Powered by Blogger.

Search This Blog

Blog Archive

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

Nang lumuhod si father (Chapter 21) Huling Kabanata at Huling Bahagi

kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,


Bumaba ako. Nilahad ni tito ang kaniyang mga kamay. Niyakap niya ako. Mahigpit na mahigpit habang humahagulgol ako. Kumuha siya ng tubig. Pinakalma niya ako. Nang mahimasmasan ako napagpasyahan kong sunduin na muna si Aris. Kahit man lang doon ay makabawi ako sa mga pagkukulang ko sa kaniya. Gusto kong ako ang susi sa pagkikita nilang mag-ama.
                “Anong plano mo ngayon?” tanong ni tito.
                “Susunduin ko ho muna si Cgaris bago ho puntahan siya.”
                Hindi ko nakita kay tito ang pagkagulat na kilala ko na ang anak ni Aris.
                “Bilisan mo anak. Kailangan ka ni Aris ngayon. Hinihintay na niya ang pagdating mo. Pasensiya ka na pero gusto kong malaman mo na may kanser ang kababata mo at ang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin at hintayin ka.
                Parang sumabog ang mundo ko sa aking narinig.
                Nanginginig ako sa aking narinig. Walang magawa si tito kundi pakalmahin ako. Kung sakaling malala na ang kalagayan niya maaring ako na lamang ang hinihintay niya, ngunit gusto kong maabutan ko pa siyang malakas at buhay. Gusto kong naroon ako sa mga natitirang araw niya sa mundo. Gusto kong maramdaman niya na dumaan man ako sa maraming pagkakasala, nananatili ang pagmamahal ko sa kaniya. Hindi man kasindakila ng pagmamahal niya sa akin ay alam kong minahal ko siya at patuloy kong mamahalin. Naroon na ako, ako ang dapat sisihin sa mga nangyaring ito sa buhay ko ngunit tao lang din ako. Nagkakamali ngunit gusto kong bago mahuli ang lahat ay maiayos ko ang mga pagkakamaling nagawa ko kay Aris.
                Kitang-kita ni tito kung paano ako aligaga sa mga oras na iyon. Hindi ako mapakali. Si Mama man din ay hindi na niya alam kung paano niya mapapanatag ang aking kalooban.
                “Maupo ka muna, anak. Hinga ng malalim. Kapag relaks ka na, saka ka lang makakaisip ng dapat mong gawin. Inom ka ng tubig. At pagkatapos ay pumikit ka.” Si mama, ang isang kamay ay may hawak na tubig at ang isang kamay naman ay hinahagod niya ang likod ko. Ginawa ko ang sinabi niya sa akin. Uminom ako ng tubig at pumikit ako. Naisip ako ang sinabi sa akin ni Papa…
                “Matanda ka na Rhon. Huwag ka ng umasta na parang hindi mo alam ang tama sa mali. Hanapin mo ang buhay mo. Matanda na kami ng Mama mo. Gusto kong makitang masaya ka. Gusto naming makita ng Mama mo na buo ang iyong pagkatao. Sa kabila ng ginawa mong ito, mahal ka naming at kung ano ang desisyon mo ngayon, pababayaan ka namin dahil gusto kong malaman mo na kung saan ka masaya ay doon kami ng mama mo.”
                Pumasok din sa isip ko ang sinabi sa akin ni Tito…
“May mga desisyon talaga tayo sa buhay na tanging ang panahon ang makapagsasabi kung tama ba tayo o mali sa ating mga naunang desisyon. Ngunit hindi ibig sabihin na kung nagkamali tayo noon ay tuluy-tuloy na ang kamaliang iyon. May mga naiiwan pang mga paraan para maitama ang mga iyon. May mga sadyang nilusaw na ng panahon at din a puwedeng gawing tama ngunit kalimitan, kung ano ang pinakamahalaga sa buhay, iyon ang sadyang naiiwan at naghihintay ng tamang desisyon para itama. Nasa sa iyo parin kung paano mo gawing tama ang minsan ay maling nagawa mo.”
             
Dumilat ako. Mahalaga ang bawat sandali. Pakiramdam ko ay kalmado na ako. Kailangan kong mag-isip at magdesisyon ng tama. Ngunit simula sa araw na ito, kailangan ko ng makinig sa mga taong nagmamahal sa akin.
“Tito, mama, ano hong gagawin ko?”
“Puntahan mo ang anak niya. Sabay kayong uuwi sa kaniya para mas masaya siyang sasalubong sa inyong dalawa. Alam kong malaki pa ang magagawa mo para maayos lahat.”
Sinipat kong orasan, mag-aalas tres palang ng hapon. Nagmadali akong nagpalit.
Habang nasa daan ako ay tinawagan ko si Terence.
“Bespren, may problema ako. May kanser si Aris. Baka may kilala kang espesyalista para dito. Baka maari pa niyang maisalba ang buhay ng lalaking mahal ko.” Hindi na muna ako nangamusta. Mas mainam na maidiretso ko na muna ang gusto kong sabihin dahil mahalaga ang bawat sandali.

“Am sorry to hear that, father. Taman-tama, Dr. Mario and Dr. Bryan just arrived yesterday. Galing sila sa Houston, Texas for their further studies in curing cancer. Tatawagan ko na sila ngayon din. Saan ba si Aris ngayon? Anong maitutulong namin, Father?”
“Pupuntahan ko muna ang anak niya and then we’ll meet you tomorrow morning. Dadaan kami sa inyo para magkakasabay na tayong puntahan si Aris. And one more thing, don’t call me father, not anymore”
“Why not?”
“Naku mahabang kuwento. Saka ko na lang ikukuwento. I need your help now bespren.”
“Sige, I’ll call Dr. Mario and Dr. Bryan rightaway . Sigurado akong makakapunta agad sila dito to help us.”
“Hindi kaya pagod pa ang mga iyon?”
“We’ll try. Pero sigurado akong makakatulong sila.”
“See you soon. Marami tayong pag-uusapan pa later.”
“Oo lalo na yang ayaw mong patawag ng dati naman naming itinatawag sa iyo. Naguguluhan ako, so, we better catch up.”
“Salamat ha.”
“You’re welcome bespren. We miss you.”
“I miss you too. Regards mo ako kay Lando at Jay-ar.”

