kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
by Noypi Boyz
******FLASH BACK******
3RD year 1st semester, irregular student ako sa nasabing eskwelahan at international ang naging schedule ko. Saan kapa from 10AM- 10 PM ako sa School pero tiniis ko no choice na eh, may mga time pa nga 4 hours ang pagitan ng kasunod na subject , pinakamababa na 1 hour.
Sa unang araw ng pasukan ayun nanibago kasi wala akong kakilala at puro tanong kung saan yung engineering building, room na ganito, ganyan, kasi naman daming building doon, sa bilang ko dati ay 8 at may ongoing construction pang ginagawa para sa maga MARINES.
B.S ECE po ang kursong aking kinikuha na dati ay ayaw ko ngunit ito ang pangarap na kurso ng aking kuya MIKE na hindi niya natupad dahil sa kahirapan, kaya napilitan kumuha ng 2 year course na ELECTRONICS TECHNOLOGY magaling ang kuya ko at nag e- excel talaga yun sa School nila. Matalino pa sa Mathematics ngunit kamote pag dating sa English..at iyon ang dahilan kung bakit na pasubo ako sa ganitong kurso. Inaamin ko hindi ako magaling sa Mathematics average lang tlga ako, pero fast learner naman ako kung may magtuturo lang.
Unang araw ng klase puro introduce lang. Tapos yung mga professor naman discuss lng ng course outline throughout the whole semester, grading system na kaparehas lang din sa previous school ko. Laking pasalamat ko narin dahil sa halos lahat ng subjects ko ay credited sa bago kong nilipatan na eskwelahan. Halos naging ganun lang ang kalakaran sa first day ko school na iyon.
Naisipan kong mag take muna ng lunch kasi nakaramdam na ako ng gutom. Pumunta ako sa School canteen ngunit di mahulugan karayom sa dami ng estudyante halos mga freshmen ang naroon. Mahahalata mo kasi sa uniform nila. Pinatupad na kasi ng School Admin. Na iisang uniform nalang ang gagamitin regardless of their courses. Ngunit yung mga nasa 2nd year pataas ay hindi kabilang sa bagong policy. At pwede nilang gamitin amg kanilang respective uniforms according to their courses . Iba sa Engineering, iba sa architecture,fine arts at iba pa. syempre ako kahit transferee pinili ko parin na yung lumang uniform nila ang gamitin, para ma recognize din na nasa higher year na ako.
7:30 PM second to the last subject ko. STRENGTH OF MATERIALS parang physics yun with a twist, basta yun nay un. Mahirap na subject 4 units yun kaya pag bumagsak ka dito inay ko po, laki ng mawawala sayo. Pera at panahon ang masasayang. Nasa loob na ako ng classroom wala pa ang professor namin. May naririnig akong mula sa aking mga classmates na terror daw ang Prof. na ito. Medyo kinabahan na ako kasi last semester daw ay halos 20 lang ang pumasa out of 45 students. Ganun ka terror mas lalo ako kinabahan. Yung iba i-drop nalang daw nila ang subject habang maaga pa, at makapag change subject, parang yun din ang naaisip ko sa mga oras na iyon.
Eh taena ba naman, kung ganyan nga kabagsik ang Prof. ko paano na scholarship ko?? Baka mawala pa, kinalma ko ang ang aking isip at sana mali lahat ng aking narinig kanina.
7:40 pumasok ang aming Prof. tumahimik ang lahat animo’y nakakita ng multo .Sinipat kung mabuti hindi nman bakas sa mukha nito ang kasungitan at pag-ka terrorista, ng bigla itong nagsalita “ okay class I want my class in properly and alphabetically arrange para madali ko kayong makilala at matandaan. As I call your name please occupy n’yo ang seat na nasa harapan naintindihan??” YES MA’AM! Ang naging tugon namin lahat. Medyo napangiti ako kasi uso pa pala sa college ang seat plan at sa lahat ng Perof. namin siya lang ang guamgawa nito, kaya wala narin magawa kundi sumunod dito. Matapos ang seat plan muling nagsalita si dragon este si Prof. “since fisrt day of our class you have to introduce yourselves in front of the class” (putik naman ‘to oh, anu to high school? Sambit ko sa sarili)
Medyo nagkaroon ng ingay sa tagpong iyon ngunit nawala din ng tinawag na yung unang naka-upo sa harapan… kaba-kaba nman ako. At nag-iisip ng sasabihin mamaya pag nasa harap na ako. May nag pa kwela at may nagpatawa, naalala ko pa yung isa naming classmate na lalaki. “ “hi my name is Christian Lim”, ang bigatin ng Marikina” usong-uso noon ang wowowee kaya sikat na sikat at giangaya. Nagtawanan ang buongklase ngunit sandal lang din dahil nagsalita ang dragon” ok Christian we’re not here to play willie of fortune”biglang natahimik ang lahat.
