kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
Naging mahirap na ang subjects namin sa second year. Nagkaroon na kami ng subject na Logic, Cosmology and Psychology, Ethics, Apologetics at Church History. Hindi parin nawawala ang Sacred Scripture na mahirap kong intindihin ngunit kailangan dahil iyon ay isang subject na incorporated hanggang 6th year. Bilib ako sa mga kaklase kong pinag-iigihan at naka-focus sa kanilang pagpapari. Iyon bang, ginagawa nila ito dahil gusto nilang maglingkod sa Diyos. Ilan kaya sa amin ang may pinagdadaanan katulad ng sa amin ni Alden at Jake. Kung nakikita kaya nila ako ay tulad din ng pagtingin ko sa kanilang may takot sa Diyos at determinadong pagsilbihan ang simbahan at ang mga nagtitiwala dito?
Hindi ang mga subjects na iyon ang sadyang nagpahirap sa akin. Sisiw lang iyon sapagkat utak lang naman ang kailangan gamitin. Tamang reasoning, mahusay na pag-intindi, at sapat na panahon sa pagbabasa siguradong pasado ka na. Ngunit bakit kapag usapin na sa puso ay hindi ganoon kadaling pag-aralan ang lahat. Hindi dahil matalino ka, kayang- kaya mo ng panatilihin ang magandang takbo nito. Kahit gaano mo ito planuhin at pag-igihan ay hindi mo parin kayang i-perfect ang relasyon. Kahit gaano kadaming libro na ang basahin ay hindi parin kayang pagandahin ang takbo nito kung wala na ang tiwala at pagmamahal. May mga kulang parin at sobra. May mga sandali paring iiyak at magdusa. Sadya ngang walang kasiguraduhan ang relasyon. Hindi ito kayang i-memorize…hindi din puwedeng basahin lang at intindihin. Parang laging hindi tugma, laging hindi sapat at tamang ang dapat lang na pinaiiral ay pagsabay sa bawat pagbabago… makiagapay sa bawat sayaw nito at maging masaya at kuntento sa tuwing kakatok ito sa ating puso. Kapag nariyan na, hindi lang sapat na magpasalamat ka at ariin ito sa walang katapusang saya dahil dumadating yung puntong iiyak ka at ang tanging kailangan mong gawin ay handang matuto sa hatid nitong alaala kung tayo ay iiwan na nang tuluyan. Wala kang control sa damdamin at desisyon ng iba. Ang tangi mo lang magagawa ay kung paano mo tatanggapin ang mga desisyon na iyon. Hindi dahil mahal ka niya ngayon ay mamahalin ka ng habang-panahon. Hindi dahil masaya ka ngayon ay hindi na puwedeng darating ang kalungkutan. Tandaan na ang bawat nasimulan ay may kaakibat na hangganan. Bago dumating ang katapusan ay dapat nakahanda na ang puso mo’t isipan na tanggapin na ganoon talaga ang buhay. Nothing lasts forever, ‘ika nga.
Sa pagdaan ng mga araw, napansin ko na ang lagkit ng tingin ni Jake kay Alden. Hindi na rin matanggal pa sa isipan kong may relasyon ang dalawa kasi sa tuwing nilalapitan ko si Alden ay nakikita ko kung gaano kasakit ang mga titig sa akin ni Jake. Titig na may kaakibat na pagseselos. Mga pasaring niyang hindi lang isang kabigan ang turing niya sa taong unang naging akin. Kulang na lang sabihan niya ako na wala na akong karapatan pang manghimasok sa kanila.
Noong una ay gusto kong ipaglaban ang nararamdaman ko. Gusto kong makipagsabayan kay Jake ngunit natatakot akong lumaki lang ang isyu na magreresulta sa pagkakatanggal naming lahat sa seminaryo. Hindi alam ni Alden kung gaano ko iniiyakan ang mga sandaling masaya silang nag-uusap habang kami ay kumakain. Hindi niya alam kung paano ako nagseselos sa tuwing nakikita kong sila ang magkasamang maglaro ng chess, kung kahit gabi na ay nasa kuwarto parin namin si Jake at masayang nagkukuwentuhan sila sa kama niya. Paanas man ang pag-uusap nila ngunit sobrang sakit sa akin na masaksihang ang dating mahal ko ay may mahal na yatang iba.
