kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
by: Joemar Ancheta
Una pa lamang ay alam ko nang may babae sa buhay ni Mark ngunit lahat ay tinanggap ko. Kinaya kong intindihin nang una dahil alam ko kung ano lang ang hangganan ng aming relasyon lalo pa at masyado kong iniingatang madungisan ang pagkatao ko sa unibersidad na aking kinabibilangan. Hindi ko alam kung minahal din talaga ako ni Mark dahil halos araw- araw kaming magkasama. Ipinaramdam niya sa akin na mas gusto niya akong kasama kaysa sa nobya niya. Kung magkasama kami ay pinapatayan niya ang tawag ng kaniyang nobya at hindi sinasagot ang kaniyang mga text messages. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na ako ang mahal niya at hindi ang babaeng iyon. Lahat ng hiniling ko ay ginagawa niya. Nang sinabihan ko siyang ayaw kong nakikitang magkasama sila ng nobya niya ay sinunod niya. Lalo akong nahulog sa higpit ng yakap at init ng kaniyang mga halik. Nilasing niya ako ng masasayang sandali at binusog ako ng kakaiba niyang pagmamahal. Lango ako sa matatamis niyang mga pangako at nahilo ako sa walang humpay niyang pagsinta hanggang hindi ko na nga kilala pa kung sino ako. Tanging emosyon na lamang ang tumatakbo sa buo kong pagkatao. Hindi nakayanan ng aking utak ang sigaw ng aking puso. Tuluyang ikinubli ng aking emosyon ang aking dunong.
Tatlong buwang tuluyang hinigop ng mapagkunwaring pagmamahal ni Mark ang lahat nang sa akin. Hanggang bigla na siyang nanlamig at halos hindi na kami nagkakasama. Sa tulad kong naghihingalo sa sinambang pagmamahal, hindi ganoon kadaling tanggapin ang pagkatalo. Kung kailan ko nakikitang magkasama sila ng nobya niya ay noon ko lang napagtanto na hindi ako ang minahal niya kundi ang dunong at pera ko. Bakit kung kailan ko nahahalatang iniiwan na ako ay saka lang unti-unting nasilayan ang tunay na kulay ng taong minahal ko? Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi ko nakayanang harapin ang nararapat at tapusin ang lahat noong nalaman ko na ang tunay niyang balat? Dahil ba sa umaasa akong totoo lahat ang mga ipinadama niya noong masaya pa lang kami? Dahil ba sa naranasan kong kaligayahan at ayaw kong mawala iyon sa akin ng ganoon lang kadali? Dahil ba siya ang laman ng aking puso at ang kaisa-isang dahilan para ako’y ngumiti? Dala ng matinding pagseselos ay hindi ko napigilang awayin ang nobya niya na naging dahilan ng malaking eskandalo sa buhay ko. Ang pagkakamaling iyon ay naging daan ng pagkawasak ng pangalan ko na nagbunga ng maitim na lamat sa aking pagkatao.
