kaplogan,pinoy kaplogan,male to male kwento,kwentong malibog,kwentong kalibugan, hot pinoys planet,emil aniban,pinoy indie films,usapang astig,cute pinoy,cute pinay, OFW,KSA,chatroom,radio online,mensexret,xtube,pinoy xtube,tambayang lonely boys,pinoy radio online, usapang lalake sa lalake,bisexuals,gay,manhunt,pinoy gay blog,gay stories,top gay blog philippines, bromance,hot filipino men,extreme boys,be free forever,bear men,masseur,teaser,Philippines, pinoy gay,tambayan ng ofw,kwentong malibog gay,
by Noypi Boyz
Pag dating sa bahay naabutan ko si Nanay nasa salas at nanoood ng TV, nagmano lang ako at umakyat na agad sa aking kwarto., Inalis ko muna sa gym bag ang mga damit ko kanina nagulat pa ko, tae naman, naiuwi ko pala ang tuwalaya ni Arvin, dali-dali ko yun inilabas dahil sa basa ng bahagya… sa hindi malamang kadahilanan ay inamoy-amoy ko ang tuwalya, kumapit pa doon ang amoy ng sabon at ang pabango no mokong, bigla ko na alala ang ginawa niya sa akin kanina, bahayga akong napangiti. Sinampay ko an gang tuwalya sa likod ng pinto, at isasama nalang sa labahan.
Habang nakahiga ako sa kama naiisip ko ang aking cellphone, dali-dali ko hinanap at naroon lang pala sa bulsa ng gym bag at naka-silent mode iyon. Napansin ko kaagad 20 misscalls at 35 messages. Dali-dali kong binuksan, hindi na ako nagtaka kung kanino nang galing, mula kay Arvin lahat. Puro SORRY ang aking mababasa sa messages niya, biro niya lang naman daw iyon sa akin kanina. Napangiti naman ako pagkatapos ko mabasa iyon lahat. Gusto ko pa sanang pahirapan ang kaibigan ko, kaso naawa naman ako sa kanya kaya ginawa ko nag miss call din ako sa kanya… ayun at wala pang ilang minuto tumawag na sa akin.
Uso noon ang UNLIMTED TXT AND CALL kaya walang problema sa tawag.
Arvin: HE-HELLO? TOL SORRY TALAGA KANINA HA?
Mac: BAKIT MO GINAWA YUN KANINA?
Arvin:K-Kc natuwa lang talaga ako sayo.. may dumi ka talaga sa mukha ,dahil sa pork chop na inihaw kanina may uling sa pisngi mo..(Pautal-utal niyang sabi)
Mac: E bakit may Halik?
(Di agad siya naka-imik)
Arvin: Ganito kasi yun tol, diba nga wala akong kapatid na lalaki, kasi 2 maria sumunod sa akin. Tapos noong magkakilala na tayo parang kapatid na turing ko sayo, kahit nga magka-edad lang tayo pero ginagawa ko yung part ko na pagiging kuya kasi sabik ako magkaroon ng little brother.
(Natameme naman ako sa sinabi niya at natuwa ng palihim)
Mac: SIGE NA OK NA, BATI NA TAYO, hindi na ako galit,next time kasi magpaalam ka papayagan nman kita eh…(sabay kaming nagtawanan sa magkabilang linya)
Arvin: YEEESSS! Bati na kami ni Bestfriend ko.. yahoo!!.
(Pagkatapos naming mag-sapa ni Arvin ay agad akong nakatulog dahil sa sobrang pagod)
FINALS WEEK---- Todo aral kaming dalawa, lalo na sa subject namin na terrorista ang prof. ginawa naming tambayan ang library, halos kilala na kami doon ng mga S.A(student Assistant). Si Arvin ang naging tutor ko sa Mathematics, pinag so-soslve niya ako ng mga advance problems sa books at siya ang mag- che-check pagkatapos, mat’yaga siyang nagturo sa akin, average lang ako sa math pero willing to learn naman kaya hindi rin siya nahirapan sa akin.
