kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
Mula noon ay hindi na muli pang nagpakita o nagparamdam ang dalawa sa buhay ko. Masakit na masakit na parang sa pagdaan ng araw ay mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal ko kay Aris ngunit pinipilit kong paglabanan ang lahat. Minsan, gusto kong ituloy na namin ang aming pag-iibigan. Gusto kong ipaglaban siya at agawin kay Angeli ngunit iniisip ko ang kalagayan ni Angeli at ang katotohanang wala na akong karapatan. Pinagtabuyan ko na siya. Nagdesisyon na ako at umaasa na ang mga tao sa paligid ko na ituloy ko ang pagpapari. Hindi na nagiging maayos ang takbo ng aking pag-iisip. May mga sandaling gusto kong makipagbalikan pero mas madalas naman ay gusto kong ituloy na lang ang pagpapari. Alam kong dumadaan ako sa mga stages ng break up. Napagdaanan ko na ang sinasabing unang yugto nito na shock stage. Iyon yung panahong ayaw kong makinig sa kahit anong paliwanag. Si Aris ang dumaan sa Denial Stage na kung saan ay hindi niya matanggap ang nagyaring paghihiwalay namin kaya ginawa niya ang lahat ng paghahabol para lang sana maayos kaming dalawa ngunit madali akong sumuko. Naging dahilan iyon ng kaguluhan sa aking pamilya.
Tuluyan akong ikinulong ng pagkagulat sa nangyari na ayaw ko ng marinig pa ang sasabihin niya, Ayaw ko nang lalo akong masaktan o kaya muling maniwala sa mga pangakong mauuwi din lang sa wala. Natapos ko na din ang Isolation stage. Iyon yung mga panahong gusto ko laging nagkukulong sa kwarto. Gusto kong walang kakausap sa akin. Dahil sa paraang ganoon ay maisip ko kung ano nga ba ang dahilan ng lahat nangyari at ang dapat kong gawin ngayong sarili ko na lamang ang tangi kong iisipin. Iyon bang, kailangan kong baguhin ang mga pangarap ko sa buhay at tuluyan ng ibaon sa limot ang pangarap naming dalawa ni Aris. Alam kong dumaan na din ako sa pang-apat na yugto, ang anger stage. Galit ako sa kaniya, kaya ako nakapagdesisyon para sa alam kong ikakatahimik ko. Ito lang kasi ang paraan ko para sana tuluyan nang makalimot. Ang galit ko kay Aris ang tuluyang nagtulak sa akin para pumasok sa seminaryo.
Ang kinatatakot ko ay pagkatapos nang halos dalawang buwan, kung saan nasa pang-anim palang ako ng stage ng break up na pinakamahirap sa lahat ay siya ko namang pagsisimula na sa pinili kong bokasyon. Inaamin kong nasa depression period palang ako at hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan nga pinagdadaanan kong ito sa loob ng seminary. Dinadalangin ko na lamang na sana sa loob ay tuluyan maging maayos na ang dinadala kong problema sa pag-ibig. Umaasa ako na pagkaraan ng ilang buwan ay matatapos ko din ang pitong yugto ng paghihiwalay. Sobrang hinihitay ko yung acceptance stage, na ang lahat ay nangyari dahil mas may magandang plano ang Diyos para sa akin.
Sa pagpasok ko sa seminary ay madami akong natuklasan sa mga kalakaran sa loob. Mga nangyayaring hindi ko man lubusang naiintindihan ngunit nasa nagpapari naman kung hayaan niya ang sariling magumon sa masarap ngunit masamang kalakaran o kaya ay mahirap ngunit maluwalhating patutunguhan ng kaluluwa.
