Powered by Blogger.

Search This Blog

Blog Archive

Random Post

randomposts

Like Us On Facebook

ads

Must Read

business

health

[health][bsummary]

Contributors

Recent Posts

Random Post

Social

Recent Posts

technology

Recent Comments

Video Example

Nang lumuhod si Father (Chapter 14)

kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,


“Oh my God Rhon! Puwede bang bawasan mo ang sinasabi niyan na galing diyan!” Tinuro niya ang bunganga ko at nang utak ko. “Baka naman paminsan-minsan, pakikinggan mo muna ang tinitibok nito bago ilabas niyan!” Tinuro niya ang puso ko pagkatapos ay nang bibig ko.
Napabuntong-hininga ako. Minabuti kong patapusin kung ano ang gusto niyang sabihin.
Tulad ng sinabi ko kanina, hindi dahil nakita mo kami sa ganoon na tagpo ay tama na ang iniisip mo sa amin. Ganoon ang nakita mo dahil iyon ang gusto naming palabasin. Pinapaselos kita, inaamin ko dahil gusto kong umamin ka sa akin na mahal mo ako. Napakahirap mo kasing sabihin ang gusto mo. Nangangapa ako. Naguguluhan ako. Noong bumalik tayo dito, binigyan ako ng idea ni Jake na paselosin ka, napapayag ako dahil sobrang desperado na akong malaman kung ano ang totoo. Nang gumawa ka ng move nang dumating ako, hinintay kong sabihin mong narealized mong mahal mo nga ako kaya mo ako pinuntahan sa bahay noon. Nang natulog ako sa kuwarto ni Jake, hinintay kong kakatok ka at ipaglaban ako. Hindi ako nakatulog magdamag dahil umaasa akong pupuntahan mo ako doon at sabihin mong hindi mo kayang mawala ako sa iyo. Umasa akong kung mahal mo ako ay lulunukin mo ang pride mo. Mahirap bang sabihin kung ano ang tunay na laman niyan?” galit niyang itunuro ang bahagi ng sa puso ko.
 “Sa akin kasi, mas mahirap magpanggap kaysa sabihin ang totoo.” Pagpapatuloy niya. “Madaling magpanggap kung minsan lang ito ginagawa ngunit kung ang pagpapanggap ay matagalan na’t kasama na ang puso at isipan ang patuloy mong niloloko, iyon ang alam kong di ko kakayanin.  Kaya nga heto ako, hirap na hirap ng magpanggap pa. Matagal na akong sumusuko sa napag-usapan namin ni Jake. Kasi ako yung lalong nasasaktan e. Kaya naniwala akong hindi mo nga talaga ako mahal dahil napakatagal kong umasa at naghintay ngunit hanggang ngayon wala parin akong naririnig mula sa’yo. Parang pinadama mo sa aking wala akong silbi sa iyo dahil wala kang ginagawa o lalong wala kang sinasabi.”
                “Iyon ang alam mo, Den. Sobrang sakit sa akin ng pinaparamdam mong wala na akong halaga sa iyo. Sobrang sakit at hindi ko alam ang gagawin ko nang maramdaman kong tuluyan ka nang inagaw ni Jake sa akin. Nang dumating ako dito, hinanda ko na ang sarili kong ibuhos ang lahat ng panahon at isip ko sa iyo ngunit naunahan ako ng pagseselos at pag-iisip ng tungkol sa inyo ni Jake. Hindi mo alam pero sobrang nasasaktan akong makita na kayo na.”
                “Hindi kailanman naging kami. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, Rhon, palabas lang ang lahat. Mahal na mahal kita.” Namuo ang luha sa kaniyang mga mata at mabilis itong dumaloy sa kaniyang pisngi na mabilis niyang pinunasan gamit ang kaniyang palad.
                “Den, alam mong mahal kita. Kahit pagpapanggap lang ang ginagawa natin, alam mong para sa akin totoo lahat iyon.” singit ni Jake.
                “Pwede ba tama na Jake! Ikaw ang nagpasimuno nito, e. Noong pinuntahan mo ako sa bahay, maliwanag na sinabi ko sa iyong kahit dalhin mo ako sa Baguio o kahit saang bahagi ng mundo, hindi mawawaglit ang isip at pagmamahal  ko kay Rhon. Hindi mawawala ang alaala niya sa isip ko. Hindi siya mabubura sa puso ko. Sabi mo, magtiwala ako sa iyo. Ideya mo ding pagselosin siya. Ikaw din ang may pakana ang lahat ng ginagawa natin dahil sa halos isang taon ay nawalan na ako ng ideya kung paano ako mahalin ni Rhon ng ako at hindi si Aris. Lahat ng mga gusto mong gawin natin ginawa ko dahil nga sabi mo, magtiwala lang ako sa iyo. Ngunit anong nangyari, lalong lumayo sa akin si Rhon. Lalong nagkagulo lahat. Sa tuwing iniiyak ko sa iyo ang sakit ng mga pinagdadaanan namin, lagi mong sinasabing aayusin mo kaming dalawa. Pinangakuan mo ako pero nitong huli halata nang pagkamakasarili mo.”

