kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
Sa ilang buwan na magkasama kami ni Alden sa iisang kuwarto ay siya ang madalas lumalapit at suyuin ako. Sobrang pinadama niya sa akin na kahit hindi ko siya napapansin ng siya ay matiyaga niyang ipinapakita ang kaibahan niya kay Aris. Ngunit nauna si Aris sa buhay ko. Bahagi siya ng malaking porsyento ng nakaraan ko at parang hindi ganun-ganon lang kadaling bigyan ng puwang si Alden.
“Uyy! Ang gara naman ng ayos ng buhok at porma…katulad na katulad talaga…”
“NI ARIS!” sigaw niya sa mukha ko. Iyon talaga dapat ang sasabihin ko ngunit inunahan na niya ako sa pagbanggit sa pangalan iyon.
“Galit ka ba?” tanong ko.
Hindi siya sumagot. Lumabas siya ng kuwarto. Patapos na noon ang unang taon namin. Magsesecond-year na din kami. Malapit na noon ang finals at noon ko naisip, halos isang taon na palang araw-araw kong nababanggit si Aris sa kaniya. At noon ko lang siya nakitang nagalit at nanigaw ng ganoon. Noon lang niya ako tinignan ng matalim bago lumabas ng kuwarto. Naiwan ako doong napaupo sa aking kama at muling binalikan ng alaala ang ilang buwan na din niyang paghihintay.
Isang gabi noon habang nilalaro niya ang mga daliri ko at nakaunan ako sa kaniyang tiyan.
“Mahirap lang kami. Ulila ako sa ama. Nanay ko labandera lang din. Lumaki din ako halos sa kumbento dahil aktibo ako sa pagtulong sa kahit sinong pari na madestino doon.” Pagsisimula niya.
“Talaga. Halla, parang si Aris ganyan na ganyan din. Ang pinagkaiba lang ninyo ay may nanay ka. Siya kasi ulilang lubos na. Kaya buong buhay niya sa kumbento na siya tumira.”
“Ah, talaga? Puwede bang buhay ko na muna pag-usapan natin?” tumingin siya sa aking mga mata. Nakangiti.
“Sige. Tuloy mo. Pasensiya na.”
“ Kahit naghihirap kami pinalaki kami ni nanay na palasimba kaya siguro iyon ang dahilan kumbakit naging pangarap na niya na sana magkaroon ng anak na pari. Iyon lagi ang sinasabi ni nanay, na sana, maging pari na lang ako. Wala akong pampaaral sa sarili ko pero dahil sabi nila matalino naman ako ay tinulungan ako ng simbahan at nang pari sa amin na makatapos ako ng pag-aaral. Hanggang napagdesisyunan ng lahat na sayang ang katalinuhan ko at kabaitan kung hindi ko ipaglilingkod sa simbahan.”
“Yung pari ba na sinasabi mo ay hindi humingi ng kahit anong kapalit sa tinutulong niya sa iyo?”
“Hindi naman. Wala. Mabait lang talaga yung paring ‘yun.”
“Eh kasi may tumulong na pari kay Aris din noon…”
Nakita kong hininto niyang himas-himasin ang mga daliri ko. Tinignan ko siya. Binaling niya sa iba ang kaniyang mga tingin.
“Sige, tuloy mo ang kuwento mo.” Sabi ko at ako naman ang kumuha sa mga daliri niya at pinisil pisil ang kaniyang hinlalaki.
“Alam mo bang pangarap ko sana maging abogado o kaya inhinyero? Kaya lang wala akong ibang option. Paano ko sasabihin sa mga umaasa at nagpapaaral sa akin na hindi ko talaga pangarap ito? Gusto kong umasenso ang pamilya ko. Gusto kong maibigay ang pangarap ni nanay sa akin. Gusto kong mabayaran ang utang na loob ko sa mga tao at paring tumutulong sa akin at ito, sa paraang ito lang ang alam kong puwedeng gawin para magawa ko iyon.”
“Bakit hindi mo subukang sabihin sa kanila? Si Aris nga nagawan niya ng paraan na makatapos na hindi umasa sa pari? Kaya alam ko, kaya mo din ‘yun.” Mabilis kong sinabi iyon kaya huli ng makita ko siyang napailing.
