Powered by Blogger.

Search This Blog

Blog Archive

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

Nang lumuhod si Father (Chapter 17)

kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,


“Pasensiya ka na pero wala na sila dito sa bahay, Father. Sa ngayon, nasa ibang bansa sila.” Bungad iyon ni Sir Vic ang tatay ni Angeli.
Humugot ako ng isang malalim na hininga.
“May contact number ho ba sila doon o kahit address man lamang?” sa tulad kong determinadong mahanap ang lalaking una kong minahal ay hindi na ganoon basta na lamang sumusuko.
“Hindi ko sa iyo maibibigay, Father. Maaring pagkakataon na lamang ang makapagsasabi kung magkikita pa kayo. Tahimik na ang buhay nila ngayon. Hindi sa sinasabi kong makakagulo ho lamang kayo pero sana hayaan na din sana muna natin sila.”

Kahit iilang minuto palang ako sa bahay nila ay gusto na nilang tapusin ang aking pakikipag-usap. Umalis akong bigo at nasaktan. At mula no’n hindi ko na binalak pang hanapin o kahit magtanong tungkol sa kaniya. Masakit man pero ang tanging nagawa ko ay magdasal na saka kung nasaan man si Aris ngayon ay magiging masaya na siya sa buhay na pinipili niya at napatawad na rin niya ako sa ginawa kong pagtalikod at pag-iwas sa kaniya noon. Ngayon, kung muli kong babalikan ang mga sandaling nakikiusap siya sa akin, alam kong hindi siya nagkulang na paliwanagan ako, nasa akin gang pagkukulang dahil hindi ako marunong makinig. Inuna ko ang galit at pagiging mapagmataas. Sana napatawad na din niya ako.

Ilang taon din muna akong nagpahinga. Pinilit kong ituon sa simbahan ang puso ko at isip. Kailangan kong magfocus para malaman kung ito nga ba ang talagang buhay na gusto ko hanggang sa tuluyan akong tumanda. Naging routinary ang buhay. Tuwing araw ng Linggo ay abala ako sa pagmimisa sa ilang mga barangay sa aking nasasakupang parokya. Tuwing Lunes hangang Biyernes ay abala sa pagtuturo at sa araw ng Sabado ay nakakasama ko pa din ang Benitez Family.  Sa tuwing nakakasama ko ang pamilyang ito ay mas lumalabas yung kagustuhan kong mamuhay ng katulad nang sa kanila. Lalo akong naguluhan at ngayon ay hindi ko na talaga alam kung saan ang tatahakin kong landas ngunit alam ko, sa puso ko, sa landas na tinatahak nina Lando at Terence ang gusto kong sundan ngunit mukhang huli na ang lahat. Patawarin sana ako ng Diyos dahil hindi ko na talaga alam ang aking ginagawa. May manaka-nakang kasal, binyag, pagdarasal sa may sakit at libing din akong pinagkakabalahan. Ayaw kong mamatay na dito palang sa lupa ay dati na akong parang walang kabuhay-buhay. Ayaw kong mamatay na hindi ko naayos ang mga gusot sa aking nakaraan. Mga tinakasang akala ko tuluyan kong maibaon sa limot sa pagdaan ng panahon ngunit hindi pala ganoon kadali ang lahat lalo na kung wala talagang closure na nangyari.
 Isinunod kong hanapin si Alden. Nakahanda na ako noong isuko ang pagkapari kung yayain niyang magsama kami. Hindi na talaga ako para sa bokasyong iyon. Tama si Alden, hindi para sa katulad namin ang pagpapari. Nakinig ba ako sa kaniya noon? Hindi dahil mas inuna ko ang sasabihin at kagustuhan ng aking pamilya. Naroon ang saya ko noon sa dibdib. Yung saya na alam kong may taong tatanggap parin sa akin na kahit nagkamali ako sa ilang desisyon sa buhay. Tanggap kong isang malaking pagkakamali ko ang pagiging pari dahil lalo akong nasasadlak sa kasalanan habang tumatagal. Para kasi akong may hinahanap. Parang hindi nagiging buo ang aking pagkatao. Utak ang ginamit ko kaya ako naging ganap na pari ngunit hindi ang buong pananampalataya, puso at kaluluwa. Sa haba ng panahon ay hindi parin nawala sa puso at isip ko ang pagmamahal sa aking nakaraan. Sinikap kong supilin ang lahat. Ginusto kong labanan ang lahat ngunit sadyang marupok ako at alam kong hindi ako kailanman magiging karapat-dapat na maging isa sa bokasyong pinili ko.