Pinagtalikuran ni Mark na may relasyon kami at sinabi niyang ilang beses ko siyang pinagsamantalahan, tinakot at kung anu-ano pang mga kasinungalingang hindi ko ginawa. Noon ko napatunayan na kapag ang batang instructor na nakakikitaan ng potensiyal na makakaposisyon sa taas balang araw at nagiging tanyag sa mga panahong naiaangat ang unibersidad ay kailangang mag-iingat dahil sa isang pagkakamali, ang lahat ng mga bumabati sa iyong kahusayan at ang mga nasa taas na takot malagpasan ang didiin sa iyo pababa hanggang wala kang lakas pang bumangon. Kung sino ang alam mong siyang dedepensa sa iyo ay siyang magiging kalaban lalo pa’t nakikita na isa kang katakot-takot na katunggali sa kaniyang sariling departamento pagdating ng panahon. Kinampihan ng aming Dean ang mga istudiyanteng bumaliktad sa lahat ng pangyayari. Walang nagawa ang ilang mga kasama kong sumoporta sa akin. Hindi ko na hinintay pang patalsikin ako. Kasabay ng paggawa ko ng resignation letter ang pagbuhos ng aking luha. Ang lahat ng aking pinaghirapang abutin ay parang kastilyong buhangin na sa pagdating ng isang malakas na alon, ang lahat ay tuluyang nabuwag. Hindi sapat ang tatlong buwang kasiyahan sa piling ni Mark na kapalit ng tatlong taon kong iningatan at pagpapatayog sa minahal kong propesyon. Sa paglisan ko sa unibersidad na iyon, nakita ko kung paano ako minahal ng halos lahat ng aking mga naging istudiyante. Napaluha sila sa paligid ko at binoykot nila ang klase ng mga instructors, department head at dean na siyang dumiin sa kaso ko. Wala akong pinuwersang tao at kung may naapakan man ako o nasaktan, iyon ay dahil tao din akong marunong magmahal. Nakalimutan kong hindi lang pala mahalaga kung ano ang nararamdaman kundi kung ano ang nararapat.
Subalit sadyang hindi minsan natututo ang puso. Hindi nadadala sa pasakit ng likha ng pag-ibig. Nawalan ako ng trabaho ngunit hindi ko muna binalak magkaroon muli sa mga sandaling iyon. Ang mali ko lamang ay hinayaan kong muling magmahal ang puso ko at masaktan.
Dumating si Bryan sa buhay ko. Tinulungan ko siyang makapag-aral. Tumira kami sa iisang apartment. Dahil sa wala akong trabaho kaya lahat ng mga gawaing-bahay ay ginawa ko. Ipinaglalaba, ipinagluluto at lahat ng ginagawa ng asawang naiiwan sa bahay ay ginawa ko sa kaniya. Ang kaibahan nga lamang ay sa akin galing lahat ng perang panggastos at lahat ng kailangan niya mula ulo hanggang kalingkingan ng paa. Lahat ng maibigan niya ay pilit kong ibinigay. Naging mas mahalaga siya sa kahit sino pa na miyembro ng pamilya ko. Sa kaniya umikot ang buong araw ko. At pagkalipas ng anim na buwan ay hindi ko namalayang naubos na ang perang inipon ko nang ako’y kumikita pa lamang. Lahat ng puwedeng pagkakakitahan ay ginawa ko para lamang may pantustos ako sa kaniyang pag-aaral at sa kakainin namin araw- araw. Tumanggap ako ng mga puwedeng gawin sa apartment habang wala akong ginagawa tulad ng paggawa ng mga reaction papers, research papers, encoding, thesis at lahat na ng mga hindi kayang gawin ng mga tamad o bobong istudiyante ay ginawa ko kapalit ng mga baryang bayad nila sa akin. Nanonood ako ng sine hindi dahil sa gusto kong maglibang kundi maghanap ng mga parokyanong puwedeng bumili sa aking serbisyo. Hindi man ako katangkaran ay maskulado naman ang aking pangangatawan, idagdag pa dito ang lalaking- lalaki kong tindig. Kung sa mukha din lang ay madami din akong patataubin at sa kulay ng balat ay hindi masasabing napakaputi at hindi din masabing kayumanggi. Ang mga katangian kong ito ang naging dahilan kung bakit marami ang nagkagusto sa akin kahit pa ang katapat ay pera. Walang nagawa ang mga diploma ko dahil hindi nito napataob ang mga mali kong nakahiligan. Hinuhuthutan ko ang mga matatandang alanganin kabilang na dito ang isang dean sa isang state university, isang manager ng GSIS at ilang mga mayayamang negosyante. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit sila nagkaroon ng asawa. Paano nila nasisikmura iyon samantalang masahol pa sila sa gutom na asong hindi kumain ng ilang araw kung ihahain ko ang sarili ko sa kanila kapalit ng pera at mga gamit na ibinibigay sa akin. Hindi alam ni Bryan ang tungkol sa pagbebenta ko ng katawan para may makain lang kami, pambayad ng renta sa apartment, kuryente at tubig. Hindi siya nagtanong kung saan galing ang mga pinapambili niya ng mga mamahalin niyang gamit, alawans at pambayad sa kaniyang matrikula. Sa tuwing pumapasok siya sa kaniyang klase ay abala naman akong magpaligaya sa iba para pag- uwi niya ay may masarap na pagkain na nakahain sa aming mesa. Subalit sa kabila ng lahat na ginawa kong iyon ay mailap parin ang suwerte ng pagmamahal sa akin. Huli na ng malaman kong may nabuntis siya. Lahat ng mga ibinibigay ko sa kaniya ay ibinibigay din niya sa nabuntis niya. Sa mga araw pala na sinasabi niyang magbabakasyon at matutulog siya sa bahay nila ay sa babae siya pumupunta. Sa katulad kong niloko ay hindi maiwasang magwala ngunit ang kapalit niyon ay isang malakas na suntok sa mukha at mga ilan ding sipa sa buong katawan. Binugbog niya ako dahil sa aking natuklasan. Gusto ko siyang palayasin sa mga sandaling iyon subalit nasanay na akong kasama siya sa walong buwan. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayaning mawala siya sa piling ko kaya kahit gaano kasakit pa sa akin ay kinaya kong intindihin muna. Sinikap kong kayanin ang lahat huwag lang siyang mawala sa akin. Tatlong linggo din akong nagtiis. Sa tuwing hindi siya natutulog sa apartment namin ay alam kong doon siya sa babae niya nagpapalipas ng gabi. Sa tuwing humihingi siya ng pera sa akin ay alam kong lahat iyon ay para sa babae niya.
Alam kong walang karapatan ang tulad ko na papiliin ang tunay na lalaki, ako ba na alanganin o ang babaeng makapagbibigay sa kaniya ng anak. Subalit ginawa ko iyon para matapos na lahat ng paghihirap ng kalooban ko. Alam kong hindi ako ang pipiliin niya ngunit nasaktan parin ako sa sinabi niyang kahit kailan daw ay hindi siya puwedeng magmahal sa baklang katulad ko. Kahit kailan daw ay hindi niya pinangarap na makisama sa akin ng habang-buhay. Naibibigay daw niya sa akin ang kaniyang katawan sa tuwing gusto ko subalit hindi ang kaniyang puso at kaluluwa. Ang guwapong mukha ng lalaking minahal ko ay parang isang diyablong may matatalas na pangil na handang lumamon sa akin. Nagpagulong- gulong kami. Lakas sa lakas. Gusto ko siyang patayin dahil sa ginawa niyang panloloko sa akin. Hinayaan kong umagos ang aking mga luha. Ang pagluha ay nauwi sa matinding paghagulgol.
Nang ako’y mahimasmasan sa matinding galit, lahat ng kaniyang mga damit, sapatos at iba pang nabili kong kagamitan niya ay inipon ko sa isang malaking karton. Lahat ng mga nakasuot sa kaniya na binili ko ay pinahubad ko. Gusto kong umalis siya katulad nang dumating siya. Walang-wala siya nang dumating at gusto kong lilisan siyang walang-wala din. Hindi ko siya binigyan ng kahit pamasahe man lang. Kasabay ng paglisan niya ang pangakong binitiwan ko sa aking sarili na maghihiganti ako sa kahit anong paraan. May mga araw noon na gusto niyang balikan ako ngunit nanatili nang sarado ang puso ko sa kaniya. Para ano pa? Para muli niyang akong gamitin? Ngayong naghihirap siya ay gusto niyang damputin ko siya at kapag nakatuntong na siya sa akin ay gusto niyang siya ang magpapaikot sa buhay ko? Gusto niyang bumalik para ako ang bubuhay sa binuo niyang pamilya? Hindi ko na pinakinggan pa ang pakiusap niya. Hindi na ako naniwala pa sa kaniyang mga pambobola. Sa ginawa niya, naglaho na ang tiwala ko kaya lahat ng lumalabas sa kaniyang bunganga ay parang lason na nakamamatay sa kahit sinong makaaamoy. Tumigil lamang siya nang dumating si Kit bilang unang biktima ng aking paghihiganti.