“Dati naman pinangarap ko talaga maging pari, noong high-school ako. Kaso nang tumuntong ako ng third year college ay biglang nagbago ang gusto kong tahaking landas. Wala kasi akong makitang sign na ito nga talaga ang gusto kong gawin sa buong buhay ko. Wala na sa puso ko ang pagpapari. Gusto kong maging isang mahusay na abogado o isang inhinyero ngunit lahat ng nagpapaaral sa akin ay umaasang magiging isa akong mahusay na alagad ng Diyos. Di ba puwede naman akong magsilbi sa Diyos na hindi ko na kailangang maging pari? Puwede kong tulungan ang mga taong naaapi, mga taong nakukulong na walang kasalanan? Di ba puwede ko din ipalaganap ang salita ng Diyos at maging aktibong kasapi sa simbahan kahit hindi ako pari?”
“Puwede naman. Kaso iba parin talaga kung pari ka. Pero ikaw lang naman kasi ang makakapagdesisyon para sa sarili mo. Walang ibang puwedeng magbago sa buhay sa paraang gusto mo kundi ikaw lang din. Kaya pag-isipan mong mabuti kung saan ka ba talaga masaya.”
“Alam mo bang ikaw ang isa sa dahilan kaya hindi ako sumusuko dito? Kaya kahit papano nagiging makabuluhan ang bawat araw ko kung nakikita at nakakasama kita. Hindi ko ramdam ang pagkabagot, hindi ko napapansin ang paglipas ng araw. Masaya akong nakikita ka sa labas kahit hindi tayo nagkakasama. Makita ko lang na nakangiti ka sa akin, kumpleto na ang araw ko. Ano pa kaya kung mga ganitong gabi na yakap kita o nahahalikan. Sana mahalin mo ako ng tulad ng pagmamahal mo kay Aris. Sana makita mo ako ng ako at hindi siya ang nakikita mo sa akin.”
“Nasa seminary tayo kaya hindi yata puwedeng mangyari ang gusto mo.”
“Bakit hindi puwede? Ginagawa na natin ngayon ang ginagawa ng magkarelasyon. Kulang na lang iyong sabihin mo na mahal mo din ako. Pakiramdam ko nga lalo tayong nagkakasala sa ginagawa natin sa loob. Para natin binababoy ang simbahan nito.”
“E di mas lalo na tayong nagkakasala kung gusto mong maging official na tayo. Tama na muna ‘to. Masaya naman tayo e.”
“Mas masaya sana kung tayo. Hindi mo ba ako mahal? Kasi ako mahal na mahal kita.”
“Salamat po.”
“Ganun? Salamat lang?” nilayo niya ang palad niya sa mga kamay ko. “Sige na, matulog na nga tayo. Maaga pa tayong magising bukas.
“Pinapalipat mo ako sa kama ko?”
“Hindi naman sa ganoon, ikaw lang naman nasusunod sa atin e. Kung saan mo gusto e di doon ka. Wala naman nasusunod na kagustuhan ko kaya ikaw kung saan mo gustong matulog.”
Niyakap ko siya. Nang una tinanggal niya ang kamay ko. Tumalikod ako.
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin ilang sandali lang mula nang tumalikod ako.
“Hindi kasi kita kayang tiisin kaya ako nahihirapan ng ganito.” Paanas niyang sinabi sa aking tainga.
Maiidlip akong nakangiti.
Iyon ang naalala kong mga tagpo sa amin noon. Dama ko kung gaano siya nasasaktan sa mga ginagawa ko, idagdag pa ang katotohanang napipilitan na lang siyang gawin ang isang bagay dahil mas nakakarami ang nangangarap na magiging isang mahusay siyang pari. Iyon bang pakiramdam niya ay siya lang ang may gusto pero lahat ng taong nakapalibot sa kaniya ay iba ang gustong ipagawa sa kaniya at para sa nakakarami, kahit gaano kasakit na isuko ang pansariling kagustuhan ay ginawa niyang pumasok sa seminary. Mahusay nga naman talaga siya sa kahit saang larangan. Siya ang isa sa mga pinakamatalinong seminaryo.