                Iba na ang bahay na nadatnan ko sa dating bakuran nina Alden. Isang bago at malaking bahay at magarang bakuran. Nakilala ko ang nanay niya na noon ay dinidiligan ang kaniyang mga orchids sa tapat ng magarbo nilang bahay. Apat na taon sa seminary at limang taon sa labas…siyam na taon na pala kaming hindi nagkikita ni Alden at ito na ang bunga ng kaniyang pagsisikap. Isang maaliwalas na buhay.  Samantalang ako ay isang paring hindi mahanap ang tunay na gusto sa buhay. At noon ay 33 na ako ngunit hindi ko parin alam kung saan ako patutungo. Kung anong klaseng buhay ang gusto ko. Isa akong kaluluwa na nawawala dahil hindi ko alam ang talagang gusto kong gawin sa buhay. Umabot ako sa edad na ganoon na walang direksiyon.
Nalaman ko sa nanay ni Alden na nagtapos siya ng Electrical Engineer at nasa Dubai na siya ngayon at sa isang magandang company. Kaya daw nabago ang buhay niya at nakatapos ang lahat ng kapatid ng dahil sa kaniya. Masayang-masaya ang nanay niyang nagbalita at alam ko na naging matagumpay siya sa pinili niyang buhay. Ang tuwang nakita ko sa mukha ng nanay niya ay katulad ng tuwang nakikita ko kay Papa kapag pinapakilala niya ako sa kaniyang mga bisita. Ang anak kong pari. Alam kong masaya siya at pakiramdam niya ay nagtagumpay siya sa akin ngunit ako, hindi ganoon ang pakiramdam ko. Alam kong nabigyan naman ako ng pagkakataong pilin ang buhay na gusto ko ngunit hinayaan kong sundin sila at nagpadala ako sa galit ko kay Aris. Maling desisyon na saktan din siya. Ginamit ko ang pagpapari para maghiganti kay Aris at para din sundin ang pangarap ng pamilya ko sa akin. Nang hiningi ko ang address at celphone number ni Alden ay ibinigay naman sa akin ng nanay niya.
Ang naging problema nga lamang ay kay Alden. Hindi niya sinagot lahat ng sulat ko. Sibukan kong kontakin ang binigay ng nanay niyang number. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang naririnig kong tumutunog na sa kabilang linya. Nakapalakas ng kabog ang aking dibdib. Natututyo ang aking lalamunan. Hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko.