Kailangan kong mapuntahan si Cgaris. Dumiretso ako sa bahay na pinaghatiran ko sa kaniya noon. Naisip kong tawagan muna ang mobile phone niya habang nagdadrive pero hindi niya ito sinasagot. Nakatatlong missed call na ako. Nasaan ka bang lupalop ng mundo bata ka!
Dali-dali akong bumaba nang nasa tapat na ako ng gate nila. Nakatatlong buzz na ako nang bumungad ang dating maid nila na pinagtanungan ko noon.
Hindi siya nagsalita ngunit parang nagtatanong ang mukha. Siguro iniisip na muna niya kung kailan niya ako huling nakita.
“Magandang hapon po. Nandiyan po ba si Cgaris?” magalang kong tanong.
“Cgaris? Ahh, yung kaibigan ng alaga kong si Miko?”
“Hindi ba ito ang bahay nina Sir Vic Chua o kaya ni Cgaris?”
“Hindi ho. Minsan dumadalaw lang dito si Cgaris pero hindi ito ang bahay nila. Bahay ito nina Michael Gonzales o Miko. Maalala ko na nga kayo. Kayo yung nagtanong sa akin noon.”
“Ako nga ho. Nandiyan ho ba si Miko? Baka pwede niya akong tulungan sa paghahanap kay Cgaris.”
“Naku ho. May klase sila ngayon hanggang alas singko ng hapon. Magkaklase ho sila.”
Napaisip ako. Oo nga pala. Minabuti kong magpasalamat at magpaalam na lang. Tinignan ko ang pambisig kong orasan. May sapat pa na oras. Alas singko ang labas ni Cgaris sa University nila. Noon ako nagtaka kung bakit pilit niyang tinago sa akin ang kaniyang tunay na katauhan.
Ngunit hindi na muna mahalaga sa akin kung bakit. Ang importante ay alam ko na kung  saan namin matatagpuan ang Daddy niya. Kung sakaling naroon sa tagpuan namin na naghihintay si Aris ay alam kong ikakatuwa nilang mag-ama na makita ang isa’t isa. Sa paraang ganoon man lamang ako makabawi sa aking mga pagkukulang at kasalanan sa kaniya.
                Ilang minuto din akong nag-abang sa labas nang makita ko siya.
                “Cgaris!” sigaw ko.
                Lumingon siya. Kumunot ang noo nang makita ako. Nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Pinagpatuloy niya ang paglalakad palayo sa akin. Hinabol ko siya at pinigilan.
                “Anong problema mo, bata ka.” Pamimigil ko.
                “Kayo ang may problema Dad at hindi ako.” Binilisan niya ang paghakbang. Minabuti kong sabayan siya.
                “Anong pinagsasabi mo? Mag-usap nga muna tayo, napapagod ako sa kasusunod sa’yo.”
                “Huwag dito Dad. Gusto kong magkaliwanagan tayo sa alam kong maiintindihan mo ang bawat sasabihin ko sa iyo!” galit niyang sinabi sa akin.
                “Oh, e, di sige. Sabihin mo kung saan tayo mag-uusap. Tara na, dala ko ang sasakyan ko.”
                “Hindi na ho Dad. Sundan mo kami nung driver ko doon sa huling pinagkainan natin. Kailangan nating magtuos.” Walang kagatul-gatol niyang sinabi.
                Hindi na lang ako nagsalita. Gusto ko siyang sorpresahin ngunit ako ang nagugulat sa ikinikilos niya. Anong nangyayari? Ngunit hindi na importante sa akin kung bakit siya galit. Alam kong mawawala din ang lahat ng tampo niya kapag sinabi ko ang tungkol sa kaniyang ama. Pumasok kami sa kinainan namin noong una kaming nagkausap. Kumuha siya ng isang table na hindi maririnig ng iba ang aming pag-uusapan.
                “Alam ko na kung sino ang Daddy mo at kung saan natin siya makikita.” masaya kong balita sa kaniya. Ngunit nakita ko sa mukha niya ang ngiti. Ngiting nang-aasar.
                “Ngayon alam mo na si Aris ang Daddy ko. Alam mo na ba na matagal ka ng hinihintay ng Daddy ko?”
                Ako ang nagulat sa sinabi niya. Napalunok ako.
                “Kaya ba ginawa mong Gonzales ang apilyido mo noong tinatanong kita?”
                “Kasama lahat iyon ng aking pagpapanggap. Makinig ka sa sasabihin ko Dad. Gusto kong intindihin mo lahat lahat.”
                “Alam mong…” pagsisimula ko pa lamang ngunit nilagay na niya ang hintuturo niya sa gitna ng bunganga ko.
                “Sinabi kong makinig muna kayo.  Puwede?”
                “Sige.” Sagot ko. Parang bata na pinagalitan at ngayon ay dapat makinig sa payo. Ang pakikinig sa sasabihin ng iba ang kahinaan ko. Mas inuuna ko kasing pakinggan ang sigaw ng aking isip. Mas nauuna kong binibigyan ng conclusion ang lahat at ngayon, gusto kong makinig sa kahit anong sasabihin ng iba tao bago ako magbigay ng aking desisyon. Iyon ang isang aral na aking natutunan sa nangyayaring ito sa aking buhay.
                “Una, nagkunwari lang akong pumasok sa lugar na iyon dahil ikaw ang sadya ko. Pinilit ko ang tito ninyong malaman kung saang lugar kayo nadestino at natuwa ako ng malamang malapit lang pala kayo.”
                “Paano mo nakilala ang tito ko?”
                “Isinama ako ni Daddy minsan nang bisitahin niya ito. Nakibalita kasi noon si Daddy tungkol sa inyo at pinakilala din ako ni Daddy sa kaniya.”
                “Alam ni tito ang tungkol sa iyo? Bakit hindi siya sa akin nagsabi?”
                “Dahil ayaw mong makibalita sa buhay ni Daddy. Dahil close-minded ka, Dad. Dahil sarili mo lang na opinyon at desisyon ang mahalaga sa’yo. Puwede ko na bang ituloy ang sasabihin ko?”
                Yumuko ako. Tanda ng pagbibigay sa kaniya ng sapat na panahon para sabihin ang lahat ng gustong sabihin.
“Pinuntahan ko kayo lingid sa kaalaman ni Daddy. Nakinig ako sa inyong mga misa tuwing Linggo. Kinaibigan ko ang ilang mga sacristan mo at nakakuha ako ng impormasyon kung anong araw at oras kayo umaalis. Kailangan ko lang kasi makakuha ng ilang detalye sa inyong pagkatao. Nang nakita kong pumapasok kayo sa mga ganoong lugar, biglang bumaba ang tingin ko sa inyo ngunit binigyan ko parin kayo ng isa pang pagkakataon. Gusto kong makilala kita  Dad, kaya ako napilitang pumasok sa pinapasukan mo. Nang hindi ko na makayanang makita ang kababuyang nangyayari sa loob ay lumabas ako at sumunod ka naman. Pumasa ka sa ibinigay kong isang pagkakataon nang hindi mo ako ginalaw o hindi ka nagpakita ng kahit anong pagkagusto sa akin nang nasa kumbento na tayo. Sinubukan kong buksan ang pang-unawa at puso ko sa iyo. Nagkuwento ako tungkol sa pamilya ko, sinadya kong ibalik ang nakaraan sa iyo ngunit sadyang pakiramdam ko ay tuluyan mo nang kinalimutan ang Daddy ko dahil kahit anong gawin ko na gayahin ang ilan sa mga actuations niya, kahit nag-oopen na ako ng tungkol sa kuwento ng buhay nang mommy ko na may kaugnayan kay daddy ay hindi ka nagrereact. Bakit mo kinalimutan ang Daddy ko?”
                “Kahit minsan hindi ko siya kinalimutan.”
“Kasinungalingan ‘yan Dad. Hindi ako naniniwalang hindi mo siya kinalimutan. Pati ang tagpuan ninyong lugar ay hindi mo naalala.”
Humugot ako ng isang napakalalim na hininga. Hindi ko na kasi kinakaya ang mga nangyayaring rebelasyon sa araw na ito.“Kababasa ko lang kasi ang mga sulat niya sa akin. Ngayon lang ibinigay ni Tito sa akin. Bakit mo ako hinanap? Anong motibo mo at ginawa mong palitan pati ang apilyido mo?”
                “Kinuwento ni Daddy ang tungkol sa iyo. Noong una, hindi ko siya maintindihan. Nagalit ako sa kaniya. Tuwing bakasyon kasi umuuwi ako sa kaniya. Magkasama kami ng dalawang buwan at kapag pasukan ay bumabalik ako dito sa Manila para makasama sina lolo at lola. Nagpanggap lang ako sa iyo na magulo ang pamilya ko para may reasons akong makilala ka ng husto. Ilang buwan akong naghintay na sana mabanggit mo si Daddy. Sobrang hinangad ko na sana maisama mo siya sa ating usapan tulad ng ginagawa niyang pagkuwento tungkol sa iyo. Noong una, kinamuhian ko si Daddy sa pagiging gano’n niya. Isang taong hindi ako bumisita sa kaniya nang malaman ko ang tungkol sa inyo ngunit hindi ko siya matiis. Walang ginawa si Daddy na hindi tama sa akin. Kahit ganoon ang ginawa ko ay hindi siya nagbago. Siya ang lumuluwas sa Manila para maramdaman ko ang pagiging Daddy niya sa akin. Nilusaw ng totoong pagmamahal niya sa akin ang pagkamuhi at pandidiri sa kaniyang pagkatao. Isa siyang amang hindi dapat kinakahiya kundi dapat ipagmalaki. Akala ko ganoon ka din. Nang sinadya kong hindi magpakita sa iyo, sinubukan mo ba akong hinanap?”
“Hinanap kita anak. Nakapatay noon ng mobile phone mo. Sinunod ko ang gusto mong huwag kang puntahan sa bahay ninyo. Iyon pala ay bahay lang ng barkada mo. Alam ng Diyos na nangulila ako nang mawala ka kahit hindi tayo magkadugo at kahit sandaling panahon palang tayo magkakilala, tinuring kitang anak ko.” Nangilid ang aking mga luha.
“ Hindi dad, mas pinili mong lumabas at maghanap ng kababuyan sa piling ng kung sinu-sinong lalaki?  Akala mo ba hindi ko alam? Nakita kita noon na hinihintay ako sa gate. Sinundan ka namin ng driver ko noong paalis ka. Sorry Dad pero ako ang nagsumbong sa pulis sa araw na iyon para magkaroon ng raid at magising ka na sa maling ginagawa mo. Pari kayo Dad. Hindi ninyo dapat pang ginagawa ang mga bagay na gano’n”
Nanatili akong tahimik. Sapul na sapol ako sa kaniyang mga sinabi. Lalo niyang pinahirapan ang aking damdamin ngunit tama lang na marinig ko ang lahat ng mga iyon.
“Mahal ka ni Daddy. Pinilit kong lumapit sa iyo para muling babalik siya sa isip mo. Lahat ginawa ko para ibalik siya sa puso mo. Ngunit nabigo ako. Ni minsan hindi mo siya naisip man lang at ikuwento din siya sa akin. Tinanong kita kung kilala mo ba ang Daddy ko ngunit parang wala kang narinig. Iyon ang ikinasakit ng loob ko. Ganiyan ka ba katigas sa mga taong nagmamahal sa iyo?”
                “Nagkakamali ka. Mahal ko ang Daddy mo. May hinala na akong anak ka ni Aris pero hindi ako sigurado. Ayaw kong mas maguluhan ka. Ayaw kong makapagkuwento ako sa iyo na wala naman akong pinanghahawakang ebidensiya. Pero kung sakaling ganoon ang pagkakaintindi mo, patawarin mo ako, anak. Sinubukan ko rin siyang hanapin noon pero sinabi ng lolo at lola mo na nasa ibang bansa na siya.”
                “Iyon ang sinabi nina lolo dahil nga alam nilang pari ka na at ayaw nilang masira ang bokasyon mo. Pero kung totoo kang nagmamahal, sana alam mo kung saan mo siya babalikan. Kung alam mo ang halaga ng pangako, sana alam mo kung saan mo siya mahahanap.”
                “Gustong-gusto kang makausap ni Dad. Gusto ka niyang makitang muli pero natatakot na siya sa rejections mo lalo na pari ka na nga. Ayaw niyang magulo ang paninilbi mo sa Diyos. Huwag kang mag-alala, kahit every week kaming nagkikita ay hindi ko nakuwento sa kaniya ang ginagawa mo sa sinehan na iyon. Yung ginagawa mong pagpasok sa mga gay bars. Hiling ko lang Dad, na tigilan mo na ang mga bagay na iyan. Lalong masasaktan ang Daddy ko kapag malaman niyang gumagawa ka ng ganiyan. Gusto kong magiging malinis ka sa puso at isip ng Daddy ko. Pinalaki niya akong maayos. Pinalaki akong lolo at lola ko sa magandang paraan na hindi tumitingin sa pagkasino ng mga taong nakapaligid sa akin. Wala sa akin ang kasarian, ang pagiging bakla at tomboy, ang sa akin lang ay sa kung ano ang kabuuang pagkatao.”
                Napayuko ako. Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Sakit na tumatama dahil iyon naman talaga ang totoo.
                “May sakit si Daddy kaya nawala ako ng ilang buwan. Pumasok lang ako ngayon para officially i-drop ko muna ang mga subjects ko. Baka next school year sa Tuguegarao na ako magpapatuloy ng pag-aaral. Pumayag na sina Lolo. Kaya ako napilitang hanapin ka noon dahil gusto kong may magiging inspirasyon siya para magpagaling. Sana gagaling pa siya ngunit ayaw lang niyang tulungan ang sarili. Ayaw na niyang patingin pa sa doctor. Ayaw kong magiging ulilang lubos. Ayaw kong mawala si Daddy ngunit kahit anong pakiusap ko ay ayaw na niyang magpadoktor. Payat na payat na siya. Hindi ko na alam pa kung paano ko siya hikayatin.”
                “Tinalikuran ko na ang pagpapari. Harapin ko na ang buhay na noon ko pa gusto. Dapat noon ko pa ito ginawa. Patawarin mo ako anak. Gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa Daddy. Kailangan ko ang tulong mo. Samahan mo ako, puntahan natin ang Daddy mo.”
            Dawalang oras pa ang nagdaan nang kasama ko na siyang tinatalunton ang daan papunta ng Cagayan Valley.
                Tahimik si Cgaris sa aking tabi. Malalim ang iniisip. Nang biglang may kinuha siyang CD sa kaniyang bag. Nilagay niya iyon sa player at ilang sandali pa ay pumailanlang ang kanta ni Noel Cabangon na kanlungan.
“Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?

Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal’wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula”
                Napangiti ako.
“Mahilig ka pala ng mga OPM? Parang ang daddy mo lang noon sa kumbento. Doon siya sa silong ng mga puno kasama ang AM/FM niyang transistor radio. Pinipilit niya akong samahang siyang makinig din sa mga ganiyang kanta.”
                “Hindi ho ako Dad. Kailangan na ngayon palang sanayin niyo na ang tainga niyo sa kantang iyan dahil sigurado akong iyan ang tugtog na maririnig niyo ng madalas doon kay daddy. Kakornihan na pero sabi niya, kapag daw naririnig niya ang kantang iyan ay naiisip ka niya. Mas masarap daw samahan ng mga ganiyang kanta kung nagsesenti ka. Napakalaki daw ng tinulong ng kantang iyan sa araw-araw niyang paghihintay sa’yo.”
                Napangiti ako. Naramdaman ko ang pagmamahal ni Aris. Miss na miss ko na talaga siya. Halos dalawampung taon na kami nang huli kaming nagkita ngunit naroon parin ang init ng pagmamahal ko sa kaniya. Alam kong siya ang kulang sa buhay ko kaya hindi ko naranasan ang magiging tunay na masaya.  Sampung oras ang biyahe ngunit hindi ako dinalaw ng antok. May ngiti ako sa labi. May luha ngunit hindi iyon luha ng pagkabigo. Hindi din luha ng pagsisisi o pagkakasala. Luha iyon ng lubos na pagkasabik. Hinayaan kong igupo ng mahimbing na pagkakatulog si Cgaris sa tabi ko. Mamahalin ko ang batang ito na parang galing sa akin. Sa kaniya ko ibubuhos ang pagmamahal na hindi ko naibigay sa kaniyang ama. Sana hindi pa huli ang lahat.
                Mag-uumaga na nang tinawagan ko si Terence para dumaan kami sa kanila at sumabay na sila sa amin. Isang oras na lang kasi ay makakarating na ako sa lugar nila. Si Lando ang sumagot. Nakahanda na daw sila at naroon na din sina Dok Mario at Dok Bryan. Nauna lang daw ang mga ito ng ilang oras. Sinabi niyang mag-almusal na muna kami sa kanila bago tumuloy kay Aris.
Habang nagdadrive ako ay naisip kong dalawang oras lang ang layo ko pala noon kay Aris noong nadestino ako sa Cagayan Valley. Ni hindi man lang pumasok sa aking isipang pasyalan ang lugar na ipinangako niya sa akin. Napakasama ko.
                Pagdating namin kina Terence ay pinababa ko muna si Cgaris na nahihiyang makiharap sa aking mga kaibigan.
                “Dito na lang ako Dad.” Pagsusumamo niya.
                “Bubuhatin kita. Magdamag ka ng tulog. Saka kailangan kong kumain para may energy ako. Dalawang oras pa ang biyahe natin bago makarating sa Daddy mo.”
                Napilitan siyang bumaba. Ilang saglit pa ay sinalubong na kami nina Terence, Lando at ang dalawang siguro ay mas matanda sa akin ng tatlo hanggang limang taon ngunit banaag sa kanilang mga mukha ang kapogihan. Siguro sila na sila Dok Mario at Dok Bryan.
                “Kumusta ang biyahe?” bungad ni Terence. Bineso niya ako. Nakita ko sa kaniyang mukha na tinitimbang niya kung kailangan ba niyang maging masaya o makidalamhati sa akin. Ngunit pilit kong pinasaya ang aking mukha. Buhay pa si Aris. Alam kong mabubuhay siya ng aking pag-ibig. Magpapagaling siya.
                “Ayos lang naman ang biyahe. Tinulugan nga lang ako ng anak ko.”
                “Anak mo Father? Paanong?” si Lando nagtataka. Nakita ko ang pasimpleng pagsiko ni Terence sa kaniya.
                “Huwag mo na daw siyang tawaging Father. Sinabi ko na sa iyo kagabi sa’yo ah. Aga kasing mag-ulyanin.”
                “Anak ni Aris. Bakit, hindi ba puwedeng anak ko na din?”
                “Ayy siya nga pala.” Si Terence. “Si Dok Mario pala saka ang butihin niyang asawang si Dok. Bryan. Ikinisal na ang mga iyan sa Thailand. Siya naman si Father Rhon, pero ayaw na niyang patawag ng father at kung bakit hindi ko alam. Siya yung kinukuwento ko sa inyo na kaibigan naming pari ni Lando.”
                “Hi!” matipid na bati sa akin ni Dok Mario. “Sa dinadami ng puwedeng sabihin sa introduction yung kasal pa talaga namin ang sasabihin.” Tinanggap ko ang kaniyang pakikipagkamay. Nakita ko din ang paglalahad ni Dok. Bryan sa kaniyang kamay. Tinanggap ko ito.
                “Dok Bryan ho” ulit niyang pagpapakilala sa sarili niya, “mabuti at nakilala ka na namin Father, este Rhon. Maraming kuwento si Jay-ar tungkol sa’yo.”
                “Sana mabubuting kuwento lang ho.” Biro ko. “Si Cgaris pala. Baka nabibigla na siya sa mga nasasaksihan niya ngayon.”
                Nagmano si Cgaris sa lahat at pinatuloy na kami sa loob.
                “Si Jay-ar?” tanong ko.
                “Naku nasa Manila. Busy sa trabaho at sa susunod na taon ikakasal na daw. Maiiwan na kami dito ng daddy niya sa bahay.” Si Terence habang inihahanda na ang kakainin namin.

