Powered by Blogger.

Search This Blog

Blog Archive

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

ALANGANIN PART 1

kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,



by: Joemar Ancheta

Isa sa pinakamahirap gawin ay ang pagsisiwalat sa buong mundo ang katotohanan sa likod ng pilit itinatagong pagkasino sa mahabang panahon. Nais kong ilahad at sariwain ang mga alala ng nakaraan na siyang nagpatatag sa akin upang lalo kong maintindihan na ang buhay ng tulad ko ay masalimuot at pinapalibutan ng mga taong patuloy na umaapak sa aming kahinaan.

 Hindi ko ginustong mamuhay sa mundo ng mga nasa gitna. Hindi ko din pinangarap noong bata pa ako na magiging ganito ang kahihinatnan ng damdaming umusbong sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko maipaliwanag kung paano ito nangyari. Tulad ng straight na babae o ng lalaki, hindi ko buong hawak ang takbo ng aking emosyon. Totoong ako ang nagpapatakbo ng aking utak at ako din ang responsable sa laro ng aking emosyon ngunit hindi natin buong nadidiktahan kung ano ang talagang isinisigaw nito.
Hindi ko alam kung kailangan kong sisihin ang aking tatang o nanang sa kung sino ako ngayon. Ni minsan ay hindi ko naranasang nagkakuwentuhan kami ng aking tatang ng kahit anong tungkol sa pagiging lalaki. Bago kasi lamunin ng dilim ang liwanag ay tanging alak na lamang niya ang kaniyang kaharap. Pagkaubos ng isang bote ay dapat nakahanda na kami sa walang tigil niyang pagbubunganga. Ang pang-aaway niya sa aking nanang ay humahantong sa sakitan. Walang gabi na hindi ko narinig ang mga pagmumura niya. Kahit gabing- gabi na ay hinahabol niya kaming magkakapatid ng itak o kaya ay hayaang matulog sa silong ng isang malaking puno ng sampalok sa likod-bahay. Nasaan ang pagmamahal ng isang magulang na hindi man lang hanapin kung saan natutulog ang anak sa gabing hinabol sila ng itak? Nasaan ang pusong magulang kung sila ay kampanteng natutulog samantalang ang mga anak nila ay nasa labas ng bahay, pinapapak ng lamok at halos hindi makayanan ang lamig ng hamog sa madaling araw? Ni minsan ay hindi ko naranasang tanungin ng aking tatang kung ano ang problema ko sa tuwing tahimik akong nag-iisip. Ni hindi ko nakasabay ang buong pamilya na mamasyal o kumain sa labas. Ni kahit bilhan ako ng laruang panlalaki o kaya ay damit na pangsundalo ay hind ko naranasan.
Ni hindi ko naramdamang kinumutan ako ng aking nanang habang natutulog. Hindi ko din naranasang yakapin o kaya ay paliguan. Ang tanging naaalala ko ay sa edad kong sampu ay pinipilit niya akong papuntahin sa bukid kahit umuulan. Ang halos masunog sa tama ng araw ang aking balat. Kapag ako’y nagpakita ng kaunting pagkapagod o kaya ay nakitang sumilong sa mga puno dahil nahihilo ako sa tama ng araw ay sinasabihan akong tamad, walang silbi, palamunin at kung anu- ano pang mga katagang nagpapakita na ako’y batang pinagkakaitan ng pagmamahal at pang-unawa.
Nang ako’y onse anyos na, nanganak muli ang aking nanang. Nang tatlong buwan na ang kapatid ko ay ako na ang nagsimulang mag-alaga sa kaniya. Ang panganay kong kapatid ay nasa High School na noon at sa bayan nag-aaral. Nakikitira siya sa bahay ng kapatid ng aking ama. Ang pangalawang kapatid ko naman ay nakitira sa bahay ng aking lola na kapit-bahay lang namin. Hindi na kasi makayanan ng aking kapatid ang gabi- gabing pag-aaway ng aking mga magulang at ang pananakit sa amin kaya siya napilitang makipisan sa may kaya ngunit madamot naming lola. Lahat ng trabaho sa bahay ay ako na ang gumagawa dahil mahina ako sa tindi ng init ng araw sa bukid.