Naturuan kaming sundin ang utos ng Diyos. Pag-aralan ang lahat ng katusan Niya sa bibliya, mga doktrina na maari naming maibahagi sa iba kapag kami ay lubusang handa na. Pinaghandaan din namin kung paano ipagtanggol ang simbahan at ang mga taong bumubuo nito. Umiikot ang buong buhay namin sa araw-araw sa halos paulit-ulit na takbo ng buhay. Hindi madali ang isang seminaryan. Ang araw ay magsisimula sa pagtunog ng kampana sa alas sais ng umaga. Kapag Alas sais y medya, magtitipon-tipon na kami para i-recite ang morning Office of Prime sa main chapel. Pagkatapos no’n ay meditation na 25 minutes at Holy Mass sa oras ng alas-siyete a kinse. Sa dulo ng misa, ang sampung minuto na thanksgiving din ang gagawin at muling tutunog ang kampana para naman dasalin naming ang dasal sa St. Joseph.
Pagkatapos ay muli kaming magtitipon-tipon para sa mabilis na agahan. Lahat ay may nakaatang na gawain. May maghahanda ng hapag-kainan, maghuhugas ng plato, maglinis ng palikuran, maglinis sa buong kumbento at mga silid aralan at lahat dapat ay malinis na bago magsimula ang aming klase. Lahat ng mga gawain namin sa buong Linggo ay mababasa sa aming notice board. Umiikot ang lahat ng mga trabahong ito para lahat kami ay matuto sa lahat ng gawain.
Ang umagang klase ay magsisimula ng ika-siyam ng umaga at matatapos ng alas-onse y medya. Kapag tumunog na ang kampana, ang kalahati sa amin ay maghahanda para sa tanghalian namin at ang kalahati naman ay pupunta sa chapel para sa midday Office of Sext. Pagkatapos noon ay ang pagdasal naman ng Angelus at ang hinihintay ng lahat ng gutom- ang tanghalian.
Binibigyan naman kami ng isang oras para sa aming recreation, iyon ay para sa mga tapos na ng kanilang trabaho o sa mga hindi nabigyan ng gawain sa buong Linggong iyon. Ilan ay kumakanta at naglalaro pero karamihan ay mas piniling makipagkuwentuhan sa kani-kanilang mga barkada.
Pagtuntong ng alas-dos ay muli kaming papasok para sa ilang mga subjects namin. Ang mga Humanities o pre-seminarians ay dapat nakahanda na para sa naatasan nilang trabaho. Sa tulad naming mga first year palang, kami ay tinuturuan ng mga malapit nang matapos na seminarian. May labinlimang minute na break kami para gawin ang mga personal naming gustong gawin. Pagdating ng alas-sais ay mag-Rosary naman kami. Tuwing Huwebes naman ay ang Benediction of the Blessed Sacrament na sinasagawa namin ng pribado.
Ang panggabihan naming ay sa alas-sais y medya . Pagkatapos no’n ay ang apatnapung minutong recreation at sinasamantala namin ni Alden ang sandaling iyon na maglalakad-lakad habang pinag-uusapan ang mga naging buhay namin sa labas.
Sa bandang 7:45 ng gabi ay muling madidinig ang kampana bilang hudyat ng pagsisimula ng pag-aaral. May ilang pari na naroon para tulungan ang mga nagrereview at hindi naintindihan ang ilang bahagi na napag-aralan ng mga mag-aaral sa umaga at hapon. Pagkaraan ng ilang oras na review, ang Office of Compline ay kinakanta para pasalamatan ang Diyos sa lahat ng basbas at biyaya niya sa maghapon at ang araw araw na proteksiyon mula sa Kaniya.
Pagsapit ng 9:05 ng gabi, kailangan ng maghanda ang mga seminaryan para sa kanilang pagtulog. Maari ng gawin ang mga personal na gawain tulad ng pagsisipilyo, paliligo at iba pa. Sa oras na alas-diyes, ang mga seminarians ay kailangan nang pumasok sa kani-kanilang mga kuwarto para matulog. Sa mga oras na ito, lahat ng ilaw ay nakapatay na at mahigpit ng ipinagbabawal ang paggawa ng kahit anong ingay.