“May nabubuo yatang kakaiba sa inyo ni Jake. Mag-ingat lang kayo.” Naibulalas ko isang gabing hindi ko na makayanan pa ang pagseselos ko. Hindi ko lang kasi talaga maideretso sa kaniyang nagseselos ako at hindi ko na kaya pa.
“Nabubuong ano?”
“Relasyon. Ano pa ang puwedeng mabuong iba sa inyo?”
“ Kung iyon ang tingin mo, wala na akong pakialam pa dun at hindi ko naman siguro kailangang magpaliwanag maliban na lang kung…”
“Kung ano?”
“Kung nagseselos ka sa amin?”
“Ako? Magseselos? Excuse me. Hindi siguro?” napalunok ako.
Ang totoo niyan e, ansakit-sakit na pero mataas ang pride ko at nangako ako sa aking sarili na hindi ako patalo sa kanila. Na kahit gaano kasakit na ay hindi ko dapat ipadama sa kaniyang natatalo na ako.
“So, anong problema mo ngayon sa amin?”
“Ewan ko. Di ko alam.”
“’Yan ang mahirap sa’yo, matalino ka pero napakarami mong hindi alam na pati sarili mo yata kailangan mong lokohin. E, tutal naman pala at hindi ka nagseselos, siguro naman, wala ka na din sanang pakialam pa sa kung ano ang nakikita mo sa amin, hindi ba?”
“Wala nga. Pero ang akin lang ay yung mahuli kayo at baka matanggal kayo dito. Concern lang ako sa’yo. Akala ko ba mahalaga sa’yo ang pangarap ng nanay at mga nagpapaaral sa’yo?”
“Concern ka lang ba o may iba kang ipakahulugan. Ako, handa akong umalis dito kung kasama ko ang mahal ko. Kasi hindi lang ang sarili ko ang niloloko ko ngayon, niloloko ko na pati ang Diyos. Handa kong talikuran ang pagpapari kung sana kasama ko lang lumabas ang taong mahal ko.”
“E, di kausapin mo si Jake. Kung gusto ninyong lumabas, dapat ngayon palang kausapin niyo na sila nang magiging graceful ang paglabas ninyo at hindi pa magiging kahiya-hiya.”
“Pag-iisipan ko ang payo mo.”
Tumitig siya sa akin. Tumitig din ako sa kaniya. Nakikita ko sa kaniyang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya kayang ilabas. Hanggang nagbaba na lang siya ng tingin at pumunta sa kama niya.
“Nahihirapan na ako. Sobrang hirap na hirap na ako.”
“Saan ka nahihirapan? Dahil sa sitwasyon niyo ngayon ni Jake?”
Tumingin siya sa akin. Bumunot ng malalim na hininga.
“Gusto mo bang lumipat ng kuwarto nang hindi na kayo mahirapan pang dalawa?” pang-aasar ko.
Nagbuntong-hininga siyang muli. Mas malalim ang hiningang iyon. Naghubad siya ng sando. Tanging boxer short na lang niya muli ang naiwan. Dalawang buwan ng walang nangyari sa amin. Dalawang buwan na rin akong nagpipigil. Dalawang buwang sobrang namimiss ko na ang dating ginagawa namin. Ngunit siya, parang wala lang lahat. Ni hindi niya ako tinitignan sa mata. Ni parang nandidiring pagmasdan kapag nakahubad ako. Maganda naman ang katawan ko, makinis, maputi, hindi man balbon pero may abs naman ako, maumbok din ang dibdib ko pero parang sa tuwing nakahubad ako ay tumatalikod siya na parang walang nakikita.
Nang muli kong mapagmasdan ang maganda niyang katawan ay biglang nag-init ako. Hindi ko alam kung tinutukso niya ang kahinaan ko pero nang makita kong tanging masikip na boxer short lang ang suot niya habang nakatihaya siya na hindi nagkumot ay napalunok ako. Halatang nakatigas ang alaga niyang bahagya niyang nilalaro dahil nakasuksok ang palad niya doon, kaya kita ko kung paano niya paglaruan. Nawala ako sa sarili. Umibabaw ang kalibugan ko. Nanginginig akong lumapit sa kaniya. Nakapikit siya. Hinawakan ko ang maumbok at matigas niyang dibdib at hinalikan ko ang parang nag-aanyaya niyang labi.