            “Hindi ka niya mahal, Den. Nandito ako. Mahal kita. Handa kong talikuran ang lahat basta mahalin mo lang din ako.” Mamasa-masa ang mga namumulang mata ni Jake.
            “Kung sana natuturuan lang ang puso, Jake. Kung sana ganun lang kadaling ibaling sa’yo ang pagmamahal ko kay Rhon.”
            “Kasi nga hindi mo sinusubukan. Hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon dahil laging si Rhon ang gusto mo lang makita. Wala naman kayong pinagkaibang dalawa e.  Ginamit mo din lang ako.”
            “Ginamit kita? Tama ba yung narinig ko na sinabi mong ginamit kita, Jake? Come on! Nakapakatagal ko nang sinasabi sa’yo na tigilan na natin ‘to. At itong huli, tinaon mo talaga na halikan ako sa labi nang alam mong buksan na ni Alden ang pintuan. Saka nagtatalo tayo nang sandaling iyon a, ta’s bigla mo akong hahalikan? Hindi ko napaghandaan na gagawin mo ‘yun, wala naman sa usapan ‘yun ah. Walang pisikal di ba? Ngunit ginawa mo parin? Para saan? Para lalong lalayo si Rhon sa akin at isipin niyang may relasyon tayo kapag nakita na niyang naghahalikan tayo? Pagod na ako sa halos araw-araw nating pag-aaway Jake. Alam mong napipilitan na lang akong sumama sa’yo dahil wala na akong ibang kaibigan dito kundi ikaw lang. Siguro ikaw, kaya mong magmukhang masaya tayo kapag nandiyan si Rhon na nakatingin sa atin pero ako, Jake, hirap na hirap na akong magsinungaling. Huwag na huwag mong sabihing ginamit kita dahil ikaw ang gumamit sa pagkakataon dahil alam mong sa paraang ganoon ay maibabaling ko ang pagtingin ko sa’yo. Alam mong desperado na akong malaman ang tunay na nararamdaman ni Rhon. Kung sana hindi ako naniwala sa iyo at kung sana hindi na kita pinapasok pa sa buhay namin, hindi na sana lumala ang lahat. Hindi ako tanga, Jake. Alam kong ito ang gusto mong paraan. Gusto mong maangkin ako. Sinabi ko na sa iyo na kaibigan lang ang turing ko sa iyo at kahit kailan ay hindi kita kayang mahalin dahil mahal ko si Rhon. Tama na Jake. Tapos na ang palabas natin. Lalo lang kaming nagkakalayo at tama ang hinala ko na ginawa mo lang iyon para lalo kaming masirang dalawa. At uulitin ko sa iyo ito, kahit kailan, hindi kita kayang mahalin. Puwede ka ng umalis at madami pa kaming pag-uusapan ni Rhon. Pasensiya ka na ngunit napuno na ako sa pagpapaikot mo din sa akin.”
             Hindi na sumagot si Jake ngunit umagos ang luha sa pisngi niya. Umiiyak siya, parang may gusto pa siyang sabihin ngunit bigla na lamang siyang tumalikod at lumabas ng kuwarto. Nagulat ako sa mga narinig ko. Hindi ako makapagsalita sa mga rebelasyong nalaman ko. Nanatili ang katahimikan. Walang gustong magsalita.
                “Lalabas na ako ng seminaryo.” Pambabasag ni Alden sa katahimikan.  “Hanapin ko ang buhay ko sa labas. Sinabi ko sa iyo dati na kaya kong lumabas dito para sa mahal ko. Para sa ikakatahimik mo, lalabas na ako. Baka sa paglabas ko ay tuluyan mong mahanap ang iyong sarili at maituon mo ang buhay, puso at isip sa pagkapari.”
                “Paano ang mga taong umaasa sa iyo? Ang mga taong nagtitiwala sa iyong kakayahan?”