Ganoon ang araw-araw na buhay ko sa loob. Nagiging masaya nang dahil sa isang bagong kaibigan na nakilala ko. Isang kaibigang muling nagpaigting sa aking pagiging alanganin. Sa kaniya umikot ang buhay ko sa loob. Ngunit ang tanging sakop ng puso ko ay si Aris parin sa mga panahong iyon. Ang bagong kaibigan ang gumamot sa panlabas na sugat ng puso ko ngunit ang laman parin ng pusong iyon ay ang lalaking nanakit sa akin. Dahil sa bago kong kaibigan, natuto akong naging malakas at walang takot sa puwedeng kalalabasan ng mga ginagawa. Sa kaniya ako natutong ipaglaban ang gusto mo’t pinangarap. Hindi ko iyon nagawa sa labas. Ngunit kung gaano kadaming pagsubok at tukso sa labas ay marami din naman sa loob. Napag-uusapan na din lang siya, kaya mas mainam sigurong simulan ang lahat nang unang araw na makilala ko siya.
Paano ko nga ba siya nakilala?
Sa tulad kong dumadaan palang depression period, lahat ng puwedeng gawin para kahit sandali ay mawala si Aris sa utak ko ay aking sinubukan. Dalawang buwan ang bakasyon bago ako pumasok sa seminary pero hindi parin nabubura ang alaala at pagmamahal ko kay Aris. Ngunit desidido na akong kalimutan siya. Pero sa tuwing pinipilit natin ang sarili nating kalimutan ang isang mahalagang tao sa buhay natin ay siya naman nitong pilit pumapasok sa ating alaala at sa tuwing pinipilit natin siyang tuluyang tanggalin sa ating isip ay siya namang sakit ang ating nararamdaman. Kapag may naririnig na kanta, sa tuwing may nakikita akong paborito niya, kulay ng damit, pabango, o kahit anong may koneksyon sa kaniya ay pilit kong kinaiinisan. Sinubukan kong ipagdasal ang lahat. Ituon ang aking oras sa pagbabasa ng bibliya, pagdarasal sa tuwing nabubuhay ang kagustuhan kong makita siya ngunit nanatiling mailap ang paglimot. Hindi ako nailalayo ng mga binabasa ko at mga hinihiling ko sa Diyos. Hangang naisip ko na kaya ako hindi nakakalimot sa mga nakaraan namin ni Aris kasi wala akong kaibigan at kakilala na tutulong sa akin para malimutan ang aking nakaraan. Kailangan ko ng bagong karanasan para tuluyan nitong takpan ang dating karanasan ko. Iyon lang ang alam kong paraan para tuluyang mawala siya sa aking alaala. Noon ay pumasok si Alden sa buhay ko.
Roommate kami ni Alden. Napansin ko siya sa una palang dahil pareho sila ng hugis ng mukha at mata ni Aris. Ang korte ng ilong ay hindi nagkakalayo pati ang ilang mga kilos at pananalita. Sa tangkad at pananamit pati ang tindig at laki ng katawan ay kawangis sila. Maliban sa kulay ng balat at ang kulay ng labi. Mapula ang labi ni Alden, makinis at maputi na may mahahaba ngunit pinong balbon. Nang unang araw ay hindi siya namamansin at sa tulad kong broken hearted ay hindi din agad nahuhuli ang loob ko para makipag-usap.
Dumaan ang isang araw na hindi kami nagpansinan. Kinaumagahan na lamang niya ako kinausap ng magtanong kung puwede niyang magamit ang suklay ko dahil hindi daw siya nakapagdala. Nakatapis lang siya noon ng tuwalya at basa pa ang buong katawan. Napalunok ako ng makita ko ang manipis niyang balbon sa dibdib at medyo kumapal na maninipis na buhok sa maporma niyang abs. Matagal akong napatitig doon na alam kong napansin niya kaya patay-malisya niyang tinakpan iyon ng kaniyang kamay.
“May suklay ka…ano nga pala pangalan mo dre?”
“Ahh, Rhon. Sandali, titignan ko. Kung nadala ko, sa iyo na lang ‘yun kasi tignan mo naman ang buhok ko, hindi ko sinusuklay. Konting gel lang, ayos na.”
“Buti nga maganda ang buhok mo eh, ako kasi may pagkakulot kaya kailangan suklayin ng medyo umayos tignan. Alden pala pangalan ko dre.”
Nang inabot niya ang suklay ay hindi ko maiwasang magtaka kung bakit pati kamay ko ay hinaplos niya at naramdaman ko ang pagpisil niya sabay kindat sa akin.