Dumating ang araw ng exams, kabado ako na hindi ko maintindihan, wala muna kaming text ni Arvin, nakasanayan na kasi naming magtext muna bago matulog. Natatakot kami bumagsak bukod sa nakakahiya ay sayang ang pera at panahon. Friday 8:30 una siyang natapos sa huling exam namin sa panghuling subject, una din siyang lumabas, bagamat ako ay tapos narin dahil sa napag-aralan at hindi ako nahirapan, ni review ko ulit ang sagot , equation, formulas at noong makasigurado na ako ay ipinasa ko narin ang aking test paper sabay tungo sa labas.Nasa hallway lang pala si mokong hawak-hawak parin ang calculator niya, pagkakita sa akin umalis na kami at inakbayan ko siya at nagpasalamat sa pagtyagang turuan ako dahil di ako nahirapan sa exams.
“Wala yun , madali ka nman kasi turuan” .. Sabi niya sabay ginulo ang buhok ko at umakbay din sa akin. Paglabas namin niyaya ko siyang kumain muna kami sa Jollibee sa may Anonas, sabi ko treat ko sa pagtyaga niya sa akin magturo. Tumango lang siya sabay ngiti..
Pagdating sa Fastfood,nag order na kami, may extra pa naman kasi akong pera dahil matipid naman ako, pag di importante di ko binibili. Sa 2nd floor na kami nakahanap ng upuan, walang imikan habang kumakain dahil naman halos piniga mga utak namin sa mga exams kanina. Hanggang sa naisipan kong itanong sa kanya kung bakit siya naging irregular katulad ko?? Tinapos niya muna ang pagkain niya.
“FINANCIAL PROBLEM tol”, ang sagot niya.
“Huh?” Ang naging recation ko sa sinabi niya, mukha kasing di halata sa kanya ang walang pera sa hitsura at kutis, parang anak mayaman.
“Pwede ko ba malaman? Kung ayos lang sayo?”… dugtong ko.
“TEACHER ang nanay ko sa public school sa Atimonan Quezon at isa ding kagawad sa aming baranggay” panimula niyang kwento.
“Yung tatay ko OFW sa SAUDI kaso biglang napauwi kasi nakaaway daw ang employer niya, tamang-tama pa naman na mag-kokoliheyo narin ang kapatid kong babae na 1- taon lang halos ang agwat sa akin, nagparaya ako tol, kasi naawa din ako sa utol ko, kaya tumigil muna ako kahit isang semester”
Tanging pagtango lang ang naging tugon ko sa mga pahayag niya, “nagtrabaho ako bilang isang delivery boy ng Mineral water refilling station malapit sa lugar ng ninang ko sa Antipolo,” dugtog pa ni Arvin.
Muntik pa akong masamid sa iniinom kong softdrinks nung marinig ko yung huli niyang sinabi.
“HA? ANU? Bakit? Sunod-sunod kong tanong..
“ Kasi kaibigan yun ni Ninang ko ang may-ari noon, mayaman dunsa lugar nila, sabi sasagutin daw nila pag-aaral ko next semester (ngayon semester) at the same time may sahud pa ako. Oh anu nasagot ko na po ba Mr. Espejo?” ang wika niya sa akin.
“ayun naman pala, ang bait naman pala ng kaibigan ng Ninang mo.” Maikli kong sagot.
“Uo, nga tol, kasi kagaya ng Ninang ko wala din silang anak, 20 years ng kasal.. at uo nga pala yang si Ninang ko, Tita ko talaga yan, kapatid siya ng Nanay ko, nasanay na akong tawagin siyang ninang”
“Ang dami naman palang hiwaga sa buhay mo tol”, doon natapos ang usapan naming at tumayo na ako at malayo pa ang uwian ko.. ipina-alala niya sa akin kita kami bukas sa same place sa covered court.. Hug siya sa akin sabay nagpasalamat, at sumakay narin ng jeep pauwi sa kanila, ako naman ay naglakad sa sakayan ng jeep pauwi sa amin.
Badtrip naman si manong driver, bawat pasahero na makita sa kalye hinihintuan, kahit di naman siya pina-para nito. Wala narin kaming magawa kundi tiniis nalang kahit badtrip. Sa inis ko kinabit ko ang headset at nakinig ng music mula sa cellphone ko para malibang. Nabigla ako sa isang kanta na di pamilyar sa akin, sigurado ako hindi ako ang naglagay o nag download noon.
*********ONE FRIEND*******
By: Dan Seals
I always thought you were the best
I guess I always will.
I always thought that we were blessed
And I feel that way still.
Sometimes we took the hard road
But we always saw it through.
If I had only one friend left
I'd want it to be you.
Sometimes the world was on our side
Sometimes it wasn't fair.