            “Pasasaan din at maintindihan nila ako. Mabibigo ko sila ngunit hindi ko na kaya. Pero isa lang ang sigurado ko ngayon, hindi ito ang buhay na para sa akin. Babawi ako kay nanay, sa mga kapatid ko at sa lahat ng taong umaasa sa akin. Hindi sa paraang gusto nila ngunit sa paraang alam kong magiging fair sa aming lahat. Magalit na sila sa akin ngunit buhay ko ito, mas may karapatan akong gawin ang gusto kong gawin sa alam kong tama at ikabubuti ng hindi lang sila kundi naming lahat.”
            “Noong natapos natin ang first year, bakit ka pa bumalik kung alam mo na palang hindi mo na itutuloy pa ito, bakit ka pa pumasok muli dito kung hindi ka masaya dito sa loob?”
                “Ikaw lang ang dahilan kung bakit ako narito. Ikaw lang ang binalikan ko dito. Pagkatapos ng first year natin, wala na talaga akong planong bumalik dito dahil gusto kong gawin ang matagal ko ng pangarap sa buhay, gusto kong maging inhinyero o kaya ay abogado. Bumalik lang ako sa seminary para ayusin ang gusot natin at malaman kung ano ako sa iyo dahil hanggang ngayon hindi parin malinaw sa akin kung mahal mo din ako. Hindi ko kayang takasan ang tungkol sa atin, Rhon. Kung sana kaya ko ang ginagawa mong iiwas na lang o kaya ay hindi ipaglaban kung ano ang makapagpapaligaya sa iyo tulad ng ginawa mong pagpapalaya kay Aris kahit alam mong mahal ka pa niya at kahit sa huling sandali ay ipinaglalaban niya ang tungkol sa inyo. Kung sana kaya kong kalimutan na lang kita at harapin ang buhay ko pero hindi e, hindi ko kayang basta na lang tumakas sa mga bumabagabag sa akin.”
            Natamaan ako sa sinabi niya ngunit sana malaman niyang ginawa ko iyon para sa ibang tao din. Para kay Angelie na umaasang sa mga huling araw ng buhay niya ay maramdaman niyang may nagmamahal sa kaniya ng buum-buo. Bakit para sa iba mahirap intindihin iyon? Ngunit siguro nga tama siya, duwag akong ipaglaban ang talagang gusto ko. Ngunit katulad niya, buhay ko ito, may karapatan akong patakbuhin sa paraang alam ko.
            “Ibig sabihin bumalik ka dito para isama mo ako sa paglabas mo?” garalgal kong tanong. Pinigilan kong muling maiyak.
“Nandito ako para kunsakaling mahal mo ako, kukumbinsihin kang kasama kong lumabas. Hindi tayo nababagay dito Rhon. Hindi ang katulad natin ang dapat para sa Kanya.”
“Hindi namimili ang Diyos, Den, kahit tayong mga alanganin ay puwedeng maglingkod sa Kaniya?”
“Mali ka Rhon, nagkakasala tayo lalo sa ginagawa natin dito sa loob. Ibigay na natin ito sa mga karapat-dapat. Hindi ko sinasabing dahil mga ganito tayo ay wala tayong karapatang maglingkod sa kaniya ngunit maaring para sa ibang kabaro natin na may paninindigang si Jesus lang ang kanilang mamahalin at hindi ang iba pang Adan at Adonis. Hindi ang katulad natin, Rhon. Alam kong alam mo ang tinutumbok ko. ”
            Hindi ako makasagot. Hindi ganoon kadaling magdesisyon sa bagay na ‘yun.
            “Gusto ko lang malaman yung totoo, Rhon.  Mahal mo ba ako o nakikita mo lang si Aris sa akin kaya ginawa mo ito?”
                “Mahal kita, Den. Totoong nalito ako sa inyo ni Aris ngunit noong bakasyon, nasiguro ko, mahal kita. Mahal ko si Aris oo, nandun na tayo ngunit nakaraan ko na iyon at kung sana mahal mo ako, mahalin mo din kung ano ang nakaraan ko. Ngunit sigurado ako, mahal din kita.”