Iniwasan kong bigyan ng malisya iyon. Gusto kong isipin na naroon kaming lahat dahil gusto naming maglingkod sa Diyos at habang maaga ay kailangan umiwas sa tukso na tawag ng laman. Gusto kong magkaroon ng kaibigan at hindi ng karelasyon. Mga kaibigang kasangga sa bawat araw na puno ng makasalanan at makamundong tawag ng tukso.
Nagpapalit na ako at siya naman ay parang wala lang na naglalakad habang nakabrief. Tuloy hindi ko maiwasang hindi siya tignan at hindi tuloy ako makaharap dahil tinigasan ako. Tao lang akong natutukso sa mga nakikita. Naisip ko mang kasalanan pagnasaan ang kasama ko sa kuwarto ngunit hindi nakakayanan ng aking pagpipigil ang silakbo ng aking damdamin.
Paano naman kasi ako hindi titigasan. Bukod sa maganda ang hubog na katawan at makinis, sobrang laki pa ang bumubukol doon. At sa tulad kong ilang taon na ang binilang dahil sa walang sex kundi pagsasarili lang ay matagal ko na talagang inasam na mailabas ko ang init sa aking katawan. Muli pumasok sa isip ko si Aris. Nang dahil sa kaniya, nadiyeta ako sa sex. Napabuntong-hininga ako.
“Dre, palagay naman ng kuwintas. Hindi ko kasi matsambahan baka puwedeng pasuyo na ikaw na lang maglagay.”
“Ha, sige, lumapit ka dito.” Palusot ko dahil nga ayaw kong mahuli niyang tigas na tigas ang alaga ko. Kung bakit kasi hanggang ngayon hindi pa siya nagdadamit. Hindi ko alam kung pinapatakam niya ako o dahil proud lang siyang ibuyangyang ang maganda niyang katawan.
“Heto, pasuyo na lang dre ha.” Sobrang lapit niya sa akin at hindi naman na ako makausog dahil lapat na lapat na ang likod ko sa kama ko. Kaya nang humarap ako ay hindi maiwasang inabot ng alaga ko ang bandang likuran niya. Alam kong naramdaman niya iyon.
“Sorry.” Nahihiya kong sagot. Nanginig tuloy ang mga kamay ko at para akong nanlamig sa pagkapahiya.
“Ah…ok na. Ako na lang dre. Mahirap na.” humarap siya sa akin. Kinuha niya ang kuwintas sa kamay ko. Sapol ang pagkakatapat ng ari ko sa ari niya at lalo akong nag-init. Amoy ko ang amoy toothpaste niyang hininga. Mapula ang kaniyang mga labi na sobrang lapit lang niya sa aking labi. Nakatitig siya sa akin. Tumitig din ako sa kaniya. Seryoso ang mukha. Bigla akong nawala sa aking katinuan. Napapikit ako. Umasa akong mauuwi sa halikan ang lahat.
“Sabi ko na nga ba alanganin ka dre. Hindi ako nagkamali sa amoy ko sa iyo. Bakla ka ano?”
Para akong nahimasmasan. Hindi ako makapagsalita. Para akong napahiya sa narinig ko. Mabilis siyang nagdamit. Hindi niya ako tinitignan. Pakiramdam ko ay nangyari sa akin ang ginawa ko kay Aris noon. Parang sa akin ginawa ang ginawa ko sa kaniya. Kung gaano siya kabilis na nagbihis ay ganoon din siya kabilis lumabas. Ako naman ay napaupo dahil sa pagkapahiya lalo na ay mga seminarista kami. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko kapag ikalat niya ang nangyaring iyon sa amin? Paano pa ang pagpapari ko kung malalaman ang pagiging bakla ko ng mga nasa taas? Hindi ko alam kung lalabas ako sa kuwarto dahil parang bigla akong bumalik sa aking katinuan.