Ohhh! God! How I missed him. Sobrang namiss ko ang lambot ng kaniyang labi at ang init ng katawan. Hindi gumalaw ang labi niya. Ako lang ang humahalik. Hindi din niya pinigilan ang kamay kong bumaba sa kaniyang abs hanggang sa garter ng boxer short. Sandaling nakiramdam ako kung susuwayin niya ako at ilang saglit pa ay tuluyan ng pumasok at humalili doon sa kamay niyang naglalaro. Hanggang narinig kong nagsalita siya.
“Anong ginagawa mo? Huwag mong gawin ‘yan dahil lang nalilibugan ka o gusto mong may mapaglabasan ka ng init ng iyong katawan. Hindi mo kailangang gawin ‘yan dahil namimiss mo si Aris at nakikita mo siya sa akin. Hindi mo dapat gawin ‘yan dahil trip mo lang.” Binunot niya ang kamay ko na nakasuksok doon.
Tumingin ako sa kaniya. Sinalubong niya ang mga tingin ko. Ibinaba ko ang aking paningin dahil muling lumakbay ang kahihiyan sa aking kabuuan. Ginapi ng pagkapahiya ang kanina’y umiigting na pagnanasa.
“Bakit ka ganiyan sa akin?” Tanong ko.
Ngumiti siya at umiling. Parang sinasabi niyang, “anong bang klaseng tanong ‘yan.” Parang gusto niyang sabihin iyon pero pinigilan ang sarili.
“Bakit mo nga ginagawa ito?” tanong kong muli.
“Ikaw ang dapat kong tanungin, Rhon, bakit ka ganyan? Bakit mo gustong gawin ito.Ano bas a iyo ang gagawin natin? Libog lang ba?”
Sa sandaling iyon ay gusto kong sabihing mahal ko na siya ngunit naunang umusbong ang pride. Ginapi ng tuluyan ang ugali kong mapagmataas ang tunay kong nararamdaman.
“Wala lang.” kaswal kong sagot. Nakaramdam ako ng inis sa aking sarili.
“Hindi puwedeng wala lang Rhon.”
“Namimiss na kita, Den.”
“ Namimiss mo na ako? Namimiss mo ang ginagawa natin? Gano’n lang ‘yun?”
“Oo. Bakit ikaw?”
“Wala. Huwag mo na akong tanungin. Matulog na tayo. Bumalik ka na sa kama mo. Libog lang ‘yan.”
Kinuha niya ang kumot. Nagtalukbong at tinalikuran na niya ako. Tumayo ako at bumalik na lang ako sa kama ko. Badtrip na badtrip ako sa nangyari kaya pinangako ko sa sarili kong hinding- hindi ko na siya uli papansinin. Lagi na niya akong pinapahiya. Laging ako na nga lang ang lumalapit sa kaniya, ta’s ako pa yung tinatanggihan. Sobra na ito. Gusto niyang makipagtaasan? Puwes di niya kakayanin ang pride ko.
Kinaumagahan ay para akong walang nakita o kasama sa kuwarto. Hindi ko siya kinausap, hindi ko siya pinansin. Kahit sa klase namin ay pinakita kong aktibo ako. Lahat binabati ko, lahat kinakausap ko. Kung nandiyan siya nakikipagbiruan ako sa iba. Masayang-masaya. Walang iniisip at hindi ko siya tinitigan. Kung dati pinaparamdam ko na masama ang loob ko sa tuwing nakikita kong magkasama sila ni Jake sa mga nagdaang araw parang hindi ko na sila pinapansin. Parang wala akong nakita. Parang wala akong narinig. Parang wala akong pakiramdam. Kaso, parang ganun lang iyon.