Aalis ang mga magulang ko sa umaga kaya ako at ng tatlong buwan na sanggol kong kapatid ang kasa-kasama ko sa bahay. Ako ang nagpapaligo at nagpapatulog sa kaniya. Uuwi lang ang nanay ko para padedehin siya at muling babalik sa bukid. Kapag napatulog ko na ang kapatid ko ay binibilisan ko namang ligpitin ang banig, kumot at unan naming nagkalat sa sahig. Pagkatapos ay maghuhugas ng pinggan at pinaglutuan. Kung sakaling tulog pa ang kapatid ko ay uumpisahan ko na ang magwalis at magbunot sa sahig. Hindi pa doon natatapos sapagkat kailangan ko pang magsaing at ibababad ang mga labahin. Kaya nga kinaiinisan ko ang pagdating ng araw ng Sabado at Linggo dahil iyon ang paulit- ulit na na pinapagawa sa akin.
Isang araw ay iyak ng iyak ang kapatid ko dahil sa gutom. Hindi ko alam kung bakit nakalimutan ni nanang na mag-iwan ng pambili ng biscuit na dudurugin ko sa tubig na ipakakain sa kaniya o sadyang wala lang talagang perang iiwan dahil mas marami nga naman yung araw na wala kaming pera kaysa sa meron. Walang tao sa bahay ng lola ko na siyang kaisa-isang tindahan sa amin. Wala naman akong makitang pupuwedeng ipakain sa kapatid ko na hindi ko napapatahan sa pag-iyak. Pati ako ay napaiyak na din dahil alam ko ang hirap ng gutom. Ilang beses kasi akong hinahabol ng aking tatang at magdamag akong matutulog sa silong ng sampalok na hindi kumakain. Dahil sa awa ko sa aking kapatid ay pumasok ako sa tindahan ng lola ko. Sa liit ng katawan ko ay nagkasiya ito sa nakaawang na dingding. Kumuha ako ng dalawang supot ng biscuit at binilisan ko ang paglabas. Nakita pala ako ng aking tiyuhin sa pagpuslit ng biscuit sa tindahan. Kaybilis kumalat ang balitang magnanakaw daw ako. Galit na galit ang ate ko ng malaman iyon. Sinabunutan ako, sinampal at sinipa habang nangingilid ang kaniyang mga luha at paulit-ulit niya sa aking isinisigaw na magnanakaw ako. Pinilit niyang kunin ang biscuit sa akin ngunit hindi ko iyon ibinigay. Umiiyak parin kasi ang kapatid ko at kailangan ko siyang pakainin dahil sa takot ko noon na baka may masamang mangyari sa kaniya kapag hindi napapakain. Subalit mas malakas parin ang kapatid ko kaya nakuha niya iyon. Sa mga panahong iyon, hindi ko alam kung bakit hindi ko isinigaw sa kaniya na gutom ang kapatid namin at walang iniwan na kahit anong ipakain kaya napilitan akong kumuha muna sa saradong tindahan ng lola namin. Pagnanakaw parin pala iyon kaya pagdating ng mga magulang ko ay pinagtulungan nila akong paluin, suntukin, sipain at paluhurin sa butil ng monggo. Paulit-ulit nilang isinisigaw na magnanakaw daw ako. Hindi ako binigyan ng pagkakataong sabihin kung bakit ko nagawa iyon. Hindi kaya nila naisip na ginawa ko iyon dahil sa kanilang pagkukulang ? Ginawa ko iyon dahil sa pagmamahal ko sa kapatid ko.  Sa mga panahong iyon, wala akong kakampi. Walang nagtanong kung bakit ko iyon ginawa. Walang umintindi sa kung ano ba talaga ang aking motibo. Kung sana makapagsalita lamang ang sanggol kong kapatid noon ay sasabihin niyang nagawa ko iyon dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit sa edad kong dose ay panilip kong pinagmamasdan ang aking tiyuhin na kapatid ng aking ama na walang damit at pawisan ang buong katawan sa pag- iigib ng tubig. Iba ang nararamdaman ko kapag nasisilipan ko siya sa bintana ng kaniyang kuwarto tuwing tanghaling tapat habang ako ay palihim na umaakyat sa mga puno para lamang makita ko siyang nakahilata sa kama ng walang damit.