                Napakarami ng nagbago sa lugar na kinalakhan namin ni Aris. Madaming trysikel ang naghihintay sa bukana papunta sa RA Kanlungan Falls Creek Resort. Naglikha tuloy iyon ng traffic. Tinanong ko si Cgaris…
“Kanino yang resort na iyan, anak?”
“Binili ni Mommy para sa inyo ni Daddy bago siya namatay. Iyan daw yung dating tagpuan niyo ni Dad. Inimprove ni Daddy at iyan ngayon ang pinakamagandang resort dito sa Northern Luzon.”
“RA Kanlungan? Bakit?” tanong ko.
“Hay naku dad, nakokornihan din ako dati pa pero kay Daddy naman iyan at hindi sa akin. R para sa Rhon at A para daw sa Aris at kanlungan dahil iyan daw ang kalungan ninyong dalawa hango na din sa theme song daw ninyong kanta na hindi mo naman pala alam na may theme song naman pala kayo.” Natatawa niyang kuwento. Korni na kung korni pero sapul na sapol ang puso ko. Si Aris talaga!
Pagdating namin sa resort ay namangha ako sa ganda ng lugar. Para itong paraiso. Naroon parin ang likas na ganda ng maliit na falls ngunit may mga swimming pool na tatlo malapit doon. May mga nakakalat ding mga bahay-kubo sa paligid. May palaisdaan na puwedeng mamingwit. Sa gitna ay may five storey building na sa baba ay isang restaurant at sa taas no’n ay isang hotel. Hindi puwedeng maligo sa falls dahil naprepreserve ang kagandahan daw nito. Nakita ko din ang punong mangga na binakuran ng namumulaklak na iba’t ibang kulay ng rosas. Naroon parin pala ang punong kinaukitan ng pangalan namin. Tuluyan ng nabura iyon sa balat ng puno ngunit ang alaala sa aking ng punong iyon ay matindi parin. Madaming mga parokyano. Hindi ko akalain na magiging ganoon kaganda ang lugar na iyon. Isa na palang milyonaryo ang lalaking dati ay naglilinis lang ng kumbento para makapag-aral.
Biglang pumailanlang ang kanlungan na kanta.

Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

“Alam niyang darating ako? Bakit naipatugtog iyan?” Tanong ko kay Cgaris
“Dad, iyan kasi ang nagsisimbolo na open na ang resort kapag pumapailanlang iyan.” Napatawa niyang sinabi.
“May ganu’n talaga? Nasaan siya, kailangan natin siyang puntahan sa kaniyang kuwarto. Samahan mo ako anak.” Pananabik ko. Sa totoo lang ay pinipilit kong pakalmahin ang aking sarili. Gusto kong magpakatapang para sa kaniya. Iyon ang kabilin-bilinan sa akin ni Dok Mario kanina bago kami umalis ni Cgaris. Kahit anong mangyari ay hindi ko kailangan magpakita ng kahinaan dahil sa akin daw siya huhugot ng lakas.
Dali-dali naming pinuntahan ang kaniyang maliit ngunit magarang bahay sa tabi ng hotel. Pagbukas namin sa kaniyang kuwarto ay walang tao doon kundi ang naglilinis na babae.
“Good morning sir.” Bati ng babae kay Cgaris.
“Si daddy?”
“Nasa labas po. Ayaw pong paawat e kahapon halos hindi siya makabangon dahil daw sa sakit sa bandang baywang niya hanggang sa likod. Namimilipi nga po sa sakit pero ngayon hayun lumabas na naman po.”
“Si daddy talaga. Ayaw makinig! Dad, dito na kaya muna kayo. Hahanapin ko pa si Daddy sa paligid dahil kahit maysakit iyon ay hindi parin napapapigil sa kakikilos sa paligid.”
“Paanong? Akala ko ba may kanser siya.”
“Hindi pa siya masiyadong iginugupo ng sakit niya Dad pero bumibigay na ang katawan niya. Noong nakaraang linggo nga napakataas ng kaniyang lagnat at hindi siya halos makalakad dahil sumasakit daw ang lower back niya.”
“Ibig sabihin ay ayaw niyang magpahinga kahit may nararamdaman na siya.”
“Kung hindi lang ho niya kaya doon lang siya nagpapahinga. Sandali ho muna at hahanapin ko.”
Minabuti ko na din munang lumabas  Dahil hindi pa nakakarating ang sasakyan nina Terence ay kailangan ko din silang hintayin sa labas at makihanap na rin ako kung nasaan si Aris.
Pinagmasdan kong muli ang talon. Nabighani ako sa kakaibang ganda nito. Hindi parin nagbabago. Hinubad ko ang sapatos ko at bumaba ako para magtampisaw sa lamig ng tubig ng falls. Tumingin ako sa puno ng mangga na sobrang tumayog pa ng husto. Kita ko na ngayon ang likuran nito na hindi ko nakita kanina. Sa silong nito ay nakita kong may nakatihaya sa damuhan. Mabilis akong umahon. Ilang dipa na lang nang mapagsino ko…si Aris. Parang hindi na nga humihinga.
“Cgaris! Ang daddy mo! Tumawag ka ng tulong! Cgaris!” sigaw ko. Nagmamadali akong lumapit sa kaniya. Isinigaw ko ang pangalan niya. Hindi ko na makontrol ang sarili ko. Hindi pa ako handang mawala siya. Gusto ko pang iparamdam ang pagmamahal ko sa kaniya Mabilis akong napaluhod sa ulunan niya. Huwag naman muna Diyos ko..
Nang bigla siyang bumangon at nag-umpugan ang aming mga ulo.
“Aray!” apuhap ko sa ulo ko.
“Rhon? Ayy, sorry…Father Rhon pala. Anong ginagawa mo dito?” Nagulat niyang sambit. Nakita ko din ang pag-apuhap niya sa noo niyang bumangga sa noo ko.
“Sa tingin mo, anong ginagawa ko dito. Sakit no’n ah. Akala ko kasi kung napano ka na. Kung bakit kasi dito ka pa sa damuhan mahiga. Milyonaryo ka naman na yata pero sa damuhan pa talaga.” Pagtataray ko. Parang naulit lang noong binatilyo lang kami.
“Ano ngang ginagawa mo dito?” gulat parin niyang tanong. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang dahan-dahang pamamasa nito hanggang sa naging butil ng luha.
“Kailangan pa bang tanungin mo ‘yun. Di ba hinhintay mo mo ako dito? Eto, andito na ako.”
“Paano? E, di ba nga pari ka na?”
“Bakit, hindi na ba ako puwedeng maging masaya sa alam kong tama at noon ko pa dapat ginawa? Gusto kong ikaw ang paglilingkuran ko. Gusto kitang makasama hanggang sa ating pagtanda. Iniwan ko na ang pagkapari baby ko.” Tumulo na din ang aking luha.
“Tumiwalag ka? Kaya mong talikuran ang pagiging pari dahil sa akin?”
“Oo naman.” Maluha-luha kong tugon.
Kinuha ko ang palad niya. Pumayat na nga siya. Halata na din na nagsisimula na siyang igupo ng pagtanda. Ngunit sa taong nagmamahal, hindi nito pinapansin ang panlabas na anyo ng mahal. Alam kong babalik din siya sa dati niyang kakisigan. Sa pagdaan ng araw, babalik siya sa dating guwapong Aris ko.  Niyakap ko siya. Hinanap ng labi ko ang labi niya. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa aking pisngi. Ayaw ko na sanang lumuha. Ito ang tama sa akin. Maaring mali sa karamihan ngunit tama sa aming dalawa.
“Kumuha naman kayo ng kuwarto sa taas. Dami nating bakanteng kuwarto. Kakahiya sa mga guests. Ako naiintindihan ko lang, e sila kaya?” natatawang pang-aalaska ni Cgaris na kanina pa pala nakamasid.
“Tara na nga sa loob at madami tayong pag-uusapan” akbay niya sa akin ngunit paika-ika siyang humakbang. Parang hirap siyang maglakad.
                Hanggang sa isang hakbang ay nahirapan na siyang kumilos pa. Namilipit sa sakit.
                “Daddy!” mabilis si Cgaris na alalayan siya bago tuluyang mapasalampak sa damo. Nanlamig ang buo kong katawan. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang mukha dahil sa sakit.
                “Aris! Alin ang masakit. Anong gagawin ko. Diyos ko tulungan mo kami!” natataranta na ako.
                Biglang dumating sina Terence, Lando, Dok Mario, Dok Bryan at may isa pang lalaking nagmamadaling kinarga siya. Sumunod kaming lahat. Alam na alam ng lalaki ang kaniyang ginagawa. Mula sa paglatag sa kaniya sa higaan nito hanggang sa pagpapainom sa kaniya ng gamot at ang pagplay niya sa CD player na nasa malapit ng kama ni Aris.
                Muling pumailanlang ang kantang Kanlungan.

Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?

                Ilang sandali pa ay tumigil na ang kaniyang pag-ungol. Hawak ko siya sa kamay. Lumuluha ako dahil sa pagkabigla at takot. Muli ko siyang pinagmasdan na noon ay nakapikit na. Lumuwang ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Ngunit humihinga siya.
                “Epekto iyan ng gamot na ibinigay sa kaniya ng doctor sa bayan kung ganiyang inaatake siya sa sakit niya.” Sabi ng lalaki. “Jinx nga po pala. Kaibigan ni Aris. “You must be father Rhon?” nilahad niya ang kaniyang kamay.
                “Just Rhon po.” Sagot ko. “Sina Dok Mario at Dok Bryan, sila ang titingin sana sa sakit ni Aris.” Pagpapakilala ko. Nagkamayan sila.
                “Patingin nga ho ‘yung mga diagnosis sa kaniya ng doctor na pinagkonsultahan ninyo noong una at ang kaniyang mga niresetang gamot?” si Dok Mario.
                Mabilis na ibinigay ni Jinx ang mga ito.
                “Sige sa labas na muna kayo para makita namin ni Bryan ang pasyente at baka maaring maghanda na din tayo ng sasakyan na magdadala sa kaniya sa clinic namin sa Manila. Puwede pa naman siguro tayong makahabol ng biyahe sa eroplano going Manila. Mag-usap tayo mamaya Rhon at Jinx pagkatapos namin siyang masuri.”
                Lumabas kami ni Jinx. Naabutan naming sa labas si Cgaris na umiiyak habang pinapakalma nina Terence at Lando. Alam kong hindi niya kinakayang makita ang kaniyang ama sa ganoong kalagayan.
“Totoo lang Rhon. Naririndi na ako diyan sa Kanlungan na ‘yan. Kung ganiyang inaatake siya ‘yan ang paulit-ulit niyang pinapakinggan. Iyan daw kasi ang kantang para lang ginawa sa inyong dalawa. Nakaramdam daw siya ng kaginhawaan tuwing naririnig niya iyan. Mahal na mahal ka ni Aris. Sana alam mo iyon Rhon.”
                “Alam ko Jinx. Kaya ako narito ngayon para ayusin ang pagkakamaling iyon.”
                “Ilang beses na namin iyan gustong dalhin ni Cgaris sa Manila para sa operasyon ngunit paano daw kung magawi ka dito at wala siya. Baka nga lang daw minsan lang ang pagkakataong magawi ka rito tapos wala pa siya. Paano pa kayo muling magtatagpo? Araw-araw umaasa siya. Tuwing umaga nakahiga siya doon sa likod ng punong mangga. Ako iyong napapaiyak sa tuwing babalik siya dito sa kaniyang bahay at bigo. Ngunit paulit-ulit parin niyang ginagawa iyon kahit mahina na ang kaniyang katawan. Alam daw niyang malapit ka ng darating. Kahit alam kong siya man din ay nauubusan na ng pag-asa. Hangga’t mahal ka daw niya ay hindi siya sumusuko. Dadalawin mo daw siya at kung mangyari iyon, handa na niyang isuko ang kaniyang buhay.”
                Ang kuwentong iyon ni Jinx ang parang lalong nagpabigat sa dibdib ko. Napakadakila ng kaniyang pagmamahal. Parang hindi ko kayang tapatan ang pagmamahal na iyon.
                Lumabas si Dok Mario sa kuwarto. Hinanap niya ako at saka si Cgaris.
“Hindi ko alam kung anong stage na ang testicular cancer niya. Kailangan na natin siyang dalhin sa clinic namin para macheck-up natin. Taman-tama may kasama kaming magaling na urologist sa clinic namin sa Makati. Kailangan niyang dumaan sa inguinal orchiectomy kung saan kailangan nating tanggalin ang isang testicle niya para hindi na lalong kumalat pa ang cancer. Nagtataka ako kung bakit hindi agad siya nag-undergo ng operasyon para hindi na sana lumala pa.” paliwanag ni Dok Mario.
“Ayaw ho niya kasi dati pero siguro kayang-kaya  ni Dad Rhon na kumbinsihin siya ngayon na mag-undergo na sa operasyon. Saka kinahihiya po yata niya na may sakit siya sa bandang bahagi ng maselan niyang katawan.”
“Ibig sabihin dok kung tatanggalin ang may cancer niyang testicle, gagaling na kaya siya? Hindi kaya kumalat na ito sa kaniyang katawan? Paano po kung sakaling matanggalan siya no’n may pag-asa pa bang…” hindi ko alam kung kailangan kong tanungin ang bagay na iyon lalo pa’t kaharap ko ang kaniyang anak. Ngunit alam kong nakuha ni Dok ang ibig kong tumbukin.
                “Para hindi bastos ang dating ipaliliwanag ko sa iyo Rhon, many men worry that losing one testicle will affect their ability to have sexual intercourse or will make them sterile or impotent. But a man with one healthy testicle can still have a normal erection and can still produce sperm. Kaya kung sakaling maging successful ang operation niya ay huwag kang mag-alala. Magiging happy pa din ang sexlife ninyo.”
                “Hilig talaga ni Dad oh! Nahihirapan na at hindi na nga natin alam kung kakayanin pa ni daddy kung malalagpasan niya ang kanser niya pero iyon parin talaga ang natanong?” naroon na naman ang ngiting nang-aasar.
                Sa kabila ng bigat ng aming dinadala ay naging dahilan iyon na pangitiin at patawanin ang mga kanina pa ninenerbiyos nang makarinig ang sinabi ni Cgaris. Mahilig nga ba talaga ako?
                Lumabas sa kuwarto si Dok Bryan. “Jinx at Cgaris, tawag kayo ni Aris sa loob. May sasabihin daw siyang importante sa inyo.”
                Nang araw na iyon din ay dinala na namin si Aris sa Manila. Madali ko din naman siyang napapayag at dahil kilala din naman namin ang Doktor na mag-oopera sa parte ng kaniyang ari ay mas naging panatag na siya. Nagpaiwan na sin a Jinx, Terence at Lando.
                Pagkatapos ng ilang test ay tuluyan na ngang nag-undergo si Aris sa orchiectomy. Hindi ako mapalagay noon. Lalo pa’t sinabihan ako ni Dok Bryan na hindi pa sigurado na malulusutan niya ang operasyon pero kailangan lang daw naming magtiwala at magdasal sa Diyos. Taimtim akong nagdarasal na sana ay malagpasan ni Aris ang kaniyang operasyon. Pabalik-balik ako sa pintuan ng operating room. Hindi ako mapakali. Nanginginig ako. Hindi pa ako handing tuluyang mawala siya sa akin.
                Nagdadasal ako nang tumunog ang cellphone ko. Si Tito ang tumatawag. Hindi ko muna ito sinagot. Pagkatapos kong nagdsala sa Chapel ay muli kong pinuntahan ang operating room. Alam kong tapos na noon ang operasyon pero nagtataka ako dahil hindi parin nila ako tinatawag para balitaan. Alam ko ding galing na din sa loob ng operating room si Cgaris dalawang oras na nga ang nakakaraan. Hindi ko lang din muna nakausap dahil naging abala siya at ako naman ay taimtim ding nagdadasal. Gusto kong makita sana si Aris kung naging successful ba ang operasyon. Kahit man lang sana makibalita ngunit bakit parang pati si Dok Mario ay hindi ko mahagilap. Pinuntahan ko si Cgaris na noon ay katatapos lang nila mag-usap ni Dr. Bryan. Malapit na ako nang biglang may kinausap si Cgaris sa phone. Nang makalapit ako ay ibinigay niya agad sa akin ang celphone niya.
                “Dad, si monsignor, tito niyo, kanina ka pa daw niya tinatawagan hindi ka sumasagot.”
                “Mamaya na. Ako na lang ang tatawag. Ano kumusta na daw ang Daddy mo?” tanong ko.
                Hindi na niya ako sinagot. Binigay niya sa akin ang cellphone niya. Minabuti kong kausapin na din lang si Tito.
                “Rhon anak. Kailangan ka na dito ngayon makausap para sa resignation mo. Please para matapos na ito. Pinatatawag ka na sa akin.”
                “Tito hindi ho ba puwedeng sa ibang araw na lang. Nasa hospital pa po si Aris. Operasyon niya ngayon.”
                “Nandito na kasi silang lahat. Sasaglit ka lang.”
                “Tito naman…”
                “Dad sige na. Puntahan mo na lamang muna ho kung anuman iyon. Ako na ang bahala muna dito. Balitaan ho kita agad. Tatawagan po kita.”
                Tumingin muna ako kay Cgaris. Napabuntong-hininga ako. Sobrang ayaw ko talagang iwan si Aris. Hindi ko na gustong magkalayo pa kaming muli lalo pa’t alam kong mas kailangan niya ako ngayon.
                “Dad, please. Nandito naman ho ako saka sina Dok Mario at Dok Bryan. Hindi namin pababayaan si Daddy. Para matapos na ho kung anuman ang problema ninyo. Balitaan ko ho kayo.”
                Dahil doon ay nagpasya na akong puntahan si tito kahit pa sobrang labag sa kalooban ko. May kalayuan din naman ang sinabi niyang lugar kaya ako napilitang puntahan siya. Nagtataka talaga ako at kailangan ko pa silang puntahan. Pwede naman sana ipagpabukas na lamang. Wala pa naman ang sasakyan ko dahil sumakay kami ng eroplano mula Tuguegarao hanggang Manila kaya naipit na ako sa sa sobrang bigat ng traffic.