Kabilang si Kit sa aking mundo. Tulad ko, isa din siyang paminta ngunit sa relasyon namin, ako ang lalaki, ako ang nasusunod, ako ang pinagsisilbihan at ako ang binibigyan. Lahat ng maibigan ko ay gusto kong ibigay niya. Lahat ng ginawa sa akin nina Mark at Bryan ay ginawa ko sa kaniya. Ilang beses ko siyang pinaiyak at sinaktan subalit naroon parin siyang handang dumamay at magmahal. Hindi nagbago ang pagtingin sa akin kahit paminsan-minsan ko lang ipinadama sa kaniya na gusto ko siya. Ang pagkagustong iyon ay nagbuo ng maliliit na butil ng pagmamahal. Sa mga ipinadama niya sa akin na pagtanggap at pag-aasikaso ay naging daan para tuluyang bumigay ang tibok ng puso ko sa kaniya. Tatlong buwan siyang nagsakripisyo sa lahat ng mga pagkukulang ko. Tatlong buwang nagtiis sa lahat ng kalabisan ko at nang tuluyan niyang nabura ang naipon sa dibdib ko na paghihiganti ay siya niya namang pagsuko. Tatlong araw siyang hindi nagpakita sa akin. Hindi ko na din makontak pa ang kaniyang number. Nalaman ko sa matalik kong kaibigan na nakita niya itong may kasamang iba. Pinuntahan ko siya sa bahay nila sa araw ding iyon at totoo nga ang nakarating sa akin na balita. May iba na siyang mahal dahil hindi na niya nahintay pa ang araw na maipadama kong mahal ko din siya. Umalis kami sa bahay nila dahil ayaw niyang malaman ng mga magulang at kapatid niya ang tunay niyang pagkatao. Para akong asong bumubuntot sa kahit saan siya pumunta. Humihingi ako ng kapatawaran. Humingi ako ng isa pang pagkakataon. Lahat ng pupuwede kong ipangako sa kaniya ay sinabi ko. Lumuhod ako sa harapan niya at umiyak ngunit lahat ng pagmamakaawang iyon ay hindi na niya tinanggap pa. Nawala na daw ang pagmamahal niya sa akin. Hindi ako naniwala. Sa tatlong araw ay ganoon lang ba kabilis mawala ang pagmamahal? Kung saan-saan kami nakarating. Ayaw ko siyang mawala sa akin. Sa kaniya ko lang naramdaman ang mahalin ng ganoon katindi at natatakot ako na kung mawala ko siya ay hindi na ako muli pang makatagpo ng katulad niya. Kung maari sana ay ayaw ko na muli pang maiwan. Bumalik kami sa bahay nila at noon ko naranasan ang isang karanasang hindi ko makalilimutan. Pinapasok niya ako sa kaniyang kuwarto at hinubaran ako. Hinayaan ko siya. Pagkatapos ay sumigaw siya ng ubod ng lakas. Magkatabi lang sila ng kuwarto ng kuya at ng mga magulang niya kaya agad nilang narinig ang sigaw na iyon. Nagwawala siya nang hindi ko alam sa anong kadahilanan. Pinigilan ko siya ngunit sinuntok niya ako sa mukha. Nagpagulong- gulong kami dahil gusto ko siyang pigilan sa ginagawa niyang pananakit sa akin. Nagsimulang kumalabog ang pintuan hanggang bigla itong bumukas. Dahil sa pagkabigla ay parang umikot ang takbo ng aking mundo. Pinagtulungan akong bugbugin ng kuya at papa niya. Suntok, sipa, dagok. Sinabi niyang binalak ko daw siyang pagsamantalahan. Sinabi niya sa kanilang pinupuwersa ko siyang makipagtalik sa akin. Noon ko muling narinig ang katagang kinaiinisan kong marinig mula sa tito ko. Salitang sumasaklaw sa tunay na ako ngunit hindi ko parin gustong marinig. Para akong natutunaw na kandila sa hiya. Ipinagtulakan nila ako sa kanilang pintuan na ang tanging nakabalot sa akin ay ang nahablot kong tuwalya. Ipinagsigawan nila na ako daw ay isang bakla at pinagtangkaan ko raw si Kit ng masama. Dahil sa nalikhang ingay, lahat ng mga kapit-bahay nila ay nagbukas ng bintana. Dinig ko ang mahina nilang tawanan. Pinagtatawanan ang aking pagkatao. Kinukutya nila ang aking pagkasino. Muli ay may nabuong galit sa aking dibdib.