            Ang akala ko’y normal lang sa katulad kong nagbibinata ang ganoong damdamin ngunit nagtataka ako dahil nang una kong maabot ang rurok ng kasiyahang dulot ng paglalaro sa aking alaga ay hindi babae ang laman ng aking imahinasyon kundi ang aking tiyo. Iba ang kuwento sa akin ng mga barkada ko. Ang laging laman ng kanilang mga kuwento ay tungkol sa mga napapanoond nilang hubad na babae habang nilalaro nila ang kanilang alaga. Minsan ay sinubukan ko ngunit sadyang mapaglaro ang aking imahinasyon dahil kahit anong gawin kong pilit na pagalawin sa utak ko ang mga artistang babae ay wala paring epekto dahil nangingibabaw ang imahinasyon ko sa tito ko.
Isang gabing lasing at mag-isa ang tito ko ay ipinaalam niya ako sa tatang ko na samahan ko siyang matulog sa kanilang bahay. Labing-tatlong taong gulang na ako noon at wala pa akong karanasang sa kahit ano. Bubot pa ang aking katawan at musmos pa ang aking pag-iisip. Nang gabing iyon ko naranasang manginig at manlamig dahil pagkapasok pa lang namin sa kaniyang kuwarto ay naghubad siya at pilit sa akin pinalaro ang laruang hindi angkop sa aming magkatulad na kasarian. Sa unang pagkakataon ay nagdampi ang mga hubad naming katawan. Umiyak ako noon dahil sa sakit na dulot ng pilit niyang ipinapasok sa akin. Napasigaw ako noon sa sakit ngunit tinakpan niya ang aking bunganga. Ilang sandali pa ay humigpit ang pagtakip niya sa aking bibig, bumilis at lumalim ang kaniyang paghinga, nag-unat ang kaniyang mga binti hanggang tuluyang nanghina. Pagkatapos niyon ay napalitan ng pandidiri ang dating paghanga ko sa kanya. Sa gabing iyon, may isang salita siyang kinainisan kong marinig na sabihin ng iba sa akin. Isang kataga na kapag naririnig ko na sinasabi sa akin ng ibang tao ay may galit na bumubuo sa akin na kahit alam kong tama lang na tawagin ako ng ganoon dahil iyon nga ay totoong ako. Ang salitang “bakla” ang siyang naglalarawan sa kung sino ako sa loob ngunit pilit kong pinagtatakpan sa panlabas na kilos at anyo.
Pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi ko na muli pang sinilip ang tito ko sa kanilang bintana. Iniwasan ko siya. Umaalis ako sa bahay kapag naririnig ko ang boses niyang nakikipagkuwentuhan sa aking mga magulang. Pakiramdam ko, sa tuwing nadadaanan ko na may kausap siyang iba ay ipinamamalita niyang bakla ako. Pakiramdam ko, lahat ng mga taong nakausap niya ay pinagtatawanan nila ako kapag dumadaan.
Pati sa eskuwelahang pinapasukan ko ay parang dinig na dinig ko parin ang mga ikinakabit sa aking pangalan. Kung hindi bakla ay magnanakaw naman. Mga katagang bumaon sa kamalayan ng aking kabataan. Mga salitang tuluyang sumira sa aking pagkatao at pagtitiwala sa sariling kakayahan. Sa tuwing nakakakita ako ng nagtatawanan at nag uumpukan, pakiramdam ko ako ang pinag-uusapan.