Kung nakakasalubong ko sila sa daan, para lang silang hangin na hindi ko makita ngunit nararamdaman. Tinutulugan ko sila kung nag-uusap sila ng paanas sa kuwarto namin. Kung dati panay ang buntong-hininga ko at pagdabog nang mga nakaraang araw, nitong huli, pinadama ko sa kanilang hindi na ako apektado at makakatulog ako kahit ano pa ang gawin nila ngunit sa totoo lang, sobrang sakit ng lahat sa akin. Ilang pagluha din, ilang paghinga ng malalim at ang pagmumura din ang ginagawa ko para maibsan ang naiipong sakit ng loob sa tuwing mag-isa lang ako.
Hanggang unti-unting nahalinhinan ng galit ang dating pagmamahal ko kay Alden. Galit na nabuo dahil sa hindi pagpansin sa akin. Galit dahil hindi na niya naibibigay ang ligayang nagustuhan ko sa kaniya. Galit dahil hindi niya sinusuklian ang pagmamahal ko sa kaniya. Pagmamahal? Naramdaman ba niyang mahal ko na din siya? Sinabi ko na ba sa kaniya kung ano na siya sa buhay ko? Ngunit dapat alam na niya iyon. Hindi ko man sinasabi pero dapat sa mga kinikilos ko pa lang ay napapansin na niya ang pagtangi ko sa kaniya. Hindi ko na nababanggit si Aris sa kaniya. Pero paano ba niya iyon mapapansin e, hindi naman na kami madalas magkausap. Hindi naman na niya ako kinukunwentuhan. Parang sasabog na ang puso ko. Nahihirapan na din talaga ako.
Tuwing tanghali kasi ay tumatakas ako papunta sa kuwarto para mag-ayos ng sarili. Gusto kong maghilamos, magpabango at maglagay ng polbo sa likod ko. Pagpasok na pagpasok ko ay huling-huli ko na nakayakap si Jake kay Alden na magkahinang ang mga labi. Naghahalikan sila sa tanghaling tapat at sa mismong kuwarto pa namin at sa oras pang alam ni Alden na darating ako.
Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanila. Si Alden ay nakatingin lang din sa akin. Parang pinag-aaralan niya ang aking ikikilos. Naghihintay ng maari kong reaction. Sa pagkabigla ko ay parang wala akong puwedeng sabihin. May hinala akong sila ngunit hanggang hinala lang iyon at hindi ako nakahanda nang masaksihan nang lahat ng iyon. Dati nga, kaya kong supilin ang hinalang iyon sa isip ko ngunit sa nakita ko, paano ko ngayon dudugasin ang sarili kong may relasyon nga sila?
Napaupo ako sa kama ko. Hindi ko kasi alam ang dapat kong gawin? Wala naman akong karapatan na sigawan sila dahil hindi naman na naging malinaw kung ano kami ni Alden. At anong isusumbat ko? Na niloko niya ako? Anong sasabihin ko? Manloloko siya? Two timer siya? Na walang hiya siya dahil ginawa niya sa akin iyon? May karapatan ba akong murahin siya? Pero ang tanging alam ko ay masakit na makitang may kahalikan siya sa mismong kuwarto namin. Masakit parin palang mapatunayan ang matagal ng hinala. Ang tanging nagawa ko ay lumuha. Iyon naman lagi ang ginagawa ko mula no’n. Ang umiyak ng umiyak ng umiyak. Lagi akong nasasaktan. Lagi akong pinagpapalit sa iba at awang-awa ako sa sarili ko. Tinignan ko sila at nakita ko sa ngiti ni Jake na nagtagumpay siya ngunit iba ang tingin sa akin ni Alden. Nang nagmamadali akong lumabas ay hinawakan niya ang kamay ko.
“Please, huwag kang lumabas. Magapapaliwanag ako. Makinig ka! Please! Sandali lang!”
Isang malakas na suntok sa sikmura ang pinakawalan ko. “Huwag na huwag mo akong kausapin! Mga hayop kayo!”
“Mag-usap tayo, sandali lang.” sapo niya ang kaniyang sikmura. Namumula ang kaniyang mukha dahil siguro, nahihirapang huminga dahil nanigas ang sikmura niya.