Turn ko na upang magpakilala. “ My name is MARKRY ESPEJO but my friends used to call me “MAC” I’m a transferee from St. John of Beverly College, nakita ako ang iba nagbulungan. I’m BSECE 3rd year irregular.” Uupo na sana ako ng biglang magtanong si Prof. bakit daw ako lumipat samantalang doon private at mataas ang standards, nag sinungaling nalang ako at sinabing di ko ma-afford ang tuition fee kaya napilitan akong lumipat. Alam ni prof. yung school ko dahil madalas siya ma- invite naging guest speaker sa seminars. Hindi ko narin binanggit sa kanya na scholar ako dahil baka mag-expect ng malaki at pag-initan pa ako.. Play-safe lang kumabaga.
Maaga naman kaming na dismiss next meeting nalang daw siya mag start sa lesson. Terror nga talga itong si dragon sa mga kilos at pananalita ay, may halong pagbabanta palagi. Mariin niyang sinabi ang mga katagang “CLASS, KAYO ANG GUMAGAWA NG GRADES N’YO,AKO LANG ANG NAG RERECORD AT NAG COCOMPUTE NITO, KUNG ANU ANG LUMABAS WALANG LABIS WALANG KULANG” At dag-dag pa nito na wala siyang pakialama kung papsok ka sa klase ko o hindi, dahil hindi ko kinu consider ang attendance. Wala akong pakialam doon. Yung ang mga katagang hinding-hindi ko malimutan.
Nasa labas na ako noon at nasa isang bench malapit sa study area, habang naghihintay sa last subject ko na major subject pa nman.ELECTRONICS COMMUNICATION 5 units yun including ang loboratory.
Napansin ko sa paligid na kaunti nalang ang mga natirang estudyante at halos nasa higher year na, dahil sa suot na uniform nila. Ng biglang may lumapit sa akin na lalaki na medyo pamilyar ang mukha, ahh tama uo, naalala ko na, siya pala yung katabi ko sa upuan nung katatapos ko lang na klase. Kaso di ko naalala name niya. Pati Prof. ko nakalimutan ko din dahil sa kaiisip kung i-drop ko ba o hindi ang subject na iyon.
May kasama ka tol? Bungad na tanong niya sa akin. Sabi ko meron bag ko at mga notebook. Pabiro kung sabi akala ko nagagalit pero ngumiti naman si loko, sabay tabi sa akin sa bench, nagulat ako bigla sa ginawa niya akala ko kasi sasapakin ako.
“ikaw ba yung transferee galing St. John?. Tanong niya sa akin
Tumango lang ako.
Arvin nga pla, ARVIN ESPAÑOL, sabay abot ng kamay niya..
MARKY ESPEJO “MAC” nalang tol. Sabay abot din ng kamay ko sa kanya.
Nagtanong siya kung anu next subject ko. Sabi COMM. 302 sabay ngiti na naman siya, yun din pala next subject niya. Sa madaling sabi classmate ulit kami. Ayun kwentuhan kami tungkol sa dati kong school. Sinabihan niya ako na huwag daw sumali sa school fraternity kahit legal yun sa school namin. Tumango lang ako na parang bata, Si ARVIN medyo chubby siya noon pero matangkad nasa 5’8 maputi at may hawig na artista. Ala Jake Vargas may dimple at killer smile din. Smantalang ako 5’7 medyo may kapayatan brown complexion brown eyes at doon sila nagkakagusto sa mata ko at sa kilay ko dawn na parang ipininta dahil sa perpektong korti nito. Mapuputing ngipin yun lang maipag-mamayabang ko.. Naks!
Tahimik kasi akong tao kaya pili halos ng mga kaibigan ko, yung bang mababait din walang bisyo, kung meron man eh, pag-aaral lang. kasi gustong-gusto ko maka-graduate at makahanap ng magandang trabahao.