                Nang makarating ako sa sinabi ni titong address ay halos alas-diyes na ng gabi. Si tito lang ang nadatnan ko. Dahil daw sa matagal akong dumating ay bukas na lang ng umaga magkita-kita para pag-usapan ang pagtiwalag ko. Gusto kong bumalik agad sa hospital ngunit sinabi ni tito na mabuti pa ma’y kumain muna ako dahil sobrang stressed na daw ang hitsura ko. Naisip ko, kaninang agahan pa ang huli kong kain. Kina Terence pa at ang huli kong tulog ay noong isang araw pa. Mahigit 48 hours na akong walang pahinga at tulog. Pagkakain namin ay sinubukan kong kontakin si Cgaris ngunit hindi siya sumasagot. Pumasok muna ako sa kuwarto ni tito at sinubukang makapikit kahit isang oras lang dahil nararamdaman ko na ang sakit ng aking ulo at bigat ng aking katawan. Pagkagising ko mamaya ay babalik na ako sa hospital.Naisip kong subukan na lang din mamayang tawagan muli si Cagaris pagkatapos kong maidlip.
                Isang tawag ang gumising sa akin. Papungas-pungas kong kinuha ang cellphone ko.
                “Hello” matamlay kong sagot. Mabigat parin ang talukap ng aking mga mata.
                “Dad, si daddy!” boses ni Cgaris. Biglang parang bumalik ako sa katinuan. Nawala ang antok ko.
                “Anong nangyari sa daddy mo?” tanong ko. Nakaupo na ako noon at kinakabahan.
                “Iniuwi na ho siya namin. Kailangan niyo na hong umuwi dito. Nakapagpareserve na ako ng tiket ninyo sa eroplano ni Monsignor.”
                “Anong nangyari kay daddy mo? Please anak. Sagutin mo ako.”
                Hindi siya sumagot ngunit narinig ko ang kaniyang mga hikbi. Umiiyak siya. Hanggang naputol na ang linya. Sinubukan kong muli siyang tawagan ngunit hindi na sumagot pa.
                Nanghina ako. Napaluhod at humahagulgol. Humingi ako ng tulong sa Diyos. Sana mali ang iniisip ko. Bakit sadyang napakailap sa amin ang kaligayahan. Ito ba ang kaparusahan ko sa mga nagawa kong kasalanan? Bakit si Aris pa? Bakit hindi na lang ako. Sana Diyos ko ako na lang!
                Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni tito sa likod ko.
“Kailangan mo nang maghanda. Inuuwi nila si Aris anak. Susunod na lang tayo doon. Magpakatatag ka. Kaya mo ‘yan.”
                Hindi ako makapagsalita dahil sa hagulgol ko. Nahihirapan akong huminga. Sinasapo ko ang aking dibdib. Binigyan niya ako ng tubig at pilit kong pinakalma ang sarili ko. Pari ako noon. Alam ko ang dahilan ng pagpanaw ng isang tao. Naiintindihan ko ang pagkamatay ng bawat isa sa atin. Iyon ay kagustuhan ng Diyos at wala tayong karapatang suwayin siya kung kailan niya gustong bawiin ang buhay na ipinahiram sa atin. Ngunit tinatanong ko Siya, bakit si Aris pa. Sana ako na lang.
                Nang mahimasmasan na ako ay tinignan ko ang oras. Mag-aalas tres na ng hapon. Kailangan na naming pumunta ni Tito sa airport para mahabol ang biyahe. Walang tigil ang aking pagluha. Wala ako sa aking sarili kaya ang matandang tito ko ang siyang sinusunod ko noon. Para akong nasisiraan na ng ulo. Sana hindi ko siya iniwan sa hospital. Sana nabantayan ko siya sa huli niyang sandali.
                Si Jinx ang sumundo sa amin sa airport. Napakarami kong tanong kay Jinx ngunit hindi ko alam kung bakit hindi niya ako masagot. Inisip ko na din lang na siguro katulad ko din siya na hindi pa lubusang natatanggap ang bilis ng mga pangyayari lalo pa’t umasa kami na malulusutan padin niya ang operasyon. Mahigit dalawang oras din ang byahe mula Tuguegarao hanggang sa resort. Madilim na nang dumating kami doon. Walang ilaw ang buong resort. Nagtaka ako. Nasaan ang bangkay ni Aris?
                “May dadaanan lang tayo Rhon. Bumaba ka muna. Didiresto na tayo mamaya sa… sa…”
                “Sa burol ni Aris?” pagpapatuloy ko. “Bakit hindi ninyo masabi iyon? Natatakot kayong masaktan ako?” nagsisigaw na ako. Sumasabog na kasi ang dibdib ko. Hindi ako makahinga. Minabuti kong bumaba sa sasakyan at pilit huminga ng huminga ng malalim.
                Nang biglang pumailanlang ang kantang “Kanlungan.” Kasabay niyon ng pagbukas ng iba’t ibang kulay ng ilaw.
                “Surprise! Happy Birthday!”
                “Happy birthday, anak.” Bigla akong niyakap ni tito. Hindi ako nakakilos. Parang sa sobrang pagkagulat ko sa mga nangyayari ay nawala na ako sa katinuan.
                “January 9 ba ngayon tito?” tanong ko. Sa dami ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na alam na birthday ko na pala.
                “Oo anak. Si Ari sang nagplano sa lahat. Nauna na sina mama, papa at mga kapatid mo dito. Kagabi pa sila bumiyahe pauwi dito. Pasensiya ka na anak. Pinakiusapan lang ako.”
                “Nakakainis kayo tito. Andami ninyong nililihim sa akin!” pagmamaktol ko.
                Hindi na nagsalita si tito. Hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.
                “Hanggang natagpuan ko na lamang ang sarili kong niyayakap ako ni Papa, ni Mama, ni Terence, Lando, Jay-ar, Dok Mario, Dok Bryan at dalawa kong kapatid.” Hanggang parang hindi ko na kayanin kaya napaluhod na lang ako at napapaiyak. Nangangatog na ang aking mga tuhod. May humawak sa aking kamay. Inalalayan niya akong tumayo at nakita ko ang isang mukhang hindi ko inaasahang makita doon…si Alden… nakangiti sa akin. Bakas sa mukha niya ang kakaibang saya.
                “Maligayang kaarawan Rhon. Ngayon na ako naniniwala kung gaano ka kamahal ni Aris. Kahit pa bago ang operasyon niya ay nagawa niyang kausapin sina Jinx, Cgaris, Lando at Terence na ayusin ang birthday mo. Masaya akong malaman na sa wakas muli mong nahanap ang lalaki para sa’yo.”
                “Salamat, Den.”
                 “Happy Birthday and congratulations, Rhon. Friends?” nilahad ni Jasper ang kaniyang kamay.
                “Friends.” Sagot ko habang mainit kong tinanggap ang kaniyang palad.
                Pumailanlang ang happy birthday at nakita ko ang masayang mag-ama kong palapit sa akin. Tinutulak ni Cgaris ang wheel chair ng daddy niya. Hawak-hawak ng nakangiting si Aris ang aking birthday cake na may nakalagay na “Happy 39th Birthday baby ko!”
                “Blow the candle dad!” sigaw ni Cgaris nang makalapit na sila sa akin.
                “Salamat” niyakap ko siya, “Pero marami tayong pag-uusapan mamaya.” Banta ko sa kaniya.
                “Bakit ako? Si daddy ang may pakana sa lahat hindi ako ‘no. Sumunod lang naman ho ako sa mga pinagawa niya mula nang sinabi nina Dok Mario na mabilis lang ang operasyon at puwede na siyang lumabas kaagad. Saka bakit ako lang ‘e lahat naman sila nakiisa dito. Hindi lang ho ako, Dad.”
                “Huwag mo ng pagalitan yung bata, baka mamaya maglayas ‘yan. Blow mo na candle mo baby!” si Aris. Kahit alam kong mahina pa siya at masakit pa ang operasyon niya ay kinakaya niyang hawakan ang cake. Nanginginig na nga lang dahil siguro nanghihina pa siya.
                Pagka blow ko sa candle ay sumingit ang mga kaibigan kong mga alanganin. Sinimulan ni Lando ang pagsigaw ng Kiss! Hanggang nagsunuran na rin sina Terence, Dok Mario, Dok Bryan, Jasper at Alden.
                “Papa! Tito! Kiss daw oh?” paalam ko sa kanila.
                “Malaki ka na anak. Kaya mo na ‘yan.” Sigaw ni papa. Nagpalakpakan ang lahat.
                Hinalikan ko si Aris at muling naramdaman ko ang saya. Sayang parang noong labinlimang taong gulang pa ako. At alam ko, kamatayan na lamang ang tanging makapaghihiwalay sa amin ni Aris. Hinding hindi ko na siya iiwan pang muli. Sa wakas ay alam kong natagpuan ko na ang ligayang matagal ko ng hinahanap. Hinding-hindi na ako muli pang luluha. Hinding hindi ko na din sasaktan at iiwan ang lalaking mahal na mahal ko. Kahit ano pang darating na pagsubok, hindi ko na isusuko pang muli. Hinding-hindi na ako luluhod sa sobrang pighati at paghingi tawad.
Note from Dr. Mario Bautista:
Ang testicular cancer ay isa sa mga kanser na madaling magamot kung ito ay naaagapan. Ang inguinal orchiectomy na operasyon para matanggal ang may cancer na testicle ay hindi katulad ng ibang operasyon na matagal ang healing period o kailangan mong maratay sa hospital.Puwede ng ilabas ang pasyente sa hospital kung matagumpay ang operasyon at hindi naman ito dinudugo. Ang cancer ni Aris ay hindi pa gaanong kumalat kahit na nagkakaroon na ng kumplikasyon tulad ng kaniyang panghihina at iba pang mga sintomas na nabanggit sa kuwento.
WAKAS

MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG MGA SUMUBAYBAY. SA MGA NAINIS AT NAGALIT KAY RHON. NAIS KO PO SANANG HILINGIN ANG INYONG KOMENTO SA IBABA PARA HO GANAHAN TAYONG MAGSULAT. POSITIVE OR NEGATIVE COMMENTS ARE MOST WELCOME.


FOLLOW HIM ON :
Facebook of the Author:
https://www.facebook.com/joemar.ancheta

Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: Nang lumuhod si father (Chapter 21) Huling Kabanata at Huling Bahagi
Nang lumuhod si father (Chapter 21) Huling Kabanata at Huling Bahagi
kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgBJnNM0_UDFi2COmMTJFchs6hgguTr7_J2gQSSPvKoc5jzVeEH6v0i0POWflikhD4C2uPXoOp75OV64Y4G60TpTKyRxvfSQfzWrQRI05KpGwA_kDII8Zx-JsO1czaHsJtCZ0RIsqSLWUY/s400/Nico+Cordova+of+Masculados+Dos_thumb%255B1%255D.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgBJnNM0_UDFi2COmMTJFchs6hgguTr7_J2gQSSPvKoc5jzVeEH6v0i0POWflikhD4C2uPXoOp75OV64Y4G60TpTKyRxvfSQfzWrQRI05KpGwA_kDII8Zx-JsO1czaHsJtCZ0RIsqSLWUY/s72-c/Nico+Cordova+of+Masculados+Dos_thumb%255B1%255D.jpg
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/nang-lumuhod-si-father-chapter-21.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/nang-lumuhod-si-father-chapter-21.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content