Nakita ko siya sa labas. Parang wala siyang nakikita. Hindi din siya nakikipag-usap sa iba. Tahimik lang siyang nakatingin na parang pinag-aaralan niya ang lahat ng kilos ng mga naroon. Ako naman ay panakaw ko siyang sinusulyapan. Iniingatan kong magkasalubong ang aming paningin dahil siguradong malulusaw ako sa hiya. Magkaklase lang kami. Maghapon ko siyang iniwasan. Maghapon ding pinigilan ko ang sarili kong tignan siya. May mga panakaw akong sulyap nga lamang na nakakalusot.
Kinagabihan no’n ay naabutan ko siya sa kuwartong nagbabasa ng bibliya. Humiga na din ako at pinilit makatulog. Nakakabinging katahimikan ang namamayani sa aming kuwarto. Tanging mga paghinga lang namin at langitngit sa kama ang bumabasag sa katahimikang iyon. Nang napatay na ang ilaw at tahimik na ang buong paligid ay pansin kong hindi siya mapakali sa kaniyang higaan. Hindi ko siya matanong kung bakit dahil nakakaramdam padin ako ng pagkapahiya sa nangyari. Hindi ko alam kung kailangan kong humingi ba ng tawad sa nasaksihan niya o kaya ay basta na lang makipag-usap sa kaniya na hindi na ungkatin pa ang nangyari kaninang umaga. Ngunit ano naman ang pag-uusapan namin? Hindi ko naman kilala ang taong ito. Hindi ko alam ang kaniyang mga hilig maliban dun sa hawig niya si Aris ay wala na akong alam pa.
Para makatulog ay hinayaan ko na lang na mapagod ang utak ko sa pag-iisip sa mga nakaraan naming ni Aris. Ang kaniyang mga yakap, ang kaniyang halik at ang paanas niyang pagsabi ng “I love you” sa aking tainga na nagbibigay sa akin ng kakaibang sensasyon.
Nag-aagaw tulog na ako at ang nasa isip ko ay ang madaling araw na pagpunta ni Aris sa kuwarto ko at yayakapin niya ako at sasabihing tulog ka na uli baby..namimiss lang kita…ngunit iba, iba ang naririnig ko. Naramdaman kong parang may umupo sa gilid ng kama ko.
”Sorry… Sorry Rhon.” Paanas ang pagkasabi no’n.
Napabalikwas ako sa pagkabigla dahil akala ko ay si Aris iyon kaya pati si Alden din na tanging boxer short ang suot ay nagulat sa ginawa kong pagbalikwas at ang pagsigaw ng taong nagulat. Hindi naman kalakasan ang sigaw ko.
“Bakit? Nagulat ka? Sorry sa sinabi ko kaninang umaga.”
Hinintay ko munang mahimasmasan ako. Tumingin ako sa kaniya. Ngumiti. Inabot ko ang kamay ko para makipag-shake hand lang.
“Wala yun. Kalimutan mo na iyon. Mabuti naman at maaga palang alam mo nang ganu’n ako para hindi ka na kampanteng nakabrief lang. Ngayong alam mo na, siguro naman, takpan mo na lahat ng di na kita masisilipan.” biro ko.
Ngunit nagulat ako sa ginawa niya. Ibinaba niya ang boxer short niya at ibinato iyon sa kama niya. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko kailangan kumilos dahil baka sinadya na naman iyon para i-test ako kung hindi ko siya pagnanasaan. Humiga ako at nilagay ang unan sa aking mukha.