Pati sa relasyon namin, hindi rin niya kayang ipilit ang gusto at sumusunod lang siya sa kung ano ang gusto ko at kaya kong ibigay. Alam kong mas nahihirapan siya sa sitwasyon namin. Mahabang panahong nanahimik siya. Tiniis niya lahat kahit alam kong nasasaktan siya sa tuwing si Aris pa din ang bukambibig ko kahit siya ang nasa harapan ko. Ilang buwan siyang hindi nagreklamo. Ngunit kahit gaano pa kabait ang isang tao ay dumadating din sa puntong mauubusan na siya ng pasensiya.
. Alam kong napuno na siya at wala na siyang pagsisidlan pa ng pang-unawa sa akin. Nagsawa na din siya sa katatanong kung ano nga ba talaga kaming dalawa. Siguro, tuluyan na nga din siyang naniwalang walang magiging kami ngayon at lalong hindi magiging kami sa hinaharap. Gamitan. Iyon ang alam kong tumatakbo sa isip niya lalo pa’t sa tuwing sinasabi niya noon na mahal niya ako, ang laging tugon ko ay salamat po. Hanggang sa napagtanto niyang solohin na lamang ang nararamdaman at huwag nang umasa na may patutunguhan ang sa amin.
Nang nagtanghali ay sinikap ko siyang senyasan sa pamamagitan ng pagpupunas sa nguso ko ngunit hindi siya pumansin. Parang wala siyang nakita ngunit nag-asume ako na susundan niya ako. Tatlumpong-minuto na ako sa loob ng kuwarto namin at labinlimang minuto na lang ay matatapos na ang break ngunit wala pa siya kaya nagdecide na akong lumabas.
Lalo akong nag-init nang makita kong kausap lang pala niya si Jake. Ang matagal ko ng napapansin na lagi niyang kasama na barkada daw niya ngunit may kakaiba akong nararamdaman sa kanilang dalawa. Naisip ko, puwes, mamayang gabi magtutuos tayo. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam na ako ng selos sa kanila. Ayaw kong maniwalang nahulog na ang loob ko kay Alden ngunit ganitong-ganito ang naramdaman ko noon kay Aris. Ganitong-ganito ang tibok ng aking puso, nang inis noong may kasama siyang iba nang recess namin noong high school palang kami. Mahal ko na ba si Alden?
Kinagabihan ay hinintay ko lang na magiging tahimik ang lahat. Nakahiga na siya sa kama niya noon. Tahimik at nakatalukbong. Alam kong gising pa siya. Ayaw lang niya ako kausapin at imikan.
“Mag-usap nga tayo.” mahina ngunit galit kong sinabi. Hinila ko ang nakatalukbong niyang kumot. Tinignan ako ng masama saka niya muling nagtalukbong.
“Sabi ko mag-usap tayo.” Muli kong tinanggal ang kumot.
“Ih! Ano ba! Tungkol san? Tungkol kanino…kay Aris?” bumangon siya at pumuwesto ng upo.
“Bakit napasok si Aris dito?”
“Di ba nga wala ka ng ibang bukam-bibig kundi si Aris? Kahit yata ako napagkakamalan mong si Aris na.”
“Tungkol sa iyo at kay Jake.”
“Anong tungkol sa amin?”
“Kayo ba?”
“Ohh, come on…kami ni Jake? Gumagawa ka ba ng pag-usapan? Alam mong kaibigan ko si Jake. Sa kaniya na nga lang ako nakikipag-usap ng kahit ano sa mundo at hindi iisa ang subject tulad ng sa iyo. Aris… Aris… Aris..nakakasawa at walang kamatayang Aris! Kahit nagkukuwento ako ng buhay ko, nagagawa mo paring isingit si Aris sa usapan natin.”
“Bakit ba pilit mong isinisingit si Aris sa usapan natin ngayon!”