“Hello” sagot ng nasa kabilang linya.
Sinubukan kong mag-hello din pero walang lumabas na boses sa aking bibig.
“Hello, sino ‘to?” ulit ng kabilang linya. Napansin kong ibang boses. Pero sa siyam na taon nagbabago ba ang boses? O iba lang ang boses ni Alden sa telepono. Buo at lalaking-lalaki ang boses ni Alden, hindi katulad nito na medyo malamya at husky pa.
“Hello! Hello!” mukhang medyo irita na ang nasa kabilang linya.
“Hello.” Sa wakas ay naisagot ko. Hinugot ko ang isang malalim na hininga para mabawasan ang nararamdaman kong kaba.
“Sino sila?”
“Si Rhon po ito. Puwedeng makausap si Alden, Alden Mendoza.”
“Tulog siya, tumawag ka na lang after 3 hours.” Sarkastikong sagot nang nasa kabilang linya.
“Sige ho, salamat po. Pakisabi na din lang po tumawag ako.” Magpapaalam pa sana ako nang naputol na ang nasa kabilang linya.
Naisip ko, sino ang lalaking iyon at anong karapatan niya para sagutin ang tawag ni Alden? Nakaramdam ako ng kakaibang takot ngunit naisip ko kailangan ko ng positive outlook sa buhay. Iniwasan ko munang mag-isip ng kahit ano. Nakatagal kong hinintay ang tatlong oras. Muli akong nag-dial.
Pangatlong ring sa kabilang linya ay may sumagot na naman ngunit parehong boses ng lalaking nakausap ko kanina.
“Rhon po uli sir.” Pagpapakilala ko.
“Rhon…Father Rhon, right? Father, pasensiya ka na pero sana ito na ang huling tawag mo. Pasensiya ka na talaga, Father. Sana maintindihan mo.”
Pinutol na niya ang linya. May diin ang pagbitaw niya sa akin ng father. Nakaramdam ako ng kahihiyan. Nasaktan ako noon. Lalong parang nasira ang buhay ko. Ansakit-sakit na ginawa ko ang lahat para mahanap ang mga taong bahagi ng aking naraan ngunit bigo ako. Ganito ba ang naramdaman nilang sakit ng didbdib noong nabigo ko din sila? Bakit dalawa silang parang nang siyang interes pang makibalita tungkol sa akin. Kahit man lang sana kaibigan o kahit kakilala na lang ang turing.
Binago na ba sa silaw ng tagumpay at salapi sina Alden at Aris?
             