Hindi ako nakatutulog sa kaiisip kung alin ang hindi tama sa aking pagkatao. Bakit sa tuwing tinatawag akong bakla ay nagpupuyos ang aking damdamin? Kung galit akong tawagin ng ganoon, bakit hindi ko ipakitang nagkamali sila sa tingin sa akin? Sabihin mang humanga o nahuli niya akong pinagmamasdan ang hubog ng kaniyang katawan, sana ipinaunawa sa akin na iyon ay tanda lamang ng paghanga sa hubog ng hinog nang katawan ng lalaki na pinapangarap ko ding magkaroon paglaki ko. Siya na kamag-anak ko ang dapat nagpaliwanag na maling magtalik ang dalawang lalaki ngunit bakit hinayaan niya akong igupo ng kaniyang makamundong interes? Ang pagtawag nila ng bakla sa akin ay parang barena na patuloy na tumutusok sa aking emosyon. Hanggang ngayon ay nalilito parin ako kung ang pagiging alanganin ko ba ay sadyang likas talaga sa akin o dala lamang ng karanasang ipinamulat sa akin ng taong malapit sa aming pamilya.
Mabilis na dumaan ang mga araw, buwan at taon. Nang ako’y maglalabinlimang taong gulang na ay sinabi ko sa aking sarili na kailangan kong patunayan sa tito na hindi ako alanganin. Gusto kong ipamukha sa kaniya na maton din ako at babae ang gusto ko. Wala man akong nararamdamang pagtingin sa isa sa mga pinakamaganda sa paaralan namin ay niligawan ko parin. Dahil sa angkin kong karisma, talino at kaguwapuhan, nahulog siya sa isang araw lang na panliligaw. Nagtagumpay man akong paniwalain ang lahat ng mga taong nakapaligid sa akin na ako ay tunay na lalaki, hindi ko naman nalinlang ang sarili ko. Nagbago man ang tingin sa akin ng tito ko sa akin, hindi naman naalis sa puso at isipan ko ang tunay na ako.
Nagtapos ako sa sekondarya bilang salutatoryan at ang may pinakamaraming nakamit na karangalan. Isa din ako sa mga tinitingalang pinakamagaling na kabataang manunulat sa Region 2. Hindi ko alam kung iyon ang nagpabago sa pagturing ng nanang ko sa akin. Lahat ng hirap kinaya niya para lamang makatuntong ako sa kolehiyo. Tiniis niya lahat ng hirap, pagod at init ng araw sa bukid para lamang mabigyan ako ng lingguhang baon at kung kani-kanino umuutang para lamang makatapos ako. Noon ko naramdaman na sa kabila ng mga kalupitang tinamasa ko sa kaniya nang bata pa lamang ako ay minahal niya ako at tanging magandang kinabukasan ko ang kaniyang hangad. Inalipusta at pinahirapan ako nang ako’y bata pa lamang at nang lubusang lumaki ay iginapang ako sa hirap para sa magandang kinabukasan. Ang mga magulang nga kung minsan ay may sariling paraan ng pagpapalaki sa mga anak at sa pagdaan ng panahon, maisip ng anak na iyon ay bahagi ng pagdidisiplina at pagpapakita na tayo ay minahal ng higit pa sa ating inaasahan.
Noong ako’y labing-siyam na taong gulang na at nag-aaral sa isang unibersidad, naging kaibigan ko naman ang isa sa mga katunggali ko ng pagguhit at pagsulat. Si Alden. Labimpitong taong gulang lamang siya noon. Nagkaibigan kami. Kasama sa lahat ng lakaran. Sa isang gabing nagkatabi kami sa pagtulog ay may nangyari ng naulit pa ng naulit. Hindi ko alam kung nagustuhan niya ang nangyari iyon ngunit ang katotohanang nagkaroon ng lamat ang sana magandang pagkakaibigan ay hindi na muli pang naibalik. Hanggang pakiramdam ko ay pinatikman lang ako ng ubas niya at nang nagustuhan at nawili ako sa pagtikim ay saka niya biglang ipinagdamot. Noon na nagsimula ang walang katapusang pagmumurahan namin sa lansangan na nauuwi sa suntukan. Lalong naging masalimuot ang lahat nang nagsama kami sa iisang boarding house dahil halos magkamatayan kami sa palagiang