Hindi ako nahirapang kilalanin ang ipinalit sa akin. Si Dave. Dahil talo ko si Kit sa tindig, porma, kapogihan at katawan ay sa akin bumaling ang pagmamahal niya. Lahat ng puwedeng gawin ay ginawa ko para mahulog ang loob ni Dave sa akin. Nang maramdaman kong hulog na hulog na siya sa akin ay saka ko kinontak si Kit upang makipagkita sa amin. Nakita ko sa mukha ni Kit ang magkahalong pagkabigla at pagkadismaya. Umagos ang kaniyang mga luha. Pinapili niya si Dave at hindi ako nabigla sa kung sino ang pinili niya. Halos magwala si Kit. Humagulgol siya at nagmakaawang hayaan ko na siyang lumigaya. Alam niyang hindi ko mahal si Dave at pinaglalaruan lamang ngunit hindi nakinig si Dave sa kaniya. Nabulag si Dave sa pagmamahal niya sa akin. Sa isang linggo namin ni Dave ay minahal niya ako ng sobra. Nakita ko sa mukha ni Kit kung paano siya nahihirapan. Alam kong mas masakit sa kaniya na makitang ang dating minahal niya at ang minamahal niya ay nagmamahalan na. Siya ang napag-iwanan. Siya ang tuluyang nawalan. Nang makita ko siyang luhaan bago kami tuluyang iwan ay nakaramdam ako sa kaniya ng awa. Minahal din niya ako ng sobra noon ngunit ginamit ko lang siya. Pinaikot ko siya sa palad ko. Ngayon na ang tamang pagkakataon para mapunan ko ang pagkakamaling iyon. Nagising ako sa katotohanang hindi ako dapat gagamit ng iba para lamang sa galit. Hinabol ko siya. Kinausap ng masinsinan. Sinabi ko sa kaniya ang lahat. Naintindihan niya ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. Nagpasalamat siya sa akin. Binalikan namin si Dave upang ipaliwanag din ang lahat. Naroon ang pagpupuyos ng damdamin nang una ngunit nang naglaon ay nadaan din sa mabuti at mapagpakumbabang pag-uusap. Napagkasunduan namin na para wala ng masaktan ay magiging matalik na magkaibigan na lamang kaming tatlo. Alam naming hindi ganoon kadali iyon ngunit kailangan sapagkat wala akong nararamdaman na kahit ano kay Dave. Si Kit parin ang mahal ko. Ako ang mahal ni Dave. Mahal parin ni Kit si Dave. Kailangan naming tapusin ang ugnayan para wala ng masaktan. Iniwan namin ang isang pangako na magkakabalikan kami bilang magkakaibigan kung kailan hinilom na ng panahon ang sugat.