”Dahil sa Aris na iyan nag-uugat ang lahat ng ito. Dahil siya ang lagi mong nakikita sa akin….dahil siya laging laman ng kuwento mo…dahil nagseselos ako sa wala dito at higit sa lahat dahil alam kong siya parin ang mahal mo!”
“Iyon na nga eh, kailangan mo bang magselos sa nakaraan ko? Kailangan mo bang makipagkompetensiya sa taong may asawa na at wala dito ngayon?”
“Alam mo, simple lang sana naman ang sagot diyan e, HINDI! Hindi ko dapat sanang pagselosan yung nakaraan mo, hindi ko dapat pagselosan iyong may asawa na at wala dito pero alam kong alam mo na hindi ko masasagot iyon ng ganoong sagot dahil ang totoo niyan ay OO. Nagseselos ako sa kaniya. Wala akong karapatan sa iyo Rhon. Hindi tayo. Ayaw mong i-commit ang sarili mo sa akin. Pakiramdam ko, gamitan lang tayo sa ‘lang-hiyang sex. Ni hindi ko alam kung ano ako sa’yo. Masakit sa akin na alam mong mahal kita ngunit ako, hindi ko alam kung ano ako sa iyo. Ginagamit mo akong pantapal kay Aris o kaya pangkamot kapag kinakati ka. At alam mo kung bakit. Ngayon, huwag mo akong matanong-tanong kung bakit kailangan kong magselos sa nakaraan mo dahil ni hindi ko alam kung ako ba ang kasalukuyan mo!”
Hindi ako umimik. Alam kong tama siya.
“Alam ko namang alam mo eh pero kailangan kong sabihin sa iyo dahil gusto mong marinig na alam ko din ang alam mo.” Pagpapatuloy niya. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata. Pinipigilan niya ang tuluyang pagluha.
“Hindi mo ako mahal. Nakikita mo lang ang katauhan ni Aris sa akin. Gusto mong ako ang Aris na nasa utak mo. Pero sana malaman mo kahit kailan hindi eh, ako si Alden. Iba si Aris kay Alden. ‘Tagal kong nanahimik. ‘Tagal kitang inunawa. Akala ko kung mananahimik ako darating yung panahon na maisip mo at matanggap na ako ito. Hindi kahit kailan magiging siya ang ako. Kailan mo ba maisip na sinasaktan mo na ako? Hanggang kailan mo bubuhayin si Aris sa katauhan ko?
“Iyon ba ang akala mo?” gusto kong magsinungaling para kahit papano ay maibsan ang nararamdaman niyang sakit. Tuluyan niyang ginigising ang mali kong pagturing sa kaniya. Tumatama ang lahat sa kaibuturan ng aking puso.
“Lupit mo! Tagal kitang binigyan ng panahon na marealize mo kung ano ba ako sa iyo at kung sino si Aris at Alden sa buhay mo. Napakatagal kong nagiging tanga. Masarap nga namang maging tanga dahil sa tindi ng ginagawa natin sa kama. Masarap nga din magpakamanhid dahil sobrang gwapo at sulit naman sa galing sa kama ng kasiping ko. Ngunit sana gano’n lang kasimple iyon eh. Pero yung ikumpara mo ako araw-araw sa kaniya at iyong siya lang lagi ang nasa kuwento mo at hindi mo na ako napapansin pa..’yun…’yun ang sobrang sakit. Kaya huwag mong ibaling sa amin ni Jake ang problema. Wala sa amin ang problema, Rhon, nasa sa iyo.|
Dahil sa narinig kong iyon ay natauhan ako. Tama siya.
“Anong gusto mong gawin ko ngayon?” tanong ko. Gusto kong marinig kung paano ko maitatama ang mga nagawa kong pagakakamali sa kaniya.
“Tinatanong mo ako kung anong gusto ko? Baka mas mainam na tanungin mo ang sarili mo kung sino ba talaga ang gusto mo? Pasensiya ka na Rhon, pero mas mainam na alamin mo muna sa sarili mo kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo bago mo ako tanungin kung ano ang gusto ko. Hindi na mahalaga pang pag-usapan kasi dito kung ano ang gusto ko. Mas mainam na pag-isipan mo kung ano nga ba ang gusto mo.”
