa ikaapat na pagkakataon ay tuluyan ng bumitaw ang puso niya.
Time of death 3:20AM ang salitang binitiwan ng Doctor, para akong nabingi sa narinig ko, kaya agad kong nilisan ang silid at nagtatakbo palabas ng Hospital, agad naman akong sinundan ni nanay at tatay, ayokong makita ang kalagayan na iyon ni Jenny. Sobrang sakit ang naramdaman ko, hindi ko maipaliwanag.
Bakit siya pa, ang nawala?
Hawak-hawak naman ako ng dalawang matanda dahil gusto ko narin tumawid sa kalye at magpasagasa sa mga sasakyan. Dalawang mahal ko ang sabay na binawi sa akin.. Parusa ba ito sa akin?  Pag gising ko ay nasa aking silid ako sa bahay namin sa Fairview, tinurukan pala ako ng gamot na pampakalma at pampatulog kaya tanghali na ako nagising.
            Pag baba ko ng hagdan naroon ang dalawang matanda, hindi parin ako makapaniwala wala na si Jenny, tumulo nalang bigla ang mga luha ko kaya naman lumapit na si nanay para yakapin ako at papanatagin, ganun din ang ginawa ni Tatay. Blanko ang laman ng isip ko sa mga panahong iyon, para akong nakalutang, pinilit akong pakainin ni nanay ng almusal at naligo narin dahil pupunta kami sa burol ni Jenny.
Pinilit ko din ang sarili kong magpakatatag para sa mommy ni Jenny at Daddy niya na lubhang apektado sa pagkawala ng kanilang anak. Sumuko naman agad ang truck ng driver na nakabangga kay Jenny.

I T U T U L O Y...

Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: COACH NG BUHAY KO BOOK 1 Chapter 13
COACH NG BUHAY KO BOOK 1 Chapter 13
kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEinuEKeS0PeknIoOx6FP7ka-r3Yjbk-C105e9diTArEd_Si-8bQ5xcoEnUl4qofj4F4bRDHAdzFUryDZB5vgbq6XVS9fovMjJuA8JuYG87We3_AZQK8zNsF2QC9prF3N9qD3GwZtQMA6Hc/s1600/1978754_369677709836863_187697014_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEinuEKeS0PeknIoOx6FP7ka-r3Yjbk-C105e9diTArEd_Si-8bQ5xcoEnUl4qofj4F4bRDHAdzFUryDZB5vgbq6XVS9fovMjJuA8JuYG87We3_AZQK8zNsF2QC9prF3N9qD3GwZtQMA6Hc/s72-c/1978754_369677709836863_187697014_n.jpg
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/coach-ng-buhay-ko-book-1-chapter-13.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/coach-ng-buhay-ko-book-1-chapter-13.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content