Hindi katagalan ay nakilala ko naman si Jomel. Ipinangako ko sa aking sarili na kung mabibigo ako sa kaniya ay hindi na ako muli pang magmahal. Sa kaniya ko naranasan ang mga karanasang hindi ko naranasan sa mga ibang nagmahal sa akin. Siya ang naging dahilan ng aking pagpursige para bumangon at lumaban muli. Siya ang naging inspirasyon ko para lumayo at hanapin ang tunay kong buhay. Sa mga kabiguang pinagdaanan ko ay hindi na ako ganoon kadaling sumuko pa. Apatnaput-limang araw lang kaming nagkasama ngunit pinuno namin iyon ng pagmamahalan. Bago kami nagkahiwalay dahil kailangan kong lumayo at magtrabaho sa ibang bansa. Hindi pa ako nakakaalis ay marami na akong nalaman mula sa mga kaibigan niya. Pineperahan lang daw niya ako. Ginagamit para may pantustos sa kaniyang mga madaming girlfriends. Nabuking ko pa siya na may pinuntahan na babae pagkatapos ko siyang ihatid sa kanilang bahay. Aksidente lang naman ang pagkahuli ko sa kaniya. Sinubukan ko siyang balikan sakay ng aking motor nang makita ko siyang nag-aabang ng trysikel. Hindi niya napansin ang pagbalik ko. Sinundan ko ang sinakyan niyang trysikel. Nagpakita ako sa kaniya ng bumaba siya saka ako umalis. Nang nasa kuwarto na ako ay panay ang paliwanag niya sa akin sa text na hindi daw totoo kung anuman ang hinala kong ginagawa niya. Para mapatunayan ang lahat ay bumalik ako. Isang babae ang lumabas sa apartment na iyon. Tinanong ko kung sino ang kausap ni Jomel sa loob at sinabi sa aking girlfriend daw niya. Gusto ko silang sugurin ngunit kinontrol ko lang ang sarili ko. Hinintay ko siyang lumabas at nag-usap kami. Ang magandang pag-uusap sana ay nauwi sa sigawan. Dahil ayaw ko na ng iskandalo ay dinala ko siya sa lugar kung saan niya ako noon sinagot. Doon sa lugar na walang makakarinig sa aming pag-aaway. Umiyak siya sa harapan ko. Nagmakaawang huwag ko raw siyang iwan. Panay ang text ng babae ngunit hindi niya ito sinagot. Hinayaan din niya akong magtext ng masasakit sa babae. Paliwanag niya ay naunang dumating daw ang babaeng iyon sa buhay niya bago ako dumating. Hindi pa raw sila nagkakahiwalay nang magiging kami at pinuntahan lamang niya para kunin ang headphone na hiniram sa kaniya. Hindi ko noon alam kung paniniwalaan ko siya. Kinuha ko ang celphone ko sa kaniya at kahit ano pang paliwanag niya ay hindi ko na muna pinakinggan. Gusto ko munang makapag-isip ng mahusay. Gusto kong pinag-iisipan muna ang lahat dahil sa pangako ko sa sarili ko na huli ko na itong pag-ibig. Kinabukasan ay muli niya akong pinuntahan. Nagmakaawa na huwag ko raw siyang iiwan. Umiyak siya at ang mga luhang dumaan sa kaniyang pisngi ang siyang nagpabago sa aking pasya. Mahal ko siya. Maliban kay Kit, heto ang isang lalaking umiiyak sa harapan ko para muli ko siyang tanggapin at bigyan ng isa pang pagkakataon. Hindi din bato ang puso ko para hindi siya pagbigyan. Hindi ko alam kung kailangan naming magkaroon ng singsing para pagpapatunay ng kaniyang paghihintay sa aking pagbabalik. Simbolo daw iyon na siya ay akin lamang at babalikan ko siya at muli naming ipagpapatuloy ang aming nasimulan.
ITUTULOY..
FOLLOW HIM ON :
Facebook of the Author:
https://www.facebook.com/joemar.ancheta