“Paano ko maayos ito kung ayaw mong sabihin sa akin.”
“Matalino ka eh! Dapat alam mong gusto kong ipaintindi sa’yo! Gusto kong ayusin mo muna ang sarili mo. Pag-isipan mo kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo dahil hindi ka makakagawa ng tama para sa iba kung sarili mo ay hindi mo alam kung ano nga ba ang nais mo. Bumalik ka na sa kama mo. Gusto ko nang magpahinga.” Pagkatapos no’n humiga na siya, tumagilid patalikod sa akin at nagtalukbong.
Magmula noon ay hindi na niya ako pinansin. Binigyan ko na rin lang siya ng laya hindi para tuluyan siyang kalimutan kundi gusto kong hanapin siya sa puso ko. Gusto kong siya na ang nakikita ko at hindi si Aris. Mabuti siyang tao. Wala siyang kasalanan para gamitin ko ng ganito.
Naisip ko na siguro naging mabilis lang ang pangyayari. Hindi ko na muna hinintay na maghilom ang sugat na likha ni Aris sa puso ko at tumalon ako sa isang pagtitinginan na ang mahal ko ay si Aris parin. Isang Linggo na lang at bakasyon na. Iyon ang pagkakataong hindi ko makikita si Alden at ang mga panahong magkalayo kami ay subukan ko siyang hanapin sa puso ko. Subukan kong palayain na nang si Aris sa puso ko at papasukin si Alden.
Gabi bago ang bakasyon..
“Puwedeng tumabi?” paalam ko sa kaniya habang nakatihayang tanging boxer short lang na puti ang suot.
Hindi siya umimik pero umusod siya. Binibigyan niya ako ng puwesto. Tumabi ako. Tumihaya. Nakiramdam. Lumingon ako sa kaniya. Nakatingin siya sa kisame. Malungkot. Nang bawiin ko ang aking tingin ay nilingon niya ako. Nagtama ang aming mga mata. Nanatiling walang gustong magsalita. Bahagya kong inilapit ang labi ko sa labi niya. Tumitig lang siya sa akin. At ilang saglit pa ay tuluyan ko ng nilapatan ng matamis na halik ang kaniyang mapupulang labi. Nang una ay hinayaan lang niya ako ngunit nang naglaon ay hinawakan na din niya ang aking batok at muling nag-init an gaming mga katawan. Ginalugad ng kamay ko ang kabuuan ng kaniyang katawan. Tinulungan niya akong hubarin ang aking sando at boxer short hanggang sa tuluyang sinakop ng init ng aming katawan ang lahat ng di namin pinagkakaunawaan. Pinagsaluhan namin ang pinakamainit naming pagniniig. Nilasap namin ang sarap ng pinagbawal naming langit. Mas mapusok. Mas mainit ngunit naramdaman ko ang igting ng kaniyang pagmamahal. Alam ko nang gabing iyon ay siya na ang lalaking humahagod ng halik sa aking likod. Siya na ang nagbibigay ng kakaibang sarap at kiliti sa aking kabuuan. Naroon ang kakaibang pagsinta kasama ng maluwalhati naming pagpaputok ng rurok ng sarap. Bago ako iginupo ng antok ay ikinulong ko siya sa aking mga bisig. Tanda ng aking pagmamahal. Ngunit hindi ko pa iyon nasasabi. Hindi pa ako handang sabihin na bukod kay Aris, naroon na siya sa puso ko. Mahal ko na rin siya.
Kinabukasan ay wala siyang imik. Nakiramdam ako. Maingat niyang sinilid ang kaniyang mga naiiwan pang damit sa luma niyang bag. Pilit niyang isiniksik doon ang kaniyang mga gamit.
“Gusto mong hiramin itong isang bag ko?” pambabasag ko sa katahimikan.
“Okey lang. Nagkasya ito nang dumating ako dito, wala naman akong dinagdag na gamit kaya sigurado mapagkakasya ko din lahat ngayon. Kung sana puwede ko lang ibagahe yung naipon dito sa dibdib ko na sakit at lungkot, sana hiramin ko yung isang bag mo baka sakali mas madali sa akin ang paghinga. Bakit ganun? Pumunta ako dito na dala lang ang isang pangarap para sa mga taong umaasa sa akin, bakit ngayon at uuwi ako, napakabigat ng pakiramdam ko.”