Sometimes it gave a helping hand
Sometimes we didn't care.
'Cause when we were together
It made the dream come true.
If I had only one friend left
I'd want it to be you.
Someone who understands me
And knows me inside out.
Helps keep me together
And believes without a doubt,
That I could move a mountain
Someone to tell it to.
If I had only one friend left
I'd want it to be you.
---
Matapos marinig ang kanta, di ko namalayan may namumuong luha sa tagiliran ng aking mga mata, bawat detalye ng kanta sapul talaga sa amin.
11:20 PM na ako nakarating sa bahay, hindi na ako kumain dahil sa busog pa naman ako, nag-toothbrush at naghilamos nalang ako, nasa kama na ako biglang may nag text. Hey!bestfriend tulog kana ba? Si mokong pala. Naalala ko last day na ng unlimited ko kaya naisipan ko narin siyang tawagan. Ang hirap makapasok sa linya. 5 times na yata na attempt ko wala parin,sususko na sana ako ng biglang nag ring narin at successful na tawag ko, kaso si mokong ang tagal sagutin, naisip ko baka tulog na, akma ko ng pipindutin ang end button ng may nagsalita sa kabilang linya.
Arvin: oi, hello bestfriend, sorry nag jingle kasi ako.
Naikwento ko sa kanya na kararating ko lang dahil sa badtrip si manong driver, tawa lang siya ng tawa sa kwento ko. Ng bigla kong naisip yung tungkol sa kanta. Gusto ko malaman kung sa kanya ba galling yun, noong una ayaw pa umamin pero noong kalaunan ay umamin din pagkasabi ko na maganda ang kanta.. sabay bawi na siya daw nag transfer via Bluetooth sa cellphone ko. Sabay nalang kaming nagtawanan.
Matapos noon ay biglang nagseryoso ang boses niya,
Arvin: Tol, talaga bang nagustuhan mo yung kanta?
Mac: uo naman, croos my heart, oh ayan masaya kana? (sarkastiko kong sagot)
Arvin: I LOVE YOU!
(Di agad ako nakasagot parang may bumara sa lalamunan ko sa narinig)
Arvin: tol, dyan ka pa ba?
Mac: Ah- uo nandito pa.
Arvin: Ikaw ha nag I love you lang ako sayo di kana maka imik dyan. Sabi ko I LOVE YOU AS MY FRIEND at LITTLE BROTHER.
Mac: baliw ka talaga syempre alam ko naman yun..(palusot kong sabi)
(Alam ko biro lang yun sa kanya pero bakit ganun, habang binibigkas niya yun bakit parang kinikilig ako? PAKSYET! BAKLA NA BA AKO? Mga agam-agam sa isipan ko).
Arvin: Sige pahinga kana may lesson kapa sa akin bukas, Goodnight bestfriend.
Mac: Ok goodnight see you tom ( at naputol na ang linya)
Halos inabot ako ng 1:00AM kakaisip sa mga nangyayari sa amin, siguro ako lang nagbibigay ng malisya, ERASE! ERASE!.
Kina-umagahan pagdating ko sa covered court ay naroon na si Arvin nag stretching , agad kong tinungo ang C.R upang mag palit ng damit., warm-up ilit at pagkatapos re-cap ng mga past lesson ko sa kanya the previous weeks, kagaya ng pagtututro niya sa aking sa Mathematics, naging matyaga siya sa akin, hanggang sa dumating na ang araw na marunong na talga ako maglaro ng basketball, one-on-one kam, although minsan may mga mali parin, agad naman niya akong pinapayuhan.
ENROLLMENT sa second semester, awa ng Diyos at wala kaming bagsak pareho ni Arvin, kahit doon sa pinaka terror na prof. Totoo nga halos kalahati lang kami sa klase ang pumasa, hindi ako makapaniwala naksama ako sa mga pumasa at sa tulong ni Arvin, napayakap ako sa kanya noong kuhaan ng class card.
This second semester 3- subjects lang kami magkaklase ni Arvin at puro minor subjects lang. Naging routine na naming tuwing sabado na maglaro ng basketball kasama ang mga kaibigan niya kapag walang importanteng lakad.. doon ko narin nakilala mga kaibigan ni Arvin, isa na dito si Mark Jerome or MJ mabait din ito ay maka Diyos pa, walang palya sa pagsisismba tuwing linggo.