                “Wala naman ako pakialam sa pagmamahal mo kay Aris e. Hindi ko hiniling na kalimutan mo siya ngunit tao lang din ako, nasasaktan na ihambing ako sa nakaraan mo. Hindi mo ako nakikita noon na ako. Kaya kahit gusto kong intindihin ay hindi ko magawa dahil nag-eefort din naman akong gumawa ng mga bagong alaala natin para tuluyan mong makalimutan ang sa inyo ni Aris ngunit sa tuwing binabanggit mo siya sa akin ay parang pilit mong ibinabalik ang nakaraan sa katauhan ko.”
“Sorry Den, sorry. Sana mapatawad mo ako. Inaamin ko. Nagkamali ako. Pero maniwala ka, mahal na mahal kita.”
Niyakap ko siya ng mahigpit. Naramdam ko ang pagyakap niya sa akin at ang marahan niyang paghaplos sa aking likod.
“Bakit ngayon mo lang nasabing mahal mo din ako? Halos dalawang taon akong naghintay na sabihin mong mahal mo ako at hindi ang namimiss mo lang ako. Simpleng salita lang, simpleng pag-amin ng iyong nararamdaman at sana okey na lahat pero bakit ngayon lang. napakarami pang kailangan mangyari bago mo sa akin aminin. Sana hindi na tayo umabot pa ng ganito e.”
                “Dahil ngayon mo lang ako binigyan ng pagkakataon. Dahil laging si Jake ang pumipigil sa lahat.” Pagdadahilan ko ngunit alam kong hindi na iyon lulusot pa.
            “Napakarami nating pagkakataon, Rhon. Ilang beses kitang tinatanong. Sana marunong kang tumanggap sa mga pagkakamali ng iba para madali rin lang ang pagpapatawad nila sa iyo sa tuwing makagawa ka ng hindi tama. Sana matuto kang ipaglaban kung ano talaga ang gusto mo. Huwag mong pairalin ang pride dahil hindi nakakatulong ‘yan na iangat ka lalo. Siguro kaya ka ganyan dahil lahat ng maibigan mo noong bata ka binibigay sa’yo. Kung nagtatantums ka kahit hindi sana puwede ay pinagbibigyan ka ng mga taong nagpalaki sa’yo. Ngunit hindi ka na bata Rhon, may sarili ka ng isip.”
            Hindi na ako sumagot. Yumuko ako tanda ng pagkatalo.
                Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. Sobrang higpit at hinanap ng labi niya ang labi ko. Nagkasalubong ang aming mga luha sa aming mga pisngi.  Sobrang namiss ko ang halik na iyon. Nakapikit kong pinakiramdaman ang bawat galaw ng kaniyang labi sa aking labi. Sabik akong masamyo ang kaniyang hininga. Ang halik na iyon ang nagpapalusaw sa aking pride.
                “Mahal na mahal kita. Kung sana inamin mo ito noon pa, hindi na tayo umabot sa ganito. Hindi na sana kita pinahirapan, hindi mo na sana ako nasaktan at malayong lalalim pa sana ang pagmamahal ni Jake sa akin. Sobrang nahulog na ang loob ni Jake sa akin at hindi na niya halos kayang labanan. Hindi na sana siya nasali sa gulo natin.”
                “Mahal na mahal kita. Sorry if mas inuna ko pa ang pride ko kaysa sa tunay kong nararamdaman sa iyo.”
            “Sana makakabawi pa ako sa’yo.”
            Ngumiti siya ng tipid. Umupo sa kaniyang kama. Tinignan niya ang kaniyang maleta. Pinakawalan niya ang isang malalim na hininga.
             “Nakausap ko na si Father. Lalabas na ako bukas. Sumuko na ako. Hindi tama yung ginagawa natin sa loob. Isang napakalaking kasalanan. Hiling ko lang, samahan mo ako sa labas para ipagpatuloy natin ang nasimulan natin. Sasama ka ba sa akin?”
                Tumingin ako sa kaniya. Nag-isip. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kumuha ako ng tubig sa maliit naming ref. Nagsalin ako sa dalawang baso. Iniabot ko ang isa sa kaniya. Sabay naming sinaid ang laman niyon.