Tumunog na ang bell para sa last subject namin. Ang napansin ko kay Arvin ay tahimik din na tao, pag hindi mo inunahan ay hindi rin mag-sasalita, parang ang naging usapan lang namin kanina eh, question and answer portion lang. Mabuti naman at nasa 2nd floor lng ang room namin. Di tulad kanina 5th floor at take note walang elevator. Pag pasok sa room aircon multimedia room pala iyon. Wala pa ang prof. magkatabi na kami ni Arvin sa upuan maya-maya pa’y pumasok na ang Prof. ANAK NG TINOLANG KWAGO NMAN! bulalas ko sa sarili ko, si dragon na naman ang prof. namin??? Grabe na talga itong kamalasan ko. Si tadhana talaga uo, mapagbiro. Kung saka-sakali ban man ay 9 units ang ibabagsak ko this semester. Napansin pala yun ni Arvin na parang namumutla ako. Ngumiti lang siya sa akin na parang nagpapacute, sa isip ko nakuha pa niyang magbiro, sabay bulong niya, relax ka lang tol… as usual tulad ng una seat plan nanaman at introduce yourself infront. (Paulit-ulit?? Unli??) at sa wakas nalaman ko rin dahilan kung bakit naging terrorista itong si Dragon, matandang dalaga pala ito. Hmmm kailangan pa bang i-memorize yan? 46 na ito and still single, hahah! Virgin? I doubt
Maaga din naman kaming pinalabas, naglalakad na ako patungo sa labasan tinawag ako ni Arvin, sabi niya sabay na daw kami palabas ng gate. Tanong niya bakit daw ako namumutla kanina sa klase, habang naglalakad kami sa hallway. Naikwento ko sa kanya ang dahilan at ngumiti lang siya sabay sabi scholar ka pala wag ka matakot, akong bahala sayo. Sagot kita wag mo ituloy ang pag drop sa subject itutuloy natin at magtulungan tayo para maipasa natin. Nagulat ako doon sa sunod-sunod na sabi niya. Parang napanatag naman ako doon sa sinabi niya. At doon na nagsimula ang pagiging mag bestfriend namin ni Arvin
Bago kami umuwi ay kumain muna kami kwek-kwek sa harap ng gate ng school, paborito niya pala iyon.dahil gutom narin ako kaya bumili ako at kumain, bibili sana ako ng inumin na gulaman at sago pero kinindatan ako ni Arvin, parang sinasabi niya na wag bumuli noon at di safe inumin, at nakuha ko nman ang ibig niyang sabihin. Bumili siya ng miniral water tig-isa kami, sabay sabi ko arte naman nito. Binatukan niya ako di daw safe yun baka kung saan-saan lang galing. Sabagay may point sya doon. Yun nalng bulong ko sa aking sarili. Bigla niya akong inakbayan at humingi ng sorry sa pagbatok sa akin. May point ka nman kasi. Doon ako humanga sa pagiging smart niya sa mga mumunting bagay na kapag sinuri mo ay mlaki ang epekto sa’yo. Bago kami maghiwlay pauwi ay nagpalitan kami ng cellphone number.
Kahit M.W.F lang kami magkaklase pero hindi yun naging hadlang para hindi kami magkita. Minsan sabay pa kami kumakain sa cerenderia sa labas ng School na kalaunan ay naging suki narin namin. ‘Pag siya pumili ng lugar na kakainana tiwala na ako. Dahil na-paka mitikuloso masyado. Bago kumain ang daming seremonyas, kailngan laging may saw-sawan tuyo at kalamansi na may siling labuyo na hate ko..( pero nagustuhan narin sa kalaunan)
Hay naku daig pa ang babae sa kaartihan, ang kutsara bago gamitin kailanagn pa ulit punasan maigi ng napkin tissue. Hala sige nahawa narin ako, ok nman tsaka para safe nga naman. Matalino si Mokong sa Mathematics at medyo mahina sa Electronics at doon naman ako nag e-excel kahit papaano. Sa buong semester na iyon ay nagtulungan kami sa lahat ng mga subjects namin kapag may assignment ako na hindi ko maintindihan sa kanya ako lalapit at siya din naman.
May nakilala din ako ibang mga kaibigan subalit parang mas naging espesyal ang sa aming dalawa ni Arvin. Mag bestfriend ika nga.. pinakilala niya rin ako sa dati niyang mga kaibigan, mababait din ang mga ito at mukhang pag-aaral lang din ang bisyo.
I T U T U L O Y...