Naramdaman ko ang kaniyang palad sa aking dibdib. Ipinasok niya ang kaniyang mainit na palad sa aking dibdib at marahan niyang nilaro-laro ang aking maliliit na utong. Napalunok ako ngunit hindi parin ako kumikilos. Hindi ko siya sinuway at hindi rin ako nagpakita ng kahit anong sign na gusto ko ang ginagawa niya sa akin. Pilit kong pinapasok sa isip ko na sinusubukan lang niya ako. Napaigtad ako nang maramdaman ko ang mainit niyang dila sa isa ko pang dibdib. Doon ko na hindi makayanan ang kakaibang sensasyon lalo pa’t ang kamay niyang isa ay unti-unting bumababa sa aking tiyan hanggang pilit na niyang isinuksuk sa aking brief. At sa isang iglap ay hawak na niya ang galit kong kargada. Hinimas himas niya iyon at doon ay alam kong totoong-totoo na ang lahat kaya tinanggal ko ang unan sa aking mukha at lumakbay ang bibig niya mula sa dibdib…leeg at saka ko sinalubong ang kaniyang labi sa labi ko. Marahas ang aming halikan na parang sabik ngunit may sensasyon… mapusok ngunit may ritmo. Hanggang ang mainit na hubad niyang katawan ay nagkaisa sa hubad ko na ding katawan. Galing sa galing… Init sa init… indayog sa indayog hanggang kapwa naming narating ang langit na sa tulad naming nagpapari ay hindi dapat abutin. Ninamnam namin ang kakaibang langit na kung malaman ng karaniwang tao ay isang kasalanan na hindi dapat ginagawa ng tulad namin. Isang hindi tamang sinimulang gawain na alam kong bawal ngunit sobrang masarap. Ngunit nang mga sandaling ginagawa namin ang lahat ay hindi si Alden ang nasa isip ko…hindi siya ang laman ng imahinasyon ko…si Aris. Ginamit ko ang katawan niya para pisikal ko lang na mayakap at makasiping si Aris sa aking utak.
“Mali yata ‘to.” Mahinahon ang pagkakasabi ko no’n.
Napabuntong-hininga siya. “Bakit ka nga pala pumasok sa pagpapari?” tanong niya.
“Pangarap ng pamilya ko ito para sa akin? Noong bata ako, sinasabi na nilang magiging pari ako. Inihanda nila ako sa murang edad ko pa lamang kaya siguro dahil kinalakhan kong naririnig sa kanila iyon kaya iyon na din ang ginusto ko. Isa pa, may gusto akong kalimutan? At siguro kasi gusto kong maiwasan ang ginagawa ng isang alanganin.”
“Pano ngayon ‘yan. May nagyari na agad, pagpasok na pagpasok mo pa lang dito. Paano mo pa maiiwasan ang nangyari sa labas na gusto mo sanang baguhin dito sa loob.”
“Ikaw, bakit ka pumasok sa seminary?” tanong ko sa kanya. Ayaw ko kasing sagutin ang sinabi niya tungkol sa katatapos lang na mangyari. Nagiguilty ako.
“Wala lang.” matipid niyang sagot. “Wala ka bang signs na nakita o naramdaman na ito talaga ay calling para sa iyo?” balik tanong niya para maiba din ang pag-uusapan at hindi ang tungkol sa tanong ko sa kaniya.
“Signs? Wala e. Kailangan ba talaga may sign sa taas para malamang ito talaga ang para sa iyong bokasyon?”
“Not necessarily. Sabi ng iba. Dapat daw bukal sa kalooban at isip ang pagpapari. Hindi daw dahil sa gusto mo lang o kaya dahil may tinatakasan. Dapat daw mahal mo at ang pagsilbi sa Diyos ang laman ng puso mo. Ikaw ba iyon ang motivations mo kaya gusto mong magpari?”
Niyakap ko siya. Hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kaniya. Pumikit na lang ako. Sinubsub ko ang mukha ko sa dibdib niya at masuyo niyang sinuklay-suklay ang buhok ko.
“Do you mind kung tatanungin kita about sa ‘tin?”
“Anong tayo?” tumingin ako sa kaniya. Bumitaw ako sa pagkakayakap.
“Itong ginagawa natin?”
“Ewan ko? Bahala na. Di ako handa for any commitment. Saka nag-aaral tayo para maging pari. Sa tingin ko, let’s just enjoy what we have now, no label, no expectations.”
Napabuntong hininga siya. “Sige, balik na ako sa kama ko. Thanks.”
“Welcome.” Maikli kong sagot. Iniisip ko, sa’n siya nagpapasalamat? Sa pagpapatawad ko o sa sex?
Doon na nagsimula ang patagong pagtitinginan namin. Wala akong masabi kay Alden, napakabait niya, maalahanin, handang makinig at umunawa at naramdaman kong may pagtatangi siyang nararamdaman para sa akin. Sa mga panahong iyon, hindi ko alintana na nagkakasala ako. Siguro pumasok sa isip ko pero hindi ko binigyan ng kahit katiting na pansin. Ang mahalaga noon ay nakakatulong si Alden sa unti-unting kong paglimot.