Hindi ako nagsalita. Niyakap ko siya.
“Gusto mong sumabay na lang sa akin? Susunduin ako ng tito kong pari. Idadaan ka na lang namin sa paradahan ng bus sa Cubao papuntang Pampanga.”
“Huwag na, nasabi ko na kay Jake kahapon na sa kaniya na lang ako sasabay.”
Natabangan ako sa sagot. Tinanggal ko ang aking pagkakayakap. Hindi na ako nagsalita. Kinuha ko na ang bagahe ko at walang imik na tinungo ang pintuan.
“Ganu’n na lang iyon? Basta ka na lang aalis?” pahabol niya.
“Di ba nga sasabay ka kay Jake?” hindi na ako lumingon. Bahagya lang akong huminto. Nang bubuksan ko na sana ang pintuan ay pinigilan niya ang kamay ko. At sa isang iglap ay naramdaman ko ang kaniyang labi sa aking labi.
“Mag-iingat ka. Mamimiss kita Rhon. Alam mong mahal na mahal kita. Huwag ka ng sumagot. Alam ko. Basta ingat ka lagi. Kita-kits na lang next school year.” Yumakap siya sa akin.
Binuksan niya ang pintuan. Ngumiti sa akin pero halata ang lungkot sa kaniyang mga mata. Nang lumabas ako ay agad na niyang isinara ang pinto. Minabuti kong umalis na din lang.
Sa kumbento kung saan nadestino si tito ako tumuloy at doon ko balak gugulin ang buong bakasyon. Dumating ako at pinakiusapan ko siyang wala munang balita tungkol kay Aris dahil nagsimula nang nagagamot ang galit sa puso ko. Naroon parin ang pilat ngunit magsisilbing mga alaala na lamang ang lahat ng iyon. Ang pilat ng nakaraan at ang tanging naiwan ay ang wagas na pagtatangi sa kaniya. Ngunit sa mga sandaling iyon ay pilit kong isinantabi si Aris. Gusto kong iwanan na siya sa nakaraan. Itago siya doon at harapin kung ano ang kasalukuyan at maaring sa hinaharap. Gusto kong hanapin si Alden sa puso ko. Ninais kong bigyan siya ng lugar doon nang hindi ko siya kailangan ihambing sa aking nakaraan. Iyong solo niya ang trono. Iyong hindi ko na siya ihahambing pa kay Aris dahil totoo nga naman, siya ay siya at si Aris ay si Aris.
Tama ngang kapag hindi mo nakakasama at hindi nagpaparamdam ang taong hindi mo napahalagahan ng husto ay doon mo lang maramdaman ang tunay na kahalagahan niya sa iyong buhay. Sa isang Linggong hindi ko nakasama at nakikita si Alden ay naramdaman kong hinahanap ko siya. Gusto kong madinig ang malutong niyang mga tawa, ang garalgal niyang boses, ang haplos niya sa aking katawan, ang init ng kaniyang labi, ang likot ng kaniyang dila at ang init ng kaniyang katawan. Noon ko lang naisip ang lagkit ng kaniyang mga titig, ang bango ng kaniyang hininga, ang tigas ng kaniyang katawan at ang masuyo niyang paghalik sa aking mata, ilong pisngi na tumatagal sa aking mga labi. Inaamin ko, namimiss ko siya. At sa sulok ng aking puso, naroon siya. Mahal ko na din siya kahit sabihing mas mahal ko si Aris ay naroon si Alden na hindi ko lang pinansin noon.
Isang araw ay nagulat ako nang kinatok ako ni tito.
“Mag-ayos ka anak, may bisita ka naghihintay sa baba?” bungad ni tito sa akin.
Hindi ko alam kung tatanungin ko siya dahil wala akong inaasahang magiging bisita. Nanlamig ako. Hindi ko alam kung paano siya haharapin.