                Parang napakabilis ng lahat. Hindi ko napaghandaan ang tanong na iyon. Hindi ko din inisip na sa gabing iyon ay haharapin ko ang isang napakalaking desisyon na siyang magpabago ng lahat sa akin. Niyakap ko siya. Mahigpit na yakap habang mabilis na naglakbay ang utak ko.
                “Mahiga muna tayo. Hayaan mong makapagrelax muna ang utak ko ng ilang oras. Hayaan mo munang pag-isipan ko ito pero gusto kong sa dibdib mo ako uunan. Gusto kong madinig ang pintig ng puso mo…gusto kong maramdaman kita, gusto kong mayakap ka para maibalanse ko ang gusto ng puso ko at ang kung ano ang tama na dapat kong gawin na ididikta ng isip ko.”
                Tumingin siya sa akin. Ngumiti.
                “Drama mo pero sige pagbibigyan kita. Ako man ay pagod na sa kaiisip maghapon at gusto ko din marelax ang isip ko.” Dumantal ang puno ng pagmamahal na halik sa aking labi. Sinuklian ko din iyon ng halik ngunit naglalakbay na ang aking utak. Ano ba ang dapat kong gawin?
                Kung makikinig at gagawin ko ang gusto ng puso ko, kahit sa sandaling iyon ay puwede na kaming umalis. Ngunit minsan, hindi lang kung ano ang tibok ng puso ang mahalaga. Hindi lang kasi tayo nabubuhay ng “ako” lang sa mundo, hindi mo puwedeng sabihing “ako at ikaw” lang kundi kailangan talaga ng “ako, ikaw, siya, sila at tayo”.
                Kung ako lang ang tatanungin, isang kasiyahang maituturing ang samahan siya sa labas at ipagpatuloy ang aming pagmamahalan. Kung ako lang din ang masusunod, kaya kong tiisin ang lahat ng hirap makapiling lang siya. Sa kaniya ako sasaya. Siya ang magiging buhay ko. Magiging kumpleto ako sa kaniya. Iyon ay sa ganang akin lang.
                Siya? Alam kong mahal niya ako. Alam kong ako ang isa sa mga makapagpapasaya sa kaniya ngunit madami pa siyang gustong makamit sa buhay. Kahit hindi niya sinasabi sa akin, alam kong marami siyang minimitihi na gustong marating. Marami din siyang pangarap para sa kaniyang pamilya. Magiging masaya kami, ngunit kaya ko ba siyang ikulong sa pagmamahal ko? Ngayon, oo, nasasabi niyang kumpleto na siya sa akin. Ngunit sa paglipas ng buwan at taon, mangingibabaw parin ang tunay na kahulugan ng buhay. Ang buhay na kailangan mong maging maginhawa at magawa lahat ang gusto mong gawin dahil hindi lang naman pagmamahal ang mahalaga sa mundo kundi kung ano din ang mga hinangad mong nakamit. Sa mga gusto niyang marating, kailangan niya ng buong puso at konsentrasyon. Sa katulad niyang hindi pinagpala sa estado ng buhay, kailangan niyang kumayod at gawin lahat para makamit ang minimithi. Sa hirap ng buhay, hindi na ganoon kadaling maabot ang pangarap na hindi sinasamahan ng determinasyon, sipag, tiyaga at konsentrasyon.
                At paano sila? Si Papa na nagsabing natutuwa siyang malaman na kahit ganito ang pagkatao ko ay sinisikap kong magbago? Paano na ang pagbibida niya sa mga kaibigan niya na ehemplo ako ng mga alanganin na magiging tagapagsilbi ng Diyos kahit hindi nabigyan ng tamang damdamin alinsunod sa kanilang pagkatao. Paano na ang pangako ko kay Papa na tatapusin ko ang pagkapari kahit ano pang mangyayari? Ano ang sasabihin ng aking pamilya kung ipagpapalit ko sa isang lalaki ang naipangako ko sa lahat? Kailangan bang ipalit ng sarili kong kaligayahan lang ang kanilang pangarap at kasiyahan para sa akin? Kailangan ko ba silang biguin na isinuko ko ang aking paglilingkod sa Diyos sa kagustuhan ng puso at sa tawag ng laman?