Ganun ang naging takbo sa loob ng semester na iyon,hindi naman ako nahirapan sa mga subjects ko dahil nagpapaturo ako kay Arvin or minsan sa kaibigan niya na naging close ko narin na sila Morris at Rey kasama na si MJ. Halos nasa library palagi nakatambay kung hindi man nasa study area naglalaro ng chess.naging kasundo ko sila, pero iba parin talaga ang sa amin ni Arvin, ewan ko kung bakit. Natapos ang second semester na walang abirya. Kaya nman napagkasunduan naming dalawa na kumuha ng summer class para mabawasan ang hahabubulin na subject sa darating na school year.
Hindi sakop ng scholarship ko ang summer class kaya humingi ako ng tulong kay kuya Mike, at binigyan naman ako. Si Arvin naman ay tuluyan ng sinuportahan ng mag-asawa ang pag-aaral niya, natutuwa sila dahil puro matataas ang grades na nakuha nito. Na surprise ako noong mabasa ko name niya, sa kabilang sa mga DEAN’S LISTER, makaka avail siya ng half-scholar, tuwang-tuwa naman ako.
Hindi kami mag-kaklase kahit isanng subject noong summer, pero ayos lang nagkikita parin kami araw-araw, sabay kumakain at umuuwi. Natapos naming ang summer class na masaya dahil pasado kami pareho.
ENROLLMENT na naman ulit 4th year na kami sa wakas! Excited kaming magkakaibigan, at napagkasunduan na sabay-sabay mag-enrol para block section na kaming 5.
Si Arvin ayun at lagi kong katabi kahit wala naman seat plan, marahil ay nasanay narin ako kaya di- na ako nagtaka. Bihira narin kaming mag basketball kasi may pasok ako ng Saturday sa NSTP. (National Service Training Program) kapalit iyon ng ROTC, actually natapos ko naman ang MS11 at MS 12 kaya isang semester nalang kukuhain ko sa NSTP. Medyo nahihiya pa ako noon dahil halos mga kaklase ko ay FRESHMEN may iilan lang din na nasa higher years na, napansin ko doon isa si MJ, tahimik lang, hindi ko na nilapitan pero nakita niya ako at kumaway lang. Sabi ng Coordinator namin ay magkakaroon ng CLEAN-UP DRIVE sa darating na sabado at kailangan maaga sa School.
Matapos iyon ay sabay kaming lumabas sa silid ni MJ, since magkaklase naman kami sa susunod na subject LOGIC CICUIT na terror din ang Prof. si Ms. Atienza na matandang dalaga (nanaman?) naiisipan muna naming mag miryenda sa labas, fishball at nilibre niya ako, si Arvin ay kasalukuyang nasa library pa. Noon lang kami nag-kausap ni MJ na kami lang dalawa, 7 am bukas tol, dapat nasa School na ako, badtrip kasi malayo pa namana ang bahay naming, at kailngan ko gumising ng 5 am para mag prepare, paglalahad ko sa kanya. Nabigla naman siya sa nalaman na malayo pala ang bahay ko.
Sa may di kalayuan napansin ko si Arvin tumatakbo papunta sa direksyon namin ni MJ. Noong makarating na ang mga titig sa akin parang nAgtatanong (bakit kasama mo siya?) nahalata yata iyon ni MJ at nagsalita narin,” Pareng Arvin nagpasama ako kay Mac, kumain muna kami fishball sa labas, tsaka mag kaklase pala kami sa NSTP eh maaga kami pinalabas kaya niyaya ko siya.” Paliwanag ni MJ. Tumango lang si mokong, pero di ngumiti (*selos?? Ayiiieee).
Hindi naman sa pagmmayabang pero itong subject na logic circuit isa sa mga paborito ko at dito ako nag e- excel, dahil narin siguro sa impluwensya ng kuya MIKE sa akin pagkahilig sa electronics at mga gadgets. Tuwing laboratory namin ako ang laging unang nakakapag run ng cicuit using the software MATHLAB. Ewan ko din kung bakit parang ang dali lang talaga. At dahil doon namana ako bumawi kay Arvin, siya naman nagyon ang tinuturuan ko pati yung mga kaibigan namin. Si MJ an gang bumili ng MATHLAB SOFTWARE, ang nanay niya ay OFW sa Italy, at doon kami lahat lalo naging close.
I T U T U L O Y...