Nilingon ko siya. Gusto ko pang magsalita. Gusto kong isambulat ang naipong sakit sa dibdib ko ngunit sa huli mas naisip kong wala naman talaga akong karapatang magalit. Ano ba kami? Hindi ko dapat siya sinuntok, hindi ko dapat siya sinigawan dahil kahit saang anggulo man tignan, hindi ko siya pag-aari. Wala akong pinanghahawakang katibayan na may relasyon kami. Nang makabunot ako ng ilang malalim na hininga at alam kong natuyo na ang luha ay binuksan ko ang pintuan at iniwan sila. Lumayo ako sa kuwarto, umiwas sa mga alam kong makakasalubong ko. Gusto kong mapag-isa kahit ilang minuto lang muna.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago umattend ng klase. Pagpasok ko sa silid-aralan namin ay nalingunan kong wala si Alden. Naroon si Jake sa kanilang classroom nang mapadaan ako dahil nagtama ang aming paningin. Siya ang nagbaba ng kaniyang paningin dahil siguro nakita niya sa aking mga mata ang pagpupuyos. Ngunit wala si Alden, hindi siya kahit minsan lumiban sa aming klase. Tinanong ako ng paring instructor namin kung nasa’n siya ngunit hindi ako makaisip ng idadahilan kaagad-agad. Inulit ng instructor ang kaniyang tanong at sinabi ko na lamang na masama ang kaniyang pakiramdam. Patawarin sana ako ng Diyos sa aking pagsisinungaling. Ngunit naisip ko, mas malalala pa ba sa ginagawa kong pagsisingungaling sa aking sarili? Mas malala ba ang ginawa kong pagsisinungaling sa mali naming nakagawian nina Alden at Jake?
Nang nagkaroon kami ng break na labinlimang minuto ay naisipan kong magpahangin sa may grotto. Tahimik doon, sariwa ang hangin at alam makakapag-isip ako. Naroon pa din kasi ang sakit na aking naramdaman. Walang pumasok sa utak ko sa aming lecture kanina. Nakatingin ako sa aming instructor ngunit siya ang nakikita ko. Naririnig ko ang mga sinasabi niya ngunit wala akong naiintindihan. Si Alden ang laman ng aking utak.
“Puwede ba tayong mag-usap?”
Lumingon ako. Si Jake. Hindi ako sumagot ngunit hindi din ako umalis. Ibig sabihin handa kong pakinggan ang kaniyang sasabihin.
“Mahal mo ba si Alden?” tanong niya sa akin. Diretsuhan, walang paligoy-ligoy.
“Ikaw, mahal mo siya?” balik tanong ko.
“Mahal ko siya. Kung hindi mo siya kayang mahalin, tapatin mo ‘yung tao. Hindi nakakatulong sa kaniya ang ginagawa mong ganyan. Hindi naman kayo pero kung umasta ka o kaya kung nakikita mo kaming dalawa, daig mo pa ang tunay na dyowa.”
“Anong karapatan kong tapatin pa siya e nakikita kong kayo na.”
“Balita ko, matalino ka. Bakit hindi mo magamit ang katalinuhan mo sa pagdedesisyon kung ano nga ba talaga ang gusto mo. Sa ginagawa mong ganiyan marami kang napapaasa at nasasaktang tao. Baka isang araw pagsisihan mo lahat ng ito.”
“Kung magsisi man ako, huwag kang mag-alala, hindi ako hihingi ng kumpisal sa iyo. Lalong hindi din ako maging abala sa napakaperpekto mong buhay. Ano bang gusto mo sa akin? Nasa sa’yo na si Alden, ano bang pinagkakaganyan mo?”
“Totoo nga pala, mahirap kang kausap. Iprokrito! Takot ko lang baka totoo din ang hinala kong user ka!”
“Huwag kang magsalita ng ganiyan dahil hindi mo ako kilala.”
“Paano kita makikilala e, pati yata sarili mo hindi mo kilala?”
“Tigilan mo ako, Jake. Wala kang alam sa akin. Inagaw mo na sa akin si Alden, ta’s pati buhay ko gusto mong panghimasukan? Wala kang pinagkaiba sa amorseko, mahilig sumabit sa damit ng kahit sinong madikitan niya.”