                At paano din sila? Ang nanay at tatay niyang umaasa na magiging mabuti siyang alagad ng Diyos? Paano ang mga nagpapaaral sa kaniya at nangangarap na makakapagpatapos sila ng matalinong pari? Paano ang mga kapatid niyang umaasang matutulungan niya din silang mapag-aral? Ano ang sasabihin niya at paano niya ipapaliwanag sa lahat na lumabas siya sa seminary dahil lang sa katulad ko? Paano ko sila haharapin? Paano ko siya tutulungan ipaliwanag ang lahat. Para sa mga taong umaso at nabigo, sapat na lang ba ang katagang…”kasi nagmamahalan kami” na sagot sa kanilang mga tanong? E, kung palayain ko siya? Lumabas siya sa simabahan, hanapin niya ang gusto niyang buhay, magiging Engineer siya o kaya ay abogado. Matutulungan niyang iahon ang pamilya. Magawa niyang ibalik sa ibang pamamaraan ang tulong na ibinigay ng mga kabaryo. Makapaglingkod siya sa ibang tao bilang sukli sa kabutihan sa kaniya. Siguro nga mas madaling ipaliwanag sa mga taong nagpapaaral at ng simbahang kumalong sa kaniya ang sagot na.. “hindi ko mahanap sa puso ko ang pagpapari…gusto kong maglingod sa kaniya sa ibang paraan…makatapos bilang engineer o lawyer para matulungan ko ang iba pang naghihirap na katulad ko” kaysa sa magiging sagot niya sa kanila na “minahal ko si Rhon, handa kong talikuran ang pagpapari para sa kaniya.” Siguro sa mga nakakaintindi sa ganoong relasyon, papalakpakan siya at ititirintas ang mahaba kong buhok pero ilan kaya ang may ganoong pag-iisip. Sa panahon ngayon, bihira lang ang ganoon at alam kong batikos at pagkamuhi lang ang maririnig niya sa lahat.
                At paano kami? Sapat na lang bang mahal ko siya? Saan tutungo ang aming relasyon? Tatagal ba ito ng tulad ng inaasahan namin ngayon? Paano kami sa labas? Ngunit paano ako dito sa loob kung iiwan niya ako. Paano ang pagmamahalan namin kung tutuldukan na lang sa ganun at hindi ako sasama sa kaniya. Alam kong sa kaniya ay liligaya ako. Alam kong mahal na mahal niya ako. Alam kong tama siya sa sinabi niyang hindi kami nababagay sa loob. Mas lalo kaming gumagawa ng kasalanan.
            Nahihirapan akong magdesisyon. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Gulung-gulo ang isip ko.
                Nadinig ko ang kaniyang mahinang paghilik. Pinagmasdan ko ang payapa niyang mukha. Narito ang isang taong handang talikuran ang lahat. Pinipili niyang mahalin ako kaysa sa pangarap ng pamilya niya at mga taong umaasa sa kaniya. Hinalikan ko siya sa kaniyang labi kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. Dumilat siya. Ngumiti sa akin.
                “Nakatulog pala ako. Pasensiya ka na ha?” uminat siya.
                “Oo nga eh. Sarap nga ng tulog mo.” Hinaplos ko ang makinis niyang mukha at muli kong hinalikan ang kaniyang labi.
                “Bakit ka umiiyak? Nakapagdesisyon ka na ba?”
               Nag-unan ako sa maumbok niyang dibdib, noon ay nakapagdesisyon na din ako.