pagpuputukan ng labi at noo. Nang ako’y naospital dahil sa hindi matigil na pagdaloy ng dugo sa aking noo ay napagtanto kong hindi ko dapat ipilit ang isang bagay na alam kong hindi pupuwede. Ang mali nga lamang noon ay hindi namin idinaan sa matinong pag-uusap ang tungkol sa nakasanayan kong pagninig namin. Kung napag-usapan na hindi siya komportable at hindi niya masikmura ang ginagawa namin, sana naintindihan ko at hindi na umabot pa sa sakitan na siyang nagdulot ng hindi magandang pilat sa buhay naming dalawa. Noong una pa lang sana naming gawin iyon ay tumanggi na siya at naiwasan sana ang sakitan at pamimilit. Iyon ang unang yugto ng buhay ko na naranasan kong nanakit at saktan. Ang unang pagkakataon na nagmahal ako ng sobra na halos lahat ng pagdurusa at paninilbi ay ginawa ko mahalin din lang ako subalit nabigo ako sapagkat babae parin ang gusto niyang mahalin na kahit ibuwis ko pa ang buhay ko sa kaniya ay hindi mapapabago ang tibok at isinisigaw ng kaniyang puso. Noon ko natutunan na hindi lahat ng magustuhan natin ay ating makakamit. May mga bagay na hindi talaga puwede kahit gaano pa natin ito kagustong mangyari.
Nagtapos ako ng kolehiyo. Sa awa ng Diyos ay nakapagtrabaho bilang Instructor sa isang kilalang Unibersidad. Sa unang taon ng pagtuturo, hindi maiwasang magkagusto ako sa ilan sa mga istudiyante ko pero lahat kinaya kong paglabanan dahil mahigpit na ipinagbabawal sa unibersidad namin ang magkaroon ng relasyon sa aming mga istudiyante. Ginugol ko ang lahat ng aking atensiyon sa pagpapaunlad ng aking dunong sa pamamagitan ng pag-aaral ko tuwing Sabado ng aking masteral. Kilala ako sa aming Unibersidad sa hindi mabilang na ambag sa kahit anong larangan dahil sa pagtatatag ng mga organisasyon para sa kabataan, ang pagpapanalo sa mga paligsahan sa pagsulat, pagguhit, pagtatalumpati at pagsusulit. Nakilala ang aming Unibersidad ng dahil sa angkin kong talento at tamang paghawak sa mga istudiyanteng kalahok sa mga nasabing mga patimpalak. Subalit may mga pagkakataong sinusubukan ang aking katatagan. Kung kailan natin pinapatatag ang ating kalooban ay siya namang pagdating ng hindi maiwasang hamon ng kahinaan ng emosyon. Nang nasa pangatlong taon at malapit na akong magiging permanente ay siyang pagdating ni Mark sa buhay ko.

ITUTULOY..


FOLLOW HIM ON:
Facebook of the Author:
https://www.facebook.com/joemar.ancheta

Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: ALANGANIN PART 1
ALANGANIN PART 1
kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgzIugKhDnWaPaYOHXGnrleK6G-eDbFpc-VCUHfCziOLycl_IkItG6Mb1NCUMFEwzEFJH-T64rZWAzy-pTd_FL_U70BG5kcWlCUemMI07XvWpcUKM1dj4JksfYULGOJ4UCTL4ZrvJFmhUY/s400/541793_518914371472962_1208022609_n.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgzIugKhDnWaPaYOHXGnrleK6G-eDbFpc-VCUHfCziOLycl_IkItG6Mb1NCUMFEwzEFJH-T64rZWAzy-pTd_FL_U70BG5kcWlCUemMI07XvWpcUKM1dj4JksfYULGOJ4UCTL4ZrvJFmhUY/s72-c/541793_518914371472962_1208022609_n.png
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/alanganin-part-1.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/alanganin-part-1.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content