             Isang taon pa ang nakaraan at tuluyan ko ng nilisan ang lugar nina Terence at Lando para magsilbi naman ako sa ibang parokya.
            “Huwag mo kaming kalimutan, Father. Mamimiss ka ho namin.” Niyakap ako ni Terence.
            “Pasyal ka dito ng madalas father ha. Parang kulang na ang araw ng Sabado namin ngayon.” Dagdag ni Landon a maluwang pagkakangiti.
            “Naku father, mas malapit na si Jay-ar ngayon sa lilipatan ninyong lugar. Graduating na siya ng Engineering. Napakabilis ng panahon ano ho?” si Terence muli.
            Madalas pa din naman ako bisitahin ni Jay-ar noon sa kumbento kasama ang barkada niyang si Jacko at ang girlfriend niya. Sila na din lang ang parang nagbibigay sa malungkot kong buhay sa loob ng simbahan ngunit madalas sa farm nila ako naglalagi. Napakalaking bahagi sila ng buhay ko dahil ang pamilyang ito ang tuluyang nagbukas ng aking puso at isip. Si Terence ang malaking salamin ko para makita ang kabuuan kong hindi ko nakita noon.
            “Higit sa lahat father, subukan mo paring sundan ang tinutibok niyan.” Itinuro niya ang puso ko. “Madalas diyan mo nahahanap ang tunay na kaligayahan kaysa ang sundin iyan.” Tinuro niya ang utak ko. Alam kong tama siya. Ang tunay na kaligayahan ay nagmumula sa ating puso.
            Isang mahigpit na yakap ang ipinabaon nila sa akin ngunit alam kong hindi iyon ang huli naming pagkikita. Babakasyon ako sa kanila kahit minsan sa isang buwan o minsan sa tatlong buwan. Hindi sila maaring mawala sa aking buhay.
Nadestino na ako sa ibat-ibang lugar ngunit parang sinasadya ng pagkakataon na nitong huli ay sa Mabalacat, Pampanga pa ako nadestino. Isang araw ay muli kong tinignan ang listahan ng mga magpapakasal sa isang buong buwan na iyon ng May. Nakita ko ang pangalang Engr. Alden Mendoza. Para akong nanghina. Nabigla ako tulad nang pakabigla ko noong makita ko si Aris na ikakasal na din. Ang Parish assistant ko ang nag-conduct ng canonical interview at pre-marriage seminar sa kanila. Sa kasal ko na lang nakikita ang mga ikakasal. Hindi katulad sa pinanggalingan kong parokya na ako lahat ang gumagawa. Dito sa Pampanga binigay ang sa akin ang ceremony of marriage at sa parish assistant ang para sa preparation.
Sigurado akong siya na iyon. Ang nakalimot kong nakaraan. Sa dinami-dami pa ng pari at simbahan ay sa akin pa naisipan ni Alden magpakasal.  Gusto ba niyang ibalik sa akin ang sakit na ginawa ko nang pinili ko ang pagpapari kaysa sa pagmamahal ko sa kaniya? Gusto kong tumanggi ngunit naroon na ako.
May kumatok sa aking opisina. Ang aking assistant. Gusto daw akong makausap ng mga ikakasal.
Pagpasok nila ay para akong sinasaksak sa dibdib. Pinagpawisan ako kahit malamig ang buga ng aircon. Sinikap kong maging maayos kahit nanginginig ang aking buong katawan. Mapait na ngiti ang isinalubong ko. Gustuhin ko mang tumayo at kamayan sila ngunit hindi ko magawa. Akala ko pilat na lamang ang pagmamahal ko sa kaniya pagkatapos kong masaktan ngunit nang makita ko siya kasama ang mas bata niyang magiging asawa ay may kung anong hapdi akong naramdaman.
“Father Rhon, kumusta na po.” Bungad ni Alden sa akin. Maayos ang kaniyang pagkakangiti. Gusto ko siyang yakapin dahil sabik din naman akong makita siya ngunit hindi iyon tinatawag ng tamang lugar at pagkakataon. Nanginig ang kamay ko ng tanggapin ko ang pakikipagkamay niya.
“Si Daisy ho, Father, ang mapapangasawa ko.” Pakilala niya sa mapapangasawa niya. Inabot ko ang mga kamay ni Daisy at alam kong ramdam nito ang panginginig at lamig nito.
Nagkatinginan silang dalawa. Nakatingin din ako sa kanila. Nang mahimasmasan ako ay naisip kong hindi ko pa pala sila napapaupo.
“Umupo kayo.” Bigla kong tinuran. Napangiti sila.
“Daisy, si father Rhon pala ay kakuwarto ko at kaibigan noong nagseminary din ako.”
Simpleng pakilala. Kakuwarto at kaibigan lang. Ano naman ang aasahan ko? Sabihing karelasyon ko siya sa loob?
Ang usapan ay napunta sa kanilang preparation sa gaganaping kasal. Halos wala akong naintindihan sa mga sinasabi nila. Minsan nga tinatanong na pala ako ay hindi pa ako sumasagot. Hindi parin ako makapaniwala na nasa harapan ko na ang lalaking minahal ko noon at ngayon ay ako ang magkakasal sa kaniya. Paano ko kaya kakayanin ang lahat ng ito? Bakit ako pinaparusahan ng ganito?
Nagpaalam sila na parang wala akong naintindihan. Alam kong halata nila na nawawala ako sa aking sarili. Nasaan ang pagkapropesyonal ko sa bokasyong napili ko nang pagkakataong iyon? Hinigop lahat ng emosyon ko ang dapat ay tibay ng aking utak.
Pagkaraan ng dalawang araw mula nang binisita ako ni Alden at Daisy ay muli siyang bumalik sa akin. Siya lang mag-isa. Nakaramdam ako noon ng kaunting pag-asa at kasiyahan.
                “Kumusta, anong nangyari sa iyo?” tanong ko sa kaniya. Niyakap ko siya tanda ng aking pagkasabik sa matagal na panahong hindi kami nagkita. Siya man din ay napayakap sa akin ng mahigpit na mahigpit. Napapatawa kami habang ginagawa namin iyon. Para kasing lahat ng mga nangyari sa nakaraan ay nagsibalikan at ngayon nga ay parang nabibigyan na ng pagkakataong madugtungang muli.