ENJOY AND PLEASE LEAVE YOUR COMMENTS
Name

ABM Spotlight,11,Acquiatance Party,1,Action,21,Adventure,5,Ang Delivery Boy,1,Articles,9,Bear,12,Bench Body,2,Bench Underwear,1,blockbuster,1,box-office,1,Bromance,672,Cartoon,1,Chatroom,11,Comedy,22,Comics,6,Contest,3,Cute,49,Drama,17,Everything I Have,1,Fantasy,8,Filipino Men,11,Filipino Movies,19,Foreign Movies,41,foreign movies 2013,9,Friend,10,Gay Story,512,gayfilm,5,Group,6,Groups,6,Guard Story,1,Gwapo,16,Horror,8,Hot Pinoy Celebrity,8,Hot Story,2,Hunk,49,Indie films,39,Korea,2,Korean Celebrity,1,Kwentong Kalibugan,679,Kwentong Malibog,679,Love,6,Love Story,30,M2M,164,Macho Dancer,1,Male Celebrity,10,Male to Male Kwento,564,Masseur,1,Mga Kwento Ni Khalel,17,Monthsary,1,Movies,85,movies 2013,6,Music,15,musical,1,New Movie,57,Photo,7,Photos,3,Pinoy,203,PINOY HUNK JAKOL SA CAM VIDEO,1,pinoy indie films,11,pinoy m2m,7,pinoy pink movies,6,Pop,1,Rnb,1,Romance,130,Sci-fi,9,Series,586,Sexy,7,Short Stories,33,Short Story,68,Silip,1,Singer,10,Stepfather,1,Stories,681,STORY,2,Suspense,8,Tadhana Story,1,Talent,1,Thai,1,Uncle,1,
ltr
item
AsianBearMen: Nang lumuhod si Father (Chapter 14)
Nang lumuhod si Father (Chapter 14)
kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgBJnNM0_UDFi2COmMTJFchs6hgguTr7_J2gQSSPvKoc5jzVeEH6v0i0POWflikhD4C2uPXoOp75OV64Y4G60TpTKyRxvfSQfzWrQRI05KpGwA_kDII8Zx-JsO1czaHsJtCZ0RIsqSLWUY/s400/Nico+Cordova+of+Masculados+Dos_thumb%255B1%255D.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgBJnNM0_UDFi2COmMTJFchs6hgguTr7_J2gQSSPvKoc5jzVeEH6v0i0POWflikhD4C2uPXoOp75OV64Y4G60TpTKyRxvfSQfzWrQRI05KpGwA_kDII8Zx-JsO1czaHsJtCZ0RIsqSLWUY/s72-c/Nico+Cordova+of+Masculados+Dos_thumb%255B1%255D.jpg
AsianBearMen
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/nang-lumuhod-si-father-chapter-14.html
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/
https://asianbearmen.mencircle.com/2014/04/nang-lumuhod-si-father-chapter-14.html
true
850405581980013831
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content