Ngunit sa tulad naming seminarista, kailangan naming mag-ingat. Kailangang hindi namin iparamdam sa lahat na may espesyal na namamagitan sa amin. Hindi kami dapat sabay lumabas ng kuwarto. Iba ang grupo ng kaibigan niya sa kaibigan ko. Hindi kami magkakampi sa mga laro, hindi din halos kami magkatabi ng upuan sa classroom at bihirang-bihira lang kaming mag-usap at magbiruan sa labas. Ngunit sa loob ng aming kuwarto ay halos madaling araw na kami matulog. Sobrang namimiss namin ang isa’t isa sa maghapon. Sa buong araw ay hanggang tanaw ko lang siya. Hanggang tinginan lang kaming dalawa ngunit may mga tanghaling kapag tapos na ang aming tanghalian ay halos hindi namin kayanin ang pagkamiss sa isa’t isa. Kapag kumindat ang isa sa amin sabay punas ng nguso ay may ibig sabihin na iyon. Kailangang sumunod sa kuwarto ang kinindatan at doon ay buong pagmamahalang magyayakapan kami at maghahalikan. Kapag ang isa naman ay nagseselos at may gustong itanong o may ayaw na ginawa ng isa, sesenyas lang ito ng kindat sabay kamot sa ulo. Isa ang susunod at papasok sa kuwarto. Doon kami maghihiyawan. Doon magpapaliwanagan ngunit nauuwi din sa mainit na halikan.
Ngunit alam kong may mali. Dahil hindi siya yung mismong mahal ko. Parang nakikita ko si Aris sa kaniya. Para sa akin, hindi siya si Alden kundi siya si Aris. Mali na kung mali ngunit ako man sa sarili ko ay sobrang naguguluhan. Siguro hindi ko binigyan ng sapat na panahon ang sarili kong pag-isipan ang lahat. Unti-unti akong nilalamon ng mga multong ginawa ko. Hindi ito ang pinangarap ko nang nagdesisyon ako at pumasok sa pagpapari. Sinubo ako ng buum-buo ng makamundong kasalanan.
Kadalasan, kung ano ang laman ng iyong puso, siya ang lagi mong bukambibig. Siya ang laging gusto mong pag-usapan o laging naisisingit sa mga kuwentuhan. At alam kong mali ako doon lalo pa’t gusto ko sanang lumimot na ngunit anong meron ang diyaskeng puso at isip na ito na di basta-basta natuturuang lumimot at tanggapin kung ano ang ngayon. Hindi ko alam na sinasaktan ko na nang madalas ang taong gustong pumasok sa buhay ko. Ang taong gustong maging bahagi nito.
“Alam mo yung ginagawa mong paghalik sa akin at paggising sa madaling araw habang yakap mo ako at paanas mo akong patutulugin? Ginagawa din ni Aris iyon sa akin?”
“Alam mo yung suot mo ngayon na kulay na damit at iyong porma mo, katulad ng katulad ni Aris.”
“Gusto ko yung ngiti mo sa picture na ito…parang hawig na hawig ka kay Aris…”
“Ganda talaga ng katawan ah…parang kay Aris…”
Ganoon lagi ang mga nasasabi ko sa kaniya. Mula nang may nangyayari sa amin, hindi lilipas ang isang raw na hindi ko naisisingit ang pangalan ng lalaking minahal ko sa nakaraan. Nakikinig naman siya at interesado noong una hanggang pagkaraan ng ilang buwan ay nakikinig na lang siya at napapangiti…pagkaraan ng ilang buwan pa ay hindi na nakikinig na parang umiiwas na siya. At isang umaga, nang nagsusuklay siya ay may nasabi ako…
“Uyy! Ang gara naman ng ayos ng buhok at porma…katulad na katulad talaga…”
“NI ARIS!” sigaw niya sa mukha ko. Iyon talaga dapat ang sasabihin ko ngunit inunahan na niya ako sa pagbanggit sa pangalan iyon.