Naroon man ang pait ngunit alam kong wala na akong karapatan pa siyang sumbatan kung bakit siya mag-aasawa. Kailangan kong  tanggapin ang katotohanang pari na ako at siya ay may sarili na ding buhay na kailangang harapin. Pinagmasdan ko siya. Pumuti pa siya lalo at halos walang nagbago sa kaniyang mukha maliban sa ilang hibla ng guhit sa noo at baba ng mata. Tumaba siya ng bahagya dahil siguro sa ibang takbo ng buhay sa Dubai.  Sa edad niyang 38 katulad ko ay mas bata siyang tignan sa tunay niyang edad.
                 “Heto, napilitang mag-asawa.” Mapakla niyang sagot.
                “Paanong napilitan? Hindi mo siya mahal?”
                “Gusto ko siya ngunit may mahal akong iba. Ang ibang iyon ay gusto kong makasama habang buhay. Hindi ko alam Father kung paano ko lolokohin ang sarili kong ikasal sa babae ngunit may iba akong mahal na gustong makasama habang-buhay.”
            “Naguguluhan ako. Gusto mo si Daisy ngunit may mahal kang iba at iyong mahal mo na iyon ang gusto mo sanang makasama habang buhay?”
            “Gano’n nga Father. Inulit nga lang ninyo ang sinabi ko.” Napangiti siya.
                Hindi ako nakapagsalita. Para akong nabuhayan ng pag-asa. Ako parin ba ang tinutumbok niyang gusto niyang makasama habang-buhay? Hindi ko alam kung papayag akong magiging kabit niya.  Biglang nangarap na naman ako sa magiging kinabukasan...mag aasawa siya dahil gusto niya ng pamilya at iyon lang ang habol niya. At ako, dadalawin niya ako paminsan-minsan o magsasama kami at tuluyan ko ng iwan ang pagkapari dahil patuloy lang akong nagkakasala habang naninilbi sa bahay ng Diyos. Kinalabutan ako sa naisip ko ngunit magagawa ko kaya ang pangarap na iyon? Kung magagawa ko iyon, bakit hindi ko na lang noon ginawa kay Aris? Bakit ngayon pa na kung kailan pari na ako.
                “Iyon nga ang ipinunta ko dito. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung tama itong ginagawa ko ngayon. Gusto ko ang mapapangasawa ko pero hindi ko siya mahal.” Bigla akong bumalik sa katinuan.
                Parang hindi na ako makapaghintay na sabihin niyang mahal na mahal parin niya ako at kaya siya ngayon nagdadalawang isip na ituloy ang kasal dahil sa akin. Nangilid ang luha ko. Parang napakatagal nang panahong hindi ko naramdaman ang pakiramdam ko ngayon. Parang napakatagal ng panahong hindi nagising ang kasiyahang namumuo sa dibdib ko. Totoong hindi siya sa akin nagbitiw ng pangako pero narito siya ngayon sa harapan ko. Ang taong minsan ay binigo ko at pinili ang pagpapari ay nasa harapan ko ngayon at bumabalik. Hindi ko man hinintay na mangyari ang sandaling ito ngunit nagbigay ito ng kakaibang ligaya sa akin. Isang pangarap na nagkakatotoo. Hindi pa naman sila kasal ni Daisy. May magagawa pa ako para hindi na mas malaking kasalan ang papasukin ko. Patawarin sana ako ng Diyos sa ginagawa kong ito. Sana ito na ang katahimikan at kaligayahang hinahanap ko.
               “Hindi ka naman yata nakikinig sa sinasabi ko.”
                Bumalik ako muli sa aking katinuan. Ngumiti ako.
“Ano nga pala iyong tinatanong mo?”
“Tinatanong ko kung kailangan bang magkapamilya ang tulad ko..yung ano..alam mo na…” nahihiya pa niyang pag-amin sa tunay niyang pagkatao.