“Inagaw ko sa’yo si Alden? Bakit ko aagawin ang isang bagay na hindi naman sa’yo? Saka ang lalaki hindi yan katulad ng mga isang bagay na puwede lang agawin, kusa yang lumalapit at naghahanap ng mas nakakapagbigay sa kanila ng ligaya at pagmamahal. Mukha ka namang masarap e, kaso masyado ka lang maraming kaartehan sa katawan. Para ka lang durian, masarap sana kaso umaalingasaw ang baho ng palpak na diskarter mo.”
“Alam mo ikaw, kahilera mo sa hitsura sina Jake Cuenca, Piolo Pascual at Gerald Anderson kaya lang ‘te, ugali mo, daig pa ang pinagsamang Lolit Solis at Annabelle Rama. Nanahimik ako kaya puwede tigilan mo ako.” Napikon na talaga ako kaya bago maubos ang pasensiya ko ay minabuti kong iwanan na lang siya.
Kinagabihan, nakita kong naka-empake na ang ilan sa mga gamit ni Alden. Nagulat ako sa ginawa niya ngunit wala na akong pakialam sa kaniya o sa kanila. Ilang sandali pa ay dumating si Jake. Ako naman ay nahiga na at hinayaan kong umagos uli ang luha. Naisip kong baka lilipat na siya ng kuwarto. Sinusundo na siya ni Jake.
“Huwag mong gawin ito, Den.” umpisa ni Jake.
Naghihintay ako ng sagot ni Alden ngunit nagulat ako nang may umupo sa kama ko. Hindi ko nilingon.
“Puwede bang mag-usap tayo?” si Alden. Sa nakikiusap na tono ng boses.
Hindi ako nagsalita. Mas pinili kong magkunyariang tulog. Gusto kong magpakamanhid na lang. Gusto kong tumakas sa sakit katulad nang ginawa ko noon kay Aris. Alam kong mas makakayanan ko ang pagkawala sa akin ni Alden dahil nakayan ko nga kay Aris, siya pa kaya?
“Mag-usap naman tayo.” Naroon pa din ang pakiusap ngunit mas mabigat na ang bawat bitaw ng kaniyang salita.
Hindi pa din ako sumagot.
“Rhon, alam kong gising ka. Gusto kong mag-usap tayo ngayon din.” maawtoridad ang boses niya.
“Hindi na dapat pa tayong mag-usap.” Napilitang sagot ko.
“Wala kang karapatang diktahan na ako ngayon kung anong dapat at hindi dapat.”
Bumangon ako. Naroon ang pagpupuyos sa aking dibdib kaya matalim ang mga mata kong tumingin sa kanilang dalawa.
“Anong sasabihin mo? Anong gusto ninyong pag-usapan? Anong gusto ninyong ipaliwanag sa akin?”
“Mali ang iniisip mo tungkol sa amin ni Jake. Yung naabutan mo kanina, it’s not really what you think?
“Mga gasgas na linya sa mga pelikula. Kapag nahuling may ginagawa ang isa, sasabihin ng nanloko na, “it’s not what you think”. E, anong dapat isipin ng nakahuli sa ginagawa ng nahuli sa akto? Naglalaro lang sila? Ooops! Joke lang ang lahat? Pero dahil hindi naman talaga tayo, kaya huwag kang mag-alala, wala akong iniisip.”
“Oh my God Rhon! Puwede bang bawasan mo ang sinasabi niyan na galing diyan!” Tinuro niya ang bunganga ko at nang utak ko. “Baka naman paminsan-minsan, pakikinggan mo muna ang tinitibok nito bago ilabas niyan!” Tinuro niya ang puso ko pagkatapos ay nang bibig ko.
Napabuntong-hininga ako. Minabuti kong patapusin kung ano ang gusto niyang sabihin. Ngunit nang marinig ko ang lahat ay kasabay naman niyon ng kaniyang desisyon. Isang desisyong kailangan kong manindigan. Desisyong malaki ang magiging epekto sa aming kinabukasan.
ENJOY AND PLEASE LEAVE YOUR COMMENTS