“Madami naman ang tulad mo o tulad nating pumasok sa pagpapamilya. Hindi ko alam kung paano nila iyon nasisikmura o paano sila nagiging tapat sa asawa nilang babae. Ngunit kailangan lamang na sa una pa lamang ay magkausap kayo ng asawa mo tungkol sa pagkatao mo. Kung tanggap ka bilang ganyan, hanggang saan ba ang kaya niyang tanggapin, ang pagkatao mo lang ba bilang bakla o kasama na iyon ng ginagawa ng isang bakla. Kung tanggap niya ang iyong pagiging bakla, kaya din ba niyang balewalain ang pagkakaroon mo ng lalaki.” Gusto kong isingit angmagiging tungkol sa amin. Kung itutuloy niya ang pgapapakasal, dapat matanggap ni Daisy ang pagpasok ko sa kanilang buhay.
 “O kung hindi naman, puwedeng ikaw din ang mag-adjust, kung mag-asawa ka ba, kaya mo bang tiisin ang pagiging bakla at ibuhos ang buong panahon sa asawa mo at hinding-hindi ka na magkakaroon ng lalaki sa buhay mo.” Kahit papaano ay kailangan ko ding maging fair sa pagbibigay sa kaniya ng option.
“Kung sa mga isyung iyon ay hindi niyo maresolba ngayon pa lamang, mas mainam na huwag ng ituloy ang pag-aasawa dahil sasabihin ko sa iyong mas magiging magulo lamang ang sitwasyon ninyong dalawa. Hindi na kayang sabayan ng simbahan ang mga ginagawa ng mga tulad natin ngayon. May mga asawa pero may hawak na kabataang lalaki. Ang ilan naman ay nagkakaroon ng anak at hindi pinapakasalan ang babae dahil anak nga lamang ang habol nila.”
“Tama ka, naisip ko na rin iyan kagabi. Gusto ko lang din kasi marinig ang sasabihin mo kung tama ako sa desisyon ko. Nag-usap kami ni Daisy kagabi, yung mapapangasawa ko at hindi daw niya tanggap ang tulad ko kung hindi ko magawang itigil ang pagkakaroon ko ng karelasyong lalaki. Hindi ko naman magagawa iyon. Kaya sinabi kong bigyan niya ako ng sapat na oras para makapg-isip. At ngayon, desidido na ako.”
“Desididong ano?” nakakaramndam na ako ng tagumpay. Nagsisimula na talagang mabuo at mabigyan ng katuparan ang kanina’y imposibleng pangarap
Desidido na akong hindi ituloy ang kasal.”
Huminga ako ng malalim. Parang nabunutan ako ng tinik. Kung ganoon, ako parin ang nagwagi sa puso niya. Hindi ko maitago ang aking saya.
“Handa kong talikuran ang pagpapari. Matagal ko ng hinintay ito. Matagal ko ng gustong bumalik ka sa buhay ko.”
Napatingin siya sa akin. Nagulat siya sa sinabi ko. Yumuko siya.
“Anong sinasabi mo, Father?”
“Ako? Hindi ba ako ang gusto mong mahalin at makasama habang buhay?” panigurado ko.
“Hindi ho Father Rhon. Nasa labas siya ngayon. Ipapakilala sana kita sa kaniya pagkatapos ng pag-uusap natin ngayon.”
Dumilim ang pangingin ko sa narinig ko. Parang hindi ako makagalaw sa pagkapahiya, pagkabigo at pagkagulat.

ENJOY AND PLEASE LEAVE YOUR COMMENTS
Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: Nang lumuhod si Father (Chapter 17)
Nang lumuhod si Father (Chapter 17)
kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgBJnNM0_UDFi2COmMTJFchs6hgguTr7_J2gQSSPvKoc5jzVeEH6v0i0POWflikhD4C2uPXoOp75OV64Y4G60TpTKyRxvfSQfzWrQRI05KpGwA_kDII8Zx-JsO1czaHsJtCZ0RIsqSLWUY/s400/Nico+Cordova+of+Masculados+Dos_thumb%255B1%255D.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgBJnNM0_UDFi2COmMTJFchs6hgguTr7_J2gQSSPvKoc5jzVeEH6v0i0POWflikhD4C2uPXoOp75OV64Y4G60TpTKyRxvfSQfzWrQRI05KpGwA_kDII8Zx-JsO1czaHsJtCZ0RIsqSLWUY/s72-c/Nico+Cordova+of+Masculados+Dos_thumb%255B1%255D.jpg
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/nang-lumuhod-si-father-chapter-17.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/nang-lumuhod-si-father-chapter-17.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content